You are on page 1of 9

LECTURE IN FILDIS

HUMANIDADES - nagmula sa salitang humanus ( homo , homonim ) na


tumutukoy sa tao.

- ay tumutukoy sa mga sining na biswal katulad ng


musika, sayaw, arkitektura, pintura , eskultura teatro, o dula at
panitikan.

ARKITEKTURA - ay isang bahagi ng sining na biswal na nakikita ng mga


tao.
HALIMBAWA: GUSALI, MALL, MANSYON, KALSADA, TORE, SIMBAHAN, AT MGA
TULAY

MUSIKA - ito ay isang sining na pinagsama-sama at inayos ang mga


tunog ng ibat ibang tono.

SAYAW - ay isang sining na karaniwang ginagawa ng tao noon pa mang


unang panahon. Ito ay ginagamitan ng katawan bilang tagapagpahayag
ng nasa kaisipan at damdamin.

TEATRO - ay isang lugar na pinagtatanghalan ng mga dula.

PELIKULA - ay isang palabas na karagdagan sa ibat ibang panooring


panteatro.

PINTURA - ay kinilala at hinangaan sa ibat ibang panig ng daigdigang


likhang sining na “SPOLARIUM” ni Juan Luna na nagtamo ng unang
gantimpala sa timpalak sa sining ng pintura sa Madrid.

ESKULTURA - ay isa ring pangalan na nagpapahiwatig ng bagay na nilikha


ng artista ng sculptor. Sa gawaing ito, pinangangasiwaan ng eskultor na
ipahayag ang kanyang mga ideya kung ito ay makasagisag o abstract, na
sumasalamin sa kung anong mga bagay ang iniisip ng artista at ang
kanyang kakayahan sa teknikal.

MAIKLING KUWENTO - ay sangay ng panitikan na naglalahad ng isang


natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing
tauhan sa isang takdang panahon.
URI NG MAIKLING KUWENTO

1. SALAYSAY - ang uring ito ay walang katangiang nangingibabaw ,


timbang na timbang ang mga bahagi hindi nagmamalabis bagamat
masaklaw, maluwang ang pagsasalaysay at hindi apurahan.
2. KWENTO NG KATATAWANAN - may kabagalan at may ilang paglihis na
balangkas ang galaw ng mga pangyayari sa kwentong ito.
3. KWENTO NG TAUHAN - ang tauhan o mga tauhan ay binibigyang diin
sa kuwento.
4. KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI - Kapansin - pansin ang
pangyayari sa ganitong uri ng kwento. Ang pangyayari ay lubhang
mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa
kapalaran ng mga tauhan sa kwento.
5. KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN - ang kawilihan sa ganitong uri ng
kwento ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan ng kwento.
6. KWENTO NG KATUTUBONG KULAY - angbinibigyan diin dito ay ang
kapaligiran ng isang pook.
7. KWENTO NG KABABALAGHAN - binibigyang kasiyahan sa kuwentong
ito ang pananabiksa mga bagay na kataka - taka at salungat sa wastong
bait at kaisipan.
8. KWENTO NG SIKOLOHIKO - inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng
mga mambabasa . Ang suliranin ng may - akda ay maipadama sa
mambabasa, ang damdamin ng isang taosa harap ng isang pangyayari.
9. KWENTO NG TALINO - ang may-akda ay lumikha ng masuliraning
kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa
lumapit sa takdang oras ng paglalahad.
10. KWENTO NG KATATAKUTAN - ang damdamin sa halip na ang kilos
ang binibigyang diin sa uring ito.

MGA SANGKAP NG MAIKLING KWENTO

1. TUNGGALIAN - ang suliraning kinasasadlakan ng mga pangunahing


tauhan.
2. TAUHAN - sila ang mga taong kasangkot sa paglutas ng ng problema.
3. TAGPO - lugar at panahong aang kwento ay nagkakaroon ng
kaganapan sa buhay ng mga tauhan.
4. TEMA - ang kabuuang mensaheng tinatalakay sa mga pangyayari.
5. BANGHAY - ang sunud- sunod na pangyayaring bumubuo sa kwento.
6. PANANAW O PUNTO DE VISTA - ang taong nagsasalaysay sa
pangyayari para sa mga mambabasa
7. KATIMPIAN / TONO - ang damdaming namamayani sa buong kwento.
8. PAHIWATIG - ang nais sabihin ng kwento na pinabayaang hindi literal
na mababanggit ngunit nauunawaan ng mambabasa.
9. SIMBOLISMO - ang mga pagpapakahulugan ng mga literal ng
bagay ,lugar, tao, at iba pa, kailangan ang mataas na pang- unawang
kasangkot sa pagbasa para maunawaan ito.

ALAMAT - isang kathang pampanitikan na ang pinakadiwa ay ang mga


bagay na makasaysayan o pinagmulan ng isang bagay o mga bagay.

