You are on page 1of 18

Panunuring Pampanitikan

Akda:
1. Si Pinkaw
2. Bulaklak sa Ibabaw ng Bulkan
3. Paghihintay
4. Ang Lumang Simbahan
5. Ang Namamalimos Nating Patakarang Panlabas
6. Bangkang Papel
7. Dalaginding
8. Ang Lalaking Buntis
9. Lupang Tinubuan
10. Ang Kwento ni Mabuti

Suriin ang mga akda ayon sa balangkas sa ibaba.


I- Pamagat (May-akda)
II- Teoryang Pampanitikan
III- Mensahing nais ipabatid sa akda
IV- Reaksyon matapos basahin ang akda
V- Repleksyon matapos basahin ang akda
VI- Limang pahayag na pinakagusto hango sa akdang sinuri
VII- Aral na nakuha matapos mabasa ang akda

“Si Pinkaw”
I. Pamagat (May-akda)
Si Pinkaw ay isinulat ni Isabelo S. Sobrevega. Ito ay isang maikling kwento na inilathala
sa Hiligaynon noong Agosto 14, 1968 at isinalin sa Pilipino para sa Philippine Collegean noong
Agosto 14, 1975. Kilala si Sobrevega sa mga akda niyang lubos na matapat at gumagamit siya ng
mga tauhang itinakwil ng lipunan, ang ilan sa mga ito ay biktima ng kawalang katarungan at mga
tagakalkal ng basura at iba pang api-apihan sa mundo.
II. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Sosyolohikal - Ang maikling kwentong "Si Pinkaw" ay nagpapakita kung
gaano kalupit ang ating lipunan. Pinapakita sa kwento ang diskriminasyong nangyayari sa
pagitan ng mahihirap at mayayaman. Kapag ang mahihirap ang nangangailangan ay hindi agad
ito tinutugunan ng pamahalaan o maging ng mga mamamayan ng lipunan, kadalasang
pinipintasan at isinasantabi ang kanilang pangangailangan, pero kung ang mga mayayaman ang
nangangailangan ng tulong ay nagkukumahog at nag-uunahan ang mga nasa posisyon at mg tao
sa pagtulong. Ipinapakita rin sa kwento na kulang ang ginagawang solusyon ng pamahalaan
upang masugpo ang kahirapan at diskriminasyon o hindi pantay na pagtrato at karapatan ng
mahihirap at mayayaman na talamak sa lipunan.

Teoryang Humanismo - Ipinapakita din sa kwento "Si Pinkaw" ang teoryang


humanismo. Mula sa pamagat pa lamang ng kwento ay mahihinuha mo na kung tungkol kanino
ang maikling kwento. Sa pagbabasa sa buong akda ay mas napapalawak mo ang kaalaman mo
tungkol sa laman ng akda. Ipinakita sa kwento na kaya ni Pinkaw na tumayo sa kanyang sariling
mga paa sakabila ng kahirapan. Sinikap niyang maging mabuting ina sa kabila ng malupitan ng
mundong kanyang ginagalawan. Nagpakita ng katatagan si Pinkaw sakabila ng pagsubok na
kanyang pinagdaanan at nanatiling positibo ang kaniyang pananaw sa buhay para sa kanyang
mga anak. Isang katangian na makikita natin sa ating mga ina, na kahit gaano kahirap ang
kanilang pinagdadaanan ay wala silang hindi kayang tiisin para sa kanilang pamilya at mga anak.

