You are on page 1of 17

Bacor

Baynos
Ermac
Geolin
Guevarra

Modyul 2
Mga Gawain sa Sariling-Pagkatuto
Mga Uri ng Maikling Kwento Batay sa Pamamaraan
(Filipino Major 117 - Maikling Kwento at Nobela)

Gawain #1
Panuto: May Pamimilian. Piliin sa loob ng kahon ang tauhan na nagbigay ng mga pahayag mula sa
kuwentong "Sa Bagong Paraiso". Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. Isang
puntos bawat bilang.

a. Ariel b. Ina ni Cleofe c. Cleofe d. Ama ni Ariel e. Ba Aryo

a 1. Siya ang nagtanong ng "Naririnig mo ba...may tumutunog sa aking dibdib?"

a 2. Siya ang nagsabi ng "Ang bango mo pala!"

c 3. Siya ang nagtanong ng "Bakit kaya kulay-dugo ang araw kapag palubog na?"

d 4. Sinabi niyang "Ang langit ay isang malaking salamin..."

c 5. Siya ang nagwika na "Hindi na pala tayo maaaring maglaro... na tulad nang dati."

b 6. Sinabi niyang "Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel."

d 7. Siya ang nagsabi ng "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa
tukso."

a 8. Sinabi niyang, "Ibig kong magkita tayo, kahit saan, kahit saan!"

d 9. Ipinaalala niya kay Ariel na ang babae ay tukso.

a 10. Siya ang nagsabi na, "Magkikita tayo, magtatago tayo...ililihim. natin sa kanila ang lahat."
Gawain #2
Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung hindi wasto. Salungguhitan ang salitang nagpamali sa pahayag at itama ito. Isulat
ang tamang sagot gamit ang malalaking titik sa tabi ng salitang MALI sa patlang na
inilaan. Ang mga pahayag sa bahaging ito ay mula sa kuwentong "Sa Bagong Paraiso".
Isang puntos bawat bilang.

TAMA 1. Sa kabataan nina Ariel at Cleofe ay puring-puri sila ng kanilang mga magulang at mga
kanayon.
TAMA 2. Ang batang sina Cleofe at Ariel ay sinasabihan ng kanilang mga kaklase na parang tuko
magkakapit.
MALI - LALAKI SI ARIEL 3. Napalaban ng suntukan ang batang babaeng si Cleofe sa isang batang
lalaki nang siya'y tinudyo nang tinudyo sa kaibigan.
TAMA 4. Nagpunta ang batang lalaki kasama ang kaniyang ama sa bahay ni Ba Aryo.
TAMA 5. Buwan-buwan, ang dalagitang si Cleofe ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng
kaniyang katre.
_MALI - MAGDOKTORA_ 6. Ibig ng ina para sa anak na dalagitang si Cleofe na mag-nars.
MALI - AMA 7. Ikinuwento ni Ariel sa ina na ayaw nang makipagkita ni Cleofe sa kaniya.
TAMA 8. Isang araw na hindi sinasadya'y nagkasalubong si Ariel at Cleofe sa pamimili sa bangketa.
MALI - LUNETA 9. Sinuway ni Cleofe ang mga magulang at nakipagkita kay Ariel nang maraming
beses sa Baklaran matapos ang una nilang pagkikita sa bangketa.
TAMA 10. Nakapaloob sa liham ng ina ni Cleofe ang pagbabantang pagluwas ng kaniyang ama
kapag hindi itinigil ang pakikipagkita nito sa binatang si Ariel.

Gawain #3
Panuto: PAGKILALA. Kilalanin ang mga napapaloob sa sumusunod na bilang mula sa kuwentong
"Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino" ni Eros S. Atalia. Isulat sa patlang ang sagot. Isang
puntos bawat bilang.

1. Siya ang nagsisigaw ng "Intoy, Intoy! Bangon, alig! Mang Amor


2. Siya ang amo ni Intoy. Mang Amor
3. Ang tawag sa mga tahong na nakabitin sa pagitan ng mga tulos. Pabitin
4. Ang tawag naman sa tahong na nakabalot sa lambat na pinalulutang ng Styrofoam na nakatali sa
pagitan ng mga poste. Palutang
5. Siya ang nagtulak kay Intoy sa dagat palabas ng pantalan sa edad na lima na dahilan upang matuto
siyang lumangoy. Bertong Baka
6. Ito ang isinigaw ng kaniyang mga kalaro sa kaniya nang itinulak sa dagat sa pantalan. Kuting
7. Ito ang tawag sa tatay ni Intoy Intoy Syokoy
8. Siya ay binansagang bagol sa pangungupit niya ng bagol sa tindahan. Boyet
9. Ito ang tawag sa malaking bangka na tumatagal ng ilang linggo sa dagat. Basnig
10. Siya ang pinaghahandaan ni Intoy ng pera na babayaran niya. Bertong Baka

Gawain #4
Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan. Ang mga pahayag sa bahaging ito
ay mula sa kuwentong "Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino" ni Eros S. Atalia. Isang
puntos bawat bilang.

