You are on page 1of 1

Ang Kwento ni Nestor Mata (Nestor Mata’s Story)

Ni Leon Ogaro Ty
Boud:
Ang kwentong ito ay batay sa pagkukwento ng isang mamamahayag na si Nestor
Mata sa panahon ng pamumuno ni Pres. Ramon Magsaysay, bilang Presidente sa
Pilipinas. Ikinuwento niya ang malungkot na pangyayari sa aksidenteng kinabibilangan
niya, at siya ring naging dahilan sa pagkamatay ng Presidente. Ayon sa kanya:
Ika-17 ng Marso, nabigyan siya ng pagkakataon na makasama ang Presidente sa
pagsakay nito sa isang eroplano. Nakaupo ang Presidente sa kabilang banda ng
eroplano, kasama ang ibang opisyales na palagi nitong kasama sa mga paglalakbay sa
Visayas at Mindanao. Ayon kay Nestor, nang makasakay siya sa eroplano ay agad
siyang nakatulog, malaki ang tiwala niya sa piloto nito. Nagising si Mata sa nakakasilaw
na ilaw at agad ring nawalan ng malay. Makalipas ang ilang oras ay binalikan siya ng
malay, at nagising sa gitna ng kagubatan at nananakit ang buong katawan. Nakita pa
niya sa hindi kalayuan ang ibang nasusunog pang parte ng eroplano. Nabuhay ang
kanyang pag-asa ng makarinig siya ng pag-ungol ng isang aso, kaya sumigaw siya at
tinawag ang pangalan ng Presidente at isang reporter na kanyang kilala; ngunit walang
sumagot, kaya napagtanto niyang siya lamang ang nakaligtas mula sa aksidente. Hindi
nagtagal ay nakita siya ng mga rescuers at dinala sa Southern Island Hospital sa Cebu
City. Habang lumalabas sa mga pahayagan at balita sa telebisyon ang mga katagang:
“April 6, 1957–PHILIPPINES Herald Reporter Nestor Mata, the lone survivor in the Mt.
Pinatubo airplane crash in which President Magsaysay and 25 other persons perished,
is still confined in the Veterans Memorial Hospital. He is fast recovering from second
and third degree burns all over his body.” Kahit nandoon na sa ospital ay hindi nawalan
ng malay si Mata, at nagawa pa niyang paki-usapan ang isang nars na isulat sa
kanyang press dispatch paper ang mga katagang: “President Magsaysay is dead.”
Nasambit pa ng doktor na hanggang sa huli ay isa pa rin siyang mamamahayag.
Ang manunulat na si Leon Ogaro Ty ay miyembro ng Board of Directors ng
Development Bank of the Philippines. Inilathala niya ang kwentong ito sa Free Press at
napasama ito sa 1961 na bersyon ng Philippines Prose and Poetry for Appreciation,
Vol. 4 ni A.T. Valero. Isinulat niya ang akdang ito hindi dahil sa may kaugnayan ito sa
kanyang kultura, kundi dahil sa kanyang malaking panananalig sa Panginoon na
ipinakita rin ng mamamahayag na si Nestor Mata ng sabihin nitong kaya siya iniligtas
ng Panginoon mula sa aksidente ay dahil may kailangan pa siyang gawin. Makikita rin
sa iba pang akda ni Leon Ty ang kanyang pananalig at pagpapasalamat sa Panginoon,
bilang pagpapakita na ang mga taga-rehiyon 8 ay relihiyoso.

You might also like