You are on page 1of 126

1

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 1
Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
- pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito
- pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon
sa lipunang Pilipino

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Kaligirang Pangkasaysayan ng akdang Noli Me Tangere
Panimula ( Susing Konsepto)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


2

Kilala mo ba kung sino ang ating pambansang bayani? Ano sa tingin mo ang
napakahagang naiambag niya sa ating bansa?
Sa araling ito ay magkakaroon ka ng malalim na kaalaman kung paano nabuo o nasulat
ang nobelang Noli Me Tangere. Malalaman mo rin mula sa araling ito ang tunay na mga dahilan
kung bakit naisatitik ang nag-aapoy na damdamin ni Rizal na gumising sa damdamin ng mga
mamayang Pilipino sa matagal na pagkakahimlay nito sa mga pang-aaping ginagawa ng mga
Espanyol sa bansa. Matutunghayan din sa araling ito ang mga pinagdaanan ni Rizal, maging sa
kaniyang pamilya bago niya ganap na naipalimbag ang nobela. Tatalakayin din dito ang mga
hakbang na ginawa ng pamahalaang Espanyol upang hadlangan ang pagpapakalat at paglimbag
sa akdang ito nang sa gayon ay hindi ito mabasa ng mga Pilipino.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng: Pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito; Pag-iisa-isa sa mga kondisyon ng lipunan
sa panahong naisulat ito; Pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang
panahon sa lipunang Pilipino. F9PN-Iva-b-56
Gawain 1: Madalas nating marinig ang katagang “Ang pluma ay higit na makapangyarihan
kaysa tabak.” Mula sa iyong pagkabata, marahil ay hindi mabilang na pluma o panulat ang iyong
nagamit. PANUTO: Bilang panimulang gawain, iyong isa-isahin o ipaliwanag ang mabubuting
bagay na naidudulot ng wastong paggamit nito sa iyong buhay sa pamamagitan ng pagbuo ng
akrostik ng salitang PLUMA. Isulat ang iyong mga sagot sa espasyong makikita sa ibaba.
Ganoon din, sagutin ang tanong na makikita sa ilalim nito at isulat ang iyong sagot sa patlang.
P
L
U
M
A

Gawain 2:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


3

Alam mo ba...

Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal.


Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito. Ang nobelang ito ang
maituturing na walang kamatayan kung paanong walang kamatayan ang kabayaniahan ni
Jose Rizal. Ayon kay Dr. Blumentritt, ang Noli Me Tangere ay “Isinulat sa dugo ng puso”.
Ngunit ano nga ba ang layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng nobelang ito? Narito ang
kaniyang paliwanag:
“ Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas (na
dapat ay Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17), ay nangangahulugang “huwag mo akong
salingin.” Ang aklat ay naglalaman ng mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay
walang sinumang makapangahas na bumanggit. Ang mga bagay na iyon ay napakaselan
kaya’t walang makasaling man lamang. Pinangahasan kong gawin ang di-
mapangahasang gawin ng sinuman. Sinagot ko ang mga paninirang-loob ng daan-daang
taon na ikinulapol sa amin at sa aming bayan. Inilarawan ko ang kalagayan ng lipunan at
ang ayos ng pamumuhay roon, ang aming mga paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin,
mga karaingan, mga pagdadalamhati. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa
balatkayong relehiyon ay siyang nagpahirap at nagmalupit sa amin. Ipinakilala ko ang
kaibahan ng tunay sa di-tunay na relehiyon sa relihiyong ang kinakalakal ay ang Banal na
Kasulatan upang mapagsalapi, upang kami’y papaniwalain sa mga kaululang sukat
ikahiya ng Katolisismo kung kaniya lamang malalaman. Inangat ko ang tabing upang
ipakita kung ano yaong nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng aming
pamahalaan. Sinabi ko sa aming mga kababayan kung ano-ano ang aming mga
kapintasan, ang aming mga bisyo, ang aming pagwawalang-bahala sa mga pagdaralita
roon na nagpapakilala ng karuwagan at tunay na masisisi sa atin. Saanman ako makakita
ng kabaitan, ito’y aking ipinagbabansag at pinag-uukulan ng karampatang paggalang.
Ang mga pangyayaring aking isinalaysay ay pawang katotohanan at tunay na nangyari;
ang mga iyon ay maaari kong patunayan. Maaaring ang aklat ko ay may mga kapintasan
kung sining at ganda ang pag-uusapan; iyan ay hindi ko itatanggi; datapwa’t ang hindi
matutulan ay ang kawalan ng pagkiling ng aking pagsasalaysay.”
Bakit kaya naisip at nawika ng ating pambansang bayani ang lahat ng ito? Musmos
pa lamang siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na kondisyon ng Pilipinas dahil
sa pang-aalipin ng mga Espanyol. Sa sarili niyang bayan, sa Calamba, unti-unting namulat
ang kaniyang mata sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino. Naligalig siya sa pang-
araw-araw na kalupitan ng mga Espanyol. Nasaksihan niya kung paanong ang matatandang
lalaki ay hinahagupit ng mga guardia civil kung hindi wasto ang pagsaludo sa kanila, kung
hindi nag-aalis ng sombrero kung sila’y mapapadaan sa harapan nila; ang pagmamalupit
sa mga babae at maging sa mga bata. Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang-
katarungan ang pinakamamahal niyang ina, si Donya Teodora. Ibinilanggo siya sa maling
paratang na kasabwat ng kapatid na si Jose Alberto sa tangkang paglason sa asawa nitong
huli. Hindi pa napapawi ang kalungkutan sa pamilyang Rizal dahil sa pagkabilanggo ni
Donya Teodora ay nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite na ibinintang kina Padre Burgos,
Gomez, at Zamora, kasama ang ibang lider na Pilipino. Ang tatlong paring martir ay
binitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
4

Pag-unawa sa binasa: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa ibaba ng tanong
1.Bakit pinamagatang Noli Me 2. Bakit itinuturing na walang 3. Ano-ano ang mga
Tangere ang nobela? Naangkop kamatayan ang nobelang Noli pangunahing layunin ni Rizal sa
kaya ang pamagat na ito sa Me Tangere? Sumasang-ayon ka pagsusulat niya ng nobelang
nilalaman ng nobela? ba rito? Bakit? ito? Masasabi mo bang
Ipaliwanag? nagtagumpay siya sa mga
layuning ito batay sa kalagayan
ng bansa at mga Pilipino sa
ngayon?

4. Ano-anong mga pagtitiis at 5. Ano-ano ang ginawa ng pamahalaang


paghihirap ang naranasan ni Rizal Espanyol upang mahadlangan ang
habang isinusulat niya ang Noli Me pagpapalimbag at pagpapakalat ng mga
Tangere? sipi ng Noli Me Tangere? Paano ito
hinarap ni Rizal?

Gawain 3:
Panuto: Tukuyin ang layunin o dahilan ng may-akda kung bakit niya isinulat ang Noli Me
Tangere batay sa pahayag na kaniyang winika. Piliin ang iyong sagot sa hanay B. Titik lamang
ang isulat sa patlang.
A B
____1. Ang kaniyang layunin kung bakit a. Upang maipakilala ang karuwagan
pinangahasan niyang gawin ang di na ng mga Pilipino
napangahasang gawin ng sinuman. b. Upang sagutin ang mga paninirang
____2. Dahilan kung bakit itinambad niya loob na matagal nang panahong
ang mga pagpapaimbabaw ng balatkayong ikinulapol sa mga Pilipino
relehiyon. c. Upang maipakita kung ano ang nasa
____3. Dahilan ng pag-aangat ng tabing na likod ng mga madaya at makasisilaw
kumakanlong sa maling sistema ng na pangako ng pamahalaan.
pamamalakad ng mga Espanyol. d. Upang ipabatid na relehiyon ang
____4. Dahilan kung bakit nais niyang nagpapahirap at nagmamalupit sa
ipaunawa sa kaniyang mga kababayan ang mga Pilipino.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
5

kanilang mga kahinaan at kapintasan e. Upang matigil ang panggamit ng


____5. Dahilan kung bakit ipinakilala niya Banal na Kasulatan bilang
ang kaibahan ng tunay at di-tunay na instrumento ng paghahasik ng
relihiyon sa kaniyang panahon kasinungalingan upang malinlang
ang mga Pilipino.

Gawain 4: Panuto: Lagyan ng Tsek ( / ) ang mga bilang na naglalahad ng mga kondisyon
noong panahong isunulat ni Jose Rizal ang akdang Noli Me Tangere. Sa patlang ay sumulat ng
isang patunay na umiral o nangyari nga ang kondisyon o sitwasyong nilagyan mo ng tsek (/ ).
___1. Makapangyarihan ang balatkayong relehiyong nagpahirap at nagmalupit sa mga Pilipino.
Patunay: __________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___2. Mahigpit ang sensura kaya’t hindi pinapayagang mailathala ang mga sulating tumutuligsa
sa pamahalaang Espanyol.
Patunay:
__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

___3. Umunlad at bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa paraan ng pamamahala ng mga
Espanyol sa Pilipinas.
Patunay:
__________________________________________________________________________
___4. Malayang nakapagpahayag ng damdamin ang mga Pilipino lalo na ng kanilang mga
hinaing laban sa mga Espnayol.
Patunay:
__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

___5. Nagsisimula nang mag-alsa at lumaban ang mga Pilipino dahil sa pagmamalupit at pang-
aabuso ng mga Espanyol.
Patunay:
__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pangwakas:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


6

Batid kong may natutuhan ka sa araling ito. Isulat ang mga ito sa ibaba.

Ang natutuhan ko araling ito ay... Ang natutuhan ko araling ito ay... Ang natutuhan ko araling ito ay...

Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1: Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 2: Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 3: 1. B 2. D 3. C 4. A 5. E
Gawain 4: Maaaring magkakaiba ang sagiot ng mga mag-aaral

FILIPINO 9

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7

Ikaapat na Markahan – MELC 2


Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang
akda

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Paglalarawan sa kondisyong Panlipunan

Panimula ( Susing Konsepto)


Tunay na maraming pinagdaanang unos at bagyo si Rizal sa pagsulat niya ng nobelang
Noli Me Tangere ngunit isa lang ang tiyak, ang nobelang ito ay tunay na walang kamatayan-
patuloy na mananatili ang diwa at mensahe nito sa puso ng mga Pilipinong tunay na nagmamahal
sa Inang Bayan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


8

Totoong kahanga-hanga ang katalinuhan at mga ginawa ni Dr. Jose Rizal. Sa


pamamagitan ng kaniyang talino ay napukaw niya ang damdamin ng mga Pilipino na ipaglaban
ang kalayaang ninakaw sa atin ng mga Espanyol sa napakahabang panahon. Si Rizal ay isa sa
mga katangi-tanging Pilipinong lumantad at tumanggap ng hamon at nakahandang mamatay
upang ipagtanggol ang isang dakilang simulain. Kaya nga’t hindi siya nag-atubiling tanggapin
ang pagkakataong patayin siya alang-alang sa bayan. Tunay na siya ay isang Bayani!
Kung ikaw nasa kalagayan ni Rizal noong isinusulat niya ang akdang Noli Me Tangere,
mapagtatagumpayan mo rin kaya ang hamon na kaniyang hinarap? Bilang isang mag-aaral,
paano mo maisasabuhay o magagamit sa kasalukuyang panahon ang mga aral at prinsipyong
isinatitik ni Rizal sa Nobelang Noli Me Tangere?

Kasanayang pampagkatuto at Koda


Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda. F9PB-Iva-b-56

GAWAIN 1: Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na


kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng kahon gamit ang mga kontekstwal na pahiwatig.
1. Dahil sa pagmamahal sa bayan, nangahas si Rizal na salingin ang mga
Naglakas-loob
maling sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa.
kasamaan 2. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa
kaniyang lumikha ng pagbabago para sa bayan.
isiniwalat 3. Itinambad niya ang totoong larawan ng relehiyong itinuro ng mga
Espanyol sa mga Pilipino.

paghihirap 4. 4. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-aabuso


ng mga dayuhan sa bansa.
5. Sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere sa paglalayong maisiwalat ang
Mailantad
kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol at gisingin ang natutulog na
damdamin ng kaniyang mga kababayan.

Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

“ Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas (na
dapat ay Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17), ay nangangahulugang “huwag mo aking
sakong salingin.” Ang aklat ay naglalaman ng mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay
walang sinumang sinumang makapangahas na bumanggit. Ang mga bagay na iyon ay
napakaselan kaya’t walang makasaling man lamang. Pinangahasan kong gawin ang di
mapangahasang gawin ng sinuman. Sinagot ko ang mga paninirang-loob ng daan-daang
taon ay ikinulapol sa amin at sa aming bayan. Inilarawan ko ang kalagayan ng lipunan at
ang ayos ng pamumuhay roon, ang aming mga paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin,
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
9

mga karaingan, mga pagdadalamhati. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa


balatkayong relehiyon ay siyang nagpahirap at nagmalupit sa amin. Ipinakilala ko ang
kaibahan ng tunay sa di-tunay na relehiyon sa relihiyong ang kinakalakal ay ang Banal na
Kasulatan upang mapagsalapi, upang kami’y papaniwalain sa mga kaululang sukat ikahiya
ng Katolisismo kung kanya lamang malalaman. Inangat ko ang tabing upang ipakita kung
ano yaong nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng aming pamahalaan.
Sinabi ko sa aming mga kababayan kung ano-ano ang aming mga kapintasan, ang aming
mga bisyo, ang aming pagwawalang-bahala sa mga pagdaralita roon na nagpapakilala ng
karuwagan at tunay na masisisi sa atin. Saanman ako makakita ng kabaitan, ito’y aking
ipinagbabansag at pinag-uukulan ng karampatang paggalang. Ang mga pangyayaring aking
isinalaysay ay pawang katotohanan at tunay na nangyari; ang mga iyon ay maaari kong
patunayan. Maaaring ang aklat ko ay may mga kapintasan kung sining at ganda ang pag-
uusapan; iyan ay hindi ko itatanggi; datapwa’t ang hindi matutulan ay ang kawalan ng
pagkiling ng aking pagsasalaysay.”
Bakit kaya naisip at nawika ng ating pambansang bayani ang lahat ng ito? Musmos
pa lamang siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na kondisyon ng Pilipinas dahil
sa pang-aalipin ng mga Espanyol. Sa sarili niyang bayan, sa Calamba, unti-unting namulat
ang kaniyang mata sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino. Naligalig siya sa pang-
araw-araw na kalupitan ng mga Espanyol. Nasaksihan niya kung paanong ang matatandang
lalaki ay hinahagupit ng mga guardia civil kung hindi wasto ang pagsaludo sa kanila, kung
hindi nag-aalis ng sombrero kung sila’y mapapadaan sa harapan nila; ang pagmamalupit
sa mga babae at maging sa mga bata. Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang-
katarungan ang pinakamamahal niyang ina, si Donya Teodora. Ibinilanggo siya sa maling
paratang na kasabwat ng kapatid na si Jose Alberto sa tangkang paglason sa asawa nitong
huli. Hindi pa napapawi ang kalungkutan sa pamilyang Rizal dahil sa pagkabilanggo ni
Donya Teodora ay nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite na ibinintang kina Padre Burgos,
Gomez, at Zamora, kasama ang ibang lider na Pilipino. Ang tatlong paring martir ay
binitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan.
Ang mga pangyayaring ito’y nagpakilala kay Rizal na nangangailangan ay
malaking pagbabago ang kaniyang bayan- pagbabagong sa pamamagitan lamang ng
karunugan at ng edukasyon matatamo. Kaya nang mabasa niya ang aklat na The wandering
Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng isang nobelang
gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol. Kaya bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya
itong isulat sa Madrid at doo’y natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya
ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang
sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Mula nang simulan niyang isulat ang Noli Me Tangere ay nagsimula nang
magtipid si Rizal. May pagkakataong dalawang beses lamang siyang kumakain sa
maghapon sa maliit lamang na restawran. Ito ay ginawa niya sa paglalayong makaipon sa
salaping magugugol para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela. Natapos niya ang Noli Me
Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na lamang at
dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na naging daan
upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa Imprenta Lette sa Berlin, Albanya noong
Marso 29, 1887.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


10

Maraming humanga sa katalinuhang ipinamalas ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli


Me Tangere ngunit marami rin ang nagalit sa kaniya lalo na ang mga Espanyol. Gayon na
lamang ang pangamba at takot ng kaniyang mga kababayan, lalo na ng kaniyang buong
pamilya, dahil sa ibinunga ng kaniyang Noli nang ang mga sipi nito ay makarating sa
Pilipinas. Nabalitaan nila ang balak na pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas dahil dito’y lalo silang
nangamba na baka siya ay mapahamak sa kamay ng mga taong nagagalit sa kaniya. Ngunit
dahil sa kaniyang matitibay at mahahalagang dahilan ay inibig niyang makabalik sa
Pilipinas. Una, nais niyang bumalik sa Pilipinas dahil sa hangarin niyang maoperahan ang
kaniyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kaniyang mata; pangalawa ay upang
mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kaniyang mga
sulat mula taong 1884 hanggang 1887; at panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang
naging bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan.
Nang magbalik siya sa Pilipinas sa unang pagkakataon noong Agosto 6, 1887, si
Rizal ay agad na nagtuloy sa Calamba upang maoperahan ang kaniyang ina. Samantala
habang siya ay nasa Pilipinas, ang kaniyang Noli Me Tangere ay isinailalim sa masusing
pagsusuri ng kaniyang mga kaaway. Ito ay ipinasuri sa isang sadyang Komisyon, na
matapos magsuri ay nagpasyang dapat ipagbawal ang pag-aangkat, pagpapalimbag, at
pagpapakalat ng mapanganib na aklat na iyon sa Pilipinas. Bilang hakbang sa pag-iingat, si
Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral Terrero kay Tenyente Jose Taviel de
Andrade upang maligtas siya sa mga tangka ng kaniyang mga kaaway. Hindi nagtagal ay
pinayuhan siya ng nasabi ring gobernador na umalis na muli sa Pilipinas alang-alang sa
kaniyang pamilya at buong bayan. Umalis siya sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1888.
Sa kaniyang pag-alis ay nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon, San Francisco at New York
sa Estados Unidos, at London sa United Kingdom.
Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kaniyang panahon sa pagsulat ng
mga tugon sa mga tuligsa sa kaniya. Ang una’y tinugon niya ang mga polyeto ni Fray
Rodriguez laban sa kaniyang Noli Me Tangere. Inilagay niya sa katawa-tawang anyo ang
naturang pari sa sinulat niyang La Vision de Fray Rodriguez. Ang kanya namang Por
Telefono ay laban kay Fray Salvador Font na nanguna sa lupong nagsiyasat at gumawa ng
ulat upang ipagbawal na basahin ang Noli ng sinumang Pilipino.

GAWAIN 2:
Panuto: Gamit ang Star Chart Organizer, Isulat sa labas nito ang mga Kondisyong panlipunan
bago isulat ang Noli Me Tangere at sa loob ng bituin ang kondisyong panlipunang pagkatapos
maisulat ang akda.

2 3

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


11

4 5

Gawain 3: Panuto: Umisip ng bagay na maaaring sumisimbulo sa kondisyong panlipunan


BAGO at PAGKATAPOS isulat ang Noli Me Tangere . Halimbawa Gumuhit ka ng kadena.
Isulat sa linya sa ibaba ang iyong paglalarawan kung bakit ito ang iyong iginuhit.

Bago Pagkatapos

Iginuhit ko ito dahil, Iginuhit ko ito dahil,

Gawain 4: Panuto: Ngayong nalaman mo na ang kaligirang pangkasaysayan ng obra maestra ni


Rizal na Noli Me Tangere, isagawa ang sumusunod na panutong nasa loob ng kahon.

Ilahad ang sariling pananaw kung bakit sa kabila ng


Ilarawan gamit ang sariling pananalita ang kondisyon/
nakaambang panganib sa buhay ni Rizal ay itinuloy pa rin niya
kalagayan ng ating lipunan sa panahong isinulat ni Rizal ang
ang pagsulat ng Noli Me Tangere.
Noli Me Tangere.

( Sa aking paniniwala...... )
Isa-isahin ang mga bagay na ginawa ng mga Espanyol para
mahadlangan ang pagkakalimbag ng Noli Me Tangere
Magbigay-patunay na hindi nga nagkamali si Rizal sa
kaniyang pagsulat at pagkakalathala sa nasabing nobela
dahil sa naging epekto nito sa mga nakababasa noon, at
magpahanggang ngayon.
( Napatunayan ko na... ) ( Maliwanag na... )

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


12

Pangwakas: Batid kong may natutuhan ka sa araling ito, Isulat ang mga ito sa ibaba.

Ang natutuhan ko araling ito ay... Ang natutuhan ko araling ito ay... Ang natutuhan ko araling ito ay...

SANGGUNIAN:

Del Rosario, Mary Grace G., et.al (2014). Pinagyamang Pluma 9 (K to 12) Aklat 2.
Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon Avenue, Quezon City.

Susi sa pagwawasto
Gawain 1. 1. Nangahas 2. Kabuktutan at pagmamalupit 3. Itinambad
4. pagdaralita 5. Maisiwalat
Gawain 2. Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 3. Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 4. Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


13

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 3
Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-
kahulugan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


14

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Kontekstuwal na Pahiwatig Sa pagbibigay ng kahulugan

Panimula (Susing Konsepto)


Sa pagkuha ng kahulugan ng salita sa isang pahayag ay maaaring magamit ang pahiwatig
na kontekstwal ( context clues) sapagkat maaaring makuha ang kahulugan sa konteksto o gamit
nito sa isang pahayag. Ito ay may mga anyo: a) kahulugan- ang kahulugan ng salita ay
makukuha sa ibang bahagi ng pahayag o pangungusap. b) karanasan- sa karanasang nabanggit
sa isang pangungusap ay maaaring matukoy ang kahulugan ng salita. c) salungatan- ang salita
ay may kasingkahulugan o may kasalungat. d) pahiwatig- sa pamamagitan ng pagpapakita ng
sanhi at bunga ay nalalaman ang kahulugan ng salita. e) tono- ang tono ng pagbigkas ay
nakatutulong sa pagbibigay ng kahulugan ng salita.
Sa araling ito, ikaw ay makatutukoy ng kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-
kahulugan ng mga pahayag o pangyayari sa akdang Noli Me Tangere, Kabanata I.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay- kahulugan. F9PT-IVa-b-56
Panuto:Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain. Sagutin ito nang may
katapatan.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
15

Gawain 1
Isang pagtitipon ang inihanda ni Don Santiago sa kanyang bahay na nasa tabi ng ilog ng
Binundok at sa daang Anluwage. Siya ay kilala sa bansag na Kapitan Tiago at higit na
kilala siyang maginoo at bukas ang palad sa pagtulong sa kapwa. Halos puno ng tao ang
kabahayan. Magkakasama sa isang pulutong sina Padre Sibyla, Padre Damaso, isang
nakapaisano, at isang kawal.

