Professional Documents
Culture Documents
PAGTATANGHAL NG DULA:
AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.
S – seen before heard (Makita muna bago marinig)
T – talk in projection (Magsalita na may tamang tindig)
A – act realistically (Umarte ng totoo)
G – give your all (Ibigay ang lahat)
E – exaggerate (Eksaherado)
MGA DULA AT DULAAN
DUPLO - Dalawang helera ng mga upuan ang nakaayos sa batalan. Dito nakaupo ang Villacas at Villacos, sa
gitna ng grupo nakaupo ang hari o ang duplero. Pagkatapos, dagli nang sisimulan ng hari ang laro sa
pamamagitan ng pagbato ng bola o panyo sa isa sa mga Villacos. Yuyuko ang Villaco sa hari at dadalhin ang
bola o panyo sa isang Villaca sa sumagot sa talumpati na ginawa ng Villaco.
TIBAG - Pagsasadula ng paghahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino sa krus na pinagpakuan kay
Hesus. Ginaganap ito tuwing Mayo sa mga lalawigan ng Bulucan, Nueva Ecija, Bataan at Rizal.
MORO – MORO - Dulang panlansangan. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo n
gang mga kristiyanong Malay, Pilipino sa Luzon at Visaya ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa
mga Pilipinong Muslim na nasa Timog.
SENAKULO - Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesukristo.
KARAGATAN - Mula sa alamat ng isang Prinsesa na naghulog ng singsing sa karagatan, nangako na
papakasalan niya ang binatang makakakuha nito.
PANGANGALULUWA - Kilala bilang todos los santos. Ito ay dulang tumatawag ng kaluluwang naninihran sa
purgatory.
SANTACRUZAN - Prosesiyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo.
Isinasalarawan nito ang paghahanap sa banal na krus ni Reyna Elena, ang ina Constantino.
MORIONES - Ginaganap tuwing semana santa sa lalawigan ng Marinduque upang sariwaan ang paghihirap at
pagkamatay ni Kristo. Ang salitang Moriones ay mula sa salitang Kastila na “Morion” na ang ibig sabihin ay
helmet o visor.
SALUBONG - Pagtatanghal ng pagtatagpo nang muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni Mariya.
KARILYO - Pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong kartong hugis-tao sa likod ng komot na puti na may
ilaw.
MODULE 7: KASAYSAYAN NG DULA
DULA - Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa
tanghalan.
1. PANAHON NG KATUTUBO
MGA KATUTUBONG DULA
Bikal at Balak - ay nilalahukan ng dalawang babae o lalaki. Ang mang-aawit ay magkahiwalay na nakaupo sa
magkabilang panig ng silid, habang nasa gitna ang mga manonood. Balak, ang pagsusuyuan ng dalaga’t binata
sa pamamagitan ng awit na umiindayog at matalinghaga.
Karilyo - pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong kartong hugis-tao sa likod ng komot na puti na may
ilaw. Bayok at Embayoka - pagtatalong patula ng mga Maranaw na nilalahukan ng isang lalaki at isang babae
na binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabas.
Dallot - awit ng pag-ibig sa mga Ilokano. Ang lalaki ay tutula at nagpapahayag ng pag-ibig at ito’y sasagutin ng
babae ng patula. Habang nag-aawitan ang dalaga’t binata ay pinapasa ang “oasi” isang uri ng alak.
Dung-aw - Tradisyon ng mga Ilokano, isang tulang panambitan na binibigkas sa piling ng bangkay ng anak,
asawa o magulang.
Hugas Kalawang - tradisyon ng mga taga-gitnang Luzon, isinasagawa ito pagkaraan ng pagtatanim ng palay.
Daling-Daling - Tradisyunal na dula ng mga Tausug sa Sulu. Nangangahulugang “Mahal ko Ito rin ay Isang
ritwal na nag-aanyaya sa mga manonood na umawit habang ang magsing-irog ay sumasayaw.
2. PANAHON NG KASTILA-Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong 3G’s.
Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga
akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa.
MGA DULA
Senakulo - Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesukristo.
Moro-moro - Dulang panlansangan, ay Isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng
Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
Tibag - pagsasadula ng paghahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino sa krus na pinagpakuan kay
Hesus. Ginaganap ito tuwing Mayo.
