You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City
Grade 2 FILIPINO
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
(USLeM)
__________________________________________________________________________________

FILIPINO 2
MANAGEMENT AND DEVELOPMENT TEAM

Development Team:
Writer: ELEN V. CUTAMORA
MALOU D. DELA CRUZ
Layout Artists: RUBY JANE E. DIONELA
Content Editors: SHEILA C. MOLINA
MA. HELEN G. TAMONDONG
Language Editor: TOMMY R. RICO

Management Team:

NERISSA L. LOSARIA, Schools Division Superintendent


FLORDELISA D. PEREYRA, Asst. Schools Division Superintendent
DIOSDADO S. MEDINA, Asst. Schools Division Superintendent
JOCELYN M. ALIŃAB, CID Chief
SHEILA C. MOLINA, Division EPS, Filipino
TOMMY R. RICO, Division LR Supervisor

1
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________

ARALIN Ang mga Tauhan at Sarili kong


Ideya
4

Inaasahan
Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto
batay sa kilos, sinabi o pahayag (F2PN-Iid 12.2)

Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin/reaksiyon


tungkol sa napakinggang kuwento batay sa tunay na pangyayari
o pabula(F2PN-lib.2)

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin ang pahayag at tukuyin ang katangian


ng tauhan batay sa kaniyang sinabi. Piliin sa kahon ang
sagot.
____1. “Opo, susundin ko po ang inyong sinabi.”
____2. “Salamat, Diyos ko, Salamat.”
____3. “Dapat kayong magsilbi sa isa’t isa.”

masunurin maunawain
mapagpasalamat mapagmalasakit

2
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________
Basahin ang pangungusap. Sabihin ang iyong
damdamin ukol dito. Ilagay ang angkop na emoticon.

____4. Hindi ka nakasama sa pagpunta sa mall dahil


bawal pa ang batang tulad mo.
____5. Pinasalubungan ka ng iyong magulang ng
paborito mong pagkain.

Balik-tanaw
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Bilugan ang bahaging
nagsasaad ng sanhi at ikahon naman ang bunga.

1. Lumabas si Ron ng bahay na hindi suot ang mask kaya siya


na hawaan ng Covid-19.
2. Nag-aral na mabuti si Renan kaya matataas ang marka
niya.
3. Dahil mahilig magbasa sa sasakyan ang bata, malabo na
ngayon ang kaniyang mga mata.
4. Natutuwa ang lahat kay Daniel dahil siya ay mabait at
masunurin.
5. Masayang naghiyawan ang magkakalaro dahil napalipad
nila ang dambuhalang saranggola.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang tauhan ay isang elemento ng maikling kuwento.


May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro at
3
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________
umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. Mayroon ding
mga pantulong na tauhan. Maaari mong ilarawan ang
tauhan batay sa kaniyang kilos, sinabi o pahayag.

Basahin mo ang halimbawang kuwento.

Tunay na bayani kung maituturing si G.de la Cruz


dahil sa kaniyang kahusayan sa pagtuturo.Siya ay isang
larawan ng tunay na maipagmamalaking guro kung
kaya’t mahal na mahal siya ng kanyang mga mag-aaral
at kapwa niya guro.
Isang araw,nagtaka ang lahat nang bigla itong
magpaalam.Marami ang nalungkot at nanghinayang.
“Kailan kaya tayo magkakaroon ulit ng gurong
katulad niya?”wika ng isang mag-aaral.
Lumipas ang isang buwan,laking gulat nila ng makita
nila si G. de la Cruz na nagtutulak ng kariton na may mga
kasamang batang kalye.Sinundan nila ito at laking gulat
nila ng makita nila ang maraming bata.
“Wow! Isa pala itong silid-aralan! Nagtuturo pala si G.
de la Cruz ng mga batang kalye,”wika ng mga bata.