Kaaalis ko pa lamang sa bayang San Diego,


pagkatapos ng 20 taong panunungkulan.
May 6,000 mamamayan doon at ang lihim
ng bawat isa’y batid ko. At nang ako’y
umalis, sino ang naghatid sa akin? Ilang
matatandang babae at ilan ding hermano
tercero, gayong 20 taong nanirahan ako
Wala pong kinalaman
roon.
iyan sa desestanco ng
tabako.

Nabigla si Padre Damaso at halos mabitawan


ang hawak na kopita.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


16

Naniniwala ba kayo?

Ano? Hindi kayo


nakaiintindi. Hindi ba
ninyo nalalamang mali ang
pagbabagong ginagawa ng
mga ministro?

PADRE DAMASO

Gaya ng
paniniwala ko sa
Ebanghelyo. Ang Ipagpatawad ninyo ang
mga Indio ay di ko pagsang- ayon.
mapagpabaya. Ang inyong sinasabi’y
pumukaw sa aking
damdamin. Likas po ba
sa mga taong iyan ang
pagkapabaya o iyo’y
pagtatakip lamang sa
pamamahala ng mga
sumakop, na aking
narinig sa isang
manlalakbay?

Si G. Laruja ang magpapatunay sa inyong Iyan ang totoo. Wala nang


ang mga Indio ay mangmang at hihigit pa sa mga Indio sa
mapagwalang- bahala. kamangmangan at pagkawalang
utang na loob.

Napagawi ang usapan ng pulutong sa paglilipat kay Padre Damaso sa ibang bayan
pagkatapos makapagsilbi sa San Diego.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
17

Padre Damaso,
kayo’y 20 taon
sa bayan ng San
Diego. Hindi ba Hindi! Kung
kayo nasiyahan walang kalayaan
doon? ang magkura ay
mapapahamak
ang bayan.

Ano ang ibig ninyong sabihin? Iyan ang sanhi ng mga


kapahamakan. Ang
mga ereheng kaaway
ng Diyos ay pinanigan
ng pamahalaan.

Ang tenyente’y muling nagtanong. Hinarap siya ni Padre Damaso at mariing nagsalita.

Dapat ninyong malaman na ang heneral


Kapag ang Kura’y nagpahukay ng isang
ay kinatawan ng hari. Bawiin ninyo ang
bangkay ng isang erehe, kahit na ang hari’y
inyong sinabi, kung hindi, bukas na
walang karapatang makialam ni magparusa.
bukas di’y malalaman iyan ng Heneral.

Nagkainitan sina Padre Damaso at ang tenyente. Namagitan si Padre Sibyla sa dalawa.

Siya nga’y hindi nangungumpisal,


Note: Practice
ngunit isangPersonal Hygiene
kasinungalingan ang protocols at all times.
sabihing siya’y nagpatiwakal. Matapat
siya sa kanyang tungkulin sa Diyos at sa
lipunan. May kaisa- isang anak na nasa
Europa kaya walang dahilan upang
siya’y magpatiwakal. Nang dumating
18

Pagkatapos ay lumayo ang tenyente. Unti- unting nagbalik ang katiwasayan sa bulwagan.
Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin gaya ng mag- asawang sina Dr. De Espadaῆa at
Donya Victorina

Gawain 2Panuto: Ibigay ang kahulugan ng bawat salitang nasalungguhitan sa bawat


pangungusap batay sa konteksto nito.
1. Pagkatapos ay lumayo ang tenyente. Unti- unting nagbalik ang katiwasayan sa
bulwagan.
a. Kaginhawaan b. kapayapaan c. kasiguraduhan d. kaligtasan
2. Ipagpatawad ninyo ang di ko pagsang- ayon. Ang inyong sinasabi’y pumukaw sa aking
damdamin.
a. gumising b. nagpatibok c. nawawala d. natutulog
3. Iyan ang sanhi ng mga kapahamakan. Ang mga ereheng kaaway ng Diyos ay pinanigan
ng pamahalaan.
a. Pinaniwalaan b. pinatotohanan c. kinampihan d. inayawan
4. Napagawi ang usapan ng pulutong sa paglilipat kay Padre Damaso sa ibang bayan
pagkatapos makapagsilbi sa San Diego.
a. Manahan b. magtrabaho c. makatulong d. maglingkod
5. Wala nang hihigit pa sa mga Indio sa kamangmangan at pagkawalang utang na loob.
a. kagandahang loob b. pasasalamat c. pagkakautangan d. responsibilidad
Gawain 3Panuto: Ibigay ang ipinapahiwatig o mensahe ng pahayag ng bawat tauhan. Ilagay sa
kahon ang kasagutan.
1. Likas po ba sa mga taong iyan ang pagkapabaya o iyo’y pagtatakip lamang sa
pamamahala ng mga sumakop, na aking narinig sa isang manlalakbay?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


19

2. Kapag ang Kura’y nagpahukay ng isang bangkay ng isang erehe, kahit na ang hari’y
walang karapatang makialam ni magparusa. – Padre Damaso

3. May 6,000 mamamayan doon at ang lihim ng bawat isa’y batid ko. At nang ako’y umalis,
sino ang naghatid sa akin? Ilang matatandang babae at ilan ding hermano tercero, gayong
20 taong nanirahan ako roon. – Padre Damaso

4. Iyan ang sanhi ng mga kapahamakan. Ang mga ereheng kaaway ng Diyos ay pinanigan
ng pamahalaan. – Padre Damaso

Dapat ninyong malaman na ang heneral ay kinatawan ng hari. Bawiin ninyo ang inyong
sinabi, kung hindi, bukas na bukas di’y malalaman iyan ng Heneral.
- Tinyente Guevarra

Gawain 3
Batay sa nabasang komiks ng Noli Me Tangere, ano ang ibig ipahiwatig ni Rizal sa
ipinakitang eksena sa unang kabanata ng nobela.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


20

Pangwakas
Ang natutuhan ko sa gawaing ito ay
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Mga Sanggunian
A. Aklat
Curriculum Guide, pahina 183
B. Electroniko
Vibas, Lilian. Et.al. Noli Me Tangere C & E Publishing Inc.

Susi sa Pagwawasto
1. B
2. A
3. C
4. D
5. B

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


21

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan MELC 4
Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang
binasang akda sa ilang
napanood na telenobela*

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


22

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkakatulad/Pagkakaiba ng Binasang Akda
sa Napanood na Nobela

Panimula (Susing Konsepto)


Ang telenobela ay isang nobelang napanonood sa telebisyon. Tulad ng mga nababasa sa
mga aklat ito ay binubuo ng mga kabanata. Sa bawat kabanata ng isang nobela ay naiuugnay
natin ito sa tunay na buhay napapanood man ito o nababasa.
Ang pagkakaiba lamang ng telenobela sa nobelang nababasa ay napapanood ito at
nakikita ang aktwal na mga pangyayari. Ito ay nangangailangan ng pokus sa panonood nang sa
gayon ay di mawala sa kuwento. Samantalang sa pagbabasa ay nakasalalay sa imahinasyon ng
nagbabasa ang mga lugar, eksena at mga pangyayaring tinutukoy sa kuwento. Pinalalakbay nito
ang ating isipan.
Napanonood o nababasa man ang isang nobela ito ay parehas ang kanilang tunguhin_ ang
manlibang, magbigay- aral, magpabatid at marami pang iba. Sa tulong ng nobela ay
napauusbong ang kasanayang panonood (telenobela) at kasanayang pagbabasa.
Sa aralin ngayon, ikaw ay makapagbibigay ng patunay na may pagkakatulad o
pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanood na telenobela.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nabibiyang- patunay na may pagkakatulad/ pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanood na
telenobela. F9PD-Iva-b-55

Panuto:Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain. Sagutin ito nang may
katapatan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


23

Si Crisostomo Ibarra
( Kabanata 2)

Biglang natigilan si Padre Damaso, hindi dahil sa mga magagandang dalaga hindi rin
dahil sa Kapitan Heneral at sa mga alalay nito, kundi dahil sa pagdating ni Kapitan Tiago na
hawak pa sa kamay ang isang binatang luksang-luksa ang kasuotan.
"Magandang gabi po sa inyong lahat! Magandang gabi po, Padre!" ang bati ni Kapitan
Tiago na humalik sa kamay ng alagad ng Simbahan. Inalis ng paring Dominiko ang suot na
salamin at sinipat ang binata, samantalang namumutla naman at nanlalaki ang mga mata ng
paring Pransiskano.
Ikinararangal kong ipakilala sa inyo ang anak ng yumao kong kaibigan, si Don
Crisostomo Ibarra!" patuloy ni Kapitan Tiago. "Kararating lamang niya mula sa Europa, at siya'y
aking sinalubong.
Pagkarinig sa pangalan, hindi naitago ng mga panauhin ang kanilang paghanga sa binata.
Nakalimutan tuloy ni Tenyente Guevarra na batiin si Kapitan Tiago. Nilapitan ang binata, at
sinuri mula ulo hanggang paa. Si Ibarra'y mataas kaysa karaniwan, malusog at mukhang
edukado. Bakas sa kanyang mukha ang pagiging magiliw, matapat, at masayahin. Kayumanggi
ang kulay ngunit mamula-mula ang pisngi. Kababakasan iyon ng lahing Kastila.
"Aba!" may pagtataka ngunit masayang bati ni Ibarra. "Ang kura ng aking bayan! Padre
Damaso, ang matalik na kaibigan ng aking ama! Napatingin ang lahat kay Padre Damaso.
"Hindi ka nagkakamali!" agaw ng prayle. "Ako nga si Padre Damaso, ngunit kahit kailan
ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama. Danan-dahang iniurong ni Ibarra ang
iniabot niyang kamay sa pari.
Nagtatakang tinitigan ang kausap. Tumalikod siya upang harapin ang pormal na anyo ng
tenyenteng patuloy pa ring nakamasid sa kanya.
"Kayo nga ba ang anak ni Don Rafael lbarra?"
Yumukod si lbarra. Bahagyang napakislot ang Pransiskano sa kinauupuan at tinitigan ang
tenyente mula ulo hanggang paa.
"Maligayang pagdating! Sana'y higit kayong maging mapalad kaysa sa inyong ama.
Nakilala ko at nakasama ang inyong ama, at masasabi kong siya'y mabuti at marangal na tao,"
wika ng tenyente na nangangatal ang tinig.
Naantig ang damdamin ni Ibarra sa narinig "Ginoo, dahil sa papuri ninyo sa aking ama ay
nawala ang aking alinlangan tungkol sa mga bagay na hindi ko pa naliliwanagan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


24

Napaluha ang militar tumalikod at lumakad papalayo.


Napansin ni lbarra na nag-iisa siya sa gitna ng sala. Lumapit sa mga kadalagahan at
nagwika, "lpahintulot ninyo sa akin na labagin ko ang mahigpit na tuntunin sa pakikipagkapwa.
May pitong taon akong wala sa sariling bayan at sa aking pagbabalik ay hindi ko matiis na hindi
batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae. Nakaramdam ng kaunting
pagkapahiya nang wala ni isa man sa mga kadalagahan ang kumibo. Matapos ang sandaling pag-
aalinlangan, tinungo niya ang nagkakatuwaang kalipunan ng mga kalalakihan.
"Mga ginoo," aniya. "Ipagpatawad po ninyo kung gamitin ko ang isang kaugalian sa
Alemanya, hindi sa ibig kong dalhin ang kaugaliang iyon kundi dahil lamang sa hinihingi ng
pagkakataon na kapag dumalo ang isang tao sa pagtitipon at wala siyang kakilala ni isa man ay
siya mismo ang magpapakilala ng kanyang sarili. Nakabati na ako sa mga kababaihan at ngayon
nama'y gusto ko kayong batiin. Ako po si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin."
Nagpakilala rin ang iba ng kani-kanilang pangalan.
Humahangos na dumating ang isang lalaking may masayang mukna, nakabarong tagalog
na brilyante ang butones at nakangiting lumapit kay lbarra.
"Ginoong lbarra. Nais ko po kayong makilala. Kaibigan ko po si Kapitan Tiago at nakilala
ko ang iyong ama. Ako po Si Kapitan Tinong, taga-Tundo. Maaari po bang makasalo namin
kayo bukas sa isang tanghalian?
Nalugod si Ibarra sa kagandahang-loob na ipinakita ng matanda. Nakangiti niya itong
kinamayan.
"Salamat po. Ngunit bukas po ay patungo ako sa San Diego."
"Sayang! Kung gayon, hihintayin ko po ang inyong pagbabalik."
"Nakahanda na po mesa! ang ang sabi serbidor ng Café La Campana. Sunud-sunod na
lumapit sa mesa ang mga bisita, ngunit ang mga babae ay kailangan pang piliting isa-isa, lalo na
ang mga Pilipina.

Gawain 1. Sagutin Natin:


1. Sino si Crisostomo Ibarra? Isa- isahin ang kanyang mga katangian.
_____________________________________________________________________
2. Makatwiran ba ang bagong paraan ng pagpapakilala ni Ibarra ng sarili? Patunayan.
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


25

Gawain 2. Sa nabasang kabanata ng Noli Me Tangere, ano- ano ang iyong mga napansing mga
kaugalian ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila ayon sa pahiwatig ng may- akda sa nobela?
Isulat sa dahon ng halaman ang mga kaugaliang nakita. Mula sa iyong mga naitala, pumili ng
mga kaugalian na sa tingin mo ay buhay na buhay pa rin sa kasalukuyan, isulat ito sa kahon at
bigyang patunay.

Gawain 3Panuto: Mula sa binasang kabanata magtala ng mga pangyayari sa kuwento na may
pagkakahawig sa napanood na nobela. Magtala ng ilang pangyayari sa telenobelang napanood.
Tukuyin ang pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawa batay sa kaugalian, tradisyon at iba pa.

Telenobela: Noli Me Tangere:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


26

Pagkakatulad/ Pagkakaiba:

Pagkakaiba:

Pangwakas/ Repleksyon
Natutuhan ko sa gawaing ito ay
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


27

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan- MELC 5
Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda
sa sarili at sa nakararami

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


28

GAWAING PAGKATUTO
Paglalahad ng Sariling Pananaw, Kongklusyon at Bisa ng Akda sa Sarili at sa Nakararami

Panimula (Susing Konsepto)

Sa ating pang-araw-araw na buhay, tayo ay nabibigyan ng pagkakataon na maglahad ng


ating sariling pananaw, konklusyon at saloobin sa isang paksa. Mahalaga na sa ating paglalahad
ay mabigyan-linaw ang isang konspeto o kaisipan, bagay o paninidigan upang lubos na
maunawaan ng nakikinig o nagbabasa. Sa pamamagitan ng paglalahad nabibigyan ng
pagkakataon ang isang tao makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kaniya ng
kalinawan at kasiyahan sa paksang pinag-uusapan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami


(F9PS-Iva-b-58)

Gawain 1 Panuto: Unawain at sagutin nang buong husay at may katapatan ang mga nailahad
na katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa mga inilaang linya.

1. Alin sa mga katangian ni Dr. Jose P. Rizal ang nais mong tularan? Bakit?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng kabayanihan sa iyong kapwa,


pamayanan o bansa, ano-ano ang mga ito?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


29

2.1 Kapwa
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. 2 bayan/pamayanan
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2.3. bansa
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3.

Sa iyong palagay, alin sa dalawang nasa larawan ang ginamit ni Rizal na sandata sa pagtuligsa sa
mga mapang-aping dayuhan? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain 2

Minsan sa buhay ni Jose Rizal ay kanyang nawika ang mga katagang “Minsan lamang
mamamatay ang isang tao at kung hindi lamang ito magiging isang mabuting pagkamatay,
isang magandang pagkakataoan ang mawala at hindi na muling babalik”. Ano ang iyong
sariling pananaw/konklusyon sa nais ipahiwatig ni Rizal?

___________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


30

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 3

Panuto: Ilahad ang iyong sariling pananaw o konklusyon at maaaring maging bisa ng
akdang Noli Me Tangere sa iyong sarili at maging sa buhay ng iba pang kabataang tulad mo sa
pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong na makikita sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa inilaang
linya.

Batay sa iyong sariling pananaw, ano-ano kayang mga pagpapahalaga o mga gintong
aral/kaalaman ang iyong matututuhan sa akdang Noli Me Tangere?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Bakit mahalagang matutuhan ng kabataang tulad mo ang akdang Noli Me Tangere?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


31

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring maging epekto o bisa sa iyo at maging sa iba pang
kabataang Pilipinong katulad mo ang pag-aaral ng walang kamatayang nobelang ito ng ating
bansa?

_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pangwakas
Ang mahalagang natutuhan ko sa aralin na ito ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


32

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 6
Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagtatala ng mga Nalikom na Datos sa Pananaliksik

Panimula (Susing Konsepto)

Kung ikaw ay aatasang magsasaliksik tungkol sa isang paksa, alam mo ba kung


saan-saan makakakuha ng mga impormasyon o datos para maisagawa ito? Mahalagang
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
33

malaman ng isang mag-aaral kung ano-ano o kung saan-saan makakakuha ng datos para maging
komprehensibo at sistematiko ang gagawing pananaliksik.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik (F9PU-Iva-b-58)

Gawain 1

Panuto: Magbigay ng mga maaaring pagkuhanan ng mga impormasyon bukod sa larawan


na nailahad sa ibaba.

1. ________________________ 4. __________________________
2. ________________________ 5. __________________________
3. ________________________
Gawain 2
Ang Pakikipanayam ay isang paraan ng paglikom ng datos at pagkuha ng impormasyon
sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa taong may sapat na kaalaman sa paksa o mga datos na
kakailanganin ng tagapanayam para sa ibat’t ibang makabuluhang layunin.

Panuto: Magtala ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa gawaing pakikipanayam.


1.) Bago ang Panayam-
2.) Kasalukuyan-
3.) At Pagkatapos ng panayam-

Gawain 3 Panuto: Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa mga impormasyong nailahad sa


ibaba. Maaari mong gamitin ang iyong dating kaalaman, mga libro o di kaya’y internet kung
mayroong sapat na kakayahan. Maaari ka ring magsaliksik sa mga kilala mong tao na may
sapat na kaalaman tungkol sa paksa. Pagkatapos mong malikom ang mga datos o impormasyon
ay gumawa ng maliwanag at maayos na paglalagom sa mga linyang inilaan.. Gagabayan ka ng
mga pamantayan na nailahad upang maging matagumpay ang iyong gawain.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
34

Mga Pamantayan Laang Puntos Iyong Puntos


1. Maayos at maliwanag na mga datos 5 puntos
2. Komprehensibong paglalagom 3 puntos
3. Katapatan ng nasaliksik na datos 2 puntos
Kabuuan 10 puntos
1. Kumpletong pangalan ni Dr. Jose Rizal.
2. Ano ang salin sa wikang Filipino ng “Noli Me Tangere”?
3. Tungkol saan ang “Noli Me Tangere” na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
4. Ano ang naging implikasyon sa buhay ng mga Pilipino ng akda ni Rizal sa panahong isinulat
niya ito?

Gawain 4. Magsaliksik tungkol sa pandemyang COVID 19. Magtala ng 10, mahahalagang


impormasyon at datos na nakalap kaugnay sa Pandemyang ito sa pamamagitan ng panonood,
pagbabasa o ng social media. Tiyaking wasto ang mga impormasyong nakalap

Pangwakas/ Repleksyon
Natutunan ko sa araling ito na
__________________________________________________________________________

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 7
Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa:
- paglalarawan
- paglalahad ng sariling pananaw
- pag-iisa-isa
at pagpapatunay

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


35

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng mga Angkop na Salita/Ekspresyon sa Paglalarawan, Paglalahad ng Sariling
Pananaw, Pag-iisa-isa at Pagpapatunay

Panimula (Susing Konsepto)

Mahalaga na maglahad ng sariling opinyon dahil dito mo naipapahayag ang


nararamdman mo at nakakapagbigay ka ng mga idyea na maaaring makapagbago ng pananaw ng
isang indibidwal. Mahalaga ito sapagkat mabibigyan mo ng linaw ang mga bagay-bagay.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang mga angkop na salita/ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad ng sariling
pananaw, pag-iisa-isa at pagpapatunay (F9WG-IVab-57)

Gawain 1
Panuto: Mula sa larawan ni Dr. Jose Rizal, punan ng mahahalagang impormasyon ang
mga nailahad sa bawat kahon.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
36

Magtala ng ilang Bakit siya itinuring Isa-isahin ang mga Magbigay ng mga
impormasyon na pambansang akda/aklat na kanyang patunay ng naging
tungkol kay Rizal bayani ng Pilipinas? isinulat. ambag ni Rizal sa
Maglahad ng isang (Magbigay lamang ng lipunan dahilan upang
dahilan lima) kilalanin siyang
pambansang bayani
ng Pilipinas

1. _______________ 1. _______________
1. _______________ _________________ _________________
2. _______________ 2. _______________
_________________ __________________
2. _______________
_
3.________________ 3. ________________
3.
________________ __________________
_________________
_
4.
________________
_________________
_
5.
________________

Gawain 2
Panuto: Mula sa akdang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, punan ang mga patlang
gamit ang angkop na salita/ekspresyon upang maipahayag ang iyong pananaw/saloobin.
1. Ang nobelang Noli Me Tangere para sa akin ay __________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


37

__________________________________________________________________________
sa kasaysayan ng Pilipinas.
2. Ayon sa nabasa kong datos ang ______________________________________________ ay
akdang kasunod ng Noli Me Tangere na ipinlaimbag sa Ghent, Belgium noong 1891.
3. Para sa akin bilang isang kabataan ang akdang Noli Me Tangere ay may malaking epekto sa
aking pag-aaral dahil _______________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Sa tingin ko ang pagtuligsa sa maling pamamalakad ng pamahalaan ay ________________
___________________________________________________________________________
5. Ang pagbaril kay Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan para sa akin ay _____________________
______________________________________________________________________

Gawain 3 Panuto: Matapos ang iyong isinagawang pananaliksik, isagawa ang mga panuto
na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa mga linyang inilaan.

