You are on page 1of 23

9

Filipino
Unang Markahan Modyul 2:
Mga Akdang Pampanitikan:
Ang Babae sa Nam Xuong
Filipino Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan Modyul 2: Maikling Kuwento Mula sa Vietnam
Ang Babae sa Nam Xuong
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang akdang Ang Babae sa Nam Xuong - Maikling Kuwento Mula sa Vietnam ay ginamit sa modyul
na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon


Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Trinidad E. Romero


Editor: Lily Grace D. Pingol, Ms. Rosalie I. Zingapan, Juanito G. Fonacier Jr.
Tagasuri: Rodolfo F. De Jesus, Florian L. Ruiz,
Patrocinia T. Ariate, Nieva M. Cecogo,
Meshiel B. Brome, Roena Roselle F. Aquino
Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Heidee F. Ferrer, Brian Spencer Reyes
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, Tagapamanihala
Fredie V. Avendaño, Pangalawang Tagapamanihala
Juan C. Obierna, Puno, CID
Heidee F. Ferrer, Tagamasid Pansangay-Lrms
Rodolfo F. De Jesus, Tagamasid Pansangay-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon

Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City


Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
9

FILIPINO
Unang Markahan Modyul 2:
Mga Akdang Pampanitikan:
Ang Babae sa Nam Xuong
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling Mga Akdang Pampanitikan: Ang Babae sa Nam Xuong!

Ang modyul sa Filipino 9 ay idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa


pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol


sa Mga Akdang Pampanitikan: Ang Babae sa Nam Xuong!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

ii
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino mang kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip. Ito ay narito upang
matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang pampanitikan na mula sa
bansang Vietnam. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay pahintulot na magamit

-aaral. Ang mga aralin ay


inihanay upang makasunod pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng bawat
baitang. Ngunit ang ayos ng modyul na ito kung saan mo mababasa ay maaaring
mabago sa batay sa batayang aklat na iyong ginagamit.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:


Aralin 2 Maikling Kuwento Mula sa Vietnam
Ang Babae sa Nam Xuong / Mga Pangatnig at Transitional Devices

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. Nakabubuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa
akda
2. Nakapaghahambing ang ilang piling pangyayari sa akda sa ilang piling
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.
3. Nakalilikha ng kuwento-video -
ugnay at transitional devices.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat


ang letra ng tamang sagot.
1. Tuwing gabi, sa tuwing sisindihan ng babae ang ilawang langis ay nagugunita
niya ang kaniyang asawa na nasa malayo na ngayon. Anong damdamin ang
nakapaloob sa pahayag?
A. Nalulungkot C. Nangungulila
B. Natutuwa D. Nagtataka

2. Sa maikling panahon ay waring nakalilimutan na ng batang lalaki ang anyo ng


kaniyang ama. Ano ang damdaming ipinakita sa pangungusap ng bata?
A. Pagkalito C. Pagkasabik
B. Pagkalumbay D. Pagkainis

3. Anong akdang pampanitikan ang nagsasalaysay ng mga pangyayari, limitado ang


mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at nakatuon sa takbo ng pangyayari
ang kuwento?
A. Kwentong bayan C. Nobela
B. Maikling Kuwento D. Pabula

4. Ano ang tawag sa katagang nag-uugnay sa pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari, paglilista ng mga ideya at iba pang paglalahad?
A. Pangatnig C. Pang-angkop
B. Pang-abay D. Transitional Devices

5. Gabi na noon kaya inihiga na ng lalaki ang anak sa kama nito. Alin ang
transitional devices sa pangungusap?
A. Nito C. Noon
B. Kaya D. Na

2
Aralin Maikling Kuwento Sa
1 Vietnam: Ang Babae sa Nam
Xuong

Balikan

Panuto: Magbigay ng salita na may kaugnayan sa punong salita sa bawat bilang.


Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

1. ALTAR
Salitang Maiuugnay: _________________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________

2. NAM XOUNG
Salitang Maiuugnay: _________________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________

3. ILAWANG LANGIS
Salitang Maiuugnay: _________________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________

4. PANIBUGHO
Salitang Maiuugnay: _________________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________

5. TAGLAGAS
Salitang Maiuugnay: _________________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________

3
Tuklasin

Gawain 1:
Panuto: Itala ang mga katangian na dapat taglayin ng isang ama at bigyang ito ng
katuwiran sa sagutang papel.

