You are on page 1of 22

Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 3:


NOLI ME TANGERE
Mga Tauhan sa Nobela
Filipino– Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 3: Noli Me Tangere: Mga Tauhan sa Nobela; Pang-uri;
Monologo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales.Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Gemma C. Clemente
Tagasuri : Aida F. Tabañag
Tagawasto : Aida F. Tabañag
Tagaguhit : Jiemond D. Catam-isan
Tagalapat : Radino Bryan C. Sardido

Tagapamahala
Schools Division Superintendent:
Marilyn S. Andales
Assistant School Division Superintendents:
Anelito A. Bongcawil
Fay C. Luarez
Lorenzo M. Dizon
Chief, CID : Mary Ann P. Flores
EPSVR, LRMDS : Isaiash T. Wagas
EPSVR, Filipino : Araceli A. Cabahug

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Division of Cebu Province
Tanggapan: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu CityTelefax :( 032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

Grade 9 Filipino ii
9
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
NOLI ME TANGERE
Mga Tauhan sa Nobela

iii
Grade 9 Filipino
Alamin

Ang Modyul 3 sa Ikaapat na Markahan ay tungkol sa Mga Tauhan sa Nobela,


Monologo at Mga Uri ng Pang-uri ng Noli Me Tangere na ginawa at isinulat para sa inyo.
Sa pamamagitan nito, tutulungan kayong mas lalo pang mabigyan ng mas malalim na
kahulugan at maintindihan ang nais ipabatid ng Nobelang Noli Me Tangere.
Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda
sa mga mambabasa. Maitulay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa pansariling
karanasan at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo. Mapatunayan mo rin na
sa pamamagitan ng akda, ang kahirapan at pagsisikap ay ang dahilan na
makapagpaunlad sa tao at bayan.

Sa pagtatapos ng aralin na ito inaasahan na:

a. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela;


(F9PN-IVc-57);
b. Naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang
Monologo tungkol sa isang piling tauhan; at (F9PU-IVc-59)
c. Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay- katangian.
(F9WG-IVc-59)

1
Grade 9 Filipino
Subukin

Panuto: Basahin at unawain mo nang mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat
ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ay ang pangunahing tauhan sa nobelang Noli Me Tangere na nangarap


makapagtayo ng eskwelahan upang mapaunlad ang kinabukasan ng mga kabataan
sa kanilang bayan.
a. Linares b. Basilio c. Crisostomo Ibarra d. Lucas
2. Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na itinuturing na pinakamaganda sa
kanilang bayan sa San Diego.
a. Sisa c. Maria Clara
b. Donya Victorina d. Tiya Isabel
3. Siya ay isang kurang Pransiskano na magaspang magsalita at kumilos.
a. Padre Salvi c. Padre Sybila
b. Padre Florentino d. Padre Damaso
4. Isang uri ng pagsasadula na pampanitikan na ginagampanan ng isang tao lamang.
Maaring ito’y pagsalita ukol sa kanyang kaisipan na ipinarating sa mga manonood o
sa karakter na kanyang ginagampanan.
a. diyalogo b. monologo c. dula d. balagtasan
5. Mayamang mangangalakal na taga Binondo na asawa ni Pia Alba.
a. Kapitan Tiyago b. Don Rafael c. Elias d.Don Tiburcio
6. Sa pangungusap sa ikalimang bilang, alin ang pang-uri?
a. mayamang b. taga c. mangangalakal d. asawa
7. Ang tawag sa salitang naglalarawan o nagbibigay- turing sa mga pangngalan at
panghalip.
a. Pang-abay b. Pang-ukol c. Pangatnig d. Pang-uri
8. Tanggapin mo sana ang aking munting regalo. Tukuyin ang pang-uri sa
pangungusap.
a. tanggapin b. regalo c. sana d. munting
9. Lubhang malawak ang pinsalang dala ni bagyong Rolly sa Catanduanes.
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
a. pinsalang b. lubhang malawak c. bagyong d. Catanduanes
10. Bakit kailangang pag-aralan ang hakbang sa pagbuo ng monologo?
a. upang manalo sa paligsahan c. upang madaling maunawaan
b. upang maayos ang kalalabasan d. wala sa nabanggit

