You are on page 1of 20

2

Filipino
Ikaapat na Markahan: Modyul 2
Paggamit ng mga Salitang Kilos at
Pagbibigay ng Kasingkahulugan at
Kasalungat ng mga Salita
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Paggamit ng mga salitang kilos at Pagbibigay
ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Annie Rose R. Gheorghiu, Lord Ken Naval


Patnugot:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Cover Art Designer:
Tagapamahala: Frances Cesar Bringas, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO V – Schools Division Superintendent
Nerissa A. Alfafara – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Subject Area Supervisor
Donna S. Panes – CID Chief

– Division EPS In Charge of LRMS


– Division ADM Coordinator
Analiza A. Domingo, EPS – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikaapat na Markahan: Modyul
2
Paggamit ng mga Salitang Kilos
at Pagbibigay ng
Kasingkahulugan at Kasalungat
ng mga Salita
PAUNANG SALITA
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 2 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paggamit ng mga
salitang kilos at Pagbibigay kasingkahulugan at kasalungat ng
mga salita.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral


sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa


Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag - aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

2
Malugod na pagtanggap sa Filipino 2 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Paggamit ng mga salitang kilos at
Pagbibigay kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pangunawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

3
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa
iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.

4
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain


sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

PAMANTAYANG Paglalarawan sa Elemento ng Kwento


PANGNILALAMA (Naipamamalas ang kakayahan sa
N mapanuring pakikinig/pagbasa at
pag-unawa sa napakinggan)
Naipamamalas ang kakayahan at tatas
PAMANTAYAN sa pagsasalita at pagpapahayag ng
SA PAGGANAP sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
MOST Nailalarawan ang elemento ng kwento;
ESSENTIAL tauhan, tagpuan, banghay at bahagi ng
LEARNING kwento (panimula, kasukdulan,
COMPETENCY katapusan, kalakasan)
LAYUNIN Nailalarawan ang elemento ng
kwento; tauhan, tagpuan, banghay at
bahagi ng kwento.

5
Paggamit ng mga Salitang
Kilos at Pagbibigay
Kasingkahulugan at
Kasalungat ng mga Salita

Aralin

2 Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Panuto sa Magulang: Babasahin ang nakasulat sa modyul na ito


para maging gabay ng inyong anak upang malaman ang leksyon
na dapat niyang maintindihan. Ikaw ang magiging kahalili ng guro
upang matiyak ang pagkatuto ng iyong anak.

Magandang araw! Narito ako upang ibahagi ang bagong


kasanayan na lubhang mahalaga sa iyong pag-aaral. Sa modyul
na ito tatalakayin natin ang paggamit ng mga salitang kilos at
pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita.
Ang Modyul na ito ay naglalaman ng aralin na:
Aralin 2 – Paggamit ng mga salitang Kilos at Pagbibigay ng
Kasingkahulugan at Kasalungat ng mga Salita.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Panuto:
A. Tukuyin ang salitang kilos sa bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Bumili kami ng mababangong bulaklak.
2. Ang mga ibon ay lumilipad.
3. Kami ay namasyal sa bukid.
4. Lumangoy si Dannah sa dagat.
5. Tinumba ng malakas na hangin ang puno.
B. Bilugan ang kasingkahulugan ng salita at
salungguhitan naman ang kasalungat nito sa bawat
bilang.
1. madaldal – magulo, matabil, tahimik
2. matipid – waldas, maingat, masinop
3. malawak – kaakit-akit, maluwang, makipot
4. malinis – dalisay, marumi, maayos
5. malakas – matibay, mabuti, mahina

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang ang
kasalukuyang aralin ay maiuugnay sa naunang leksyon tungkol
sa salitang naglalarawan ng tao, bagay, hayop, o lugar.

Kumusta ang iyong leksyon sa unang linggo ng Ika-


apat na Markahan? Alam mo na ba ang magpantig ng mga
salita? Kung oo ang sagot mo, mahusay! Handa ka na
bang umpisahan ang ating leksiyon sa Ikalawang Linggo
ng Ikaapat na Markahan? Halina’t tayo nang mag-aral
para lalong mapaunlad ang iyong kaalaman.

Panuto: Isulat sa mga nakalaang patlang sa ibaba ang


tamang pantig ng bawat salita na babasahin ng iyong
magulang.