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

___________________________________________________
__
___________________________________________________
__
___________________________________________________

Pokus na Tanong

1. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya sa


kasalukuyang panahon?

2. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay at transitional devices sa pagbuo ng


sariling paghatol o pagmamatuwid?

4
Suriin

Tandaan ang denotasyon ay ang literal na pagpapakahulugan ng salita. At ang


konotasyon ay ang malalim at masining na pagpapakahulugan ng salita.

Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang DENOTASYON at KONOTASYON na salita ng salitang may
salungguhit sa loob ng pangungusap. Isulat sa loob ng kahon ang DENOTASYON at
sa loob ng bilog ang KONOTASYON.

1. Lumipas ang tag-init at sinundan ng taglagas ay hindi pa rin siya


bumabalik.
DENOTASYON: KONOTASYON:

2. Sinakmal siya ng panibugho at nanalaytay sa kaniyang mga ugat ang


matinding panibugho.
DENOTASYON KONOTASYON:

3. Kumulo ang kaniyang dugo sa kaniyang anak at sa nagpanggap na


ama nito.
DENOTASYON: KONOTASYON:

4. Waring nakikita niya ang kabiyak ng kanyang puso na nakaupo sa


silyang palagi nitong inuupuan.
DENOTASYON: KONOTASYON

5. Dumaan ang mga araw ay hindi na bumalik ang lalaki.

DENOTASYON: KONOTASYON:

5
Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mailking kwento ng Vietnam.

Ang Babae sa Nam Xuong


(Vietnam)

Sa wakas ay umuwi na rin ang ama ng tahanan. "Salamat sa ating mga ninuno sa
Nam Xuong at nakauwi ka na." ang naibulalas ng babae. "Kukuha ako ng ating
pagkain habang inaayos mo ang altar." Bagama't hindi nakikilala ng bata ang ama,
siya'y masaya sa piling na lalaking bagong dating. "Paki bantayan mo ang bata
habang wala ako," ang patuloy ng babae.

Samantala, habang inaayos ng lalaki ang altar ay tinawag niya ang kanyang anak,
"Halika anak, umupo ka sa tabi ng iyong ama." "Hindi ikaw ang aking ama," ang
sagot ng bata. "Bakit mo nasabi iyan?" ang tanong ng lalaki. "Sapagkat hindi ikaw
ang lalaking nakikita ko gabi- gabi sa tabi ng aking higaan," ang tugon ng bata.
Hindi malaman ng ama ang isasagot. Naghinala siya na may lalaki ang kanyang
asawa na dumarating sa kanilang tahanan gabi- gabi. Buong akala niya ay mahal
siya ng asawa at hinihintay ang kanyang pagbabalik. Iyon pala ay nakatagpo na ito
ng ibang lalaki na ipapalit sa kanya. Sinakmal siya ng panigbuho at nanalaytay sa
kanyang mga ugat ang matinding poot. Kumulo ang kanyang dugo sa kanyang anak
at sa nagpanggap na ama nito.

Nagmamadaling umuwi ang babae sa pananabik na makapiling ang asawa, gayon


na lamang ang kanyang pasasalamat sapagkat ligtas itong nakabalik. Pagdating ng
bahay ay nagtaka siya kung bakit hindi pa natatapos ayusin ng lalaki ang altar at
itinanong niya ang dahilan. Sa halip na sagutin ng lalaki ang tanong ng asawa ay
nagmamadali siyang lumabas at pabalibag na isinara ang pinto.

Dumaan ang mga araw, hindi na bumalik ang lalaki. Hindi nakayanan ng babae

kapitbahay. Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumisan bago pa dumaloy ang luha


sa kaniyang mga mata. Mabilis siyang tumakbo patungo sa ilog na parang wala na
sa sarili. Lumundag siya sa malamig na tubig at nalunod.