Ilarawan gamit ang sariling pananalita ang kondisyon ng ating lipunan sa panahong
isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Ilahad ang sariling pananaw kung bakit sa kabila ng nakaambang panganib sa buhay
ni Rizal ay itinuloy pa rin niya ang pagsulat ng Noli Me Tangere. ( Sa ganang akin…
sa aking paniniwala… sa tinging ko..)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isa-isahin ang mga bagay na ginawa ng mga Espanyol para mahadlangan ang
pagkakalimbag ng Noli Me Tangere (Una… sumunod… sa huli at iba pa)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
38

Magbigay patunay na hindi nga nagkamali si Rizal sa kanyang pagsulat at


pagkakalathala sa nasabing nobela dahil sa naging epekto nito sa mga nakababasa
noon at magpasahanggang ngayon. (Napatunayan ko…. Maliwanag na… at iba pa)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pangwakas / Replekson
Natutunan ko sa araling ito na
___________________________________________________________________________

Mga Sanggunian
Aklat
Aileen G. Baisa Julian, Mary Grace G. Del Rosario, Nestor S. Lontoc (Mga
Awtor) Alma M. Dayag (Awtor-Koordineytor) Pinagyamang Pluma 9 Alinsunod sa K to 12
Curriculum Phoenix Publishing House, Inc. ph. 436

Website
https://www.bing.com/search?
q=jose+rizal&form=PRPHEN&pc=UE07&httpsmsn=1&msnews=1&refig=0bded612f9f04307b
2e61ee5d6e883ca&sp=-1&pq=jose+rizal&sc=8-
10&qs=n&sk=&cvid=0bded612f9f04307b2e61ee5d6e883ca

Susi ng Pagwawasto
Gawain 1
1. Doktor, Manunulat, Bayani, Henyo, dalubwika
2. Dahil sa kanyang kadakilaan at di matatawarang naiambag niya sa bangsang Pilipinas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


39

3.Sa aking Kabata


Huling Paalam
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Mi Primera Inspiracion/Ang Una kong Salamisim
A La Juventud Filipino
(At iba pa)
4. Isa si Rizal sa mga nagsakripisyo para sa bansang Pilipinas. Sa tulong ng kaniyang mga akda
namulat ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan mula sa mga
dayuhan.

Gawain 2 at Gawain 3

Sariling sagot ng mga mag-aaral

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 8
Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


40

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagtukoy sa Kahalagahan ng Bawat Tauhan sa Nobela

Panimula
Ang bawat tauhan sa isang nobela ay may mahalagang papel na ginagampanan masama
man siya o mabuti. Hindi mabubuo ang isang pangyayari kung wala ang mga tauhan dahil sila
ang nagbibigay-buhay sa bawat kuwento. Sila ang mga gumaganap at nagsasalita.

Marahil sa iyong pagbabasa ng iba’t ibang kuwento o nobela, hindi mo maiwasang


matuwa o magalit sa isa sa mga ginamit na tauhan. Kung minsan parang gusto mo pang
tanggalin ang isang tauhan lalo na ang kontra bida dahil ang gusto mo ay laging nagtatagumpay
ang pangunahing tauhan. Ngunit, alam mo ba na malaki ang ginagampanang papel ng mga
tauhang kinaaayawan mo? Sila ang humuhulma sa pagkatao ng iba pang tauhan.

Sa mga gawaing ilalahad sa modyul na ito, makikilala mo ang kahalagahan ng bawat


tauhan sa nobela. Dito rin masusukat ang iyong kakayahan sa pagtukoy sa katangian ng mga
tauhan batay sa babasahing akda.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela. (F9PN-IVc-57) pahina 172
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
41

Gawain 1
Sadyang napakalaki ng impluwensiya ng guro sa mga mag-aaral. Minsan ay mas higit na
pinaniniwalaan pa ng mga bata ang kanilang guro kaysa sa kanilang mga magulang.

Panuto: Sa buong panahon ng iyong pag-aaral ay mag-isip ka ng dalawa mong guro na masasabi
mong nakaimpluwensiya ng malaki sa iyong buhay. Maaari mong isulat ang kanilang pangalan.

____________________________________________________
Pangalan ng Guro

Malaki ang naging impluwensiya niya sa aking buhay sapagkat________________

____________________________________________________
Pangalan ng Guro

Malaki ang naging impluwensiya niya sa aking buhay sapagkat

GAWAIN 2 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin ang
kahulugan ng mga salitang nasalungguhitan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
___1. Lagi niyang sinasabi ang bagay na iyon upang a. pinipigilan sa anumang
maikintal sa isip ng mga mag-aaral ang dapat paraan
nilang gawin.
b. pagtatraidor
_____2. Nagmungkahi ang isang mag-aaral ng magandang
solusyon sa suliraning kinahaharap ng kanilang pangkat. c. nakaiinip

_____3. Nakababagot ang paghihintay ng oras ng uwian para sa d. napag-isip-isip


ibang mag-aaral.
e. mapagmataas
_____4. Unti-unting naglalaho ang mga kulturang ating kinagisnan.
f. iginagalang
_____5. Naglilimayon ka lang sa ginagawa mong hindi naman
kapaki-pakinabang. g. nagsasayang ng oras

_____6. Napagkuro rin niya ang kahalagahan ng edukasyon. h. maitanim sa isipan

_____7. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagkakanulo i. nawawala


sa kaniya ng isa niyang kaibigan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


42

j. nagbigay ng payo
_____8. Sinisikil niya ang kaniyang nararamdaman upang
makaiwas sa gulo. k. walang daya
_____9. Marami sa panahon ngayon ang palalo kahit alam ng
tao ang kanilang pinanggalingan.
_____10. Pinagpipitaganan sa bayan ang ating mga guro.

Basahin Mo
Karanasan ng Isang Guro
(Kabanata 19)

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa
ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –
ayon sa kaniya, kasama si Tenyente Guevarra noong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging
magawa noon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Noong bagong salta ito sa San Diego, ang Don
ang tumustos sa kaniyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang
malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Malaki ring problema aniya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga
taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga pangangailangan
ng mga batang nag-aaral katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang
pagmememorya lamang ng mga bata sa mga nilalaman nito kaya wala ring pagkatutong
nagaganap. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng
kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa nang malakas. Ito ay
nakakabulabog sa kura, kaya nakatitikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro. Nabanggit din
ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kaniyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-
aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Padre Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila
ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay
Tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di-marunong bumasa
ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kaniyang mga estudyante. Labag man sa
kaniyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din
ang guro ng wikang Kastila para sa kaniyang pansariling interes.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


43

Sobra ang pakikialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng
pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kaniya ang paggamit ng
pamalo sapagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kaniyang kalooban, sumunod din
siya sapagkat mismong mga magulang ay napaniwala ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa
pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay
gumaling at bumalik sa serbisyo, kakaunti na lamang sa kaniyang mga tinuturuan ang
pumapasok. Sa kaniyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso.
Nabuhayan siya ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang Tagalog ang mga aklat na nasusulat
sa wikang Kastila.

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang asal
na hango sa Urbanidad ni Hurtensio at Felisa at sa Kasasysayan ng Pilipinas. Pero, sa lahat ng
mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa bagong kura nang ipatawag
niya ang guro. Nangako si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa
tribunal na kaniyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.Doon niya isasangguni ang
sitwasyon.

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa akdang binasa.

1. Ano- ano ang mga suliranin sa pagtuturo na isinalaysay ng guro kay Ibarra? Bakit niya
sinabing imposibleng magkaroon ng edukasyon kung walang malakas na impluwensiya?
2. Naniniwala ka ba sa sinabi ng guro na marerespeto lamang at pakikinggan ang guro kung
siya’y marangal, may malinis na pangalan, may kapangyarihan at may laya sa kaniyang
pagtuturo? Sa iyong palagay, taglay ba ng gurong ito ang mga binanggit na katangian?
3. Ano-anong mga pagbabago sa paraan ng pagtuturo ang inilunsad ng guro upang higit
niyang mahimok na mag-aral at mabilis na matuto ang mga bata? Bakit hindi
nagtagumpay ang mga ito?
4. Bakit napagkuro ng guro na hindi dapat kalabanin ang isang prayle ng isang taong kagaya
niya? Paano mo ilalarawan ang guro kaugnay ng pangyayaring ito?
5. Sa iyong palagay, kanino higit na natututo ang mga mag-aaral, sa gurong gumagamit ng
diplomasya sa pagdidisiplina o sa gurong mahigpit at istrikto? Pangatwiranan.
6. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipadarama sa iyong mga guro ang paggalang at
pagpapahalaga sa kanilang mga ginagawa?

Gawain 4 Panuto: Ilahad sa mga kahon sa ibaba ang mga tauhan sa binasang akda. Ilarawan
ang kanilang katangian at tukuyin ang kanilang kahalagahan sa nobelang binasa.

Tauhan Katangian Kahalagahan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


44

Pangwakas/Repleksiyon
Natutuhan ko sa aralin na ito ang__________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Mga Sanggunian
A. Aklat

Aileen G. Baisa Julian, Mary Grace G. Del Rosario, Nestor S. Lontoc (Mga
Awtor) Alma M. Dayag (Awtor-Koordineytor) Pinagyamang Pluma 9 Alinsunod sa K to 12
Curriculum Phoenix Publishing House, Inc., 2015

Mga Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 (Depende sa sagot ng mga mag-aaral)


Gawain 2 (Talasalitaan)
1. h 6. d
2. j 7. b
3. c 8. a
4. i 9. e
5. g 10.f

Gawain 3 (Depende sa sagot ng mga mag-aaral)


Gawain 4 (Depende sa sagot ng mga mag-aaral)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


45

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 9
Naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng
isang monologo tungkol sa
isang piling tauhan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


46

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsulat ng Isang Makahulugan at Masining na Iskrip ng Isang Monologo Tungkol
sa Isang Piling Tauhan

Ang nobelang Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal ay sumasalamin sa


kalagayan ng lipunan noong panahon ng Kastila. Inilalarawan dito ang ayos ng pamumuhay,
paniniwala, pag-asa, hangarin, karaingan at pagdadalamhati ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop.

Upang higit na mapalutang ang kalagayan ng lipunan noon, gumamit si Rizal ng mga
tauhang may iba’t ibang katangian, pag-uugali, paniniwala at pananaw sa buhay. Sila ang
nagbigay-buhay sa mga pangyayaring nais ilarawan ng ating pambansang bayani upang
maimulat ang mga Pilipino sa mga kabuktutang ginagawa ng mga Kastila.

Marami ka nang nabasang kabanata ng Noli Me Tangere. Nakilala mo na rin ang mga
tauhan. Maaaring ang ilan sa kanila ay iyong hinangaan at kinagiliwan.

Sa mga gawaing ilalahad sa modyul na ito, masusubukan mong sumulat ng isang


makahulugan at masining na iskrip ng monologo tungkol sa isang piling tauhan sa nobela.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


47

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang monologo tungkol sa isang
piling tauhan. (F9PU-IVc-59)

Gawain 1
Panuto: : Tukuyin ang tauhang inilalarawan sa mga sumusunod na pahayag. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot.

Crisostomo Ibarra Don Rafael Ibarra Crispin


Sisa Basilio Padre Damaso
Kapitan Tiago Pilosopo Tasyo Maria Clara

_______________1. Isang mayamang mangangalakal na taga Binondo na asawa ni Pia Alba


Ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging
masunurin sa nakatataas sa kaniya ngunit sakim at walang
pinapanginoon kundi ang salapi.

_______________2. Ang binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan


upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego.
Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga
Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong
kaisipan.

_______________3. Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego na siya ring
nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng
mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling matuto at marupok
ang kalooban sa mga papering hindi sadyang nagmumula sa puso ng
nagpaparangal.

_______________4. Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri


ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig
sa doktrina ng isang relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin,
matapat, mapagpakasakit ngunit may metatag na kalooban.

_______________5. Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na


kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yaman na kaniyang tinataglay.
Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan.
Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa.
Kahanga-hanga ang kaniyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang
pagkamuhi sa mga paglabag dito.

_______________6. Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya
at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
48

lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga


minamahal na anak.

_______________7. Nakatatandang anak ni Sisa na isang sacristan at tagatugtog ng kampana


sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa
lipunan.

_______________8. Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sacristan at kasamang tumutugtog


ng kampana sa simbahan ng San Diego.
_______________9. Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na
mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una
kaysa sa kaniyang panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng marami.

Gawain 2
Panuto: Pumili ng isa sa mga binanggit na tauhan sa Noli Me Tangere na iyong hinangaan.
Ilarawan siya at sabihin ang dahilan kung bakit siya ang iyong napili.

_____________________________
Pangalan ng Tauhan

Alamin

Bilang paghahanda sa pagsulat mo ng monologo, basahin mo muna ang mahahalagang


impormasyong makikita sa ibaba na may kinalaman sa masining na pagsulat ng isang monologo.
Pagsulat ng Monologo

Isa sa mga tanyag na anyo ng dulaang madalas gamitin sa mga silid-aralan at paaralan ay
ang monologo. Isa itong anyo ng kontemporaryong dulaang nagtatampok sa isang actor na
sumasambit at umaarte ng kaniyang mga damdamin at kaisipan bilang pangunahing tauhan ng
dula o nobela.

Narito ang ilang bagay na dapat isaalang-alang sa pagbuo ng monologo.

1. Basahin at unawaing mabuti ang panggagalingan ng iyong monologo. Kung ito ay


orihinal, dapat malawak ang kaalaman ng susulat tungkol sa paksang gagawan ng
monologo.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


49

2. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa katangian o karakter ng tauhang iyong gagawan ng


monologo. Makatutulong kung gagawan muna ng Character Profile upang higit na
maging malalim ang iyong pagkakilala sa tauhang iyong gagawan ng iskrip.

3. Simulang sulatin ang iyong burador. Sa bahaging ito mahalagang matukoy ang magiging
simula, gitna at wakas ng monologo. Sa pagsulat ng burador, itala lahat ng mga kaisipang
maaari mong isama sa iyong iskrip.
4. Tandaan na ang iyong gagawing iskrip ay kailangang nakasulat sa tinig o pananaw ng
karakter na iyong gagawan ng monologo. Mahalaga ring ang mga pahayag ay nakasulat
sa pangkasalukuyang aspekto ng pandiwa.

5. Gawin ang pinal na sipi ng iskrip. Maaaring ipabasa ito sa ibang tao na makapagbibigay
ng opinyon o makatutulong upang higit pang mapaghusay ang monologo.
6. I-edit ito kung kinakailangan upang matiyak ang kaayusan nito.

7. Tiyaking ang inihandang monologo ay angkop sa oras na ibinigay. Ang karaniwang haba
ng isang monologo ay mula isa hanggang tatlong minuto.

Gawain 3
Panuto: Sumulat ng isang makahulugan at masining na iskrip ng monologo tungkol sa piling
tauhan ng Noli Me Tangere.

Gagabayan ka ng Rubric sa pagsulat ng monologo.

Mga Pamantayan Laang Puntos Laang puntos


Ang iskrip ay makatotohanan at angkop sa karakter ng 5
ginawan ng monologo.
Nailahad nang malinaw, masining at nakakukuha ng 5
atensiyon ng babasa nito.
Nagtataglay ng mga element ng isang mahusay na 5
monologo.
Malinaw at wasto ang balarila/gramatika 5
Kabuoang Puntos 20
5- Napakahusay 2- Di-gaanong mahusay
4- Mahusay 1- maraming kakulangan
3- Katamtaman

Pangwakas/Repleksiyon

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


50

Natutuhan ko sa mga gawaing ito ang


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan- MELC 10
Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay- katangian

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


51

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian

Panimula (Susing Konsepto)


Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipong
mga kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang maipagpatuloy ang iyong
pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa panitikan. Maaaring
humingi ng gabay at tulong sa inyong mga magulang at kapatid.

Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay katangian F9WG-IVc-59

Basahin mo.
PANG-URI
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
Halimbawa: mataba, payat, dilaw, mahaba, matamis, malinis, bughaw, itim, bata, tunay at iba pa
May tatlong Antas ang Pang-uri
1.Lantay – kung saan ang isa o mahigit pang pangngalan o panghalip ay nagtataglay ng
iisang katangian. Hal: 1. Si Dave ay mataba.
2. Mahaba ang buhok ni Ate.
3. Matamis ang mangga.
2.Pahambing – kung saan dalawang pangngalan o panghalip o dalawang pangkat ang
pinaghahambing.
May dalawang uri ng paghahambing

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


52

1. Pahambing na Magkatulad: Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may


patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka-, kasing-, magkasing-, at iba
pa.
Halimbawa:
Magkasingganda ang India at Singapore.
Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bansang Japan sapagkat sila ang sentro ng
teknolohiya
2. Pahambing na di-magkatulad: Nagsasaad ito ng diwa ng di- magkatulad na
paglalarawan o katangian
a. pasahol- may mahigit na katangian ang pinaghahambingan
Halimbawa: Mas mataba si David kaysa kay Maria.
b. palamang- may higit na katangian ang inihahambing sa pinaghahambingan
Halimbawa: Di-gaanong mahaba ang buhok ni Nanay kaysa kay Ate.

3. Pasukdol -ang pangngalan o panghalip na pinag-uusapan ay inihahambing sa dalawa o


mahigit pang pangngalan/ panghalip
Halimbawa: 1. Pinakamataba si Zimo sa kanilang tatlo.
2. Pinakamaiksi ang buhok ni Diosa sa kanilang magkakapatid.

Gawain 1:
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang lantay,
pahambing o pasukdol.
_______ 1. Pinakadakilang pag-ibig ang pag-aalay sa sariling buhay para sa bayan.
_______ 2. Masagana ang ani ng palay sa taong ito.
_______ 3. Di-gaanong matamis ang manga rito na gaya sa Guimaras.
_______ 4. Si Lucy ay mas malikhain kaysa sa nakatatanda niyang kapatid.
_______ 5. Sintanda ng aking ate ang guro namin sa panitikan.
_______ 6. Mas malambot ang espongha kaysa sa puso niya.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


53

Basahin mo:

Kabanata 20:
Ang Pulong sa Tribunal
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan


ng mga may kapangyarihang mga tao sa bayan.  Nang dumating sina Ibarra at ang guro,
nagsisimula na ang pagpupulong.  May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa.  Ito ay
binuo ng dalawang lapian sa bayan.  Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda.  Ang
isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan.  Ito ay pinamumunuan ni
Don Felipo.  Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego.  May
labing -isang araw na lamang ang nalalabi at pista na.  Tinuligsa ni Don Filipo ang Tinyente
Mayor at Kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.
Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong.  Nagsalita pa si Kapitan Basilyo, isang
mayaman na nakalaban ni Don Rafael.  Walang binasa at walang kawawaan ang talumpati
niya.  Dahil dito, isinahapag ni Don Filipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos.  Ang
mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng
komedya sa loob ng isang linggong singkad.  Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00
samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi.  Kailangan din ang mga
paputok na paglalaanan ng P1,000.  Binatikos si Don Filipo sa kaniyang mga mungkahi, kung
kaya’t iniatras niya ang mga ito.
Sumunod na nagpananukala naman ay ang Kabesa na siyang puno ng mga matatanda.
Ang kaniyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang
magpapalabas ng komedya ay taga-San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis
ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag ng Kapitan na tapos
na ang pasya ng Kura na tungkol sa pista. Ang pasya ng Kura ay ang pagdaraos ng anim na
prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo.  Ito ang gusto ng Kura,
kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.
Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan
upang lakarin ang isang mahalagang bagay.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


54

Gawain 2. Panuto: Ayusin ang mga nakatalang pahayag ayon sa mga naganap na
pangyayari sa akdang binasa. Isulat sa patlang ang bilang 1 hanggang 7 sa loob.
_____ Tumayo si Don Filipo at iniharap ang mungkahing badyet sa plenaryo.
_____ Ipinaliwanag ng Kapitan na dapat ang gusto ng kura ang masunod sa programang gagawin
sa araw ng pista.
_____ Pumasok si Ibarra at ang guro sa tribunal.
_____ Tumindig at humingi ng pahintulot sa Kapitan Basilio na siya ang unang magsalita.
_____ Tumayo ang kabisa at iminungkahi sa pulong na magpalabas ng hing pangkaraniwang
napanonood araw-araw.
Gawain 3: Pumili ng isa sa mga pangunahing tauhan sa kabanatang binasa at suriin ang
kaniyang katangian at pag-uugali batay sa SWS Chart na makikita sa ibaba gamit ang mga
angkop na pang-uri sa pagbibigay-katangian.
Pangalan ng Tauhan:

So What
Strenghts Weaknesses (Paano magagamit sa iyong
(Kalakasan) (Kahinaan) buhay ang natutuhan sa ugali
at pagkatao ng tauhang
sinuri)

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka


Pamantayan Kabuuang Marka na
marka ibinigay ng
Guro
Naibibigay ang kalakasan at kahinaan ng napiling tauhan at 5
angkop ang mga ginamit na pang-uri sa pagbibigay-
katangian
Naiisa-isa ang kalakasan at katangian ng napiling tauhan 5
Nailalarawan ang tauhan ayon sa pag-uugali nito 5
KABUUAN 15
5-Napakahusay 4- Mahusay
3- Katamtaman ang husay 2-di- mahusay
1-Walang naisagot

Pangwakas/Repleksyon: Ang natutunan ko sa araling ito ay _____________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


55

Sanggunian:
https://www.google.com/search?
q=Pinagyamang+pluma+9+Noli+Me+Tangere+pdf&sa=X&ved=2ahUKEwiN2d_wkIbrAhWGf
d4KHXanAAcQ1QIwFnoECAwQCA&biw=765&bih=672
https://www.slideshare.net/ReeHca/paggamit-nang-wasto-ng-antas-ng-pang-uri-sa-paglalarawan-sa?
qid=c5618e94-e4c5-4077-8fa0-2d8d889de120&v=&b=&from_search=1

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2

1. Pasukdol 3
2. Lantay 5
3. Pahambing 1
4. Pahambing 2
5. Pahambing 4
6. Pahambing

Inihanda ni:
MILDRED M. TORRES
Guro sa Filipino 9

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


56

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 11
Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga
pangyayaring naganap sa buhay ng
tauhan

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


57

Pagbabahagi ng sariling damdamin tungkol sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa


buhay ng tauhan.
Panimula (Susing Konsepto)

Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipong


mga kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang maipagpatuloy ang iyong
pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa panitikan ng.
Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga magulang at kapatid.

