You are on page 1of 33

2

Matematika
Unang Markahan – Modyul 1

Paglalarawan ng Bilang 0-1000,


Pagbibigay ng Place Value at
Value ng Three- Digit na Bilang
Mathematics- Unang Markahan
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Paglalarawan ng Bilang 0-1000 qt Pagbibigay ng Place
Value at Value ng Bilang
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MARY ANN S. SIBONGA
Editor: Eleanor I. Flores
Tagasuri: Ma. Corazon C. Silvestre, Joel P. Feliciano, Rodolfo F. De Jesus
Tagaguhit: Aileen N. Eroma
Tagalapat: Name
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESOVI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
JUAN C. OBIERNA, Chief,CID
HEIDEE F. FERRER, EPS-LRMS
JOEL C. FELICIANO, EPS-Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office, Quezon City

Department of Education – National Capital Region

Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
2

Matematika
Unang Markahan – Modyul 1:
Paglalarawan ng Bilang 0-1000 at
Pagbibigay ng Place Value at
Value ng Bilang
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Paglalarawan ng Bilang 0-1000 at Pagbibigay ng Place value at
Value ng Three Digit na Bilang !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Mathematics 2 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paglalarawan ng Bilang 0-
1000 at Pagbibigay ng Place Value at Value ng Three Digit na
Bilang!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo kung paano


mailalarawan ang mga three- digit na bilang. Mas
mauunawaan mo ang halaga ng bawat bilang kung ito
ay maipakikita sa pamamagitan ng larawan at
pagpapangkat sa mga ito ayon sa kanilang place value.

Ang modyul na ito ay nahahati sa:


• Aralin 1 – Paglalarawan at pagpapakilala sa mga
bilang na 0-1000 na nakapokus sa bilang na 101-1000
gamit ang iba’t-ibang kagamitan.
• Aralin 2 – Pagbibigay ng Place Value at
paghahanap ng Value ng three digit na bilang

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, inaasahang:


1. Nailalarawan ang mga bilang 100-1000 gamit ang
iba’t ibang paraan at kagamitan sa pagsasalarawan;
2. Napapangkat ang mga bilang nang isahan,
sampuan at daanan;
3. Nakapagbibigay ng place value ng three digit na
bilang;
4. Nahahanap ang value ng three- digit na bilang.

1
Subukin

Bago natin simulan ang bagong aralin, alamin muna natin


kung may kaalaman ka na sa paksang-araling ito. Handa
ka na ba?

Pagtambalin ang larawan at ang angkop na bilang para


dito. Isulat ang letra sa sagutang papel.

1. A. 364

2. B. 447

3. C. 351

4. D. 265

2
5. E. 500

Paglalarawan at pagpapakilala sa
Aralin mga bilang na 0-1000 na

1 binigyang-diin ang bilang na 101-


1000 gamit ang iba’t-ibang
kagamitan.

Ito ang unang araling pag-aaralan natin. Sa araling ito ay


pag-aaralan natin kung paano mailalarawan ang mga
bilang. Mas mauunawaan ang halaga ng bawat bilang
kung ito ay naipapakita sa pamamagitan ng larawan.

Balikan

Bago tayo magsimula ng bagong aralin, magbalik-aral ka


muna.
Isulat ang wastong bilang ayon sa pagsasalarawan.

1.

2.

3
3. 10 10 10 10 10

4.

5.

Mga Tala para sa Guro o Tagapatnubay


Patnubayan ang bata sa kanyang pag-aaral ng
bilang. Bigyang-pansin ang bawat panuto at
pagsulat ng bata sa bawat bilang.

4
Tuklasin

Basahin mo ang kuwento.

Ang nanay ni Mara ay nagtitinda ng mga prutas sa


palengke ng Commonwealth. Araw-araw ay maaga
siyang gumigising upang makarami ng benta. Sari-
saring prutas ang binibenta niya. Tuwing walang pasok
at kapag tapos na si Mara sa mga gawaing-bahay ay
tinutulungan nito ang kanyang ina sa pagtitinda.

