You are on page 1of 34

Pagsusuri sa Tulang

“Ang Ilaw sa Parol”


ni Cirio H. Panganiban

Mary Grace C. Baliguat


Euneil Cris D. Anipan
Taga-ulat

Maribel M. Buenavides
Propesora
Mga Nilalaman
1. Pagtalakay sa Buhay ng May-Akda
2. Pagbasa ng Tula
3. Uring Pampanitikan
4. Estruktura
5. Estilo ng Paglalahad ng Manunulat
6. Tayutay, Tono, at Simbolismo
7. Mabisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
c. Bisa sa Kaasalan
Pagtalakay sa Buhay ng May-Akda
 Si Cirio H. Panganiban ay
isang manananggol at naging
malaking bahagi sa kasaysayan
ng panitikang Pilipino.
 Isa siyang makata, kwentista,
mandudula, mambabalarila at guro
pa ng wika.
Pagtalakay sa Buhay ng May-Akda
 Sa kanyang pagiging kuwentista ay
naiambag niya sa panitikan ang kanyang
kuwentong Bunga ng Kasalanan na
nalathala sa Taliba noong 1920.
 Sa larangan ng dula ay napabantog ang
kanyang iisahing yugtong dula na may
pamagat na Veronidia noong 1927 kung
saan ginamit niya ang sagisag sa
panulat na Crispin Pinagpala.
Pagtalakay sa Buhay ng May-Akda
 Itinanghal ang dulang ito sa Dulaang
Zorilla sa pamamahala ng
Samahang Ilaw at Panitik. Sinasabi
ng mga kritiko na ang Veronidia ay
nagpasigla at nagbigay-halaga sa
dulang Tagalog.
I.
ILAW!... Gabi-gabi, ang ilaw na yaon Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis
Ay sinisindihan sa loob ng parol. Sa bugtong-hininga sugatan ang dibdib,
Isang munting kamay, kulubot at luoy. Inang palibhasa’y Ina ng Pag-ibig,
Ang di na magsawang sa habang panaho’y Hinihintay-hintay na muling magbalik.
Laging nag-iilaw sa ulilang balkon…

May pitong taon na ang nakalilipas Ang kanyang pag-asa’y darating sa bahay
Mula ngang umalis ang bugtong na anak. Kaya, gabi-gabi, ang Ina’y may tanglaw,
Lumaki sa layaw, nagmana ang pilak, Ilaw ng Pag-ibig sa dating tahanan,t
At ang magbinatang busog sa pangarap Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal!
Nilinisan ang Ina’t ang mundo’y nilipad!
II.
Ibong nakakulong, kapag nakalaya, Parang nabulanggp sa pulo ng Lagim,
Ibig dumapo sa sangang mababa! Tumakas nang upang humanap ng Aliw.
Ito ang nangyari sa ating binata, Puso palibhasa’y uhaw sa Paggiliw,
Sa nasang nakamtan ang sangundong tuwa’y Sa alak ng Buhay ay nagpakalasing,
Halos di-ituntong ang paa sa lupa! Nangarap sa kislap ng mga bituin!

Mabilis ang kampay nitong kanyang pakpak Sa lalong malawak na dagat ng buhay
na nakikihabol sa lipad ng limbas Ay pinapamangka ang murang isipan.
Ibig na ang langit ay kanyang malipad Sinundan ang gaos ng kaligayahan,
Kahit pagkatapos, sa siwang ng ulap, At nng mapasadsad sa dalampasiga’y
Magsabulalakaw na muling malaglag; Humabol sa bula ng alon sa pampang!
II.
Dati, sa bakurang alaga ng Ina,
Lumuwal sa pinto ng pagkakasala,
Humanap ng laya sa mundong ligaya,
At nang mahumaling sa bango at ganda’y
Sumusunod sa kaway ng maling pag-asa!