2
Grade 9 Filipino
Balikan

Binabati kita sa masigasig mong pagsagot sa mga


tanong sa SUBUKIN. Ngayon, sa araling ito ay ating kilalanin
at pag-aralan ang mga katangian ng mga tauhan sa nobelang
Noli Me Tangere.

Bilang panimula, ating alamin kung ano ang iyong alam sa


mga tauhan sa Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagsagot
f. gawain
ng Sisa sa ibaba. i. Kapitan Tiyago
g. Maria Clara De los Santos j. Juan Crisostomo Ibarra
h. Padre Damaso Verdologas
Panuto: Kilalanin ang tauhan batay sa ibinigay na katangian. Piliin ang sagot sa loob ng
a. Sisaat isulat ang titik lamang sa nakalaang
balumbon d. patlang.
Kapitan Tiyago
b. Maria Clara De los Santos e. Juan Crisostomo Ibarra
c.A.Padre
Sisa Damaso Verdologas D. Kapitan Tiyago
B. Maria Clara Delos Santos E. Juan Crisostomo Ibarra
C. Padre Damaso Verdologas

________1.Siya ay anak ni Don Rafael; katipan ni Maria Clara; pangunahing


tauhan sa nobela.
________2. Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiyago.
________3. Siya ay isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na
asawa ni Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara.
________4. Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang
kumilos na dating kura sa San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng
bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga hindi banyaga.
________5. Isang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na naging baliw at
may asawang pabaya at malupit.

Kumusta ka? Batid kong nasiyahan ka sa pagsagot sa gawaing makikita


sa itaas. Ngayon ay alamin naman nating mabuti ang mga karakter sa
nobelang Noli Me Tangere na binuo o isinulat ng ating pambansang
bayani na si Dr. Jose Rizal. Sabay-sabay nating tuklasin!

3
Grade 9 Filipino
Tuklasin

Halina’t sama-sama nating alamin at kilalanin kung sino-sino ang mga tauhan sa
Nobelang Noli Me Tangere. Mababasa at malalaman ninyo sa araling ito ang
mga mahalagang tauhan pati na rin ang mga tauhang kaunti lamang ang
ginampanan sa nasabing nobela.

Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin

Ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang


makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Nag-iisa siyang
anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuring siyang “eskumulgado” at
idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ay katipan/kasintahan ni
Maria Clara.

Maria Clara De Los Santos


Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra, ang babaeng
pinakamamahal ni Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng
Pilipina. Lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyon,
nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa,
masunurin, matapat, mapagmalasakit, ngunit matatag ang
kalooban. Anak siya ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para
makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito.
Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. Anak siya ng angkang
kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo.

4
Grade 9 Filipino
Kapitan Tiyago o Don Santiago de los Santos

Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni


Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara. Madalas siyang
magpahanda ng salu-salo at kilala sa pagiging bukas-palad.

Padre Salvi
Ang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego na mayroong lihim
na pagtingin kay Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang
kumilos. Siya ay dating kura sa San Diego na nagpahukay at
nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga
hindi banyaga.

Padre Hernando De La Sybila


Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos
ni Crisostomo Ibarra.

Kapitan-Heneral
Siya ang pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa
Pilipinas. Siya ang lumakad upang maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.

Pilosopong Tasyo
Siya ay isang iskolar na maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego. Ang tingin ng mga ‘di
nakapag-aral ay baliw ang matanda ngunit para sa mga may alam
ay isa siyang pilosopo.

Sisa
Isang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na naging baliw.
Siya ay may asawang pabaya at malupit.