Kasanayang Pampagkatuto
Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa buhay
ng tauhan. F9PN-IV-58

KABANATA 25: Elias at Salome


(Buod)
Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan nila ang
taong kanilang hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng
isang lawa. Naroon sa batalan ng kubo si Salome, ang dalagang nanahi. Dumating si Elias, ang
piloto ng bangkang hanap ng mga Kastilang guwardiya sibil. Sa buong akala ni Salome, lilitaw si
Elias mula sa lawa, subalit hindi ito ang nangyari dahil sa nakakilala kay Elias. Napag-usapan ng
dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at si Maria Clara na anak ni Kapitan Tiago.
Nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang
manirahang kapiling ng mga kamag-anak sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kanilang mga
kapalaran, maaaring matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso. Ibig sanang
makapiling ni Salome si Elias, na samahan siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang
kalayaan si Elias na gawin ito dahil sa mga kaganapan noong araw na iyon bago sila muling
magkita. Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang ari pa nitong kabataan at kagandahan
upang makakita ng kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib. Hinikayat naman ni Salome, na
sa kaniyang paglayo, na gamitin ni Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at
tulugan, bilang pagaalala nila sa isa’t isa habang magkalayo. Isang gawaing maituturing ni
Salome sapat na upang maituring na magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang
magiging pagkakalayo sa isa’t isa. Sa halip, kumalas si Elias sa pagkakayakap kay Salome.
Mabilis siyang lumuwas at naglaho sa mga anino ng mga puno. Sinundan lamang ni Salome ng
tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga yabag ng lalaking kaibigan.

Gawain 1:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


58

Bukod sa mga sundalo at kapulisan , sino-sino pa para sa iyo ang maituturing na mga
Elias ng makabagong panahon sa ating lipunan? Sila ang mga taong handang isakripisyo ang
sariling kaligayahan at kapakanan alang-alang sa kabutihan ng mga nakararami. Itala ang iyong
sagot sa graphic organizer na makikita sa ibaba. Gawin mo na ring gabay sa pagsagot ang rubric
na sadyang inilaan para sa gawaing ito.

Mga Elias ng Makabagong panahon sa Ating Lipunan

Mga Mga
Mga nagawa
Nagawa Nagawa

1. Bakit mo sila itinuturing na mga Elias ng makabagong panahon? Ano-ano sa kanilang


mga katangian ang nais mong tularan at ipamuhay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Paano mo maipapakita ang iyong mataas na paggalang at pagkilala sa kanila?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pamantayan sa Pabibigay ng Puntos

Mga Pamantayan Puntos

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


59

Nakapagtala ng mga karapat-dapat na taong maituturing na Elias ng


makabagong panahon

Nailalahad ang mga nagawa ng mga taong kanyang napili bilang elias
ng bagong Panahon

Nasago nang tama ang lahat ng mga nakatalang tanong

5- napakahusay 2- di-mahusay
4- mahusay 1- maraming kakulangan
3- katamtaman

Gawain 2: Bilang kabataan , paano mo maisasabuhay ang mga katangian ni Elias?


Kakayanin mo rin bang magsakripisyo para sa iyong minamahal o para sa ating bayan? Sa
paanong Paraan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mga Pamantayan Puntos

Nakapagtala ng mga paraan kung paano maisasabuhay ang


katangian ni Elias.

Nailalahad ang mga sakripisyong magagawa para sa bayan.

Nasagot ang tanong.

5- napakahusay 2- di-mahusay
4- mahusay 1- maraming kakulangan
3- katamtaman

Pangwakas
Ang natutunan ko sa araling ito ay
___________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


60

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 12
Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
magulang, sa kasintahan,
sa kapwa at sa bayan

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


61

Paglalahad ng sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa


kasintahan , sa kapwa at sa bayan.

Panimula (Susing Konsepto)

Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipong


mga kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang maipagpatuloy ang iyong
pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa panitikan ng Asya
kung saan kabilang ang ating bansa. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga
magulang at kapatid.

Kasanayang Pampagkatuto
Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pagibig sa magulang, sa kasintahan
, sa kapwa at sa bayan.F9PB-IVd-58

Nagpaliwanag si Padre Damaso, Noche Buena at ang Katapusan


(Mga Kabanata LXII, LXIV at LXV
(Buod)
“Mamamatay akong hindi mamamalas
ang pagsikat ng araw sa aking bayan
Kayong makakakita sa pagbubukang-liwayway,
malugod ninyo siyang tanggapin,
at inyong gunitain ang mga nabuwal sa dilim ng gabi”
-Elias sa Noli Me Tangere

Nalaman ni Maria Clara sa mga ulat sa pahayagan na nalunod daw si Ibarra. Dahil dito’y
ninais na niyang umurong sa kasal kay Linares. Sinabi niya ang planong ito kay Padre Damaso
na labis na ikinabalisa ng huli. Humingi ng patawad si Padre Damaso sa ginawa niyang
panghihimasik sap ag-iibigan nina Maria Clara at Ibarra. Sinabi niyang iniisip lang niya ang
kinabukasan ni Maria Clara at ayaw niyang Makita itong namimighati dahil sa pag-aasawa ng
isang Pilipino at maging isang sawimpalad na ina. Subalit paninindigan ni Maria Clara ang
kagustuhang umurong sa kasal at magmomongha kung hindi , siya magpapatiwakal. Walang
nagawa ang nababalisang pari kundi sumunod sa kagustuhan ng dalaga.
Sa kabilang dako, isang pamilya sa bundok ang nakatagpo at tumulong kay Basilio. Isang
araw bago mag noche Buena ay nagpaalam ang bata upang puntahan ang kanyang ina at ibigay

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


62

ang pinakamahalagang regalo-ang pagbabalik ng kanyang anak. Ayaw pa sana siyang payagan
subalit naunawaan ng matanda ang kagustuhan ng bata. Pagdating sa bayan ay nalaman ni
Basilio na nabaliw ang kanyang ina. Hinanap niya ito subalit nang magkita sila ay hindi naman
siya nakilala ng ina. Tumakbo si Sisa at napunta sa mahiwagang gubat ng mga Ibarra. Sinundan
siya ni Basilio subalit hindi pinagbuksan ni Sisa ang anak kaya’t napilitan itong umakyat sa
bakod at tumalon. Sa pagkakita sa duguang anak ay nagbalik ang katinuan ni Sisa at
pinaghahagkan ang anak subalit iyon na pala ang huling pag-uulayaw ng mag-ina sapagkat nang
magising si Baasilio ay patay na ang ina.Isang di-kilalang lalaking sugatan at malapit na ring
mamatay ang nakita niya at naghabilin ng gagawin kapag siya’y namatay. Sa pagwawakas ng
nobela , ang lahat halos ng tauhan ay naiwang sawimpalad maliban sa alperes na ankabalik sa
Espanya aat nataas ang ranggo at kay Padre Salvi na nagkaroon ng bagong posisyon.
Napabalitang si Maaria Clara ay patay na subalit ang mga balitang tulad nito patungkol sa kanya
ay hindi makompirma. Ang kaawa-awang kuwento tungkol sa sawimpalad na si Maria Clara sa
kanyang pagmomongah ay itinago na lamang ng makakapal na bakod ng monastery hanggang
saw ala nang nabalitaan tungkol sa kanya.
Unawain Mo:

Sa araling ito’y patapos na ang ating pagtalakay sa Noli Me Tangere. Hindi maikakailang
ang isang damdaming labis na lumutang ay ang PAG-IBIG. Katunayan, hindi lang isang uri ng
pag-ibig, kundi maraming uri ang namayani sa kabuoan ng nobela tulad ng:
 Pag-ibig ng magulang sa anak, tulad ng ipinakita ni Sisa para sa mga anak na sina Crispin
at Basilio.
 Pag-ibig ng anak sa magulang, tulad ng ipinakita ni Basilio para sa ina at gayundin ang
ginawang sakripisyo ni Maria Clara para mapanatili ang lihim ng ina at ng tunay na
amang si Padre Damaso.
 Pag-ibig sa isang pinakamamahal, tulad ng wagas na pag-ibig na ipinakita ni Ibarra para
kay Maria Clara.
 Pag-ibig sa bayan at sa isang kaibigan, tulad ng ipinakita ni Elias nang tumanggi siya sa
alok ni Ibarra na sila’y mangibang-bayan at magturingang magkapatid gayundin nang
iligtas niya si Ibarra sa iba’t ibang pagkakataon.

Gawain 1:Baon ang kaisipang ito, ilahad mo naman ang iyong sariling pananaw ukol sa pag-
ibig sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na katanungan.
 Base sa mga halimbawa ng pag-ibig na nakalahad sa itaas, ano ang tunay na kahulugan
ng pag-ibig? ____________________________________________________________
____________________________________________________________________

 Sinasabi sa Biblia sa 1Corinto 13:13 na, “Kaya’t ang tatlong ito ang mananatili; ang
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay pag-ibig.”
Totoo nga bang dakila ang pag-ibig? ____________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


63

Ano-anong bagay ang nagagwa ng tao na nagpapakitang dakila ang pag-ibig? Magbigay
ng mga halimbawa. _______________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

 Nakadama ka narin ab ng pag-ibig? ____________________ Kanino o kani-kanino?


_____________________________________________________________________
Ano-anong sakripisyo ang kaya mong gawin para sa taong iyong iniibig? ______
_____________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Pamantayan Kabuuang Puntos na


puntos ibinigay ng
Guro

Nasasagot ng tama ang tanong at nakapagbibigay 4 na 5


makatotohanang mga halimbawa

Maayos na nailalahad ang mga halimbawa at opinyon 5

Naipaliliwanag ng maayos ang mga sagot 5

KABUUAN

5-Napakahusay 4- Mahusay
3- Katamtaman ang husay 2-di- mahusay
1-Walang naisagot

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


64

FILIPINO 9
Ikaaapat na Markahan – MELC 13
Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit
nito (level of formality)

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


65

GAWAING PAGKATUTO
Antas ng Pormalidad ng Salita

Panimula (Susing Konsepto

Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipong


mga kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang maipagpatuloy ang iyong
pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa panitikan ng Asya
kung saan kabilang ang ating bansa. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga
magulang at kapatid.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito (level of formality)
F9PT-IVd-58

Panuto: Basahin ang Kabanatang ito ng Noli Me Tangere. Sagutin ang mga inihandang
Gawain kaugnay nito matapos mong basahin.

Labis na nababalisa ang mahiyaing si Linares sapagkat nakatanggap siya ng  liham mula kay
Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:

Mahal kong pinsan,
Sa loob ng tatlong araw ay gusto kong malaman sa iyo kung napatay ka na ng tenyente o
napatay mo siya. Ayaw kong lumipas pa ang isang araw nang hindi lumalasap ng parusa ang
hayop na iyon. Kapag hindi mo siya hinamon ng duwelo ay ipagtatapat ko kay Don Santiago
na hindi ka naging pansariling kalihim ng punomg ministro o kabiruan niya, o nakikihalubilo
sa gobernador-heneral. Ipagtatapat ko rin kay Clarita na pulos ka kayabangan at hindi kita
bibigyan kahit isang sentimo. Pero kapag hinamon mo ng duwelo ang tenyente ay
ipinangangako kong ibibigay ko ang lahat mong hihilingin. Umaasa akong nahamon mo na
siya. Ayaw ko ng kung ano-anong pagdadahilan.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
66

Ang nagmamahal mong pinsan,


Victorina de los Reyes Espadaňa
Sampaloc, Lunes, Ika-7 ng gabi

Nagiging grabe ang sitwasyon. Kilala ni Linares ang ugali ni Donya Victorina at kayang
gawin nito ang banta. Ang pakiusapan siya ay para nang pinakiusapan ang isang inspector ng
customs na desididong magbintang na may ipinupuslit kang kalakal. Sayang lamang ang
pakiusap … lalo namang masamang magsinungaling sa kaniya. Wala ng ibang paraan kundi
hamunin ng duwelo ang tenyente.
“Pero paano?” usal niya sa sarili habang palakad-lakad at bumaba at umakyat . “Sakaling
mainit ang ulo ng tenyente pag pinuntahan ko? E, kung ang ginang niya ang maratnan ko? At
sino ang papayag na maging alalay ko sa duwelo? Ang kura paroko? Si kapitan Tiago? Bakit ba
ako nakinig sa hayop na babaing ‘yon! Kanino bang ideya itong napasok-pasukan kong ito? Ang
magyabang . . . magpanggap? Ano na ang sasabihin sa akin ni Binibining Clarita? Ito ang napala
ko sa pagkukunwari at paghahambog na pansariling kalihim ng lahat ng miyembro ng
gabinete!”
Nasa ganitong balisang pag-iisip si Linares nang dumating si Padre Salvi. Payat ngayon at
putlain ang pari, ngunit may kislap ang kaniyang mga mata at may mahiwagang ngiti sa kanyang
labi.
“Nag-iisa ka, Ginoong Linares?” bati niya sa kastilang Binata at lumakad na palapit sa salas na
kariringgan ng tugtugin sa piyano.
Sinikap ni Linares na ngumiti.
Si Don Santiago?” dugtong na tanong ng kura paroko.
Lalapit naman si Kapitan Tiago. Lumapit sa pari at humalik sa kamay nito. Kinuha ang baston at
sombrero ng pari at ngumiti matapos basbasan.
“Making kayo,” wika ng pari habang pumapasok sa salas na sinisundan nina Linares at Kapitan
Tiago. May magandang balita ako sainyong lahat.
Tumanggap ako ng sulat mula Maynila na nagpapatunay sa sulat na ipinabasa sa akin kahapon
ni Ginoong Ibarra. Samakatwid, Don Santiago, ay hindi na ekskumulgado si Ginoong Ibarra at
wala nang sagabal sa kasal.”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


67

Si Maria Clara na nakaupo sa harap ng piyano sa pagitan ng dalawa niyang kaibigan ay


bahagyang napatayo, subalit dahil sa panghihina ay muling napaupo. Namutla si Linares at
napatingin kay Kapitan Tiago na nagbaba naman ng tingin.
“Patuloy ang pagkakaroon ko ng simpatya sa binatang Ibarra,” wika ng kura paroko.
“Noong una ay mali ang palagay ko sa kaniya. Mainit ang kaniyang ulo pero pagkatapos ay
marunong naman siyang kumilala sa kaniyang pagkakamali kaya’t imposibleng magtanim ng
galit sa kanya. Kung hindi lang kay Padre Damaso!”
Sinulyapan ng prayle si Maria Clara na nakikinig ngunit hindi nag-aalis ng tingin sa
piyesa ng tugtugin kahit palihim siyang kinukurot ni Sinang. Halatang tuwang-tuwa si Sinang at
kung nag-iisa lamang ito noon ay baka naglulundag sa labis na kagalakan.
“Si Padre Damaso?” tanong ni Linares.
“Oo. Sinabi ni Padre Damaso,” patuloy ni Padre Salving hindi inaalis ang tingin kay
Maria Clara , “na bilang ninong ni Maria Clara ay hindi siya makakapayag na . . . ngunit sa
palagay ko, kung hihingi lamang ng tawad sa kaniya si Ginoong Ibarra ay maaayos ang lahat.”
Tumayo si Maria Clara at nagpaalam upang pumasok sa kaniyang silid na kasama si
Victorina.
“Kung hindi siya patawarin ni Padre Damaso?” tanong ni Kapitan Tiago.
“Kung magkakagayon. . . maiintindihan naman ni Maria Clara. Tutal ninong at
kompesor niya si Padre Damaso. Pero sa palagay ko ay maaayos naman ang lahat.”
Walang ano-ano ay may narinig na mga yabag. Pumasok si Ibarra na kasunod si Tiya
Isabel. Ang pagdating niya ay nagbunga ng iba’t ibang epekto sa mga dinatnan. Magiliw niyang
binata si Kapitan Tiago na ang anyo ay alangang mangiti-ngiti o maluha-luha. Magalang siyang
yumukod kay Linares. Tumayo naman si Padre Salvi at buong galang at lugod na iniabot ang
kamay kay Ibarra na kinapansinan ng pagtataka.
Huwag kang magtaka,” wika ni Padre Salvi. “Ang totoo ay labis kitang pinupuri sa
kanila.”
Nagpasalamat si Ibarra at nilapitan si Sinang.
“Saan ka ba nagsuot maghapon?” tanong na may kapilyahan ng babae.
“ Tanong kami nang tanong sa sarili namin kung saan napasuot ang kaluluwang kahahango pa
lamang sa purgatoryo. At siyempre naman may iba’t iba kaming palagay.”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


68

“Pwede bang malaman kung ano-ano ang mga iyon?”


“Hindi pwede! Sekreto ‘yon. Pero sasabihin ko sa iyo kung tayong dalawa na lamang. O,
ngayon . . . sabihin mo nga kung saan ka nagsuot maghapon para naman malaman namin kung
sino ang tama sa amin.”
“Hindi pwede sekreto din iyon. Pero ipagtatapat ko sa iyo kung pagpapaumanhinan tayo
ng mga ginoong naririto.
“Siyempre! Siyempre!” salo ni Padre Salvi. “ Talagang dapat lang ang ganiyan.
Inaasahan na namin iyan!”
Niyaya ni Sinang si Crisostomo sa kabilang dulo ng salas. Sabik na sabik siyang malaman ang
lihim na sinabi ng binata.
“T apatin mo nga ako. Galit ba sa akin si Maria?
“Ewan ko. Pero lagi’t lagi niyang sinasabi na makabubuti pa sa iyong limutin mo na siya,
at pagkatapos ay bibirahan ng iyak. Gusto siyang ipakasal ni Kapitan Tiago sa binatang iyon .
Pati si Padre Damaso. Pero wala pa namang isinasagot si Maria Clara na oo o hindi.
Kaninang umaga, nang pinag-uusapan ka namin . . . at nang sabihin kong baka may iba ka nang
nililigawan ay sinabi niyang ‘sana nga . . . pagkatapos ay binirahan ng iyak.
Naging seryoso ang anyo ni Ibarra.
“Pakisabi kay Maria na gusto ko siyang makausap nang sarilinan.”
“Sarilinan? Kunot ang noo at may pagtataka ang tingin ni Sinang.
“Kaming dalawa lamang. Ngunit ayokong kaharap ang binatang iyon.”
“Mukhang mahirap. Pero huwag kang mag-alala. Sasabihin ko.”
“At kailan ko malalaman ang sagot?”tanong ng binate.
“Bukas. Pumunta ka sa bahay namin bukas. Ayaw ni Maria nang nag-iisa. Lagi namin siyang
sinasamahan. Isang gabi ay si Victoria ang kasama niyang matulog. Kinabukasan naman nang
gabi ay ako. Bukas ay toka ko. Hintay nga pla . . ano ba ang lihim na ipagtatapat mo? Baka
makaalis ka nang hindi mo naihahayag ang pinakamahalagang bagay na iyan?”
“Siya nga pala! Nagpunta ako sa Los Baños. Magtatayo ako ng pabrika ng langis ng
niyog. Magiging kasosyo ko ang ama mo,”sagot ni Ibarra
“Iyon lang ba? Pambihira namang lihim yan!” bulalas ni Sinang na sa tono ng salita ay
para bang isang nagpapautang ng five-six na nasuba. “ akala ko pa naman ay. . .”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


69

“Konting ingat lang sa pagsasalita. Ayaw kong ipamalita mo iyan. . .”


“Para que pa?” nakaungos ang labing agaw ni Sinang. “ kung mahalaga sana ang sikreto
mo . . . baka maidaldal ko agad sa mga kaibigan ko. Pero pabrika ng langis ng niyog! Sus!
Niyog? Sinong magiging interesado sa niyog?”
At binirahan ng alis upang tunguhin ang mga kaibigan.
Di nagtagal at nagpaalam na si Ibarra. Nang umalis siya ay naiwang masayang-maasim ang
mukaha ni Kapitan Tiago. Mamata-mata lamang at walang kibo si Linares. Ang kura paroko
naman ay kuwento nang kuwento at wala isa sa mga babae ang muling lumabas.