KWENTONG BAYAN - ay isang akdang walang may-akda at nagpalipat -


lipat lamang sa bibig ng mga tao.

NOBELA - ay isang akdang tuluyan ngunit higit itong mahaba kaysa sa


maikling kwento.

SANAYSAY - isang sangay ng panitikan na naglalahad ng mga kuru-kuro


at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil anumang paksa.

TATLONG ( 3 ) BAHAGI NG SANAYSAY

1. Simula
2. Katawan
3. Wakas

PARAAN NG PAGSISIMULA / URI NG SIMULA

1. Anekdota
2. Maaanghang na salita
3. Tanong
4. Paglalarawan
5. Analohiya
6. Pangungusap na deduktibo
7. Paglalahat
8. Pangungusap na hango sa panitikan ( quotation )
9. Salaysay
10. Buod ng kaisipan ng akda
URI NG SANAYSAY

1. PORMAL O MAANYO - seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang


paglalahad at tumatayo sa katauhan ng manunulat may malinaw itong
balangkas.
2. IMPORMAL O PERSONAL - nagpapahayag ito ng katauhan ng
manunulat at hindi seryoso ang pagkakalahad ng paksa.

TALAMBUHAY - isang kathang “prosa” tungkol sa buhay ng may-akda


( autobiography ) o buhay ng isang tao na isinulat ng iba ( bibliography ).

DULA - ay isang anyo ng panitikan na ang layunin ay magpakita sa isang


tanghalan.

SANGKAP NG DULA

1. Dramatikong kumbensyon dapat tanggapin at sundin ng mga


manonood.

2. Kwento ng Dula
- dayalogo at kilos
- paggamit ng usapan at palitan ng mga tiyak na salita
- pagtatanghal sa entablado
- paggamit ng direksyon kung ano ang gagawin ng mga
tauhan

3. TAUHAN - mga kilos nila ang magpapalutang ng damdamin at


saloobin ng awtor na nais niyang ipalabas hinggil sa kanyang paksa

4. KAHULUGAN - ang bunga nito sa kabuuan o ang total na impresyon


nito sa mga manonood.

PABULA - ang kwento na ang mga tauhan ay mga hayop. Ito’y kawili-
wiling kwento na nagpapakita ng mabuting aral o ang layunin ay
maghatid ng kagandahang asal.
PARABULA - ito ay mga kwentong mula o hango sa “ Banal na
Kasulatan”

TULA - ito ay anyo ng panitikan na may sukat at tugma.

IBAT IBANG URI NG TULA

1. TULANG PASALAYSAY - sa uring ito mababasa ang makulay na


karanasan o pangyayaring tungkol sa Pag-ibig, Kabayanihan, at
Kadakilaan ng pamumuhay ng tauhan. Saklaw ng uring ito ang mga
sumusunod; a). Epiko b). Awit at Kurido c). Balada

A. Epiko - nagsasalaysay ng mga kabayanihang hindi mapaniwalaan


pagkat puno ng kababalaghan.
B. Awit at Kurido - hango sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga
tauhang hari, reyna , prinsipe at prinsesa.
C. Balad - inaawit habang may nagsasayaw.

2. TULANG LIRIKO - ay nagsasaad ng damdamin ng awtor hinggil sa isang


bagay o paksa. Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod ; a. Awiting -
Bayan, b. Soneto, c. Elehiya, d. Dalit, e. Pastoral , g. Oda

A. Awiting - Bayan - ang paksa ay pag-ibig , kawalan ng pag-asa,


pamimighati, pangamba, kagalingan, pag-asa at kalungkutan.
B. Soneto - may labing - apat na taludtod, nauukol sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na sinasabi, sa likas na pagkatao, at naghahatid
ito ng aral. Ang unang walong taludtod nito ay nagpapaliwanag sa paksa;
ang huling anim na taludtod ay nagbibigay konklusyon ng awtor na
kanyang sinabi sa unahan.
C. Elehiya - nagpapahayag ng damdamin sa kamatayan o kaya’y
pananangis sa paggunita sa isang pumanaw na.
D. Dalit - awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at may lamang
kaunting pilosopiya sa buhay .
E. Pastoral - naglalarawan ng buhay sa bukid, minsan ay pinaromantiko
at di sinasama ang kahirapan ng buhay dito.
F. Oda - nagpapahayag ng papuri, panaghoy o anumang nakaaangat na
emosyon ng tao, wala itong tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang
saknong.
3. TULANG PATNIGAN - isang uri ng pagtatalong patula na
kinapapalooban ng matatalinong pangangatwiran , talas ng pag-iisip,
kabayanihan at kadakilaan ng pangunahing tauhan. Saklaw ng uring ito
ay ang Duplo, Karagatan, Balagtasan , Batutian ( ng mga Tagalog ) at
Crisottan ( ng mga Kapampangan ).