5
Grade 9 Filipino
Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa. Mga napagbintangang nagnakaw.
Pareho silang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan
ng San Diego. Si Basilio ang panganay at bunso naman si Crispin.

Alperes
Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego. Asawa niya si Donya Consolacion.

Tenyente Guevarra
Isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na
nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng
kanyang ama.

Donya Consolacion
Napangasawa ng Alperes. Dati siyang labandera na may
malaswang bibig at pag-uugali. Katawa-tawa siya kung manamit
at ikinahihiyang isama ng Alperes. Ipinapalagay niya na siya’y
higit na maganda kay Maria Clara.

Donya Victorina de los Reyes de Espadaña


Babaeng nagpanggap na mestisang Kastila kung kaya abot-
abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Siya ay
asawa ni Don Tiburcio de Espadaña.

Don Tiburcio de Espadaña


Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran. Asawa ni Donya
Victorina at nagpanggap na doktor.

Alfonso Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni
Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo Lino


Tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo asawa ni Donya
Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin. Ama ni
Sinang.

6
Grade 9 Filipino
Tiya Isabel

Pinsan ni Kapitan Tiyago na nag-alaga at nagpalaki kay Maria


Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.

Donya Pia Alba


Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos maisilang
ang anak.

Don Rafael Ibarra

Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay


labis na kinaiinggitan ni Padre Damaso dahil mayaman ito.
Pinaratangan bilang erehe ng pamahalaan. Naghahangad ng
katarungan sa kapwa.

Don Saturnino Ibarra


Ninuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng
pagkasawi ng ninuno ni Elias.

Mang Pablo
Matandang pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

1. Batay sa binasang paglalarawan sa mga tauhan ng Noli Me Tangere, sino-sino ang


pangunahing tauhan sa nobela at ano ang napansin mo sa kanilang katangian?
________________________________________________________________
2. Magtala ng mga salitang naglalarawan sa mga tauhan sa nobela.
________________________________________________________________
3. Mahalaga ba ang mga salita sa bawat paglalarawan?
________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, ano kaya ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit?

7
Grade 9 Filipino
Suriin
Ano ang pang-uri? Ang pang-uri ay naglalarawan o nagsasaad sa katangian o uri
ng tao, hayop, bagay, lunan at iba pang tinutukoy ng pangalan o panghalip na kasama
nito sa loob ng pangungusap.
Kayarian ng Pang-uri

May apat na kayarian/anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Payak - Ito ay binubuo ng mga salitang-ugat lamang.
Halimbawa: hilaw, maganda, gwapo, lamig
2. Maylapi - Ito ay mga pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: matangkad, pinakamakapangyarihan, mapagmahal
3. Inuulit - Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng
salita. Halimbawa: pulang-pula, sawang-sawang, puting-puti
4. Tambalan - Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Halimbawa: takip-
silim, ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas,
kapit-tuko, bahag-buntot

Uri ng Pang-uri

May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panlarawan - Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at
hugis ng mga pangngalan o panghalip. Halimbawa: munti, biluhaba, matamis,
malubha
2. Pantangi - Sinasabi nito ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang
pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang
pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng
pangngalang pambalana. Halimbawa: wikang Ingles, kulturang Espanyol,
pagkaing Iloko
3. Pamilang - Ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod
ng pangngalan o panghalip. May ilang uri ito.

8
Grade 9 Filipino
3.1 Patakaran - Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay
mga basal na bilang o numeral.
Halimbawa: isa, apat, limang libo,
3.2 Panunuran - Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-
sunod ng mga tao o bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o
bagay.
Halimbawa: ikatlo, una, pangalawa, pang-anim
3.3 Pamahagi - Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang
unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na pamamahagi (equal distribution).
Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay pare-
pareho.
Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang
(fraction sa Ingles) ang pamahaging pamilang. Ginagamit din ang
salitang bahagdan, persentahe, o porsiyento pagkatapos ng bilang para sa
bahagi ng isang daan.
Halimbawa: kalahati, limang-kawalo, sangkapat, kasiyam
a. Pahalaga- Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o
anumang binili o bibilhin. Hal.: piso, limampung
b. Palansak - Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o
bagay. Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao
o bagay na pinagsama-sama.
Halimbawa: dalawahan, sampu-sampu, animan
c. Patakda - Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang
bilang na ito ay hindi na madadagdagan o mababawasan pa.
Halimbawa: iisa, dadalawa, lilima