Gawain 1 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa tekstong binasa.
1. Bakit nabalisa si Linares pagkatapos mabasa ang liham ni Donya Victorina?
2. Ano sa palagay mo ang magiging hakbang ni Linares upang hindi magalit si Donya
Victorina?
3. Ano ang dalang balita ni Padre Salvi na pumigil sa pag-iisip ni Linares?
4. Ano ang kapansin-pansin kay Padre Salvi nang araw na iyon?
5. Ano ang naging reaksiyon ni Ibarra at Kapitan Tiago sa pagbabagong kilos ni Padre
Salvi?
6. Ano sa palagay mo ang dahilan ng kaniyang pagbabago?
7. Ano naman ang pagbabagong mapapansin kay Maria Clara?
8. Sa iyong palagay, tunay bang ayaw na ni Maria Clarang umibig kay Ibarra?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 2 Panuto: Sa bawat bilang ay may tatlong salita, gamit ang bilang 1 hanggang 3 ay
iantas ang mga ito sa tamang hanay ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito. Ang bilang na
tatlo ang may pinakamataas na antas.
asawa namasukan pagbibigay alam
misis nagtrabaho pagsasabi
maybahay nanilbihan pagtsismis

magbintang katuwaan
magparatang kagalakan
maghinala kaligayahan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


70

Gawain 3
Panuto: Ano sa tingin mo a ng nararamdaman ng mga tauhan sa bawat sitwasyon? Bilugan ang
letra ng iyong sagot.
1. Ito ang mga sinambit at kinilos ni Linares matapos niyang mabasa ang sulat ni Donya
Victorina: “Pero paano?” usal niya sa sarili habang palakad-lakad at bumaba-umakyat.
“Sakaling mainit ang ulo ng tenyente pag pinuntahan ko? E, kung ang ginang niya ang
maratnan ko? At sino ang papayag na maging alalay ko sa duwelo?
Ano kaya ang nararamdaman ni Linares sa pagkakataong ito?
a. Matinding galit kay Donya Victorina
b. Matinding takot kay Donya Victorina

2. “Kanino bang ideya itong napasok-pasukan kong ito? Ang magyabang . . . magpanggap?
Ano na ang sasabihin sa akin ni Binibining Clarita? Ito ang napala ko sa paghahambog na
pansariling kalihim ng lahat ng miyembro ng gabinete!”
Anong damdamin naman ang naghari nang sabihin niya ang pahayag na ito?
a. pagkamangha
b. pagsisisi

3. “Makinig kayo” wika ni Padre Salvi habang pumapasok sa salas na sinisundan nina
Linares at Kapitan Tiago. “May magandang balita ako sainyong lahat.
Tumanggap ako ng sulat mula Maynila na nagpapatunay sa sulat na ipinabasa sa akin
kahapon ni Ginoong Ibarra. Samakatwid, Don Santiago, ay hindi na ekskumulgado si
Ginoong Ibarra at wala nang sagabal sa kasal.”
Ang tinurang ito ni Padre Salvi ay ikinagulat ng mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago,
ano kaya ang nararamdaman ng kura nang winika niya ito?
a. Masaya b. natatakot
4. Ibarra: “Tapatin mo nga ako. Galit ba sa akin si Maria?”
Sinang: Ewan ko. Pero lagi’t lagi niyang sinasabi na makabubuti pa sa iyong limutin mo
na siya, at pagkatapos ay binirahan ng iyak”
Batay sa usapang ito, ano ba talaga ang totoong damdamin ni Maria Clara kay Ibarra?
a. Nais niya talagang limutin na siya ni Ibarra dahil galit siya rito.
b. Ayaw niyang limutin siya ni Ibarra dahil mahal niya ito.

5. “Iyon lang ba? Pambihira namang lihim yan!” bulalas ni Sinang na sa tono ng salita ay
para bang isang nagpapautang ng five-six na nasuba. “ akala ko pa naman ay. . .”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


71

Ano ang nararamdaman ni Sinang pagkasambit nito?


a. pagkadismaya
b. pagkalungkot

Gawain 4 Panuto: Umisip ng mga salitang magkakasingkahulugan. Pangkatin ang mga ito sa
lima. Gawing apat hanggang limang salita sa bawat pangkat. Ihanay ang mga ito ayon sa antas
ng pormalidad ng kahulugan.
Halimbawa: 4. Humagulgol
3. tumangis
2. umiyak
1. lumuha

Pangwakas
Ang natutunan ko sa araling ito ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 14
Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa tunggalian ng mga
tauhan
Note: Practice Personal Hygiene sa akdaat all times.
protocols
72

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsulat ng iskrip ng isang Mock Trial

Panimula (Susing Konsepto)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


73

May pagkakataon bang narinig moa ng salitang SABWATAN? Ano-anong mga ideyang
pumapasok sa iyong isip nang marinig moa ng salitang ito? Isulat ito sa graphic organizer sa
ibaba.

SABWATAN

Sa iyong palagay, madali bang patunayan ang isang sabwatan? Bakit OO o bakit HINDI?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Kasanayang Pampagakatuto at Koda
Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa tunggalian ng mga tauhan sa akda*
F9PU-IVd-60

Panuto: Basahin ang kabanatang ito ng nobelang Noli Me Tangere at pagkatapos ay sagutin
ang mga sumusunod na tanong.

Ang Sabwatan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


74

Inihuhudyat ng mga kampana ang orasyon, at ang bawat makarinig ay huminto sa


anumang ginagawa. Pinahinto ng magsasakang papauwi mula sa bukid ang paglakad ng kalabaw
at umusal siya ng panalangin. Ang mga babae sa lansangan ay nagsipagkurus at sa pagkimbot ng
kanilang mga labi hindi mapag-aalinlanganan ang kanilang kabanalan. Huminto sa paghimas ng
sasabungin ang manunugal at nag-orasyon para suwertihin sa sugal. Malakas naman ang
pagdarasal ng "Aba Ginoong Maria" sa loob ng mga tahanan kaya't hindi marinig ang iba pang
ingay.
Subalit ang nakasumbrerong kura ay patuloy sa paglalakad sa gitna ng daan kaya't gayon
na lamang ang pagtataka ng matatandang babae, lalo na nang makita nilang patungo iyon sa
bahay ng komandante. Ni hindi pinansin ni Padre Salvi ang mga banal na babaeng tumigil sa
pagdarasal at nagtangkang humalik sa kaniyang kamay. Ngayon ay wala siyang matamong
kasiyahan sa kinaugaliang pagdiriit ng kaniyang butuhang kamay sa ilong ng ilang Kristiyano at
sa lihim na pagpapadausdos nito (ayon sa pagmamasid ni Donya Consolacion) sa dibdib ng ilang
kaakit-akit na dalagang yumuyukod upang kaniyang mabasbasan. Malamang na may mas
mahalagang pinagkakaabalahan ang kaniyang isip dahil nalimutan na niya ang sarili niyang mga
interes at ang kapakanang simbahan.
Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan ng bahay ng komandante at kumatok nang
sunod-sunod sa pinto. Nakasimangot na lumabas ang puno ng guardia civil kasabay ng asawang
may nakatutuyang mga ngiti.
"A, Padre! Talagang papunta ako sa inyo. 'Yong kambing..."
"May mas mahalaga akong ipinarito ..."
"Hindi ko talaga mapapayagang sirain ng mga alaga ninyo ang aking bakod. Babarilin ko
ang kambing na iyon sa susunod na makita ko."
“Kung buhay pa kayo bukas," wika ng prayleng humihingal at nauna nang pumasok sa
kabahayan ng pinuno.
"Ano? Sa palagay ba ninyo ay kaya akong patayin ng pipituhing buwang batan (Si Linares ang
tinutukoy niya sa utos ni Donya Victorina- ng isang laban)? Sisipain ko siya nang matauhan.
Napaurong si Padre Salvi at napatingin sa bota ng komandante.
"Sino ba ang tinutukoy ninyo?"
"Sino pa kundi ang gagong binatang iyon na humamon sa akin ng barilan sa isang duwelo
sa agwat na sandaang hakbang?"
"A, si Linares," buntong-hininga ng kura bago nagpatuloy. “Naparito ako para pag-
usapan natin ang isang mahalagang bagay."
"Huwag n'yo akong abalahin ng tungkol sa mga kaso ninyo. Siguro ay isa na naman 'yang
istoryang gaya n'ong dalawang batang lalaki."

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


75

Napuna sana ng komandante ang pamumutla ng prayle kung ang liwanag sa silid ay hindi
nagmumula sa isang ilawang-langis at kung hindi rin napakarumi ng saklob nito.
“Ngayon," bulong ng kura, "ay tungkol ito sa napakahalagang bagay sa ating buhay."
"Mahalaga?" ulit ng pinunong unti-unting namumutla. "Mahusay bang bumaril ang
binatang iyon?"
"Hindi siya ang tinutukoy ko."
"Sino kung gayon?"
Sinulyapan ng prayle ang pinto, kaya't gaya ng kinaugalian ay sinipa iyong pasara ng
komandante. Kinulang ang mga kamay ng pinuno para matakpan ang kaniyang tainga pagkat
napakalakas na pagmumura at atungal ang umalingawngaw mula sa likod ng pinto.
"Bruto! Bubukulan mo ako!" sigaw ni Donya Consolacion. "Ngayon." Wika ng
komandante sa kura na parang walang ano mang nangyari, "sabihin na ninyo."
Maluwat siyang tinitigan ng prayle, at nagtanong sa bahaw na tinig:
"Nakita ba ninyo ako sa patakbong pagparito?"
"Natural, akala ko nga'y mapapadumi kayo."
"Buweno," sagot ng kurang di pinansin ang kagaspangan ng pinuno.
“Nakalilimot ako sa sarili para sa mas makabuluhang bagay."
"Ano pa?" tanong ng komandanteng pumapadyak na.
"Huwag kayong mabahala."
"Bakit nga kayo nagtatakbong pumarito?"
Lumapit nang bahagya ang prayle at mahiwagang nagtanong:
"Wala ba kayong nababalitaang bago?"
Nagkibit ng balikat ang pinuno.
“Ang gusto ba ninyong sabihin ay ang tungkol kay Elias na pinatuloy ng sakristan n'yo
kagabi?" usisa ng komandante.
"Hindi. Hindi tungkol sa kung ano-anong katha-katha ang sinasabi ko," paiwas na sagot
ng kura. "Ang tinutukoy ko ay isang malaking kapahamakan."
"Kung gayon ay sabihin na ninyo!"
Ngayon," marahang wika ng prayleng may bahid ng pagkasuklam, "mapapatunayan
ninyo kung gaano kahalaga kaming mga prayle. Higit na importante ang isang ordinaryo naming
kapatid kaysa isang rehimento ng mga sundalo, o kaya’y ang isang pari..."
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
76

Pagkatapos ay mahiwagang bumulong:“Natuklasan ko ang isang malaking sabwatan."


Napatayo ang komandante at tinitigan ang prayle.
"Isang malaki at plinanong sabwatan ang magaganap ngayon ding gabi."
"Ngayong gabi!" sigaw ng komandanteng biglang nilukso ang prayle. Patakbong kinuha
ang kaniyang rebolber at sableng nakasabit sa dingding.
"Sino ang aarestuhin ko?" sigaw niya. "Sino?"
“Huminahon kayo. May oras pa, salamat sa kabilisan ko. Mamayang alas- Otso
"Babarilin ko silang lahat."
"Makinig kayo, kaninang hapon ay isang babaeng hindi ko masabi ang pangalan (lihim
ito ng kumpisalan) ang nagsadya sa akin at sinabi ang lahat. Mamayang alas-otso ay bigla nilang
sasalakayin ang kwartel, lulusubin ang kumbento, aagawin ang bangkang pamatrulya, at lilipulin
tayong lahat ng mga Kastila."
Nalilito ang komandante.
"Wala nang sinabi pa ang babae," patuloy na wika ng prayle.
"Wala nang ibang sinabi? Kung gayun aarestuhin ko siya." "Hindi ako makapapayag.Ang
kumpesyonaryo ay siyang trono ng awa ng Diyos."
"Wala akong pakialam sa Diyos ni sa awa Aarestuhin ko siya." "Nalilito kayo Ang
kailangan ninyong gawin ay paghandaan ang mangyayari. Tahimik ninyong paghintayin ang
inyong mga sundalo. Bigyan n'yo ako ng apat na sibil na siyang magbabantay sa kumbento at
bigyan ng babala ang mga tauhan ng patrulya."
"Wala rito ang patrulya. Hihingi ako ng tulong sa ibang garison."
"Huwag, huwag n'yong gagawin 'yon; kapuna-puna, at hindi na nila itutuloy ang kanilang
binabalak. Ang mahalaga'y mahuli n'yo sila nang buhay at inyong makausap o kaya'y
mapagsalita n'yo sila. Ako, bilang isang pari, ay di dapat mapasangkot sa ganitong mga bagay.
Mag-ingat kayo! Pagkakataon na n'yo itong mapataas ang tungkulin at magtamo ng karangalan.
Ang hiling ko lamang ay huwag na ninyong irekord na ako ang nagbabala sa inyo."
"Marerekord ito, Padre, at makikita na lamang ninyo ang mitra sa inyong manggas ng
kaniyang uniporme. ulo," tugon ng nasisiyahang komandante habang masusing tinititigan ang…
“Kung gayon ay padadalhan n'yo ako ng apat na sundalong nakasibilyan, e? Mag-iingat
kayo. Ngayong alas-otso ng gabi, ang pag-asenso't karangalan!"
Samantala, isang lalaki ang tumatakbong nagtungo sa bahay ni Ibarra at nagmamadaling
umakyat sa hagdan.
"Nariyan ba ang inyong senyorito?" tanong ni Elias sa isang utusan.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
77

'Nasa kanila pong aklatan."


Upang hindi mainip sa paghihintay ng oras ng dalaw niya kay Maria Clara ay minabuti ni
Ibarrang gumawa sa kanyang aklatan."
"A, ikaw pala, Elias," bulalas niya. "Naiisip nga kita. Kahapon ay nalimutan kong itanong
ang pangalan ng Kastilang may bahay na tinirhan ng iyong lolo."
"Ginoo, hindi ako naparito para sa sarili kong kapakanan."
"Tingnan mo, patuloy ni Ibarra ng hindi napupuna ang pagkabalisa ng kaharap. "May
mahalaga akong natuklasan, wika ni Ibarra habang inilalapit sa apoy ang kapirasong kawayan.
Ang kawayang ito ay hindi nasusunog .”
"Hindi ang kawayang iyan ang mahalaga ngayon. Kailangan tipunin ninyo ang lahat ng
papeles ninyo at umalis kayo kaagad."
Nagtatakang tiningnan ni Ibarra si Elias, at nang mapuna niyang seryoso iyo ay binitiwan
ang kaniyang hawak
"Sunugin ang anumang makapaghahamak sa inyo at magtungo kayo sa isang ligtas na
lugar sa loob ng isang oras. Itago ang lahat ng inyong mahahalagang bagay. Sunugin ang lahat
ng papeles na sinulat ninyo o ipinadala sa inyo, ang pinakawalang kabuluhan ay maaaring
gamitin laban sa inyo."
"Ngunit bakit?" "Pagkat ngayon-ngayon lamang ay natuklasan ko ang isang binabalak na
pag-aalsa at kayo ang mapagbibintangan at mapapahamak."
"Isang pag-aalsa? Nino?"
"Hindi ko na nakuhang alamin pa kung sino ang may pakana Kani-kanina lamang ay
kausap ko ang isang taong binayaran para sumama sa pag-aalsa, at hindi ko na siya
nakumbinsing umurong."
"Hindi ba niya sinabi kung sino ang nagbayad sa kaniya?
"Opo. Pinapangako niya akong ilihim ito, at sinabi niyang KAYO ang nagbayad."
"Diyos ko! Biglang nasabi ng nahintakutang si Ibarra.
"Ginoo, madali na kayo; huwag na tayong mag-aksaya ng oras; maaaring maganap ang
pag-aalsa ngayon ding gabing ito."
Nakapamulagat si Ibarra at sapo ng mga kamay ang ulong tila di narinig ang sinabi ni
Elias.
"Hindi na mapipigil pa ang pagsalakay." patuloy ni Elias. "Naabala ako sa pagparito.
Hindi ko kilala ang namumuno. Iligtas ninyo ang inyong sarili alang- alang sa inyong bayan!"

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


78

"Saan ako pupunta?" tanong ni Ibarra, at nagunita niya si Maria Clara. "May dadalawin
ako ngayong gabi."
"Magtungo kayo sa ibang bayan, sa Maynila, sa bahay ng ilang opisyal, kahit saan,
huwag lamang dito para hindi nila masabing kayo ang namumuno sa pag-aalsa."
"At kung ako mismo ang magsuplong sa kanila?"
"Kayo ang magsusuplong?" malakas na sabi ni Elias na napaurong at di makapaniwala.
"Ipalalagay kayong traidor at duwag ng mga nagsabwatan, at taksil ng iba pa. Sasabihing
inumangan n'yo sila ng bitag para sa sarili ninyong kapakanan; sasabihing..."
"Pero, ano ang gagawin ko?" "Sinasabi ko na sa inyo. Sunugin ang lahat ng mga papeles
ninyo na makapagpapahamak sa inyo. Lumayo muna kayo at maghintay sa iba pang
mangyayari."
"Paano si Maria Clara?" bulalas ng binata. "Hindi, madadaling lalo akong mamamatay!"
Nagpilipit ng mga kamay si Elias dahil sa pagkabalisa.
"Kung gayon ay ipagtanggol na lamang ninyo ang sarili sa unang dagok.
Paghandaan ninyo ang mga maaaring ibintang sa inyo."
Nalilitong nagpalinga-linga si Ibarra.
"Kung gayon ay tulungan mo ako. Nasa portpolyong iyon ang sulat ng aking pamilya.
Kunin mo ang mga sulat ng aking ama, ang mga iyon ang maaaring makapagpahamak sa akin.
Basahin mo ang mga lagda."
Ang nababaghan at natatarantang binata ay nagbukas-sara ng mga kahon, tinipon ang
mga papeles, madaliang binasa ang mga sulat, pinunit ang ilan at itinago ang iba, kinuha ang
ilang aklat at binuklat-buklat. Gayon din ang ginagawa ni Elias na di gaanong nalilito bagamat
buong sigasig na gumagawa. Napatigil siya, tinitigan ang isang papeles na hawak at nagtanong
sa nanginig na boses:
"Kilala ba ng inyong pamilya si Don Pedro Eibarramendia?"
"Oo," sagot ni Ibarra habang binubuksan ang isang kahon at inilalabas ang isang bunton
na mga papeles, "siya ang lolo ko sa tuhod."
"Ang inyong lolo sa tuhod, Don Pedro Eibarramendia?" ulit at maliwanag na nagdidilim
ang mukha.
"Oo," pawalang-bahalang sagot ni Ibarra. "Pinaikli namin ang apelyido; napakahaba
kasi."
"Baskongado ba sila?"
"Isang baskongado? Ngunit ano ang nangyari sa iyo?" nagtatakang usisa ni Ibarra
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
79

Pasuntok na idiniin ni Elias ang mga kamay sa kaniyang noo at pinandilatan si Ibarra.
Napaurong ang binata pagkakita sa anyo ng mukha ni Elias.
“Kilala ba ninyo kung sino si Don Pedro Eibarramendia? Nanggigigil niyang tanong. "Si
Don Pedro Eibarramendia ang walang hiyang nagparatang at humamak sa aking lolo, at siyang
naging dahilan ng lahat ng aming kasawian. Ang pangalang iyan ang aking pinaghahanap.
Itinuro kayo sa akin ng Diyos, Sagutin mo ngayon sa akin ang lahat ng aming kasawiang-palad!"
Nanghihilakbot na tiningnan ni Crisostomo si Elias, ngunit niyugyog siya niyon sa bisig
at buong pait at pagkasuklam na winika:
"Masdan ninyo akong mabuti; makatarungan bang ako'y magtiis samantalang kayo'y
buhay, nagmamahal, may kayamanan, may tahanan, at karangalan-kayo'y buhay, buhay!"
Wala sa sariling tinakbo ni Elias ang koleksiyon ng mga armas, subalit kadarampot pa
lamang niya ng dalawang balaraw ay binitiwan niya ang mga iyon at tila baliw na tinitigan si
Ibarra na nanatiling walang kakilos-kilos.
"Ano ang dapat kong gawin?" bulong niya at patakbong umalis sa bahay.

Gawain 1Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na hango sa nobela.


1. Ano ang mga bagay na nakaligtaan ni Padre Salvi nang araw na iyon dahil sa kaniyang
pagmamadali?
2. Masaya ba siyang tinanggap ng kaniyang pinuntahan? Ilarawan ang pagtanggap sa kaniya.
3. Ano ang kaniyang sadya sa alperes?
4. Bakit ayaw ni Padre Salving humingi ng tulong ang alperes sa garison?
5. Ayon kay Padre Salvi, paano nakarating sa kaniya ang impormasyon tungkol sa sabwatan?
6. Maliban sa mga taong kasama sa pagpaplano, si Padre Salvi, at ang alperes, sino pa ang
nakaaalam ng tungkol sa sabwatan?
7. Totoo ba ang sabwatan o gawa-gawa lamang? Ipaliwanag ang iyong sagot.
8. Bakit humangos si Elias kay Ibarra? Mahalaga ba ang pakay niya? Ilahad ito.
9. Kung ikaw si Elias, tutulungan mo rin ba si Ibarra? Ipaliwanag ang iyong sagot.
10. Sino ang naisip ni Ibarra habang naghahanda sila ni Elias
11. Sino si Don Pedro Eibarramendia? Ano ang kinalaman ng Don sa buhay ni Elias?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


80

Gawain 2Panuto: Nauunawaan mo bang mabuti ang kabanatang iyong binasa? Alam mo bang
ang bawat impormasyong nakapaloob dito ay mahalaga upang mas maunawaan mo ang nobela?
Kung naunawaan mo nang mabuti ang kabanata ay buoin ang balangkas ng binasang kabanata sa
tulong ng graphic organizer.

