You are on page 1of 12

MODYUL SA FILIPINO 1

RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG


(Modyul 6)

Raquel R. Alaman, PhD


Asst. Prof. 4

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS


Pamantasang Bayan, Hilagang Samar
Linggo
11-12 PANULAAN: Katuturan, Sangkap, Uri, Pagsulat ng Tula

Binabati kita sapagkat maluwalhati mong natapos ang nakaraang modyul. Ngayon
naman, panibagong modyul ang iyong haharapin na siyang gagabay sa iyong
pagkatuto. Makababasa ka ng mga tekstong hahamon sa iyong kakayahang mag-isip,
magsuri at magsulat/kumatha ng tula. Huwag kang mabahala sapagkat ang modyul na
ito ay sadyang inihanda para sa iyong pagkatuto kaya simulan mo na!

Ano ang matututunan mo?

Game ka na ba?
Magkasama na naman tayo sa modyul na ito! Pumalakpak
ka muna ng 3 beses bago magsimula. Ngayon ay handa
ka na sa mga bagong aralin. Sa modyul na ito
inaasahang:
1. Mabatid ang iba‟t ibang pagpapakahulugan sa tula.
2. Matukoy ang mga sangkap ng tula.
3. Mabatid ang mga uri ng tula.
4. Mailahad ang mga tips sa pagsulat ng tula
5. Makasulat ng tula.
6. Mapahalagahan ang panulaan.

Ngunit bago mo simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang alamin
ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pang-unang pagsusulit. Huwag kang mag-
alala kung mababa
Ipaliwanag: man ang pag-aralan
Bakit mahirap iyong makuha.
angAng layunin
tula? Anoko lamang
ang ay masukat
tinataglay ang
ng tula
iyong
na walakaalaman
sa ibangsa akdang
mga araling iyong kakaharapin
pampanitikan tulad ngsa modyul
nobela,namaikling
ito. Kaya‟t maging
kwento,
matapat ka sana sa iyong
alamat sanaysay at iba pa? pagsagot.
Maaari ka nang magsimula.

1
Ano na ang alam mo?

Ipaliwanag:

Bakit mahirap pag-aralan ang tula? Ano ang tinataglay nito na wala sa ibang
akdang pampanitikan tulad ng maikling kwento, nobela, dula, sanaysay, alamat, pabula
at kwentong-bayan?

ARALIN 1 Kahulugan ng panulaan/tula at Sangkap ng tula,

ARALIN 1
Panulaan

▪Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang diwang kariktang makikita
sa silong ng alinmang langit (Iῆigo Ed. Regalado)
▪Ang pagtula‟y panggagagad at ito‟y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok
at pagtatanghal. (Fernando Monleon)
▪Ito ay kamalayang nagpapasigasig. (Edith sitwell)
▪ Pagsasatitik ng kamalayan ng may-akda hinggil sa paksa na kakanti sa kanyang
interes. Sa pagbigkas nito ay nabibigyang buhay ang kaisipang nahimlay sa mga titik ng
tula. Isang sining ng paggamit ng mga salita upang lumikha ng ilusyon sa ating mga
pandama; isang sining upang gawin sa pamamagitan ng mga salita ang ginagawa ng
pintor sa pamamagitan ng mga guhit at kulay. (Savory)
▪Ito ay may ritmo, sukat at tugma (kung kumbensyunal); may emosyon o damdaming
masidhi at malalim sa karaniwang pahayag; may higit sa karaniwang dami ng mga
tayutay at di-gaanong mahigpit sa pagsunod sa gramatikong pagsusunod-sunod ng
mga salita.
▪Ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng magsisintunog na titik at makahulugang
salita. Dapat itong maging isang buong pangungusap; ang mga titik at salitang dapat
isaayos tungo sa isang makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa, damdamin,
pangyayari, larawan o kakintalan. (Almario)
Sangkap ng tula
1. Sukat – Tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
Ang mga karaniwang gamitin na sukat ay aapatin, wawaluhin, lalabindalawahin at
dadalawampu‟t apat na pantig.
May sukat na 4:
Ang pag-ibig
na matamis
hinahangad
2
nitong dibdib
na may hapis.

May sukat na 12
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig,
ang labi ko‟y siyang lumasap ng tamis;
ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib,
bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.

