You are on page 1of 8

Marynell Joy C.

Valenzuela BTLED HE 4A

Ed 17 - Refresher
Filipino
Ni Gng. Rowillyn Caminian- Turija

ANG PANITIKAN NG PILPINAS


Panitikan o literatura
- pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagaybagay sa daigdig, pamumuhay sa lipunan
at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.
- Ito ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang
nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, takot at
pangamba at iba pa. (Panganiban)
- Ito ay may hatid na bisa sa isip, sa damdamin, at sa asal-tatlong bisang inaasahang hahantong sa
paghubog ng buong katauhan ng mambabasa.

Literatura - ay salitang Kastila na tinumbasan ng panitikan sa Filipino.


Ang panitikan ay hinango sa salitang titik o letra na inunlapian ng pan at hinulapian ng –an at naging
panitikan o pinaikling salitang pantitikan.

Napapangkat sa dalawang paraan ng pag-uuri ang panitikan:


A. Paghahalin Mga Paraan ng Paghahalin
1. pasalindila- ibinubukambibig lamang
2. 2. pasalinsulat- pagsasatitik
3. 3. pasalintroniko

B. Ayon sa anyo
1. patula
2. Tuluyan
3. Patanghal

Uri ng Panitikan ayon sa Anyo


Anyo ng panitikan
A. Patula
- pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga maanyong salita sa mga taludtod na
may sukat o bilang ng pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng bawat taludtod sa mga saknong.
Ang tulang walang sinusunod na tuntunin ng sukat at tugma ay tinatawag na malayang taludturan.

1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin o Tula ng Puso - nagsasaad ng marubdob na pagdamdam sa isang
paksa.
a. Dalit/ Himno - nagpaparangal sa Maykapal na may halong pilosopiya sa buhay
b. Soneto - laging nagtataglay ito ng mga aral sa buhay, may 14 na taludtod at ang mga nilalaman ay tungkol
sa damdamin at kaispan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
c. Elehiya - ang nilalaman nito ay may kinalaman sa alala ng isang namatay, guniguni tungkol sa
kamatayan; pananangis at pananghoy.
d. Oda - masigla ang nilalaman. Pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
Walang katiyakan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng isang saknong.
e. Awit - madamdamin ang nilalaman sa dahilang karaniwang pinapaksa ay may kinalaman sa pag-ibig,
kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamaba, at kailigayahan.

2. Tulang pasalaysay- taglay ng tulang ito ang paglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay
tulad ng pag-ibig, pagkabigo, tagumpay mula sa kahirapan.
-Inilalahad din dito ang kagitingan at katapangan ng mga bayani sa pakikidigma.

Mga uri ng Tulang Pasalaysay:


a. Epiko - Isinalaysay nito ang kagitingan ng isang tao, ang mga tagumpay nito sa digmaan,
pakikipagtunggali sa mga kaaway.
-Maraming tagpo ang hindi kapanipaniwala sapgkat may kababalaghan at kahiwagaang napapaloob
b. Awit - tinatawag na tulang romansa. Taglay nito ang paksang may kinalaman sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian tulad ng mga hari, prinsipe, duke, reyna, at prinsesa na
ang layunin ay palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo.
-Ito ay may sukat na 12 pantig ang bawat taludtod at may himig na mabagal sa saliw ng gitara o
bandurya.
c. Kurido - tinatawag ring tulang romansa. Tulad ng awit taglay rin nito ang paksang may kinalaman sa
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian tulad ng mga hari, prinsipe, duke,
reyna, at prinsesa na ang layunin ay palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo.
-Ito ay may sukat na 8 pantig ang bawat taludtod at binibigkas sa kumpas ng martsa kaya ito ay mabilis.
d. Balad - ito ay may himig awit sa dahilang ito ay inaawait habang may nagsasayaw noong unang panahon.
Sa kasalukuyan napabilang ito sa tulang kasaysayan na may 6 hangagang 8 pantig.

3. Tulang patnigan
a. Karagatan - ito ay isang larong may paligsahan sa tula. Galing daw ito sa alamat ng “ Singsing” ng isang
dalaga.
b. Duplo - isang paligsahan sa pangangatwiran sa patulang pamamaraan at karaniwang masasaksihan sa mga
baryo lalo na sa paglalamay sa patay.
c. Balagtasan - ito ay tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan katwiran sa pamamaraan.