Nang malaman ng lalaki ang ginawa ng asawa ay agad siyang umuwi. Kumatok siya
sa pinto ng kapitbahay na pinag- iwanan ng babae sa bata at ibinigay sa ama ang
bata. Gabi na noon kaya hiniga na ng lalaki ang anak sa kama nito. Umupo siya sa
bahagi ng higaan na palaging inuupuan ng babae noong buhay pa ito. Bumalik na
ang aking ama.", ang masayang- masayang wika ng bata habang nakatitig sa anino
ng dingding. Ang paghininala ng lalaki ay napalitan ng matinding kapighatian dahil
dito ay hindi na niya nagawa pang mag- asawang muli at iniukol na lamang ang
nalalabing panahon ng kaniyang buhay sa pagmamahal at pagpapalaki sa kaniyang
anak.

6
Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Bigyan ng sariling paghatol o pagmamatuwid ang mga pahayag sa loob ng


kahon kung makatuwiran ba ito o hindi? Ipaliwanag ang sagot sa nakalaang
espasyo.

1. Isang araw ay tinawag ng hukbo ang lalaki upang maglingkod bilang sundalo.

Sagot: ____________________________________________________________________

2.

Sagot: ____________________________________________________________________

3. -gabi sa tabi ng aking

Sagot: ____________________________________________________________________

4. Naghinala siya na may lalaki ang kaniyang asawa na dumarating sa kanilang


tahanan gabi-gabi.

Sagot: ____________________________________________________________________

5. Nagtungo sa ilog ang babae, lumundag sa malamig na tubig at nalunod.

Sagot: ____________________________________________________________________

7
Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
Mga Pangatnig at Transitional Devices
Ang pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at
sugnay. Sa ganitong paraan ay napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa
isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay at transitional devices naman ang tawag
sa mga salitang nag-uugnay sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, at paglilista ng
mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.

Mga Gamit ng Pangatnig at Transitional Devices

1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o gawain


(sumunod, pagkatapos, una, saka, pati)
Halimbawa:
Unang nanuod ang mga mag-aaral, sumunod ang mga magulang, pagkatapos ay ang
mga guro.

2. Pagbabagong-lahad
(sa ibang salita, sa madaling sabi, sa biglang sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang
dako)
Halimbawa:
Hindi dapat na malagay sa panganib ang iyong buhay. Marami ang mag-aalala.
Sa madaling sabi, ganyan ka kahalaga sa amin.

3. Pagtitiyak
(tulad ni, tulad ng, katulad, gaya, sumunod, kahalintulad)
Halimbawa:
Maraming magagandang dahilan ang maaaring isipin tulad ni Emma na iyong
kapamilya.

4. Paglalahat
(bilang pagtatapos, bilang pagwawakas, sa wakas, sa di kawasa, anupat)
Halimbawa:
Sa wakas ay nakuha ko na rin ang unang gantimpala sa patimpalak.

5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat


(sa aking palagay/opinyon, bagaman)
Halimbawa:
Sa aking palagay, magiging maayos na ang buhay kapag nagkaroon na ng bakuna
at gamot laban sa COVID 19.

8
6. Pagsalungat
(ngunit, datapwat, subalit, samantala, pero)
Halimbawa:
Napakarami niyang reklamo sa kanyang magulang subalit sumusunod pa rin siya
sa utos nito.

7. Pananhi
(kaya, dahil sa, sapagkat)
Halimbawa
Maraming mahihirap na mag-aaral ang di-makaaagapay sa online na pag-aaral
sapagkat wala silang magagamit na gadget.

Pagsasanay 1

Panuto: Salungguhitan ang mga pangatnig at transitional devices na ginamit


sa teksto na SUICIDE RISK na Dala ng Internet.

