You are on page 1of 6

Linggo 1 Parabula

Pangalan: ________________________________________ Pangkat: ____________________

KOMPETENSI:
1. Napapatunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F9PB-IIIa-50)
2. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matalinghagang pahayag.
(F9WG-IIIa-53)

PAG-ARALAN:

Ang parabula ay isang akdang hinango mula sa bibliya na kapupulutan ng


aral na maaaring magsilbing gabay at ginagamitan ng matatalinghagang pahayag
na lumilinang sa mabuting asal at marangal na pamumuhay ng mga tao.

Halimbawa:

Ang Parabula ng Banga

“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang


tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”
“Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak
na banga na may pagtataka.
“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na
makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.”
Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang
isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng
ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, ang isang
makintab na bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga.Tinanggap
niya na sila ay magkakaiba.
Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring
makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang materyal at
iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate at may
dilaw. Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-
pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.
Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa
kaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa
kanya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay.
Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng
magagandang disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palamuting
gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-
galang sa kaniyang tindig.
“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng
banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Liberty National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: josephinegeorgette.degorio@deped.gov.ph
sumunod siya sa porselanang banga at sinabing,” Oo, maliligo ako sa lawa kasama
mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.
. ‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa.
Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig.
Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon
Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang
banga ay tinangay papalapit sa kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang
nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng
lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.
Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari.
Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan
nila.
Habang siya’y nabibitak at unti- unting lumulubog sa ilalalim ng tubig,
naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina.

Metaporikal – ang pagpapakahulugang a kahulugan metaporikal ay nagbibigay-


kahulugan sa salita bukod pa sa literal nito. Ito ay nakabatay kung
paano ginagamit ang salita sa pangungusap.

Halimbawa:
a. bola – bagay na ginagamit sa Basketball (literal)
Pangungusap: dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Dondon.

b. bola – pagbibiro (metaporikal)


Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ang ______________ ay isang akdang hinango sa bibliya na kapupulutan ng aral


na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.
Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na
dapat taglayin ng tao.
A. dula B. pabula C. parabula D. tula

2. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin
ng ______________ sa kanyang anak.
A. Inang Banga B. Inang Bayan C. manonood D. tao

3. Sino ang kinakatawan ng bangang yari sa porselana?


A. anak B. anak mahirap C. anak mayaman D. kuya

4. Ang kinakatawan ng bangang yari sa lupa ay ang ______________.


A. anak B. anak mahirap C. anak mayaman D. tatay
5. Ang kasingkahulugan ng banga ay ______________.
A. baso B. bulak C. sandok D. tapayan

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
6. Ang pagpapakahulugang ______________ ay nagbibigay-kahulugan sa salita
bukod pa sa literal nito. Ito ay nakabatay kung paano ginagamit ang salita sa
pangungusap.
A. apostrape B. metaporikal C. panawagan D. semile

7. Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka magkakatubig sa baga.


A. hayperbole B. literal na kahulugan C. metaporikal D. tayutay

8. Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa tuition fee mo.


A. literal B. metaporikal C. madla D. tayutay

9. Anong katangian ng bangang yari sa lupa?


A. malambot B. matigas C. marupok D. tahimik

10. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “Habang siya’y nabibitak at unti-unting
lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng bangang yari sa lupa ang kanyang
ina”?
A. Wala na akong magagawa.
B. Laging nasa huli ang pagsisisi.
C. Laging nauuna ang pagsisisi.
D. Kalimutan ko nalang ang pangaral ni ina.

GAWAIN 1: Patutunayan Ko!


Panuto: Pumili ng mga pangyayari sa binasang parabula na maaaring magaganap
sa tunay na buhay. Patunayan ang mga ito.

Pangyayari sa binasang pabula na


maaaring mangyayari sa tunay na Patunay
buhay

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
GAWAIN 2: Pahayag Ko, Gamitin Mo!
Panuto: Ibigay ang literal at metaporikal na kahugan ng nasa unang kolum
na mga salita na hango sa binasang akda.

Mga salita Literal na Kahulugan Metaporikal na kahulugan


1. banga

2. Inang Banga

3. Bangang gawa sa
lupa

4. Bangang gawa sa
porselana

GAWAIN 3: Pahayag Mo, Gamitin Mo!


Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sagot na salitang metaporikal
mula sa itaas na nasa huling kolum.

Metaporikal na kahulugan Pangungusap

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
REPLEKSYON:

Natuklasan ko…

1. _________________________________________

3 bagay na
nakita ko
_________________________________________
2. _________________________________________
_________________________________________
3. _________________________________________
_________________________________________
Natutunan ko ang…
interesadong
2 bagay na
natutunan ko 1. _________________________________________
_________________________________________
2. _________________________________________
_________________________________________

Kailangang matuto pa ako…

1 bagay na
nalilito ako 1. _________________________________________

PANAPOS NA PAGTATAYA:

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita upang mabuo ang pangungusap
at isulat ang sagot sa patlang.

metaporikal literal na kahulugan marupok

Laging nasa huli ang pagsisisi anak mayaman

anak mahirap Inang Banga parabula tapayan

1. Ang __________________ ay isang akdang hinango sa bibliya na kapupulutan


na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.
Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal
na dapat taglayin ng tao.
2. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang
tagubilin ng ____________________ sa kanyang anak.
3. Sino ang kinakatawan ng bangang yari sa porselana? __________________
4. Ang kinakatawan ng bangang yari sa lupa ay ang __________________.
5. Ang kasingkahulugan ng banga ay __________________.
Author: Estrellita R. Mangubat
School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
6. Ang pagpapakahulugang __________________ ay nagbibigay-kahulugan sa
Salita bukod pa sa literal nito. Ito ay nakabatay kung paano ginagamit ang
salita sa pangungusap.
7. Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka magkakatubig sa baga.
Anong kahulugan ang nakakapit sa salitang ginamit sa pangungusap?
______________________________
8. Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa tuition fee mo. Ano ang
kahulugan ng salitang maysalungguhit? ______________________________
9. Anong katangian ng bangang yari sa lupa? ______________________________
10. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “Habang siya’y nabibitak at unti-
unting lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng bangang yari sa lupa ang
kanyang ina”? ______________________________

SANGGUNIAN:
Peralta R., et al, Panitikang Asyano 9, Inilimbag ng Department of Education-
Instructional Matrials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Sanchez L., et al. 2018, Baybayin 9, Rex Bookstore, Inc.

SUSI NG PAGWAWASTO
pagsisisi
10. B
10. Laging nasa huli ang
9. C
marupok 9.
8. B metaporikal 8.
7. B Literal na kahulugan 7.
6. B metaporikal 6.

5. D tapayan 5.
anak mahirap 4.
4. B
anak mayaman 3.
3. C
Inang Banga 2.
2. A
parabula 1.
1. C
Paunang Pagtataya Panapos na Pagtataya

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com

You might also like