4
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________
Biglang napalingon si G.de la Cruz sa kanila at sila ay
tinawag.Tinanong ng mga bata ang kanilang guro.
“Sir,bakit po tinuturuan ninyo ang mga batang
kalye?” Nang makita ko sila,naawa ako.Wala silang
matututunan kung nasa kalye lamang sila.Kaya nandito
ako ngayon para sila ay turuan,”tugon ni G. de la Cruz.
“Pero bakit kailangan ninyo pa po sila
sunduin?,”tanong nila.
“Ipinapakita ko kasi na interesado ako sa kanila,pero
yung maliliit lang ang sinusundo ko,yung mga malalaki ay
kusa nang pumupunta rito”,paliwanag niya.
“Bayani ka talaga,Sir!”wika ng mga bata.Napangiti
siya at sinabi”Kahit sino puwede maging bayani. O sige
mga bata may gagawin pa ako,”paalam niya.
Ang galling talaga ni G. John de la
Cruz,maipagmamalaki ko talaga siyang guro.

o Ilarawan si G.John de la Cruz bilang guro batay sa


kaniyang kilos, sinabi o pahayag.
________________________________________________________
o Ano ang masasabi mo sa kaniyang katauhan?
________________________________________________________

Ngayon naman may iba pa akong tanong sa iyo


tungkol sa binasang kuwento:

o Sino sa inyong mga guro ang tulad ni G. John de la


Cruz na maipagmamalaki ng bansa?
________________________________________________________
o Paano mo ipapakita ang paggalang sa iyong guro?
___________________________________________________

5
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________

Sa pagsagot mo ng mga tanong na ito ay


naipahahayag mo ang iyong sariling ideya, damdamin o
reaksyon. Magagawa mo ito kung lubos mong
naunawaan ang iyong binasa. Huwag kang matakot
ipahayag ang iyong saloobin at mga naiisip upang
malinang ang iyong kaisipan at kakayahan sa pakikipag-
usap.

Gawain

I. Panuto: Ilarawan ang tauhan sa bawat sitwasyon. Piliin sa


loob ng kahon ang iyong sagot.

matulungin masipag matapat

mapagbigay masunurin

1. Habang kumakain si Faith ng tinapay. May isang batang


lumapit sa kaniya at humingi ng tinapay. Agad niyang
binigyan ang bata. Si Faith ay isang batang
________________.

2. Nag-aabang ng masasakyan si Ron dahil sinabihan siya ng


kaniyang nanay na umuwi agad ng bahay pagkagaling sa
skul. Ngunit sa kaniyang paghihintay may mag-inang
paparating ang anak nito ay maysakit at kailangang
6
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________
madala agad ito sa ospital. Dumating ang sasakyan at
imbes na sumakay siya ipinaubaya niya ang masasakyang
huminto sa harap niya. Ang batang si Ron ay
isang_________________.

3. Gustong gusto ni Miguel maglaro sa labas ng bahay ngunit


sinabihan siya ng kaniyang ina na huwag lalabas ng bahay
dahil may kumakalat na virus. Agad sinunod ni Miguel ang
utos ng kaniyang ina. Ang batang si Miguel ay isang
__________________.

4. Palaging naglilinis ng bahay si Ginalyn kahit hindi siya


inuutusan ng kaniyang nanay. Siya ay isang batang
_________________.

5. Nabasag ni Karen ang basong nakapatong sa mesa.


Walang nakakita sa kanya. Ngunit agad niyang sinabi ang
mga nagyari sa ina. Si Karen ay isang batang
__________________.

II. Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang kasunod na


mga tanong.

Mapalad si Zyra
Si Zyra ay anak ng mag-asawang Benny at Linda.
Ipinanganak siyang may kakaibang anyo. Subalit kailanman ay
hindi siya ikinahiya ng kaniyang mga magulang.
Matatanda na ang kaniyang mga magulang kaya’t
napilitan siyang humanap ng makakain sa kabundukan. Nakita
niya ang isang lalaking puno ng galos at walang malay.
Tinulungan niya ang lalaki.
Nagulat ang lalaki sa ginawa niya kaya bilang pasasalamat,
binigyan niya ng panyo si Zyra.
7
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________
Pagdating ni Zyra sa kanilang bahay,nadatnan niyang puno
ng pagkain ang hapag-kainan.
Mayamaya, dumating ang dalawang lalaki at nabatid
niya na ang lalaking tinulungan niya ay nagmula sa isang
mayamang angkan at nais daw siyang pakasalan nito dahil sa
kaniyang kabutihan.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan siya


batay sa kaniyang kaanyuan at ikinilos.
2. Ano ang kaniyang ginawa sa lalaki na nakita sa
kabundukan?
3. Paano gumanti ng utang na loob ang lalaki kay Zyra?
4. Ano ang masasabi mo sa naging wakas ng kuwento?
5. Ano ang kaisipang nais ipahayag ng kuwento?