May sukat na 8
May sinabi noong una
doon sa Reyno ng Murcia,
yaong hari at monarka,
na may tatlong anak siya.

2. Tugma - Ito ay ang pagsisintunugan ng huling pantig sa bawat taludtod.


a. Tugmaan sa patinig
Patinig na may impit Hal. sira, dugo, hari, sampu, dula, nilaga
Patinig na walang impit Hal. ale, ina, lola, bola, pintura, bala
b. Tugmaan sa katinig
Unang pangkat – B, D, K, G, P, S, T
Pangalawang pangkat – M, N, L, NG, W, Y
3. Makabuluhang diwa - Ito ang pangkalahatang tema o kaisipan na ipinapahayag
ng tula
. Larawang -diwa (imagery) – salitang pumupukaw sa mga pandama ng mga mam-
babasa.
4. Kagandahan/Kariktan - makakamit ang kagandahan ng tula sa tulong ng mga
sangkap ng tula lalong magpapalutang sa kagandahan ng pagpapahayag.
a. Talinghaga – mga salitang pahiwatig
b. Simbolo – mga salitang may kinatawan maliban sa literal na pakahulugan.
c. Pagsalungat – may diwang nagsasalungatan na lalong nagpapalutang sa lalim
ng tula.

Suriin natin ang isang saknong mula sa tulang “Panahon”.

Naging kahapon ka nga „yaw nang magbalik,


At ikaw ngayon ay madaling mawaglit;
Walang anu-ano‟y bukas kang papalit
Sa kasalukuyang agad ding aalis.

3
Ang bawat taludturan ay binubuo ng 12 pantig. Tinatawag itong saknong na may
lalabindalawahing pantig. May saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkas sa kalagitnaan ng
bawat taludturan, pagkatapos ng ikaanim na pantig. Tinatawag itong sesura. Ang
sesura ay 6/6 sa lalabindalawahing pantig katulad ng saknong sa taas. Kailangan ang
sesura upang maramdaman ang aliw-iw, at indayog ng tula habang binabasa.
Samantala, ang tugmaan sa tula ay sa unang pangkat ng tugmaan sa katinig- (B,
D, K, G, P, S, T) (magbalik, mawaglit, papalit, aalis)
Ang tema ng saknong ay tungkol sa panahon na lumipas. “May pagtawag,
kahapon kang ayaw…”. May larawang diwa – ang mabilis na pagdaan ng panahon.
Simbolo ito ng mga alaala at mga pangyayari saa buhay na matuling dumaan.

Ngayong nabatid mo ang tungkol sa iba‟t ibang pakahulugan tula at mga sangkap ng
tula, handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong
natutunan. Masasagot mo iyan!

Aralin 1 Pagsasanay
Gawain 1
A. Ipaliwanag: Ang pagtula‟y panggagagad at ito‟y lubhang kahawig ng sining
ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal. (7 puntos)
B. Ano ang ibig sabihin ng sesura? (3 puntos)

Ilang Uri ng Tula


ARALIN 2

ARALIN 2
Ilang Uri ng Tula
1. Karaniwang anyo – Tulang may sinusunod na sukat at tugma. Karaniwang iisang
sukat at iisang tugmaan ang sinusunod sa buong tula.
PUSO
Raquel R. Alaman

Apat na titik na makapangyarihan


Kahit matalino ay nagiging mangmang
Na umiibig sa isang lapastangan.

Apat na titik na lubhang kailangan


„Pang mga tao‟y lubos na magmahalan
Nang maging payapa itong sanlibutan.

4
Apat na titik bahagi ng katawan
Minsa‟y ginagapi ang ating isipan
Tao‟y napupunta sa kapahamakan.

Ang tulang ito ay may sukat na12 pantig bawat linya o taludtod. May tugmaan sa
katinig na nasa pangalawang pangkat.

PAG-IBIG
CJCV

Kung maibabalik lang


Ang panahong nasayang
Nais sa „yo sabihin
Na ika‟y mahal pa rin

Sa tuwing magkatagpo
Ba‟t ika‟y lumalayo
Kaya nga naisip ko
Pag-ibig na‟y naglaho

Kahit anong nangyari


Sa akin „yay di bale
Ang mahalaga sinta
Masaya ka tuwina.