MALI 1. Alam ng amo ni Intoy na mayroon siyang sariling tahungan.


TAMA 2. Magkahalong tuwa at lungkot ang dala ng alig noong araw na iyon kay Intoy.
TAMA 3. Intoy Syokoy ang tawag kay Intoy dahil para raw itong syokoy na nakatatagal sa ilalim ng
dagat.
MALI 4. Sa edad ni Intoy na disisais, mukha na siyang singkuwenta pero parang katawan ng trese
anyos.
TAMA 5. Masasabing si Intoy ay batikan na sa larangan ng pagtatahungan.
TAMA6. Namatay ang tatay ni Intoy nang tumalon mula sa pantalan dahil sa sobrang kalasingan.
TAMA 7. Ang Kalye Marino ay hindi na Kalye Marino kung wala ang mga magtatahong.
MALI 8. Alam na alam ni Intoy kung papaano niya sasabihin kay Doray na gusto niya ito.
MALI 9. Hindi pumayag si Intoy sa balak ni Doray na puntahan siya nito sa kaniyang bahay sa
bandang ala-una ng umaga.
MALI 10. Dumating sa bahay ni Intoy si Doray at nangyari ang di dapat mangyari.

Gawain #5
Panuto: PASANAYSAY. Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Sagutin ang bawat tanong
sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap (5 pts bawat bilang).

1. Sang-ayon ka ba na gawing dahilan ang kahirapan para gawin ang pagbebenta ng puri gaya
ng gawain ni Doray sa kuwento? Pangatwiranan. (5 pts)
Hindi ako sang-ayon na gawing dahilan ang kahirapan para gawin ang pagbebenta ng puri
tulad ng ginawa ni Doray sa kuwento. Sa kabila ng hirap ng buhay, maaari pa ring makahanap ng
ibang paraan para malampasan ito nang hindi kinakailangang isakripisyo ang dignidad ng isang tao.

2. Sa tingin mo, tama ba ang paraan ni Intoy sa pagliligtas kay Doray sa kamay ng mga
mambabasnig? Pangatwiranan. (5 pts)
Tama ang paraan ni Intoy sa pagliligtas kay Doray sa kamay ng mga mambabasnig.
Sa paggamit ng kanyang lakas at tapang, ipinakita ni Intoy na mayroong mga paraan upang labanan
ang kawalan ng katarungan at proteksyunan ang mga mahal sa buhay.

3. Anong mabubuo mong pakahulugan tungkol sa "pag-ibig" mula sa kuwentong binasa? At bakit
napapabilang ang kuwentong ito sa kuwento ng Romansang Pakikipagsapalaran. Patunayan. (5 pts)
Ang "pag-ibig" sa kuwentong ito ay naglalarawan ng matibay na samahan at pag-aalaga sa
kapwa. Sa pamamagitan ng pagtulong at pagliligtas ni Intoy kay Doray, ipinakita ang kahalagahan ng
pagmamahal at pagkakaroon ng tapang para sa mga mahal sa buhay. Ang kuwento ay maituturing na
Romansang Pakikipagsapalaran dahil sa mga panganib at paglalakbay na kinakaharap ng mga tauhan
sa kanilang landas ng pagmamahalan at pagtutulungan.

Gawain #6
Panuto: MAY PAMIMILIAN. Piliin ang tinutukoy sa pahayag sa bawat bilang mula sa kuwentong
"Ang Bugtong ng Manok at Agila" ni Alvin B. Yapan. Bilugan ang letra na may tamang sagot. Isang
puntos bawat bilang.

1. Siya ang ikatlong agilang pinakawalan sa kagubatan pagkatapos alagaan at palakihin nang ilang
buwan sa Eagle Conservation Center.

a. Imperial
b. Dante
c. Pompom
d. Banaag-
2. Ito ang nakita ng mga pulis na natunton ng mga taga-Center na nakabaon sa bakuran niya.

a. GSP
b. GPS-
c. SPG
d. PSG

3. Ito ang pangalan ng asong shih tzu ni Gng. Ynez Imperial.

a. Lucky-
b. Banaag
c. Dante
d. Pompom

4. Ito ay may halagang isang daang libo hanggang isang milyong piso.

a. Dante
b. Lucky
c. Agila-
d. Ponpon

5. Bilang ng taong pagkakakulong sa pagpatay sa agila.

a. 6 hanggang 12-
b. 7 hanggang 12
c. 8 hanggang 12
d. 9 hanggang 12

6. Hindi man makalagda sa blotter ang mga hayop, sila ang magrereklamo para sa kanila.

a. Taga-center
b. mga tanod
c. Pamilyang Imperial-
d. mga kapitbahay

7. Ang nangyari sa pangunahing tauhan sa loob ng presinto.

a. Aswang
b. Agila
c. Manok
d. Higanteng ibon-

8. Siya ang nagsabi sa pangunahing tauhan na kailangan nitong tumakas presinto upang di
mapahamak bukas sa pagharap sa piskal ang kanilang amo.

