You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 1:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section:
0 ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jean B. Suday

Editor:

Tagasuri: Rovilla C. Opada, Allene E. Duarte, MAEd

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat: EPS Florencio R. Caballero, DTE

Tagapamahala: SDS Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

ASDS Visminda Q. Valde, EdD

ASDS Raymond M. Salvador, EdD, CESE

ASDS Juliet A. Magallanes, EdD

EPS Florencio R. Caballero, DTE

EPS Josephine L. Tomboc,EdD

1
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Nakapagpapamalas ang mga mag- Nakikilahok sa pagpapalabas ng isang


aaral ng pag-unawa sa isang movie trailer o storyboard tungkol sa isa o
obrang maestrang pampanitikan ilang tauhan ng Noli Me Tangere na
ng Pilipinas. binago ang mga katangian
(dekonstruksiyon)

Magandang araw sa iyo kaibigan! Binabati kita sapagkat natapos mo


na ang Ikatlong Markahan.

Nakahanda ka na bang maglakbay at malaman ang kung paano nabuo


o nasulat ang nobelang Noli Me Tangere? Dito natin sisimulan ang bagong
yugto ng iyong pag-aaral. Halina’t sabay nating pag-aaralan ang nobelang
may malaking impluwensya sa ating lipunan.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


●Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng
akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito
- pag-isa-isa sa mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ito
pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sakasalukuyang
panahon sa lipunang Pilipino
(F3PY-IIIb-2.2/2.3)
● Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos
isinulat ang akda
(F3PY-IIIb-2.2/2.3)
● Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-
kahulugan
(F3PY-IIIb-2.2/2.3)

2
Aralin
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me
1
Tangere

Balikan
Balikan muna natin ang ating
nakaraang paglalakbay.

Handa ka na ba?
Halika’t sagutin natin ang
munting pagsasanay sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sumunod na mga pahayag. Sagutin
ang bawat tanong sa pamamagitan ng pagpili ng tamang letra. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang elemento sa paggawa ng telebisyon kung saan inilalahad ditto kung ano
ang konsepto ng pelikula, hindi kailangang madetalye.
a. Istorya c. Disenyong set
b. Storyboard d. Outline

2. Ito ang elemento sa paggawa ng telebisyon kung saan ito ang mga ginagamit na
tagpuan sa pelikula.
a. Istorya c. Disenyong set
b. Storyboard d. Outline

3. Sa kanya nakasalalay ang pagiging malikhain ng pelikula.


a. Camera Operator c. Direktor
b. Sound men d. Artista

4. Siya ang taga-record ng diyalogo at naghahanda ng musika sa bawat eksena.


a. Camera Operator c. Direktor
b. Sound men d. Artista

5. Ibinabagay ang tunog at musika sa ________________.


a. Disenyong set c. Artista
b. Larawan d. Tema

3
Tuklasin
Magaling kaibigan! Talagang naalala
mo pa ang nakaraang leksiyon.

Ngayon, handa ka na ba sa susunod


na gawain?

Halika na! Tutuklasin natin ang iyong


sariling pananaw.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang tula tungkol sa buhay ng mga sumusunod na mga bayani at
sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Ang Awit ni Maria Clara

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,


Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta’y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina


Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti’t pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,


Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana’t walang nagmamahal.

1. Ano kaya ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng awit?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano kaya ang mga nangyayari sa lipunan na siyang dahilan kung bakit naisulat
ang awit? Ipaliwanag ang sagot.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4
Suriin
Henyo kaibigan! Nalaman
mo ngayon ang isang tulang
tungkol sa isang pagiging bayani.

Ngayon kaibigan, basahin


natin ang Pangkaligirang
Kasaysayan ng Noli Me Tangere.