1. Ano ang gawain ng nanay ni Mara?


Tama! Ang nanay ni Mara ay nagtitinda.
2. Ano-ano ang mga tinitinda niya?
Ang nanay niya ay nagtitinda ng mga prutas.
3. Anong ugali mayroon si Mara?
Si Mara ay masipag na bata. Tama!
4. Kung kayo si Mara gagawin ninyo rin ba ang
ginagawa niya? Bakit?
Nararapat lamang na tumulong tayo sa ating mga
magulang.

5
5. Sa palagay mo ilang prutas kaya ang nabebenta
nila sa isang araw? Alamin natin sa susunod na
gawain!

Suriin
Noong Sabado, ganito karami ang nabentang prutas
nina Mara.

Mangga

Dalandan
Sagutin:
1. Ayon sa larawan, ilang mangga ang nabenta nina
Mara?
Bilangin natin! Nakapagbenta sila ng 200 + 30 + 5
o katumbas ng 235 na mangga.
2. Ilang dalandan naman ang nabenta nila?
Nakapagbenta naman sila ng 100 + 40 + 6 o
katumbas ng 146 na dalandan.
Ngayon ay suriin pa natin kung paano nalaman nina
Mara ang dami ng kanilang nabentang prutas.
Kung ilalarawan ang mga bilang maari nating pangkatin
ito nang daanan, sampuan at isahan tulad ng ginawa
nina Mara. Maaari rin namang gumamit tayo ng

6
larawang kakatawan sa daanan, sampuan o isahan
upang mabuo ang bilang.
Pag-aralan natin kung paano ilarawan ang bilang sa
ibang paraan. Gumamit tayo ng larawan o hugis na
kakatawan sa bilang.

1 1
100 100 10 10 10
235 1 1 1

10 10
1 1
100
146 10 10 1 1 1 1

Pag-aralan pa natin ang isang halimbawa!

100 100 100 10


0

100 100 1 1 1

513
100 100
1
100 100 10
1 1
100

Nauunawaan mo na ba kung paano inilalarawan ang


mga bilang? Maaari mo nang gawin ang pagsasanay!
Galingan mo!

7
Pagyamanin

Ginabayang Gawain.

Isulat ang angkop na bilang ayon sa larawan

Halimbawa: 236

1. _____ 3. ____

2. _____ 4. ____

5. ______

8
Malayang Gawain .
Subukan mo namang gumuhit ng mga bagay na
maglalarawan sa sumusunod na mga bilang. Gawin ito
sa iyong kwaderno.

1. 143

2. 316

3. 218

4. 527

5. 810

9
Isaisip

Paano mo mauunawaan ang kahulugan o halaga ng


bawat bilang?
Ang mga bilang ay madaling mauunawaan ang
halaga sa tulong ng pagsasalarawan dito. Ang bawat
digit sa isang bilang ay may halaga ayon sa kinalalagyan
nito.
Ang bawat bilang ay may kanya-kanyang
simbolo.

Isagawa

Nakapag-ipon ng maraming plastic na bote ang


pamilya ni Dan. Inutusan ng kanyang tatay si Dan na
ibenta ang mga boteng plastic sa junkshop. Tulungan mo
si Dan na bilangin ang mga boteng ipagbibili niya. Isulat
mo sa loob ng kahon ang bilang para sa mga ito.

_____ bote

10
Tayahin
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin ang tamang larawan para sa bilang na 417?

A.

B.

C.
2. Ilang patola ang nasa larawan?
A. 426 B. 415 C. 416
II. Isulat ang wastong bilang para sa larawan.

3.

4.

5. Gumuhit ng larawang magpapakita sa bilang na


218.

11
Karagdagang Gawain
Gumuhit ka ng mga bagay na maglalarawan
sa sumusunod na bilang tulad ng mga napag-
aralan mo.

1. 410

2. 125

3. 591

4. 628

5. 374

12
Susi sa Pagwawasto

5. 241
n sa bilang
maglalarawa 4. 359
bagay na 3. 245
Kahit anong 5. B 5.
316 4. 2. 173 D 4.
436 3. A 3.
1. 364
C 2. E 2.
C 1. GG. C 1.
Tayahin Pagyamanin Subukin

Binabati kita sa ipinamalas mong pagsisikap na matuto!