c. Banaag
a. Lucky
b. Dante
d. Pompom-
9. Siya ang nagpayo sa pangunahing tauhan na kailangan muna niyang magpahuli sa mga tao at
magpakulong sa animal pound, lalo na kung wala siyang papeles.

a. matandang dalmatian-
c. batang askal
b. batang dalmatian
d. batang huskies

10. Siya ang kumupkop sa pangunahing tauhan nang muli itong maging tao.

a. Misis Miranda-
c. G. Beterenaryo
b. Gng. Imperial
d. miyembro ng DSWD

Gawain #7
Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan. Ang mga pahayag sa bahaging ito
ay mula sa kuwentong "Ang Bugtong ng Manok at Agila" ni Alvin B. Yapan. Isang puntos
bawat bilang.

TAMA 1. Matiwasay na sumama ang pangunahing tauhan sa kuwento sa presinto upang masagot
ang mga tanungan hinggil sa natagpuan ng mga pulis na nakabaon sa kanilang bakuran.

TAMA 2. Sa isip ng pamilya ng pangunahing tauhan, ang kanilang nakain ay karne ng aswang.

MALI 3. Pinauwi ng hepe ang pangunahing tauhan sa kanilang bahay nang binawi nito ang kanilang
testimonya.

MALI 4. Hindi kinatakutan ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili kahit na naunawaan niya
kung ano ang takot na nakita niya sa mata ng kaniyang asawa dahil sa kaniyang
pagsiyap sa presinto.

MALI 5. Nakakausap ng pangunahing tauhan ang mga aswang.

MALI 6. Tinulungan ng mga aso ang pangunahing tauhan na makatakas sa presinto.

TAMA 7. Matatanggap pa ng pangunahing tauhan ang kaniyang pagiging aswang, ngunit hindi ang
pagiging hayop.

TAMA 8. Hindi pera ang kailangan ng hayop kundi tao. Tao ang pera ng mga hayop upang
makapagdamit sila.

TAMA 9. Ikinagulat ng mga beterinaryo ang nakitang tao sa loob Hindi makapaniwala ang mga
nakahuli sa kaniya.

MALI 10. Sampung sisiw ng manok ang ibinigay sa pangunahing tauhan ng umampon sa kaniya.
Gawain #8
Panuto: MAY PAMIMILIAN. Piliin ang tinutukoy sa bawat bilang mula sa kuwentong "Paputian
ng Laba" ni Allan Alberto N. Derain. Bilugan ang letra na may tamang sagot. Isang
puntos bawat bilang.

1. Ito ang pamagat ng telenobelang gagawin sa bahay ni Lailani.

a. Dakila, Busilak at Wagas-


b. Busilak, Dakila at Wagas
c. Wagas, Dakila at Busilak
d. Busilak, Wagas at Dakila

2. Siya ang gaganap sa papel na Veronica.

a. Mari Jodi Lualhati-


c. Perla Bautista
b. Weng-weng
d. Sweet Anton

3. Siya lang ang may trabaho sa pamilya ni Lailani.

a. Juanito
b. Mamadu
c. Kuya Tor-
d. bunsong kapatid

3. Ang pamagat ng headline na lumabas sa TV.

a. Binatilyo hinataw ng tubo ang sariling ama-


b. Binatilyo pinatay ang ama
c. Binatilyo binugbog ang sariling ama
d. Bugbog sarado ang ama

4. Siya ang nagmungkahi na sa halip na naglalaba si Veronica sa eksena ay gawin na lamang


nagsasampay ng damit.

a.Mamadu
b.Lailani
c. Nanay ni Mari Jodi-
d. Direk

5. Ito ang isponsor ng telenobela kaya dapat ipakita ang galing ng bida sa paglalaba

a. Tidy Detergent Powder-


b. Wengs Detergent Powder
c. Sarf Detergent Powder
d. Aryel Detergent Powder
6. Ito ang napapaloob sa botelyang ibinalot sa pabalat na Tidy.

a. Klorox at dayap-
b. Zonrox at dayap
c. Tidy at Klorox
d. Klorin at dayap

7. Ito ang halagang pinanalunan ni Lailani sa kontes.

a. P10,000.00
b. P30,000.00
c. P20,000.00
d. P50,000.00-

8. Ang bilang ng contestant na nagwagi sa kontes na may temang Mga Kamay ni Veronica:
Masdan ang Nagagawa ng Isang May Dakila, Busilak at Wagas na Kalooban".

a. 10-
b. 38
c. 12
d. 7

10. Siya ang tumanggap ng perang napanalunan ni Lailani.

a. Mamadu
b. Papadu-
c. Direk
d. Sweet Anton

Gawain #9
Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan. Ang mga pahayag sa bahaging
ito ay mula sa kuwentong "Paputian ng Laba" ni Allan Alberto N. Derain. Isang puntos
bawat bilang.