Suicide Risk na Dala ng Internet


Para sa maraming tao, malaki ang naitutulong ng internet. Ito ay
nagagamit upang makaalam ng mga balita, makalibang ng nababagot na sarili sa
pamamagitan ng panonood ng kung ano-anong panoorin sa tiktok, you tube, mga
pelikula kahit pa sa facebook. Nakakapag-post din ng sariling video at mga nais i-
post sa sariling account. Mabilis na pakikipag-usap sa mga tao na gusto mong
maabot kahit saan pang bahagi ng mundo sila naroroon basta may aktibong signal
sa kanilang kinaroroonan.
Sa kasalukuyang panahon ay matatawag nang pangangailangan ang
internet, sa madaling salita, nagagamit ang internet sa mabilisang transaksiyon
tulad ng pagbabayad ng bayarin sa Meralco, Maynilad o maging sa mga bangko
at kung ano-ano pang ahensiya. Sa mga opisina naman na tulad ng Call Center
ay napakaraming positibong dulot ang internet subalit di-maikakaila na mayroon
din itong masamang epekto sa ordinaryong kabataan. Nagdadala rin ang internet
ng negativity lalo na sa mga bata. Isang halimbawa na rito ang nakakatakot na
karanasan na isinalaysay sa Facebook account ng isang inang nagngangalang
Aling Meridy tungkol sa kanyang pitong taong gulang na anak. Ayon sa kanya,
napansin niyang biglang nagbago ang ugali ng kanyang anak dahil sa araw-araw
nitong pag-o-online games. Binanggit din niya na natuto kung paanong
magpakamatay ang kaniyang anak dahil sa walang tigil na paglalaro sa online
games at panonood ng You Tube videos. Ito raw ay dahil madalas na may nag-
Go kill yourself You Tube na dapat ay pambata lang sana ang
napapanuod ngunit makikitang may kakaibang mensahe itong ipinaaabot sa mga
anxiety attack
gumuhit ng larawan na may ipinapakitang taong nagpakamatay sa pamamagitan
ng pagbibigti. Labis itong nagdulot ng pagkabagabag sa ina para sa kaniyang
ay ito ng payo sa lahat ng mga magulang na dapat ay
kontrolado ang screen time ng kabataan sa pag-o-online.
Ang post na ito ni Aling Meridy ay sinang-ayunan ng Netizen, sa
madaling sabi, hindi dapat na pinababayaan lang ang kabataan sa pag-o-online
bagkus kailangan pa rin siguraduhin ng mga magulang na walang maling
pinapanood ang mga anak upang sila ay makaiwas sa masamang karanasan.

9
Pagsasanay 2

Panuto: Bumuo ng pangungusap ng paghahatol o pagmamatuwid gamit ang ibinigay


na pangatnig/ transitional devices sa bawat bilang.

1. May suicide risk sa paggamit ng internet (subalit)

____________________________________________________________

2. Kabataan sa pag-o-online (sa aking palagay)

____________________________________________________________

3. Pangangailangan ng tao ang internet (sapagkat)

____________________________________________________________

4. Ang buhay ng kabataan (sa tahasang sabi)

____________________________________________________________

5. Maraming gumagamit ng internet (katulad)

____________________________________________________________

Gawain 1:

Sagutin ang Pokus na Tanong!

1. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang


Asya sa kasalukuyang panahon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay at transitional devices sa


pagbuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Isaisip

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag ayon sa iyong sariling ideya. Isulat ito sa
nakalaang espasyo.

Napatunayan ko na ang pag-aaral sa mga maikling

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Natuklasan ko na kinakailangang bigyan ng halaga ang paggamit ng


pangatnig at tra

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

11
Isagawa

Kuwento Ko- Video Mo!


Matapos na talakayin ang maikling kuwento at transitional devices ay
makalilikha ka na ngayon ng sarili mong wakas sa kuwentong iyong nalalaman.
Maaaring tanungin ang kaklase o sinomang kakilala tungkol sa sarili nilang mapait
o matamis na karanasan sa buhay. Bigyan ito ng wakas ayon sa gusto mong
mangyari sa hinaharap. Dapat na ang iyong kuwento- video ay mapanghikayat at
kompleto ang elemento. Gumamit ng presentasyong grapikal. At sundin ang mga
pamantayan sa ibaba.

