You are on page 1of 46

MODYUL 1

BATAYANG KAALAMAN SA
PANITIKANG FILIPINO
Mga Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-


aaral ay dapat na:

1. Naipapaliwanag ang katuturan ng


panitikan,
2. Napalalawak ang kahalagahan nang
pag-aaral ng panitikan,
3. Nakikilala at natutukoy ang mga uri at
anyo ng panitikan,
4. Naihahambing ang iba’t ibang uri at
anyo ng panitikan,
5. Natutukoy ang kahalagahan ng
panitikang Filipino sa pamumuhay ng
bawat Filipino.
Panimula

Ang Pilipinas ay may


ipinagmamalaking panitikan. Ang
panitikang ito ay nagpapakilala ng mga
katangian, pag-uugali, gawi, saloobin at
mga paniniwala ng ating bayan. Hindi
maipagkakaila na ang panitikang Filipino
ay mayaman at masining. Tulad ng
panitikan ng ibang bansa, nagtataglay ito
ng mga katangiang nakatutulong sa
pagpapanatili at pagpapayaman nito.
Ang panitikan ng bawat lahi ay
nakaugat sa kulturang pinanggalingan
nito. Ito ay salamin ng nakaraan, ng
kasalukuyan at ng hinaharap ng isang
bansa o lahi. Ito ay repleksyon ng
buhay, pag-uugali, pag-iisip, saloobin at
mga gawi. Ang mga anyo ng panitikan
ay bahagi ng mahahalagang pamana ng
ating mga ninuno. Karapat-dapat
lamang na ipagpatuloy ang pagtangkilik
nito nang sa gayon ay mapanatiling
buhay sa kabila ng mabilis na mga
pagbabagong nagaganap sa ating
Maaaring sa simula ay unang
ipinahayag ng tao ang kanyang pag-iisip
at emosyon sa pamamagitan ng
pasalitang pagpapahayag na tinatawag
nating pasalindila na unti-unting
nagbabago habang dumaraan ang
panahon at nagiging sibilisado rin ang
pagpapahayag ng tao sa pamamagitan
ng paglimbag. Dito nagsimulang
magsulat ang tao sa iba’t ibang anyo ng
panitikan.
Sa pamamagitan nito ay nakilala
ng mga salin-lahi ang mga pangyayaring
naganap sa mga nakaraang dantaon
kahit ito’y matagal nang lumipas. Mula
isang henerasyon tungo sa isang
henerasyon, may namatay, may bagong
sibol, subalit hindi namamatay ang
panitikan ng isang lahi. Itinuturing
itong isang kabang-yamang patuloy na
yumayabong sa bawat henerasyon.
Napakahalaga ang papel na
ginagampanan ng panitikan sa buhay ng
bawat mamamayan. Sa pamamagitan
nito ay makikilala ng indibidwal ang
kanyang pinagmulan, ang kanyang
pagkakakilanlan at pagkatao. Dito
nahuhubog ang pagkilala sa kanya kung
sino siya at saang lahi siya nagmula. Ito
ang halaga sa paglikha ng aklat na ito –
ang mabigyang pagkakataon ang mga
mag-aaral at iba pang mambabasa na
maihain sa kanilang harapan ang
komprehensibong pagtatalakay sa
simula at pag-unlad ng panitikang
Mga Tanong at Sagot tungkol sa
Panitikan

Upang mapadali ang pag-unawa


natin sa Panitikang Filipino, narito ang
mga pangunahing tanong at kauukulang
sagot mula sa iba’t ibang sanggunian.
A. Ano ang Panitikan?

Marami ang pagpapakahulugan ng mga


manunulat at mga dalubhasa sa panitikan.
Narito ang ilan sa kanila:

 Ang panitikan ay katumbas ng “literatura” sa


wikang Kastila at “literature” naman sa
wikang Ingles. Ito ay mula sa salitang Latin
na “litera” na ang ibig sabihin ay “letra” o
“titik” (Mateo, 1996).

