You are on page 1of 5

Paaralan Nagsaulay Integrated Baitang 9

National High School


Guro Lyza Rossel N. Mendoza Asignatura Filipino
Petsa Marso 8, 2023 Markahan Ikatlo
Oras 9:45-10:45 Einstein Bilang ng 1
10:45-11:45 Newton Araw
1:15- 2:15 Franklin
Pang-Araw Araw na MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
Tala sa Pagtuturo
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
Pangnilalaman pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng


Pagganap kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano.

C. Mga Kasanayan sa WIKA AT GRAMATIKA (WG) F9WG-IIIb-c-53


Pagkatuto Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi
ng damdamin.

Mga layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Nakahihinuha ng kaisipan tungkol sa mga salitang
may kaugnayan sa paksa.
b. Naiaangkop ang tamang emosyon o damdamin sa mga
binasang pahayag.
c.Nakabubuo ng maikling replekyson sa kahalagahan
pagpapasidhi ng damdamin sa masining na pagpapahayag.
II. NILALAMAN Aralin 3.3
a. Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya– Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
b. Gramatika/Retorika: Pagpapasidhi ng Damdamin
Paggamit ng mga Salitang Sinonimo
c. Uri ng Teksto: Naglalarawan
d. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Modyul ng Guro: Panitikang Asyano
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Modyul pahina blg: 204-213
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource.
B. Iba pang Kagamitang
Sipi ng akda, slide deck presentation, LED TV
Panturo
e. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Panimulang Gawain
nakaraang aralin o -Pagbati
pagsisimula ng bagong -Panalangin
aralin -Pagsasaayos ng silid aralan
-Pagtala ng liban
-Pagwawasto ng takdang aralin
-Pagbabalik aral

#WIKARAMBULAN
Sa larong ito, kailangang masabi ang tamang sagot na
katunog ng mga salitang babasahin. Paulit-ulit itong basahin
sa isipan upang makuha ang sagot na katunog nito.
1. DAM DUMB INN
2. TOO LUNG WEARY COO
3. PUG BOO BOO LIE BOO LIE
4. SEE NO KNEE MOO
5. SEED HE

Susi sa pagwawasto:
1. Damdamin
2. Tulang Liriko
3. Pagbubulay-bulay
4. Sinonimo
5. Sidhi

B. Paghahabi sa layunin Gabay na Tanong:


ng aralin 1.Alin sa mga salita ang pamilyar na sayo at anong kaisipan
mo tungkol dito?
2.Ano namang salita ang bago lamang sa iyong paningin o
ngangayon mo lang nabasa?
3.Sa iyong palagay,ano ang kaugnayan nito sa ating paksang
tatalakayin?

C. Pag-uugnay ng mga #Emo-Shown


halimbawa sa bagong May mga larawan kayong makikita at mababasang mga linya
aralin mula sa mga sikat na actress at actor na kanilang naging
palabas. Kinakailangang bigkasin at lapatan ng tamang
emosyon o damdamin.
Pamprosesong tanong:
1. Bakit mahalaga na alam natin kung paano lapatan ng
tamang emosyon ang mga binibigkas nating mga
salita?
2. Batay sa ating una at ikalawang gawain anong paksa
ang ating tatalakayin?

D. Pagtatalakay sa TALAKAYIN NATIN


bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #1

Amado V.Hernandez-hinirang na Pambansang Alagad ng


sining sa panitikan.Mas kilala siya bilang Ka Amado at
kinilala siya sa dahil sa mga akdang makabayan at
nakikisangkot sa mga problemang panlipunan.
Kayat pakinggan at unawain ang mapapanood na tula.

A. PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA

Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan


ni Amado V. Hernadez

https://youtu.be/YnF-Az792_s

E. Pagtatalakay sa Gabay na Tanong:


bagong konsepto at 1. Sino ang tinutukoy sa akda na lumuha?
paglalahad ng bagong 2. Ano ang mga damdaming naghahari sa tula?
kasanayan #2 3. Bakit gayon na lamang ang pagdadalamhati ng may-
akda para sa bayan?
4. Bilang kabataan, paano mo mapapawi ang hinagpis at
dusa na naghahari sa ating lipunan?
5. Ibigay ang mga mahahalagang aral na nais iparating ng
tula.
B. GRAMATIKA
Alam mo ba na…
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng
pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas
ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba
ng mga salitang may ugnayang sinonimo.