Mga Pamantayan sa Paglalahad ng Kuwento 5 4 3 2 1

1. Hikayat

2. Kumpleto ang mga elemento (tagpuan,


tauhan, banghay)
3. Nakagamit ng transitional devices sa
paglalahad

4. Masining ang paraan ng pagkukuwento


(lakas at hina ng boses, ekspresyon ng
mukha, kilos ng katawan)

5. Wasto ang hanay ng mga salita sa


nabuong wakas.
Kabuoan ng puntos ng Gawain
Leyenda Deskripsyon

5 25 Napakagaling
4 20-24 Magaling
3 15-19 Katamtaman
2 10- 14 Kailangan pa ng pagsasanay
1 0-9 Nangangailangan ng seryosong pagsasanay

12
Tayahin

PANUTO: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. naibulalas ng babae. Ang kahulugan ng salitang


may salungguhit ay ________.
A. nasambit B. naibulong C. naisigaw D. naisulat

_____2. Ang paghihinala ng lalaki ay napalitan ng matinding kapighatian. Ang


kasalungat ng salitang may salungguhit ay _______.
A. Kaginhawaan B. kalungkutan C. Kaguluhan D. Kagaspangan

tabi ng aking higaan gabi- ay ang _______.


A. Dingding C. Ibang lalaki
B. Kama D. Anino

_____4. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng maikling kuwento?


A. Tauhan B. Banghay C. Tagpuan D. Wakas

_____5. Ang pagpapakamatay ay hindi sagot sa suliranin. Ano ang dapat gawin ng
mag-asawa upang lubos na naging masaya ang kanilang pagsasama?
A.
B.
malampasan ang anomang problemang kinakaharap ng pamilya.
C. Kapag may suliranin ay mag kanya-kanyang buhay muna.
D. Hayaang magsigawan upang mailabas ang sama ng loob pagkatapos ay
iwanan ang suliranin sa asawa.

_____ 6. Hindi na muling nag-asawa ang lalaki at ibinigay na lamang ang nalalabing
panahon sa pagpapalaki sa kanyang anak na lalaki. Ang ipinahihiwatig ng
pangungusap na ito ay ___________ .
A. Pagmamahal C. Pagpapahirap sa sarili
B. Pagtalikod sa obligasyon D. Pagsisisi

_______7. Paano maipapakita ng isang magulang ang kanyang tamang paggabay sa


anak lalo na sa kasalukuyang panahon?
A. Hayaang maglaro ng online games ang anak.
B. Busugin at aliwin sa maraming gadgets ang anak.
C. Bigyan ng panahong ipasyal ang anak at magkaroon ng quality time
para sa pamilya.
D. Alamin at suriin pa rin kung ano ang pinanonood ng anak at nilalarong
online games.

13
_______8. Hindi makapaniwala ang ina sa iginuhit ng anak ________ ikinabahala
niya nang husto ang pangyayaring ito. Anong pangatnig o transitional device ang
makabubuo sa pangungusap?
A. Pero B. Dahil C. Kaya D. Sa madaling sabi

________9. _________ sumang-ayon din ang Netizen na dapat gabayan ng magulang


ang kanilang mga anak sa pag-online. Punan ang patlang ng angkop na pangatnig
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
A. Datapwat B. Ngunit C. Sa wakas D. Dahil

________10. Sa panahon ng pandemya, hindi natin maiwasan ang mag-alala para


sa ekonomiya ng bansa at kalusugan natin kaya lagi tayong nakamasid sa
kalagayang pangkapaligiran natin na posibleng may di magandang maidulot
anumang oras. Tukuyin ang pangatnig na pananhi.
A. Di-maganda B. Para C. Lagi D. Kaya

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng mga kuwentong kahanga-hanga na nangyari sa


panahon ng Enhance Community Quarantine (ECQ) dahil sa na COVID 19 sa
Pilipinas. Kunin ang mahahalagang detalye ukol sa karanasan ng taong sangkot sa
kuwento, pagkatapos ay gumawa ng sariling repleksyon.

Isulat sa bahaging ito ang nakalap na detalye ukol sa taong may kahanga-
hangang karanasan sa panahon ng pandemiya ng COVID 19.

15
Sanggunian
1. Bulan, Helen G., Cecogo, Nieva M. et. al (2019). Ang Pitak 9 Modyul sa Filipino
-Grade 9. Quezon City.EDUCATIONAL RESOURCES CORPORATION.
2. Peralta, Romulo N. et. Al. (2014). Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa
Filipino 9. Pasig City. Vibal Group, Inc.
3. https://projectcjenz.blogspot.com/2013/10/ang-babae-sa-nam-xuong
4. https://ph.theasianparent.com/suicide-risk-ng-internet

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education SDO-Quezon City

Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telephone Nos. 8352-6806/6809 Telefax-3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like