1. mekaniko = ______________________________
2. pamahalaan = ___________________________
3. pangangailangan = _____________________
4. pupunta = _____________________________
5. kabutihan =______________________________

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Panuto: Makinig sa babasahing kwento ng magulang.


Si Lito
Si Lito ay batang palasagot. Isang araw, maagang
umuwi mula sa paaralang si Gng. Santos. Narinig niyang
sinisigawan ni Lito ang kasambahay. Pinagsabihan niya
itong pumasok sa kuwarto at kinausap. Paglabas. Ila ng
silid, pinuntahan ni Lito si Lita na kasambahay at
humingi ito ng paumanhin.

Panuto: Sagutin ang mga tanong mula sa


kuwentong napakinggan.

1. Ano ang pamagat ng kwento? ______________________


2. Saan ito nangyari?
___________________________________________
3. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
___________________________
4. Ano ang naging problema sa kuwento?
____________________________________________________
5. Paano ito nabigyan ng solusyon?
_____________________________________

Magaling! Lagi mong isaisip na ang pagiging magalang


ay susi ng maayos na pagsasamahan. At higit sa lahat ang
pagpapakumbaba at pagkilala ng kamalian ay daan tungo
sa kapayapaan. Kaya parating piliin ang pagiging
magalang at mapagpakumbaba. Kapag naisabuhay mo
ang mga ito, tiyak magiging masaya ka!

Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o gawa.


Halimbawa: Humingi ng paumanhin si Lito kay Lita.
Si Lito ay kinausap ni Gng. Santos.

Gawain1
Panuto: Salungguhitan ang pandiwa sa bawat
pangungusap.
1. Nagising ako dahil sa maingay na aso.
2. Binuksan niya ang pinto ng kanilang kuwarto.
3. Si lola ay nagluluto ng masarap na almusal.
4. Si Itay ang pupunta sa palengke.
5. Ang dalawang bata ay naglalaro ng piko.
May mga salitang kapag iniuugnay sa isa pang salita ay
madaling maiintindihan, kapwa magkapareho ang
kahulugan nito. Ito ay mga salitang
magkasingkahulugan. May mga salitang kabaliktaran
naman ang inihahatid nito. Ito naman ay mga salitang
magkasalungat.
Halimbawa:
Mga salitang magkasingkahulugan
masaya -maligaya tahimik - payapa
sagana -marami masarap -malinamnam
Mga salitang magkasalungat
mabuti - masama makinis -magaspang
mabango – mabaho malinis -marumi

Gawain 2:
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Kung may kahon ang salita, ibigay ang
kasingkahulugan at kung may salungguhit, ibigay ang
kasalungat. tahimik
1. Siya ay may na buhay.
a. payapa c. magulo
b. masalimuot d. maayos
2. Ang batang matipid ay may magandang
kinabukasan.
a. mapag -impok c. tahimik
b. matiyaga d. bulagsak
3. Ang salu-salo ay gaganapin sa kanilang maluwang na
bakuran.
a. makipot c. malinamnam
b. maliit d. malawak
4. Mabuting bata si Keanah.
a. magulo c. masama
b. mabait d. matipid
5. Nasira ang kanilang bahay dahil sa malakas na
bagyo.
a. mabilis c. matagumpay
b. mahina d. magulo

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
Piliin ang pandiwang ginamit at isulat ito sa nakalaang
patlang sa bawat bilang.
1. Ako ay nagsisipilyo ng ngipin araw – araw. __________
2. Ang mga bata ay naglalaro sa parke . ______________
3. Si Nenita ay magluluto ng masarap na ulam mamaya.
______________
4. Tinutupi ko ngayon ang aking mga damit. ___________
5. Ang aking ina ay palaging namamalengke. _________
Gawain 2
Panuto: Mula sa tula, salungguhitan ang mga salitang
magkasingkahulugan at bilugan ang mga salitang
magkasalungat.
Masaya sa Nayon
Masaya sa nayon, maligayang tunay,
Dito ay tahimik, payapa ang buhay;
Sagana sa isda, marami ang gulay,
Na lasa’y masarap, sadyang malinamnam.

