You are on page 1of 18

 ANO ANG PANITIKAN?

        ang panitikan ay ang mainaw na pagsusulat ng may anyo pananaw ang diwang sanhi na matagal na
pagkawili at gana sa makatuwid may hugis punto de bista at makakapagpahaba ng interes na bumabasa ng
isang sulatin pampanitikan.
     Itorin ay nag sasalaysay ng buhay,pamumuhay,lipunan,pamahalaan,pananampalataya at ang mga
karanasang kaugnay ng ibat-ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,kaligayahan,kalungkutan,pag-asa,pag-
kapoot paghihiganti,pagkasuklam,sindak at pangamba

     ETIMOLOHIYA O ETEMOLOGY (PINAGMULAN NG SALITA )

          NAGGALING ANG SALITANG PANITIKAN SA PANG/TITIKAN? O KUNG SAAN KINABIT ANG UNLAING ANG
SALITANG UGAT NA MAY DALAWANG ANYO NG PANITIKAN 

             1. TULUYAN O PROSA (INGLES PROSE) 

-MALUWANG PAG SASAMASAMA NG MGA SALITA SA LOOB NG PANGUNGUSAP ITO AY NA SUSULAT SA


KARANIWANG TAKBO NG PANGUNGUSAP O PAHAYAG.

             2.  PATULA O PANULAAN(ENGLISH POETRY)

-PAGBUO NG MGA PAGNUGNUSAP SA PAMAMAGITAN NG SALITANG BINIBILANG ANG PANTIG SA TALUTOD


NA PINAG TUGMA-TUGMA NAGPAPAHAYAGDIN ITO NG MGA SALITANG BINIBILANG ANG PANTIG AT
PAGTUGMA-TUGMA NG MGA DULONG MGA TALUDTOD SA SAKNONG

             3. KAUGNAYAN SA KALINANGAN.

-NAG UUGAT ANG LAHT NG LIKHANG PANITIKAN MULA SA BUHAY AT NAGLALARAWAN NG KALINANGANG
PING MULAN NITO .

REFLECTION LOG

          dito namin napag aralan ang tungkol sa panitikan ang panitikan ay isang mainaw na paraan sa pag
susulat ng may mga anyo pananaw diwang sanhi na matagal na pag kawili.at dito rin isinasalaysay ang
buhay lipunan pamahalaan pananampalataya at mga karanasan ng mga tao
          at ang isa pa naming pinag aralan ay ang mga itimiolohiya o etemology sito naman sinasabi kung saan
nagmula ang mga salita na ginagamit , at dito naggaling ang salitang panitikan sa pang/titikan? o kung saan
kinabit ang unlaing ang salitang ugat na may dalawang anyo ng panitikan 

Iba't ibang kahulugan ng Panitikan:

Ang panitikan ay nagmula sa salitang "titik", ibig sabihin ay letra. "Panitik" o pantitik na ang ibig sabihin ay
ginagamit sa pagbuo ng mga titik na magkakaroon ng buhay bilang mga salitang magiging bahagi ng sistemang
makabubuo sa iba't ibang anyo ng akda na maglalaman ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa
ng mga tao. (see http://sarisaringngiti.weebly.com/ for free Filipino reference) 

(ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasay sayan ng isang bagay lahi o bansa) 
Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. 

Talaan ng buhay. 

Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang bansa na nasusulat na makahulugan, maganda at masining


na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa ideya, damdamin at isipan ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, galit, pagka-awa, paghihiganti at iba pa. 

Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng


iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba. 

Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng wikang Filipino at inoobserbahan ang mga
tamang pagbaybay, paganism as mga panache,paggamit ng tamang uri ng mga salita o masabi ang
paramagnetism o ang reasonably.. 

Sapagkat dito natin naipapahayag ng ating mga kaisipan,saloobin,mga ideya,kahusayan,talento,diwa at


maibahagi ang ating mga kaalaman. 
Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng wikang Filipino at inoobserbahan ang mga
tamang pagbaybay,paggamit sa mga pananda,paggamit ng tamang uri ng mga salita upang maipakita o masabi
ang nararamdaman o ang reaksyon..

Ang pag-aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay


malalaman, madarama at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang
ating mga ninuno.

Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng
kasalukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating ng may lakas at
talino.