Ipagpatuloy ang pagpupunyaging matuto sa susunod na
aralin.

13
Subukin
Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.

1. Sa bilang na 369, ano ang place value ng digit na 6?

A. isahan B. Sampuan C. Daanan

2. Ano ang value o halaga ng digit na 5 sa bilang na

512? A. 5 B. 50 C. 500

Pag-aralan ang Place Value Chart na nasa ibaba.

3. Ilang daanan mayroon sa place value chart?


A. 3 B. 6 C. 5
4. Ayon sa place value chart ano ang halaga o value ng
digit 6?
A. 600 B. 60 C. 6
5. Anong bilang ang mabubuo ng mga digit na nasa
place value
chart?
A. 563 B. 365 C. 356

14
Aralin Pagbibigay ng Place Value at

2 Paghahanap ng Value ng
Three-Digit na Bilang

Ito ang ikalawang aralin natin sa linggong ito. Kung sa


unang aralin ay natutunan nating ilarawan ang mga
bilang sa tulong ng mga larawan, sa araling ito ay
matututunan nating magbigay ng place value o halaga
ng kinalalagyan ng mga digit sa bawat bilang.
Matututunan rin ang halaga ng bawat digit ayon sa
kinalalagyan nito.

Balikan
Magbalik-aral ka muna!
Ibigay ang wastong bilang ayon sa pagsasalarawan.
Isulat mo ang sagot sa iyong drill board.

1. 4.

5.
2.

3.

15
Tuklasin
Basahin mo ang komik strip.

Kararating pa lamang ni Darwin galing sa paaralan.


Pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang tumulong
sa kanyang tatay sa pag-aayos ng mga panindang itlog
ng manok.
Tapos mo na Opo! Sampung
Opo, Itay! agad! Isang tray ng tig
O, nakauwi ka
Tulungan ko daang itlog yun! sasampung itlog
na pala anak!
na po kayo! Meron pa sa po pala ay
loob ng bahay! katumbas ng
isang daang itlog!

Pagtalakayan:
1. Anong ginawa ni Darwin pagkatapos niyang
magbihis?
2. Tama ka! Tinulungan ni Darwin ang tatay niya na
ayusin ang mga itlog sa tray.
3. Anong ugali ang ipinamalas ni Darwin?
Matulunging bata si Darwin. Ganun ka rin ba?
4. Ano ang natuklasan ni Darwin habang naglalagay
ng itlog sa mga tray? Natuklasan niya na ang isang
daang itlog ay katumbas ng sampung tray ng itlog!

16
5. Ilang sampu ang katumbas ng isang daang itlog?
Tama ka! Ang isang daang itlog ay katumbas ng
sampung tig-sasampung tray ng itlog!

Suriin
Ngayon naman ay pag-aralan natin ang Place Value
gamit ang mga itlog na binilang ni Darwin.

100 10 10 10 10 10 1 1

Ilan lahat ang mga itlog na inayos ni Darwin?


Ang kabuuang bilang ng mga itlog ay 152.
Ang bilang na 152 ay three-digit na bilang dahil ito ay
binubuo ng daanan, sampuan at isahan.
Pag-aralan na natin kung ano ang place value at value
ng bawat digit na nasa bilang na 152.

Digit
Place Value Chart
152

2
1 5 2 50
100

17
Suriin natin ang mga datos na makikita sa Place Value
Chart.
1. Ano-ano ang mga place value na makikita sa place
value chart?
Isahan, sampuan at daanan.
2. Sa bilang na 152 ano, ang place value ng digit na 5?
Tama! Ito ay nasa sampuan.
3. Kung ang digit na 5 ay nasa sampuan, ano ang
halaga o value nito?
Ang value ng digit na 5 ay 50.
4. Ano naman ang place value at value ng digit na 1?
Tama! Ang digit na 1 ay nasa daanan at ito ay may
halaga o value na 100.

Ipagpatuloy pa natin ang pag-aaral tungkol sa


place value at value ng mga bilang gamit ang flats,
longs at yunit.
Digit
Place Value Chart

Ang isang long ay katumbas ng 10 yunits o isahan.


