You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


elemento ng tula.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng sariling tula na taglay


ang mga mahahalagang elemento o sangkap ng tula.

C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F10PT-IIc-d-70 B. Nakikilala ang mga salitang magkakaugnay o magkakasingkahulugan
F10PB-IIc-d-72 B. Nasusuri ang mga elemento ng tula

D. BILANG NG SESYON: 2 Sesyon/ 4 na Araw sa Loob ng Isang Linggo

I. LAYUNIN:
Sa araling ito, 86 na porsyento ng aking mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nalalaman ang iba’t-ibang elemento ng tula.
2. Naibabahagi ang sariling damdamin sa pagtutol sa digmaan.
3. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay.

II. PAKSA: Ang Tula at Mga Elemento Nito


II. PAMAMARAAN:

Gawaing Pangguro Gawaing Pangmag-aaral


Kolaboratib na Pagkatuto (7E’s Approach)

A. Panimula

a.1. Panalangin  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng


 _______, pangunahan mo ang ating Espiritu Santo… Amen.
panimulang panalangin.
a.2. Pagbati  Magandang umaga po Bb.
 Magandang umaga sa inyong lahat! Coronado!
a.3. Pagtala sa mga Lumiban
 May lumiban ba sa ating klase  Wala po maam.
ngayon?
 Mabuti naman.
a.4. Pagbibigay alituntunin sa silid-aralan
Kinakailangang:
 Opo maam.
 Naka-off ang inyong mikropono
habang ako’y nagtatalakay
 Kung mayroon kayong katanungan
itaas lamang ang inyong kamay
 Kapag tinawag ko kayo pakibukas
lamang ng inyong kamara
 Naintindihan ba?
a.5 Energizer  (Isa-isang magbabahagi ang mga
 Sa loob ng 10 segundo, kumuha kayo mag-aaral.)
ng kahit anong bagay na sumisimbolo
sa nararamdaman ninyo sa araw na
ito at ibahagi ito sa ating klase kung
bakit ito ang napili ninyo. (Isa, dalawa,
tatlo…sampu.)
 Francis: Ang dula po ay isang
B. Pagbabalik-aral sining na nagpapaabot sa mga
 Kahapon ay tinalakay natin ang uri ng manonood o mambabasa ng
dulang pantanghalan. Ano nga muli damdamin at kaisipang nais
ang dula? nitong iparating gamit ang
masining na pagsasatao ng mga
karakter ng dulang pantanghalan.

 Lisa: Komedya, Trahedya,


Melodrama, Tragikomedya,
 Tama. Ang dula ay maaari ring mauri
Saynete, Parse, Parodiya at
ayon sa paksa o nilalaman.
Proberbyo po maam.
Nagkakaroon din ito ng iba’t ibang
anyo batay sa damdaming nais
palitawin ng may-akda nito. Anu-ano
ang mga uri ng dula?
 Mark: Simula, Gitna at Katapusan
 Magaling!
po maam.
 Tulad na lamang ng maikling kwento
at nobela ay nagtataglay rin ng
mahahalagang sangkap o elemento
ang dulang pantanghalan, ano ang  Mia: Yugto po maam. Ito ang
mga mahahalagang elementong ito? malalaking hati ng dula.
 Tama. Ito naman ay tinatawag na
kabanata kumbaga sa nobela.  (Iba-iba ang sagot ng mga mag-
 Tama. aaral)
 Sa binasa ninyong dula na
pinamagatang “Macbeth” ano ang
mensahe ng dulang ito?
 Magaling at marami kayong
natutunan sa ating tinalakay kahapon.

 (Magbibigay ang mga mag-aaral


C. Pagganyak
ng kanilang sagot.)
Gawain 1: Form an Acronym
 Bago tayo dumako sa ating bagong
pag-aaralan, buuin ang acronym
batay sa pagkakaintindi ninyo sa
salitang ito.
T- E-
U- L-
L- E-
A- M-
E-
N-
T-  Tula at mga elemento po nito
O- maam.

D. Pagtuklas
 Sa palagay ninyo, anong tatalakayin
natin sa araw na ito?  Opo maam.
 Tama.

E. Pagtalakay
 Kilalanin ang mga salitang
magkakaugnay o
magkakasingkahulugan at hanapin
ang salitang HINDI kaugnay o may
naiibang kahulugan. Ibigay lamang
ang inyong sagot sa ating chatbox,
maliwanag?
1. tahanan bahay tirahan silid

