You are on page 1of 37

Panitikang Pilipino ay isang

kurso sa kolehiyo na nakatuon


sa pagkilala ng mga akda na
bahagi ng yaman ng bayan. Ang
mga akdang pampanitikang ito
ay sumasailalim sa ating kultura,
lipunan, at lahing pinagmulan.
Kaakibat nito ang mga gawaing
pang makrong kasanayan
katulad ng pagbasa, pagsulat,
pakikinig at pagsasalita.
Sa pamamagitan ng wikang
Filipino, ay maipapamalas ang mga
saloobin, pananaw, kwento,
damdamin mula sa iba’t ibang
disiplina na siyang magbibigay
tuon sa pag-aaral ng panitakang
Pilipino. Lelentehan rin ng kursong
ito, ang pagkilatis sa mga akdang
nakapupukaw sa interes ng
mamamayan bilang tagapagsulong
ng mataas na antas ng
pagkakatuto.
Gamit ang kanilang talino at angking
kakayahan, nakalikha ang mga mag-
aaral ng mga sulating na
sumasalamin sa mga matandang
kaugalian at tradisyon na siyang
bumubuo sa ating kultura.
Nasukat din ng mga Pilipino ang
kanilang kalakasan at kahinaan sa
pagsulat at paglikha kaya naman
mas naging madali para sa kanila na
bumuo at luminang ng mga teksto.
Kilalanin rin ang kontemporaryong
manunulat na Pilipino na tumuklas
ng kakayahan at nabigyan ng
pagkilala para sa kanilang mga akda
na kinapulutan ng aral at nagmulat
sa mga kapwa nila Pilipino sa
kagandahan ng bansa at
pagpapahalaga.
LAYUNIN NG KURSO:
A. Kritikal na makapagsuri ng
mga akdang pampanitikan sa
iba’t ibang tradisyon at genre.

B. Makapagpahalaga sa
nilalaman at kaanyuan ng iba’t
ibang akdang pampanitikan
batay sa estetika at
pangkalagahang fangksyon
LAYUNIN NG KURSO:
C. Makapagsaliksik at matalakay ang
mga batayang pangkasaysayan,
teorya at pangkaunlarang
pangkaligiran ng Panitikang Pilipino.

D. Makabuo o makasulat ng sariling


akdang pampanitikan na
nakututulong sa mga batayang
pangangailangan ng mga komunidad
ng mga mag-aaral at lipunan
PANGANGAILANGAN NG KURSO:

Narito ang mga kahingian sa


mag-aaral para sa kurso:

1. Ang mag-aaral ay kinakailangan


na makadalo sa bawat sesyon ng
klase mula sa itinakdang oras ng
klase ng unibersidad.
2. Kinakailangan matugunan ang
apat (4) na maikling pagsubok
(quiz) at dalawang (2)
pangunahing pagsusulit (Mid-
term/ Final Examination).
3. Maipasa sa itinakdang oras
ang mga nakaatang na gawain,
proyekto at iba pang mga
pangangailangan sa kurso
katulad ng pananaliksik at
portfolio
PARAAN NG PAGMAMARKA:
RUBRIK SA PAGTATASA:
Rubrik sa paglalahad ng mga kasagutan sa depensa, pasalita o
pasulat na katanungan.
BILANG NG ORAS:
Tatlong (3) oras bawat linggo sa
loob ng labing-walong (18) linggo
o limampu’t apat (54) na oras sa
isang semestre.
ARALIN 1: KAHULUGAN, KAHALAGAHAN,
AT KALIKASAN NG PANITIKANG PILIPINO
Pangkalahatang-ideya:
Ang pag-aaral ng panitikan ay isang
pangangailangang pang-edukasyon sa halos
lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral na
ito ay gumanap / gumaganap sa iba’t ibang
tungkulin. Iba-iba sa bawat panahon, bawat
lugar, sa bawat antas.
Lunsaran ang panitikan sa pagpapaunlad ng
kakayahang komunikatibo o pag-iisip ng mga
mag-aaral. Kasangkapang ring maituturing ang
partikular sa pag-aaral ng ating sariling
panitikan, sa pagpapatibay ng ating sariling
karanasaan at pagkakakilanlan. Maiiugnay rin
ang kahalagan ng pag-aaral ng patikan sa
kasalukuyang pamumuhay at at kikilalanin ang
mga iba’t ibang uri at anyo ng panitikan.
ANG PANITIKAN
Panitikan ang tawag natin sa lahat ng
uri ng pahayag—nakasulat man ito,
binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang
ng aksyon ngunit may takdang anyo o
porma katulad ng tula, maikling
kwento, dula, nobela at sanaysay.
Nakikilala natin na ang isang pahayag
ay may katangiang pampanitikan
kapag ito ay may anyo at
gumagamit ng wikang sinadyang ng
bigyang-anyo bilang pahayag.
Ang salitang panitikan mula sa
‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang
unlaping pang - at hulaping - an sa
ugat na titik.
Ang may bahid kanluraning salitang
literature ang isa pang katawagan para
sa larangan ng panitikan. Nagmula ang
salitang Literature sa salitang-littera na
nangangahulugang "titik".
Tinuturing itong talaan ng buhay.