Sa hardin ng kanyang mga panaginip,


puso ay nagtanim ng unang pag-ibig.
Ito’y namulaklak sa init ng halik,
Magandang bulaklak na wala na raw tinik,
Bakit sumusugod sa may sintang dibdib?
III.
Sa mahabang k’wintas na pinagdasalan Sa kanyang gunita’y nagbabalik ngayon
Ng hirap ng kanyang sinapit na buhay, ang masayang araw ng kanyang kahapon.
Ay ikasampu na ang yugto ng lumbay . . . Nang siya’y mapilak, siya’y Panginoon,
Natapos ang pista! Wala nang tugtugan! Dangal ng lipunan, Hiyas ng Panahon,
Irog ng dalaga, tagumpay ng layon…
Naubos ang handa, nabasag ang pinggan!
Mataas na uri ng kanyang kilatis,
Labong ng kawayang nagpakatingala, sapagkat makislap pati kanyang damit,
Tunglan nang lumaki’t mahutok sa lupa. ang mundo nga naman, daig pa ang pikit!...
Ganyan siya ngayon: may sait, maputla, walang tinitingnan kundi ang kilatis.
Wala nang salapi, kaibigay’y wala, Mangarap? . . . tao ka, kahit walang bait!
May tinik sa puso’t sa mata’y may luha.
III.
Sa kislap ng kanyang mga ginto’t pilak Sa palad ng kamay, kanyang pinakain
ay humahabol-habol pati alitaptap. Ang mga katotohanang tapat kung magturing,
Nasilaw ang tala sa kanyang liwanag, Kaydaming nabusog sa kanyang paggiliw
Ngunit nang maglho ang dating anag-ag, Ngunit nang magsaid ang lahat nang hain,
isa mang bitui’y hindi na sumikat! Katoto’u nawala! – Ang aso? … Narin din!

Sa bula ng alak ay kanyang nilunod


Ang hirap at sakit nitong ansinukob.
Kanyang pinsaya ang nangalulungkot;
Ngunit nang magmaliw ang pistang natapos,
Nagtawa sa kanya ang nagsipanood!
IV.
Sa loob ng isang luma nang simbahan Sa gilid ng daan, ang nagtayong kahoy,
Ang anak na sawi’y lumuhod sa altar. Nakaluhod manding bantay ng panahon,
Sa ngalan ng Birheng Ina ng Maykapal, Ay masusukatan ang layo sa nayon,
Yaong ‘Pagsisisi” ay kanyang dinasal. Mga ilang liko at sanlipad-ibon,
Pagkatapos, nagk’rus, at doo’y lumisan. Matatanaw na rin ang kanilang bubong.

Sa pinagkrusan na maraming landas, Ngunit gumabi na. At saka na may dilim


Tagpuan ng mga naligaw na palad, Na sag awing laot ay nagpapalagim,
Kanyang tinalunton ang sariling bakas, Makasandali pa’y umunos ang hangin,
Nagpagpag pang minsan ng gabok at layak, Bumugso ang ulan, at ang panganori’y,
Nagbuntung-hininga at muling lumakad. Binati ng kidlat na lubhang matalim.
IV.
Sa tanglaw ng kidlat, kanyang naliliklik,
Pati ang talunton ng mahabang batis.
Ang batis na yao’y kanyang nababatid,
Dating salaminan ng bughaw na langit,
Hangganan ng lupang kanyang iniibig.

Ang ilaw ng parol, ay napansin niyang


Malamlam ang sinag, malungkot, ulila.
At ang kanyang luha’y humilam sa mata,
At ang kanyang dibdib ay lalong kumaba.
Buhay kaya, Diyos, ang mahal kong Ina…
V.
Lagpak ang katawang sumapit sa balkon. Mainit na bangkay at maputlang mukha,
Na tinatanglawan ng ilaw sa parol. Hinahagkan-hagkan ng Inang may luha.
Tumahol ang aso. At ang taong yao’y Yaon ang pag-ibig na lubhang dakila,
Sinasal ng ubo, pagkuwa’y kinandong. Pag-ibig ng ina na Ina ng Awa,
Ng munting kamay, kulubot at luoy. Pag-ibig ng pusong Puso ni Bathala!

Sa bisig ng Ina, anak ay nagbalik, Ang palad ng tao’y umasa’t maghintay


Katulad ng isang malayong pag-ibig. Saka kung dumating ang palad na iyan,
Sa bisig na yaon, ang wasak na dibdib, Ang huling pag-asa’y agad namamatay…
Para lang humanap ng sandaling langit, At gaya ng parol sa dating tahanan
Humimlay nang upang ganap na umidlip. Kung kalian nang gabing namatay ang ilaw!
Uring Pampanitikan
 Ang Ilaw sa Parol ay akdang pampanitikan na
napapabilang sa isang tula. Ito ay isang masining na anyo
ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin
ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang
paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.
Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang
kaisipan gamit ang maririkit na salita. Ito ay
matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.
Estruktura
Ang tulang ito ay may sukat at tugma. Ito ay binubuo ng
lalabindalawahing pantig. Ang bawat saknong ay binubuo ng limang
taludtod. Nahahati ito sa limang bahagi; sa unang bahagi inilalahad
ang kalagayan ng ina nang ito ay nilisan ng kanyang anak; ikalawang
bahagi naman ay tumatalakay sa anak; ikatlo at ikaapat na bahagi
naman ang karanasan at ginawang pagsisisi na ginawa ng binata
matapos napagtanto niyang naubos na ang kanyang salaping pilak, at
ikalimang bahagi naman ang pagbabalik ng anak sa kanilang tahanan.
Estruktura

