You are on page 1of 11

PANGALAN:_____________________________________

9
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 2
Mga Tauhan ng Nobelang
Noli Me Tangere

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 5: Mga Tauhan ng Nobelang Noli Me Tangere
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Kim A. Teologia
Pangnilalamang Patnugot: Renante G. Nuas
Editor ng Wika: Lorna A. Quiatzon
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Luis R. Mationg, Ligaya A. Miraflor, Lodevics E. Taladtad at
Mary Jane D. Altes
Tagaguhit: Kim A. Teologia
Tagalapat: Jastine F. Abacial
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello
Mary Jorey B. Dongor
Erile O. Abrigo Jr.
Ernesto P. Socrates Jr.

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mga Tauhan ng Nobelang
Noli Me Tangere
MELCs: Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami.
(F9PS-IVa-b-58); at
Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela.
(F9PN-IVc-57)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga tauhan ng nobelang Noli Me Tangere.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng mga tauhan sa nobela.
3. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at
nakararami.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag na naglalarawan sa mga tauhan. Piliin sa kahon
ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

A. Crisostomo Ibarra B. Elias C. Kapitan Pablo D. Linares


E. Maria Clara F. Padre Damaso G. Salome H. Sisa

_________1. Nanay ni Basilio at Crispin.


_________2. Pinuno ng tulisan na napamahal ng labis kay Elias.
_________3. Pinili ni Padre Damaso na ipakasal kay Maria Clara.
_________4. Kasintahan ni Crisostomo Ibarra na may itinatagong lihim.
_________5. Pransiskanong kura na matagal na panahong naglingkod bilang pari
sa San Diego.

Para sa bilang 6-10:


Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung ito ay
nagsasaad ng katotohanan at Mali naman kung hindi.

_________6.Si Salome ay kababata ni Elias at lihim na umiibig sa kaniya.


_________7.Nabiyayaan si Sisa ng isang mapagmahal at maarugang asawa.
_________8.Si Elias ay isang maginoong binata na kasintahan ni Maria Clara.
_________9.Itinakwil ni Doña Victorina ang pagiging Pilipina at nagpanggap bilang isang
mestisang Español.
_________10. Pinahukay ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael Ibarra at inilipat sa
libingan ng mga Intsik.

1
Ating Alamin at Tuklasin
Ang nobelang Noli Me Tangere ay akda ng ating
Paghawan ng Balakid
kinikilalang pambansang bayani na si Jose Rizal. Natapos niya
itong isulat noong ika-21 ng Pebrero taong 1887 sa Berlin,
Noli Me Tangere – ito Germany. Ito ay bunga ng inspirasyong nakuha niya sa
ay isang salitang latin akdang Uncle Tom’s Cabin na akda ni Harriet Beacher Stowe.
na ang ibig sabihin sa
wikang Filipino ay Ating alamin ang mga tauhang nakapaloob sa nobelang
Noli Me Tangere at tuklasin ang kanilang mga naging papel sa
“Huwag mo akong
nabanggit na nobela.
Salingin” na hango sa
Ebanghelyo ni San
Juan Bautista. Oo naman! Nananabik
na akong makilala sila
Uncle Tom’s Cabin – Kaibigan, handa ka na at kung paano sila
bang malaman kung inilarawan sa nobela.
ito ay akda ni Harriet
sino-sino ang mga Natitiyak kong marami
Beacher Stowe na tauhang nakapaloob tayong matututunan
pumapaksa sa sa nobelang Noli me sa kanila.
kasaysayan ng mga Tangere?
aliping Negro sa kamay
ng mga panginoong
puting Amerikano.
Inilarawan dito ang
kalupitan at
pagmamalabis ng mga
puti sa itim.

.)
Natatandaan mo pa ba ang mga mahahalagang impormasyong nakapaloob sa
CLAS 1? Natutuhan natin na ang nobelang Noli Me Tangere ay nahahati sa bawat
kabanata kung saan ay tinatalakay dito ang mga kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa
kamay ng mga kastila. Ipinalulutang ng may akda sa nobelang ito ang isang bulok na
lipunang nagpapahirap sa buhay ng isang tao. Ngayon ngang alam mo na ang
kasaysayan o kung paano nagsimula ang ang pagsulat ng akdang ito, kilalanin naman
natin ang mga mahahalagang tauhan sa nobela .