 Ayon sa mga dalubhasa, ang panitikan ay


pagpapahayag sa makasining na paraan sa
pamamagitan ng mga piling salita ng mga
kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan
A. Ano ang Panitikan?

 Ayon naman kay Webster, ang panitikan ay


katipunan ng mga akdang nasusulat na
makilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag, aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.

 Inilarawan nito ang mga ugali, asal, gawi at


paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kani-
kanilang kapanahunan, kung ano ang saloobin,
naiisip at nadarama at mga nagaganap sa
kanilang kapanahunan ay naipahahayag ng
mga makata at manunulat ng panitikan.
A. Ano ang Panitikan?

 Ayon kay Ponciano B. P. Pineda, ang panitikan


ay katipunan ng magaganda, marangal,
masisining at madamdaming kaisipang
magpapahayag ng mga karanasan at lunggati
ng isang lahi. Isinali din ni Pineda sa
katipunan ng panitikan ang mga nakasulat na
kulang sa ganda, sining at damdamin. Sinabi
rin niya na ang panitikan ay hindi maituturing
na sulating nagpaparumi ng isipan at
damdamin.

 Ang panitikan ay salamin ng lahi. Nasisinag


sa panitikan ang mga karanasan ng isang
bansa ang mga kaugalian, mga paniniwala,
A. Ano ang Panitikan?

 Ang panitikan ay kabuuan ng isang bansa,


mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,
kaisipan at pangarap ng isang lahi na
ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang
maganda at masining na paraan (Nicasio at
Sebastian, 1993).

 Ang Panitikan ay kapatid na babae ng


kasaysayan. Ang panitikan ay tulad ng
kasaysayan, nagtataglay ng mga ulat ukol sa
mga naganap sa isang lahi at mga naisip na
dakila at marangal ng lahing ito. Ang
panitikan ay nagagayakan ng magagarang
damit ng pagpapahayag at makukulayan ng
maikling guni-guni ng may akda (Pineda at
A. Ano ang Panitikan?

 Ang panitikan ay talaan ng buhay. Talaan ito


ng buhay sapagkat dito nailahad ng tao ng
kanyang kaisipan at damdamin: sapagkat dito
niya nailalarawan nang tapat, tunay at totoo
ang mga kaugalian, saloobin at paniniwala
ayon kay Arrogante (sa San Juan, et al, 2005).
Iba pang Konsepto ng Panitikan

1. Ang panitikan ay buhay.


Ang panitikan ay buhay dahil inilalarawan
nito ang mga ugali, asal, gawi at paraan ng
pamumuhay ng mga tao sa kanilang
kapanahunan.

2. Ang panitikan ay ang kahapon, ngayon at


hinaharap ng bansa.
Dahil ang panitikan ay umuusbong
kasabay ng pagbabago ng panahon at
kasaysayan dahil na rin sa matinding
pangangailangan ng tao. Dahil sa panitikan,
higit na nating nakilala an gating lahing
pinagmulan ang mga karanasan, saloobin at
kaisipang humubog na binubuo ng mga
Iba pang Konsepto ng Panitikan

3. Ang panitikan ay impukan-kuhanan ng


kultura.
Dahil nilalaman at iniingatan nito ang
sining, karanasan, tradisyon at mga mithiin ng
bawat bansa. Dito masasalamin ang
kagandahan at kagalingan ng kultura ng bawat
lipunan at dito rin masusulat ang mga
ipinagmamalaking henyo ng bawat panahon.
Iba pang Konsepto ng Panitikan

4. Ang Panitikan ay sining.

Dahil ang sining ay nakapaloob ng iba’t


ibang saklaw ng pagkamalikhain na naglalayong
matuklasan ang kagandahan sa tulong ng
paggamit ng iba’t ibang uri ng pandama.
Naipapahayag ang sining sa pamamagitan
ng paggamit ng imahinasyon. Tulad ng makata,
manunulat, kompositor, pintor at iskultur na
nababalutan ng imahinasyon ang kani-kanilang
mga likhang-sining na gamit na puhunan ang
kanilang talino, damdamin, kakayahan at
karanasan.
Iba pang Konsepto ng Panitikan

5. Ang panitikan ay lumilinang ng damdaming


makabayan o nasyonalismo.

