You are on page 1of 4

Filipino 9

GAWAING PAGKATUTO MODYUL


Tula

Pangalan: ____________________________________ Q1W5


Seksiyon: ____________________________________ Petsa: _____________

Isaisip

Alam mo ba …
Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng
tayutay at malayang paggamit ng mga salita sa iba’t ibang estilo – kung minsan ito ay maiksi
o mahaba.
Ito ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang wawalohin, lalabindalawahin,
lalabing-animin at lalabing-walohing pantig.

Mga Elemento ng Tula

1. Anyo - Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.
● Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay
karaniwang ayon sa nais ng manunulat.
● Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita.
● May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit
ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
● Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa
bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.
2. Kariktan - Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng
mga mambabasa. Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay
ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
3. Persona - Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang
persona at ang makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng
persona at makata. Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang
nilalang.
4. Saknong - Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula
sa dalawa o higit pang taludtod.
5. Sukat - Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na
waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.
6. Talinghaga - Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga
pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
7. Tono o Indayog - Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay
karaniwang pataas o pababa.
8. TugmaIto - ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng
tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng
bawat taludtod ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito
rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

ANG PUNONGKAHOY
ni Jose Corazon de Jesus

1
(Halaw mula sa: https://www.gograph.com/vec tor- clip-art/black-tree.html)

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

At iyong isipin nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

Maraming salamat, kaibigan sa matiyaga mong pagbabasa! Upang higit pang


mapalalim ang iyong kaalaman sa binasang tula, tara! Simulan natin ang mga gawaing
inihanda ko para sa iyo. Alam kong kayang-kaya mo ito!

Alamin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS)


● Naiuugnay mo ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula;
F9PN-le-41
● Nailalahad mo ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano; F9PB-le-41
● Natutukoy mo at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugan na pahayag sa ilang
taludturan; at F9PT-le-41
● Naisusulat mo sa pamamagitan ng ilang taludtod ang pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng isang bansang Asyano. F9PU-le-43

Suriin

2
Gawain 1: Isa-isahin ang nabanggit ng may-akda sa tula. Isulat sa bilog ang iyong mga
kasagutan sa iyong sagutang papel.

Pagyamanin / Isagawa

Gawain 2: Mula sa hanay sa ibaba, sagutin mo ang mga hinihinging impormasyon


ayon sa tulang nabanggit. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

Ang tatlong bagay na aking natutunan ay Ang dalawang bagay na


… nakapagpaantig sa aking damdamin ay …
1. 1.

2. 2.

3.

Tayahin

Gawain 3: Mula sa mga dahong sinulatan, panahon na upang ibahagi ang iyong
kakayahan na lumikha ng sariling kathang tula tungkol sa pagpapahalaga bilang
isang Asyano. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong likhang tula. Limitahin sa
apat na saknong ang tula na may tig-apat na taludtod kada saknong. Gamitin sa
pagsulat ang mga element ng tula.

Rubric sa Pagsulat ng Tula

3
Nangangailanagn
Napakagaling Magaling (8pts.) Katamtaman (6pts.) ng pagsasanay
(10pts.) (4pts.)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal
makahulugan ang makahulugan ang lalim ang kabuuan ang kabuuan ng
kabuuan ng tula. kabuuan ng tula. ng tula. tula.
Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo at simbolismo at simbolismo na pagtatangkang
pahiwatig na pahiwatig na nakalito sa ginawa upang
nakapagpaisip sa nakapagpaisip sa mababasa. Ang mga makagamit ng
mga mambabasa. mga mambabasa. salita ay di-gaanong simbolismo.
Piling-piling ang mga May ilang piling pili.
salita at pariralang salita at pariralang
ginamit. ginamit.

Sanggunian

Online
https://www.gograph.com/vec tor- clip-art/black-tree.html
Isang Punongkahoy Tula ni Jose Corazon de Jesus | Philippines: KapitBisig.com

Susi sa Pagwasto
Suriin
Gawain 1: Sariling sagot ng mga mag-aaral

Pagyamanin
Gawain 2: Sariling Sagot ng mga Mag-aaral

Tayahin
Gawain 3: Sariling sagot ng mga mag-aaral

Inedit:

LEI LOPEZ MESINA


NV15IS

You might also like