Mga Tauhan ng Nobelang Noli Me Tangere:


Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin- bugtong na anak ni Don Rafael Ibarra. Nagkaroon
ng mabuting edukasyon sa Europa. Ang matalino at maginoong binatang ito ay natutong
umibig sa kaniyang kababatang si Maria Clara. Nangarap siyang makapagpatayo ng
paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego.
Magkakaroon kaya ng katuparan ang pangarap niyang ito?
Elias- Piloto (bangkero) kung siya ay tawagin. Iniligtas ni Ibarra sa tiyak na kamatayan
mula sa mapanganib na buwaya. Simula kaya ito ng kanilang pagkakaibigan o pagtuklas
na sila pala ay magkaaway?
Maria Clara- kasintahan ni Crisostomo Ibarra na may lihim na pagkatao. Ano kaya ang
lihim na ito?

2
Sisa- mapagmahal na ina subalit nagkaroon ng asawang pabaya at malupit hindi lamang
sa kaniya kung hindi maging sa dalawa niyang anak. Hanggang kailan kaya matitiis ni Sisa
ang kaniyang kapalarang naging malupit sa kaniya?
Don Rafael Ibarra- isa sa pinakamayaman sa San Diego na ama ni Crisostomo Ibarra.
Kinaiinggitan nang labis ni Padre Damaso. Sa loob siya ng bilangguan namatay. Paanong
ang isang iginagalang at mayamang tulad niya ay namatay sa bilangguan?
Don Santiago de los Santos- kilala sa tawag na Kapitan Tiyago. Isa siyang mangangalakal
na taga-Binondo. Siya, na kinagisnang ama ni Maria Clara, ay naging mabuting ama sa
dalaga. Paano kaya niya tinanggap ang katotohanan na may kinalaman sa pagkatao ng
kinikilalang anak?
Pia Alba- Ina ni Maria Clara na namatay pagkatapos na siya ay isilang. Ano kayang
malaking kasalanan niya na makaaapekto sa pagkatao ng inulilang anak?
Tiya Isabel- pinsan ni Kapitan Tiyago na tumutulong upang mapalaki si Maria Clara. Siya
kaya ang nakaimpluwensiya kay Maria Clara upang lumaking mahinhin at relihiyosa ang
dalaga?
Padre Vardolagas Damaso- Isang kurang Pransiskano na matagal na panahong
naglingkod bilang pari sa San Diego. Itinuturing na kaibigan ni Don Rafael Ibarra subalit
nang mamatay sa huli ay kaniya itong ipinahukay at ipinalipat sa libingan ng mga intsik.
Bakit kaya ginawa iyon ng paring ito?
Padre Bernardo Salvi- siya ang paring pumalit kay Padre Damaso. Nagkaroon siya ng
lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Makatarungan bang makadama ng paghanga o
pagsinta ang isang pari sa dalagang tulad ni Maria Clara?
Don Anastacio- kung tawagin siya ay pilosopo Tasyo sapagkat marami siyang alam subalit
baliw ang tingin ng karamihan dahil sa di-karaniwan niyang paniniwala. Bakit kaya ganito
na lamang ang tingin sa kaniya ng kaniyang kababayan?
Basilio at Crispin- mga anak ni Sisa; kapuwa sakristan at tagatugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego. Si Basilio ang mas matanda sa dalawa. Si Crispin ay
napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan. Nasaan kaya ang katarungan
para sa dalawang bata na ipinagkait sa kanila?
Alperes- puno ng mga guwardiya sibil na matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa
San Diego (itinuturing ni Dr. Rizal na hari ng Italy ng San Diego habang ang kura ang Papa
ng Estados Pontipikal.) Para sa iyo, sino ang mas makapanguarihan sa dalawa?
Doña Victorina de de Espadaña- isang babaeng itinatakwil ang pagiging Pilipina;
nagpapanggap siyang isang mestisang Español kaya naman napakakapal ng kolerete sa
mukha. Sa kasalukuyang panahon, sino kaya ang sinisimbolo ni Doña Victorina?
Don Tiburcio de de Espadaña – Sa paghahanap niya ng magandang kapalaran sa
Pilipinas, si Doña Victorina ang kaniyang natagpuan hanggang sa mapangasawa. Naging
mabuti kaya ang kapalaran ni Don Tiburcio sa piling ng asawa?
Doña Consolasion- dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Napangasawa niya ang alperes. Paano kaya niya maaapektuhan ang pagkatao ng iba pang
tauhan sa akda?
Linares- malayong pamangkin ni Don Tiburcio. Siya ang napili ni Padre Damaso na
ipakasal kay Maria Clara na sinang-ayunan naman ni Doña Victorina. Sumang-ayon kaya
si Linares sa panghihimasok ng dalawa?
Nol Juan- namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.
Magtagumpay kaya sila sa pagpapatayong ito ng paaralan?
Lucas- taong madilaw na gumagawa ng kalong magbababa sa batong buhay upang
mapatay si Ibarra. Ano kaya ang nagtulak sa taong ito upang pagtangkaan ang buhay ni
Ibarra?