TAMA 1. Ang telenobela ay tungkol kay Veronica na isang karaniwang labandera na anak pala ng
mayamang mag-asawang may malaking korporasyon sa Ayala-Makati.

TAMA 2. Nanggagalaiti sa sobrang galit si Direk Taba nang makita niyang nilinis ang bahay at ang
buong bakuran na pagdarausan ng shuting.

TAMA 3. lika-ika si Mamadu dahil nadurog ang buto ng isang paa nito noong makipaggitgitan sa
Malacañang.

MALI 4. Si Mamadu ang umaabot ng perang binabayad ni Direk para sa pagsushuting sa kanilang
bahay.

MALI 5. Hindi mahilig magbasa si Lailani ng mga babasahing inuuwi sa kaniya ng kuya Tor niya.
MALI 6. Simula nang makabili ng TV mula sa pagkapanalo sa lotto si Papadu ay nahaling na sa
pagsubaybay sa mga telenobela si Lailani.

TAMA 7. Pinagtulungan nina Mamadu at Kuya Tor na gulpihin si Papadu.

MALI 8. Sinampahan ng reklamao ni Papadu si Kuya Tor kaya naiwan sa presinto.

TAMA 9. Nagbigay ng pakontes sa paglalaba si Direk Taba at ang mananalo ang magiging kadobol
ni Veronica para sa eksenang paglalaba.

TAMA 10. Ang aral na ibinahagi ni Lailani ay "habang may bukas may pag- asa".

Gawain #10
Panuto: MAY PAMIMILIAN. Kilalanin ang sumusunod na tauhan mula sa kuwentong "Ang
Mangkukulam" ni William P. Nucasa. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Isang
puntos bawat bilang..

1. Siya ang nagbalik ng bag sa ale na hinablutan ng isang isnatser na kabataan.- Pulis na kasama ni
Selong o si Marshall na kapatid ni Selong

2. Siya ay kilala sa tawag na Selong.- PO1 Marcelo Alcantara

3. Siya ang nakabangga kay Sinamar - Selong

4. Sila ang nagbigay ng babala kina Selong at kapatid nito na habang maaga ay lumayo sila kay
Sinamar para sa kanilang kaligtasan.- Matandang mag-asawa

5. Siya ang nagsabi ng "Mangkukulam ang babaeng iyon," na may panginginig ang boses.-
Matandang lalaki

6. Itinanong niya kung hindi ba taga-Nagulian sina Selong at hindi nila alam ang kuweto tungkol sa
Sinurong- baka. - Matandang babae

7. Siya ang girlfriend ng kapatid ni Selong.- Ingrid

8. Siya ang harap-harapang nagsabi kay Sinamar ng mga salitang "Isa ka raw mangkukulam!?". -
Marshall

9. Habang lumuluha ay inuusal niya ang "izrahm... kabraahm at amanahm..." - Sinamar

10. Siya ay hawig na hawig kay Sinamar. - Anak ng ale na tinulungan nina Selong at Marshall

Gawain #11
Panuto: PASANAYSAY. Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Sagutin ang bawat tanong
sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap (5 pts bawat isa).

1. Bakit gayon na lamang ang lumarawang takot sa mukha ng mag-asawang nakasalubong ng


magkapatid nang banggitin ang pangalang Sinamar?

- Dahil alam ng mag-asawa ang sabi-sabi na mangkukulam daw si Sinamar.


2. Bakit sa kabila ng babala na narinig ni Selong tungkol kay Sinamar ay hindi siya natakot na
ipagpatuloy ang kaniyang nadarama sa babae?

- Dahil sa kagandahang taglay ng dalaga kaya nahumaling talaga si Selong sa kanya. At dahil
sa wagas na pag-ibig ang kanyang nararamdaman sa dalaga.

3. Paano natuklasan ng kambal ni Selong na si Sinamar ay isa ngang mangkukulam?

- Nang ipakita ni Sinamar ang kanyang mukha sa slamamin kay Marshall.

4. Bakit ito nabibilang na kuwentong katatakutan?

- Dahil ito ay nagtataglay ng kwentong kababalaghan at ito ay kwento tungkol sa isang


mangkukulam na may taglay na kapangyarihan.

Gawain #12
Panuto: MAY PAMIMILIAN. Kilalanin ang sumusunod na pahayag mula sa saling kuwento ni
Emelyn C. Hobayan na "Si Ina". Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Isang
puntos bawat bilang.