Sa pag-aaral natin ng ating panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday
ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo ng isang
lipunan. (mula sa aklat na Salamin ng Lahi)

Kahalagahan ng Panitikang Pilipino

May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang panlunas
na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang
kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring
mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan,
subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino.
Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan
nilang bansa.[4]

Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng


pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa. [4]

ANO ANG PANITIKAN, ANG URI AT ANYO

PANITIKAN- ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Uri ng Panitikan
1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa
kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento,
nobela at .

2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng
talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan. 

ANYO NG PANITIKAN

1. tuluyan o prosa ( prose) - Paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang


kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga pantig upang magkaroon ng parehong
tunog sa huli ng tauludtod.

2. patula o panulaan ( poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang


binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga
salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod
sa isang saknong.

Mga akdang tuluyan


1. Alamat
1.1 Mga Halimbawa ng Alamat
* Anekdota
* Nobela
* Pabula
* Parabula
* Maikling kwento
* Dula
* Sanaysay
* Talambuhay
* Talumpati
* Balita
* kwentong bayan

Mga akdang patula


o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa
buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
+Awit at Korido
+Epiko
+ Balad
+ Sawikain
+ Salawikain
+ Bugtong
+ Kantahin
+ Tanaga

1. PANITIKAN Ginawa ni: Menchu Lacsamana


2. PANITIKAN
Nagpapahayag ng damdamin, karanasan at panaginip ng sanlibutan na
naihahanay sa mas maganda, makatotohanan at malikhaing pagpapahayag.
3. Mga Bagay na Nakakaapekto sa Panitikan 1. Lipunan at politika
4. 2.Klima
5. 3. Edukasyon at pananampalataya
6. - 4. Ang pook o tirahan
7. 5. Hanapbuhay at tungkulin ng tao
8. 2 Kalagayan ng Panitikan 1. makapagpaliwanag ng kahulugan ng kultura at
sibilisasyon ng pinanggalingan at panitikan
9. 2. napaglalapit ng panitikan ang mga damdamin at kaisipan ng mga tao
upang magkaunawaan

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kurikulum?


Ang kurikulum ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit, paggawa ng banghay-aralin,
mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung anu-ano ang itinuturo ng guro.Ano ang sukatan sa edukasyon
noong unang panahon?Ang sukatan sa edukasyon noong unang panahon ay hango lamang sa karanasan dahil
hindipa pormal ang edukasyon at hindi pa sibilisado ang Pilipinas.natututo lamang ang mga Pilipinosa
pamamagitan ng mga karanasan at nang lumaon ay nahaluaan ng rehiyon ang edukasyonkaya higit itong
naging pormal at pinag-ukulan ng pansin.Ano ang mga nadagdag na aralin sa kurikulum noon bago ang taong
1863?Nadagdag sa kurikulum ang kaalamang pangbokasyonal at pangatahanan. Nasama rin sapang-
elementarya ang pagbasa ng alpabeto, pag-aaral ng mga awitin, at musikang pangrelihiyon at pagsulat. At
halos ang nilalaman ng kurikulum ay tungkol sa relihyon na ang wikang panturo ay wikang Kastila.Ano ang
layunin ng edukasyon noong panahongg bago ang taong 1863?Ang layunin ng edukasyon noong panahong
bago pa lang nasasakop ng kastila ang pilipinasna maturuang bumasa ang mga kabataan subalit higit na
maturuan upang maging huwaran sakabutihanAno ang nakasaad na kautusan pang-edukasyon noong
panahong 1862 hanggang mataposang pananakop ng mga kastila?Ang kautusan pang-edukasyon noong 1863
ang nagtakda na ang edukasyon sa Pilipinas aybubuuin ng elementary,sekondarya at kolehyo. At ang
kurikulum noon ay nababatay sa mgalayunin ng mga Kastila para sa mga Pilipino.Ano ang mga ituturo
sa elementary sa panahong ito?Ang mga ituturo sa elementary sa panahong ito ay pagsulat, matematika,
heograpya,kasaysayan, araling pangrehyon, wikang kKastila,musika, pagsasaka sa maga lalaki atpananasi sa
mga babae.Ano ang mga ituturo sa sekondarya sa panahong ito?Ang itinuturo naman sa sekondarya ay ang
mga dagdag na araling para sa elemntarya at maymataas na paaralang pang-akademiko at pangbokasyonal.