III. Mensahin nais ipabatid ng akda


Kahit gaano kahirap ang buhay handang gawin ng isang ina ang lahat maitaguyod lamang
ang kaniyang mga anak. Kahit gaano kahirap ang trabaho ay handang magtiis ang isang ina
mapakain lamang ang mga anak. Isinasalamin ng kwento ang walang hanggan na pagmamahal
ng isang ina sa kaniyang mga anak.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Ako ay nalungkot sapagkat hindi ko inaasahan na isang masaklap na pangyayari pala ang
naganap kay Pinkaw dahilan kung bakit siya nabaliw. Hindi ko akalain na mabigat pala ang
kaniyang pinagdaan. Hindi ko lubos maisip ang pighating kaniyang naramdaman sa mga oras na
unti-unti at isa-isang namatay ang kaniyang mga anak. Nalulungkot din ako na may mga taong
sadyang mapang-api at mapagmataas sa kapwa, mga taong tumitingin lamang sa panlabas na
anyo ng tao. Nakakasama ng loob na may mga taong makasarili at mapanghusga. Sa kabilang
banda, ako ay natutuwa sapagkat si Pinkaw ay isang dakilang ina, hindi man naging maganda
ang kaniyang naging kapalaran ay ipinakita niya na ang pagmamahal ng isang ina ay walang
katapusan.
V. Repleksyon matapos basahin ang akda
Hindi sa lahat ng oras ay tutulungan ka ng mga taong naasahan mong tutulong sayo.
Kahit gaano ka kabait may nga tao talaga na mapanghusga dahil sa iyong itsura. Ang kwento ni
Pinkaw ang nagpapaalala sa akin na dapat mahalin natin ang ating mga magulang sapagkat hindi
natin alam ang hirap na kanilang dinaranas upang mapalaki tayo ng maayos at mabigyan tayo ng
magandang buhay. Napagtanto ko din na minsan kung sino pa ang mas nangangailangan ay sila
pa ang buong pusong nagbibigay, kahit naghihirap si Pinkaw ay sinisikap niyang tumulong dahil
alam din niya ang pakiramdam ng iba. Dapat ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling
katayuan sa buhay at dapat ito ay lagging bukal sa kalooban.
VI. Limang pahayag na pinaka gusto hango sa akdang sinuri
“Hindi kailangang paluin; sapat nang sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa
magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo subalit
magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob.”
“Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas
siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin
na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta ang kanyang ipinamamahagi sa
mga nagpapalimos.”
“Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla pa naman ako sa
pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang iba riyan na nararapat
bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang higit na nangangailangan ay
siyang hindi tinutulungan.”
VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda
Huwag tayong manghusga ng kapwa dahil hindi natin batid ang kanilang pinagdadaanan
o pinagdaanan. Wala tayong karapatan na pagsalitaan ang sino man ng masama sapagkat marahil
ito ay sanhi lamang ng isang dagok na kaniyang naranasan. Kahit ang isang tao ay naging baliw
dapat parin natin itong igalang at resptuhin.
Ugaliin natin tumulong sa mga taong nangangailangan dahil baka sa konting tulong na
ating iniabot ay may buhay na masagip. Huwag nating piliin ang taong ating tutulungan, huwag
nating piliin ang mga taong ating pagmamalasakitan at huwag nating talikuran ang mga taong
nanghihingi ng tulong.
Inilahad ng sa kwento na hindi natin dapat iasa ang ating pamumuhay sa gobyerno dapat
magsikap tayo upang umunlad an gating sarili at an gating estado sa buhay. Ganun din sana sa
gobyerno biyang panin sana nila ang mga taong nasa laylayan, mga taong
pinakanangangailangan.

“Bulaklak sa Ibabaw ng Bulkan”


I. Pamagat (May-akda)
Bulaklak sa Ibabaw ng Bulkan ni Florencia N. Garcia
II. Teoryang Pampanitikan

Teoryang Sikolohikal – Ipinakita at ipinaliwanag sa akda na may mga salik na maaaring


makaapekto sa pagbuo ng kabuuan ng isang tao; ang pag-uugali, paniniwala at pananaw
sa buhay, ito ay ipinakita sa pamamagitan ng pagkatao ni Karding sa akda. Makikita sa
akda na nagbago ang pag-uugali ni Karding dahil sa impluwensiya ng kapaligiran at ang
walang katapusang kagustuhan ng tao.

Teoryang Moralismo - Ipinapakita sa akda ang mga aral tungkol sa tunay na kahulugan
ng kasiyahan at kung paano nababago ng mga pangyayari sa buhay ang pag-uugali ng
isang tao.
III. Mensahin nais ipabatid ng akda
Minsan ang mga pagsubok na ating dinadaanan ay hindi nangangahulugan na tayo ay
iniwan at pinabayaan ng Diyos, bagkus ito ay isang paalala na tayo ay kaniyang pinagpala. Dahil
ang kasiyahan at kaligayahan ng tao ay wala sa karaniwang katuturan ng mga bagay na
tinatanggap o tinatamasa, o tinitiis niya. Ito ay nasa paraan kung paano niya bigyan ng
pagpapahalaga ang mga bagay-bagay. Dahil hindi at wala sa materyal na bagay nasusukat ang
tunay na kaligayahan ng tao.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Ako ay nalungkot sapagkat dahil sa kagustohan ng ama ni Karding na umalis si Karding
sa simenaryo at mamuhay ng tulad niya ay napariwa ang kaniyang buhay. Siya ay nagpatupok sa
tukso at hinyaan niya ang sariling kainin ng kamunduhan. Nakalimutan niya ang mga gitong aral
na kaniyang natutunan sa simenaryo. Nagkaroon ng bawal na pag-ibig at sa hindi inaasahan ay
nabulag siya sa hindi malamang dahilan. Akala ko ay sisihin niya ang Diyos at tatanawin niya
ang kalagayan bilang isang kaparusahan ngunit ako’y natutuwa nang gamitin niya ang
karamdaman upang magbalik loob sa Diyos. Natutuwa ako dahil kahit hindi na nakakakita si
Karding at nakita naman niya ang liwanag na siyang babago sa kaniyang buhay. Nakita niya ang
kasiyahan at kapayapaan na siyang nagbibigay kulay sa madilim niyang mundo.
V. Repleksyon matapos basahin ang akda
Minsan nakakalimutan natin ang Diyos at mga gintong aral kapag tayo ay sobrang
nasisilaw at nagpadala sa tukso ng mundo at mga bagay na ibinibigay nito. Minsan ang ating
tuwid na landas ay nagiging paliko-liko dahil masyado tayong nasisilaw at nagpapatupok sa
mainit tuksong makamundo. Hindi natin na mamalayan na minsan mali na pala ang landas na
ating dinadaanan. Ngunit kahit gaano paman tayo ka makasalanan ay laging nandiyan ang Diyos
upang tayo ay gabayan. Tulad ni Karding nawala man ang kaniyan paningin ay nakita naman
niya ang tunay na kaligayahan.
VI. Limang pahayag na pinaka gusto hango sa akdang sinuri
“Ang kasiyahan at kaligayahan ng tao ay wala sa karaniwang katuturan ng mga bagay na
tinatanggap o tinatamasa, o tinitiis niya. Manapa’y nasa paraan ng sarili niyang pagpapahalaga
sa bagay-bagay.”
“Ako’y nasisiyahan sa kalagayan kong ito. Sa pagkabulag ko’y hindi ako napahamak,
manapa’y nagtamo ako ng pagpapalang nababalatkayuhan. Aminin mo na sa akin na kaya
lamang maganda ang paglubog ng araw ay dahil sa mga ulap, na sa karaniwang pangyayari ay
dungis lamang sa mukha ng langit,”
“Anak ko, huwag mong kamumuhian ang pagpaparusa ng Panginoon, o mayayamot man sa
kanyang pagtutumpak. Sapagka’t itinutumpak ng Panginoon ang kanyang iniibig, gaya ng ama
sa anak na kanyang kinalulugdan.”

VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda


Ang problema ay hindi natin dapat isiping parusa ng Diyos bagkus alalahanin natin na
ang mga bagay na ating pinagdadaanan maganda man para sa atin o hindi, ay ibinigay ng Diyos
upang makita at madama natin ang kaniyang pagmamahal. Dahil lahat ng bagay na nangyayari
ay hinayaan ng Diyos upang tayo ay mas umunlad. Ito ay hindi kaparusahan kundi isang
pagpapala sapagkat nais ng Diyos na tayo ay mapabuti at hindi mapasama. Ang lahat ng bagay
sa mundo o ang ano mang bagay na mayroon tayo ay lilipas din, lahat ng meron tayo ay hiram
lamang natin, ang tunay na kaligayan na ibinibigay ng Diyos ay kailanma’y hindi mapapantayan.

“Paghihintay”
I. Pamagat (May-akda)
Ang akdang “Paghihintay” ay isinulat ni Genoveva Edroza-Matute. Si Genoveva Edroza-
Matute ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Siya ay isa ring guro at may-akda ng aklat sa
balarilang tagalog na nagtuturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-
edukasyon.
II. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Formalismo – ang ginamit dahil hindi binibigyang halaga ang pagka-
moralistiko at sosyo-historikal ng akdang pampanitikan sa pagsusuri.
III. Mensahing nais ipabatid sa akda
Dapat huwag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay dahil sa kabila ng mga pagsubok na
maaring dumating at ating kaharapin ay may pag-asang darating. Manalig at magtiwala tayo sa
Diyos dahil sa likod ng ating mga pagsubok at problema ay may himala, pagdamay at pagpapala
tayong matatanggap mula sa kanya.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Ako ay nalungkot sa dinanas ni Nimang.
V. Repleksyon matapos basahin ang akda
Ang dinanas ni Nimang ay hindi madali dahil napakahirap magmahal ng taong hindi ka
mahal. Masakit man ay kailangan mong tangapin ang katotohanan na hindi kayo itinadhana at
hindi kayo ay para sa isa’t isa. Hindi man naging mapalad is Nimang sa pag-ibig ay naging
mapalad naman siya sa pagkakaroon ng kaibigan na katulad ni Rina.
VI. Limang pahayag na pinakagusto hango sa akdang sinuri
“Umasa ka lang, Rina, at maghintay,” aniya, “at huwag kang magsasawa sa paghihintay.
“Tumawag ka sa Kanya na humihilom sa lahat ng sugat . . . at nang mawakasan na ang
paghihintay ng dalawa mong anak”
“kung paano ka naghintaynoon, mayroon ding naghihintay sa iyo ngayon . . . ang dalawa
mong . . . anak”
“Oo, Nimang, magtatanong tayo. Sasamahan kita, kahit saan”
“Ipininid na naman nang buong higpit ang unti-unti na sanang nabubuksang dibdib. Mula noo’y
naghintay na lamang ako ng kusang loob niyang pagtatapat. “
VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda
Huwag kang susuko sa mga problema dahil ang Diyos ay laging may plano para sayo at
hindi ka niya papabayaan. Manalangin lamang at manalig sa Kanya dahil lagi siyang nandiyan
upang damayan at gabayan ka.
“Ang Lumang Simbahan ni Florentino T. Collante”

I. Pamagat (May-akda)
Ang Lumang Simbahan ay isinulat ni Florentino T. Collantes. Si Florentino Tansioco
Collantes ay kilala sa tawag na “kuntil-butil”. Siya ay isa sa mga magagaling namanunulat at
makatang Pilipino. Nakapag ambag na ito ng mga akdang pampanitkan at nagging pangunahing
katungali ni Jose Corazon de Jesus sa larangan ng balagtasan. Ginamit niya ang kaniyang mga
tula bilang politikal na kritisismo noong panahon ng Amerikano.