Nagpapahayag ng damdamin at
karanasan ng isang bansa na nasusulat
na makahulugan, maganda at masining
na paglalahad.
Masasalamin ito ayon sa ideya,
damdamin at isipan ng tao tulad
ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,
galit, pagka-awa, paghihiganti at iba
pa.
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay,
lipunan, pamahalaan,
pananampalataya at mga karanasang
kaugnay ng iba't ibang uri ng
damdaming tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.
Anyo ng Panitikan
A. Tuluyan o prosa (Ingles: prose) -
maluwang na pagsasama-sama ng mga
salita sa loob ng pangungusap. Ito ay
nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
maikling kwento,
nobela,
dula,
alamat
pabula,
talambuhay,
sanaysay,
balita at
editoryal.
B. Patula o panulaan (Ingles: poetry) -
pagbubuo ng pangungusap sa
pamamagitan ng salitang binibilang na
pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma,
at nagpapahayag din ng mga salitang
binibilang ang mga pantig at pagtutugma-
tugma ng mga dulo ng mga taludtod
sa isang saknong.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
tulang liriko,
tulang pasalaysay,
tulang pangtanghalan,
at patnigan.
Layunin ng Panitikan

1. Maipakita ang realidad at


katotohanan
2. Makalikha ng isa pang daigdig na
taliwas sa katotohanan
Mga Salik na Nakaaapekto sa Panitikan
1. Klima/panahon- init, lamig, bagyo, ulan,
baha
2. Hanapbuhay- pangingisda, pagsasaka
3. Pang-araw-araw o karaniwang gawain-
paglalaro, pagliligawan
4. Pook- magagandang tanawin, tambak
ng basura
5. Lipunan at pulitika- welga, digmaan,
pang-aapi sa mahihirap
6. Edukasyon- nakapag-aral, busog sa
kaalaman
7. Pananampalataya- pagkilala sa
kapangyarihan ng dakilang lumikha.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan
May kaakibat na kahalagahan ang panitikan
para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng
mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao
upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay
upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at
upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng
pagiging makatao.
Maaaring mawala o maubos ang mga
kayamanan ng isang tao, maging ang
kanyang pagiging makabayan, subalit
hindi ang panitikan.
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang
Pilipino
1. Upang makilala ang kalinangang
Pilipino, malaman ang ating minanang
yaman ng kaisipan at taglay na
katalinuhan ng lahing ating
pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may
marangal at dakilang tradisyon na
nagsilbing patnubay sa mga
impluwensya ng ibang mga
kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang
mga bansa.
3.Upang mabatid natin ang mga
kaisipan sa ating panitikan at
makapagsanay upang maiwasto ang
mga ito.
4. Upang malaman ang ating mga
kagalingan sa pagsulat at
mapagsikapang ito ay mapagbuti at
mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong
mapagmahal at mapagmalasakit sa
ating sariling kultura ay dapat nating
pag-aralan ang ating panitikan. Tayo
higit kanino man ang dapat
magpahalaga sa sariling atin
B. Panoorin ang youtube link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=EEabHSFP7wA at
sagutin ang mga katanungan sa inyong
papel.Pagkatapos, itala ang mga pagpapahahalagang
turan sa pantikang Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.

“Panitikang Pilipino ang naging susi sa pagkilala ng


mga pumanday na simulain sa pagbuo”. Ipaliwanag ang
pagkaunawa ninyo sa pahayag na ito.

You might also like