1. Ito ang kinahihiya ng anak na kalagayan ng kaniyang ina. - Dahil sa iisa lang ang mata ng kanyang
ina.

2. Ito ang lugar na pinuntahan ng ina noong elementarya pa ang anak na dahilan kung bakit labis
nitong ikinagalit sa ina. - Pumunta ang kanyang ina sa kanilang paaralan at kinutya siya sa
kanyang mga kaklase.

3. Ito ang naging instrumento upang makapag-aral sa abroad ang pangunahing tauhan. - Siya ay
nagka scholarship.

4. Siya ang kinatakutan ng mga anak ng pangunahing tauhan. Ang ina niya na iisa lang ang mata.

5. Ito ang natanggap ng pangunahing tauhan na may kinalaman sa kanilang reunion sa eskuwelahan.
- Imbitasyon

6. Ito ang iniwan ng ina ng pangunahing tauhan bago mamatay. - Liham

7. Ang nadama ng pangunahing tauhan nang mabatid niya sa kaniyang kapitbahay na patay na ang
kaniyang ina.. - Nalungkot at nagsisi

8. Ang naramdaman ng ina noong malaman na darating sa reunion ang kaniyang anak. - Nasasabik

9. Ito ang naging dahilan ng pagkawala ng isang mata ng anak ng pangunahing tauhan sa kuwento. -
Ibinigay niya ang kanyang mata sa kanyang anak na naaksidente.

10. Ang katagang nabanggit ng anak na pangunahing tauhan matapos mabasa ang buong dahilan
kung bakit iisa lang ang mata ng kaniyang ina.- “Nanay Ko”
Gawain #13
Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung hindi wasto. Ang mga pahayag sa bahaging ito ay mula sa kuwentong "Si Ina" na
salin ni Emelyn C. Hobayan. Isang puntos bawat bilang.

1. Ang pangunahing tauhan sa kuwento ay babae. MALI


2. Kinompronta ng anak ang kaniyang ina tungkol sa ginawang pagtatawanan ng kaniyang mga
kaklase sa kaniya dahil sa ina. TAMA
3. Nang komprontahin ng anak ang ina, sinabihan ng anak na mabuti pang lumayas ang ina. MALI
4. Bago nangyaring ang pagkompronta ng anak sa ina ay ipinadama nitong mahal na mahal niya
ang ina. MALI
5. Ikinahihiya ng anak sa kuwento ang kaniyang ina. TAMA
6. Para sa anak ay impiyerno ang kanilang bahay. TAMA
7. Pagka-graduate ng anak ay bumalik siya sa kanilang bahay upang hingin ang kapatawaran ng ina.
MALI
8. Naging maganda ang buhay ng anak matapos maka-graduate. TAMA
9. Hindi nakarinig ng masakit na pananalita ang anak mula sa ina sa kabila ng mga masasakit na
pananalitang binitiwan nito. TAMA
10. Sa liham ng anak sa kaniyang ina, humingi ito ng kapatawaran sa kahihiyang dulot ng kaniyang
itsura. MALI

Gawain #14
Panuto: PASANAYSAY. Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Saguting may katalinuhan
ang bawat tanong (5 pts bawat bilang).

1. Katangian mo na taliwas sa katangian ng pangunahing tauhan sa kuwento. (5 pts)

KATANGIAN NG ANAK SA KUWENTO KATANGIAN KO


● Siya ay walang utang na loob ● Ako ay tumatanaw ng utang na loob
● Hindi mahal ang kanyang ina ● Mahal na mahal ko ang aking ina dahil
● Walang respeto siya ang ang nagpalaki sa akin. Kung
hindi dahil sakanya ay wala ako ngayon
dito sa mundo.
● Lagi kong nirerespeto ang mga
nakatatanda sa akin lalong lalo na ang
aking ina.

2. Kung ikaw ang anak sa kuwento, ikahihiya mo rin ba ang itsura ng iyong ina? Bakit?
(5 pts)

Kung ako ang anak sa kuwento, hinding hindi ko ikakahiya ang itsura ng aking ina dahil kahit
ano paman ang kanyang kalagayan, kulang man ang kanilang pisikal na anyo hindi ito balidong rason
upang siyay ikahiya. Siya ang aking ina sya ang nagpalaki sa akin at siya rin ang dahilan kung bakit
ako nakakakita ng maayos ngayon. Mamahalin ko siya nga buong buo at isasama ko siya sa aking
mga pangarap.
3. Ano ang mga ginawa ng magulang mo para sa iyo bilang anak na labis mong pinasasalamatan?
Magbigay ng tatlong sitwasyon. (15 pts)

UNA
Labis akong nagpapapsalamat sa aking mga magulang sa kanilang pagpapalaki sa akin ng
maayos. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pangaral ng aking papa at mama para magkaroon
ako ng respeto sa lahat ng bagay. Nagpapasalamat ako sa pag aalaga at pagmamahal na kanilang
ibinuhos sa akin.

PANGALAWA
Sobrang pagpapasalamat ko sa aking mga magulang sa kanilang suporta dahil noon paman
kahit walang wala na sila ay humahanap sila ng mga paraan upang makasali ako sa mga extra
curricular activities.

