You are on page 1of 25

2

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Tungkulin Ko sa Aking Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Tungkulin Ko sa Aking Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rosalie V. Feliciano
Editor: Veronidia S. Guevarra
Tagasuri: Annalyn L. German EdD, Emmanuel V. De Mesa
Maria Eleonor D. Gavino
Tagaguhit: Kharlyn P. Banzon
Tagalapat: Mark Greg C. Binasoy
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor R. Nuesca EdD
Rolando T. Sotelo DEM
Annalyn L. German EdD
Emmanuel V. De Mesa

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Tungkulin Ko sa Aking Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Tungkulin Ko sa Aking Komunidad!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan, Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Tungkulin Ko sa Aking
Komunidad!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip punan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung ano ang
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iv
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaang pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

v
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang araling ito ay tumatalakay sa mga tungkuling gagampanan
mo sa iyong komunidad. Ang pagganap mo ng iyong tungkulin ay
makapag-aambag sa pagkakaroon ng maayos, maganda at maunlad na
komunidad.
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naipaliliwanag na may katumbas na tungkulin ang mga karapatang
tinatamasa bilang kasapi ng komunidad; (AP2PKK-IVe-4)
2. nagagampanan nang tama at nasusunod nang maayos ang mga
tungkulin o alituntunin na ipinatutupad sa komunidad; at
3. napahahalagahan ang mga alituntunin na ipinatutupad sa
komunidad.

Subukin
Panuto: Pilin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Anong salita ang tumutukoy sa mga kilos na inaasahan at kailangan
mong gawin?
a. karapatan
b. pananagutan
c. tungkulin
2. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang hindi nagpapakita ng
pagtupad sa tungkulin?
a. Tinutulungan ni Nix ang kanyang mga kapatid sa gawaing-
bahay.
b. Nagtatapon ng balat ng sitsirya si John Paul sa bakanteng lote na
malapit sa kanilang bahay.
c. Sumasakay ako ng traysikel sa tamang sakayan.

1
3. Kung ikaw ay gumagamit ng pedestrian lane, anong tungkulin ang
tinutupad mo?
a. batas trapiko
b. pangangalaga sa kalikasan
c. tungkuling mag-aral na mabuti
4. May clean-up drive na gaganapin sa inyong komunidad. Ano ang
dapat mong gawin?
a. manatili sa bahay
b. sabihing hindi mo pa kayang tumulong
c. makiisa sa proyekyo batay sa iyong kakayanan
5. Sa panahon ng paglaban sa Covid-19 virus, alin ang nararapat
mong gawin?
a. magsusuot ng face mask upang hindi magmulta
b. magsusuot ng face mask sa tuwing lalabas ng iyong tahanan
c. magsusuot ng face mask kung may pulis o tanod na parating

2
Aralin
Tungkulin Ko sa Aking
5 Komunidad
Ang pagtupad mo sa tungkulin ang kapalit ng tinatamasa mong
mga karapatan.
Ang bawat karapatan ay may kaugnay na gawain. Anomang
kilos o gawain na inaasahan at kinakailangan mong gawin ay
tinatawag na tungkulin. Bilang kasapi ng isang komunidad nararapat
na gampanan mo ang iyong tungkulin upang maging maayos,
mapayapa at maunlad ang iyong komunidad.

Balikan
Ang bawat isa ay may karapatan na dapat tamasahin. Anomang
kailangan na dapat magkaroon ang isang tao ay tinatawag na
karapatan. Ito ang pamantayan ng bawat kasapi ng komunidad upang
mabuhay nang may dangal.
Karapatan mong matugunan ang mga pangagailangan mo sa
pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo tulad ng serbisyong pang-
edukasyon, pangkabuhayan, pangkalusugan,panseguridad
pang-ispirituwal at panlipunan.

Panuto: (KRUSIGRAMA) Basahin ang talaan ng mga salita sa kolum


na pahalang at pababa upang matukoy ang ibat’ibang serbisyo na
tutugon sa iyong karapatan. Isulat sa sagutang papel.

3
Pahalang
2. mga palengke
3.makapag-aral at matuto anoman ang edad
Pababa
1. romoronda ang mga tanod
4. libreng gamot, bakuna at
konsultasyon
5. mga street sweeper at
tagakolekta ng basura

4
Tuklasin

Tungkulin Ko, Gagampanan Ko


May kaugnay na tungkuling dapat gampanan ang bawat
karapatang iyong tinatamasa.

Ako ay isang batang


Pilipino na may Halina’t tukuyin ang
tungkulin sa ating mga tungkulin sa
komunidad. ating komunidad.

5
Pagsunod sa Batas
Trapiko
Sa pedestrian lane
ako tumatawid.

Pangangalaga sa kalikasan
Ang manirahan sa maayos
na komunidad ay aking
.
karapatan, kaya tungkulin
kong magtapon ng basura
sa tamang lalagyan.

Pagtulong sa mga
nangangailangan
Ang naipon kong pera
ay pinambili ko ng
kaunting relief goods
para sa mga kapitbahay
sa panahon ng
pandemya.
.

6
Paggalang sa mga
tuntunin sa publiko

NO TRESPASSING
May karatulang No
Trespassing, kaya hindi
ako dapat papasok dito.

Panuto: Aling larawan ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin?


Isulat sa sagutang papel ang kaugnay na bilang nito.