9
Grade 9 Filipino
Pagyamanin
A. Panuto: Batay sa larawan, sumulat ng isang pangungusap gamit ang iba’t-ibang uri
ng pang-uri. Salungguhitan kung ito’y panlarawan, bilugan kung ito’y
pamilang at ikahon kung ito’y pantangi.

Kapitan Tiyago-
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
1.
____.
Padre Damaso-
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_________________________________________.

2.
Maria Clara De Los Santos-
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________.

3.
Tiya Ysabel-
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_________________________________________.
4.

10
Grade 9 Filipino
Pilosopo Tasyo-
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_________________________________________.
5.

Isaisip

Panuto: Sumulat ng isang talata na may limang pangungusap mula sa tanong na nasa
ibaba sa inyong sagutang papel.

1. Bakit mahalagang gumamit ng angkop na pang-uri sa paglalarawan ng isang tao


o kapwa?
2.
Sagot:________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

11
Grade 9 Filipino
Isagawa
Sa bahaging ito, higit na mahasa ang iyong kaalaman sa tamang paggamit ng mga
pang-uri sa pamamagitan ng pagbuo ng isang monologo.
Ano ang monologo?
Ang monologo ay isang uri ng pagsasadula na pampanitikan na
ginagampanan ng iisang tao lamang. Maaaring ito’y pagsasalita ukol sa kanyang
kaisipan na ipinararating sa mga manunuod, o sa karakter na kanyang
ginagampanan. Ito ay pangkaraniwang isinasagawa sa mga panuuring pang
drama (Teatro, Pelikula, Palabas sa eskwelahan at iba pa).

Basahin ang isang halimbawa ng monologo.

MONOLOGO NI SISA
Mga bata pa ang aking mga anak… Siyam na taong gulang lamang si
Basilio…Si Crispin? Pitong taong gulang … Dapat na ba silang maging sacristan?
Pilosopo Tasyo, maraming salamat po sa tapang baboy-ramo. Tiyak na
magugustuhan ito ni Basilio. Ang hita ng patong bundok? Para kay Crispin
ito…Todos los Santos ngayon… bakit malaki ang pagkakaiba ng mga mayaman
sa mga dukha? Napipilitang magkasala dahil sa karukhaan! Kailangan kong
tapusin ang apurahang patahi…piso rin ang kikitain ko rito…Ah…hindi na ako
magsisimba…sayang din ang dalawang oras pagpunta sa bayan at pag-uwi
…Wala rin akong dalawang piso para sa misa… at wala akong pambili ng
bula…Patawad po Mahal na Poon…at patawarin mo po ang kaluluwa ng namatay
kong ama’t ina…Wala na akong natitirang salapi…Ibinigay ko na sa‟yo ang
kaunting naipon ko. Hindi pa sumasahod ang mga anak mo. Aray! Aray! Tama
na.... Maawa ka… hu hu hu…Tirhan mo naman ang mga bata. Paborito ni Crispin
ang inihaw na tuyong tawilis…kahit isang piraso lang…Basilio! Ang kawawa kong
anak! Anong nangyari sa’yo? Nasaan ang kapatid mo? Duguan ka anak! Guwardia
sibil? Pinatawan ka ng dalawang real… Alas diyes ka lang pinauwi? … Daplis na
bala…Matulog na tayo…Bukas…susunduin ko si Crispin sa
kumbento…Basilio…gumising ka…‟ya‟y masamang panaginip lamang… Sana
nga anak…matupad sana ang mga pangarap mo…payagan ka sana ni
Crisostomo Ibarra na magpastol ng kanyang mga kalabaw at baka… at hindi ka