PANGATLO
Pang huli labis akong nagpapasalamat sa aking mga magulang sa kanilang patuloy na
paggabay sa akin kahit ako ay matanda na. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga payo ni mama
sa akin habang nagkwekwentuhan kami. Sobrang swerte ko sa kanila dahil hindi lang pagmamahal
ang nag uumapaw pati narin ang respeto sa isat isa.

Gawain #15
Panuto: PAGKILALA. Kilalanin ang sumusunod mula sa kuwentong "Ang Gamugamo sa Lampara
ni Julio Madarang" ni Reynaldo Duque. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Isang puntos bawat bilang.

Salacnib Madarang1. Siya ang anak ni Tandang Julio.

Si Felisa 2. Siya ang asawa ni Tandang Julio.

Crisostomo Dimasupil3. Ang pangalan ng kabataang lalaki na pinatuloy ni Tandang Julio sa


kaniyang dampa.
Salacnib Madarang 4. Siya ay kinilala bilang Martir ng Kalayaan sa Madarang Park.

Crisostomo Dimasupil 5. Siya ang may-ari ng duguang T-shirt at pantalong nakita ng isa sa apat na
lalaking pumasok sa dampa ani Tandang Julio.

Dalawang bagay 6. Bilang ng larawang nakasabit sa gawing ulunan ng altahan, nakasabit sa dinding
ng dampa ani Tandang Julio.

Abogasya 7. Ito ang kursong kinuha ng anak ni Tandang Julio.

Naulanan si Felissa sa Bukid at nagkapulmonya 8. Ito ang dahilan ng pagkamatay ng asawa ni


Tandang Julio.

Ang Gamugamo 9. Ito ang nakita ni Tandang Julio na palibot-libot sa kaniyang lampara.

Sinabeyds ng mga sundalo 10. Ang nawika ng kabataang lalaki sa ikinamatay ng anak ni Tandang
Julio.
Gawain #16
Panuto:TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung hindi wasto. Ang mga pahayag sa bahaging ito ay mula sa kuwentong "Ang
Gamugamo sa Lampara ni Julio Madarang" ni Reynaldo Duque. Isang puntos bawat
bilang.

TAMA_ 1. Mula nang mamatay ang solong anak ni Tandang Julio ay nag-iisa na lamang siyang
nabubuhay sa kubo.

TAMA 2. Kalasag. Tagapagtanggol. Tagapagligtas ang ibig sabihin ng Salacnib.

TAMA 3. Magmula noong maulila sa asawa at anak, nagmukmok na si Tandang Julio sa dampa
niyang nakatayo sa nayon sa paanan ng Bundok Gidda.

TAMA 4. Medyo bata pa si Tandang Julio nang mag-asawa.

MALI 5. Lima sana ang anak nina Julio at kaniyang asawa kung hindi namatay ang apat na nauna.

TAMA 6. Ayon sa kaibigan ng anak ni Julio, ang kaniyang anak ay nagtangkang tumakas kaya
napilitang barilin ito.

TAMA 7. Pinatuloy ni Tandang Julio sa kaniyang dampa ang duguang kabataang lalaki.

MALI 8. May tama ng baril ang sugat ng kabataang lalaki sa balikat ngunit tumagos ang bala, hindi
naiwan.

MALI_ 9. Ipinabaon ni Tandang Julio sa kabataang lalaki ang lampara bago umalis.

MALI 10. Ikinamatay ni Tandang Julio ang pambubugbog sa kaniya ng lalaking naka-bandoleer.

Gawain #17
Panuto: PASANAYSAY. Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Sagutin ang bawat tanong
sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap. (5 pts bawat bilang)

1. Ano ang ginawa ng anak ni Tandang Julio na naging sanhi ng kaniyang pagkasawi sa kamay ng
mga militar?
Ang anak ni Tandang Julio na si Salacnib ay isa sa mga lider sa mga demonstrasyon at rally
sa siyudad. Isa siya sa mga bumabatikos sa mga kabulukan ng lipunan. Ilang ulit siyang binugbog at
ikinulong ngunit hindi ito sumuko at lalong naging matapang.