II. Teoryang Pampanitikan


Historical - Ang akdang “Ang Lumang Simbahan” ay sinulat sa anyong tulang
pasalaysay. Mababakas sa akda ang kolonyalismo na nangyari sa ating bansa at mga kaugalian
na naging impluwensiya ng mga banyaga na kalaunan ay naging parte na rin ng ating
pamumuhay at kultura.

III. Mensahin nais ipabatid ng akda


Ang tunay na pagmamahalan ay hindi kayang hadlangan ng sino man. Kayang suungin
ang lahat maipaglaban lamang ag pagmamahalang tapat sa sinumpaan.

IV. Reaksyon matapos basahin ang akda


Noong una ako ay natakot sapagkat akala ko ay may kung anong kababalaghan ang
nangyayari sa simbahan. Ngunit hindi ko inaasahan na ito pala ay pinamumugaran lamang ng
isang tulisan. Nalulungkot din ako dahil may mga magulang paring hinahadlangan ang
kaligayahan ng kanilang mga anak dahil mas mahalaga sa kanila ang kayamanan. Hindi ko lubos
maisip kung ano ang magyayari kung hindi naghukay ang magkasintahan, baka sila ay
napatiwakal na sa lumang simbahan. Dapat ang pagmamahalan ay hindi hinahadlangan dahil
wala namang masama kung magmahalan ang isang mayaman at dukha. Kung pareho naman
silang dalaga at binata bakit pa hahadlangan kung pwede naman suportahan.

V. Repleksyon matapos basahin ang akda


Ang tulang ito ay nagpapahayag ng wagas na pagmamahalan ng magkasintahan. Inilahad
sa tula na kung may mga taong gahaman sa pera at handang hadlangan ang kaligayahan ng anak
makamit lamang ang kasakiman, may mga tao naman na handang suongin ang lahat para sa pag-
ibig na wagas. Ipinakita ng magkasintahan na ang pagmamahalan ay walang pinipiling istado sa
buhay, at handang gawin ang lahat maipaglaban ang pagmamahalan.
Sana huwag ding hayaan ng kabataan na maging mapusok sa pagmamahalan. Huwag
sanang humantong ang pagmamahalan sa patayan o pagppatiwakal. Marahil may iba pang
paraan upang ang pag-ibig ay maipaglaban huwag sumuko dahil hindi sagot sa problema ang
kamatayan.

VI. Limang pahayag na pinaka gusto hango sa akdang sinuri


Sa ginawang bago na Lumang Simabahan
Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Nang sila’y lumuho sa harap ng altar
Ang lahat ng tao’y nagsipagdiwang;
Dito na nabatid ng takot na bayan
Ang simbahan pala ay pinagtaguan
Ng isang matandang puno ng Tulisan
Na may ibinaon doong kayamanan.
Ngayo’y din a takot kundi saya’t tuwa
Ang madudulang mo sa Simabahang luma,
At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh!
Kayrami ngayong nagmamakaawa.
Ito’y katunayan: Anu ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.
VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda
Huwag padalos-dalos sa desisyon sa buhay, huwag agad husgahan ang isang bagay dahil
lamang sa hindi nito kaaya-ayang itsura. Alamin muna ang katotohanan bago husgahan. Huwag
maging sakim sa kayamanan dahil wala magandang maidudulot ang kasakiman. Pairalin natin
ang pag-unawa at pagmamahalan. Huwag gawing sulosyon sa problema ang kamatayan, subukan
munang gawan ng iba pang paraan upang masulosyonan ang ano mang hidwaan. Laging
magdasal dahil gagabayan ka ng Diyos sa tamang landas.

“Ang Namamalimos Nating Patakarang Panlabas”