Dahil kayrami ng mga akdang naibigan natin


dahil tukoy na tukoy nito ang damdaming nais
ikalawa ng may-akda na nagkakaroon ng
matinding epekto sa damdamin ng mga
mambabasa matapos na malipat sa kanila ang
kaisipang nais palutangin ng may akda.
Kung ang paksa ng maikling kwento o
nobela ay digmaan, magkahalong galit at lungkot
ang mga nadarama ng bumabasa, ngunit ligaya at
pag-asa ang naghahari sa kanilang puso kapag
tagumpay ang maging bunga at digmaan.
B. Ano ang etimolohikal na
katuturan ng Panitikan?

Ang salitang panitikan ay hango sa


unlaping pang, salitang ugat na titik at
hunlaping an (pang + titik + an). Ayon sa
tuntuning panggramatika, ang panlaping pang
ay nagiging pan kapag ito’y sinusundan ng
salitang nagsisimula sa mga ponemang /d, l, r,
s, t/. Nagkakaroon ng asimilasyong ganap kaya
naging panitikan. Kung ang salitang panitikan
ay nag-uugat sa salitang titik, samakatuwid
ang wika at panitikan ay hindi maaaring
paghiwalayin. Wika ang ginagamit na midyum
upang maipahayag ang panitikan sa paraang
pasalita o pasulat man.
C. Ano-anong paksa ang
tinatalakay sa Panitikan?

 Maraming paksa ang tinatalakay sa


panitikan at ang mga ito ay siguradong
magugustuhan ng mga mag-aaral. Ang
mga karaniwang paksang tinatalakay
ay tungkol sa karanasan ng sumulat,
kalikasan o kapaligiran, gawain ng tao,
pook na tirahan, pahanon, klima,
lipunan, pulitika, edukasyon, relihiyon,
mga suliranin ng tao, relasyon ng tao
sa isa’t isa, kabihasnan, teknolohiya,
mga pangyayari o kaganapan at
C. Ano-anong paksa ang
tinatalakay sa Panitikan?

 Ipinaliliwanag ng panitikan ang kasaysayan


ng tao sa kanyang panahon. Halimbawa, ang
pinakakomprehensibong panitikan na nagawa
ng tao ay ang Bibliya. Ang kasaysayan ng
sangkatauhan simula kina Adan at Eba
hanggang sa modernong panahon ay nakatala
sa nasabing babasahin. Wala pang ibang
babasahin na ginagawa ng tao na
makakapantay sa lawak at detalye ng Bibliya.
Ang mga iskolar ng modernong panahon ay
nakapagpatunay na ang ibang mga detalyeng
Bibliya ay totoong nangyayari (Tamidles,
2001).
D. Ano ang pagkakaugnay ng
panitikan sa kasaysayan?

Ayon kina Pineda at Ongoco, ang


panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan.
Ang panitikan, tulad ng kasaysayan ay
nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga
nagaganap sa isang lahi at mga naiisip na
dakila at marangal ng lahing ito (San Juan, et
al, 2005).
E. Bakit ang panitikan ay salamin
ng kultura alinmang bansa?

Dahil nasisinag sa panitikan ang mga


karanasan ng isang bansa ang mga kaugalian,
mga paniniwala, mga tradisyon, pangarap at
lunggatiin ng isang lahi.
F. Ano-ano ang mga layunin kung
bakit pag-aaralan ng mga Pilipino
ang kanilang sariling panitikan?

a. Mababatid natin na tayo ay may sariling


kalinangan o kultura na maipagmamalaki sa
ibang lahi sa daigdig at malaman ang ating
minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.

b. Maipaalam sa bawat Pilipino ang


kahalagahan ng kanyang pagiging Pilipino
kundi man ay mas malalim nating
pagpapadama.