3
Bruno at Tarsilo Alasigan- magkapatid na ang ama ay namatay sa pamamalo ng mga
guwardiya sibil. Ano kaya ang magiging kaugnayan nila sa isa sa mahahalagang tauhan
na si Maria Clara?
Kapitan Pablo- pinuno ng mga tulisan na napamahal ng labis kay Elias. Itinuturing siyang
ama ni Elias. Bakit kaya siya itinuring na ama ni Elias?
Salome- kababata at lihim na umiibig kay Elias. Nagkaroon kaya ng kaganapan ang
kanilang pag-iibigan?
Pedro- sugarol at malupit na asawa ni Sisa; ang kaniyang kalupitan ay ginagawa rin sa
mga anak. May pagkakataon pa kayang magbago ang isang tulad niya?

(Pinagkunan: Glady E. Gimena et al., Ang Pinaikling Bersiyon - Noli Me


Tangere, Caloocan City: Blazing Star Publication., 2010)

Tayo’y Magsanay

GAWAIN

1
Panuto: Buuin ang pinaghalong titik upang mabuo ang tauhang inilalarawan. Isulat ang
sagot sa patlang.

ODRPE
1. Malupit na asawa ni Sisa.
________________
EDRAP VLSAI
2. Paring pumalit kay Padre Damaso.
_________________
ŇADO
IONCOSCONLA 3. Dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

___________________
TANIPAK OBLAP
4. Pinuno ng mga tulisan na nagmamahal ng labis kay Elias.
__________________
OND ASANATIOC
5. Tinatawag na pilosopo Tasyo sapagkat marami siyang alam
subalit baliw ang tingin sa kaniya dahil sa di-karaniwan
___________________ niyang paniniwala.

4
GAWAIN

2
Panuto: Tukuyin sa Hanay A kung sino ang tinutukoy na tauhan sa mga pahayag at pumili
ng kasagutan mula sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
______1. Itinuturing na ama ni Elias.
______2. Taong madilaw na nagtangkang A. Crispin
patayin si Ibarra.
B. Doña Victorina
______3. Nag-iisang anak ni Don Rafael.
______4. Iniligtas ni Ibarra sa tiyak na C. Elias
kamatayan mula sa mapanganib na
buwaya. D. Juan Crisostomo
______5. Anak ni Sisa na napagbintangang Ibarra
nagnakaw ng dalawang oras sa
simbahan. E. Kapitan Pablo

F. Lucas

Replektibong tanong:
Para sa iyo, bakit mahalagang nalalaman natin ang
mga tauhang nakapaloob sa nobelang Noli Me Tangere?
Sino-sino sa inyong lugar ang maihahalintulad mo sa mga
tauhang nabanggit sa nobela?

Ating Pagyamanin

GAWAIN
1
Panuto: Kilalanin at piliin kung kanino napapatungkol ang palaisipan na nasa
talahanayan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Paano kaya niya tinanggap ang D. Ano kaya ang nagtulak sa taong ito
katotohanan na may kinalaman sa upang pagtangkaan ang buhay ni
pagkatao ng kinikilalang anak? Ibarra?

B. Ano kayang malaking kasalanan niya E. May pagkakataon pa kayang magbago


na makaaapekto sa pagkatao ng ang isang tulad niya?
inulilang anak?
C. Nasaan kaya ang katarungan para sa F. Magtagumpay kaya sila sa
dalawang bata na ipinagkait sa kanila? pagpapatayong ito ng paaralan?

_____1. Lucas
_____2. Pedro _____4. Basilio at Crispin
_____3. Pia Alba _____5. Don Santiago de los Santos
5
GAWAIN

2
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ang pahayag ay nagsasaad ng kabutihan at katotohanan
at ekis ( ) naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Si Pedro ay representasyon ng mga kalalakihang sakit sa ulo ng mga asawa.