I. Pamagat (May-akda)
“Ang Namamalimos Nating Patakarang Panlabas” ay isinulat ni Si Claro Mayo Recto Jr.. Siya ay
isang makabansang estadista, manunulat sa Español at Ingles, at itinuturing na “Ama ng
Konstitusyong 1935. Pumasok siya sa politika noong 1919 nang mahalal na kinatawan ng
Batangas sa Lehislatura ng Filipinas. Dalawang beses pa siyang muling nahalal at naging lider
ng minorya sa Mababang Kapulungan noong 1922 at1925. Naging senador siya noong 1931 at
nahalal na delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1934. Naging pangulo siya ng
kumbensiyong ito hanggang matapos ang Konstitusyong 1935. Noong 1935, hinirang siyang
katulong na mahistrado ng Korte Suprema ng Filipinas pero nagretiro pagkaraan ng dalawang
taon. Dalawang beses muli siyang naging senador, noong 1949 at 1953, at noon siya
nagsimulang tumanyag bilang masigasig at makabansang oposisyonista na tumuligsa sa
patakarang panlabas ng Pilipinas. Noong1957 din siya kumandidato bilang pangulo ng bansa
ngunit hindi nagwagi.
II. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Marxismo – Ipinapakita sa talumpati na ay may sariling kakayahan na umangat sa
buhay ang may-akda na si Claro M. Recto sakabila ng mga pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.
III. Mensahing nais ipabatid sa akda
Tungkulin ng gobyerno ng Pilipinas na dapat inahin muna ang kapakanan ng mga
Pilipino, hindi ang anumang kapangyarihan para sa mga dayuhan.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Ang mga suliranin na binanggit niya sa kanyang papel ay ang problema pa rin na
kinakaharap natin sa kasalukuyan at ang ating patakarang panlabas ay malinaw na hindi pa rin
nakabatay sa pangangailangan ng ating bansa. Kailangan nating unahing paunlarin ang ating
sariling lipunan, ekonomiya, at militar batay sa ating pambansang interes at pangangailangan. Sa
ganitong paraan ay matitiyak natin na mananatiling matatag ang ating bansa sa gitna ng
matitinding problema dahil sa sigalot ng globalisasyon at mga banta sa seguridad ng mga bansa
sa mundo.
V. Repleksyon matapos basahin ang akda
Ang mga Pilipino ay naimpluwensiyahan ng dayuhang kapangyarihan at pinaniwalaan na
ang ating bansa ay walang pag-asa at hindi makakatayo ng mag-isa. Tinanim sa isipan nating
mga Pilipino na tayo ay nangangailangan ng tulong ng mga dayuhang institusyon para sa pagbuo
ng kapital at paglago ng ating bansa. Napako tayo sa kaisipang ito kaya naman sa kabila ng mga
panahong nagdaan ay nananatili tayong alila ng banyaga sa sarili nating lupa. Masyado tayong
nagpadala sa matatamis na salita ng mga dayuhan na tutulungan nila tayong umaggat ngunit ang
katotohanan ay ginagatasan lamang nila tayo para sa kanilang pansariling kapakanan.
VI. Limang pahayag na pinakagusto hango sa akdang sinuri
“Ang sentimentalismo at emosyonalismo ay hindi dapat gampanan sa internasyonal na relasyon.
Kalokohan na asahan ang sinumang bansa na isakripisyo ang kanyang kapakanan at seguridad sa
dalisay na ideyalismo o sa mga sentimental na pagkakabit. Bilang mga Pilipino, dapat nating
alagaan ang ating sarili, sapagkat wala nang ibang mangangailangan. Iyon ang kakanyahan ng
ating kalayaan.”
“Upang maging realista, dapat nating palayain ang ating mga isip mula sa nakakaloko na ilusyon
na malaki ang tungkulin natin sa internasyonal na politika na para bang tayo ay isang malaking
kapangyarihan.”
“Upang maging mga realista, dapat nating ihinto ang paniniwala na mayroong altruism sa mga
bansa.”
“Upang maging realista, dapat nating mapagtanto na sa isang mundo kung saan nananaig pa rin
ang sistemang pambansa, ang bawat estado ay nangangalaga sa sarili nitong pambansang interes,
at responsibilidad ng gobyerno na alamin kung ano ang mga interes na iyon, at gamitin at dalhin
ang kinakailangang mga patakaran tungo sa pag-iingat sa kanila, pagsasakripisyo kung
kinakailangan ng mas maraming pansamantalang interes, tulad ng pansamantalang mga
kalamangan sa kalakalan, sa parehong paraan na hindi pinansin ng mabuting estratehiya ang
isang laban upang manalo sa giyera.”
“Upang maging isang makatotohanang ay tanggapin ang katotohanan na ito ay upang
maglingkod sa kanyang sariling interes at upang mapanatili ang kanyang seguridad at posisyon
bilang isang namumuno sa buong mundo, at sinasadya lamang para sa aming sariling
proteksyon, na itinayo ng Amerika ang kanyang nagpapataw na mga militar at diplomatikong
mga tipanan sa ating bansa, at sa pagkakaunawa lamang na iyon ang mga salitang karaniwang
pagtatanggol, kapwa seguridad, at pakikipagsosyo ay dapat na maunawaan.”
VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda
Bilang mga Pilipino, dapat nating alagaan at payabungin natin ang ating sarili, sapagkat
wala nang ibang magsusulong ng ating kalayaan kundi tayong mga Pilipino. Itaguyod natin ang
pagpapahalaga, pagtitiwala, pagtulong at malasakit sa sariling bansa. Dapat tuparin ng gobyerno
ang pangako nito na totoong pag-unlad sa ekonomiya, at bilang mamamayan ay magtulungan
tayo, tulungan natin ang ating pamahalaan. Makiisa at kumilos tayo para sa totoong mga
solusyon sa halip na pagbabangko at pagtuligsa sa mga patakaran nito. Ang pagbabago at pag-
unlad ay hindi lamang nakasalalay sa gobyerno, ito ay nakasalalay sa kamay ng bawat
mamamayang Pilipino.

“BANGKANG PAPEL NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE”


I. Pamagat (May-akda)
Ang bangkang Papel ay isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala
noong 1946 at nailimbag ito sa librong Piling Maiikling Kuwento. Si Genoveva Edroza-Matute
ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akdang aklat sa balarilang
tagalog na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon. Ang
isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Unang nailathala ang
maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas ang
tunay na kalayaan. Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa
tuwing nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.