c. Magsisilbing gabay upang tayo’y mahubog


F. Ano-ano ang mga layunin kung
bakit pag-aaralan ng mga Pilipino
ang kanilang sariling panitikan?

d. Makita at masuri ang magaganda at


mahuhusay na mga isinulat na akda, ang mga
kamalian at kapintasan ng ating panitikan at
makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.

e. Mamulat ang ating kamalayan at


sensibilidad at matamo ang magandang
saloobin at pagpapahalaga sa kagalingang
hatid ng panitikan (Sauco, et al: 2004).
G.Ano-ano ang mga anyo at uri ng
panitikan?

1. ANYONG TULUYAN
ALAMAT
ANEKDOTA
BALITA
DULA
EDITORYAL
KASAYSAYAN
MAIKLING KWENTO
MITOLOHIYA
NOBELA
PABULA
PARABULA
SANAYSAY
TALAMBUHAY
TALUMPATI
ULAT/REPORT
G.Ano-ano ang mga anyo at uri ng
panitikan?

2. ANYONG PATULA
a. TULANG LIRIKO b. TULANG
PASALAYSAY
Pastoral Epiko

Dalit
Awit
Pasyon

Oda
Korido
Elihiya

Soneto

Awit/Kanta
G.Ano-ano ang mga anyo at uri ng
panitikan?

2. ANYONG PATULA
c. TULANG PADULA d. TULANG
PATNIGAN
Sarsuela Duplo

Moro-moro Balagtasan

Karagatan
Senakulo

Tibag

Panunuluyan
Pagkilala sa Iba’t ibang Genre ng
Panitikan

Ang akdang pampanitikan ay


maaaring anyong tuluyan o patula.
Maraming uri ang anyong tuluyan at
patula. Ang bawat uri nito ay nagtataglay
ng kanya-kanyang katangian.
A. Anyong Tuluyan

1. Alamat – kuwento o salaysay na


nagpapasalin-salin sa bibig ng mga tao at
karaniwang tungkol sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay.

2. Anekdota – kuwento o salaysay na ang


pangyayari ay hango sa tunay na karanasan,
nakawiwili at kapupulutan ng aral.

3. Balita – paglalahad ng mga pang-araw-araw


na pangyayari sa kapaligiran at maging sa
ibang bansa.
A. Anyong Tuluyan

4. Dula – kuwento o salaysay na sinulat para


itanghal sa entablado, may mga tauhang
gumaganap na naglalarawan ng buhay o ugali
ng tao.

5. Editoryal – isang sanaysay na naglalahad ng


kuro-kuro ng patnugot o editor ng isang
pahayagan.

6. Kasaysayan – ito’y tala o mga nakasulat


tungkol sa mga ulat na matagal nang nakaraan
o nakalipas na.
A. Anyong Tuluyan

7. Maikling Kuwento – kuwento o salaysay na


nag-iiwan ng isang impresyon o kakintalan sa
mambabasa. Ito ay maikli at maaaring matapos
sa isang upuan lamang. Nagbibigay-diin ito sa
kakauntian ng tauhan, isang tiyak na pangyayari
at madulang karanasan na inilalahad sa isang
tagpuan.

8. Mitolohiya – kuwento o salaysay hinggil sa


pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t
ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa,
kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.
A. Anyong Tuluyan

9. Nobela – kuwento o salaysay na mahaba,


maraming tauhan at tagpuan na nahahati sa
mga kabanata.

10. Pabula – kuwento o salaysay na ang


karaniwang nagsisiganap ay mga hayop. Nag-
iiwan ito ng magandang aral sa mambabasa.

11. Parabula – kuwento o salaysay hango sa


banal na kasulatan na naglalayong mailarawan
ang isang katotohanang moral o espiritwal sa
isang matalinghagang paraan.
A. Anyong Tuluyan

12. Sanaysay – ito’y tumatalakay sa isang


tanging paksa. Ang sariling opinion o pananaw
ay kitang-kita sa sumulat. Maaaring pormal o di-
pormal ang paglalahad.