I/LAW!../. Ga/bi/-ga/bi/, ang/ i/law/ na/ ya/on/ = 12 pantig


Ay/ si/ni/sin/di/han/ sa/ lo/ob/ ng/ pa/rol./ = 12 pantig
5 taludtod
sa isang I/sang/ mun/ting/ ka/may,/ ku/lu/bot/ at/ lu/oy/. = 12 pantig
saknong
Ang/ di/ na/ mag/sa/wang/ sa/ ha/bang/ pa/na/ho’y/ = 12 pantig
La/ging/ nag/-i/i/law/ sa/ u/li/lang/ bal/kon…/ = 12 pantig

May tugmang katinig na mahina at may pattern na acbba


Estruktura
Kakikitaan din ang tula ng larawang diwa na kung saan
mahusay na inilalarawan ng makata ang tula upang
magkaroon ng kakintalan sa mga mambabasa:

Lagpak ang katawang sumapit sa balkon.


Na tinatanglawan ng ilaw sa parol.
Tumahol ang aso. At ang taong yao’y
Sinasal ng ubo, pagkuwa’y kinandong.
Ng munting kamay, kulubot at luoy.
Estilo ng Paglalahad
Dahil isa sa mga tradisyunal na makata si Cirio H.
Panganiban at isa ring tagasunod ni Francisco Baltazar,
tradisyunal ang binuong istilo ng tula na kung saan
nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, ang mga
salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili,
matayutay, at masining bukod sa pagiging maramdamin.
Estilo ng Paglalahad
Mahilig din ang makata na gumamit ng ellipsis (…) upang
ipakita ang emphasis ng manunulat sa bawat bahagi ng tula
para mahatak ang atensiyon at bumuo ng maramdaming
sitwasyon habang binabasa ang tula.

Mataas na uri ng kanyang kilatis,


sapagkat makislap pati kanyang damit,
ang mundo nga naman, daig pa ang pikit!...
walang tinitingnan kundi ang kilatis.
Mangarap? . . . tao ka, kahit walang bait!
Tayutay, Tono, at Simbolismo
Mga Simbolismo
Sa tulang nabasa, ang ilaw sa parol ay sumisimbolo sa
pag-asa ng magulang na makita ang kanyang anak.

Ang palad ng tao’y umasa’t maghintay


Saka kung dumating ang palad na iyan,
Ang huling pag-asa’y agad namamatay…
At gaya ng parol sa dating tahanan
Kung kalian nang gabing namatay ang ilaw!
Tayutay, Tono, at Simbolismo
Ang ibon ang ginamit na representasyon sa binata upang
ipakita ang kalayaang naranasan nito nang linisan niya ang
kanyang ina.

Ibong nakakulong, kapag nakalaya,


Ibig dumapo sa sangang mababa!
Ito ang nangyari sa ating binata,
Sa nasang nakamtan ang sangundong tuwa’y
Halos di-ituntong ang paa sa lupa!
Iba Pang Malalalim na Pananalita na Ginamit sa Tula
Mga Malalim na Pahayag Kahulugan
Kulubot ang kamay matanda
Nabasag ang pinggan natapos na ang kaligayahan
Bula ng inumin Inumin na nakakalasing
Malamlam ang sinag mahina ang ilaw
Ganap na umiidlip Patay/namatay
Bathala pusong puno ng pagmamahal
Laki sa layaw suwail
Pulong malagim hindi masaya at puno ng pighati
Puso ni Bathala pusong puno ng pagmamahal
Mga Tayutay na Ginamit sa Tula
Pagtutulad

Sa bisig ng Ina, anak ay nagbalik,


Katulad ng isang malayong pag-ibig.
Sa bisig na yaon, ang wasak na dibdib,
Para lang humanap ng sandaling langit,
Humimlay nang upang ganap na umidlip.
Mga Tayutay na Ginamit sa Tula
Pagwawangis

Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis Sa lalong malawak na dagat ng buhay
Sa bugtong-hininga sugatan ang dibdib, Ay pinapamangka ang murang isipan.
Inang palibhasa’y Ina ng Pag-ibig, Sinundan ang gaos ng kaligayahan,
Hinihintay-hintay na muling magbalik. At nng mapasadsad sa dalampasiga’y
Humabol sa bula ng alon sa pampang!
Ang kanyang pag-asa’y darating sa bahay
Kaya, gabi-gabi, ang Ina’y may tanglaw,
Ilaw ng Pag-ibig sa dating tahanan,t
Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal!
Mga Tayutay na Ginamit sa Tula
Pagmamalabis