II. Teoryang Pampanitikan


Realismo - Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

III. Mensahin nais ipabatid ng akda


Ang kaguluhan ay walang magandang maidudulot sa mga mamamayan. Ito ay
nagdudulot lamang ng takot at pangamba sa mga tao na nakatira sa bayan. Ang sigalot na
humahantong sa kamatayan ay isa sa mga bagay na maaaring kumitil sa pag-asa at pangarap ng
mag taong mauulila.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Ay ako ay nalulungkot ay sa sinapit ng batang lalaki, ang biglaang pagkawala ng
kanyang ama ang siyang bumago sa buhay niya sa isang iglap. Nalulungkot ako dahil kailangan
niyang pagdaanan ang ganoon ka saklap na pangyayari sa murang edad. Nakikisimpatya din ako
dahil hindi nabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ama.
V. Repleksyon matapos basahin ang akda
Sa kwento ipinakita ang mga maudlot na pangarap ng isang bata. Dahil sa karahasan
maraming pangarap ang hindi natutupad, mga anak na naulila sa magulang at mga asawang
namatayan. Ito ay isa sa mga pinakamasakit na maaaring sa isang pamilya, ang mawalan ng
mahal sa buhay dahil sa isang di inaasahang kaguluhan at karahasan.
VI. Limang pahayag na pinaka gusto hango sa akdang sinuri
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan
ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng
mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang
tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng
tugon.
Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking
gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang
papel na hindi niya napalutang kailanman...
VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda
Maliban sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga magulang, makikita rin ang
pagmamahal ng ating mga magulang sa trabahong nagbibigay ng kabuhayan sa kanilang
pamilya. Handang gawin ng ama ang lahat para sa pamilya, kahit anong trabaho ay kaniyang
papasukin maibigay lamang ang pangangailangan ng kaniyang mag-anak. Ito ay sumasalamin sa
walang hanggang pagmamahal ng ating mga magulang sa atin. Handa silang magsakripisyo at
magtiis para sa kanilang mga anak.

“Ang dalaginding ni Inigo Ed. Regalado”


I. Pamagat (May-akda)
Ang dalaginding ni Inigo Ed. Regalado. Si Iñigo Ed. Regalado ay tanyag noon sa
sagisag na Odalager. Naging patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng
lingguhang magasin na Ilang-ilang. Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang kanyang mga
tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang gantimpala sa
Timpalak Komonwelt noong 1941. Nag-aral si Ed. Regalado sa Escuela Muncipal de Sampaloc,
at nakuha niya ang kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining sa
Liceo de Manila, at ang kanyang bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa
Unibersidad ng Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa
pagpipinta, at naging kaklase niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino. Hindi
lamang siya makata, isa rin siyang kwentista, nobelista at peryodista.
II. Teoryang Pampanitikan
Romantisismo – Magustuhin o maibigan sa pangkaraniwan at naipapakita na hindi
lamang karangyaan o estado sa buhay ang nagiging batayan sa lahat ng pagkakataon.

III. Mensahin nais ipabatid ng akda


Minsan kapag maspinaghihigpitan at pinagbawalan ang anak ay mas magrerebelde ito,
mas mainam kung ito’y pag-uusapan na lamang ng mahinahong paraan at ipaintindi sa kabataan
kung bakit hindi ito dapat, gabayan natin sila sahalip na pagalitan upang hindi nila maramdaman
na sila ay kinukulong o sinasakal ng magulang. Sa ganitong paraan ay mas maliliwanagan ang
kabataan sa kung ano ang mas tamang landas.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Nalulungkot ako dahil iniwan ni Irene ang kanyang inang para sumama sa isang lalaki.
Tila hindi niya inisip ang magiging saloobin ng kaniyang ina sa kanyang paglisan. Hindi ko
inaakalang kayang gawin ni Irene iyon sa kaniyang pamilya.
V. Repleksyon matapos basahin ang akda
Laging sundin ang magulang, huwag magmadali sa pag-ibig. Minsan talaga masyadong
nagiging padalos-dalos lalo na pagmahal mo ang tao. Isaalangalang ang pamilya bago gumawa
ng desisyon. Huwag mo nang gwain kung mali naman na.
VI. Limang pahayag na pinaka gusto hango sa akdang sinuri
"May ibig pa akong itanong sa iyo, Inang. Noon bang makilala ma si Tatang ay nagsinungaling
ka sa iyang Inang?" "Nang makilala mo ba si Tatang," ang patuloy na tanong, "ay may
naramdaman ka bang pintig sa loob ng dibdib?"
"Oo!"
"Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang?"
"ano ang sinabi sa iyo?"
"Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang ako'y may iniibig na lalaki. Ako'y
kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako'y nag-asawa ay kaniyang papatayin."
"Ay ano ang naging sagot mo?"
"Ako'y nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking isusumpa."
"Kung gayo'y bakit mo naging asawa si Tatang?"
"Sapagkat… ang pagibig ay isang damdaming sintigas ng baton a di nadudurog sa hampas ng
alon, hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay… mabubuhay, laging sariwa."
VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda
Kahit ano pa ang kasalanan ng anak ang magulang ay handang patawarin ang anak nito
sa kasalanan. Laging sundin ang magulang sapagkat sa huli ang ating magulang ang laging
nandiyan para sa atin, ika nga nila magunaw man ang mundo hindi ka iiwan ng magulang mo.
Huwag magpadalos-dalos sa mga desisyon sa buhay dahil maaari mo itong pagsisihan sa huli,
maari rin itong maging sanhi ng iyong kapahamakan at laging tandaan na sa murang edad mas
alam ng magulang ang tamang landas upang hindi tayo mapariwara.