A. Duplo - larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang


paglalamay sa patay.
B. Karagatan - isang larong may paligsahan sa pagtula ukol sa singsing ng
isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang
makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.

C.Balagtasan - ay hinango sa pangalan ni Fransisco Balagtas.

Ang balatagsan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang panig sa isang


paksa. May isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa kung lalaki
at lakambini naman kung babae. May mga hurado rin na siyang huhusga
kung anong panig ang nanalo.

4. TULANG PADULA - nasasaklaw nito ang mga dulang may dayalogo o


usapang patula, mga halimbawa nito ay ; Komedya, Moro- Moro,
bagamat may Senakulo , Tibag , Panuluyan , at Sarswela.

A. Komedya - ay isang sining na tinatanghal sa entablado o “ stage “ kung


saan ang tauhan rito ay nagpapatawa.
B. Moro- Moro - ay isang dula noong panahon ng mga kastila.
C. Senakulo - ang senakulo ay mula sa salitang espanyol na “ cenaculo”
ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari sa huling yugto ng
buhay ni Hesukristo.
D. Tibag - isang pagtatahal kung buwan ng Mayo, na paghahanap ni Sta.
Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.
E. Panuluyan - ay tradisyunal dula sa bisperas ng Pasko, hinggil sa
paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa
Jerusalem.
F. Sarswela - ay isang dulang may kantahan at sayawan na mayroong isa
hanggang limang kabanata. At nagpapakita ng sitwasyon ng mga Pilipino
na may kinalaman sa mga kwento ng pag-ibig at kontemporasyong isyu.
MGA URI NG TEKSTO O SULATIN

1. IMPORMASYUNAL EKSPOSITORI - kilala rin ito sa tawag na “


expository writing”. Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon
at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay
sa teksto.

HALIMBAWA :

Pagsulat ng report ng obserbasyon

Mga istatistiks na makikita sa mga libro

Ensayklopedia, Balita, at Bisnes Report

A. PAKTWAL - ( Katotohanan ) mga paktwal na kaisipan o pahayag na


hindi mapapasubalian at samakatuwid pinaniniwalaan ng lahat.

B. DESKRIPTIV - Ito ay ang paglalahad ng mga detalye o


impormasyon na naranasan ng isang tao sa
pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at
pansalat.

Ito ay sagana sa mga salitang pang-uri at


pang-abay para sa malinaw na pagtukoy sa mga
katangian ng nilalarawan.

C. PROSESO - ito ang pagwawasto ng mga posibleng


pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling , gramar,
gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling
yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang
pinal na dokumento.
2. AGHAM PANLIPUNAN - ay isang uri ng pananaliksik
na tumutukoy sa pagtuklas ng mga katotohanan at
karunungan na hindi magsasaalang - alang sa praktikal
na kapakinabangan mula rito kundi para sa sariling
kapakinabangan.

A. PAGTALAKAY SA TEKSTO

MAHUSAY NA PINUNO…………ANO ANG


SEKRETO MO ?

Mula sa aklat nina:

Magdalena O. Jocson

Patrocinio V. Villafuerte

Cid V. Alcaraz

FILIPINO 2

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA


PANANALIKSIK

B. KAUGNAYAN NG SOSYOLOHIYA AT
ANTROPOLOHIYA

A. SOSYOLOHIYA - ( Dalub-ulnungan ) ay ang pag-aaral ng


mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na binibigkis at hinihiwalay ang mga tao hindi
lamang bilang mga indibiduwal kundi bilang kasapi ng mga asosasyon, grupo,
at institusyon.

Tinatawag ito, sa isang kahulugan sa isang tipikal na aklat, bilang ang pag-aaral sa mga
buhay na panlipunan ng mga tao, grupo, at lipunan. Interesado ang sosyolohiya sa ating
pag-uugali bilang mga nilalang na marunong makisama; sa ganitong paraan sinasakop
ng nagustuhang larangan sa sosyolohiya mula sa pagsusuri ng maiikling pakikitungo sa
pagitan ng hindi magkakilalang indibiduwal sa daan hanggang sa pag-aaral ng proseso
ng pandaigdigang lipunan.

3. LIKAS NA AGHAM - ( Natural Sciences )

Mga Uri ng Likas na Agham

Biyolohiya, Kemistri, Patolohiya, Botanika,Medisina , Astronomiya, Pisika


, Agrikultura at Heolohiya.

TEKNOLOHIYA - ( Technology )

Mga Uri ng Teknolohiya

Agham , Kompyuter, Elektroniks, Inhenyero at Awtomotib

MATEMATIKA - ( Mathematics )

Mga Uri ng Matematika

Trigonometri , Algebra, Estadistika, Geometry at Kalkyulus

“ GOODLUCK” TO OUR FINAL EXAMINATION

THANK YOU VERY MUCH TO ALL OF YOU!

FROM : SIR MYLO S. REDERA

You might also like