You are on page 1of 21

3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Aralin 1: Pagbibigay ng Sariling
Hinuha Bago, Habang at
Pagkatapos Mapakinggang
Teksto

Aralin 2: Pagbibigay ng Angkop na


Pamagat sa Binasang Teksto
Filipino – Ikatlong Baitang
Self- Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Aralin 1 Pagbibigay ng sariling hinuha bago, habang at
pagkatapos mapakinggang teksto
Aralin 2 Pagbibigay ng angkop na pamagat sa
binasang teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:Aileen Omandac-Reponte
Editor: Norberta P. Sabado
Tagasuri:Madonna M. Along
Tagaguhit: Hanie Joy R. Dalmacio
Taga- anyo: Aileen O. Reponte
Taga-disenyo ng Pabalat: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas, CESO V – Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon, CESO VI - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief - CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS – LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS - ADM
Leonardo Mission – REPS Filipino
Mielrose B. Peralta – CID Chief
Hazel G. Aparece - EPS In-Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr. – ADM Coordinator
Madonna M. Along – EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon –Rehiyong SOCCSKSARGEN


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Aralin 1: Pagbibigay ng sariling hinuha bago,
habang at pagkatapos
mapakinggang teksto

Aralin 2: Pagbibigay ng angkop na pamagat


sa binasang teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino
IkatlongBaitang ng Self- Learning Module (SLM) para sa araling
pagbibigay ng sariling hinuha bago, habang at pagkatapos
mapakinggan ang teksto at pagbibigay ng angkop na pamagat
sa binasang teksto.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

1
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino Ikatlong Baitang ng Self-
Learning Module (SLM) ukol sa pagbibigay ng sariling hinuha bag,
habang at pagkatapos mapakinggan ang teksto at pagbibigay
ng angkop na pamagat sa binasang teksto
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan
upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

2
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa
Tayahin
o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

3
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Pagwawasto
sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling mahihirapan kang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

4
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha
ka nang malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Magandang araw mga bata!

Gusto kong ipabatid na ang modyul na ito ay tutulong sa iyo


upang madagdagan ang iyong mga kaalaman at magbibigay ng
saya habang binabasa at sinasagot ang bawat pagsubok. Sana
ay bigyan mo ng pagpapahalaga ang lahat na iyong matutunan.

Pagkatapos mong pag-aralan at sagutin ang mga gawain at


pagsasanay dito sa modyul, ikaw ay inaasahang maibibigay ang
sariling hinuha bago, habang at pagkatapos mapakinggang
teksto at makapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang
teksto.

5
Subukin

Basahin at awitin.

Ako ay may lobo


Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Kung pagkain sana
Nabusog pa ako

A. Piliin ang letra ng tamang hinuha.

1. Ano ang nangyari sa lobo?


A. lumangoy B. namasyal C. pumutok D. nawala
2. Kapag puputok ang lobo, ano ang lalabas?
A. wala B. hangin C. mantika D. apoy
3. Sa iyong palagay, saan napunta ang pumutok na lobo?
A. sa sapa B. sa kahoy C. sa langit D. sa loob ng bahay
4. Kung kulay pula ang lobo, kulay pula rin ba ang lalabas?
A. Hindi B. Opo C. Siguro D. Walang lalabas

6
B. Piliin ang letra ng tamang sagot.
5. Ano ang angkop na pamagat sa binasa o kinantang teksto.
A. Ang Lobo
B. Lumipad sa Langit ang Lobo
C. Pumutok na Lobo
D. Bilog na Lobo

1. Pagbibigay ng Sariling Hinuha Bago,


Aralin Habang at Pagkatapos
Mapakinggang Teksto
2. Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
sa Binasang Teksto

Bilang mag-aaral ng ikatlong baitang, ang modyul na ito ay


inihanda upang magamit mo sa pag-aaral sa asignaturang Filipino
sa Ikatlong Markahan, Ikalawang Linggo. Ang layunin ng modyul
na ito ay gabayan ka sa paglinang ng iyong kakayahan.
Inaasahan na sa iyong pag-aaral, masisiyahan ka sa mga aralin na
inihanda.

