You are on page 1of 67

Filipino 9 – Aralin 6

Inihanda ni:
Bb. Nympha M. Dumdum, LPT

SINO ANG NAGKALOOB?


Maikling kuwentong Pakistan Isinalin sa
Filipino ni Rogelio G. Mangahas
“Ang Diyos ay hindi
nagsasawang magkaloob
ng biyaya. Huwag lang
tayong makalimot
magpasalamat at
manampalataya.”
Mahahalagang
Tanong:

Ano ang kahalagahan ng pagiging


mapagpakumbaba?
Bakit kailangang gumamit ng panandang
pandiskurso pasalita man o pasulat?
Simulan Natin:
 Kanino ba nanggagaling ang mga
biyayang tinatamasa mo?
 Nagpapasalamat ka ba para sa mga ito?
 Ang sabi ng nakararami, huwag daw
tayong magsawang magpasalamat kahit
na sa maliliit na biyayang natatanggap
natin.
Simulan Natin:
 Sa listahan sa ibaba ay isulat mo ang
mga biyayang natatanggap at
tinatanggap mo. Basahin mo ang listahan
at sabihin mo na ikaw ay mapalad dahil
walang kapantay ang biyayang
ipinagkakaloob sa iyo ng Diyos.
Mga biyayang natatanggap ko na
aking ipinagpapasalamat
ALAM MO BA?
Hindi naging madali para sa Islamic Republic of
Pakistan na makamtan ang kasarinlan, ngunit lumaya
rin ito noong ika-14 ng Agosto, 1947, matapos mahati
sa dalawa ang British Indian Empire – ang India at
Pakistan.
Islamabad ang kabisera ng Pakistan at Urdu
naman ang pambansang wika nila. Pak at Urdu ang
tawag sa kanilang pera.
Kapansin-pansin ang kanilang watawat na
matingkad na luntian ang kulay at may patayong
puting guhit.
Makikita mo rin dito ang disenyo ng crescent at
talang may limang sulok. Ipinahihiwatig ng dibuho
ng kanilang watawat ang kanilang matibay na
pananalig sa Islam. Sa kasalukuyan 95% ng kanilang
populasyon ang Muslim at 5% lamang ang nabibilang
sa iba’t ibang relihiyon.
Sa araling ito babasahin mo ang isang kuwento
mula sa Pakistan at makikita mo ang matinding
pananalig ng isang anak sa Diyos na siyang
nagkaloob ng lahat.
Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng
isang salita.
Pag-aralan ang salitang may salungguhit. Ibigay
ang kasalungat at kasingkahulugan nito.
Kasalungat Kasingkahulugan
1 ang haring mayabang
2 busilak na kalooban
3 nagkakaloob ng pagkain
4 malamyos na tinig
5 kaakit-akit na kuwintas
Kasalungat Kasingkahulugan
6 umugnay ang ulo sa
katawan
7 lulurayin ng genie
8 nagmaang-maangan
ang pulang diwata
9 pagsambulat ng usok
10 napagtanto ang
pagkakamali
Pagbasa sa Kuwento:
SINO ANG
NAGKALOOB?
KAHULUGAN NG PAMAGAT
 Ang kuwentong “Sino Ang Nagkaloob?” ay nanggaling sa
bansang Pakistan.
 Ang 95% ng bansang ito ay Muslim.
 Kapansin-pansin ang kanilang matatag na paniniwala kay
Allah at sa kanilang propeta na si Mohammad, kaya naman
ang kanilang pambansang watawat ay may matingkad na
luntian dahil ito ang sinasabing paboritong kulay ng propeta
at ang kanyang anak na si Fatima.
 Ang Diyos sa kuwentong ito ay si Allah na siyang nagkaloob
ng lahat.
KAHULUGAN NG PAMAGAT
Nanggaling ang pamagat sa palaging tinatanong
ng hari sa kanyang mga dalaga na sinasagot ng
lahat bukod sa bunsong anak .
Isa itong magandang pamagat dahil ito ang
dahilan ng tunggalian ng maikling kuwento na
siyang sanhi rin upang maayos ang kanilang
problema.
MGA TAUHAN:
 Mayabang na Hari- may pitong anak na
dalaga, kahit na mayabang ay lubos niyang
minamahal ang mga anak.
 Bunsong Prinsesa- pinaboran nang higit
sa lahat ng mga anak ng hari, siya ang
pinakamasarap magluto sa buong
kaharian, siya rin ang pinakamaganda.
MGA TAUHAN:
 Pastol- binatang tumutugtog ng plawta
na gumising sa prinsesa na naging
katulong ng maharlika.
 Lai Pari o Pulang Diwata- anak ng
Hari ng mga Diwata na pinuputulan ng
ulo na naglalabas ng rubi tuwing
umaga.
MGA TAUHAN:

 Genie- ibig maging asawa ang Pulang


Diwata, ang mangangaso na iniiwan
ang kaluluwa sa isang loro.
MGA TANONG:
Sagutin ang mga tanong:

1. Paano mo ilalarawan ang mga


anak na dalaga ng mayabang na
hari?
2.Sa iyong palagay mahal na
mahal ba talaga niya ang kanyang
anak? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3.Ano ang palaging nais marinig
ng hari?
4.Sa tingin mo, bakit ito ang
gustong marinig ng hari?
5.Ano ang kaniyang
nararamdaman kapag hindi niya
naririnig ang mga pahayag na
nagpapasaya sa kanya?

6.Ano ang ginawa ng ama nang


magalit siya sa ikapitong prinsesa?
7.Anong klaseng mentalidad
mayroon ang hari sa kuwento?

8.Kung ikaw ang prinsesa,


magagawa mo rin ba ang
ginawa niya?
Panuto: Hanapin sa hanay B ang salitang
tinutukoy ng sumusunod na etimolohiya sa
hanay A. Isulat ang titik lamang.
a. turban
b. genie
c. dalaga
d. plawta
e. hawla
1. Mula sa salitang Sanskritong ang ibig
sabihin ay “Darika”o babaeng wala pang
asawa ngunit nasa hustong gulang na.
2. Mula sa salitang Pranses na “Flaute” at
ingles na “Flute” na ang ibig sabihin ay
isang instrumentong pangmusika.
3.Mula sa salitang Espanyol na “ Jaula”
na ang ibig sabihin ay kulungan.

4. Mula sa salitang Arabic na “ Jinn” kung


isahan,pagpapatungkol sa isang
piksyonal na karakter na sumusunod sa
kagustuhan ng taong nag-uutos sa
kanya.
5. Ito ang tawag sa ginagamit ng mga
lalaking Muslim na pantakip sa kanilang
ulo.Nagmula sa mga Pranses na ang
tawag ay “Turbant” at sa Italyano na ang
tawag ay “turbine”, sa Turko ay “Turbent”,
at sa Persyano ay “Dullband”.
PAGSULAT NG JOURNAL
Sa iyong palagay, nagkataon
lang ba ang lahat ng nangyari sa
prinsesa o nakatulong nga ba sa
kanya ang matibay niyang
pananampalataya sa Diyos?
Ipaliwanag.

You might also like