1. ANG PAGLINANG NG KURIKULUM Mas higit na mauunawaan amg kahulugan


at kahalagahan ng kurikulum kung ang mga guro ay nagkakasundo sa tunay na
katuturan ng edukasyon.Pinaniniwalaan ng mga dalubhasasa larangan ng
pagtuturo na ang edukasyon ay isang proseso kung saan ang lipunan ay
naglalaan para sa pagunlad ng mamamayan.kinakailangang paunlarin ang
mamamayan sapagkat siya ang pinakamahalagang sangkap ng lipunan
2. Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama nito ang
sumusunod: 1.ang mga dapat matutunan ng mga magaaral, 2.ang paraan kung
paano tayahin ang pagkatuto, 3.ang katangian ng mga magaaral kung paano
sila matatanggap sa programa, at 4.ang mga kagamitanng ito panturo.
3. Ang pagunlad ng kurikulum sa Pilipinas Ang bawat panahon sa kasaysayan
ng pilipinas ay kakakitaan ng ibat ibang tuon ng kurikulum.
4. 1.Panahon Bago Dumating ang mga Kastila Pagtuturo sa loob ng tahanan ng
mgapangunahing gawain upang patuloy na mabuhay.
5. 2.Panahon ng kastila Sa unang panahon ngkastila, ginamit na paaralan ang
mga kumbento at mga pari ang mga guro.Ginamit nila ang dala nilang mga
akdang dayuhan at isinalin sa wikang katutubo upang palaganapin ang
kristyanismo.Ginamit din nila ang mga isinalin upang turuang
bumasa,sumulat,at bumilang ang mga katutubo.
6. 3.Panahon ng mga amerikano Sa unang panahon ng mga amerikano,naitayo
ang mga paaralang pampubliko,naging guro ang mga kkawal na
amerikano,ginamit nilang aklat at mga dalang babasahin at naging palasak ang
pagsasaling-wika upang ituro ang wikang english.
7. 4.Panahon ng Hapon Nang dumating ang mga Hapon,ipinagbawal ang
pagtuturo ng Wikang Ingles at sa halip ay ang pagtuturo ng Niponggo at ang
pagtuturo ng wikang Filipino.Isinama rin ang pagtatalakay sa patakaran ng co-
prosperity sphere,at pag-aalis ng kaisipang U.S Imperialism.
8. 5.Panahon ng martial law at ng 1986 Rebolusyon Ipinatupad sa panahong
ito ang bilingualeducation,population education at family planning,taxation at
land reform,at pagpapatibay sa pagpapahalagang Filipino.
9. 6.Kasalukuyang Panahon Ang kasalukuyang panahon ay nakilala bilang
panahon ng makina.
10. Pananaw sa Wikang Filipino Ang wikang filipino ayon sa komisyon sa
wikang filipino, ng legal na ahensiyang naatasang mamahala sa patuloy na
paglinang ng wikang pambansa.
11. ''Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
12. INTEGRATIBO Ang mga paksang aralin sa Filipino ay naiugnay sa ibang
mga disiplina at sa tunay na buhay. Nakapaloob din dito ang pagkatutong
nakatuon sa mag-aaral at ang interegasyon ng apat na kasanayan.ang mga
estratehiyang partisibatib,fasilitatib at konsultatib ay mga katangian ng
pagaaral na integratibo.
13. INTERAKTIBO Makikita ang prinsipyong ito kung ang klasrum ng Filipino
ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral upang sila mismo ang magtalakay ng
mga paksa at nagbabahaginan ng maraming kaalaman na umiikot
dito.mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
14. KOLABORATIB Sa prinsipyong ito natutuhan ng mga magaaral ang
paggalang sa kakayahan at opinyon ng iba. Natututo rin silang
magtulungan,magbahaginan ng mga kaalaman, at natututong tumulong mga
kamag-aral sa oras ng pangangailangan.
15. Ang Filipino sa Antas Elementarya Ang asignaturang ito ay lumilinang sa
mga kasanayan sa pakikinig,pagsasalita,pagbasa,pagsulat at pagiisip sa
filipino.saklaw ng mga kasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilatis
mabisang pagunawa.sa pagsasalita namanat,nahahasa ang wastong
pagbigkas,paggamit ng mga pahayag at istrukturang panggramatiko.sa
kasanayang pagbasa nalilinang ang husay sa pagpapalawakng
talasalitaan,pagkilalasa mga salita,pag-unawa at kassanayan sa pagaaralat
pananaliksik sa pagsulat,napapaganda ang ayos ng sulat -kamay,.
16. UNANG BAITANG Inaasahang nakabibigkas nakakabasa ang mag- aaral ng
mga alpabeto at mga simpleng salita nang may wastong tunog.
17. IKALAWANG BAITANG Nakasasabi ang magaaral ng pangunahing diwa ng
napakinggan .nakapaglalarawan ng mga tao,bagay,pook.
18. IKATLONG BAITANG Nakapagsasalaysay ang magaaral ng buod
nanapakinggan o nabasa .nakapagbibigay ng sariling palagay tungkol saisyung
napagusapan.
19. IKAAPAT NA BAITANG Nakapagpapahayag ang mga magaaral ng sariling
ideya at kaisipan tungkol sa mga narinig.
20. IKALIMANG BAITANG Nakapagbubuod ang mga magaaral ng nabasa at
napakinggan,nakabubuo ng ibat ibang pangungusap.
21. THANK YOU...... Prepared by: Pineda,Rechele Joy
KAHULUGAN Nagmula sa salitang latin na “curere” na ang ibig sabihin ay “to run; the
course of the race.”
Ang kabuuan ng nilalaman ng isang pinag-aaralan, mga Gawain at mga pinagbatayan na
puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga paaralan sa natatanging gawaing
pantao bilang isang institusyon ng katarungan at makataong pagpapaunlad. Sakop ng
Kurikulum ang kabuuang tuon o layunin, na dapat isakatuparan ng mga paaralan at
maabot ang mga tiyak na tunguhin ng pagtuturo.