May pitong taon na ang nakalilipas


Mula ngang umalis ang bugtong na anak.
Lumaki sa layaw, nagmana ang pilak,
At ang magbinatang busog sa pangarap,
Nilinisan ang Ina’t ang mundo’y nilipad!
Mga Tayutay na Ginamit sa Tula
Pagbibigay-Katauhan

Sa kislap ng kanyang mga ginto’t pilak


ay humahabol-habol pati alitaptap.
Nasilaw ang tala sa kanyang liwanag,
Ngunit nang maglho ang dating anag-ag,
isa mang bitui’y hindi na sumikat!
Mga Tayutay na Ginamit sa Tula
Onomatopiya

Ngunit gumabi na. At saka na may dilim


Na sag awing laot ay nagpapalagim,
Makasandali pa’y umunos ang hangin,
Bumugso ang ulan, at ang panganori’y,
Binati ng kidlat na lubhang matalim
Sagimsim ng Tula
Batay tulang nabasa, ang tono nito ay pangungulila ng magulang sa
anak dahil pitong taon na nilisan ng binata ang tahanan upang sundin
nito ang kanyang nasa matapos na makatanggap ito ng maraming
salaping pilak.

Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis Ang kanyang pag-asa’y darating sa bahay
Sa bugtong-hininga sugatan ang dibdib, Kaya, gabi-gabi, ang Ina’y may tanglaw,
Inang palibhasa’y Ina ng Pag-ibig, Ilaw ng Pag-ibig sa dating tahanan,t
Hinihintay-hintay na muling magbalik. Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal!
Sagimsim ng Tula
Sa huling dalawang saknong sa unang bahagi ng tula,
malinaw na kinakikitaan ng pangungulila at kalungkutang
naranasan ng ina sa anak, kaya ginamit dito ang ilaw ng
parol na sumisimbolo ng pag-asa at paghihintay ng ina sa
pagbabalik ng kanyang anak kahit pitong taon na ang
lumipas.
Persona ng Tula

Ang makata ang nagsasalaysay sa tula kung saan inilalahad


niya karanasan ng ina na nangungulila at kung papaano ang
ginawang paglustay sa salaping minana ng binata sa
kanyang ina upang bigyang-aral ang mga mambabasa na
dapat huwag magpasilaw sa pera at dapat pahalagahan
natin ang ating mga magulang dahil sila ating tunay na
kayamanan na kailanman na hindi mapapalitan.
Mabisang Pampanitikan
a. Kabisaan sa Isip
Ang tulang Ilaw sa Parol ay makakikitaan ng
kabisaan sa isip dahil pinapakita ng tula na
bilang isang indibidwal maging maingat sa
paggawa ng desisyon dahil nakakaapekto ito
kung ano ang maging kinahihinatnan ng
iyong buhay. Isipin nang mabuti ang
magiging kinahihitnatnan ng ating mga kilos
dahil minsan nakaapak tayo ng tao nang
hindi natin namamalayan.
Mabisang Pampanitikan

b. Kabisaan sa Damdamin
Tunay ngang walang makapapantay sa
pagmamahal ng isang magulang sa kanyang
anak. Isang patunay nito ang walang sawang
paghihintay ng ina sa pagbabalik ng kanyang
suwail na anak sa tulang “Ang Ilaw sa Parol.”
Bagama’t pitong taon ng hindi bumabalik ang
binata ay patuloy pa rin ang paghihintay ng ina
sa kanyang pagbabalik
Mabisang Pampanitikan

c. Kabisaan sa Kaasalan
Mahalaga ang pagtanaw at pagbabalik loob sa ating kapwa, anuman
ang ating narating sa buhay. Sila ang naging instrumento at naging
patnubay natin upang magtagumpay tayo sa buhay. Sila ang mga taong
kasama natin sa kahirapan, nandiyan sila upang tumulong sa atin, hindi
naghusga sa mga pagkakamali na ating nagawa at sa halip tinanggap
nila tayo nang maluwag sa kalooban. Kaya’t nararapat lamang na
pahalagahan ang mga taong ito sa ating buhay.
Mga Sanggunian
Ilaw sa Parol. n.d. Retrieval date: July 8,2023. Link: https://jmsinoy.blogspot.com
Ilaw sa Parol: Cirio H. Panganiban. n.d. Retrieval date: July 8,2023. Link
https://www.scribd.com
Cirio H. Panganiban. n.d. Retrieval date: July 8,2023. Link: https://wordpress.com

You might also like