Mga Mahahalagang Tala sa NOLI ME TANGERE


Si Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Realonda y Quintos, na mas kilala
sa ngalang Jose Rizal ay tinaguriang Pambansang bayani ng Pilipinas. Nakilala
sa paggamit ng panulat at hindi ng dahas. Isa sa pinakamapusong sinulat ni
Rizal ay ang “Noli Me Tangere”.
Mula sa Latin ang pamagat na Noli Me Tangere at sinipi mula sa
Ebanghelyo ni San Juan, 20:13-17 nang sabihan ni Hesus si Maria Magdalena:
“Huwag mo akong salangin, sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa aking
Ama…”. Sa kaniyang paghahandog ng nobela “Sa Aking Inang Bayan”,
iniugnay niya ang siping Bibliko sa nais niyang itanghal na kanser panlipunan,
“isang kanser na may katangiang napakalubha kaya nagpupuyos sa galit
munting dimasaling at nanggigising ng matatalim na kirot.”
Ang pagsulat ng Noli Me Tangere ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa
“Uncle Tom’s Cabin” ni Harriet Beacher Stome na pumapaksa sa kasaysayan
ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano.
Inilarawan dito ang iba’t ibang kalupitan at pagmamalabis ng Puti sa Itim.
Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik na kaibigang si
Dr. Ferdinand Blumentrit ang mga dahilan kung bakit niya sinulat ang “Noli”.
Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang mga unang bahagi ng “Noli Me
Tangere” noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina at
magdadalawampu’t apat na taon pa lamang. Natapos sulatin ito noong Pebrero
21, 1887 sa Berlin at lumabas sa limbagan pagkaraan nang mahigit na isang
buwan. Noong Agosto 30 sa taong ding iyon, ipinagbawal sa Pilipinas ang pag-
aari at pagbasa sa naturang nobela, alinsunod sa atas ng Arsobispo ng
Maynila.
Kinumpirma ng lupon sa sensura ang pagbabawal dahil tahasan itong
tumutuligsa, diumano, sa relihiyon ng estado, mga institusyon at mga
kagalang-galang na ato sa Pilipinas sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol bukod sa hitik ito sa mga “kaisipang banyaga” na maaaring
pumukaw ng poot laban sa Espanya. Hindi makatarungan ang
pagbabawal.

5
Ngunit tama ang mga awtoridad dahil kasama ng karugtong na
nobelang El Filibusterismo ay pinatunayan ng kasaysayan ang bisa ng
panulat ni Rizal sa pagkamulat ng mga Pilipino. Makalipas ng ilang
taon, sumiklab ang Himagsikang Pilipino na tumapos sa mahabang
pananakop ng Espanyol. Dinadakila ngayon ang mga nobela ni Rizal
bilang matalim na pagsusuri sa lipunang kolonyal at feudal at bilang
huwaran ng malikhain at realistang pagsulat nang may kalakip na
mithiing pampulitika.

Pagyamanin
Salamat kaibigan sa matiyagang
pagbabasa. Nalaman mo na ngayon ang
mga mahalagang tala sa “Noli Me
Tangere”.
Isagawa mo na ang sumunod na
mga gawain na alam kung makatutulong
sa iyo.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng kahon gamit ang mga kontekstuwal na
pahiwatig at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Inilarawan ni Dr. Jose Rizal ang iba’t ibang kalupitan at


kasamaan
pagmamalabis na sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.
2. Dinadakila ngayon ang mga nobela ni Rizal bilang matalim na
kinikilala
pagsusuri sa lipunang kolonyal.
3. Lumabas sa limbagan ang “Noli Me Tangere” pagkaraan nang
pagawaan
mahigit na isang buwan matapos itong sulatin.
4. Nakilala sa paggamit ng panulat at hindi ng dahas si Dr. Jose
mapayapa
Rizal.
5. “Isang kanser na may katangiang napakalubha kaya
Nagngingit-
nagpupuyos sa galit munting dimasaling at nanggigising ng
ngit
matatalim na kirot.”

Gawain 3
Panuto: Ngayong nabatid mo na ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me
Tangere, isagawa ang sumusunod na panutong nasa loob ng kahon. Isulat sa
sagutang papel ang sagot. Gawing gabay ang rubriks na makikita sa ibabang
bahagi.

6
RUBRIKS
NAKUHANG
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS
PUNTOS
Malinaw na nailahad ang sariling
Pag-unawa 5
pananaw
Wasto at makatotohanan ang
Nilalaman impormasyon. Nakabatay ang mga 6
nilalaman sa tinalakay na paksa.
Sumunod sa mga pamantayan sa
pagsulat ng talata tulad ng tamang
Teknikalidad 4
paggamit ng mga salita at maayos
na naipapahayag o paglalahad.
KABUUAN 15

Ibigay ang sariling pananaw kung bakit sa kabila ng nakaambang


panganib sa buhay ni Rizal ay itinuloy pa rin niya ang pagsulat ng
Noli Me Tangere.
(Sa aking paniniwala….)

Tunay nga na hindi nagkamali si Jose Rizal sa kanyang pagsulat at


pagkakalathala sa nasabing nobela dahil sa epekto nito noon
hanggang ngayon. Magbigay ng mga patunay nito.
(Napatunayan ko…)

Isaisip
Tunay na hindi madali ang
pinagdaanan ni Jose Rizal sa pagsulat ng
“Noli Me Tangere” ngunit isa lang ang tiyak,
ang nobelang ito ay tunay na walang
kamatayan- patuloy na mananatili ang
diwa at mensahe nito sa puso ng mga
Pilipinong tunay na nagmamahal sa Inang
Bayan.

