You are on page 1of 4

MODYUL SA FILIPINO 9

SY: 2022-2023
Gng. LEONILA S. DAVID

ARALIN 4: ALAMAT
 Ang Alamat ng Abuhing Lobo
 Pang-abay na Pamanahon, Panlunan at Pamaraan

Layunin Natin!
1. Napapatunayan ang pagiging makatotohanan/di makatotohanan ng akda
2. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan

DAGDAG KAALAMAN

Ang Republika ng Turkiya (Turko: Türkiye Cumhuriyeti) ay isang bansa na


pangunahing matatagpuan sa Gitnang Silangan at bahagi nito sa timog-silangang
Europa. Hinahanggan ang Turkiya ang Bulgaria at Greece sa kanluran, Georgia,
Armenia,Azerbaijan, at Iran sa silangan, at Iraq at Sirya sa timog hanggang 1922 ang
sentro ng Imperyong Otomano.

Ang pangalan ng Turkiya sa Wikang Turko,Türkiye, ay maaaring hatiin sa


dalawang salita: Türk, na ang ibig sabihin ay “malakas” sa Matandang Turko at
kadalasang nagsasabi sa mga naninirahan sa Turkiya o kasapi ng mga Turko .

ALAMAT

 Isang kwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa mundo. Ang alamat ay isang malikhaing akda na parte ng panitikan ng
Pilipinas. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng alamat ay
narito.
 Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa
mundo.  Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga
tunay na tao, pook o bagay sa mundo.  Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon.  Ang mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng
pagiging masipag, matapat, mapagmahal, at iba pa.
 Ilan sa halimbawa ng mga Alamat sa Pilipinas:

1. Alamat ng Pinya
- nagsasaad ang pinagmulan ng pinya at nagbabahagi ng aral ng pagiging masunurin
at masipag
2. Alamat ng Saging
-nagsasaad ang pinagmulan ng saging at nagbabahagi ng aral ng pagiging
pasensyoso at maunawain.
3. Alamat ng Ampalaya
- nagsasaad ang pinagmulan ng ampalaya at nagbabahagi ng aral ng pagiging
kontento .

? GAWIN NATIN

Tingnan ang larawan. Sagutin ang mga tanong at gawing gabay ang nakikitang
larawan gamit ang iyong imahinasyon.

1. Paano ipinakikita o ipinadarama ng isang ama ang pagmamahal sa kanyang anak?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Bilang isang anak, paano mo nararamdaman ang pagmamahal ng iyong ama?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

BASAHIN NATIN

Basahin at unawain ang alamat.

Ang Alamat ng Abuhing Lobo


ni Gregorio M. Rodillo

Ayon sa alamat, may isang magiting na emperador na matapat na namuno sa imperyo ng mga
Turko. May anak siyang dalawang dalaga na bantog na bantog sa taglay na kagandahan. Para sa kanila,
ang labis na kariktan ng dalawang dalaga ay angkop lamang na mapangasawa ng mga taong nagtataglay
ng hindi pangkaraniwang lakas at kapangyarihan. Hindi sila nababagay na mapangasawa ng karaniwang
tao lamang.

Bilang mapagmahal na ama, gayon na lamang ang pagnanais ng emperador na mailigtas ang mga
anak sa anumang panganib. Dinala niya ang mga ito sa pook na malayo sa mga karaniwang
mamamayan. Nagpatayo siya ng malaki at matibay na tore sa lugar na iyon na walang naininirahang
sinuman. Doon sa tore tumira ang dalawang anak. Araw-araw naman ay taimtim na nanalangin ang
emperador para sa tiyak na kaligtasan ng mga ito.
Ayon pa rin sa alamat, dininig ng kanilang Diyos ang pananalangin ng emperador. Isang umaga,
bumaba ito sa lupa na nasa anyong abuhing lobo. Pinakasalan nito ang isa sa dalawang dalag.
Nagkaroon sila ng siyam na anak, at pinagkalooban ang mga ito ng titulong “Ogur.” Nangangahulugan
ang “Ogur” ng “angkan ng may mabubuting puso.” Ang boses ng mga anak ay kahawig ng sa lobo.

Ang siyam na anak ay nagtataglay rin ng iba pang ugali ng abuhing lobo. Taon-taon ay patuloy
na lumaki ang kanilang populasyon. Patuloy rin namang minana ng mga mamamayan ang kapuri-puring
mga katangian ang abuhing lobo, tulad ng pagiging matapang, malakas, maliksi, at matikas.

Sa kasalukuyan ay popular na popular parin sa bansang Turkey ang alamat na ito tungkol sa
abuhing lobo.

? SAGUTIN NATIN

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang koneksyon ng pamagat sa nilalaman ng alamat?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Ano ang hiwaga na inillahad sa alamat?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Sa inyong palagay, paano naging abuhing lobo ang ama? Ipaliwanag.


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Bilang isang anak, likas ng aba sa mga magulang ang maging mapagmalasakit? Pangatwiran.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang katangian ng abuhing lobo na maikukumpara sa isang ama?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

? GAWIN NATIN

Suriin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang mga salitang tumutukoy sa panahon,
paraan at lugar.

1. Mag-aaral akong tumugtog ng piano sa bakasyon.


2. May mga batang masigla kung kumilos.
3. Umakyat ang malikot na bata sa mataas na puno.
4. Mabilis niyang tinutlungan ang matandang tumatawid sa daan.
5. Tuwing hapon, sa dalampasigan sila namamasyal ng mga kaibigan.

Pang-abay na Pamanahon, Panlunan at Pamamaraan

 Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-


abay.
 Iba`t ibang Uri ng Pang-abay

1. Pang - abay na Pamanahon - Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilo
Mayroon itong tatlong (3) uri:
 may pananda
-ginagamit ang mga salitang: hanggang, mula, umpisa, nang, sa, noong, kapag,
tuwing, buhat.

Halimbawa : Ang mag-anak ay magbabakasyon mula ngayon hanggang Lingo


sa Bikol.

 walang pananda
-ginagamit ang mga salitang: Ngayon, bukas, kahapon, kanina, mamaya, sandal

Halimbawa: Tuwing tag-init ay namamasyal kami sa probinsya.

 nagsasaad ng dalas

2. Pang -abay na Panlunan - Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari.
Halimbawa:
a. Marami ang pumapasyal sa SM lalo na at nalalapit ang kapaskuhan.
b. Sa madilim na kagubatan naninirahan ang ibat-ibang uri ng mababangis na
hayop.

3. Pang - abay na Pamaraan - Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o


magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa nito ay ang ng at na.
Halimbawa:
a. Sa makalawa ay maisasakatuparan ko ng mahusay ang aking mga plano.
b. Kumain ako ng mabilis para makanood agad sa telebisyon.

? GAWIN NATIN

Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang mga salita ayon sa isinasaad na uri ng pang-abay.

1. ( tuwing hapon-pamanahon)
2. (malakas – pamaraan)
3. (sa kabukiran – panlunan)
4. ( araw-araw – pamanahon)
5. (matapat-pamaraan)

You might also like