Halimbawa:

4. poot 4. pagmamahal 4. ganid

3. galit 3. pagliyag 3. gahaman

2. asar 2. pagsinta 2. sakim

1. inis 1. paghanga 1. damot

F. Paglinang sa #Kasama Mo Ako sa Pagpili


Kabihasnan Bawat pangkat ay kokopyahin ang talahanayan . Lagyan ng
bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod na mga salita batay sa
sidhi ng kahulugan nito.Ang 3 para sa pinakamasidhi, 2 para
sa masidhi, 1 sa di-masidhi. Mayroon lamang dalawang (2)
minuto tatlumpung segundo para ito ay gawin at isang (1)
minuto para sa pagwawasto.

_pagkamuhi _nasisiyahan _pangamba _suklam


_pagkasuklam _natutuwa _kaba _yamot
_pagkagalit _masaya _takot _inis

G. Paglalapat ng Aralin Gabay na tanong:


sa pang-araw-araw na Paano nakatulong ang pagpapasidhi ng damdamin sa
buhay masining na pagpapahayag ng emosyon?

H. Paglalahat ng Aralin MAG ISIP-ISIP!


Mag-isip ng isang pangyayari sa iyong buhay na nagparanas
sa iyo ng matinding damdamin at ilahad ang mga bagay na
iyong ginawa upang mawala ang tindi ng emosyon.

I. Pagtataya ng Aralin Ebalwasyon


Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na salita mula sa
masidhi hanggang pinakamaisdhi.

1. Iyak, Hagulhol, hikbi


2. Poot, Inis, Galit
3. Sakim, Damot, Gahaman
4. Sigaw, Bulong, Hiyaw
5. Pagligaya, Paghanga, Pagsinta

Susi sa pagwawasto:

1. Hikbi, Iyak, Hagulgol


2. Inis, Galit, Poot
3. Damot, Sakim, Gahaman
4. Bulong, Sigaw, Hiyaw
5. Paghanga, Pagsinta, Pagligaya
J. Karagdagang Gawain Maghanda ng isang bible verse para sa sunod na araw.
para sa takdang aralin
at remediation
f. MGA TALA ____Natapos ang aralin/Gawain at maaari nang magpatuloy
sa mga susunod na aralin.
____Hindi natapos ang aralin/gawain dahil sa kakulangan sa
oras.
____Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasyon ng mga
napapanahong mga pangyayari
____Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming ideya ang
gusting ibahagi ng mga mag-aaral patungkol sa paksang
pinag-aaralan.
____Hindi natapos amg aralin dahil sa
pagkaantala/pagsuspindi sa mga klase dulot ng mga gawaing
pang-eskwela/mga sakuna/pagliban ng gurong nagtuturo.

Iba pang mga Tala:

g. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
Bilang ng mag-aaral na nangangailangang ng iba pang gawain para sa
remediation.
Nakatulong baa ng remedial? Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
A. Alin sa mga ____Sama-samang pagkatuto _____Think-Pair-
estratehiya ng Share
pagtuturo ang ____Maliit na pangkatang talakayan _____Malayang
nakatulong ng lubos? talakayan
Paano ito ____Inquiry-based learning _____Replektibong
nakatulong? Pagkatuto
____Paggawa ng poster _____Pagpapakita
ng Video
____Powerpoint Presentation _____Problem-based
learning
____Integrative learning (Integrating current issues)
____Pagrereport/ gallery walk
____Peer Learning _____Games
____Realias/Models _____KWL
Technique
____Quiz Bee
B. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro at
superbisor?
C. Anong kagamitang
panturo ang aking
naidibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

Lyza Rossel N. Mendoza


Guro sa Filipino Binigyang pansin:

Marvelin L. Mendoza
Punongguro I

You might also like