PANUNULUYAN - prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng pasko. Ito ay tungkol sa paghahanap ng bahay na
matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo.
3. PANAHON NG AMERIKANO -Sumiklab ang mga pelikula at Dulang Musikal.
4. PANAHON NG HAPON - nagkaroon ng puwang ang dulang Tagalog sa panahon ng Hapones dahil napinid
ang mga sinehang nagpapalabas ng mga pelikulang Amerikano. Ang malalaking sinehan ay ginawa lamang
tanghalan ng mga dula.Karamihan sa mga dulang pinalabas ay salin sa Tagalog mula sa Ingles. Ang mga
nagsipagsalin ay sina Francisco Rodrigo,Alberto Cancio at Narciso Pimentel.
MGA DULA
a. Panday Pira na isinulat ni Jose Ma. Hernandez
b. Sa Pula, Sa Puti naman ay kay Francisco Soc. Rodrigo. Bulaga ni Clodualdo Del Mundo
c. Sino ba kayo? Dahil sa Anak at Higante ng Pata ni Julian Cruz Balmaceda.
MGA KATANGIAN
1. Nagsasalaysay ng madulang pangyayarI. Ang paksa ay nauukol sa iba’t ibang karanasan sa buhay ng
tao.
2. Gumagamit ng mga payak na pangungusap upang madaling maunawaan.
5. KASALUKUYANG PANAHON - mas umunlad, maraming nagbago at marami na tayong iba’t ibang dula gaya
ng panradyo, pantelebisyon at pampelikula. Sa panahong ito, ang mga dula ay itinatanghal sa mas malaking
entablado at aktwal nang napapanood ng mga tao.
Si Rizal ang naglalarawan ng “sakit sa lipunan” sa kanyang Noli Me Tangere ( Huwag mo akong
Salingin ). Sinabi niyang ang mga pangyayaring isinaad niya roon ay totoong naganap at maaari niyang
patunayan. Sa kanyang dalawang nobela, inilarawan niya ang katiwalian ng mga prayle ngunit ipinakita
rin niya ang pagiging makatarungan ng Gobernador- Heneral. Hindi niya pinagtagumpay ang pag-aalsa
sa El Filibusterismo sapagkat naniniwala siyang hindi pa nagkakaroon ng pag-iisa sa layunin ang mga
tao at tiyak na hindi magtatagumpay ang mga ito. Nagpapatunay rin na isa siyang repormista at hindi
rebolusyunaryo. Sa mga propagandistang nabanggit ay higit na napakatapang ng paglalahad ni Marcelo
H. Del Pilar. Wala siyang pangingimpi sa panunuligsa nang deretsahan sa mga prayle na higit na
pinatunayan ng kanyang “ Dasalan at Tocsohan.”
MODULE 9: PANAHON NG HIMAGSIKAN (1896-1900)
Ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng di-pagtatagumpayan ng mga
propagandista. Gayunman, hindi naman nanlupaypay ang ibang masigasig sa paghingi ng reporma. Ang iba’y
hindi na naniniwala silang kailangan na ng marahasna pagbabago.
Nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo nang mabalitaang
ipapatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa,
Deodato Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo,1892 sa
isang bahay sa Azcarraga ( Claro M. Recto, malapit sa Elcano, Tondo). Itinatag nila ang Kataas-taasang
Kagalang-galangan na Katipunan nang Bayan ( K.K,K. ) o Katipunan. Nagsanduguan sila at inilagda sa
pamamagitan ng kaniykaniyang dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan. May tatlong layunin
ang katipunan:
Politikal- maihiwalay ang Pilipinas sa Espaňa
Moral- mang maturuan ng katatagan at kagandahang-asal nang malayo sa pagiging panitiko at
Sibiko- maging mapagtanggol sa mga mahihirap at naaapi.