2. Anong ibig sabihin ng anak ni Tandang Julio nang sabihin nitong, "Itay, hindi ko itinatangging
anak ninyo ako. Ngunit hindi na ninyo ako pag-aari. Ako'y pag-aari na ng bayan!"
Ang ibig ipagkahulugan ni Salacnib nito ay bilang isang mamamayang Pilipinong gising na
kabaluktutan ng lipunan, siya ay pag-aari na ng bayan nang pinili niyang hindi na kailan man
magbulag-bulagan sa baluktot na pamamaraan ng lipunan lalo pa’t naging lider na siya sa mga
demonstrasyon at rally kung kaya kahit man ama niya ay hindi niya pahihintulutang pigilan siya sa
kanyang serbisyo sa bayan.
3. Bilang isang kabataang Pilipino, ano ang ipinaglalaban mo at handa mong ialay para sa bayan?
Pangatwiranan.
Bilang isang kabataang Pilipino ang kahalagahan at karapatan sa edukasyon ang ipaglalaban
ko na handa kong ialay ang aking serbisyo at sarili para sa bayan. Bilang isang guro rin sa hinaharap,
masasabi kong napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang magiging sandata ninuman tungo sa
kaunlaran hindi lang sa pagkakaroon ng malawak na pag-unawa’t pag-iisip ngunit maging sa
pagiging isang kapaki-pakinabang na idibidwal na siyang magbubuklod bilang isang mamamayang
Pilipino.

4. Kung ikaw si Tandang Julio, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang di pagsasabi sa mga militar na
pinatuloy mo ang kabataang lalaki na hinahanap ng mga ito?
Kung ako si Tandang Julio ay oo gagawin ko rin ang kaniyang ginawa na di pagsabi sa mga
militar na pinatuloy ko ang kabataang lalaki sapagkat alam kong magiging katulad lamang ang lalaki
kay Silacnib na kanilang walang awang pinatay dahil lang sa kanilang pagiging ganid at
kabaluktutan. Mas pipiliin kong ipagtanggol ang kung ano sa tingin ko na siyang tama at nararapat
para sa aking bayan.

5. Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng kuwentong "Ang Gamugamo sa Lampara ni Julio


Madarang" na makikita sa nangyari sa kaniyang anak.
Ang pamagat ng kuwento na makikita sa nangyari ni Salacnib ay nagpapahiwatig na kahit
sinuman kapag mamumulat ka sa katotohana at makikita mo ang katiwalian, maging ang
kabaluktutan ng lipunan na siyang tinutukoy sa kuwento na apoy sa lampara kahit ikakapaso man ay
hindi iyong magiging hadlang upang hindi kumilos, maninindigan, at ipaglaban ang sa tingin mo ay
siyang nararapat gaya ng ginawa ni Salacnib.

Gawain #18
Panuto: MAY PAMIMILIAN. Kilalanin ang sumusunod mula sa kuwentong "Ang Yungib sa
Bundok ng Gidday" ni Reynaldo A. Dugue. Bilugan ang letra ng tamang sagot. Isang
puntos bawat bilang.

1. Wala nang hihigit pa sa kaniyang katandaan sa Bagani Ubbog.

a. Apong Isis-
b. Apong Ciano
c. Apong Juan
d. Apong Moises

2. Ang kasaysayan ng kaniyang buhay ay isang alamat.

a. Apong Juan
b. Apong Ciano
c. Apong Isis-
d. Apong Moises

3. Siya ay ipinanganak sa yungib sa ilalim ng malinaw na agos ng batis.

a. Apong Isis.-
b. Apong Ciano
c. Apong Juan
d. Apong Moises

4. Siya ang nagsabi ng "Ang bahay ko'y isang Tore ng Babel!".

a. Tiyo Tured-
b. Tiyo Pigsa
c. Tiyo Marcos
d. Tiyo Salacnib
5. Siya ang may-ari na ng pinakamalaking kompanya ng bus sa Cagayan.

a. Tiyo Tured
b. Tiyo Pigsa-
c. Tiyo Marcos
d. Tiyo Salacnib

6. Siya ay inhinyero na may mataas na katungkulan sa isang sangay ng gobyerno.

a. Tiyo Tured
b. Tiyo Marcos-
c. Tiyo Salacnib
d. Tiyo Pigsa

7. Siya ang dekano ng kolehiyo ng Pilosopiya sa Pamantasan ng Pilipinas.

a. Tiyo Marcos
b. Tiyo Salacnib
c. Tiyo Parbangon-
d. Tiyo Pigsa

8. Ayon sa matatanda, ito raw ay isang kamanyang na alay para sa kaluluwa ni Apong Isis upang
maluwalhati siyang makapasok sa pinto ng langit.

a. halamang luntian
b. tubig ng batis-
c. lupa ng bundok Gidday
d. usok ng siga

9. Ang ibig sabihin ng "tagibi ti lakay"

a. alaga ng matanda-
b. alalay ng matanda
c. alagad ng matanda
d. apo ng matanda

10. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng pangunahing tauhan na siya ay pag-aari ng yungib ng
Bundok Gidday.

a. sugat sa binti
b. sugat sa tiyan
c. sugat sa ulo
d. sugat sa likod-

Gawain #19
Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung hindi wasto. Ang mga pahayag sa bahaging ito ay mula sa kuwentong "Ang Yungib
sa Bundok ng Gidday" ni Reynaldo A. Dugue. Isang puntos bawat bilang.
TAMA 1. Ang tinig ni Apong Isis ay batas sa angkan ng mga Baniaga.