Ang isang flats ay katumbas ng sampung longs
o isang daan?

18
Pagtalakayan:
1. Ano-ano ang mga place value na makikita sa
Place Value Chart?
2. Ilang yunits ang nasa isahan?
3. Ano ang place Value ng digit na 2 ? Digit na 9?
4. Ano ang value o halaga ng digit na 4?
Subukan mo nang gawin ang mga pagsasanay! Kaya
mo yan!

Pagyamanin
Ginabayang Gawain.
Isulat ang place value at value ng hinihinging digit sa
tulong ng larawan.

Daanan Sampuan Isahan


Digit Place Value Value
3 Sampuan 30

Daanan Sampuan Isahan

Digit Place Value Value


4

Daanan Sampuan Isahan

Digit Place Value Value

19
Daanan Sampuan Isahan

Digit Place Value Value

Malayang Pagsasanay.
Subukan mo namang gawin ang mga ito nang walang
larawan.
Isulat ang Place value at Value ng mga digit na may
bilog.

Bilang Place Value Value

249

425

153

Isaisip
Ano ang place value? Paano nalalaman ang value ng
bawat digit sa isang bilang?

Ang Place Value ng three-digit na bilang ay isahan,


sampuan at daanan. Ang mga bilang ay maaaring
pangkatin ayon sa place value nito. Ang bawat digit ay

20
may value ayon sa kinalalagyan nito sa place value
chart.

Halimbawa: 1 isahan = 1 1 sampuan = 10

1 daanan = 100

Isagawa
Nakaipon ng takip ng bote si Lorna. Balak niya itong
ibenta sa magbobote. Subalit hindi niya alam kung
gaano ito karami. Naisipan niyang pangkatin ang mga
ito. Ilan lahat ang naipon niyang takip ng bote?

100 100 100 100


10

____ Daanan, ____ Sampuan, ____ Isahan = _______ takip

21
Tayahin
Isulat ang letra ng wastong sagot
1. Ilang sampuan mayroon sa larawan?

1 1 1 1 1 1 1 1 1 1

1 1 1 1 1 1 1 1 1 1

A. 1 B. 2 C. 3
2. Ilang daanan mayroon sa larawan?

A. 5 B. 50 C. 500
3. Aling bilang ang katumbas ng 4 na daanan,
2 sampuan at 9 na isahan?
A. 924 B. 492 C. 429
4. Ilang sampuan mayroon sa 200?
A. 2 B. 20 C. 200
5. Ano ang value ng 3 sa bilang na 358?
A. 3 B. 30 C. 300

22
Karagdagang Gawain
Bilang panghuling gawain, Maglaro ka naman!
Tulungan mo si Binoy na makauwi na sa kanilang bahay.

Isulat mo ang nawawalang bilang sa tulong ng mga digit


na tinutukoy. Pansinin ang mga place value, maging listo
at mapagmatyag!

1. 4 daanan, 3 sampuan, 5 isahan

2. 2 isahan, 7 daanan, 0 sampuan

3. 6 sampuan, 4 isahan, 9 daanan

4. 300, 2 , 60

5. 600 + 20+ 8

5.

Simula 1. 2.

23
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
6. daanan, 100
5. sampuan, 20
4. isahan, 9
MP
B 5.
3. sampuan, 50
C 5. B 4.
B 4. 2. daanan, 200
A 3.
C 3. 1. isahan, 4
C 2. C 2.
B 1. GP. B 1.
Tayahin Pagyamanin Subukin

Sanggunian

MELC in Math pp. 11


Mathematics 2 Learner’s Manual pp. 1-13
Mathematics 2 Teacher’s Guide pp. 1-20
Adela C. Villamayor , 2006, Math For Life 2. Rex Bookstore , 856 Nicanor Reyes
Sr. St, Manila

24
Writer: MARY ANN S. SIBONGA

CP # 09367878240

Gmail Address: maryann.sibonga@depedqc.ph

School: Commonwealth Elem. School

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Quezon City

Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telephone:8352-6806/ 83526809

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like