12
Grade 9 Filipino
na magsasakristan…Sana nga ay bigyan ka ng isang goya ni Ibarra… kapag
nakita niya ang iyong kasipagan…Tama ka anak…lalong ang mas m
aganda kung bibigyan ka ni Ibarra ng isang kapirasong lupa na iyong
masasaka… At pag-aaralin mo si Crispin kay Tandang Tasyo…tapos sa
Maynila…Matulog na tayo anak…Para sa kura ang mga gulay na ito…Nasaan ang
anak ko? Si Crispin? Tumakas kagabi? Hindi!... Hindi magnanakaw ang anak
ko…Hindi totoo ang ibinibintang ‘nyo! Pinalaki ko sila sa kagandahang asal at
pagkatakot sa Diyos.

Narito rin ang mga hakbang na dapat sundin para sa pagbuo ng isang mahusay na
monologo.
Hakbang sa Pagbuo ng Monologo

Bahagi 1 ng 3: Pagbuo ng isang Monologue Concept

1. Tukuyin ang isang pananaw sa monologue. Ang isang mahusay na monologue


ay dapat na ma-highlight ang pananaw ng isa sa mga tauhan sa drama.

2. Tukuyin ang layunin ng monologue. Ang isang mabuting monologue ay dapat


may layunin at may kakayahang mag-ambag sa pangkalahatang drama.

3. Magpasya kung sino ang tatalakayin sa monologue. Sa madaling salita,


magpasya kung sino ang kakausapin ng mambabasa ng monologue upang
isaalang-alang mo ang pananaw ng madla.

4. Isipin ang simula, gitna, at pagtatapos ng monologue. Ang isang mabuting


monologue ay dapat magkaroon ng isang malinaw na simula, gitna, at wakas.

5. Basahin ang ilang mga halimbawa ng kalidad ng mga monologue. Upang higit
na maunawaan ang istraktura ng monologue, dapat mo munang basahin ang ilang
nai-publish na mga monologue.

13
Grade 9 Filipino
Bahagi 2 ng 3: Pagsulat ng isang Monologue
1. Simulan ang monologue sa isang pangungusap na nakakakuha ng interes
ng iyong madla. Dapat na agad na makuha ng iyong monologue ang atensyon ng
madla at payagan silang makinig hanggang matapos ang monologue.

2. Gumamit ng mga boses ng character at wika. Ang isang mahusay na


monologue ay dapat na nakasulat mula sa pananaw ng isa sa mga tauhan, at dapat
maipahayag ang natatanging tinig at wika ng tauhan.

3. Payagan ang iyong katauhan na sumalamin sa nakaraan at sa


hinaharap. Maraming monologue ang naglalarawan sa kasalukuyang kilos ng isang
tauhan sa pamamagitan ng pagsasalamin sa mga kaganapan sa kanilang nakaraan.

4. Idagdag ang kinakailangang mga detalye at paglalarawan. Palaging tandaan


na ang iyong madla ay hindi agad maisip kung ano ang nangyayari sa iyong
monologue; ang tanging bagay na mayroon sila para sa pagbuo ng mga biswal ay
kung paano mo ilalarawan ang isang bagay.

5. Magpasok ng isang sandali ng pagsisiwalat. Ang iyong monologue ay dapat na


may kasamang isang sandali na naghayag ng isang katotohanan sa mambabasa ng
monologue sa madla.

6. Tukuyin ang isang malinaw na pagtatapos. Ang isang mabuting monologue ay


dapat magkaroon ng isang malinaw na pagtatapos. Sa madaling salita, ang mga
kaisipang ipinahayag mo sa buong monologue ay dapat magkaroon ng malinaw at
may-katuturang konklusyon.