7
Gawain 4
Panuto: Tukuyin ang layunin o dahilan ng may akda kung bakit niya isinulat ang
“Noli Me Tangere”. Piliin ang sagot sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

A B
______1. Mapangahas na isinulat a. upang iminulat niya ang mga
ang Noli Me Tangere mata ng kapuwa Pilipino
______2. Buksan ang bulag na b. upang maipakita kung ano ang
puso't isipan ng bawat Pilipino nasa likod ng mga madaya at
nakasisilaw na pangako ng
______3. Dahilan kung bakit nais pamahalaan
niyang ipaunawa sa mga Pilipino c. upang matutong ipaglaban ang
ang ang kanilang kahinaan at karapatan sa sariling bayan
kapintasan d. upang maipabatid na ang
relihiyon ang nagpapahirap at
______4. Dahilan ng pag-aangat ng
naglalapastangan ng mga
tabing na kumakanlong sa maling
Pilipino
Sistema ng pamamalakad ng
e. upang sagutin maipakilala ang
Espanyol
karuwagan ng mga Pilipino
______5. Dahilan kung bakit
ipinakilala niya ang kaibahan ng
tunay na relihiyon at di-tunay na
relihiyon

Gawain 5
Panuto: Tukuyin ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat ang salitang “oo” kung ito ay
naglalahad ng kondisyon ng lipunan noong panahong isinulat ni Dr. Jose Rizal ang
akda at “hindi” kung hindi.Sa patlang, ilahad mo ang patunay na umiral ang
sinasabing kondisyon o hindi.

1. (_________) Ang mga Pilipino ay malayang nakapagpahayag ng kanilang


damdamin at hinaing laban sa pamahalaan.
Patunay:
________________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. (_________) Ang nobelang Noli Me Tangere ang naging daan sa pag-alsa at
paglaban ng mga Pilipino sa pagmamalupit at pang-aalipin ng mga
Espanyol.
Patunay:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8
3. (_________) Kaagad na pinayagan ng pamahalaan na basahin ng mga
Pilipino ang nobela na tumuligsa sa mga Espanyol.
Patunay:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. (_________) Naging marangya ang pamumuhay ng mga Pilipino sa


pamamahala ng mga Espanyol.
Patunay:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. (_________) Ang Noli Me Tangere ay nakapagbigay at nakadudulot ng


positibong motibasyon sa mga Pilipino na patuloy lumaban magpasa-
hanggan ngayon.
Patunay:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Tayahin
Nagagalak ako kaibigan sapagkat alam
kung marami kang nautuhan sa aralin na ito.

Malapit mo nang makamit ang taumpay


sa iyong paglalakbay. Konting sandal na lamang
kaibigan.

Gawain 6
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sumunod na mga pahayag. Sagutin
ang bawat tanong sa pamamagitan ng pagpili ng tamang letra. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Isang nobelang obra ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere. Ito ay salitang Latin
na nangangahulugang ______________.
a. Huwag Mo Akong Apihin c. Huwag Mo Akong Galitin
b. Huwag Mo Akong Linlangin d. Huwag Mo Akong Salangin

9
2. Ang sakit ng lipunan na tinutukoy ni Jose Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. sangla c. dengue
b. kanser d. lagnat

3. Ang Noli Me Tangere ay inialay ni Jose Rizal sa ____________________.


a. politika c. Inang Bayan
b. pamilya d. GOMBURZA

4. Kailan natapos ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere?


a. Pebreo 21, 1884 c. Agosto 30, 1884
b. Pebrero 21, 1887 d. Agosto 21, 1887

5. Ano ang pangunahing layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere?


a. Upang gisingin ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino hinggil
sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol
b. Upang makamit ang inaasam-asam na malayang edukasyon
c. Upang maging makapangyarihan siya at magkaroon ng puwersa na
labanan ang mga Espanyol
d. Upang itanghal siyang dakila bilang tagaligtas ng mamayan

6. Alin sa mga sumusunod na nilalaman ang HINDI makikita sa nobelang Noli Me


Tangere?
a. Pagtuligsa sa pamamahala ng Espanyol
b. Pagpapakilala sa tunay at di-tunay na relihiyon
c. Pagbili ng mga Pilipino sa mga produkto ng mga Espanyol
d. Pagsisiwalat sa pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipinong
kababaihan