“Ang lalaking buntis”


I. Pamagat (May-akda)
Ang Lalaking buntis ni Jonsdmur's Horror Stories.
II. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Moralistiko- inilahad ng akda ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao; ang tama at mali na katulad sa karanasan ni Jon na nakulam dahil sa maling
ginawa.
III. Mensahing nais ipabatid sa akda
Ang Karma ay ang pangkalahatang batas ng sanhi at bunga. Ang iyong ginawang masama sa
iba ay ibabalik ng tadhana sa iyo sa paraang hindi mo inaasahan. Hindi man ngayon ngunit sa
darating na panahon ay aanihin moa ng ano mang ibinigay mo sa kapwa mo.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Matapos basahin ang akda ay napagtanto ko na marahil ito ay ganti ng tadhana sa
ginawang pagtakas ni Jon sa kanyang pagtakas sa obligasyon. Ngunit hindi mo masasabi na
dapat itong mangyari sa kanya sapagkat hindi dapat natin hinahanggad na may mangyaring
masama sa isang tao kahit pa sa kabila ng mga maling ginawa nito.

V. Repleksyon matapos basahin ang akda


Mula sa kwento ay napagtanto ko na huwag gawin sa iba kung ayaw mong mangyari
sayo. Maging mabait sa iba at tratuhin ang iba sa paraang nais mong tratuhin ka. Dapat maging
matapat, at matutong tumanggap ng kabayaran sa mga kasalanan.
VI. Limang pahayag na pinakagusto hango sa akdang sinuri
“Puno ng pagsisisi ang puso niya.”
“At ngayong alam na niya kung gaano kahirap ang manganak, ipinapangako niya sa kanyang
sarili na paninindigan na niya ang babaeng mabubuntis niya”
“Dolores, patawarin mo ako”
“Pinapatawad na kita. Alagaan mo ang anak natin. Wala siyang kasalanan.”
“Minsan ang kababalaghan ay nagaganap na hindi natin inaasahan. At kung minsan kailangan
nating harapin ang kabayaran sa ating mga kasalanan. Matakot ka sa karma! Hindi lahat ng mga
babae ay kaya mong lokohin.... Mag-ingat, baka ikaw na ang sumunod!”
VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda
Ang karma ay lagging nandiyan upang tayo ay turuan ng leksyon kapag nakakalimutan
na natin kung ano ang tama. Ngunit minsan ang hindi magagandang pangyayari ay hindi naman
talaga karma kundi isa lamang itong bunga ng mga maling bagay o maling desisyon natin sa
buhay.

“LUPANG TINUBUAN ni Narciso Reyes”


I. Pamagat (May-akda)
Ang akdang “Lupang Tinubuan” ay isinulat ni Narciso G. Reyes. Isang diplomat at may
akda ng Filipino. Nagsilbi siya bilang chairman ng UNICEF mula 1972 hanggang 1974 at bilang
Secretary-General ng Association of Southeast Asian Nations mula 1980 hanggang 1982.
Nagsilbi din si Permanenteng Permanenteng Kinatawan ng United Nations at Ambassador to the
United Kingdom, China at iba pang mga bansa.

II. Teoryang Pampanitikan


Teoryang historical - Nabibilang ito sa teoryang historikal sapagkat tumutukoy ito sa
mga kwento ng isang matanda sa pinagdaanan ng ama ni Danding noong bata pa siya. Tinalakay
sa akda ang mga nangyari noong kabataan ng ama ni Danding, kung saan gumamit ang awtor ng
estilong ng pagbabalik-tanaw sa buhay ng isang tauhan sa kwento.

III. Mensahin nais ipabatid ng akda


Pagmamahal sa tinubuang lupa, ang lugar kung saan tayo unang nadapa at natutong
bumangon sa buhay. Ipinakita din ang pagmamahal sa sarili, sa kapwa, sa pamilya, kaibigan at
lalung-lalo na sa ating sariling bayan at bansa.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Natutuwa ako dahil sa kabila ng halos karaming Pilipino na piniling lumisan sa kanilang
lupang tinubuan ay may iilan pa ring mga tao kagaya ni Danding na nais at nasisiyahang gunitain
ang masasayang araw at ala-ala ng kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang lupang tinubuan.
Na sa kabila ng mga taong lumilisan ay may bumabalik upang pahalagahan at mahalin an gating
bayan.
V. Repleksyon matapos basahin ang akda
Bilang isang Filipino ay nararapat lamang na magpamalas tayo ng wagas at walang
katulad na pag-big, pagmamahal, pagrespeto at pagkalinga sa ating bansa. Ang ating inang
bayan na nagbigay tahanan sa atin at sa ating mga mahal sa buhay. Ang tahanang nagbigay ng
maraming oportunidad at karansan para makita at maramdaman ang mga iba’t-ibang bagay na
nagbigay at magbibigay pa ng kulay sa ating buhay. Mahalin natin ang bayan na walang sawang
nagkalinga at yumakap sa atin kahit pa minsan ay mas pinipili natin na pansamantala o
permanenteng lumisan.
VI. Limang pahayag na pinaka gusto hango sa akdang sinuri
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni
Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang
inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang
maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin.
Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan.
Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso.
Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng
nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang
ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw,
dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan si
Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon
doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig na mga
luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama.
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa
lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat
na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha makauwi
lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio.

VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda


Mahalin natin ang ating pamilya at pahalagahan ang bawat masasayang araw na kasama
sila dahil darating ang panahon na wala na lilisanin nila ang ating tabi. Dapat din tayong
magbigay halaga sa ating lupang sinilangan sapagakat dito tayo hinubog ng panahon. Dito tayo
nagkaisip, lumuha, ngumiti, madapa at natutong bumangon. Wala ng mas gaganda pa sa lupang
tinubuan, ito ay biyaya sa atin ng ating mga ninuno na dapat nating ingatan, mahalin at
pahalagahan.

“Ang kwento ni Mabuti”


I. Pamagat (May-akda)
Ang kwento ni Mabuti ay isinulat ni Genoveva Edroza-Matute. Isang bantog na
kuwentistang Pilipino. Isang guro at may-akdang aklat sa balarilang tagalog na nagturo ng mga
asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
II. Teoryang Pampanitikan
Teoryang feminism - sentrong paksa ay tungkol sa babaeng nawawalan na ng pag-asa
ngunit sa huli’y napagtagumpayan niyang gawin kung ano ang mas nararapat at kung ano ang
tama.
III. Mensahing nais ipabatid sa akda
Ipinararating ng kwento na kailangan nating ipagpatuloy at panindigan kung ano ang
tama at nararapat. Ipinapabatid din nito na kahit hindi naging maganda ang nakaraan ni Mabuti
ay mas pinili niyang magbigay ng liwanag sa mga batang tinuturuan niya. Hindi niya hinayaan
ang pagkakamali niya na pigilin siyang maging mabuti. Ipinakita rin ang katatagan ng isang
babae na sa kabila ng mga masasakit na pinagdadaanan ay mas pinili nitong magbigay saya at
pag-asa sa iba, kahit pa siya mismo sa sarili niya ay nalulungkot at nahihirapang maaninag ang
pag-asa.
IV. Reaksyon matapos basahin ang akda
Masaya ako dahil hindi nagpadaig si Mabuti sa kalungkutan at hindi magandang
nakaraan.
Kahit pa ako ay nalulungkot na nangyari sa kaniya ay humanga ako sa kaniyang ipakitang
katatagan sa panahon ng pagsubok. Ako’y nasisiyahan dahil mas pinili niyang maging mabuti sa
iba at magbigay pag-asa sa kapwa.

V. Repleksyon matapos basahin ang akda


Lahat tayo ay dumadaan sa pagsubok kaya hindi tamang husgahan natin ang iba.
Napagtanto ko rin na ang simpleng pakikinig sa kwento ng iba ay maaaring maging malaking
ginhawa para sa kanila at bilang isang guro sa hinaharap ay masasabi kong sa kabila ng
pinagdaanan ni Mabuti siya ay naging mabuting ihimplo sa ibang tao. Hindi niya binahiran ng
personal na buhay ang kaniyang trabaho. Sa halip na sirain ang buhay dahil sa lungkot at
pagkakamali ay pinili niyang ngumiti at maging mabuting guro. Si Mabuti ay isang sagisag ng
katatagan, katapangan at pag-asa na sa kabila ng hindi inaasahang pangyayari ay maaari ka pa
ring maging ilaw sa madilim na landas ng iba. Na kahit makaranas tayo ng hindi maganda o
hindi inaasahang pangyayari ay piliin nating ngumiti at lumaban sa buhay dahil maaaring hindi
natin namamalayan may mga tao palang umaasa at humuhugot ng inspirasyon sa ating mga
simpleng ginagawa sa araw-araw.

VI. Limang pahayag na pinakagusto hango sa akdang sinuri


Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa
angkanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa
kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at
ngayon, sapaglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya
angpaghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong
pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula


akongmagmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina,
kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ngmaririkit na
guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhannaming unti-unti
ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa
kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa


mgapinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig
niyangiyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang
saamin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa
buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay
ngkanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralinnaming sa
Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anumanang kulay ng
buhay.

VII. Aral na nakuha matapos mabasa ang akda


Ang natutunan ko sa akda ay kahit ano pang pagsubok ang iyong pagdaanan, kahit pa
minsan ay tila nababalot ka na ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa ay lagi nating
pakatatandaan na may ibang taong may mas mabigat na pinagdadaanan ngunit pinipili nilang
maging masaya at mabuti sa iba dahil alam nilang maraming umaasa sa kanila. Sana tayo rin
kahit pa anong pagsubok ang ating pagdaanan at piniliin nating maging mabuti sa kapwa, huwag
nating hayaan na kainin tayo ng lungkot. At kung may tao man na may pinagdadaanan ay
pakinggan natin sila, huwag natin silang husgahan at tawanan, dahil hindi natin alam kung gaano
kabigat para sa kanila ang kanilang pinagdadaanan.

You might also like