“Curriculum is the collection of learning experiences proposed as a result of deliberation


for student attainment.” “Curriculum is taken to mean the organized set of content and
activities that is cool uses as basis for educating students.”

“Curriculum is the instrumentality by which school seek to translate mans hope for
education into concrete reality.” 

“Curriculum is the basic infrastructure of a schools educational program.” KASAYSAYAN


NG KURIKULUM Ang mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol ay walang
organisadong sistema ng edukasyon (mga tuntunin ng barangay, mga batas, code of
Kalantiao and Maragtas, paniniwala kay Bathala, pagkakaisa ng pamilya, kahalagahan
ng kababaihan, pagiging masunurin at respeto ng mga bata sa mga matatanda at
kagitingan ng mga kalalakihan) Ang mga ideya at kaalaman ay nakukuha sa
pamamagitan ng mga payo, obserbasyon, halimbawa at panggagaya.

Walang direkta at pormal na paraan ng pagtuturo.


Ang pagkatuto ng pangunahing ugali, kultura, ideya at mga bagong kaalaman ay hindi
planado at hindi sistematiko. Mapapansin sa kurikulum sa panahong ito ang motibo ng
pagsakop sa mga Pilipino, hindi lamang sa pisikal na aspeto, kundi maging sa usaping
intelektwal.
Nakabatay ang kurikulum sa mga kaisipan at tradisyon ng mga Amerikano gayundin ang
mga kaasalan nito. Ingles ang wikang gamit na panturo.

> Ang Kurikulum ng Elementarya na ipinagagamit ng mga Amerikano sa mga Pilipino


noong 1904 ay binubuo ng tatlong baiting na nagbibigay diin sa kasanayan ng dalawang
aspeto:
1. Kasanayang pangkatawan o body traning, pag-awit, pagguhit at edukasyong pisikal.

2. Kasanayang pangkaisipan o mental training, pag-aaral sa kalikasan, at palatuusan o


aritmetika. Sa ikatlong baitang, idinagdag ang heograpiya at civic sa listahan ng mga
asignatura. Ang Kurikulum sa sekundarya ay binubuo ng mga asignatura katulad ng
palatuusan at aritmetika, heograpiya, siyensya at ingles.
Sa kolehiyo mayroong Kurikulum para sa mga gurong nagsasanay na naangkop sa mga
tagapagturo sa elementary. Layunin nitong mapalitan ang mga sundalo at Thomasites.  
Mga Pilipinong Lider ng edukasyon ang sumubok na pagandahin at pagbutihin ang
kurikulum tulad nina:

Cecilio Putong
Esteban Abada
Martin Aguilar
Prudencio Langcauon
Vitaliano Bernardino 1. Malaking eksperimento sa pagtutulungan ng komunidad at
paaralan:

Layunin nito mapabuti ang buhay ng mag-aaral at komunidad sa pamamagitan ng


kurikulum.

Opisyal na kinilala ang konspetong ito ng Bureau of Public Schools noong Hunyo 1949.