Ayoko sa lungsod na lubhang maingay,


Di tulad sa nayon na payapang tunay;
Marumi ang hangin na hindi dalisay,
Di tulad sa nayong aking sinilangan.

Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ang Pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o gawa.


Halimbawa:
1. Si Ana ay nagluluto.
2. Tinurukan ng bakuna si Alexandra panlaban sa
COVID-19.
3. Pumipila sa ospital ang mga pasyente.

May mga salitang kapag iniuugnay sa isa pang salita


ay madaling maiintindihan, kapwa magkapareho ang
kahulugan nito. Ito ay mga salitang
magkasingkahulugan.
Halimbawa:
mariwasa – mayaman matulin-mabilis
May mga salitang kabaliktaran naman ang
inihahatid nito. Ito naman ay mga salitang
magkasalungat.
Halimbawa:
matalim- mapurol matangkad-pandak

Isagawa

A.Panuto: Magbigay ng limang salita na nagpapahayag


ng kilos o gawa. Isulat ang mga ito sa bawat patlang.
1. _________________
2. _________________
3. _________________
4. _________________
5. _________________

B.Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita sa


bawat bilang at isulat ito sa patlang.
1. makitid - _________________
2. malamig - _________________
3. mahirap - _________________
4. magaling - _________________
5. asul - _________________

C.Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga salita sa bawat


bilang at isulat ito sa patlang.
6. luma - _________________
7. basa - _________________
8. mabigat - _________________
9. tama - _________________
10. sobra - _________________

Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

A. Panuto: Bilugan ang tamang pares ng mga salita at


isulat sa patlang ang tsek (√) kung ang pares ng mga
salita ay magkasingkahulugan at ekis (x) kung
magkasalungat ang kahulugan.

_____1. mayaman (maganda, matigas, mapera)


_____2. aktibo (mahaba, mahina, malupit)
_____3. marami (masagana, mahal, maliit)
_____4. maingay (tahimik, mahaba, maputi)
_____5. malamig (malawak, puro, mainit)

B. Gamitin ang mga sumusunod na pandiwa sa


pangungusap.
1. tumakbo = _____________________________________
2. kumain = _______________________________________
3. naligo = ________________________________________
4. sasakay = ______________________________________
5. naglaro = ______________________________________
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumupit ng limang larawan na nagpapakita ng


salitang-kilos. Idikit ang mga ito sa short bondpaper.
Balikan Pagyamanin
1. me-ka-ni-ko Gawain 1
2. pa-ma-ha-la-an 1. nagsisipilyo
3. pa-nga-nga-i-la-ngan 2. naglalaro
4. pu-pun-ta 3. Magluluto
5. ka-bu-ti-han 4. tinutupi
5. namamalengke
Tuklasin Gawain 2
masaya, maligaya
Si Lito tahimik, payapa
Sa bahay sagana, marami
Lito, Lita at Gng. masarap,
Santos malinamnam
Ang pagiging maingay, payapa
di-magalang ni Lito marumi, dalisay
Subukin Kinausap ni Isagawa
A. Gng. Santos si Lito
Suriin Maaaring magkakaiba
1. bumili ang mga sagot
2. lumilipad Gawain 1 1. Makiti-makipot
1. nagising 2. malamig-
3. namasyal
2. binuksan maginaw
4. lumangoy
3. mahirap-dukha
5. tinumba 3. nagluluto 4. magaling-
matalino
B. 4. pupunta
5. asul-bughaw
1. tahimik 5. naglalaro C. 6. Luma-bago
matabi 7. basa -tuyo
l Gawain 2 8. mabigat-magaan
tahimik-payapa 9. tama-mali
2. waldas 10. sobra- kulang
masino matipid- mapag
pp -impok TAYAHIN
maluwang- A.
3. makipot 1. 2. X 3. 4. X 5. X
maluwan makipot
g mabuti-masama
B.
malakas-mahina
4. marumi Maaaring magkakaiba
dalisay ang mga sagot
5. mahina
Karagdagang Gawain
matibay Maaaring magkakaiba
ang mga sagot
Sanggunian
Textbooks
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino Kagamitan ng Mag-aaral Grade 2, 2016
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng
modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito
ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
magaaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Malugod naming hinihimok pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

SOCCSKSARGEN
Department of Education –
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax N. (083)228 8825/ (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like