_____2. Pinananatili ni Lucas ang kaligtasan ng kaniyang kaibigang si Ibarra laban sa mga
tulisan.
_____3. Si Doña Victorina de de Espadaña ay huwarang Pilipina na nagmamahal sa sariling
lahi.

_____4. Maraming kababaihan ang maihahalintulad kay Sisa na nakararanas ng pangagapi


ng kanilang mga asawa.
_____5. Ang nobelang Noli Me Tangere ay isang sulatin na naglalarawan ng kalupitang
naranasan ng ating mga pinuno sa kamay ng mga Espanyol.

Replektibong tanong:
Sino ang iniidolo mong tauhan sa nobelang Noli
Me Tangere? Ano ang aral na ipinahatid niya sa iyo na
lubos mong nagustuhan? Paano mo ito maibabahagi sa
lugar na iyong kinabibilangan?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Kompletuhin ang talatang nasa ibaba mula sa iyong natutuhan sa aralin. Isulat
sa patlang ang tamang sagot.

6
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at alamin kung sino ang pinatutungkulan ng sumusunod na pahayag.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit kaya siya itinuring na ama ni Elias?

A. Don Tiburcio B. Kapitan Pablo C. Lucas D. Pedro

2. Magtagumpay kaya sila ni Ibarra sa pagpapatayong ito ng paaralan?

A. Alperes B. Elias C. Nol Juan D. Salome

Ano kaya ang itinatago niyang lihim ukol sa kaniyang pagkatao?


3.
A. Elias B. Kapitan Pablo C. Maria Clara D. Pedro

4. Nagkaroon kaya ng kaganapan ang kanilang pag-iibigan ni Elias?

A. Alperes B. Maria Clara C. Pedro D. Salome

5. Para sa iyo, sino ang mas makapangyarihan sa dalawa ng kura sa San Diego?

A. Alperes B. Kapitan Pablo C. Maria Clara D. Pedro

Para sa bilang 6-10:


Punan ng titik ang bawat kahon upang mabuo ang puzzle.
10.

6. A E A 9. I
A. Alperes B. Elias 8.
C. Linares D. Lucas U
E. Pedro F. Padre Damaso D
G. Padre Salvi G. Salome R
H. Sisa
S
7. S

Pahalang:
6. Siya ang paring pumalit kay Padre Damaso. Nagkaroon siya ng lihim na pagtatangi
kay Maria Clara.
7. Mapagmahal na ina subalit nagkaroon ng asawang pabaya at malupit hindi lamang
sa kaniya kung hindi maging sa dalawa niyang anak.

Pababa:
8. Sugarol at malupit na asawa ni Sisa; ang kaniyang kalupitan ay ginagawa rin sa mga
anak.
9. Taong madilaw na gumagawa ng kalong magbababa sa batong buhay upang
mapatay si Ibarra.
10. Malayong pamangkin ni Don Tiburcio. Siya ang napili ni Padre Damaso na ipakasal
kay Maria Clara na sinang-ayunan naman ni Doña Victorina.
7
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayo’y Magsanay


1. H
Gawain 1
2. C
3. D 1. Pedro
4. E 2. Padre Salvi
5. F
3. Doňa Consolacion
B. 6. Tama
4. Kapitan Pablo
7. Mali
8. Mali 5. Don Anastacio
9. Tama Gawain 2
10. Tama
1. E
Ating Pagyamanin 2. F
Gawain 1 3. D
1. D 4. C
2. E
5. A
3. B Ating Tayahin
4. C Aking Natutuhan
5. A 1. C
2. C 1. Dr. Jose P. Rizal
Gawain 2 3. D 2. Espanyol/Kastila
4. B 3. Salingin
1. 5. C 4. Uncle Tom’s Cabin
6. G 5. Harriet Bearcher Stowe
2. 7. H
3. 8. E
4. 9. D
10. C
5.

Sanggunian

Aklat
Peralta, Romulo N., Donabel C. Lajarca, Eric O. Cariño, Aurora C. Lugto, Mary Grace A. Tabora,
Sheila C. Molina, Jocelyn C. Trinidad, Lucelma O. Carpio, Julieta U. Riveraat Vilma C.
Ambat. Panitikang Asyano Gabay ng Guro sa Filipino 9. Pasig City: Department of Education,
Vibal Group Inc., 2015.

Gimena, Glady E., Leslie S. Navvaro. Ang Pinaikling Bersiyon - Noli Me Tangere, Caloocan City:
Blazing Star Publication., 2010.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like