Pinangunahan ni Jose V. Aguilar Nagkaroon ng mga Reporma o Pagbabago sa Kurikulum


2. Paggamit ng wikang katutubo bilang wikang panturo sa unang dalawang baitang sa
Elementarya.
Sabi ni Aguilar, “Primary Schools would give them (the pupils) a leverage on social,
political, economic forces and for those who go through this grades, the Vernacular base
may promote better learning in English.” Ayon sa iba’t ibang leader ng Edukasyon. Lubos
tayong nangangailangan ng mga kagamitang panturo na magbibigay diin sa mga
sumusunod:

1. Improvement of Home Industries so that they will be patronized 


2. The appreciation of the services of great men and women of our country.
3. Preservation of our Cultural Heritage. Sa Elementarya, isinama ang Bureau of Public
Schools ang edukasyong bokasyunal bilang bahagi ng programa ng edukasyon.

Six Major Areas

Agricultural Education
Business Education
Fishery
Home Economics
Home Industries
Trade Industrial Education Pagtatayo ng Vocational Schools
Nakatuon ang kurikulum ng paaralang ito sa pangkalahatang kultura at teknikal na
pagsasanay.
Gumamit din ng media tulad ng telebisyon at radyo.
1961: Itinalaga ng Board of National Education ang Committee on the Reform of the
Philippine Educational System upang magsagawa ng mga rekomendasyon para sa
ikauunlad ng Kurikulam sa iba’t-ibang antas. Swanson group: Amerikanong lider ng
edukasyon, mga propesor na pinangunahan ni J. Chester Swanson at ilang pilipinong
opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon.
Monroe Survey Report: nagsagawa ng kauna-unahang malawakang pagtataya sa
sistema ng mga paaralan sa Pilipinas na nauukol sa kurikulum. Ang Presidential
Commission to Survey Philippine Education, sa pamumuno ng dating kalihim ng
edukasyon Onofre D. Corpuz, ay nagsagawa ng sarbey report noong Disyembre 1970.
“Education for National Development: New Patterns, New Directions”: Nagbigay
atensyon sa pagplanong pang-edukasyon na kumikilala sa kahalagan ng kurikulum sa
edukasyon. Article XlV, Section 5 (1935 Constitution of the Philippine) – Kahalagahan at
papel ng kurikulum
Article XV, Section 8 5 (1935 Constitution of the Philippine) – Kahalagahan ng
pagsasaalang-alang ng edukasyon
Sa Sekondarya, Nirebisa ang kurikulum noong 1973.
Nakatuon sa paggamit ng kurikulum bilang pagatatama sa di balanseng ugnayan ng
bilang ng tao at resulta ng edukasyon. Ang metodolohiya ay hindi na “spoonfeeding”
ngunit tinuturuan na ang mga bata kung paano matuto at hindi matuto: ang mag-isip
ang mag-desisyon para sa sarili

Sa kolehiyo, nagsagwa ang Philippine Normal College ng mga hakbang tungo sa bagong
direksyon ng edukasyon. Layunin nitong baguhing lubos ang dating hindi epektibong
kurikulum sa pamamagitan ng pag-uugnay ng realidad ng buhay sa probinsya at ng
edukasyon.
Marami ring pagbabago ang ipinatupad sa “ Business Collegiate Program”
Ipinapakita sa mga estudyante ang tunay na kalagayan ng buhay ng mga pilipino.
MARAMING SALAMAT PO!

Ang kurikulum at pagtuturo (Ingles: Curriculum & Instruction, Curriculum and


Instruction o C&I) ay isang larangan sa loob ng edukasyon na naglalayon makapanaliksik,
makapagpaunlad, at makapagpatupad ng mga pagbabago sa kurikulum na nakapagpapataas ng
mga nagagawa o nakakamit ng mga mag-aaral sa loob at labas ng mgapaaralan. Ang larangan ay
tumutuon sa kung paano natututo ang mga estudyante at ang pinakamahuhusay na mga paraan
upang matuto ang mga ito. Ang mga degring Master at mga doktorado sa larangang ito ay iniaalok sa
ilang mga pamantasan.