Pamagat ng Kabanata

Mga Tauhan

Simula

Tunggalian

Kasukdulan

Wakas

Gawain 3
Palawakin Natin
Sabwatan ang tawag natin sa anumang pakikipagsapakatan o pakikipagkasunduan upang
maisakatuparan o maisagawa ang kung anuman. Kitang-kita sa kabanatang binasa natin ang
sabwatang nangyari Sa anumang larangan kapag may nangyayaring sabwatan ay talaga namang
nakalulungkot lalo na kung ang ibubunga nito ay ang kapahamakan ng nakararami. Isa sa pinag-
usapang malawakang sabwatan sa nakaraang mga taon ay ang paggamit ng PDAF o Priority

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


81

Development Assistance Fund. Ito ay pondong pinagkakaloob sa mga mambabatas upang


gamitin nila sa mga proyekto para sa mamamayan sa kani-kanilang distrito. Ang pondo ay
nanggagaling sa buwis na kinokolekta sa mga tao.
Naging isang malaking isyu ang PDAF o ang tinatawag na pork barrel noong ibinulgar
ang pakikipasabwatan ng ilang mambabatas sa mga pekeng NGO o Non-government
organization. Di umano, humihingi ng pondo ang ilang mambabatas upang ibigay sa mga
organisasyong hindi naman pala totoo. Ang motibo, di umano ay upang makaparte sila sa perang
nakuha nila na kanila namang ibinubulsa o ginagamit sa pampersonal na pangangailangan.
Nayanig ang bayan sa rebelasyong ito ng mga testigo. Ang perang pinaghirapan nila ay
hindi na nila nakukuha nang buo dahil kinakaltas na ang buwis na napupunta sa gobyerno, na
ang bahagi ay ipinopondo sa PDAE .Kung totoo ang mga alegasyon na ibinubulsa ng ilang
mambabatas ang PDAF matapos silang makipagsabwatan sa mga pekeng NGO ay tunay ngang
nakalulungkot at nakagagalit. Ang mga taong sa ating paniniwala ay siyang makatutulong sa atin
ay siya pang bumigo sa ating mga pangarap para sa ating bayan. Ang mga pangyayaring ganito
ang nagtuturo sa ating maging mapagpamatyag sa nagyayari sa bayan
Isipin mong ikaw ay isang manunulat ng iskrip. Bumuo ng isang iskrip ng mock trial na
tatalakay sa isang isyung pambansa-ang malawakang sabwatan sa pagitan ng ilang tao sa
gobyerno at ilang pekeng Non-government Organization upang magamit ang PDAF o pork
barrel. Magsaliksik ng mga ebidensiyang gagamitin sa mock trial. Gawing gabay ang mga
pamantayan sa ibaba
Rubric sa Pagsulat ng Iskrip ng Mock Trial
Mga Pamantayan Marka
Sarili Guro
Ang iskrip ng mock trial ay payak, malinaw at hindi maligoy.
Naglalaman ito ng mga ideyang laban o sang-ayon.
Nagpapakita ito ng epektibong paglutas sa suliraning maaaring makabubuti sa lahat.
Kabuoang Puntos
5 – Napakahusay 2- Di-gaanong mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang Di-mahusay
3- Katamtaman ang husay

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 15
Nagagamit
Note: Practiceang mga angkop
Personal Hygienena ekspresyon
protocols at all sa pagpapahayag ng
times.
-damdamin at
- matibay na paninindigan
82

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Angkop na ekspresyon sa Pagpapahayag ng damdamin

Panimula (Susing Konsepto)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


83

Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipong


mga kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang maipagpatuloy ang iyong
pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa panitikan ng Asya
kung saan kabilang ang ating bansa. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga
magulang at kapatid.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng:
- damdamin
- matibay na paninindigan F9WG-Ivd-60

Panuto: Basahin ang kabanatang ito at pagkatapos ay sagutin ang mga inihandang
Gawain.
MADALING kumalat ang balita sa buong bayan na maraming ilaw ang nakita sa
libingan nang nakaraang gabi.
Ang puno ng samahan ng mga manang ay nagbalita tungkol sa nasisindihang mga
kandila. Ayon sa kaniya'y mga dalawampu iyon at inilarawan pa niya ang hugis at laki ng mga
kandila. Hindi matiis ni Sister Sipa ng Confraternidad ng Kabanal-banalang Rosario na isang
miyembro ng kakumpitensiyang organisasyon ang tanging nakasaksi sa makalangit na babala.
Kaya't kahit na malayo ang kaniyang bahay sa sementeryo ay naibalita niyang may umiiyak at
nagbubuntong-hininga roon, at nakilala pa niya ang tinig ng ilang kakilala na minsa'y
kaniyang ... ngunit alang-alang sa pagiging Kristiyano ay hindi lamang niya sila pinatawad kundi
ipinagdasal pa. Inilihim pa niya ang kanilang mga pangalan. Sumang-ayon ang lahat na ang
gayon ay hindi mapag-aalinlanganang kabanalan. Totoong hindi gaanong matalas ang pandinig
ni Sister Rufa, pero hindi siya makapapayag na si Sister Sipa lamang ang may narinig.
Ikinuwento naman niya ang mga kaluluwang kaniyang napanaginip. Mga kaluluwa, hindi
lamang ng patay kundi ng buhay man, at hiniling ng mga kaluluwang naghihirap na bahaginan
niya sila ng mga indulhensiyang maingat niyang natipon at inirekord. Puwede niyang sabihin ang
pangalan nila sa kani-kanilang pamilya kapalit ng kaunting abuloy para sa pang-araw-araw na
pangangailangan ng Papa.
Isang batang lalaking nagpapastol ng mga kalabaw ang nangahas na makipagtalo ng
isang ilaw lamang at dalawang lalaking nakasumbrero ng buring tulad ng sa mga magsasaka ang
kaniyang nakita. Kamuntik na tuloy siyang magulpi. Isinumpa niyang nagsasabi siya ng totoo
mamatay man ang kaniyang mga kalabaw ngunit hindi rin siya pinaniwalaan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


84

"Mas marunong ka pa ba sa puno ng Confraternidad at sa mga manang, ikaw na isang


mason at erehe?" Minura nila ang bata at pinukol ng matalim at naghihinalang mga tingin.
Ang kura ay minsan pang nagsermon ng tungkol sa purgatoryo; at minsan pa ring
lumabas ang mga piso mula sa kanilang pinagtataguan upang ipagmisa sa mga namatay.
Samantala, nakikipag-usap si Don Filipo sa may sakit na si Pilosopong Tasyo. Matagal nang
nararatay ang matandang pantas gawa ng katandaan. "Talagang hindi ko malaman kung babatiin
ko kayo ngayong pinayagan na kayong magbitiw sa inyong tungkulin. Nang walang kahiya-
hiyang balewalain ng kapitan ang pasiya ng nakararami ay dapat lamang na mag-resign kayo.
Pero ngayong may laban kayong mga guardia civil ay hindi dapat. Sa panahon ng digma ay
nararapat manatili sa kaniyang puwesto ang pinuno."
"Siguro, pero hindi rin, kung ang nakatataas na pinuno ang siya pang nagkanulo," tutol ni
Don Filipo, "Gaya nang alam na ninyo, kinabukasan ng pista ay pinalaya ng kapitan ang
naipakulong kong mga sundalo, Mula noon sumang ayon sa aking puno. Ay ayaw na niyang
makialam sa kasong iyon. Wala akong magagawa kundi….”
“Kung nag-iisa kayo'y wala nga. Ngunit marami kung kasama ninyo ang iba pa.
Pagkakataon na sana ninyong makapagbigay ng halimbawa sa ibang mga bayan. Ang karapatan
ng tao ay nakahihigit sa katawa-tawang kapangyarihan ng kapitan. Isang magandang
pagkakataon ang inyong pinakawalan,"
"Ano ang magagawa ko laban sa kinatawan ng may personal na mga interes? Tingnan na
lamang ninyo si Ginoong Ibarra; umayon siya sa paniniwala ng karamihan, pero sa palagay ba
ninyo ay naniniwala siyang talaga sa ekskomuniyon?"
“Magkaiba kayo ng kalagayan. Gustong makapagtanim ng mga ideya si Ginoong Ibarra
at upang magawa niya iyon ay kailangan niyang magyuko ng ulo at makisama. Ang tungkulin
naman ninyo ay yanigin ang naghaharing sistema at nangangailangan iyan ng lakas at pagtitiwala
sa sarili. Isa pa, hindi kayo sa kapitan nakikipaglaban kundi sa mga pinuno ng bayang umaabuso
sa kanilang kapangyarihan, sa mga nanggugulo sa katahimikan ng madla at hindi nakagaganap sa
kanilang mga tungkulin. Kung ang mga ito ang inyong ipinakikipaglaban ay tiyak na may mga
makikiisa sa inyo. Malaki na ang ipinagbago ng ating bayan di gaya ng dalawampung taong
nakaraan."
"Talaga bang naniniwala kayo d'yan?" usisa ni Don Filipo.
"Hindi ba ninyo nadarama ang katotohanang iyan?" patanong na sagot ng matandang
lalaking sumandal sa kama. "Iyan ay gawa ng kawalan ng kaalaman sa nakaraan. Hindi ninyo
napag-aralan ang mga bunga ng pandarayuhan mula sa Espanya, ang epekto ng pagpasok sa
bansa ng bagong mga aklat, at ang pagtungo ng maraming kabataan sa Europa mula nang
mabuksan ang Suez Canal.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


85

"Magmasid kayo at magsuri. Totoong naririyan pa rin ang kamahal-mahalan at


mabunying Unibersidad ng Santo Tomas at mga dalubhasa nitong mga guro. May mga palaaral
pa rin sa pilosopiya, subalit naglaho na ang kabataan ng ating kapanahunan na ang hinaharap
pag-aralan ay ang metapisikang itinuturo sa makalumang pamamaraan. Namatay silang hindi
nauunawaan ang lalong mahalaga o ang paglutas ng problemang ukol sa diwa at materyal. Ang
pagtatalo ukol dito ay nakapagpalimot sa atin ng lalong mahalaga ang ating pagkatao at
pagkakakilanlan.
"Tingnan ninyo ang ating kabataan ngayon. Puno sila ng sigla at nakatanaw sa malayo.
Nag-aaral sila ng kasaysayan, matematika, heograpiya, panitikan, pisika, wika, at lahat ng
kursong pinangingilabutan noon pagkat ipinalalagay na laban sa pananampalataya. Minamata
ang ganitong mga kurso nang kapanahunan ko. Subalit sa wakas ay namulat ang tao sa
katotohanang siya ay tao. Tinalikuran na niya ang pagsusuri sa kani yang Diyos at sa mga bagay
na hindi nakikita. Sa wakas ay naunawaan ng tao na ang pamana niya'y ang buong mundong
maaari niyang pagharian. Napagod na siya sa walang kabuluhan at mapangahas na gawain.
Yumuko na siya at minasdan ang kaniyang kapaligiran.
"Pansinin ninyo ang kasiglahan ngayon ng ating mga makata; natutuklasan na ang yaman
ng kalikasan at unti-unting nagkakabunga ang ating mga pagpapagod. Kinakitaan na ng mga
unang bunga ang pagsubok sa siyensiya. Panahon na lamang ang kailangan upang mahinog ang
mga iyon. Ang mga bagong abugado ay hinuhubog sa nababagong disiplina ukol sa Pilosopiya
ng Batas. Ang ilan sa kanila ay naghandog na ng liwanag sa mga hukuman, at ito ay tanda ng
malaking pag-unlad sa ating panahon. Pakinggan ninyong magsalita ang kabataan; bisitahin
ninyo ang mga paaralan; umaalingawngaw na sa mga dingding ng paaralan ang iba pang mga
pangalan. Samantalang nang kapanahunan namin ay mga pangalan lamang nina Sto. Tomas,
Suarez, Amat, Sanches, at iba pang pilosopo sa eskolatisismo ang maririnig. Wala nang
magagawa ang pagsesermon sa pulpito ng mga prayle tungkol sa pagbaba ng moralidad, tulad ng
pagrereklamo ng tindera ng isda sa kakuriputan ng mamimili, pagkat hindi niya alam na bulok na
ang kaniyang paninda. Nagtatayo ng marami pang kumbento sa malalayong bayan upang dito
pigilin ang paglaganap ng mga bagong ideya, ngunit sila'y nabigo sapagkat panahon na para
mawala ang mga bathala.
"Puwedeng mapatay ng ugat ng puno ang mga dapong halaman niya, ngunit hindi niya
mapapatay ang iba pang buhay gaya ng mga ibong makakalipad sa himpapawid."
Masigla sa pagsasalita ang iskolar. Nagniningning ang kaniyang mga mata. "Gayunman,"
tutol ng nagdududang si Don Filipo, "kakaunti pa ang balon ng nasabing mga bagong kaalaman;
kung gagamitin nang lahat ay baka mapigil ang pag-unlad na siyang pinagbayaran natin ng
mahal."
"Pigilin ito? Nino? Ng masasakiting unano, ng tao, susupilin ang pag-unlad na siyang
anak ng panahon at paggawa? Kailan pa niya ito ginawa? Ang mga aral, garote, ang lagablab ng
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
86

inquisition na nagtangkang pumigil sa pag-unlad ay lalong nakapagpasulong doon. Gayunman ay


kumikilos' sabi nga ni Galileo nang ipinaaamin sa kaniya ng mga Dominiko na hindi umiikot ang
mundo sa paligid ng araw.
"Ganiyan din ang pagsulong ng tao. Hindi ito mapipigil anuman ang mangyari. Susuko
ang ilan, may ilan pa ring mamamatay, subalit magpapatuloy ang pag-unlad at ang dugo ng mga
nabuwal ay siyang magpapasigla rito, at uusbong ang lalong malalakas na binhi.
"Tingnan na lamang ninyo ang press, kahit na ano ang gawing pagpipigil sumusulong
din. Pati mga Dominiko ay gumagaya na rin sa mga Heswitang kanilang mahigpit na kalaban.
Nagpapatayo na rin sila ng mga teatro sa kanilang mga kumbento at nagpapalikha ng mga tula,
pagkat hindi sila tanga kahit na namumuhay pa sila sa Edad Media. Napatotohanan nilang tama
ang mga Heswita kaya't sila man ay tatanghalin din sa hinaharap."
"Sabi ninyo'y hindi tutol sa progreso ang mga Heswita, pero bakit sila kinakalaban sa
Europa?" tanong ng humahangang si Don Filipo. "Sasagutin ko kayo," wika ng iskolar na
sumandal at muling ngumiti nang kakatwa. Ayon sa pilosopiya ng eskolatisismo, may tatlong
paraan ng pagtataguyod ng pag-unlad: ang mamuno, ang makiisa, at ang pahila. Ang mga
namumuno ay namamatnubay sa pag-unlad; ang ikalawang grupo ay umaayon sa pag-unlad, at
ang ikatlong grupo ay napakakaladkad sa pag-unlad. Kabilang ang mga Heswita sa ikatlong
grupo. Ibigin man nilang mamatnubay ay hindi nila kaya, pagkat humahanap ng sariling mga
lagusan ang pag-unlad, kaya't sumusunod na lamang sila upang hindi masagasaan o maiwan sa
karimlan. Tayo naman dito sa Pilipinas ay tatlong daang taon nang atrasado sa pag-unlad. Halos
hindi pa tayo nakahuhulagpos sa Edad Media. Kaya ang mga Heswitang reaksiyonaryo sa
Europa ay siya namang kinilala nating kinatawan ng progreso.
"Utang natin sa mga Heswita ang mga panimulang kaalaman sa Natural Sciences, na
siyang kaluluwa ng ikalabinsiyam na dantaon. Utang naman natin sa mga Dominiko ang
kaalaman sa Pilosopiyang Eskolastisismo na hindi na ngayon maipagpilitan ni Pope Leo XIII.
Walang papang makabubuhay sa mga bagay na pinatay na ng katwiran.
"Pero," tanong niyang nagbago ng tinig, "saan na ba nakarating ang ating pag-uusap? A,
oo, pinag-uusapan natin ang kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. Nasa sa panahon tayo ngayon
ng pakikipaglaban, kayo iyon. Nakalipas na ang aming henerasyon, at sadyang kami'y papaalis
na. Ang nagtutunggali ay ang nakaraang nanunumpa at mahigpit na nangungunyapit sa
gumuguho nang kastilyo ng piyudalismo at ang hinaharap na mula sa malayo at sa gitna ng
nagniningning na bukang-liwayway ay kariringgan ng awit ng tagumpay na hatid ang
mabubuting balita buhat sa ibang lupain. Sino ang mga babagsak at matatabunan ng mga guho
ng nakaraan?"
Natahimik ang matandang lalaki at nang mapansing nag-iisip si Don Filipo ay ngumiti
siya at nagpatuloy:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


87

"Nahuhulaan ko na ang inyong iniisip.


"Ano po?"
"Naiisip ninyong maaaring mali ako," wika niyang malungkot na nakangiti.
"Ngayon ay nilalagnat ako ngunit hindi nahihibang. Sabi nga ni Terence, tao ako
kasangkot ako sa anumang may kinalaman sa sangkatauhan. Kung makapapangarap din lamang
ay bakit nga hindi mangarap na lamang ng maiinam na bagay lalo na sa mga huling sandali ng
buhay? Saka ako'y nabubuhay lamang sa pangarap. Tama kayo; ang ating kabataan ay nag-iisip
lamang ng tungkol sa pag-ibig at kasiyahan. Mas mahaba pa ang panahong ginugugol nila sa
panlilinlang at pagdurungis sa karangalan ng isang babae kaysa sa pagbabalak ng mabuti para sa
bayan. Higit nasinisinop ng ating kababaihan ang bahay at kasambahay ng Diyos kaysa sarili
nilang tahanan. Ang kalalakihan naman ay masisigla lamang sa pagsusugal at sa pagpapababa ng
sariling pagkatao. Ang nakakagisnan ng mga musmos ay ang walang kabuluhang gawi ng
pamumuhay. Ang kabataan ay walang makitang huwaran, pagkat ang matatandaang walang
pinagkatandaan ay siya pang nakapagpapahamak sa kabataang ito dahil sa masasama nilang
halimbawa. Mabuti na lamang at mamamatay na ako."
"Gusto ba ninyong uminom ng gamot?" tanong ni Don Filipo sa hangad na ibahin ang
usapan na nakapagpadilim sa mukha ng maysakit. "Ang mamamatay na ay hindi
nangangailangan ng gamot; higit iyang kailangan ng mga maiiwan. Ipakisabi mo kay Don
Crisostomo na bisitahin niya ako bukas. May mahalagang bagay akong sasabihin sa kaniya.
Ilang araw pa'y mamamatay na ako." Pagkatapos ng ilan pang paputol-putol na pag-uusap ay
lumabas na sa silid ng maysakit si Don Filipo na malungkot at nag-iisip.
Gawain 1Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa tekstong binasa
1. Anong balita ang mabilis na kumalat sa buong bayan?

2. Sino ang nangahas magsabi ng katotohanan? Ano ang napala niya sa pagsasabi nang

totoo?

3. Anong katangian ng mga Pilipino ang luting na luting sa kabanata?

4. Bakit sinabihan ni Pilosopong Tasyo si Don Filipo na hindi ito dapat pagbibitiw?

5. Ano ang dahilan ni Don Filipo sa pagbitiw? Makatwiran ba ng kanyang dahilan?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


88

6. Ayon kay Pilosopong Tasyo, ano ang pagkakaiba ng Dominikano at Heswita pagdating

sa edukasyon?

7. Ano ang kaalamang utang natin sa mga Heswita? Sa mga Dominikano?

Gawain 2 Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Sang-ayon ka ba sa mga ito?
Mayroon pa bang kaisipang nais mong iugnay sa mga ito? Gamit ang stratehiyang Read and
React, ilahad ang iyong sariling damdamin, kongklusyon o paniniwala hinggil sa kawastuhan o
kamalian ng pahayag. Gamitan ito ng angkop na ekspresyon.
1. Read: “Ang karapatan ng tao ay nakahihigit sa katawa tawang kapangyarihan ng kapitan
(o sinumang pinuno).”
React: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Read: "...naglaho na ang kabataan ng ating kapanahunan na ang hinaharap pag-aralan ay


ang metapisikang itinuturo sa makalumang pamamaraan. Namatay silang hindi
nauunawaan ang lalong mahalaga o ang paglutas ng problemang ukol sa diwa at
materyal. Ang pagtatalo ukol dito ay nakapagpalimot sa atin ng lalong mahalaga: ang
ating pagkatao at pagkakakilanlan."
React: ______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Read: "Ganiyan din ang pagsulong ng tao. Hindi ito mapipigil anuman ang mangyari.
Susuko ang ilan, may ilan pa ring mamamatay, subalit magpapatuloy ang pag-unlad."
React:________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Read: “Ang kabataan ay walang makitang huwaran, sapagkat ang matatandang walang
pinagkatandaan ay siya pang nakapagpapahamak sa kabataang ito dahil sa masasama
nilang halimbawa.”
React: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Read: “Ang mamamatay na ay hindi nangangailangan ng gamot; higit iyang kailangan


ng mga maiiwan.”
React: _______________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


89

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 16
Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


90

GAWAING PAGKATUTO
Ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng
pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan

Panimula (Susing Konsepto)


Hindi maikakaila na ang mga akdang pampanitikan ay nagsisilbing salamin ng mga tao
sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Dito sila nakapupulot ng mga aral at magagandang
pilosopiya na maari nilang pamarisan.
Sa panig ng mga mag-aaral, ang mga akdang pampanitikan na kanilang binabasa o
napakikinggan ay nag-iiwan ng kakintalan sa kanilang isipan, ng mga mensaheng nagiging
sandata sa pakikisalamuha sa kapwa upang hindi maigupo ng mga dahas ng buhay.
Sa akdang iyong pag-aaralan ngayon ay maipakikita at matitiyak ang
pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan(nabasa) sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang
pangyayari sa kasalukuyan.
Mahigit dantaon na ang lumipas mula nang isulat ng ating pambansang bayani ang
kaniyang walang kamatayang nobelang Noli Me Tangere na naglalantad sa mga kanser ng
lipunan at naglalaman ng mga pagtuligsa sa mga prayle at sa pamahalaang Kastila dahil sa
kanilang marahas at di-makatarungang pamamahala sa bansa sa loob ng mahigit 300 taon.
Matutunghayan natin ngayon sa bahaging ito ng ating pagtalakay ang mga pangayayari
sa nakaraan na may kaugnayan pa rin sa kasalukuyan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan(nabasa) sa pamamagitan ng
pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan F9PN-IVe-f-59
Gawain 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Alam kong masasagot mo ito nang tama at
may katapatan.
1. May mga nakaaway ka na ba? Bakit kayo nagkagalit?
_________________________________________________________________________
2. Ano ang ginawa mo? At ang ginawa niya upang manumbalik ang mabuting samahan niyo?
__________________________________________________________________________
3. Magbigay nga limang ilang paraang dapat gawin upang maiwasan ng isang tao na magkaroon
ng kaaway.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


91

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Ngayon ay iyong basahin ang Kabanata 33 ng Nobelang Noli me Tangere -ang usapan sa
pagitan ng mga tauhang Ibarra at Elias. Pagkatapos ay susuriin at hihimay-himayin natin ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga naihandang tanong.

