You are on page 1of 4

DONYA MARCELA

Buod
Si Donya Marcela ay nag-iisang anak lamang ng isang mag-asawa sa bayan ng Bibilonia. Nang paparaan ang santong
beatikong galing sa simbahan ay sinabihan siya ng kanyang ina na itigil muna ang kanyang panunuklay. Subalit di
nakinig si Donya Marcela at sumagut-sagot pa na siyay pabayaan na lang ng kanyang ina sapagkat sa dami na ng bayang
kanyang napuntahan ay wala pa raw siyang nabasang ganoong uri ng libro (bibliya). Hindi pa man siya tapos sa kanyang
pagsasalita ay nasunog ang kanyang kilay, sunod ang kanyang ulo at hindi nagtagal siyay naging abo.

Mga Tauhan
a. Donya Marcela - itinuturing na hindi masunuring anak dahil sa kanyang pagsagut-sagot sa ina at pagdungaw sa bintana
na ipinagbabawal noong panahon ng mga Kastila
b. Ina - masasabing isang produkto ng Katolisismo sa batayan nila ng pagiging mabuting babae na kawangis ni Birheng
Maria

Mga Isyung Pangkasarian


a. Binary Opposition ng Obedient at Disobedient/Maria at Eba
Ipinapakita lamang nito ang pagiging di masunurin at ang pagdungaw sa bintana ng mga kababaihan noon ay itituturing
na masamang babae ng lipunan. Kayat parang nagkaroon ng blind obedience upang di maparis sa kinahinatnan ni Donya
Marcela na para sa akin ay ginamit na panakot lamang ng Simbahan upang silay sundin ng mga Pilipino.

b. Ang Kamulatan ng Isang Babae ay Kasalanan


Mahihinuha na mulat ang kaisipan ni Donya Marcela kumpara sa kanyang ina nang kanyang banggitin na sa dami umano
ng kanyang bayang naparoonan ay wala naman siyang nabasang ganoong libro na nagsasaad na masama nga ang kanyang
ginagawa.

PINAGDAANANG BUHAY NANG PRINCIPE DON JUAN TEOSO


NA ANAC NANG HARING ARTOR AT NANG REINA BLANCA SA
REINONG VALENCIA AT SAMPO NANG APAT NA PRINCESA NA
ANAC NANG HARING D. DIEGO SA REINONG UNGRIA (DON
JUAN TEOSO)
Buod
Dahil sa pinalaya ni Don Juan ang higanteng ikinulong ng kanyang ama sa kaharian ng Valencia ay pinalayas siya nito.
Dala-dala ang mahiwagang panyo na ibinigay ng higante at habang siyay nakabalat-kayo bilang isang matandang sugatan
ay nagpunta si Don Juan sa kaharian ng Ungria kung saan ay kunupkop siya ng hardinero dito. Dumating ang araw ng
pagpili sa mapapangasawa ng apat na babaeng anak ng hari ng Ungria at si Don Juan ang nakasalo ng Granada ni
Flocerfida, subalit sa galit ni Haring Diego silay pinalayas at nanirahan sa kubo ng hardinero. Isang araw ay nagkasakit
ang hari at ang tanging lunas lang ay ang gatas ng leon at ditoy naggayak prinsipe si Don Juan at ibinigay ang gatas sa
tatlong manugang kapalit ng pagtatak na nagsasabing silay alipin nito. Sunod naman ay ang paglusob ng mga moro at
ditoy natalo ang mga manugang ngunit mabuti na lamang at dumating ang mga higante at silay tinulungan kapalit ng
granada ng kanilang mga asawa. Sa piging na inihanda ni Haring Diego bilang selebrasyon ng kanilang pagkapanalo ay
nakagayak na si Don Juan bilang prinsipe at ditoy natuklasan ang lihim ng tatlong manugang kayat silay pinalayas sa
kaharian ng Ungria. Pinatawad na rin si Don Juan ng kanyang mga magulang at sa huliy maligaya silang nagsama ni
Flocerfida.