Masasabing ang La Liga Filipina ni Rizal ang naging instrumento rin sa pagtatag ng Katipunan. May tatlong
sanggunian ito:
Kataas-tasang Sanggunian
Sannguniang Bayan at;
Sannguniang Balay
Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio ( Ama ng Katipunan ) at Emilio
Jacinto ( Utak ng Katipunan). Kabilang din dito si Pio Valenzuela. Ang wikang natatampok nang panahong ito’y
ang Tagalog. Kung sa panulat man ni Bonifacio’y sinasabi niyang ang tinutukoy dito’y ang mamamayang
Pilipino, hindi naman niya matawag na mga Pilipino sapagkat ang mga Pilipino noo’y ang mga Kastilang
ipinanganak sa Pilipinas, hindi rin naman maaaring gamitin ang Indio sapagkat ito’y panlilibak ng mga Kastila.
Naging aktibo ang mga Katipunero , gabi-gabi’y may pagpupulong sila at nadarama ng mga Kastila na may
mga nagaganap sa kapaligiran lalo na sa Kamaynilaan at sa Gitnang Luzon.
Noong ika-19 ng Agosto, 1896, Nabunyag kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ni Teodoro Patiňo ang
tungkol sa Katipunan. Dahil sa Pangyayaring ito, wala nang iba pang magagawa kundi ang makipaglaban. Kaya
noong ika -23 ng Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban sa Pugad-lawin.
Pinunit nila ang kanilang mga sedula at isinagaw ang “MABUHAY ANG PILIPINAS!”
Andres Bonifacio ( 1863-1897) - ang masasabing nagsindi ng titis ng paghihimagsik. Kabilang siya sa trilohiya
nina Flores del Pilar. Siya ang sumulat ng Ikatlong tula, “ Katapusang Hibik ng Pilipinas”.
Emilio Jacinto (1875-1899) - Kilalang “Utak ng Katipunan” si Emilio Jacinto. Kasama niya si Pio Valenzuela sa
pamamatnugot ng Kalayaan, pahayagan ng Katipunan. Sumulat siya ng “ Kartilla ng Katipunan,” mga kautusan
para sa kaanib ng Katipunan. Ang akdang ito ang pinagbigyan ni Bonifacio.
“Liwanag sa Dilim” ay isang katipunan ng mga sanaysay na busog sa makatas na kurokuro. Kinapapalooban ito
ng tungkol sa karapatan, kalayaan , pagpapantay-pantay , paggawa , paniniwala , pamahalaan at pag-ibig sa
bayan.
“Ningning at Liwanag” na maraming nasisilaw sa ningning , kaya ang mga nakaayos-mahirap ay tinitingnan
nang mababa at iyong nakaayos-mayaman kahit na magnanakaw ay hindi pinupuna.
Pio Valenzuela - Sumulat din ng nakapupukaw na panitik. Katulong siya ni Emilio Jacinto sa pamamatnugot ng
Kalayaan. Isang sanaysay na alay sa bayan ang isinulat niya na pinamagatang “Catwiran.”
Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan
Sanaysay at pahayagan ang naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari sa
kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao upang tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng
kalayaan Ilang sa mga pahayagan noon ang:
1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni PioValenzuela.
2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya’t may
katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.
3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa Unang
Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo
Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang
ito mula ika- 28 ng Disyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming
makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4.) La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898.
5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898.
8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.
Himagsikan Laban sa Amerikano
Patuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila. Ang Gobernador – Heneral noo’y si Primo de
Rivera. Kinsi niya makumbinsi ang mga Pilipino upang magsalong ng sandata. Nagkaroon ng tinatawag na
Republika ng Biak-na-Bato. Si Aguinadlo ang pangulo. Si Mariano Trias ang pangalawang pangulo. Ang
Saligang-Batas nito’y nilagdaan noong unang araw ng Nobyembre, 1897.
Sa tulong ni Pedro Paterno, nalagdaan ang panig ng Plipino at Kastila na kinatawan nina Paterno at Rivera.
Napagkasunduang si Aguinaldo’y kusang magpapatapon sa ibang bansa at si Primo de Rivera’y magkakaloob
ng malaking halaga sa mga rebelde’t mga pamilya ng mga nasalanta sa himagsikan.
Natatag ang unang Republika noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Narinig sa unang pagkakatao ang Marcha
Nacional Filipino ni Juan Felipe. Itinaas ang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong nina Marcela
Agoncillo. May mga diplomatikong nagsisiskap upang ganap na makamit ang kalayaan ngunit ang Kasinduan sa
Paris ang siyang isinakatuparan ng mga Amerikano. Na ang Pilipinas ay sasakupin ng mga Amerikano. Naganap
ito noong Disyembre, 1898. Hindi tumugot ang mga Pilipino sa pakikipaglaban. Ang panulat ay mabisa pa ring
sandata sa pagpapahayag ng mga niloloob ng sambayanan at sa panahong ito, ang pangalan naman ni Mabini
ang natampok.