14
Grade 9 Filipino
Panuto: Gamit ang pang-uri, sumulat o bumuo ng isang madamdaming iskrip ng
monologue. Pumili ng isang tauhan o karakter mula sa nobelang Noli Me
Tangere. Gawin ito sa isang short bond paper.

Rubriks sa Pagmamarka
KRAYTERYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY LIMITADO NANGANGAILANGAN
20 15 10 PA NG PAG-UNLAD
5
NILALAMAN Lubhang substansyal at Substansyal at Hindi gaanong Kulang ang mga
40% makabuluhan ang mga makabuluhan ang substansyal ang impormasyong inilahad
impormasyong inilahad mga impormasyong mga ukol sa tauhan.
ukol sa paksa. inilahad ukol sa impormasyong Hindi maayos na
Naipamalas ang lubos na paksa. inilahad ukol sa naipapahayag ang
pagkamalikhain at Naipamalas ang paksa. nilalaman ng paksa.
madamdamin sa pagkamalikhain at Limitado ang Wala gaanong
pagpapahayag ang may damdamin sa pagpapahayag damdamin sa mga
nilalaman/mensahe ng pagpapahayag ng ng patungkol at pagpapahayag.
paksang napili. patungkol sa tauhan. damdamin sa
Nagagamit ang tamang Nagagamit ang tauhan Hindi wasto ang
pang-uri sa pagbibigay- pang-uri sa Limitado ang paggamit ng pang-uri sa
katangian sa tauhan. pagbibigay katangian paggamit ng pag- pagbibigay katangian sa
sa tauhan. uri sa pagbibigay tauhan
katangian sa
6 tauhan.
8
4 2

IMPAK Napakahusay na pinag- Mahusay na pinag- May ilang bahagi Naghatid ng kaguluhanat
40% isipan. Nakapaghatid ng isipan. Nakapaghatid na nakailito sa kalituhan sa diwang nais
napakamakabuluhang ng makabuluhang diwang nais na ipabatid sa mambabasa.
diwa sa mambabasa. diwa sa mambabasa. ipabatid
6 2
8 4
MEKANIKS(spell Walang pagkakamali sa Halos walang Maraming Napakarami at
ing at paggamit gamit ng mga salita, pagkakamali sa pagkakamali sa nagkagugulo ang mga
ng salita 20% kapitalisasyon, gamit ng mga salita, gamit ng mga pagkakamali sa gamit ng
pagbabaybay at kapitalisasyon,pagba salita, mga salita,
pagbabantas. baybay at kapitalisasyon, kapitalisasyon,
pagbabantas pagbabaybay at pagbabaybay at
pagbabantas. pagbabantas.
3
4 2 1
KABUOAN 20 15 10 5