4. Tulang Dula o pantanghalan - ito ay katulad ng karaniwang dula at ang kaibahan nga lamang ay
binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa pamamaraang patula.

Uri ng Tula ayon sa Kayarian


 May Sukat at may tugmang taludturan ( tradisyonal )
 Malayang Taludturan
 Di-tugmang Taludturan ( Blangko Berso )

Mga Sangkap o Salik ng Tula


1. Sukat - bilang ng pantig sa bawat taludtod.
2. Tugma - pagkakasintunog ng huling pantig ng bawat taludtod sa isang saknong.
3. Larawang - diwa
4. Kagandahan o kariktan

Mga Uri ng Taludturan


 Kopla - binubuo ng dalawang taludtod bawat saknong
 Triplet - binubuo ng tatlong taludtod bawat saknong
 Quatrain - binubuo ng apat taludtod bawat saknong
 Sextet - binubuo ng anim taludtod bawat saknong Soneto- binubuo ng 12 taludtod bawat saknong

Mga Uri ng Tugmaan


1. AAAA
2. ABAB
3. ABBA
4. AABB

Pangkat ng mga Katinig na Magkakatugma


- b, k, d, g, p, s, t
- l, m, n, ng, r, w, y

2. Tulyan o Prosa- ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa


pangungusap.

Iba’t ibang uri ng panitikang tuluyan:


a. Maikling Kwento o maikling katha - isang sangay ng panitikang naglalahad ng isang natatangi at
mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
b. Alamat - Ito ay mga kwentong-bayan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay.
-Ito ay mga akdang nagpapaliwanag ng kakumbakitan ng isang bagay at ng katawagan sa anuman o sa
alinman. Naglalahad ito ng pinagmulan ng mga bagay-bagay at mga pangyayari
c. Mitolohiya - Ito ay tinatawag ring mulamat na binubuo ng dalawang salitang mula na ang ibig sabihin ay
simula o umpisa at alamat na ang ibig sabihin ay isang uri ng kwentong bayan na nagasasalaysay tungkol sa
pinagsimulan ng mga bagay- bagay.
-Mga kwento ito ng simula ng simula sapagkat ito’y tungkol sa mga diyos at diyosa, bathala o mga
anito.
d. Pabula - isang maikling salaysay na patalinghaga at kinatha upang maglarawan ng isang aral na moral.
-Ang mga panauhan ng pabula ay karaniwang mga hayop o mga bagay na binibigyang-katauhan,
gayang kapangyarihang magsalita at mag-isip na parang tao.
e. Parabula - isang kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring mangyari sa katutubong buhay
ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay. Karaniwang
hango sa Bibliya o Banal na Kasulatan.
f. Kathambuhay o Nobela - isang sangay ng panitikang nagtataglay ng maraming pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pang katulong ng mga tauhan at ang buong
pangyayari ay sumasaklaw nang higit na mahabang panahon kaysa maikling katha.
g. Sanaysay - itinutumbas ito sa salitang Ingles na “ essay”.
- nanggaling sa salitang Latin na “ exagium” isang pagtitimbang-timbang.
- Ang sanaysay ay isang kathang naglalahad ng mga kuru-kuro at damdamin ng isang tao hinggil sa
isang paksa.
h. Talambuhay - isang sangay ng panitikang naglalahad ng mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.
i. Pangulong Tudling / editoryal - ito ay sanaysay na nagsasadd ng kuru-kuro ng patnugot ng isang
pahayagan.
j. Talumpati - isang uri ng akda o salaysaying pampanitikang inihanda sa layuning basahin o bigkasin sa
harap ng mga makikinig.
k. Dula o drama - isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita,
kilos o galaw a ng kaisipan ng may-akda. Ang dula ay isinusulat upang itanghal sa isang tanghalan o
entablado

Maikling Kwentong Filipino


Mga sangkap ng Maikling Kwento
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Tunggalian
5. Kakintalan

Uri ng Tauhan ayon sa Katangian


 Tauhang bilog - yaong nagbabago sa huli ng kwento
 Tauhang lapad - walang ipinapakitang pagbabago matapos ang kwento