MALI 2. Nang ipinatawag ni Apong Isis ang kaniyang mga kamag-anak sa iba't ibang sulok ng
bansa ay iilan lang ang tumugon.

TAMA 3. Walang nakaimik nang ipagtapat ni Apong Isis na isang libingan pala ang hinukay ng mga
tiyuhin ng pangunahing tauhan.

MALI 4. Gabi na nang binagtas nina Apong Isis ang makitid na landas paakyat sa Bundok Gidday.

MALI 5. Walang namangha sa kanila nang matambad ang katotohanan: may kubling yungib sa
ilalim ng malinaw na agos ng batis.

TAMA 6. Hindi magkasundo ang mga tiyuhin ng pangunahing tauhan kung sino ang dapat na
magsagawa ng serbisyo sa paglilibing kay Apong Ibang

MALI 7. Labis ang pag-iyak ng pangunahing tauhan nang maratnang bangkay


na si Apong Isis.

TAMA 8. Sa tuwing nag-uumpukan ang mga matatanda sa lamay, sinasariwa nila ang mga maalamat
na karanasan ni Apong Isis noong nabubuhay pa.

TAMA 9. Ipinagkatiwala sa tinaguriang Apocalipsis ang karapatang pumili ng lugar na paglilibingan


kay Apong Isis.

TAMA 10. Sa bundok Gidday sa Silangan inilibing si Apong Isis.

Gawain #20
Panuto: PASANAYSAY. Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Sagutin ang bawat tanong
sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap. (5 pts bawat bilang).

1. Ano ang mga nakita mong paniniwala, pamantayan at pag-uugali ni Apong Isis? Alin sa mga ito
ang nagustuhan mo? Bakit?
Nagsilbing batas sa baryo ng Gidday si Apong Isis. Sa kwento, siya ay may malawak na
pananaw sa mga kaalaman at pag-uugali. Kapansin-pansin na mayroon siyang paniniwala at
kaugalian sa mga katutubong impluwensya sa kabila ng kanyang taglay na katalinuhan na siyang
ikinatutuwa ko ng lubos sapagkat nairereplika ko rito ang aking sarili na sa kabila man ng
pagbabagong dulot ng mga kaalaman at modernisasyon ngayon ay nanatili pa rin ang aking
paniniwala, kultura at nakagisnan na minana ko pa ng aking mga ninuno. Sa akin, ito ay
nagpapahiwatig ng malaking impluwensya sa ating paniniwaala sa kultura ng Pilipino. Repleksyon
ito sa kahulugan ng kasaysayan bilang isang proseso na naglalaman ng pagbabago, pagkakaisa, at
pag-asa dahil si Apong Isis ay nagpapakita na ang historia ay hindi lamang sumusunod sa
katotohanan o sikreto, kundi isang interpretasyon o perspetiba.
2. Ano ang mga impluwensiya ng iyong lugar na tinitirhan sa iyong paniniwala, pamantayan at
pag-uugali? Magbahagi ng tig-dalawa.
Masasabi kong ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip at pag-unawa, paggalang, malalim na
pananampalataya, at pagkakakilanlan ang siyang naging impluwensya ng aming lugar na tinitirhan
ko ngayon sa aking paniniwala, pamantayan at pag-uugali. Tipong naging mas mapanuri ako sa mga
bagay-bagay at pangyayari sa aming lugar gaya na lamang noong undas na kung saan ay saka ko
lang nalaman na bihira lang pala ang nag-aalay ng pagkain at dasal na kani-kanilang bahay sapagkat
doon mismo sila sa menteryo nag-aalay ng pagkain at dasal. Namangha ako sapagkat buong buhay
ko ay nakagisnan ko na hindi lang sa menteryo kundi maging sa bahay rin. Dito ay napagtanto kong
bawat isa sa atin may iba’t ibang paniniwala na siyan naging salamin rin buong pagkatao natin.

Gawain #21

COLLAGE NG KUWENTO KO!

Panuto:
1. Gumupit ng sampung (10) larawang nagpapakita kaugnayan nito sa mga bahagi ng kuwento ng
katutubong kulay/kapaligiran gaya ng sumusunod: pamumuhay, kaugalian, paniniwala,
pamantayan, pag-uugali ng mga tauhan sa kuwentong "Ang Yungib sa Bundok ng Gidday".
2. Magdisenyo ng sariling collage.
3. Ilagay sa loob ng kahon ang nabuong collage.
4. Bigyang-pansin ang panukatan sa ibabang kahon.

Panukatan Puntos

1. Pagkamalikhain 20

2. Kaangkupan ng mga larawan batay sa maikling kuwentong 20


katutubong kulay/kapaligiran

3. Kompleto ang bilang ng mga larawang hinihiling 5

4. Kalinisan ng pagkakabuo ng collage 5

Kabuoang puntos 50

You might also like