7
Balikan

Basahin ang pahayag at piliin ang titik ng angkop na reaksiyon o


ideya.
1. Naibibigay ng magulang ang lahat ng pangangailangan ng
kanilang mga anak.
A. Balewalain ang ibinigay ng mga magulang
B. Ipamigay sa iba
C. Magpasalamat sa mga magulang
D. Huwag humingi sa mga magulang

2. Dugo’t pawis ang ibinibigay na serbisyo ng mga sundalo para


sa kanilang mga kababayan.
A. Pahalagahan at igalang ang serbisyo ng mga sundalo
B. Laging nagpapawis ang mga sundalo
C. Ang mga sundalo ay nagseserbisyo lamang kapag
kababayan
D. Ang mga sundalo ay laging sumasabak sa digmaan

Tuklasin

Ipabasa ang kuwento sa mga nakatatandang kasamahan sa


bahay:

Si Wen-Wen ay nag-iisang anak, kung kaya’t ang turing


niya sa kayang mga alaga ay parang kapatid na. May aso siyang
si Andoy at pusa na pinangalanan niyang Mik-Mik. Araw-araw
silang naglalaro. Maging ang kanyang mga magulang ay
nakikipaglaro sa kanyang mga alaga. Subalit, hindi alam ni Wen-

8
Wen na may inggitan na nangyayari sa pagitan nina Andoy at Mik-
Mik.
Isang araw, nag-away ang dalawa. Hindi sinasadyang
nalaglag si Mik-Mik kay Andoy na natutulog sa sala. Nagising ang
aso at nagalit dahil mahimbing na sana ang tulog niya. Hinabol ni
Andoy si Mik-Mik at nang madatnan niya ito ay pinagkakagat niya.
Hindi naman nilakasan ni Andoy ang pagkagat ngunit nagdulot ito
ng malilit na pasa. Ngunit ang pag-aaway ng dalawa ay parte rin
ng kanilang pagkakaibigan. Pinalo ni Wen-Wen si Andoy upang
itoy matuto kahit ito’y masakit sa kanya.

A. Batay sa napakinggang kuwento. Isulat ang TAMA kung ang


hinuha ay batay sa kuwento, MALI naman kung hindi.

1. Hindi mahal ni Wen-Wen ang kanyang mga alaga.


2. Si Andoy at Mik-Mik ay mga alaga ni Wen-Wen na
nagbibigay saya sa kanilang pamilya.

3. Wala nang pakialam siWen-Wen sa kanyang mga


alaga dahil ito’y nag-aaway.

4. Itinuring ng pamilya ang mga alagang hayop na


isang tao.

5. Hindi mabuti ang mag-alaga ng hayop.

B. Piliin ang angkop na pamagat sa binasang teksto.


A. Si Wen-Wen
B. Mga Hayop
C. Mga Alagang Hayop ni Wen-Wen
D. Aso at Pusa

9
Suriin
A. Ano ang hinuha?
➢ Ang hinuha ay isang matalinong hula. Ito’y pansamantalang
sagot sa suliranin sapagkat batay ito sa hindi kumpletong
mga katunayan. Ang hinuha ay siyang tumatayo bilang
patunguhan at patnubay sa paglutas ng suliranin.

➢ Sa paghinuha, epektibong maipapahayag kung gagamitin


ang mga panandang:

siguro, marahil, baka, waring, tila, sa aking palagay,


sa tingin ko, maaaring, at iba pa

B. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat?

➢ Sa pagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto,


alamin mo muna ang paksang-diwa o paksang
pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa
pabibigay ng angkop na pamagat.

Pagyamanin

A. Ipabasa ang bawat talata at ibigay ang angkop na hinuha.


Piliin ang titik lamang.

1. Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid.


Nasa ikatlong baitang ang panganay. Palaging
malungkot ang kanilang Itay. Hatinggabi na kung
umuwi at lasing pa.

A. Nagkaroon ng malaking problema ang magkakapatid


B. Natutuwa ang magkapatid.
C. Masaya ang kanilang Itay.
D. Naging problema ng Barangay nila.

10
2. Bagong lipat sina Danniel. Dala nila ang kaunting
naiipong pera. Pagtitinda ang kanilang hanapbuhay.
Marami ang bumibili sa kanilang paninda araw-araw.

A. Masama ang ugali ng nagtitinda.


B. Nagustuhan ng mamili ang kanilang pagkain
C. Hindi masarap ang kanilang pagkain
D. Hindi pinapansin ng mga tao ang kanilang paninda.

B. Ibigay ang angkop na pamagat sa pinabasang maikling


kuwento. Isulat ang tamang sagot.

Maaga pa lang ay gising na ang lahat ng mga tao sa


munting bahay ni Mang Don-Don. Ang bawat isa ay abala sa
paglilinis, may naghahanda ng lulutuin at ang kanilang bunsong
anak ay masayang nakasuot sa kanyang magarang damit.
Nagsidatingan na rin ang kanyang mga kalaro. Ito ang araw ng
kanyang kapanganakan.

_____________________________________________________
Angkop na Pamagat
___________________________________________________

11
Isaisip

Ano –ano ang natutuhan mo sa aralin?

A. Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang


mabuo ang pangungusap.

sagot patunguhan hinuha patnubay hula

Ang ________ay isang matalinong ________. Ito’y


pansamatalang ________ sa suliranin sapagkat batay ito sa hindi
kompletong mga katunayan. Ang hinuha ay siyang tumatayo
bilang _______________ at ____________________ sa paglutas ng
suliranin.