Ang tulang ito ay may sukat na 7 pantig sa bawat linya o taludtod. Ang
unang saknong ay may tugmaan sa katinig na nasa pangalawang pangkat.
Samantalang ang ika-2 at ika-3 saknong ay may tugmaan sa patinig.

2. Malayang Taludturan – tulang malaya sa sukat at tugma lamang. Hindi na binibilang


ang pantig sa bawat linya at hindi na kailangang may tugmaan subalit taglay pa rin nito
ang ibang sangkap ng tula.

Ako ang Daigdig


Alejandro G. Abadilla

I III
Ako ako
ang daigdig ang damdaming
malaya

ako
ang tula ako
ang larawang
ako buhay
ang daigdig
ang tula ako
5
ang buhay
ako na walang hanggan
ang daigdig
ng tula ako
ang tula ang damdamin
ng daigdig ang larawan
ang buhay
ako
ang walang maliw na ako damdamin
ang walang kamatayang ako larawan
ang tula ng daigdig buhay
tula
II ako
ako
ang daigdig ng tula IV
ako
ako ang daigdig
ang tula ng daigdig sa tula

ako ako
ang malayang ako ang daigdig
matapat sa sarili ng tula
sa aking daigdig
ng tula ako
ang daigdig
ako
ang tula ako
sa daigdig ang tula

ako daigdig
ang daigdig tula
ng tula
ako
ako

Si Alejandro G. Abadilla at ang kaniyang tulang “Ako ang Daigdig”

Ang “Ako ang Daigdig” ay sinulat ng makata noong 1955.Umani ito ng maraming
magkakaibang opinyon mula sa kapwa makata dahil hindi ito sumunod sa katangian ng

karaniwang tula na may sukat at tugma. Dahil dito ay kinilala siya (sa pagtawag sa
kaniya ni Pedro Ricarte) na Ama ng Makabagong Panulaang Pilipino (Father of Modern
Philippine Poetry).

3. Haiku – tulang maikli ngunit nagtataglay ng masaklaw at matalinhagang kahulugan.


Nagmula ito sa mga Hapones at karaniwang ang paksa ay kalikasan. Binubuo ito ng 17
6
pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Karaniwan ay may istrukturang 5-7-5 pantig ang
taludturan. Bukod sa natatanging istruktura, ang haiku ay kailangang nagtataglay din ng
iba pang katangian tulad ng imahe at kaisahan ng salungatan upang matawag itong
tulang haiku.

Halimbawa:
Pag-ibig
Ligaya‟t dusa
Sa isang umiibig
Maniwala ka.
Raquel R. Alaman

Mangmang Buhay
Sa mata‟y dilim Ang ating buhay
at hindi po liwanag masaya at malungkot
ang tumatabing. Hanggang matapos.

4. Tanaga – maikling tulang binubuo ng apat na linya at bawat taludtod ay may sukat
na pipituhing pantig. Karaniwan itong nagtataglay ng gintong aral.

Halimbawa:
Palay
Palay siyang matino
Nang humangi‟y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.

Kapatid Luha
Tulisan kahit saan Likidong walang kulay
Magnanakaw saan man May tuwa at may lumbay
Kasama‟t kasamahan Mayro‟ng mensaheng taglay
Ng mamamayang banal Sa madla‟y may salaysay.
_Jose Villa Panganiban _Raquel R. Alaman

Ngayong nabatid mo na ang ilan sa mga uri ng tula, handa ka na bang gawin ang
susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutunan. Magagawa mo iyan!

ARALIN 2 PAGSASANAY
Gawain 2

Gumawa ng tulang Haiku at Tanaga. Isaalang-alang ang katangiang taglay ng


bawat tula. (10 puntos bawat tula)

7
ARALIN 3 Pagsulat ng Tula

ARALIN 3 Paano nga ba Magsulat o Gumawa ng Magandang Tula?