7. Bakit ipinagbawal ng mga Espanyol na magmay-ari at mabasa ang Noli Me


Tangere sa mga Pilipino?
a. Dahil mahal ito
b. Dahil hindi makaintindi ang mga Pilipino
c. Dahil para lang ito sa mga Espanyol
d. Dahil tahasan itong tumutuligsa sa mga Espanyol

8. Bakit nais ni Jose Rizal na lumabangamit ng panulat at hindi ng dahas?


a. Dahil nais ni Jose Rizal na baguhin ang bayan sa pamamagitan ng
karunungan at edukasyon
b. Dahil nais ni Jose Rizal na lumaban ng patalikod
c. Dahil walang armas ang mga Pilipino at hindi marunong makipaglaban
gamit ang mga armas
d. Wala sa nabanggit

9. Alin sumusunod na sakit ng lipunan ang HINDI ipinakita sa akda ni Jose Rizal
na Noli Me Tangere?
a. Pang-aabuso sa mga kababaihan
b. Pagpapautang ng may patubong 50% sa kapwa

10
c. Pananakot sa mga Pilipino ukol sa mga turo ng simbahan
d. Pang-aalipin sa mga Pilipino sa sariling bayan

10. Bakit itinambad ni Jose Rizal ang pagpapaimbabaw ng balatkayong relihiyon?


a. Upang isabuhay ang relihiyon na nais palaganapin at sambahin ng mga
Pilipino
b. Upang imulat sa mga Pilipino ang kahalagahan ng mga banal na
kasulatan at dapat itong galangin
c. Upang matigil ang paggamit ng banal na kasulatan bilang instrumento sa
paghahasik ng kasinunggalingan upang malinlang ang mga Pilipino
d. Lahat ng nabanggit

Karagdagang Gawain
Binabati kita kaibigan!

Ang aking taus-pusong


pasasalamat sa iyo, mahusay kong
kaibigan.

Pinatunayan mo ang iyong


kasipagan sa ating paglalakbay.

Gawain 7

Panuto: Magsaliksik ka ng isang nobela na maihahalintulad sa “Noli Me


Tangere”. Tukuyin ang pangyayaring magkahalintulad. Patunayan ang sagot sa
pamamagitan ng paghahambing gamit ang Venn diagram.

Sariling katangian Sariling katangian

NOLI Pagkakatulad TELENOBELA

11
Gawain 8

Panuto: Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag ng iyong pananaw kung


bakit magkapareho ang dalawang likhang sining na pinili mo sa Gawain 7.

Gawing gabay ang rubrics na makikita sa ibabang bahagi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

RUBRIKS
NAKUHANG
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS
PUNTOS
Malinaw na nailahad ang
pananaw kung bakit
Pag-unawa 5
magkapareho ang dalawang
likhang sining
Wasto at makatotohanan ang
impormasyon. Nakabatay ang
Nilalaman 6
mga nilalaman sa tinalakay
na paksa.
Sumunod sa mga pamantayan
sa pagsulat ng talata tulad ng
Teknikalidad tamang paggamit ng mga 4
salita at maayos na
naipapahayag o paglalahad
KABUUAN 15

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

12
Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian
“Ang awit ni Maria Clara.” Accessed December 2020.
https://www.tagaloglang.com/ang-awit-ni-maria-clara/.

De Veluz, Nimfa and Rodique, Imelda. Sanayang aklat sa Noli Me Tangere ni Dr.
Jose Rizal. Philippines: CSC Publishing House.

Department of Education. Most essential learning competencies. Philippines:


Department of Education, 2020.

Jamero, Dolores. Noli Me Tangere. Philippines: Santa Bernadette Publications, Inc.,


1996.

Smiling cute girl with her bag pack back to school clipart. Accessed December 2020.
https://clipartstation.com/smiling-cute-girl-with-her-bag-pack-back-to-
school-clipart-3/.

14
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,


Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land

The Footprints Prayer Region IX Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed Our..


I think that I shall never see
that I was walking along the beach Eden...
A poem lovely as a tree.
with the LORD. Land...

In the beach, there were two (2) sets A tree whose hungry mouth is prest
of footprints – one belong to me and Against the earth’s sweet flowing
the other to the LORD. breast;

Then, later, after a long walk, I


noticed only one set of footprints. A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?” A tree that may in Summer wear

And the LORD replied “My son, My A nest of robins in her hair;
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Upon whose bosom snow has lain;
sand, because it was then that I Who intimately lives with rain.
CARRIED YOU!

15
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.

You might also like