Mga Tauhan
a. Don Juan Teoso - nag-iisang anak nina Haring Artos at Reina Blanca

b. Haring Artos - hari ng kahariang Valencia


c. Reina Blanca - reina ng kahariang Valencia
d. Haring Diego - >hari ng kahariang Ungria
e. Flocerfida - bunsong anak ni Haring Diego
f. Juana - panganay na anak ni Haring Diego
g. Laura - ikalawang anak ni Haring Diego
h. Flora - ikatlong anak ni Haring Diego
i. Higante - nagbigay ng mahiwagang panyo kay Don Juan kaya siya kinilalang hari ng kagubatan at nakapagbalat-kayo
bilang isang matandang sakitin

Mga Isyung Pangkasarian


a. Patriarkal na Sistema
Pagiging irasyonal ng pagbilanggo ni Haring Artor sa isang higante na wala namang ginawang masama maliban sa taglay
niyang kapangyarihan na hindi naman niya ginamit sa kasamaan. Sinalungat ito ni Don Juan na ipinapakita sa ginawa
niyang pagpapalaya rito kaya naman bunga nito ay pinalayas siya ng kanyang ama sa kanilang kaharian. Ang kawalan
naman ng boses o awtoridad ng ina ni Don Juan na si Reina Blanca ay kapansin-pansin sapagkat siya ay hindi binigyang
dayalogo sa teksto na pinatunayan ng hindi napigilang pagpapalayas sa kanyang anak.

b. Kawalan ng Boses ng Kababaihan


Sa sitwasyon naman ng apat na prinsesa na anak ni Don Diego ay makikitang itinuturing lamang silang tropeyo at wala
ring kapangyarihan na magdesisyon para sa kanilang mga sarili. Si Flocerfida lamang ang naglakas-loob na tumiwalag sa
malupit na sistemang iyon ng mga katulad nilang nakatataas. Ang tila pagpapatahimik sa mga kababaihang karakter sa
akdang ito ay talaga namang patunay na mayroong opresyon na nagaganap, na naroon pa rin ang pagtingin sa mga
kababaihan bilang mga sex object dahil sa paglalarawan sa kanila at ang pagdomina ng mga kalalakihan na ginagawang
tagapasunod lamang ang mga babae kahit pa na anak o asawa nila ito.

SI TANDANG BACIO MACUNAT


Buod
Ito ay kuwento ng isang pamilya na isinasalaysay naman ni Gervasio Macunat (Tandang Bacio) na isang magsasakang
piniling manatili sa kanyang kinalakihan. Sa akda ay mula pa sa manuskrito ng kanyang ama ang kanyang isinasalaysay
na kuwento ng buhay ng pamilya nina Prospero na isang Indiong nakipagsapalaran sa Maynila subalit napariwara. Ang
kanyang ama na si Don Andres Baticot o Cabesang Dales ang talagang may kagustuhan na siya ay magkaroon ng
edukasyon sa lungsod sapagkat siyay naniniwalang hindi sapat ang kinikita nila sa kanilang palayan para sa hinarap. Ang
pasyang ito ay malabis na tinutulan ng kura-paroko sa kanilang bayan subalit kanila itong sinuway. Sa huli, ang buong
pamilya ay isa-isang namatay dala ng labis na depresyon at paghihirap mula ng mabaon sila sa utang nang dahil kay
Prospero na napariwara.

Mga Tauhan
a. Gervasio Macunat - siyang kausap ng isang pari na napadako sa kanilang lugar; isang katutubong Pilipino na
naniniwalang walang mabuting maidudulot ang pagpunta sa lungsod na kanyang pinatuyanan sa pagbabasa ng manuskrito
b. Prospero/Proper - indio na nakipagsapalaran sa Maynila upang mag-aral subalit napariwa at nilustay ang kayamanan ng
kanilang pamilya at sa huliy namatay sa loob ng bilangguan
c. Felicita/Pili - kapatid ni Prospero na tutol sa kanyang pagpunta sa Maynila
d. Don Andres Baticot/Cabesang Dales - ama ni Prospero
f. Donya Maria Dimaniuala/Cabesang Angi - ina ni Prospero

g. Kura-Paroko - tutol sa nais ni Cabesang Dales na pag-aralin si Proper sa Maynila