FINAL EXAM

Gabay sa Kurikulum
1. Ano ang mga kailangan sa pagbuo ng kurikulum? Ilahad.
Ayon kay Taba, Stenhouse at Tyler, may apat na gabay na sinusunod angpagbubuo at pagpaplano sa pagkatuto ng isang
mag-aaral sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng kurikulum. Ang apat na gabay ay maituturing na teorya at
praktika ngkurikulum. Lubos na mauunawaan ang mga gabay na teorya at praktika tungkol sakurikulum sa pagkakategorya
ni Aristotle sa karunungan sa tatlong disiplina:
teoretikal, produktibo at praktikal 
Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi.
Tumutukoy ito sa pagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang pag-aaralan, metodo at konteksto
sa epektibong proseso at pamamaraan.
Ang gabay na ito ay nakabase sa apat na pundamental na tanong ni Tyler namay kinalaman sa teorya at praktika ng
kurikulum na gamit sa edukasyon. Ang mgatanong ay ang sumusunod:1. Anong layuning pang-edukasyon ang
gustong makamit?2. Anong mga karanasang pang-edukasyon ang maibabahagi para makamit ang mgalayunin?
 
3. Paano maisasaayos ang mga karanasang pang-edukasyon sa pagiging epektibonito?4. Paano madedetermina kung nakamit
na ang mga layuning pang-edukasyon?Base sa mga inihain ni Tyler na mga tanong ay nabuo niya ang konsepto sapagtingin sa
kabuuang pananaw sa kurikulum.Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi. Tumutukoy
ito sapagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang pag-aaralan, metodo at konteksto saepektibong proseso at pamamaraan.
2. Ano ang mga proseso sa pagsasagawa ng kurikulum?
Kasangkot din dito ang mga epektibong pamamaraan at hakbang sa pagbubuoagbuo ng matibay na layunin ng
kurikulum3. Pagpili ng tiyak nalalamanin ng kurikulum4. Pag-oorganisa ng lalamanin ng
kurikulum5.Pagbabatay sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum6. Pag-oorganisa samga karanasan ng
pagkatuto sa kurikulum7. Pagsasagawa ng mga epektibong pamamaraan sa pagkatuto na lalamanin
ngkurikulum
Ipinababatid nito na ang kurikulum ay hindi lamang pisikal na bagay kundiito ay ang interaksyon ng guro at
mag-aaral sa loob ng silid-aralan at ang kanilangpagpapalitan ng kaalaman. Sapamamagitan ng inihaing basehang
prinsipyo sapagpaplano ng mga kurso sa kurikulum ni Stenhouse ay lubos na mauunawaan kungbakit ito naging
isang proseso.
 A. Sa pagpaplano:
1. Prinsipyo sa pamimili ng nilalaman

Ano ang dapat matutunan at maituro?

 
2. Prinsipyo sa pagpapa-unlad ng istratehiya sa pagtuturo

Paano ito dapat matutunan at maituro?3. Prinsipyo sa pagbuo ng desisyon tungkol sa mabisang daloy ng
pagtuturo at pagkatuto4. Prinsipyo na kung saan ay aalamanin ang kahinaan at kalakasan ng magtuturo
at tuturuan gayundin kung paano nila tinatanggap ang tatlong naunang prinsipyo.
B. Sa emperikal na pag-aaral:
1. Prinsipyo na kung saan ay aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga mag-aaral2. Prinsipyo na kung saan ay
aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga guro
C. Sa relasyong pagpapatibay:
1. Prinsipyo na kung saan ay iaayon ang
kurikulum sa iba’t ibang sitwasyon ng
paaralan, mag-aaral, kapaligiran at organisasyon2. Prinsipyo sa pag-alam sa maaaring maging epekto ng
kurikulum kung maymagkakaibang konteksto, paniniwala at pagkakaunawa3. Prinsipyo sa magiging layunin ng
kurikulum
Isinasaad na ang kurikulum ay mapapaunlad sa pamamagitan ng aksyon at 
repleksyon. Hindi lamang simpleng plano ang kurikulum kundi ito’y
nakaugnay namatibay sa aktibong paglulunsad at pagsasagawa na ang sentro ay ang marapat at mabisang
aksyon ng implementasyon.

SPECIAL FILIPINO CLASS

Level 2

PANITIKAN (Literature)

KAHULUGAN NG PANITIKAN (Definition of Literature):

Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang
nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at
pangamba.

IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO (Influences of Literature):

1. Banal na Kasulatan – nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano


2. Koran – (Arabia) Bibliya ng mga Muslim
3. Iliad at Odyssey – ni Homer – (Gresya) –siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
4. Maha-Bharatas - (Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya
5. Divina Comedia - ni Dante – (Italya) – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga
Italyano
6. Aklat ng mga Araw - ni Confucious – (Tsina) – naging batayan ng kalinangan at pananampalatayang Insik
7. Aklat ng mga Patay – (Ehipto) – kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipto.
8. Counterburry Tales – ni Chaucer- (Inglatera) naglalarawan ng mga ugaling Ingles at ng kanilang
pananampalataya
9. El Cid Campeador – (Espanya) – nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-uugali at kasaysayan
10. Uncle Tom’s Cabin – si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata ng mga Amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya sa daigdig

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN (Purposes in Studying Literature)


1. Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang mga minanang yaman ng
kaisipan.
2. Upang alaming tayo’y may marangal na tradisyong katulad ng ibang lahi.
3. Upang matalos ang mga kapintasang at kakulangan ng ating panitikan at mapag-aralang ito’y matuwid.
4. Upang makilala ang ating mga kahusayan sa panitikan at ang mga ito’y lalong mapapayaman.
5. Sapagkat tayo’y mga Pilipino, kailangang tayo’y magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin.
KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN: (Importance of Studying Literature)
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang sariling kalinangan at kasayasayan.
2. Makikita nila ang kanilang sariling kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
3. Matutuhan nilang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at nagiging matibay at matatg ang kanilang pagkilala sa
kanilang lahi.
4. Malalaman ang kahalagahan nng sariling wika sa paglalarawan ng makabagong karanasan, pangarap,
paniniwala at gawaing pang-araw – araw

Dalawang Anyo ng Panitikan

1. Tuluyan (Prose) - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa
karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Halimbawa:

 ALAMAT (Legend) – isang uri ng kathang nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook at katawagan.
 MITOLOHIYA (Mythology) - malikhaing kuwento na nauukol sa mga diyos at diyosa. Ito ay mahabang
salaysay tungkol sa pinagmulan ng santinakpan ng tao, ng mga diyos at diyosa at ng mga mahiwagang
nilikha, gayundin naman, tungkol sa buhay ng mga bayani ng iba’t ibang pamayanan.
 PARABULA(Parable) - isang uri ng salaysay na may kabuluhang aral na tinutukoy ng mga pangyayari.
Hango ito sa Bibliya na nagbibigay ng aral na pang-ispiritwal.
 DULA (Play) - isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Ito’y tinatampukan
ng mga tauahan. Ito’y nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto ay maraming tagpo.
 NOBELA (Novel) - isang mahabang salaysay na mahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito’y
hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasakop ng mahabang panahon at ginagalawan ng
maraming tao.
 TALAMBUHAY (Biography) - ang salitang ito ay pinagtambal na mga salitang talaan ng buhay, samaktawid
ay nauukol sa kasaysayan o kabuhayan ng isang tao o biography. Ang pagsasaysay tungkol sa taong
pinapaksa ay maaaaring isagawa ng ibang tao o kaya’y ng may katawan na rin.
 ANEKDOTA (Anecdote) - isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang, o patalambuhay na
pangyayari na hango sa tunay na buhay.
 BALITA (News) - isang paglalahad ng mga pang-araw –araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan,
paaralan, sa mga sakuna, sa industriya , sa agham at sa mga iba’t ibang paksa sa buong bansa at sa ibayong
dagat man.
 SANAYSAY (Essay)– isang akdang pampanitikanng naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Ito’y
makatwirang paghahanay ng kasipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman
at haka-haka.
 TALUMPATI (Speech)- isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa
harap ng mga taong handing magsipakinig.
 MAIKLING KUWENTO (Short Story) - anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuluy-tuloy ng isang
pangyayaring hango sa tunay na buhay

2. Patula (Poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod na


pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng
mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

MGA URI NG TULA (Kinds of Poetry):


1. Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin (Lyric Poetrty)- Nagtataglay ito ng mga karanasan , guniguni, kaisipan
at mga pangarap na maaaring nadama ng may akda o ng ibang tao.
Mga Uri ng Tulang Liriko (Kinds of Lyric Poetry):

a) Dalit - nagpaparangal sa Maykapal na may halong pilosopiya sa buhay


b) Soneto - laging nagtataglay ito ng aral sa buhay, 14 na taludtod at ang mga nilalaman ay tungkol sa
damdamin at kaisipan at may malinaw na kaalaman at likas na pagkatao.
c) Elehiya - ang nilalaman nito ay may kinalaman sa alaala ng isang namatay; guniguni tungkol sa
kamatayan; pananangis at pananaghoy.
d) Oda - masigla ang nilalaman, pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
Walang katuyakan ang bilang ng pantig at saknong sa bawat taludtod.
e) Awit – madamdamin ang nilalaman nito sa dahilang ang karaniwang pinapaksa ay may kinalaman sa pag-
ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, kaligayahan
2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) – Naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng
pag-ibig at pagkabigo, tagumpay mula sa kahirapan, kagitingan at katapangan ng mga bayani sa pakikidigma.
3. Tulang Patnigan – hal. Duplo , Karagatan at Balagtasan
4. Tulang Dula o Pangtanghalan – isang dula na binibigkas nang patula ang diyalogo