13. Talambuhay – kuwento o salaysay ng buhay


ng isang tao.

14. Talumpati – salaysay na sinulat upang


bigkasin sa harap ng maraming tao na may
layuning umakit, humikayat, magpaliwanag, at
iba pa.

15. Ulat – ito’y karaniwang nasusulat sapagkat


ito’y palagiang tala at napagkukunan ng
B. Anyong Patula

1. Tulang Liriko

Naglalahad ito ng mga saloobing damdamin,


imahinasyon at karanasang maaaring sariling
akda o ng ibang tao.
Nagtataglay ito ng mga karanasan,
guniguni, kaisipan at mga maaaring nadama ng
mga may-akda o ng ibang tao. Madaling
maunawaan ng mambabasa ang uri ng tulang ito
dahil sa kaiklian at kapayakan.
Mga Uri ng Tulang Liriko

a. Pastoral – isang tula na naglalayong ilarawan o


ipahayag ang tunay na buhay sa kabundukan.

b. Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal


na Birhen Maria at nagtataglay ng mga pilosopiya
ng buhay at patakaran ng relihiyon.

c. Pasyon – ito ay isang aklat na patula na


naglalarawan sa buhay, pasakit at pagdurusa ni
Hesukristo. Ito ay karaniwang inaawit kung
panahon ng mga mahal na araw.
Mga Uri ng Tulang Liriko

d. Oda – tulang lirikong nagpapahayag ng papuri


at masiglang damdamin na patungkol sa isang
kaisipan.

e. Elehiya – tulang pandamdamin o lirikong


patungkol sa patay.

f. Soneto – tulang liriko na binubuo ng labing-


apat (14) na taludtod. Naglalaman ito ng
damdamin at kaisipan.

g. Awit/Kanta – madamdamin ang nilalaman nito


dahil ang karaniwang pinapaksa ay may
kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan,
B. Anyong Patula

2. Tulang Pasalaysay

Naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa


pamaamgitan ng mga taludtod.
Sa uring ito mababasa ang makukulay na
karanasan o pangyayaring tungkol sa pag-ibig,
kabayanihan at kadakilaan ng pangunahing
tauhan.
Taglay ng tulang ito ang paglalahad ng
makulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay
tulad ng pag-ibig at pagkabigo, tagumpay na mula
sa kahirapan. Inilalahad din nito ang kagitingan
at katapangan ng mga bayani sa pakikidigma.
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko – isang mahabang tulang pasalaysay ng


magiting na pakikipagsapalaran at kabayanihan ng
isang taong may pambihirang katangian, ang mga
tagumpay niya sa digmaan at pakikipagtunggali sa
mga kaaway.

b. Awit – ito ay tulang maromansa kung saan


nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga
tauhan nito at higit na makatotohanan o hango sa
tunay na buhay ang mga pangyayari.

c. Korido – ito ay tulang maromansa kung saan ang


mga tauhan ay may kapangyahirang supernatural o
kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na di
magagawa ng karaniwang tao tulad ng pagpatag ng
bundok at pag-iibang anyo.
B. Anyong Patula

3. Tulang Padula o Pantanghalan

Nasasaklaw nito ang mga dulang may


diyalogo o usapang patula.
Ito ay katulad din ng karaniwang dula at
ang kaibahan nga lamang ay binibigkas ng mga
tauhan ang kanilang mga diyalogo sa
pamamaraang patula.
Mga Uri ng Tulang Padula

a. Sarsuela – isang dulang musical na


karaniwang binubuo ng tatlong akto at tumutukoy
sa pangunahing damdamin ng tao gaya ng pag-
ibig, kasakiman, poot, at iba pa.

b. Moro-moro – ito ay dulang padula na


nagpapakita ng hidwaan at labanan ng kristiyano
at di-kristiyano.

c. Senakulo – ito’y ginagawa tuwing buwan ng


Abril kung kuwaresma. Isinadulang pagtatanghal
ng paghihirap at kamatayan ng Poong Hesukristo.
Mga Uri ng Tulang Padula

d. Tibag – itinanghal tuwing buwan ng Mayo.


