You are on page 1of 20

Ano ang Panitikan?

PANG+TITIK+KAN PAN+TITIK-AN
= PANGTITIKAN = PANTITIKAN

PANITIKAN

Ang PAN-TITIK-AN ay nagiging Panitikan sapagkat kinakaltas


nito ang unang titik ng salitang-ugat.
Iba’t Ibang Anyo ng
Panitikan
Tuluyan o Prosa
Maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob
ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang
takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

Nobela
Isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng
iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000
salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng
mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay
kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na
istilo o maraming tiyak na istilo.
1.Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan.
2.Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o
pangyayaring nakalipas na.
3.Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng
mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa.
4.Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at
pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga
mambabasa.
5.Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa
buhay ng tao.
6.Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang
katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan,
sitwasyon, at pangangailangan.
7.Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na
nakakapagpabago ng ating buhay o Sistema.
Elemento ng nobela
 
1.Tagpuan - lugar at panahon ng mga
pinangyarihan.
2.Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa
nobela.
3.Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
sa nobela.
4.Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa
nobela.
5.Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
6.Pamamaraan - istilo ng manunulat.
7.Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela.
8.Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.
Maikling Kwento
 
Binaybay ding maikling kuwento - ay isang maigsing
salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar
Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling
Kuwento" sa buong mundo at si Deogracias del Rosario
naman sa Pilipinas.
1.kwento ng tauhan inilalarawan ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan
ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa. 
2.kwento ng katutubong kulay binibigyang-
diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3.kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong
pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan.
4.kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang
mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring
kasindak-sindak.
6. kwento ng madulang pangyayari binibigyang
diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa
tauhan.
7. kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng
maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
 
8. kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas
ng pangyayari ang interes ng kwento.
 
9. kwento ng katatawanan Nagbibigay-aliw at
nagpapasaya naman sa mambabasa ang
Kuwentong Bayan
Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa
mga likhang-isip na mga tauhan na kumkatawan sa
mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang
hari, isang marunong na lalaki o kaya ay isang
hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon
ng isang bansa o lupain.
Ito ay isang kuwentong nagsasalaysay ng mga
tradisyong Pilipino. Karamihan sa mga ito ay tungkol
sa mga diyos at Espiritu na siyang nagtatakda ng
kapalaran ng tao, at ang naglalarawan sa mga
kaugalian, pananampalataya at mga suliraning
panlipunan .
1.Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng
mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at
pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.
 
2.Mito – akdang pampanitikan na ang mga tauhan ay
mga Diyos at Diyosa. 
3.Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan
kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon
at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing.
May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga
pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral
para sa mga batang mambabasa.
4. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na
tao. 
5. Parabula - maikling salaysay na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

6. Talambuhay - maikling salaysay na maaaring nasa


anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
o Pansarili
o Talambuhay ng ibang tao
7. Balita – mga pangyayaring nagaganap sa pang-araw-araw
na pamumuhay.
 
8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
o Pormal
o Impormal
 
9. Dula - isang uri ng panitikang nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
o Komedya
o Trahedya
o Melodrama
o Saynete
o Parsa
Patula
 
Pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa taludtod na
pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga
salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod
sa isang saknong.
Tulang liriko
Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang
mga saloobin at damdamin ng makata. Ang Tulang liriko na uri
ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na
naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang
sinasabi sa mambabasa, ang kanyangsariling damdamin,
iniisip, at persepsyon.
 
1.Kantahin – mga tulang nilalapatan ng himig. 
2.Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya. Hinggil sa
damdamin at kaisipan, maymalinaw na kabatiran sa likas na
pagkatao.
3.Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol
sa kamatayan.
4. Oda - Ang oda ay karaniwang isang
liriko o tula na nakasulat bilang papuri
o dedikado saisang tao o isang bagay na
kinukuha interes ang makata o
nagsisilbing isang inspirasyon para sa
oda.
 
5. Dalit - isang uri ng tula, karaniwang
pang relihiyon, partikular na nakasulat
para salayunin ng papuri, pagsamba o
panalangin, at karaniwan ay ipadala sa
isang Diyos o saisang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)
 
Isang tula na may balangkas. Ang tula
aymaaaring maikli o mahaba, at ang mga
kuwento na may kaugnayan sa maaaring
magingsimple o kumplikadong pangyayari.
1.Awit
2.Korido
3.Epiko - Isang mahaba kuwento/tula,
kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa
nanaglalaman ng mga detalye ng kabayanihan
gawa at mga kaganapan ng makabuluhang
saisang kultura o bansa.
Tulang patnigan
Tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling
makata ngunit hindi sa paraang padula.
 
1.Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang
paligsahan sa pagtula na kabilang satinatawag na
libangang itinatanghal´ na ang taglay na pamagat ay
nanggaling sa isangalamat ng singsing ng isang
dalaga na nahulog sa dagat.  
2.Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan
sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
3.Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng
tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco
‘Balagtas´ Baltazar.
Tulang Pantanghalan o Padula
 
Karaniwang itinatanghal sa teatro. Ito ay
patulang binibigkas na kung minsan ay
sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong
lubhang madula.
GAWAIN 1: TANONG MO-SAGOT MO! (20 PUNTOS)
1. Kung may hashtag ka tungkol sa panitikan, ano ito at bakit?
2. May praktikal o realistong katuturan ba ang panitikan sa buhay mo bilang isang mag-aaral?
Ipaliwanag.

GAWAIN 2: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba na hindi bababa sa limang pangungusap bawat bilang;
(30 puntos)

1. Ibigay ang kahalagahan ng panitikan sa mga sumusunod:


a. Kasaysayan
b. Akademya
c. Pananaliksik
d. Mag-aaral
2. Alin sa mga uri ng panitikan sa itaas ang pinakaakma sa panahon ngayon? Pangatwiranan ang sagot
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patunay.

GAWAIN 3: Isa sa mga uri ng talambuhay ay ang pansarili. Sa bahaging ito, ikaw ay inaatasang isulat
ang iyong sariling talambuhay. (30 puntos)
MARAMING SALAMAT PO!

You might also like