Tandaan

Dalawang mahalagang kasanayan ang iyong natutuhan. Una


ang paglalarawan sa tauhan batay sa kaniyang ikinilos, sinabi
o pahayag. Gumamit ng mga salitang naglalarawan upang
maipakilala mon ang mahusay ang tauhan. Ang ikalawa
naman ay ang pagpapahayag ng sariling ideya, damdamin o
reaksyon. Sa pagpapahayag ng iyong sariling saloobin,
tandan lamang ang sumusunod:

 Gumamit ng payak na pangungusap sa pagpapahayag ng


iyong ideya.
 Magtanong kung may hindi nauunawaan.
 Isipin ang damdamin ng makikinig sa pahayag na gagawin.
Iwasang makasakit ng damdamin ng iba.

Pag-alam sa mga Natutuhan

8
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang talata at pagkatapos ay gawin ang kasunod
na gawain.

Si Maymay at ang Kaniyang Aso at Pusa

Dahil nag-iisang anak,malapit sa mga hayop si


Maymay. Mayroon siyang aso at pusa - sina Bruno at
Kiting. Subalit, hindi alam ng bata na may tinatagong galit
o inggit pala si Bruno kay Kiting.
Isang araw, nadatnan na lang ni Maymay na
maraming pasa si Kiting. Nagalit siya kay Bruno at
pinarusahan ito. Ang pusa naman ay pawang alam na
may kasalanan rin siya. Sinuyo siya ng aso noong umalis
ang bata at ang nanay niya.
Sagutin mo sa loob ng 1-3 pangungusap ang mga tanong.

1. Ilarawan si maymay batay sa kaniyang ikinilos.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Kung ikaw si Maymay, ano ang iyong mararamdaman sa
ginawa ni Kuting?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Ano naman ang masasabi mo sa asong si Bruno?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin ang pahayag at tukuyin ang katangian


ng tauhan batay sa kaniyang sinabi. Piliin sa kahon ang
sagot.

9
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________
____1. “Naiintindihan ko kung bakit mo iyon nagawa.”
____2. “Maaari kang tumuloy pansamantala sa aming
bahay..”
____3. “Huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko po
ang inyong sinabi.”
masunurin maunawain
mapagpasalamat mapagmalasakit

Basahin ang pangungusap. Sabihin ang iyong


damdamin ukol dito. Ilagay ang angkop na emoticon.

____4. Matataas ang markang nakuha mo.


____5. Matagal mo nang hindi nakikita ang iyong matalik
na kaibigan.

10
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________

Sanggunian
Ang Bagong Batang Pinoy (Filipino: Kagamitan ng Mag-aaral).
Pasig: Rex Bookstore, 2013.

Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok Gawain 2


1. masunurin 1. Zyra ang batang
2. mapagmalasakit matulungin
3. mapagpasalamat 2. Tinulungan niya ang
4. lalaking puno ng galos at
5. walang malay.
3. Binigyan sila ng makakain
sa kanilang hapag-kainan
at nagpahayag ng
kanyang pag ibig kay Zyra
4. Maganda ang tumulong
sa ating kapwa
5. Tumulong sa ating
kapwang
nangangailangan may
kapalit man o hindi.
Balik-Tanaw Pag-alam sa Natutuhan

11
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 FILIPINO
__________________________________________________________________________________
1. Lumabas si Ron ng 1. Si Maymay ay isang
bahay na hindi suot ang maawain at maalagaing
mask kaya siya na
amo.
hawaan ng Covid-19.
2. Nag-aral na mabuti si 2. malulungkot at maaawa
Renan kaya matataas ang para sa kuting
marka niya.
3. Matutong maging
3. Dahil mahilig magbasa sa
sasakyan ang bata, masaya para sa iba
malabo na ngayon ang
kanyang mga mata.
4. Natutuwa ang lahat kay
Daniel dahil siya ay mabait
at masunurin.
5. Masayang naghiyawan
ang magkakalaro dahil
napalipad nila ang
dambuhalang saranggola.

Gawain 1 Pangwakas na Pagsusulit


1. mapagbigay 1. maunawain
2. matulungan 2. mapagmalasakit
3. masunurin 3. masunurin
4. masipag 4.
5. matapat 5.

12
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.

You might also like