Mga Isyung Pangkasarian


a. Sukatan ng Pagiging Mabuting Babae Ayon sa Katolisismo
Ang magandang bigyang pansin dito ay noong mamatay si Pili ay itinuring siyang tila santo ng kanyang mga kababayan.
Ang dahilang ito ay maiuugnay sa pagtutol niya sa pagpunta ni Prospero sa Maynila. Siya lang ang sumang-ayon sa
kagustuhan ng kanilang kura-paroko at namuhay nang naaayon sa mga payo nito. Parang ipinapakita lamang ng akdang
ito ang hindi tahasang pananakot ni Bustamante gamit ang relihiyon upang ang mga Pilipinoy magpaubaya sa kagustuhan
ng Simbahang Katoliko. Inuugnay din si Pili bilang kawangis ng Banal na Birheng Maria dahil sa kanyang pagiging
masunurin at siyay may taglay ding kagandahan.

b. Gender Role ng Lalaki Bilang Tagapagtaguyod ng Pamilya


Sa pasya pa lang na si Prospero ang siyang mag-aaral sa Maynila upang siyang mag-aahon sa kanilang pamilya ay
kakakitaan na ito ng paniniwala nating mga Pilipino na ang mga lalaki dapat ang siyang may tungkuling bumuhay sa
kanilang pamilya

c. Ang Edukasyon ay Para sa Mga Lalaki Lamang


Isang manipestasyon ng patriarkal na sistemang dala ng mga Kastila sa panahong nailimbag ang akdang ito. Makikita ito
sa pagpili kay Proper na pumunta sa Maynila sa halip na si Pili o dili kayay silang dalawa ang siyang pag-aralin.

SI BINIBINING PHATHUPATS
Buod
Si Yeyeng ay mula sa liblib na pook at mahirap lamang kayat siyay nagtitinda ng kakanin, Nang makita si Binibining
Yeyeng ng isang Amerikanong sundalong guro at siya ay hinikayat na mag-aral ng ingles upang sila ay magkaintindihan
di naglaon ay natuto siyang mag-Ingles ngunit barok naman. Di nagtagal ay hindi na siya nagsasalita ng Kapampangan
na siya niyang talagang wika dahil nakalimutan na raw niya ito at ito ay matigas sa dila. Dahil dito kaya siya nabansagang
Miss Phathupats, dahil sa laki ng kanyang balakang na iniipit niya na para siyang isang suman, lalo tuloy siyang
pinagtawanan gayundin sa paglalagay niya ng mga kolorete sa kanyang mukha upang bumagay lamang sa kaniyang kilos.
Minsan may isang okasyon sa Bayang X, kung saan ay dumalo si Miss Phathupats at doon ay pinangalandakan niyang
siya ay di na marunong magkapampangan. Sa huli ay pinagtawanan siya ng mga nakakakilala talaga sa kanya at sa
sobrang inis siya ay napamura sa wikang Kapampangan.

Tauhan
a. Yeyeng/Bb. Phathupats - punung-puno ng kolorete ang mukha; ipinanganak sa isang sulok ng Pampanga, sa
pinakamaliit na bayan nito. Dahil dito, Pilipina si Bb. Yeyeng mula ulo hanggang paa, at kahit sa dulo ng kanyang buhok
ay Kapampangan siya

Mga Isyung Pangkasarian


a. Ang Karunungan ay Hindi Para sa Mga Kababaihan
Kung sa unang tingin ay tila ipinupunto ng may-akda na wag nang mag-aral ang mga kababaihan sapagkat ang
karunungan ay para sa kalalakihan lamang , na ang di magmahal sa sariling wika ay mas malansa pa sa malansang isda,
mas dapat na bigyang pansin na si Miss Phathupats ay isa ring empowered na babae, na iilan lamang ang nakagawa at
nakaabot ng kanyang narating na kalagayan sa lipunan kayat siyay dapat na hangaan tulad ni Donya Consolacion.

b. Masamang Babae ang Masusungit, Palamura at Puta


Sa akda ay mahihinuha na mayroong pagkiling sa kalalakihan ang may-akda nito na si Soto sapagkat tila ipinahihiwatig
niya na sinumang magnais na makapasok sa upperworld ng mga lalaki ay magiging katawa-tawa at bigo lamang.
Inilarawan pa siyang maala-amazona na babae, o dili kayay isang baklang babae dahil sa kanyang makapal na kolorete,
pati na rin sa kanyang pagbebenta ng kakanin. Subalit sa huli, dapat na kilalanin si Bb. Yeyeng bilang isang kahangahanga at maabilidad na babae. Siya ay larawan ng isang matagumpay na buhay laban sa patriarkal na sistema ng lipunan.
Mabuhay siya!