Ang pagsulat ng tula ay isang bagay na kung titingnan ay mahirap gawin. Ngunit,
sa kaunting pagsasanay lamang ay magiging natural na ito sa inyo.
Tandaan ninyo, kahit sino ay puwedeng sumulat ng tula. Hindi importante ang
edad sa pagsusulat, ang importante lamang ay pagpapahiwatig ng inyong karanasan at
damdamin. Pagkatapos, maaari mo nang pag-aralan ang iba‟t ibang uri ng tula tulad ng
haiku at tanaga.
Siguraduhing Alam mo ang sinusulat mo. Hindi magiging kapani-paniwala ang
iyong tula kung hindi mo ito lubos na alam. Kung ang sulat mo ay tungkol sa korupsyon
sa gobyerno, dapat alam mo talaga kung anong nangyayari. Ganoon din pagdating sa
pag-ibig. Kung ikaw ay nasaktan na, gamitin mo ang karanasan na iyon para
maipahiwatig kung ano talaga ang naramdaman mo sa pagkakataong iyon.

Mga Tips Kung Paano Sumulat ng Tula:

Humanap ng Inspirasyon – Ito ang pinakaimportante sa lahat. Kung wala ito, hindi
magiging kapani-paniwala ang iyong mga isinusulat.

Magbasa ng Tula ng Iba – Hindi ka magiging mahusay na manunulat kung hindi ka


natututo sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring makakakita ka ng ibang paraan
ng pag sulat na puwede mong kunan ng inspirasyon.

Gumamit ng metapora o simile kahit simple lamang ito – Ang paggamit


ng simile at metapora ay isang paraan ng paglalarawan sa mga pangyayari, tao, o
bagay. Maaari ring gamitin ang personipikasyon sa mga tula.

Halimbawa:

O sinta ko, kahit ang liwanag ng buwan,


Ay hindi maka pantay sa iyong kagandahan.
Ang mga bituin naman ay lubos sa kainggitan,
Ikaw ay nasa puso, magpakailanman.

Ngayong nabatid mo na ang mga tips sa pagsulat ng tula, handa ka na bang gawin ang
susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutunan. Magagawa mo iyan!

8
ARALIN 3 PAGSASANAY

Gawain 3
Sumulat ng isang saknong ng tula na binubuo ng apat na taludtod/linya at bawat
taludtod/linya ay binubuo ng 12 pantig. Maaaring may tugmaan sa patinig o katinig.

BUOD

Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang diwang kariktang


makikita sa silong ng alinmang langit. Ito ay may ritmo, sukat at tugma (kung
kumbensyunal); may emosyon o damdaming masidhi at malalim sa karaniwang
pahayag; may higit sa karaniwang dami ng mga tayutay at di-gaanong mahigpit sa
pagsunod sa gramatikong pagsusunod-sunod ng mga salita.
Ang mga sangkap ng tula ay sukat, tugma, makabuluhang diwa at kagandahan o
kariktan. Ang ilang uri ng tula ay karaniwang anyo, malayang taludturan, haiku at tanaga.
Sa pagsulat ng tula ay humanap ng inspirasyon, magbasa ng tula ng iba at gumamit
ng metapora o simile.

Mga Mungkahing Babasahin

Arrogante, J. A. 2008. RETORIKA (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong


City: National Bookstore.
Cantre, M. C. 2013. Ang Masining na Pagpapahayag (RETORIKA). Quezon City:
Lorimar Publishing Inc.
Cruz, C. J. 2003. Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo. Manila: Rex
Bookstore.

Sanggunian:
Bendalan, Nilda, 2018. RETORIKA. Quezon City: Wiseman‟s Book Trading Inc.
Casanova, Arthur P. at Ligaya Tiamson Rubin. 2001. Retorikang Pangkolehiyo.
Quezon City: Rex Bookstore Inc.
Deogracia DC Santos et.al. 2015. Masining na Pagpapahayag. Manila:Mindshaper
Co. Inc.
Komisyon sa Wikang Filipino. 2005. English-Tagalog Dictionary. Commission on the
Filipino Language. San Mateo, Rizal: ERH printing.
Victoria Vasil. 2015. Masining na Pagpapahayag. Ateneo De Naga University
Villafuerte Pat V. at Bernales Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya
at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.
https://philnews.ph/2020/02/20/paano-gumawa-ng-tula-paraan-ng-pagsulat-ng-
magandang-tula/

9
PANGWAKAS NA PAGTAYAYA

Sumulat ng karaniwang anyo ng tula. Ito ay bubuuin ng dalawang saknong, ang


bawat saknong ay bubuuin ng apat na linya o taludtod. Ang paksa ng tula ay tungkol sa
pag-ibig. Lapatan ng magandang pamagat. (20 puntos)

10
10

You might also like