15
Grade 9 Filipino
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa inyong sa sagutang papel.

1. Siya ay ang pangunahing tauhan sa nobelang Noli Me Tangere. Nangarap


makapagtayo ng eskwelahan upang mapaunlad ang kinabukasan ng mga kabataan
sa kanilang bayan.
a. Linares b. Crisostomo c. Basilio d. Lucas
2. Siya ay itinuturing na pinakamaganda sa kanilang bayan. Katipan ni
Crisostomo Ibarra.
a. Donya Victorina b. Sisa c. Maria Clara d. Tiya Isabel
3. Siya ay isang kurang Pransiskanong matagal na panahong nanungkulan
sa San Diego ngunit ginamit ang simbahan para pagtakpan ang kalupitan at
kabulastogan sa mamamayang Pilipino.
a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Padre Sybila d. Padre Damaso
4. Isang uri ng pagsasadula na pampanitikan na ginagampanan ng
isang tao lamang. Maaaring ito’y pagsalita ukol sa kanyang kaisipan na ipinarating sa
mga manonood o sa karakter na kanyang ginagampanan.
a. diyalogo b. monologo c. dula d. balagtasan
5. Mayamang mangangalakal na taga Binondo na asawa ni Pia Alba.
a. Kapitan Tiyago b. Don Rafael c. Elias d.Don Tiburcio
6. Sa ikalimang pangungusap, alin ang pang-uri?
a. taga b. Mayamang c. mangangalakal d. asawa
7. Ang tawag sa salitang naglalarawan o nagbibigay- turing sa mga
pangngalan at panghalip.
a. pang-abay b. pang-uri c. pangatnig d. pang-ukol
8. Tanggapin mo sana ang aking munting regalo. Tukuyin ang pang-uri sa
pangungusap.
a. tanggapin b. regalo c. pasukdol d. munting
9. Lubhang malawak ang pinsalang dala ni bagyong Rolly sa Catanduanes.
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
a. pinsalang b. lubhang malawak c. bagyong d. Catanduanes
10. Bakit kailangang aralin ang hakbang sa pagbuo ng monologue?
a. upang manalo sa paligsahan c. upang maayos ang kalalabasan
b. upang madaling maunawaan d. wala sa nabanggit

16
Grade 9 Filipino
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng sariling tula para sa pinakagusto mong tauhan sa nobelang Noli Me
Tangere. Tiyaking magamit mo nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng
iyong napiling tauhan.

Gabay sa pagsulat ng tula:


1. Ang gagawing tula ay may sukat at tugma.
2. Ito ay naglalaman ng pang-uri.
3. Ang sukat ng tula ay may tatlong saknong at tig-aapat na taludtod.
Daloy ng Kaisipan…………………………………..30 %
Orihinalidad………………………………………….30 %
Retorika……………………………………………….20 %
Wastong paggamit nang pang-uri………………….20 %

17
Grade 9 Filipino
Grade 9 Filipino
18
Tayahin Pagyamanin Balikan Subukin
1. B Iba-iba ang A. 1. C
2. C 1. E 2. C
sagot.
3. D 2. B 3. D
4. B 3. D
4. B
4. C
5. A 5. A
5. A
6. B 6. A
Tuklasin
7. B
Iba-iba ang sagot. 7. D
8. D
8. D
9. B
10. C 9. B
10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Aklat:
Alma M. Dayag, Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario at Nestor S. Lontoc.
Pinagyamang Pluma 9 (K to 12) Aklat 2. Phoenix Publishing House, Inc. 2015
Internet:
https://www.shutterstock.com/image-vector/cartoon-young-businessman-presenting-pointer-
1404116819
https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fclipart-
library.com%2Fnewhp%2F278-2789483_education-school-image-transparent-teacher-cute-
teacher-girl.png&imgrefurl=http%3A%2F%2Fclipart-library.com%2Fgirl-teaching-
cliparts.html&tbnid=i4dVAniiWVT-
cM&vet=10CNMBEDMoogJqFwoTCIDtwNnkz_ACFQAAAAAdAAAAABAD..i&docid=3CNc3Efzs
QZ3CM&w=840&h=880&q=female%20teacher%20in%20a%20clasrroom&ved=0CNMBEDMoo
gJqFwoTCIDtwNnkz_ACFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.123rf.com/photo_10322209_illustration-of-a-kid-answering-test-questions.html
https://prezi.com/l0elprxysfly/mga-tauhan-ng-noli-me-
tangere/?frame=53d5c3529ad422d09274a43884b7808f06769583
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-uri
https://www.coursehero.com/file/71628388/MONOLOGO-sa-NOLI-ME-TANGEREpdf/
https://tl.845audio.org/Membuat-Monolog-3827
http://hayzkul.blogspot.com/2009/08/monologo.html
https://www.scribd.com/document/447951521/RUBRIK-SA-PAGSULAT-NG-MONOLOGO

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources


(DepEd-BLR)
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City, Philippines 6000
Telefax: (032) 255-640
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

19
Grade 9 Filipino

You might also like