7
3

8
Suriin
Ang bawat karapatan ay mayroong katumbas na tungkuling
dapat gampanan ng bawat isa upang maging maayos, payapa at
maunlad ang kanyang komunidad.
Narito ang mga katungkulang dapat mong tuparin:
1. pagtupad sa batas trapiko
2.pagtulong sa mga nangangailangan
3. pangangalaga sa kalikasan
4. paggalang sa mga tuntuning pampubliko

Pagyamanin
Panuto: Kopyahin ang katulad na tatsulok sa isang malinis na papel.
Mag-isip ng isang karapatan at sumulat ng dalawang tungkulin na
maaari mong gawin sa karapatang iyong napili.

karapatan

Isaisip

9
Gawain A
Binibigkas mo tuwing flag ceremony ang “Panatang Makabayan”.
Nagsisilbi itong paalala sa mga gawain at tungkuling dapat mong
gampanan.

Panuto: Isulat mo sa isang malinis na papel ang mga tungkuling


binanggit sa “Panatang Makabayan”.

Gawain B
Panuto: Sumulat ng isang pledge o pangako na naglalahad ng iyong
mga gagawin sa pagtupad mo ng mga tungkulin sa iyong
komunidad.

Ang Aking Pangako

10
Isagawa
Panuto: Kopyahin ang organizer sa isang papel. Isulat ang
sumusunod na mga sitwasyon na kaugnay sa tungkulin.
a. Nakiisa ako sa programang Share and Care ng aming barangay.
b. Naglalakad ako sa daan at ipinamulsa ko muna ang wrapper ng
kending kinain ko.
c. Naglalaro kayo ng kapatid mo ng basketbol. Napalakas ang tira
mo at pumasok ang bola sa bakanteng lote. May nakasulat na
No Trespassing kaya humihingi ka ng pahintulot sa katiwala
upang makuha ito.
d. Sinisiguro kong kulay pula ang traffic light para sa sasakyan
bago ako tumawid.

Pagtulong sa nangangailangan
Pagsunod sa Batas Trapiko

Paggalang sa tuntuning
Pangangalaga sa kalikasan
pampubliko

11
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng tungkuling tumutugon sa bawat sitwasyon.
a. Pagtupad sa Batas Trapiko
b. Pagtulong sa mga nangangailangan
c. Pangagalaga sa kalikasan
d. Paggalang sa mga tuntuning pampubliko

1. Ibinigay ni Joy ang kanyang lumang bag sa nasunugang bata.


2. Sa pedestrian lane dumadaan ang tatay ko kung tumatawid.
3. Ang mga gamit sa museo ng munisipyo ay hindi ko ginagalaw.
4. Naghihintay ako ng dyip sa tamang sakayan.
5. Sa panahon ng quarantine, nagkaroon ng paligsahan sa aming
barangay na may temang - Gulayan sa Barangay.
6. Dahil ako ay bata, hindi ako lumalabas ng aming tahanan sa
panahon ng Modified Enhanced Community
Quarantine(MECQ).
7. Nagbigay ako ng isang daang piso para sa Bayanihan Project sa
aming barangay.
8. Tumutulong ako sa aking nanay sa paghihiwa-hiwalay ng mga
basura sa aming bakuran.
9. Ang tatay ko ay hindi lumalabas sa gabi lalong-lalo na kung may
ipinatutupad na curfew.
10. Walang makitang malapit na basurahan ang ate ko kaya’t
inilagay muna niya ito sa kanyang bag.

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ng masayang mukha (😊) kung natutupad mo ang
mga tungkulin at malungkot na mukha (☹) kung hindi mo pa
natutupad.

12
Tungkulin
1. Tumatawid ako sa tamang tawiran.
2. Naglilinis ako ng aming kapaligiran.
3. Tumutulong ako sa pagtatanim sa aming bakuran.

4. Sumusunod ako sa ipinatutupad na curfew.

5. Hinihintay ko ang berdeng ilaw sa traffic light


bago tumawid.
6. Sumusuporta ako sa Clean and Green campaign ng
aming lungsod.
7. Inihihiwalay ko ang basurang nabubulok sa di-
nabubulok.
8. Handa akong magdonate sa mga biktima ng
kalamidad ng mga damit na di ko na sinusuot.

9. Sinisikap kong sundin ang mga ipinatutupad ng


Department of Health sa panahon ng Covid-19
gaya ng tamang paghuhugas ng kamay.

10. Hindi ko sinisira ang mga gamit sa Sports


Complex ng aming lungsod.

Susi sa Pagwawasto

Karagdagang Gawain
Tayahin
May ibat-ibang kasagutan ang mga
1. b
mag-aaral
2. a
3. d
4. d
5. c
6. d
7. b
8. c
9. d
10. c 13 Isagawa
Isaisip Pagyamanin
Tuklasin
A. 1. diringgin ang payo ng May ibat-ibang kasagutan ang mga
magulang mag-aaral 1. b
2.susundin ang tuntunin ng paaralan 2. a
3.naglilingkod, nag-aaral at 3. d
nagdarasal ng buong katapatan 4. d
5. c
B. Ang Aking Pangako 6. d
May ibat- ibang kasagutan ang
mga mag-aaral

Balikan Subukin
1. c
2. b
3. a
4. c
5. b

14
Sanggunian
Cruz, Gloria M. et.al. 2013. Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng Mag-Aaral,
Vibal Publishing House, Inc.

Gomez, Ma. Arsenia C. et.al. 2015. Tuklas Lahi 2, Brilliant Creations


Publishing, Inc. Bonanza Plaza 2, Block 1, Lot 6, Hilltop Subdivision
Greater Lagro, Novaliches, Quezon City, pp.191-208

Laggui, Charito N. et.al. 2015 Araling Panlipunan 2 – Pagsusuri, IBON


Foundation Inc, IBON Center,114 Timog Avenue, Quezon City, pp 206-
211

Varon, Diana Nem 2020. Kamalayang Panlipunan,Abiva Publishing House,


Inc., Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave., 1113 Quezon City, pp 326-335

15
16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like