Apolinario Mabini (1864-1903) - Si Mabini ang “Utak ng Himagsikan” Ang ginamit niyang wika’y Kastila.
Tinagurian din siyang “Dakilang Lumpo” sapagkat sa kabila ng kanyang kapansanan ay kinatatakutan pa ang
kaniyang panulat at kailangan siyang ipatapon. Sinulat niya ang El Desarollo y Caida de la Republica Filipina at
ang “El Verdadero Decalogo” Humigit- kumulang, ganito ang nilalaman ng kaniyang dekalogo:
1. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan nang higit sa lahat. Ang Diyos ang batis ng lahat ng
katotohanan, karunungan at lahat ng gawain. Ang karangalan ang nag-uutos upang maging matapat,
mabait at masipag sang isang tao.
2. Sambahin ang Diyos sa paraang minamarapat ng iyong budhi.
3. Linangin mo ang mga katangiang kaloob sa iyo ng Diyos.
4. Ibigin mo ang iyong bayan sunod sa Diyos at sa iyong karangalan.
5. Pagsumikapan mong lumigaya ang iyong bayan nang una sa iyong sarili sapagkat kung maligaya ang
bayan ang lahat ng naninirahan ay maligaya rin.
6. Pagsumikapan mong makamit ang kasarinlan ng iyong bayan. Ang kaniyang kasarinlan ay kalayaan mo.
7. Kilalanin lamang ang kapangyarihan ng inihalal mo sapagkat ang kapangyarihan ay galing sa Diyos at
dahil sa ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng budhi ng bawat tao.
8. Pagsumikapang makapagtatag ng isang Republika sa iyong bayan.
9. Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
10. Itangi mo ang iyong kababayan higit sa kapwa mo.
Jose Palma - Maikli ang papel na ginagampanan ni Jose Palma sa kasaysayan at sa panitikan ng bayan. Siya ang
sumulat ng “Himno Nacional Filipino “(Pambansang Awit ng Pilipinas). Bagama’t sa Kastila niya ito isinulat at
marami nang salin ang nagawa, hindi maitatatwang siya ang naghandog sa bayan ng Pambansang Awit.
Pagwawakas - Maikli lamang ang sakop ng panahong ito sa panitikan at maging sa kasaysayan ng Pilipinas
ngunit sa panahong ito naipahayag ang mga damdaming nakuyom ng daang-daang taon. Sali-salimuot na
damdaming hindi maaaring ipahayag sa pamamagitan ng paghahabi ng magagandang mga pananalita.
Kailangang ipahayag sa pamamagitan ng tiyakan at maalab na mga pananalita upang ang mga mamamayang
hindi ganap na nagigising ay makisangkot sa mga nagaganap sa paligid. Sa panahong ito’y buong dilat na
ipinakikita’t ipinadaramang nararapat na makamit ang kalayaan upang maging maligaya ang bayan at kapag
ang bayan ay lumigaya ang kanyang mamamayan ay maligaya na rin. Sa himagsikan laban sa Katila’y wikang
Tagalog ang namayani sapagkat iyon ang nauunawaan ng maraming tao sa Pilipinas. Sa himagsikan laban sa
Amerikano ang wikang Katila naman ang ginamit sapagkat iyon naman ang hindi nauunawaan ng mga
dayuhang bagong dating at siyang nalalaman naman ng may mga matataas na tungkulin sa pamahalaan.
MODULE 10: PANAHON NG AMERIKANO
Sa panahong ito, hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na Filipino kung hindi pa rin sila
ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na
nakakulong, nang bigyan ng layang lumipad ay nasiyahan na muna sa paglipad-lipad sa labas ng hawla at hindi
mapangahas lumipad sa malayo.
Sa pahayag ni Lope K. Santos mahahati natin ang panahong ito (1901-1942) sa tatlo.
1.Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan
2. Panahon ng Romantisismo
3.Panahon ng Malasariling Pamahalaan