Uri ng Tauhan ayon sa Papel na Ginagampanan


i. Pangunahing tauhan
ii. Pantulong na tauhan

Uri ng Tauhan ayon Paniniwala


 Antagonista
 Protagonista

Uri ng Tunggalian
a. Pisikal ( tao laban sa kalikasan )
b. Panlipunan ( tao laban sa kapwa )
c. Sikolohokal ( tao laban sa sarili )

3. Patanghal - ito’y mga panitikan na isinasadula sa entablado, sa bahay o bakuran. Hindi nagiging ganap
hangga’t hindi ipinaplaabas o isinasagawa sa tanghalan o dulaan.

Dulang Filipino
1. Komedya - dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan.
2. Trahedya - dulang nagtatapos sa kamatayan o kalungkutan ng pangunahing tauhan
3. Melodrama o soap-opera- dulang may malungkot na pangyayari na halos ang pangunahing tauhan ay
mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huli’y magtatagumpay at magwawakas sa kaligayahan. 4. Parsa-
layunin ng dulang ito’y magpatawa at libangin ang mga manonood. Ang sitwasyon ay katawa-tawa, maging
ang mga kilos at pananalita ng mga tauhan.
4. Saynete - dulang pinakalayunin ay magpatawa ngunit ang pangyayari ay karaniwan lamang. Ang mga
gumaganap ay mga tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong nagsasalita. Ito’y mayroon ding awitan.
Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
A. Katutubong Panitikan:
 Panahon bago dumating ang mga kastila Ayon sa mga mananalaysay at mga misyonerong Kastila ang
mga Pilipino ay may sarili nang kabihasnan bago pa dumating ang mga Kastila. Mayroon na silang
sariling sining, panitikan at wika.
 Ang kinahihiligan ng ating mga ninuno ay ang pagtula, pagawit pagsasadula at paghabi ng mga
salaysay.
 Kabilang sa mga ito ay: alamat, mitolohiya, kwentong-bayan, epiko, awiting-bayan at karunungang-
bayan.

B. Panitikan sa Panahon ng mga Kastila


Ang panitikan Filipino nang panahon ng Kastila ay nagsimula lamang nang opisyal na maitatag ni
Legaspi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1565.
Karamihan ay panrelihiyon, pangkagandahang-asal at pangwika ang pinapaksa. Ang mga ito’y
nagtataglay ng iba’t ibang anyo. Ang mga paksa’y huwad sa paksang kastila.

Mga uri ng panitikan:


a. Awit
b. Korido
c. Duplo
d. Karagatan
e. Komedya
f. Moro-moro
g. Senakulo
h. Sarswela

C. Panitikan sa Panahon ng Propaganda at Paghihimagsik


Sa panahon ng propaganda ay unti-unting nabuo at lumaganap ang damdaming makabayan, pagbubukas
ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, pagsapit ng diwng liberalismo. Nagkaroon ng mga bagong kilusan
sa politika at sa panitikan dito sa Pilipinas at sa ibayong dagat.
Ang dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa pamamalakad
ng pamahalaan at simbahan.
D. Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Bagamat maaring mailarawang masedisyon ang mga unang bungang panulat, ang tunay na damdaming
naghahari ssa mga akdang ito ay ang damdaming makabayan. Ang mga paksa ay binabalot ng pag-ibig sa
byan, ng pangarap na kasarinlan ng bansang Pilipino, ang pagtutol sa kolonyalismo. Sa panahong ito’y
dumami ang limbag na panitikan. Ito ang bunga ng kalayaan sa pamamahayag, sa salita, sa relihiyon at sa
mga samahan. Nakilala sa panahon na ito ang sarswela at mga bodabil o stage show.
Gayundin umusbong ang mga pelikula. Lumitaw ang tinatawag na makatotohannag Panitikan. Ang
panitikang nagpapakita ng tunay na pangyayari sa mga tao ay nagmulat sa siglong ito. Nagkaroon ng bagong
pananaw at paksa tulad ng pamahalaan, kalikasan, at mga sanaysay na personal.