Ang Malayang Pag-iisip


Halos katatapos pa lamang ni Ibarra sa pag-aayos ng mga gamit nang ipaalam ng
kaniyang utusan ang tungkol sa hindi inaasahang panauhin.
“Senyor, ipagpaumanhin niyo po ngunit may isang tagabukid na nagnanais na kayo’y
makausap. Patutuluyin ko po ba?”
“Papasukin mo.”
Sa pagpasok ng kaniyang panauhin, hindi maiwasan ni Ibarra na mabigla at bago pa siya
nakakibo ay inunahan na siya ni Elias.
“Minsan niyo na pong iniligtas ang aking buhay sa panganib sa lawa. Ang ginawa
kahapon ay pagtanaw lamang ng utang na loob. Wala po kayong dapat ipagpasalamat, bagkus ay
ako pa nga ang dapat.”
“Ginoong Elias, sabihin niyo, di ko maintindihan, may maipaglilingkod po ba ako sa
inyo?” ang naitanong ni Ibarra na may halong pagtataka.
“G. Ibarra, kung sakaling magsiyasat po ang mga maykapangyarihan tungkol sa
nangyaring kababalaghan, mangayari po lamang na huwag na ninyong ibunyag ang aking
naihimatong sa inyo sa simbahan.”
“Huwag kayong mag-alala sapagkat hindi ko kayo ipag-aadya, ni ipanganganyaya.”
“G. Ibarra, ang pakiusap ko po ay hindi para sa aking kapakanan kundi para na rin sa
inyong kaligtasan at ikabubuti. Wala po akong kinatatakutan,” ang sabi ni Elias.
“Ano ang ibig niyong sabihin?” ang tanong ni Ibarra na hindi maitago ang pagkagulat sa
narinig.
“Akin pong bibigyang-linaw ang aking sinabi. Upang mailigtas kayo sa anumang
kapahamakan, kailangang huwag maghinala sa inyo ang inyong mga kalaban na kayo ay handa.”
“Aking mga kalaban! Di ko mainitindihan. Ako po ba’y mayroong mga kalaban?”ang
biglang tugon ni Ibarra.
“Opo, tayo pong lahat ay mayroong kalaban-maliit at malaki man, mayaman o mahirap
man- ay may kalaban. Ang pagbabaka ang siyang batas ng buhay!”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


92

“Kayo’y hindi tunay na isang tagabukid. Napakalalim niyong mangusap…” ang wika ni
Ibarra.
Tila hindi narinig ni Elias ang sinabi ni Ibarra, kaya tuloy-tuloy siyang nagsalita.
“May mga kalaban kayo sa itaas at sa ibaba- ang pader ng simbahan at muog ng
pamahalaan, dahil na rin sa kabutihan ng inyong hangarin. Maging ang inyong ama at ang
inyong nuno, dahil sa sariling pananalig at kabutihan ng puso ay nagkaroon ng kagalit. Sa buhay
na ito ay talagang kinamumuhian ang mga taong may mabubuting hangarin.”
“Matutukoy ba ninyo kung sino-sino ang aking mga kalaban?”
“Isa na rito ang taong kamamatay lamang sa isinagawang paghuhugos sa ipinatatayo
niyong paaralan para sa kapakanan ng mga kabataan. Akin pong naulinigan ang kaniyang
pakikipag-usap sa isang taong hindi ko nakilala na ang takbo ng kanilang pag-uusap ay ganito:
‘Ang kamatayan ni Ibarra ay hindi katulad na kamatayan ng kaniyang amang kinain ng mga isda.
(ang bangkay ni Don Rafael Ibarra ay itinapon sa ilog)Bukas na bukas din sa may paghuhugos
ay masasaksihan ninyo ang mangyayari’….Nakabahala sa akin ang aking narinig. Lalo na nang
ipagpilitan niya ang kaniyang sarili na mamahala sa pagtataas ng malaking bato sa ibabaw ng
hukay kapalit ay ang makapagkamit ng malaking upa. Bunsod ng aking hinala kayat naihimatong
ko sa inyo sa may simbahan ang aking nalalaman,” ang tuloy-tuloy na pahayag ni Elias.
“Sayang, sana’y hindi namatay ang taong iyon. Marami sana tayong makukuhang
impormasyon mula sa kaniya,” ang sagot ni Ibarra na may halong pagdaramdam.
“Pero kung nabuhay po iyon ay ipawawalang-sala lamang ng bulag na hukuman..
Hinatulan siya ng Diyos na siyang makapangyarihang hukom. At kamatayan ang naging hatol sa
kaniya.”
Ang mga latay at gurlis sa bisig ni Elias ay hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ni
Ibarra, kaya’t ito ay nag-isip ng tanong.
“Naniniwala ba kayo sa kababalaghan? Usap-usapan ngayon ng mga taumbayan ang
tungkol sa kababalaghan,” na may bahid ng pagngiti.
“Sa sandaling ako’y maniwala sa himala o kababalaghan, mawawalan na ako ng dahilang
maniwala sa Diyos,. Sapagkat sa gayo’y mananalig ako sa isang taong may pagka-Diyos at
lalagay na ‘ang Diyos ay nilalang ng taong kamukha’t kawangis niya’. Siya lamang ang may
Karapatan sa buhay ng tao at walang sinumang nilalang ang may Karapatan na siya ay
halinhan….Opo, nang babagsak na ang bato ay aking pinigilan ang tampalasan. Kami’y
magkasamang bumagsak ngunit siya at hindi ako ang nasawi. Hindi iyon himala. Ang Diyos ang
gumawa ng paraan.”
“Kung gayo’y kayo ang…? Ang namamanghang tanong ni Ibarra.
“Opo, nakita ko pong lahat ang kaniyang pakana habang nasa itaas siya na hawak ang
kalo ng malaking batong panghugos. Kaya’t nang magtangkang tumakas ang bayarang taksil,

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


93

siya ay aking pinigilan at inunahan. Hindi iyon himala. Kagustuhan ng Diyos ang nangyari sa
kaniya. Walang Karapatan ang sinuman na pangunahan ang Kaniyang kapangyarihan.”
“Sino po ba talaga kayo? Nakapag-aral po ba kayo?” ang naghihinalang tanong ni Ibarra
sa kausap.
Sa halip na sagutin si Ibarra, nagpatuloy sa pagsasalita si Elias.
“Sa pagkawala po ng aking tiwala sa kapwa ay nalubos ang akong paniniwala sa
Lumikha.”
Naging malinaw na rin kay Ibarra ang dahilan ng pagkakagayon ni Elias. Siya’y walang
tiwala sa tao sa Karapatan nitong humatol sa kapwa.
“Ang kahatulang nagmumula sa hukuman ng mga tao, maging ito ma’y hindi wasto ay
hindi natin maitatakwil. Hindi maaring maggawad ng tuwiran ang Diyos ng kaniyang
kapasyahan o kahatulan sa ating masasamang hilig. Kailangang paminsan-minsa, tayo ay hatulan
ng ating kapwa,” ang pasubali ni Ibarra.
“Siya pong tunay. Ngunit kailangang humatol lamang upang magbunga ng mabuti at
hindi ng masama, makabuo at hindi makasira, sapagkat sa sandaling silang makapangyarihan ay
makagawa ng kapinsalaan sa kanilang mga hatol, hindi na nila matatalikuran at malulunasan ang
kanilang mga nagawang kasamaan.”
Nagpatuloy si Elias.“G. Ibarra hindi ko na po maaring ituloy pa ang aking
pakikipagtalong ito sa inyo. Ako po’y labis na nakabalam na sa mga taong sa inyo’y naghihintay.
Uulitin ko po, huwag niyo sanang kalimutan na kayo’y may mga lihim na kalaban at alang-alang
sa kabutihan ng bayan ay kinakailangan ninyong laging mag-iingat. Ako po’y magpapaalam na.”
“Kailan po tayo muling magkikita?”
“Sa anumang sandaling ako’y inyong kailanganin. Ang utang ko sa inyo’y di ko pa
nababayaran.”.
Gawain 2. Tukuyin at isulat ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit batay sa
kontekstuwal na gamit sa bawat pangungusap.
1. Nakatakdang magsiyasat ang mga kinauukulan sa dahilan ng malaking sunog.
2. Wala na akong hilig sa mga kababalaghan sapagkat hindi iyon totoo kundi pulos
kasinungalingan.
3. Mabuti at naihimatong ko sa iyo ang kanilang plano para makapaghanda ka.
4. Ipanganganyaya mo ba sa mga pulis ang kapatid mong sangkot sa gulo?
5. Nagulat ako sa aking naulinigan sa pag-uusap ng dalawang lalaki.
6. Huwag mong pangimbabawan ang kagustuhan ng Lumikha.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


94

7. Pasensiya ka na dahil nakabalam ako sa iyong ginagawa.


Gawain 3. Sagutin nang wasto ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pakay ni Elias sa pagbisita kay Ibarra?
__________________________________________________________________________
2. Ilahad kung paanong nagkaroon ng utang na loob si Elias kay Ibarra? Paano niya ito
tinutumbasan?
__________________________________________________________________________
3. Sino-sino ang tinutukoy ni Elias na kalaban ni Ibarra?
___________________________________________________________________________
4. Bakit nanghihinayang si Ibarra sa pagkamatauy ng tao sa paghuhugos?
___________________________________________________________________________
5. Paano iniligtas ni Elias si Ibarra sa kapahamakan?
___________________________________________________________________________
6. Ayon sa pag-uusap ng dalawa, bakit daw kailangang minsan ang paghatol sa kapwa?
___________________________________________________________________________
7. Kung ikaw si Ibarra, ano ang mararamdaman at gagawin mo kung sakaling malaman mo na
marami pala ang sa iyo ay nagbabalak ng masama sa di mo alam na kadahilanan? Paano mo ito
paghahandaan?
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 4. Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag nang buong husay,
makabuluhan at malinaw ang iyong sagot.
A. Sinasabing ang Pagtanaw ng Utang na loob ay isang magandang ugali nating mga
Pilipino.Tulad ng ginawa ni Elias na pagligtas sa buhay ni Ibarra. Ngunit minsan, ito’y
nakasasama rin, magbigay ng sitwasyon kung saan ang ugaling ito ay hindi nakatutulong sa pag-
unlad ngating pagkatao .
____________________________________________________________________________
B. Ipinakita sa kuwento na noon pang panahon ng pananakop ng mga Kastila ay lantad na ang
isang sakit ng lipunan- ito ang kawalan ng katarungan o hustisya tulad ng binanggit sa kda.
Minsan, kundi man lagi, ay nababalitaan o nalalaman natin ang mga pangyayari o halimbawa ng
kawalan ng katarungan maging sa ating panahon ngayon. Maglahad ng isang halimbawa ng
pangyayari na nagpapakita ng kawalan ng hustisya o katarungan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
C. Binigyang-diin sa kuwento ang sakit na CRAB MENTALITY. Ito ay ang tawag sa masamang
ugali ng tao na nag-iisip o gumagawa ng masamang paraan upang hilahin pababa o pabagsak ang
kapwa sukdulang ikapamahamak pa niya ito dahil sa inggit at panibugho sa kaniyang mga
tagumpay na nakakamit. Tulad ng inilahad sa akda, ang pagbabalak na gawan ng masama ng
kaniyang mga lihim na kaaway si Ibarra.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
95

Nangyayari nga talaga gawaing ito sa kasalukuyan. Patunayan mo sa pamamagitan ng


mga halimbawa o sitwasyong iyong nalalaman.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Pangwakas/Repleksyon.
Binabati kita sa masigasig mong pagsagot sa mapanghamong Gawain! Ipagpatuloy mo
ang kasipagan sa pag-aaral sa kabila ng pandemyang ating nararanasan ngayon.
Ilahad ang iyong mga natutunan sa buhay at nalaman sa ating aralin ngayon. Isulat mo
ang mga ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 17
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na
nakatutulong sa
pagpapayaman ng kulturang Asyano
96

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Naipapaliwanag ang mga kaugaliang nabanggit sa kabanata na nakatutulong na sa
pagpapayaman ng kulturang Asyano

Panimula (Susing Konsepto)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


97

Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipong


mga kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang maipagpatuloy ang iyong
pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa panitikan ng Asya
kung saan kabilang ang ating bansa. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga
magulang at kapatid.
Ang Parabula ay mula sa salitang Griyego na Parabole na nagsasaad ng dalawang
bagay (na maaaring tao, hayop, o bagay) para paghambingin. Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang
mga aral na napupulot ditto ay nagsisilbing pamatnubay sa marangal na pamumuhay ng tao.
Ang mga mensahe ng Parabula ay isinulat na patalinghaga. Ang Parabula ay di lamang
lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin, kundi binubuo rin nito an gating moral at
espiritwal na pagkatao.
Ayon nga kay Hesus “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipapaliwanag ang mga kaugaliang nabanggit sa kabanata na nakatutulong sa sa
pagpapayaman ng kulturang Asyano F9PB-IVe-f-59

Panuto :Basahin at unawain ang parabula at sagutin ang mga gawaing naihanda para sa iyo.

ANG TALINHAGA SA MAY-ARI NG UBASAN


(Mateo 20:1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay aitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maag upang
humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang
salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan.
Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo
lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, t
bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya ng mag-
ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang
mag-ikalimana ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng iba na wala ring ginagawa.
Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo lang kayo rito buong maghapon?” “kasi po’y walang

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


98

magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “ kung gayon, pumunta kayo at
magtrabaho kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin mon a
ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang
mga nagsimula ng ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit
ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila ng higit pa roon; ngunit ang bawat isa’y binayaran
din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi
nila, “ Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtatrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagparepareho ninyo an
gaming upa?”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila,"Kaibigan, hindi kita dinaya. Hindi ba’t
nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?” Kunin moa ng para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo
kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”
      “Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit
dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?”

GAWAIN 1- Magbigay ng salitang kaugnay ng salitang parabula.

PARABULA

GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga salitang hango sa parabula batay sa
diagram.
LITERAL NA KAHULUGAN

UBASAN SIMBOLIKONG KAHULUGAN

ISPIRITWAL NA KAHULUGAN

LITERAL NA KAHULUGAN

MANGGAGAWA
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
99

SIMBOLIKONG KAHULUGAN

ISPIRITWAL NA KAHULUGAN

LITERAL NA KAHULUGAN

USAPANG SALAPI
SIMBOLIKONG KAHULUGAN

ISPIRITWAL NA KAHULUGAN

GAWAIN 3: Sa iyong palagay, saan nais ihambing ni Hesus ang bawat isa?Bakit?
BINANGGIT SA PARABULA NAIS PAGHAMBINGAN AT
PATUNGKULAN
Ubasan

Manggagawa

Usapang Salaping Pilak

Oras (Labing Siyam, Ikalabindalawa, Ikatlo,


Ikalima)
GAWAIN 4: Alamin natin ang naging kabisaan sa iyo ng mensahe ng Parabula sa pamamagitan
ng pagdurugtong mo sa pasimula ng mga pangungusap.

Matapos kong mabasa “Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”.


Nalaman ko at natimo sa aking isipan na
______________________________________________.
Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang
______________________________________________.
Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula ngayon.
_________________________________________________________
___

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


100

Rubrik sa Pagpupuntos ( Holistiko) para sa mga gawain


Malinis ang pagkakagawa-------------2
Tumpak ang mga kasagutan----------7
Makatotohanan ang sagot-------------1
Kabuuan-----------------------------------10

Gawain 5. Gumuhit ng isang bagay na minsan ay kinapulutan mo ng aral. Isalaysay mo ang


dahilan kung bakit at paano.

Pangwakas
Pagkakataon mo nang ilahad ang iyong natutunan sa araling ito. Isulat mo ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 18
Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa
kahulugan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


101

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Iba’t ibang paraan ng pagbibigay ng pahiwatig na kahulugan ng salita o pahayag

Panimula (Susing Konsepto)


Napakahalaga sa ating pang-araw-araw na pakikipagkumunikasyon na
naiintindihan natin ang mga ipinapahayag ng ating kapwa para maiwasan ang hindi
pagkakaintindihan. Ano -ano nga ba ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa
kahulugan ng salita o pahayag? Sa araling ito, matutunan mo ang mga paraang ito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


102

Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan


(F9PB-IVe-f-59 )

Gawain 1.Kahulugan Ko, Ibigay Mo

Magbigay ng mga salita na kaugnay ng salitang nasa loob ng bilog. Pagkatapos,


ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

bola

Ikinagagalak kong matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon, halina’t


alamin ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan sa pamamagitan
ng larong “Bawat Isa, Mahalaga”.

Gawain 2. Maglaro at matuto

Gamit ang IL BAISMAHA Kard sa ibaba, tukuyin mo ang iba’t ibang paraan ng
pagpipigay-pahiwatig sa kahulugan. Ibigay lamang ang letra na katumbas ng mga
numero na nasa loob ng kahon para mabuo at matukoy ang mga nasabing paraan.
Simulan mo na…

IL BAISMAHAM KARD

A B C D E F G H I J K L M N O
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15
P Q R S T U V W X Y Z
16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ay may
iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita. Ito ay mabisang paraan
upang mapalawak ang talasalitan ng isang mambabasa, tagapanood, o tagapakinig.

Ang kahulugan ng mga salita ay makikila ayon sa…

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


103

1. ___________________________________

20 1 12 9 14 7 8 1 7 1 1 20 9 4 25 15 13 1
Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba
sa karaniwan. Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan.
Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari
sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid. Katulad din ito ng idyoma. Sa
pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.

Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.

balat-sibuyas -- maramdamin basang sisiw -- kaawa-awa;api

Narito ang halimbawa ng talinghaga at mga kahulugan nito.

laylay ang balikat -- bigo magbilang ng poste -- walang


trabaho

2._________________________

1 1 1 1 2 1 1 2 1 1 1 2 4 5 1 1 2 1 1 2 1 1
1 5 4 5 0 9 5 5 4 0 4 5 0 9 5 5 4
Ito ang dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita.Ang
denotasyon ay karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit sa
pinakakaraniwan at simpleng pahayag.Samantala ang Denotasyon ay ang tagong
kahulugan ng salita.

Halimbawa:
Denotasyon bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay

Ang ganda ng
bulaklak na
aking nakikita
Konotasyon Isang babae o dalaga

3.________________________

20 9 14 4 9 14 7 11 1 8 21 12 21 7 114

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


104

Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng


kahulugang nais ipahiwatig.

Halimbawa:

Poot (matinding galit na halos gusto nang


makapanakit
Suklam(matinding galit sa dibdib na matagal
bago) mawala)
Galit (tumatagal na inis)

Inis (tumatagal na tampo)


Tampo (munting galit na madaling mawala)

Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)

4. __________________________

3 15 14 20 5 24 20 21 1 12 3 12 21 5
Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.

Halimbawa: Nagliwanag ang paligid sa pasikat ng araw

Binabati kita sapagkat matagumpay mong natukoy ang apat na paraan ng


pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan. Ngayon, alam kung handa ka na para sa susunod
na gawain. Halika ka na’t gawin ito.

Gawain 3.Tukuyin ang Pagkakaiba

Ipaliwanag ang pagkakaiba ng apat na paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa


kahugan ayon sa iyong naintindihan sa Gawain 2. Kopyahin ang porma sa iyong
sagutang papel. Sa ibaba makikita ang mga pamantayan sa gawain. Ayon sa mga
pamantayang ito, bigyang puntos ang sarili, ilagay ito sa bahaging Aking Puntos.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
105

MGA PAMAMARAAN PAGKAKAIBA


1.

2.

3.

4.

Rubrik

Mga Pamantayan Laang Aking Puntos


Puntos

Naipaliwanag nang maayos ang pagkakaiba ng apat 20


na pamamaraan.

Naipaliwanag nang maayos ang pagkakaiba ng tatlong 15


pamamaraan.

Naipaliwanag nang maayos ang pagkakaiba ng 10


dalawang pamamaraan.

Naipaliwanag nang maayos ang isa sa mga 5


pamamaraan.

Magaling! Matagumpay mong nasagutan ang mga Gawain sa aralin. Bilang


pangwakas, ilahad ang iyong natutunan sa araling ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


106

Pangwakas/Repleksyon

Kumpletuhin ang pahayag. “Ang natutuhan ko sa araling ito ay


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________.”

Susi ng Pagwawasto
Gawain 1. Gawain 2.

Bola-bagay na ginagamit sa basketbol(literal) 1 talinghaga at Idyoma

-Pagbibiro(konotasyon) 2.konotasyon at denotasyon

-bilog 3.tindi ng kahulugan

4.contekstual clue

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 19
Naipaliliwanag ang ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya
ng:
*pamamalakad ng pamahalaan
*paniniwala sa Diyos
*kalupitan sa kapwa
*kayamanan
*kahirapan at iba pa

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


107

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagpapaliwanag sa mga Kaisipang nakapaloob sa Aralin

Panimula (Susing Konsepto)


Napakahalagang kakayahan ng isang taong kayang ipaliwanag ang sariling kaisipan o
kaya’y kaisipang nakapaloob sa mga akdang binabasa. Ikaw?, kaya mo na bang ipaliwanag ang
mga kaisipang nakapaloob sa mga akdang iyong binabasa? Sa araling ito tutulungn at lilinangin
ang iyong kakayahan sa pagpapaliwanag ng mga kaisipang nakapaloob sa mga akdang binabasa.
Ako’y lubos na natutuwa sapagkat makakasama na naman kita sa araling ito. Halika na’t simulan
ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipaliliwanag ang ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
*pamamalakad ng pamahalaan
*paniniwala sa Diyos
*kalupitan sa kapwa
*kayamanan
*kahirapan at iba pa(F9PB-IVg-h-60)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


108

Gawain 1. Panuto: Ipaliwanag ang kaisipan na nasa loob ng kahon. Kopyahin ang porma sa
sagutang papel.