Ang mga tauhan ay sina Reyna Elena at ang anak
na si Constantino. Hinanap nila ang krus na
pinagpakuan kay Jesus na matatagpuan lamang
sa ilalim ng temple ni Venus sa kaharian ng isang
Sultang Muslim. Kinakailangan pa munang
magkaroon ng labanan ang mga Moro at
Kristiyano bago matibag ang templo para makuha
ang krus. Ang pagbabalik sa Roma ng mag-ina,
kasama ang mga bihag, ang naging ugat ng
tradisyon ng Santa Cruzan.

e. Panunuluyan – ito’y isang dulang patulang


nagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina
Birheng Maria at Jose para roon isilang ang
B. Anyong Patula

4. Tulang Patnigan

Isang uri ng pagtatalong patula na


kinapapalooban ng matalinong pangangatwiran,
talas ng pag-iisip at lalim ng diwa.
Tulang sagutan na itinatanghal ng mga
natutunggaling makata ngunit hindi sa paraang
padula.
Mga Uri ng Tulang Patnigan

a. Duplo – ito ay isang larong patula na


karaniwang masasaksihan sa mga baryo lalo na
sa paglalamay sa patay. Kawili-wiling pakinggan
sa dahilang ito’y paligsahan sa pangangatwiran
sa patulang pamamaraan.

b. Balagtasan – ito’y galing sa salitang


“Balagtas” na bahagi ng pangalan ni Francisco
Baltazar. Ito’y tagisan ng talino sa pamamagitan
ng katwiran sa pamamaraang patula.

c. Karagatan – ang nilalaman nito ay tungkol sa


isang singsing na sadyang inihulog ng prinsesa
sa dagat sa hangarin niyang mapangasawa ang
kasintahang mahirap. Nagkaroon ng patalastas
H. Ano-ano ang mga impluwensiya
ng panitikan sa daigdig?

Ang mga impluwensiya ng panitikan ay


nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at
kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng
panitikan. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa
sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin
at kaisipan, nagkakaunawaan at
nagkakatulungan (Salazar, et al: 1995).
Aklat ng mga Aral ni Confucius Batayan ng kalinangan at
(Analects of Confucius) pananampalataya ng mga
Intsik
Aklat ng mga Patay Kinapapalooban ng mitolohiya
(Book of the Dead) at teolohiyang Ehipto

Awit ni Rolando Isinasalaysay dito ang gintong


(Song of Roland) panahon ng Kristiyanismo sa
French: La Chanson de Roland Pransya

Banal na Kasulatan o Bibliya Ang pinakabatayan ng


pananampalatayang Kristiyano
sa buong daigdig
Canterburry Tales Naglalarawan ng mga ugali at
Ni Geoffrey Chaucer pananampalataya ng Inglatera

Divina Comedia Isang epikong nagpapahayag


Ni Dante Alighieri ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali
El Cid Campeador Nagpapahayag ng mga alamat,
(“The lord-master of military pag-uugali at kasaysayan ng
arts”) Espanya
Iliad at Odyssey Naglalaman ng mitolohiya at
Ni Homer mga alamat ng Gresya

Isang Libo at Isang Gabi Naglalarawan ito sa


(One Thousand and One pamahalaan, kabuhayan at
Nights/Arabian Nights) lipunan ng Arabya at Persya
Koran mula sa Arabya Ang pinakabibliya ng mga
Muslim

Mahabharata Ang pinakamahabang epiko sa


buong daigdig na tumatalakay
sa kasaysayan ng
pananampalataya sa Indya.
Uncle Tom’s Cabin Nagbukas sa mga mata ng
Ni Harriet Beecher Stowe Amerikanong may kulay upang
(Life Among the Lowly) magkaisa at makipaglaban sa
kanilang karapatan at

You might also like