E. Panitikan sa Panahon ng mga Hapones


Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay nabalam ang umuunlad na panitikang
Filipino. Ipinapinid ng mga Hapon ang mga pahayagan. Sa kabilang dako ay umunlad ang panitikang
Filipino. Ang mga dating sumusulat sa Ingles ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog.
Ang mga namalasak na tula sa panahon ng Hapon ay ang Haikku”, isang tulang binubuo ng labimpitong
pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Bukod sa haiku ng hapon ay may dalawa pang uri ng tulang
lumaganap, ang tanaga at ang karaniwang anyo. Malaki ang nagawa ng Hapon sa pagpapalaganap ng
Filipino sapagkat ito’y sapilitang ipinaturo mula sa unang baitang sa elementarya hanggang sa kolehiyo ng
Edukasyon .

F. Panitikan sa Panahon ng Patuloy na Pagbabago


Nahahati ito sa mga sumusunod na panahon:
1. Panitikan sa Panahon ng Bagong Kasarinlan ( Panitikan sa Duguang Plakard)
Ang marami sa mga anyo ng panitikan sa panahong ito ay malulungkot, wika nga’y sentimental. Ang
mga manunulat ay tila nangag-uunahang sumulat upang magpaiyak lamang sa mga mambabasa.
2. Panahon ng Bagong Lipunan
Naging tema ng panitikan lalo na ng tula ang pagkakisa at pagkakapatiran; tiyaga at pagsisiskap;
pagpapaphalaga sa pambansang kultura, ugali, kagandahan ng kapaligiran, atbp.
3. Kasalukuyang Panahon
Sa kasalukuyang ay lalong yumayabong ang mga akda ng wikang Pilipino. Ang mga sanaysay,
maikling kuwento, nobela at tula ay patuloy na kinawiwilihang sulatin. At umusbong ang mga panitikang
popular, gaya ng pelikula, slogan, fliptop.

MGA TEORYA SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN


 Teoryang Romatisismo- ang nangingibabaw ay ang emosyon, hindi ang katwiran o ang relihiyon.
 Teoryang Realismo- ipinaglalaban ng teoryang ito ang katotohanan.
 Teoryang Eksistensyalismo- Mababakas sa akda ang hangarin ng tauhan na maging malaya.
 Teoryang Feminismo- ang mga manunulat na babae at ang kakayahan bilang babae ang higit na
pinagtutuunan ng pansin.

Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino ( Part 2 )


Mga Konseptong Pangwika
Kahulugan ng Wika
Ang wika ay isang natatanging balangkas ng pinili at isinaayos na set ng mga sinsalitang tunog sa
paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagugnayan ng mga taong kapangkat sa isang kultura. ( Alfonso
Santiago )
Mga Teorya ng Wika:
1. Teoryang bow-wow - Ang wika ay nagsimula sa paggagad ng mga tao sa tunog na likha ng kalikasan.
2. Teoryang ding-dong - Ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog
3. Teoryang poo-pooh - Ang tao ang siyang lumilikha ng tunog at ang nagbibigay ng kahulugan dito.
4. Teoryang ta-ta nagsasabing nagbubuhat sa paggagad sa galaw ng katawan.
5. Teoryang Yo-he-ho nagsasabing ang wika ay nagmula sa mga ungol na bunga ng pagkapagod
6. Teoryang sing-song ang wika ay nagmula sa mga walang kalinawang awit ng mga sinaunang tao.
7. Teoryang ta-rara-boom-de-ay ang wika ay nagmula sa mga ritwal na isinasagawa ng mga katutubo o
sinaunang tao.

Varyasyon ng Wika
 Dayalek - Ito ay varayti ng wika na sinasalita ng mga tao sa heograpikong lugar/ komunidad
 Idyolek - Tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao.
 Sosyolek - Ito ay varayting sinasalita ng mga tao batay sa katayuan sa isang lipunan. -
-Wika ng dukha
- Wika ng mga mayaman
 Conyospeak - wika na binubuo ng magkahalong Filipino at Ingles
 Jejemon - wika na binubuo ng titik, bilang at mga simbolo.

Mga Tungkulin / Gampanin ng Wika


Ayon kay Halliday may 7 tungkulin ang wika:
1. pang- instrumental

2. panregulatori

3. pang-interaksyon

4. pampersonal

5. pang-imahinasyon

6. pangheuristiko

7. pang-impormatib

You might also like