You are on page 1of 4

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

AUTONOMOUS STATUS - CHED


PAARALANG GRADWADO
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Philippines
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075
Website: http://www.filamer.edu.ph/

FILIPINO 414: PANULAANG FILIPINO

APRIL D. MAYO PROF. MARIBEL N. BUENAVIDES


Taga-ulat Tagalinang ng Kurso

Yunit 3: B. ANG MAKATA AT ANG KANYANG KATHA


ANG KATHA
Ang katha ay nangangahulugang imbento, sariling gawa-gawa lamang nang
kaisipan, likha o planong binubuo sa isip ito ay maaring hango sa karanasan o
likha lamang ng malikot na pag-iisip ng isang manunulat.

ANG TULA NG MAKATA


Tinipong salita kung minsa'y may bilang
Sa pantig at sukat ito'y karaniwan
Sintunog ay tugma hanay taludturan
Sa saknong ng tula, ito'y kayarian.

Sa pintig ng puso, baliw na makata


Indayog ay lambing doon nagsimula
Aliw-iw kung minsan sa turang salita
Ay pumapaloob sa makatang tula.

Taghoy niyong puso sa hating taludtod


May sesura pa rin na dapat itampot
Ay hintong hininga sa bigkas himutok
Laging maririnig at nakakalugod.

Taghoy ng makata sa kanyang tulain


Timyas sa pighati na di magmamaliw
Kariktan ay himig dito'y dumarating
Kataga'y salita nagsislbing hinaing.

Himig at balangkas ng tula ay iba


Kabuuua't anyo iba ngang taaga
Sa diwa't kalamnan, sa ningning at ganda
Sa makatang puso'y siyang kaluluwa.

Damhin pa ang tula ng isag makata


Wari mo'y may buhay pumapakawala
Anaki mo'y daloy ng matang may luha
Ayaw pahihinto habang nagluluksa
Hininga ng puso sa mga tulain
Sa sikil ng dibdib ay di kayang damhin
Sa taludtod nito kung tataludturin.
Saknong mabubuo makatang mithiin.

Ganito ang tula ng isag makata


May bilang sa sukat ang mga salita
Sa taludtod nito salitang may tugma
Pawing ipinila doon ka hahanga

Ang ganda at timyas ay siyang kariktan


Aliw-iw, indayog siyang kagandahan
Sesura ay hati at sa taludtodturan
Pawing tinataglay nitong panulaan

Diwa ng makata sampu ng damdamin


Ay humuhulagpos sa bawat paksain
Mga guniguning hindi papapigil
Kusang sumasaliw sa mga tugtugin.

Ito ang daigdig ng isag makata


Ganito ang buhay, ganito ang tula
Sa sukat, indayog, kariktan at tugma
Taludtod, sesura sa saknong ginawa.

Mga Sangunian:
• https://www.slideshare.net/JOJOG/jojo-guntang
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Makata
• https://philnews.ph/2021/07/28/ano-ang-makata-kahulugan-at-halimbawa-
ng-mga-ito/
• https://brainly.ph
• https://books.google.com.ph/books?
id=GZr6hVHCWxcC&printsec=frontcover&source=gbs_ge_summary_r&cad=
0#v=onepage&q&f=false

You might also like