Iba Pang Akdang Panulaan :

 BUGTONG (Riddle)- matalinghagang parirala may sukat at tugma. Kailangan ang bilis at talino sa pagsagot
sa tinutukoy na bagay. Nasasalamin din ditto ang katauhan n gating mga ninuno.
 SALAWIKAIN (Proverb) - patulang mga taludtod na nagbibigay –aral.– isang butil ng
karunungan hango sa karanasan ng mga matatanda kinapapalooban ng mga payo tungkol sa
kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng kaugalian.

 KASABIHAN (Sayings) – hindi gumagamit ng talinghaga, ang kilos, gawi at ugali ng tao ang nasasalamin
 BULONG - ginagamait itong pasintabi o paumanhin sa mga lamang-lupa. Nasaslamin ditto ang paggalang
at pangamba sa mga hindi nakikitang espiritu.
 HAIKU – tulang may 17 pantig
 DIAMANTE - isang payak na tula na hugis diamnte, may limang taludtod.
Unang linya - isulat ang isang salita tungkol sa inyong paksa

Ikalawa - magbigay ng dalawang pang-uri naglalarawan sa paksa

Ikatlo - magbigay ng tatlong pandiwa para sa paksa

Ikaapat - magbigay ng isang maikling parirala maiuugnay sa paksa

Ikalima - magbigay ng isang salitang kasingkahulugan ng salita sa unang linya o maaaring ulitin

Hal. Lupa

Mayaman , nagbibigay ng buhay

Nilalason, inaabuso , inuubos

Paano ang mundo

Kalikasan
 TANAGA – ito ay may iisang saknong lamang, may apat na taludtod at may pitong pantig bawat isa.
Naghahayag ito ng aral at pilosopiyang ginagamit na halimbawa ng mga matatanda sa mga kabataan.
matandang tulang Tagalog na binubuo ng apat na taludtod. Ito ay may sukat na pipituhing pantig, may
tugma at nagtataglay ng kariktan at talinghaga.

Hal. Pag-ibig

Busilak na damdamin

Sa puso nanggaling

Kapayapaang hated

Lunas ‘to sa daigdig.

 TULANG PAMBATA - ginagamit sa pagliliban lalung-lalo na ng mga bata noon.

Hal. Sipit namimilipit

ginto’t pilak namumulaklak

sa tabi ng dagat.

Mga Awiting Bayan (Folk Songs) – tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,

karanasan, pananampalataya,gawain o trabaho ng mga taong naninrahan sa isang pook.

Uri ng Awiting Bayan (Kinds of Folk Songs:

1. Soliranin (Rowing Song) – awit sa pamamangka ng mga Tagalog .


2. Talindaw (Boat Song) - awit ng pamamangka
3. Diona ( Nuptial or Courtship Song) - awit sa panliligaw o kasal
4. Oyayi (Lullaby Song) - awit ng pampatulog sa bata o panghele
5. Dalit ( Hymns) – awit ng pagpaparangal sa Maykapal
6. Kumintang (War or Battle Song) - awit sa pakikidigma
7. Sambotani - (Victory Song) - awit sa pagtatagumpay
8. Kundiman (Love Song) – awit ng pag-ibig
9. Hilirao o Pamatbat - awit pang-inuman
10. Indolanin o Kutang-kutang - awit panlasangan

Ibigay ang mga katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum? 


1. May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-aaral. 
2. Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mga pagpapoahalaga at
mga kompetensi mula sa agham panlipunan at iba pang lawakng makabayan. 
3. Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan s batayang
komunikasyong interpersonal at sosyal. 
4. Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman
anuman ang anyo nito- teksto, grap, ilusyon at iba pa. 
5. May interaksyong mag-aaral upang mag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika. 
6. Humahamon sa mga nag-aaral upang mag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika. 
7. Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasun ng dating kaalaman, gumagamit ng mga alternatibong
paraang ebalwasyon, kooperatib/ kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiya
sa pag-aaral. 

You might also like