You are on page 1of 53

MTB- MLE 2

WEEK 5
With Teacher Kaye and Indian Tree Kiddos
Aralin 5
Sumunod at Matuto
KASANAYAN
 Nakikilala ang bahagi ng pangungusap (Simuno at
Panaguri) (MT2GA-ie-f-2.5)

 Nakababasa ng mga salitang may kaugnayan sa


nilalaman at terminolohiya sa asignaturang
Matematika at Agham (MT2PWR-ie-i-7.6)

 Nakasusunod nang maingat sa mga nakasulat na


panuto sa pagsusulit.
(MT2SS-ie-g-1.2)
PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ang sumusunod na pangungusap
at isulat sa patlang kung ang salita o mga
salitang may salungguhit ay simuno o
panaguri.
simuno Ang mga bata
________1.
ay masayang naglalaro.
panaguri
__________ 2.
Naghahabulan sina Ana at
Nena.
panaguri
__________ 3.
Si Roy ay nagtatanim.
simuno
________4.
Umakyat ng puno ang
magkaibigan.
panaguri
__________ 5.
Nagtatakbuhan ang mga
batang babae.
2

BALIK- TANAW
Bilugan ang pangngalan
na ginamit sa
pangungusap.
1. Ang mga magsasaka ay
nagtatanim.

2. Ang lapis ay mahaba.


3. Makapal ang aklat.

4. Ang aming guro ay


mabait.
5. Malakas kumahol ang aso.
Dalawang bahagi ng
pangungusap

SIMUNO at PANAGURI
Ang pangungusap ay lipon ng mga
salita na nagsasaad ng buong
diwa.
Ito ay may dalawang bahagi.

Ang simuno at ang panaguri.


Ang simuno o paksa ay ang pinag-uusapan
sa isang
pangungusap.
Ginagamit din ang panghalip panao bilang
paksa o simuno ng pangungusap.
Gaya ng ako, ikaw, siya, tayo at kami.
Halimbawa:
1. Si Dr. Fely ay isa sa mga doktor na
tumutulong sa panahon ng pandemya.

Sino ang pinag-uusapan sa pangungusap?

Ang tamang sagot ay Si Dr. Fely.


2. Sila ay kumakain ng mga pagkaing
mayaman sa bitamina.

Sino o ano ang pinag-uusapan sa


pangungusap?

Ang tamang sagot ay sila.


Ang panaguri naman ay
ang bahaging nagsasabi
tungkol sa
paksa o simuno.
Halimbawa:
1. Si Dr. Fely ay isa sa mga doktor na tumutulong
sa panahon ng pandemya.

Anong bahagi sa pangungusap ang nagsasabi ng


tungkol sa paksa?

Ang tamang sagot ay


isa sa mga doktor na
tumutulong sa panahon ng pandemya.
2. Sila ay kumakain ng mga pagkaing
mayaman sa bitamina.

Anong bahagi sa pangungusap ang nagsasabi


ng tungkol sa paksa?

Ang tamang sagot ay kumakain ng mga


pagkaing mayaman sa bitamina.
Mga Salitang
may kinalaman
sa Agham
pandemya
Ito ay ang malawakang pagkakahawaan ng sakit
na kumakalat o naipapasa sa pamamagitan ng
populasyon.

Gamitin natin ito sa pangungusap.

Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang


nagtutulungan upang gumaling sa sakit.
bitamina
Ang bitamina ay mga sustansiya na nakakatulong
upang higit na maging malusog at malayo sa sakit
ang tao.

Gamitin natin ito sa pangungusap.

Paboritong kainin ni Ana ang mga gulay at prutas dahil


mayaman ito sa bitamina.
Pagsunod sa
Panuto
Ang panuto ay mga hakbang sa pagsasagawa ng
gawain. Ito ay inuunawang mabuti upang
maisagawa ng tama at maayos.

Ang kasanayang ito ay dapat na nililinang ng


isang mag-aaral na gaya mo. Ang pagsunod sa
panuto ay napakahalaga lalo na sa pagsagot sa
mga pagsusulit
Halimbawa nito:

Isulat ang letrang A at bilugan ito.

A
Tama ba ang sagot sa
larawan?
Mga
Gawain
GAWAIN 1
Ikahon ang simuno at
salungguhitan ang panaguri
sa bawat pangungusap.
1. Si Lito ang aking matalik na
kaibigan.

2. Kami ay palaging tumutulong


sa mga gawaing bahay.

3. Ang bata ay masipag mag-


aral ng kanyang mga aralin.
4. Siya ay laging naghuhugas
ng kamay pagkatapos maglaro.

5. Lumipad ng mataas ang mga


ibon.
GAWAIN 2
Sundin mo ang Panuto!
Bawat bilang ay may
kalakip na panutong dapat
mong sundin.
1. Bilugan mo ang simuno at
guhitan ang panaguri sa
pangungusap.

Ang bata ay naghuhugas ng


kamay bago at pagkatapos
kumain.
2. Lagyan mo ng tsek ang
tamang kalusugan at ekis
naman sa hindi.
______Palaging Paghuhugas ng kamay
______Pag-ubo at pagbahing ng hindi
tinatakpan ang bibig at ilong.
3. Isulat ang iyong pangalan
sa loob ng parihaba. Kung
ikaw ay lalaki kulayan ng asul
ang kahon. Kung ikaw ay
babae kulayan ang kahon ng
dilaw.
Kaye
Kaye
4. Gumuhit ng tatsulok.
Ilagay ang bilang ng iyong
gulang sa loob ng tatsulok.

29
5. Isulat ang bilang na lima.
Bilugan ang bilang. Kulayan
ang bilog ng dilaw.

5
TANDAAN
1. Ang pangungusap ay lipon
ng mga salita na may buong
diwa.
Ito ay may dalawang bahagi:
ang simuno at ang panaguri.
Ang simuno o paksa ay ang pinag-uusapan
sa isang pangungusap.
Ginagamit din ang panghalip panao bilang
paksa o simuno ng pangungusap. Gaya ng
ako, ikaw, siya, tayo at kami.

Ang panaguri naman ay ang bahaging


nagsasabi tungkol sa
paksa o simuno.
2. Ito ang mga bagong salita na iyong
natutuhan na may kinalaman sa
asignaturang Agham.

 Pandemya - Ito ay ang malawakang


pagkakahawaan ng
sakit na kumakalat o naipapasa sa
pamamagitan ng
populasyon.
 Bitamina- Ang bitamina ay
mga sustansiya na
nakakatulong upang higit na
maging malusog at malayo sa
sakit ang tao.
3. Dapat mong maingat na
unawain ang mga nakasulat na
panuto sa pagsusulit upang higit
na alam ang mga gagawin at
isasagot.
PAG ALAM SA MGA
NATUTUHAN

Bilugan ang letra


ng tamang sagot.
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang.
B

C
C

A
PAGNINILAY

10
Panoorin ang video na ito na makikita sa youtube
tungkol sa tamang paraan ng paghuhugas ng
kamay. Sundin mo
ang link na ito:

https://youtu.be/sDEKMeCF0Lo

Kung walang kakayahan na makita ang video,


makipanayam sa malapit na health center.
Ano-ano ang mga hakbang ng tamang paghuhugas ng
kamay?

Unawain ang panuto at isulat ito. Makipagtulungan sa


iyong kapamilya upang masagot ito.
SEE YOU ON
MONDAY!

You might also like