“Kasakiman, galit, at kamangmangan ___________________________________


___________________________________
Tatlong mukha ng kasamaan ___________________________________
Iwaksi sa puso’t isipan ___________________________________
______________________________________
Nang buhay maging tunay na makabuluhan.”
______________________________________

Basahin at unawain

Tatlong Mukha ng Kasamaan


ni U Nu
(Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas)

May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan:
Ang kasakiman, galit/poot at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan kahit anuman ang 
paninwala ng isang tao ay naituturing itong batas ng kalikasan, kahit ang isang tao ay naniniwala
sa mga aral ni Buddha, Muslim, Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi
maiiwasan sa daigdig ng sinumangtao.Ito ay pagtanda, karamdaman at kamatayan.
Mayroon ding limang katangian ng tao mula sa kaniyang pagsilang, ang magpahalaga na
sa nakikitang kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika, at awitin, pagpahalaga sa
pagkaing kaniyang naibibigan, makapag-uri ng iba't ibang halimuyak at sa kagandahan ng sining
ayon sa kaniyang pamantayan.
Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao ay hindi panghabang panahong
mapapanaligan ng tao, sapagkat ang mga ito ay katulad ng panahong lumilipas. 
Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala sapagkat
walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan  ay nadadala ng isang tao sa kaniyang
libingan, kaya lamang, may iba't ibang.pananaw ang mga tao sa materyal na yamang angkin nila
habang sila ay nabubuhay.
Ang hindi alam ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig,ang yamang angkin 
nila aywala sa isang milyong bahagi sa paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth na hindi
nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa kasakiman.
Sinasabi rin ng marami ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng sobra
ng kasakiman,kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan.Sinasabi dito 

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


109

na dapat gamitin ang yamang materyal ng tao para sa kanyang pangangailangan. Ngunitnang ma
kilala ng tao ang pagiging sakim, nagdulot ito ng maraming bagay sa lipunan tulad ng:
Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mga mayayaman at ang mga mahihirap
Ang mahirap ay laging umaasa sa mga mayayaman may puhunan, samantalang ang mga 
negosyanteng nagbitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya pakikinabangan ang
kaniyang puhunan na hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit.
Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman ang mahihirap ay lagingnapagsasamantalahan.
Bunga ng ganitong paramamaraan ang mahihirap ay natututong magnakaw, pumatay at
magbenta ng katawan.
At sa mga aral ni Buddha’y sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang
isang nilalang ay namamatay. Isa rito ang karma, labis na pag-iisip dahil sa kahirapan At
Kakulangan Sa buhay na isa sa pangangailangan ng tao.

Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang para
mi ang mga uri ng napagsasamantalahan. Wastong edukasyon ang makapagpapaunlad ng kanyan
g buhay.
Hindi rin uunlad ang bansa kung ang mamamayan, ang higit na nakararami ay
mangmang.
Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao
Kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan. Mayroong
alamat tungkol sa isang punongkahoy na may pangalang Padaythabin (punongkahoy na pinagmu
mulan ng pangangailangan ng tao) na sinasabi sa panahong iyon ay namumuhay ang tao ng
walang suliranin. Bakit?
Dahil lahat ng tao ay napipitas nito sa puno ngunit nakilala ng tao ang kasakiman at inabu
so nila ang punongkahoy. Mula noo’y namuhay ang tao sa kahirapan at nakilala na ng tao ang kri
men. Maihahambing natin ang punong Padaythabin sa ating likas na yaman kung ito ay gagamiti
n ng tama ng bawat mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong magugutom at walang 
gagawa ng krimen tulad ng pagpatay at pagnanakaw.
   Mayroon ding tatlong bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay ang
pagtanda, karamdaman at kamatayan.
  
Sa panahon ngayon, maraming mahirap na gustong yumaman at maraming mayaman ang 
gustong maangkin ang lahat para mamuhay nang walang katapusan.

Gawain 2. Pagkatapos mong mabasa ang akda, tukuyin mo ang mga kaisipang nakapaloob dito.
Gawin ang susunod na Gawain.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


110

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga kaisipang Nakita o nabanggit sa akdang binasa
at ekis (X) ang hindi.
Ang kayaman sa mundo ay marami at nahati nang sapat para sa bawat mamamayan.
1.
Ang kayamanan ay hindi madadala ng tao sa kaniyang libingan.
2.
Kahit ang tao ay naniniwala sa aral ng iba’t ibang relihiyon,mhindi maiiwasan sa
3. daigdig ng sinumang tao ang pagtanda,mkaramdaman at kamatayan.

Ang hindi paggamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang
4. parami ang mga uri ng pagsasamantala.

5. Kung ang kayamanang likas ay gagamitin sa kapakanan ng mamamayang


nangangailangan mababawasan ang kasamaan ng sangkatauhan.

Ang pagkagahaman ng tao sa kayamanan ay nagbubunga ng sobrang kasakiman


6.
Maaaring umunlad ang isang bansa kahit pa karamihan ng kaniyang mamamayan ay
7. mangmang.

Dahil sa kasakiman sa material na bagay ang tao ay parang lintang sumisipsip ng


8. dugo ng kanilang pinagsasamantalahan.

Nahahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mahirap at mayaman.


9.
Ang sanhi at dahilan at pagsama ng daigdig ay mula nang malaman ng tao kung
10. paano magpatubo nang malaki sa binitawang puhunan.

Gawain 3.Panuto: Pumili ng limang kaisipan na nilagyan ng tsek sa Gawain 2 at ipaliwanag


ang iyong pagkakaintindi sa mga ito.Halina ka na’t simulan na ang gawaing ito.

KAISIPAN PALIWANAG
1.
2.
3.
4.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
111

5.
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang gawain.Gamit ang rubrik sa ibaba,
bigyang puntos ang sariling gawa. Ilagay ito sa kahon ng Aking Puntos.
Rubrik
Mga Pamantayan Laang Aking Puntos
Puntos
Naipaliwanag nang maayos ang sariling kaisipan sa 25
limang(5) kaisipan na nakapaloob sa akda.
Naipaliwanag nang maayos ang sariling kaisipan sa apat(4) 20
kaisipan na nakapaloob sa akda.
Naipaliwanag nang maayos ang sariling kaisipan sa 15
tatlong(3) kaisipan na nakapaloob sa akda.
Naipaliwanag nang maayos ang sariling kaisipan sa 10
dalawang(2) kaisipan na nakapaloob sa akda.
Naipaliwanag nang maayos ang sariling kaisipan sa isang (1) 5
kaisipan na nakapaloob sa akda.

Magaling! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa aralin. Bilang pangwakas iilahad
ang iyong natutunan sa araling ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


112

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 20
Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa
kasalukuyan batay sa napanood
na dulang pantelebisyon o pampelikula

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


113

GAWAING PAGKATUTO
Paghahambing Sa Katangian Ng Ina Noon at Ngayon
Panimula (Susing Konsepto)
Lahat ng ina saan mang sulok ng mundo nanggaling at anumang lahi ang pinagmulan
niya ay kahanga-hanga naman talaga.“Ilaw ng Tahanan”, iyan ang taguri sa kanila. Paano nga
bang naging ilaw sila ng tahanan? Ano-ano ang angkin nilang katangian?Ano nga nga ang
pagkakaiba ng ina noon sa ngayon? Sa araling ito tutulungan kang mas makilala ang lahat ng ina
dito sa mundong ibabaw sa kahit anong panahon, noon o ngayon.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at kasalukuyan batay sa napanood
na dulang pantelebisyon o pampelikula (F9PD-IVg-h-59)

Panuto:Alam kong sabik na sabik kang isagawa ang mga ihihanda kong Gawain para sa iyo.
Halika na at simulan na ang Gawain 1.

Gawain 1.A.Ibigay Mo Na
Magbigay ng limang natatanging katangian dapat taglayin ng isang ina para sa iyo.
Kopyahin ang porma sa iyong sagutang papel.

katangian katangian

katangian katangian

katangian
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
114

Gawain 1.B. Paghambingin Mo


Batay sa limang katangiang naibigay mo, ihambing ang mga ito sa katangian na taglay ng
nanay mo. Bigyang paliwanag ang sagot. Dugtungan lamang ang mga pahayag
Ang mga katangiang taglay ng aking ina sa sa limang nabanggit ay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________

Tingnan ang pamantayan ng Gawain sa ibaba. Pagkatapos, bigyang puntos ang sariling gawa.
Ilagay ito sa bahaging Aking Puntos.
Rubrik
Mga Pamantayan Laang Aking Puntos
Puntos
Nakapagbigay ng limang (5) katangian at nakagawa ng 25
paghahambing.
Nakapagbigay ng apat (4) na katangian at nakagawa ng 20
paghahambing.
Nakapagbigay ng tatlong (3) katangian at nakagawa ng 15
paghahambing.
Nakapagbigay ng dalawang (2) katangian at nakagawa 10
ng paghahambing.
Nakapagbigay ng isang (1) katangian at walang 5
paghahambing.

Pagkatapos mong maisagawa ang ang Gawain 1, panoorin sa youtube ang pelikulang
“Ang Tanging Ina Mo” na pinagbibidahan ni Ai-Ai Delas Alas. Narito ang link,
https://youtube/1lRHPvJum3E

Gawain 2.Isa-isahin Mo
Batay sa napanood mong pelikula, isa-isahin ang mga katangian ng “Isang Ina” na
ipinakita rito at mga bahaging nagpapatunay sa mga ito. Tingnan ang rubrik ng Gawain sa ibaba.
Pagkatapos, bigyang puntos ang sariling gawa. Ilagay ito sa bahaging Aking Puntos. Simulan
na..
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
115

BAHAGING
MGA KATANGIAN
NAGPAPATUNAY
1.
2.
3.
4.
5.

Rubrik
Mga Pamantayan Laang Aking Puntos
Puntos
Nakapagbigay ng limang (5) katangian at nakagawa ng 25
nakapagbigay ng mga patunay.
Nakapagbigay ng apat (4) na katangian at nakagawa ng 20
mga patunay.
Nakapagbigay ng tatlong (3) katangian at nakagawa ng 15
mga patunay.
Nakapagbigay ng dalawang (2) katangian at nakagawa 10
ng mga patunay.
Nakapagbigay ng isang (1) katangian at walang 5
pagtunay na nagawa.

Gawain 3.Paghambingin Mo
Sa mga nabanggit mong katangian ng nanay mo at katangian ng ina sa “Ang Tanging Ina
Mo” at katangian ng mga ina na nakikita mo sa paligid mo, paghambingin ang ina noon at
ngayon. Ano-ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito. Isangguni ang rubrik ng gawain sa
rubrik ng Gawain 2 sa itaas.
INA
ILAHAD ANG NAKITANG PAGKAKATULAD
NOON NGAYON
Mapagmahal Mapagmahal
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
116

ILAHAD ANG NAKITANG PAGKAKAIBA


Namamasukan sa iba’t
Nangangasiwa ng mga ibang Gawain sa
gawaing bahay lipunan

Binabati kita sapagkat natapos mo ang mga gawaing naihanda para sa araling ito.

Pangwakas/Repleksyon
Kumpletuhin ang pahayag “Napag-alaman ko sa araling ito na
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Inihanda Ni Gng. FE CRIS N. FELICIANO

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 21
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at
ng anak

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


117

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at ng anak

Panimula (Susing Konsepto)

“Nawa’y maging tapat tayo sa dakilang obligasyong ito ng pagiging


magulang, sa sagradong obligasyong ito.”
Ang papel na ginagampanan ng ina ay inorden ng Diyos. Ang mga ina ang, o dapat
maging, pinakapuso at kaluluwa sa pamilya. Wala nang ibang mas sagradong salita sa sekular o
banal na kasulatan kaysa sa salitang ina. Wala nang mas marangal na gawain kaysa sa gawain ng
isang inang mabait at may takot sa Diyos.

Paano tinutulungan ng mga anak ang kanilang mga magulang sa pagkakaroon ng


maligayang tahanan?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


118

Ang mga anak ay kabalikat ng kanilang mga magulang sa mga responsibilidad ng


pagkakaroon ng maligayang tahanan. Dapat nilang sundin ang mga kautusan at makipagtulungan
sa iba pang mga miyembro ng pamilya. Ang Panginoon ay hindi natutuwa kapag nag-aaway-
away ang mga anak (tingnan sa Mosias 4:14).
Iniutos ng Panginoon sa mga anak na igalang ang kanilang mga magulang. Sabi Niya,
“Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw
ng lupa” (Exodo 20:12). Ang ibig sabihin ng igalang ang mga magulang ay mahalin sila at
magpitagan sa kanila. Ang ibig sabihin din nito ay sundin sila. Sinasabi ng mga banal na
kasulatan sa mga bata na “magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka’t
ito’y matuwid” (Mga Taga Efeso 6:1).
Bilang isang ina at anak may napakahalagang tungkulin tayo sa mundong ibabaw at sa
bawat isa lalo sa loob ng pamilya. Napakahalagang bigyang-pansin ito at pangalagaan upang
lalong maging kaaya-aya tayo sa kalooban ng Panginoon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at ng anak (F9PS-IVg-


h-62)

Gawain 1 Venn Diagram (15 puntos)


Panuto: Ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tungkulin ng isang ina at anak

INA ANAK

Gawain 2. TAMA O MALI

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay
wasto at isulat ang T, kung di-wasto isulat ang M sa patlang bago ang bilang.

_____1. Bilang isang nanay, marunong makinig sa asawa at anak.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


119

_____2. Tagapakinig lamang ang ina sa pagppalano para sa ikauunlad ng pamilya.


_____3. Tungkulin ng isang nakatatandang anak na babae ang tumulong sa mga gawaing bahay
tulad ng pagluluto, paglalaba at pagsusulsi.
_____4. Ang ina ang nangangasiwa sa pag-aaral ng mga bata at pagtingin kapag ang mga anak
ay nagkakasakit.
_____5. Kapag wala ang mga magulang sa loob ng tahanan, tungkulin ng panganay na anak ang
pangalagaan ang mga nakababatang kapatid.
_____6. Ina ang nagsislbing haligi ng tahanan.
_____7. Tungkulin ng isang anak na alagaan ang kaniyang mga magulang sa kanilang pagtanda.
_____8. Ang bunsong anak ay walang gawain sa loob ng bahay.
_____9. Ipinauubaya ng ina sa babaeng anak ang mga gawaing bahay.
_____10. Bilang anak, tungkulin mong tulungan ang iyong mga magulang sa abot ng makakaya
mo bilang ganti sa pag-aruga sa’yo.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Pagkakaiba

Ina
1. Ilaw ng tahanan
2. Nagpapalano para sa ikauunlad ng pamilya
3. Gumagabay at nagtuturo ng mabuting asal sa mga anak
4. Inaasikaso ang araw-araw na gawiang bahay
5. Marunong makinig sa asawa at anak
6. Gumagawa ng badyet para sa pangangailangan ng mag-anak
7. Nangangasiwa sa pag-aaral ng mga anak at pagtingin kapag ang mag anak ay
nagkakasakit

Anak
1.Tungkuling tumulong sa gawaing bahay
2. Igalang ang mga magulang
3. Sumunod sa lahat ng payo ng mga magulang
4. Alagaan ang mga nakababatang kapatid
5. Mag-aral nang mabuti

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


120

Pagkakatulad

 May tungkuling pangalagaan at mahalin ang isa’t isa

Gawain 2
1.T
2.M
3.T
4.T
5.T
6.M
7.T
8.M
9.M
10.T

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 22
Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa:
• pagpapaliwanag
• paghahambing
• pagbibigay ng opinyon

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


121

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng mga angkop na ekspresyon sa pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay
ng opinyon

Panimula (Susing Konsepto)


Napakahalagang isaalang-alang natin ang mga salitang ating binibigkas sa ating
kausap.Sa ating araw-araw na pakikipagtalastasan sa ating kapwa , nababatid natin ang kanyang
nais ipahiwatig batay sa kanyang mga salita/ekspresyong ginagamit.
Sa pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay ng opinyon ay may mga angkop na
salita o ekspresyong ginagamit dito.
Ang pangangatwiran o pagpapaliwanag ay isang paraan ng pagpapatunay sa isang
kAtotohanan. Napaniniwala ang isang tao sa pamamagitan ng pagmamatuwid tungkol sa sariling
paninidigan. Samakatwid, mahalagang iplano at isaayos ang pagpapaliwanag sa katwiran o
pagbibigay-halaga sa katibayan.
Ang salita o pahayag na naglalahad ng opinion ay mahalagang maunawaan natin.. Nais
nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
Narito ang ilang halimbawa ng ekspresyong ginagamit sa pagbibigay ng opinion:
Naniniwala ako…, Sa aking palagay…, Ang opinion ko sa bagay na ito…, Marahil ay…, Sa
ganang akin…, Sa tingin ko.., at iba pa

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


122

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa: pagpapaliwanag, paghahambing at


pagbibigay ng opinion (F9WG-IVg-h-62)

Gawain 1 PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag nang buong husay, makabuluhan at malinaw ang sumusunod na mga
paksa. Gamitin ang mga ekspresyon sa pagbibigay ng opinyom. (5 puntos bawat bilang)

1. Di lahat ng kumikinang ay ginto


2. Dapat gumawa upang mabuhay
Gawain 2 PATULAD O DI – PATULAD NA PAGHAHAMBING
Panuto: Ilagay ang tsek (/) sa patlang bago ang bilang kung ang paghahambing sa
pangungusap ay patulad, ekis (x) kung ang paghahambing ay di-patulad.

_____1. Kasintibay ng puno ng niyog ang kalooban ng mga Pilipino sa pagharap sa


kasalukuyang pandemya.
_____2. Lalong mahirap ang buhay namin dito kaysa sa probinsiya.
_____3. Di-hamak na magiliw sa bisita ang mga Pilipino kaysa sa ibang lahi.
_____4. Si Ana ay kasinggaling ni Myla sa pagsayaw.
_____5. Ang grupo namin ay di-masyadong handa na gaya ng grupo ni Milly.
_____6. Parehong mabigat ang timbang ng kanilang alagang baboy.
_____7. Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.
_____8. Ang pagsususlit natin ay di-lubhang mahirap tulad ng nakaraang pagsusulit.
_____9. Ang magkaibigan ay magkasingtangkad.
_____10. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Ramon.

Gawain 3
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay opinyon, isulat sa patlang ang O, kung hindi
opinyon isulat ang H.

_____1. Sa tingin ko, magtatagal pa ang pandemyang ating kinakaharap sa ngayon kung wala
tayong disiplina.
_____2., Mas marami ang nakakarekober sa sakit na dulot ng corona virus kaysa sa mga
namamatay, batay sa datos ng DOH.
_____3. Batay sa aking paniniwala, malalampasan natin ang anumang pagsubok na darating sa
ating buhay kung tayo’y may pananalig sa Diyos at sabayan ng gawa.
_____4. Siguro’y makabubuti sa ating lahat kung tayo ay magtutulungan at magkakaunawaan.
_____5. Ayon sa pangulo, hindi na sapat ang pondo ng gobyerno para suportahan pa ang
pangngailangan ng mamamayan.

Susi sa Pagwawasto

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


123

FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan – MELC 23
Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka-video clip
batay sa pamantayan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


124

FILIPINO 9
PANGALAN: _________________________________ LEBEL: ___________
SEKSIYON: __________________________________ PETSA: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri sa pinanood na dulang panteatro na nakavideo clip batay sa pamantayan

Panimula (Susing Konsepto)


Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinakita ang
mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukwento rin ang paghihirap at
pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang iba’t ibang anyo
ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay
nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa
mga pangangailangan ng mga Pilipino higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan
ng mga mamamayang Pilipino.
Ang isa sa mga halimbawa ng dula ay ang Tibag.
Ang Tibag ay isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan,
Nueva Ecija, Bataan, Rizal at Bicol. Ito ay tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta.
Cruz na kinamatayan ni Kristo. Ang dulang Tibag ay sinulat ni Fruto Cruz. Ang dulang ito ay
nahahati sa dalawang bahagi:
    1. Pagtatagumpay ni Emperador Constantino sa kanyang mga kalaban at ang pagkakatuklas
          ni Sta. Elena sa krus na Kinamatayan ni Hesus.
    2. Pagtatagumpay ng mga pinunong Kristiyano laban sa mga hindi bininyagan at ang
pagkakasauli sa mahal na Santa Cruz sa bundok ng kalbaryo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka-video clip batay sa pamantayan
(F9PD-IVi-j-60)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


125

Para sa Gawain 1, 2, 3: Sumangguni sa youtube at panoorin ang dulang pantreatro na


pinamagatang Tibag bago sagutin ang mga gawain.

Gawain 1 Panuto: Ikaw ay gagawa ng pag-aaral sa pagkakaiba at pagkakatulad ng dulang


panteatro at pampelikula. Suriin ( maglahad/ibigay ang iyong puna sa bawat pamantayan )at
bigyan ng karampatang puntos/bahagdan ang dula batay sa mga sumusunod na pamantayan:

Kriterya/Pamantayan Bahagdan Puntos/Bahagdan Puna


1. May kahandaan sa 10%
kasuotan, props, at
musika
2. Maganda ang ekspresyon 30%
ng mukha;
Makatotohanan ang
pagganap ng mga tauhan
3. Malakas ang dating sa 15%
mga manonood (Audience
impact)
4. Mahusay ang pagpili ng 20%
mga salitang ginamit
5. Kakikitaan ng pagiging 25%
malikhain sa presentasyon

Gawain 2 Panuto: Paghambingin ang pinanood na dulang Tibag sa iba pang dulang napanood
batay sa mga pamantayan sa Gawain 1, kolum 1. Isulat ang pamagat ng ibang dulang napanood
Maaring gumamit ng Ibang sagutang Papel..

Rubrik sa Pagpupuntos para sa Gawain 1 at 2


10 puntos- Kung ang kaisipan/ sagot ay malinaw at lubos na nauunawaan at walang maling
baybay at mekaniks sa pagsulat( balarila at bantas)
8 puntos- Kung ang kaisipan/sagot ay nauunawaan ngunit may 1-2 maling baybay at mekaniks
sa pagsulat ( balarila at bantas)
6 puntos- Kung nauunawaan ang kaisipan/sagot at may 3-5 maling baybay at mekaniks sa
pagsulat (balarila at bantas)
4 puntos- Kung hindi lubos na nauunawaan ang kasisipan/ sagot at maraming maling baybay at
mekaniks sa pagsulat (balarila at bantas)
2 puntos- Kung may isinulat/ isinagot ngunit malayo sa tamang sagot/kaisipan

Gawain 3 Panuto: Ilahad ang sagot sa sumusunod na katanungan nang buong husay, maikli
ngunit makabuluhan. Ano ang ipinagkaiba ng dulang pantreatro sa dulang pantelebisyon?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


126

Pangwakas/Repleksyon Kumpletuhin ang pahayag: “Napag-alaman ko sa araling ito na


______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

You might also like