2. marangya abâ hamak munti

3. halina pang-akit bighani paglayo


4. nagsumagsag naghirap nagmadali nag-apura
5. puntod libingan tirahan nitso

 Ang tula ay isang akdang


pampanitikang naglalarawan ng
buhay, hinago sa guniguni,
pinararating sa ating damdamin, at
ipinahahayag sa pananalitang may
angking kariktan o aliw-iw. Ito’y
nagtataglay ng mahahalagang
elemento o sangkap upang higit na
maging masining ang paglalahad.
 Tugma – Ang pare-pareho o halos
magkakasintunog na dulumpantig ng
bawat taludtod ng tula. Ang mga
dulumpantig na ito ay maaaring
nagtatapos sa patinig o katinig. Ang
tugma ay may dalawang uri:
a. Tugmang Patinig
b. Tugmang Katinig
 Sukat – Ito’y isa pang mahalagang
elemento ng tula. Ito ang bilang ng
pantig sa bawat taludtod ng saknong.
Ang karaniwang sukat na gamitin ay
ang labindalawa, labing-anim, at
labingwalong pantig.
Halimbawa: Tu – ngo – sa – la – ra – ngan/ ,
1 2 3 4 5 6
a – ko’y – nag – su – mag – sag
7 8 9 10 11 12
 Saknong – Ang pagpapangkat ng mga
taludtod o linya ng tula.
Nakapagdaragdag ito sa ganda at
balance ng tula bukod pa sa
nakapagbibigay rin ng pagkakataon
para sa makata na magbago ng tono o
paksa sa kanilang tula. iba’t iba ang
bilang ng taludtod sa isang saknong
tulad ng mga nasa ibaba:
2 taludtod sa isang saknong o couplet
3 taludtod sa isang saknong o tercet
4 taludtod sa isang saknong o quatrain
5 taludtod sa isang saknong o quintet
6 taludtod sa isang saknong o sestet
7 taludtod sa isang saknong o septet
8 taludtod sa isang saknong o octave
 Larawang-Diwa (Imagery) – Ito ay
mga salitang binabanggit sa tulang
nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
laarwan sa isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Naglambong sa usok, bangis ay umamba.
 Simbolismo (Symbolism) – Ito ang
mga simbolo o mga bagay na ginamit
sa tulang may kinakatawang mensahe
o kahulugan at nagpapalalim sa diwa
o esensiyang taglay ng tula.
Halimbawa: bituin – pangarap
ilaw – pag-asa
 Kariktan – Ayon kay Julian Cruz
Balmaceda, maaaring bigkasin ang
isang hanay-hanay ng mga talatang
tugma-tugma ang mga dulo at sukat-
sukat ang mga bilang ng pantig ngunit
di pa rin matatawag na tula kung
hindi nagtataglay ng kariktan.
 Natapos na nating talakayin ang mga
mahahalagang sangkap o elemento
ng tula. Ngayon, ating tuklasin ang
tanyag na tula ni Nathaniel
Hawthorne na pinamagatang “Ang
Aking Abâ at Hamak na Tahanan”.
(Babasahin ang tula)  Dave: Tugmang Katinig po.

F. Pagpapailalim  Lisa: Labindalawa po.


Oral Recitation
 Ngayong nakilala niyo na ang iba’t  Mia: 4 na taludtod po o quatrain.
ibang elemento ng tula, natuklas na
rin natin ang tulang, “Ang Aking Aba  Francis:
at Hamak na Tahanan” ni Nathaniel Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Hawthorne. Sagutin ang mga tanong Naglambong sa usok, bangis ay
kaugnay nito. umamba.
1. Anong uri ng tugma ang ginamit sa tula?  Mark: Bituin – pag-asa po maam.

2. Ano naman ang sukat nito?  Dave: Opo. Dahil ginamitan po ito
ng tayutay na napapaganda at
3. Ilang taludtod mayroon sa isang saknong? nabibigyang-halina ang mga
salita.
4. Anu-anong mga larawang-diwa ang taglay
ng tula?

 Mia: Tugma, Sukat, Saknong,


5. Anu-anong mga simbolismo ang ginamit sa Larawang-Diwa, Simbolismo, at
tula? Kariktan po maam.
6. May taglay bang kariktan ang binasang
tula?  Dave: Dalawa po maam, tugmang
patinig at tugmang katinig.

 Napakahusay ninyo!  Francis: Labindalawa, labing-


anim, at labingwalong pantig po
G. Paglilipat maam.
 Kung nakinig kayo sa ating tinalakay
ngayon, anu-ano nga ulit ang mga
elemento ng tula?
 Tama.  (Iba-iba ang sagot ng mga mag-
 Ang tugma ay mayroong ilang uri? aaral.)

 Tama ulit.

 Anong karaniwang sukat na ginagamit


sa tula?
 Napakagaling ninyo!

H. Pagpapahalaga  Opo maam.


 Ang binasa ninyong tula na
pinamagatang “Ang Aking Aba at
Hamak na Tahanan” ay
napapatungkol sa digmaan, para sa
inyo, bakit mahalagang iwasan ang
digmaan? Anu-ano ang mga
idinudulot ng digmaan?
 Magaling.

I. Pagtataya
Ngayon ay handang-handa na kayong
sumulat ng iyong sariling tula. Gamitin ninyo
ang mga natutuhan sa mga elemento ng tula
tulad ng tugma, sukat, saknong, larawang-
diwa, simbolismo, at kariktan. Pumili ng
alinmang mga paksang napapanahon.
1. Pagpigil sa Korupsiyon sa Ating Bayan
2. Pandemya, Kailan Matatapos?
3. Pangangalaga sa Ating Kalikasan
4. Edukasyon o Paghahanap-buhay
5. Eleksiyon 2022

J. Takdang-Aralin
I-video ang nagawang tula na parang nasa
harap ka ng madla. Kinakailangang nakabihis
ng pormal. Magsanay at basahin ang mga
pamantayang makikita sa loob ng kahon.

K. Prepared by: France Loise P. Coronado


Checked by: Mrs. Vanniza Encabo

Pagtatay
Laang Sariling
a ng Pagtatay
Mga Pamantayan Punto Pagtatay
Kamag- a ng Guro
s a
aral
Malinaw na nabigkas
at nalapatan ng
5
wastong damdamin
ang tula
Naiangkop ang lakas
at hina ng tinig sa
5
damdamin at diwa
ng tula
Naiangkop ang
bawat kilos at
ekspresyon ng
mukha sat ula,
5
kumpas ng kamay,
galaw ng mata at
labi, at kilos sa
entablado
Naging kawili-wili at
nakahihikayat sa
5
manonood ang
ginawang pagbigkas
Kabuuang Puntos 20
5 – Napakahusay 3 – Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay
4 – Mahusay 2 – Di gaanong kahusay

You might also like