B. paksang-diwa pamagat pangungusap ideya

Sa pagbibigay ng angkop na ___________ sa binasang


teksto, alamin mo muna ang ______________ o _____________. Ang
mga ito ay nagbibigay ng ___________ sa pagbibigay ng angkop
na pamagat.

12
Isagawa

Ipabasa ang mga sumusunod na talata at lagyan / kung ang


pangungusap ay nagbibigay ng tamang hinuha at x kung hindi.

Ayon sa balita, may ilang bahagi na lamang ng


SOCCKSARGEN ang may mataas na bilang ng mga tao na
nagpositibo sa COVID - 19. Kaya lang, di pa rin maibabalik sa
normal ang mga gawi at kilos ng mga tao dahil sa pangamba na
baka mahawaan.

1. Nag- iingat na ang mga tao.


2. Ginawa ang mga tamang protocol.
3. Hindi pinansin ang mga protocoldahil wala itongmaitutulong.
4. Alam na nila kung paano makaiwas sa sakit na Covid-19.
5. Maganda ang ginawa ng pamahalaan.

B. Ipabasa ang talata at piliin ang angkop na pamagat.

Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon.


Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansasa
pamamagitan ng pagbabasa dahil naglalaman ito ng
mga detalye tungkol sa isang partikular na lugar. Ang
lahat ay matututuhan natin sa aklat mula sa maliit
hanggang sa malalaking bagay. Kapag lagi tayong
magbabasa ng aklat, magkakaroon tayo ng maraming
kaalaman, hindi tayo magiging ignorante at para na rin
tayong naturuan sa loob ng silid-aralan. Ito ang mga
kahalagahan ng aklat.

13
A. Ang Impormasyon
B. Ang Kahalagahan ng Aklat
C. Aklat
D. Ang Pagbabasa ng Aklat

Tayahin

A. Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagbibigay ng


tamang hinuha, at kung maling hinuha.

Umuwing malungkot si Wilson dahil mababa ang


nakuha niyang iskor sa exam.

1. Dahil hindi siya nakapag-aral.


2. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam.
3. Naabutan ng oras si Wilson sa pagsagot at hindi niya
natapos.
4. Wala siyang pakialam.

B. Piliin ang angkop na pamagat sa talata.

Matayog na puno ang niyog. Karaniwang taas nito ay nasa


anim na metro o higit pa. Sa lahat ng puno, ang niyog ang
natatangi sapagkat ang bawat bahagi nito ay maaaring
sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.

14
5. A. Ang Niyog
B. Niyog
C. Ang mga Gamit ng Niyog
D. Ang Matayog na Niyog

Karagdagang Gawain

A. Ipabasa ang mga sumusunod na talata. Ibigay ang tamang


sagot batay sa napakinggan.
1. Malakas ang buhos ng ulan. Inggit na inggit si John sa mga
batang naliligo sa labas ng kanilang mga bahay o bakuran
ngunit kalalabas lamang niya sa ospital dahil siya ay nagkasakit.
Pumunta ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay upang
siya’y yayaing maligo sa ulan.
Ano kaya ang gagawin ni John?
A. Sumama siya agad sa mga kaibigan
B. Nagpabingi-bingahan sa mga kaibigan si John
C. Hindi sumama si John sa mga Kaibigan
D. Nagalit ang mga kaibigan ni John

2. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Sa mga taong


gusto ng kapayapaan ay kulay asul samantalang ang pula raw
ay para sa mga matatapang. Kalungkutan naman ang ibig
ipahiwatig ng itimhabang kasaganaan naman ang berde. Ang
iba pang mga kulay ay may mga kahulugan din.
Ano ang angkop na pamagat sa talata?
A. Mga Kulay
B. Kagamitan ng mga Kulay
C. Ang Bawat Kulay at mga Kahulugan nito
D. Kahulugan

15
16
Tayahin Pagyamanin Isagawa
A.
A. A. 1. /
2. /
1. A
3. X
2. B
4. /
B.
B.
5. /
C. Ang mga gamit ng Araw ng kanyang
kapanganakan
Niyog B. Ang Kahalagahan ng Aklat
Tuklasin
A. 1. MALI
2. TAMA Subukin
3. MALI Balikan 1. C
2. B
4. TAMA 1. C
3. C
2. A 4. A
5. MALI
5. A
B. C. Mga Alagang Hayop ni
Wen-Wen
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bagong Filipino sa Salita at Gawa


K12 Filipino 3 Batang Pinoy Ako Manwal ng Guro
K12 Filipino 3 Batang Pinoy Ako Kagamitan ng Mag-aaral
Gabay Pangkurikulum
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

17

You might also like