SERVANT GIRL
Buod
Si Rosa ay isang katulong na madalas pagmaltratuhan ng kanyang amo. Siya ay madalas na sinusuyo ni Sancho subalit
ayaw at naiinis siya dito. Sa kanyang paglalakad upang magsampay ng labahan ay may dalawang asong naghahabulan
papunta sa kanyang direksiyon kayat sa takot ay ninais niyang umiwas, ngunit huli na kaya siyay natapilok. Isang
kutsero ang tumulong sa kanya at hinilot nito ang namamaga niyang kanang paa. Nabighani siya dito at araw-araw na
pinapantasya subalit hindi niya natanong ang pangalan nito kayat pinangalanan niya itong Angel. Nang mabasag niya
ang bote ng alak na ipinabili ng kanyang amo, na nabasag dahil kay Sancho, ay pinagmalupitan siya nito nang husto
kayat naisipan niyang maglayas. Sa kanyang paglalayas ay nakatagpo niyang muli ang kutsero, na aksidente niyang
nabato ng bato ang kabayo kaya itoy galit nag alit. Nang mabatid niyang hindi siya kaagad maalala ng kutsero ay nawala
ang paghanga niya dito kayat sa huli ay nagpahatid siya pabalik sa bahay ng kanyang amo.

Mga Tauhan
a. Rosa - isang katulong na madalas pagmalupitan ng kanyang amo
b. Sancho - ang lalaking bastos na madalas sumuyo at umalok ng tulong kay Rosa dahil sa taglay nitong kagandahan;
nang makasabay niya si Rosa sa pagbili nito ng alak ay nabosohan niya ito at nag-init ang kanyang pagkalalaki; siya ang
dahilan kung bakit nabasag ang bote ng alak
c. Angel/Pedro - siyang tumulong kay Rosa nang matapilok ito at naghilot at naghatid na rin sa bahay ng amo nito; sa
ikalawa nilang pagkikita ni Rosa ay hindi niya kaagad ito nakilala
d. Amo ni Rosa - nasa bandang 30s pa lang ang edad; labis magmalupit kay Rosa lalo na kung palpak ito sa kanyang mga
trabaho

Mga Isyung Pangkasarian


a. Ideology of Romantic Love (Babae Bilang Mas Madaling Mahulog ang Loob Kaysa
sa Kalalakihan)
Masasabing nabulag ng ideology of romantic love si Rosa dahil lamang sa tinulungan siya ng kutsero ay inakala na niyang
ito ang kanyang prince charming na siyang mag-aahon sa kanya sa kanyang kalagayan. Wala siyang ibang inisip kundi
kung paano niya muling makakatagpo ang kutserong di niya alam ang pangalan kayat tinawag niyang kanyang Angel.
Ngunit lahat ng ilusyon niya ay naglaho nang sa kanyang paglalayas ay nakita niyang muli ang kutsero, na masama rin
pala ang ugali.

b. Kapwa Babae Bilang Dahilan ng Opresyon


Kitang-kita na ang amo mismo ni Rosa ang siyang nanghihila sa kanya pababa dahil sa mga pagmamalupit nito at
masasabi rin na hindi aware si Rosa sa class oppression na kanyang nararanasan kaya mahihinuhang hindi lamang
kalalakihan ang nagdudulot ng opresyon sa kababaihan. Sa huli, bumalik na lamang muli si Rosa sa bahay ng kanyang
amo at dito ay masasabing walang nangyaring empowerment kay Rosa sapagkat malaki ang posibilidad na patuloy
lamang ang ikot ng kanyang buhay na madalas makaranas ng pang-aabuso mula sa kanyang amo.

You might also like