0% found this document useful (0 votes)
874 views23 pages

Fil1 Q4M1

Ang modyul ay tungkol sa pagtukoy ng mga salitang magkatugma. Ito ay naglalaman ng mga gawain at aktibidad upang matulungan ang mga mag-aaral na matutunan ang wastong pagbigkas at pagsulat ng mga salitang may tatlo o apat na pantig.

Uploaded by

Essa
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
874 views23 pages

Fil1 Q4M1

Ang modyul ay tungkol sa pagtukoy ng mga salitang magkatugma. Ito ay naglalaman ng mga gawain at aktibidad upang matulungan ang mga mag-aaral na matutunan ang wastong pagbigkas at pagsulat ng mga salitang may tatlo o apat na pantig.

Uploaded by

Essa
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

1

Filipino
Ika-apat na Markahan – Modyul 1:
Pagtukoy ng mga Salitang
Magkatugma
Fiipino – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagtukoy ng mga Salitang Magkatugma
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Grace E. Cuevas, Rachel Antoinette M. Diaz, Rubylyn [Link]
Editor: Ofelia B. Prado, Jackie P. Orchinang
Tagasuri: Mary Ann C. Umadhay
Tagaguhit:
Tagalapat: Jiar A. Heman
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Dr. Carlito D. Rocafort, CESO V – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA –Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente– OIC - LRMS
Jesus V. De Gracia Jr., ALS-EPS - Division ADM Coordinator
Mary Ann C. Umadhay, EPS – Subject Area Supervisor

Jesus V. De Gracia Jr. - Division ADM Coordinator


Mary
Printed in the Philippines byAnn C. Umadhay
Department – Subject Area
of Education Supervisor
–SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@[Link]
1

Filipino
Ika-apat na Markahan – Modyul 1:
Pagtukoy ng mga Salitang
Magkatugma
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng Self-
Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Pagtukoy ng mga
Salitang Magkatugma.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 1 ng Self-Learning Module


(SLM) Modyul ukol sa Pagtukoy ng mga Salitang Magkatugma.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mongmaunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

2
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

3
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
4
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Mahal naming magulang, ang modyul na ito ay dinisenyo


upang maging gabay ninyo at ng inyong anak sa Pagbaybay at
Pagsulat nang Wasto ng mga Salitang may Tatlo o Apat na
Pantig.

Kasama din sa modyul ang Pagtukoy ng mga Salitang


Magkatugma. Nakapaloob dito ang iba’t-ibang gawain na
makatutulong upang malinang ang kanilang kakayahang
kilalanin ang wastong pagbigkas ng tunog at ang tamang
pagsulat ng mga nabanggit na letra. Tahasang Pagtuturo ang
gagawin kung kaya’t sa pagsimula nang ibang gawain,
kinakailangan bilang magulang, ikaw ang unang magpapakita
ng gawain na siya naman susundan ng iyong anak. Matapos na
maipakita mo kung paano isagawa, ikaw at ang iyong anak ang
sabayang gagawa hanggang sa kaya na niyang gawing mag-
isa ang nakatakdang gawain.

Sinunod ng modyul na ito ang Pamantayang


Pangnilalaman, Pamantayang Pagganap at kompetensi hango
sa MELC na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang modyul
na ito ay may isang aralin. Ito ay ang Pagtukoy ng mga Salitang
Magkatugma.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nalinang ang


kakayahan sa :

1. Natutukoy ang mga salitang magkakatugma


F1KP-lllc-8

6
Subukin

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipasusubok sa


bata kung hanggang saan ang kanyang kaalaman.
Huwag mag-alala kung hindi makuha ng bata ang
tamang sagot dahil ito ay isa lamang pagsubok. Huwag
ibigay ang tamang kasagutan upang tunay na masukat
ang kanyang angking kaalaman para sa ating aralin.
Ngayong araw, ang iyong tapat na paggabay sa iyong
anak ang aming hinihiling. Maraming salamat po!

Sabihin sa Bata: Bago natin sisimulan ang ating bagong


aralin sa araw na ito, susubukin muna natin ang iyong
nalalaman tungkol sa pagtukoy ng mga salitang
magkatugma.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang katugmang salita na


nasa Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

Hanay A Hanay B

_____1. bukas a. malapit


_____2. baso b. hinog
_____3. mata c. lata
_____4. bilog d. puso
_____5. mabait e. malakas

7
Aralin
Pagtukoy ng mga Salitang
1 Magkatugma

Sabihin sa bata: Magandang araw! Narito po ako upang


ibahagi ang bagong kasanayan na lubhang mahalaga
sa inyong pag-aaral. Sa modyul na ito, tatalakayin natin
ang pagtukoy ng mga salitang magkatugma. Tara na at
sisimulan na natin ang ating pag-aaral!

Balikan

Panuto sa magulang: Sa bahaging ito, magbabalik-aral


ang bata kung ano ang natutunan niya sa nakaraang
leksyon.
Sabihin sa bata: Ako ay nagagalak at napagtagum-
payan mong nasagutan ang mga gawain na nasa
subukin! Bago tayo magpapatuloy, sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
Panuto: Ilarawan ang mga sumusunod na pangngalan.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. lobo _____________________

8
2. Nanay _____________________

3. kaarawan___________________

4. pakwan ___________________

5. aso ________________________

9
Tuklasin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipabasa sa bata
ang tula at ipasagot ang mga tanong pang-unawa.

Sabihin sa Bata: Basahin at unawaing mabuti ang tula.


Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na nasa
ibaba.

Ang Aking Pamilya


(Isinulat nina: Ofelia B. Prado, Grace E. Cuevas,
Rachel M. Diaz at Rubylyn C. Keil)

Ako ay may pamilya.


Magkasama lagi at masaya.
Sinusunod ko mga payo nila.
Tungkulin sa tahanan lahat ay abala.

Tulong-tulong ang lahat sa mga gawain.


Sabay-sabay kami sa oras ng pagkain.
Iniiwasan saktan ang bawat damdamin.
Ang bawat kasapi ay mahal namin.

10
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, babasahin mo ang
mga katanungan tungkol sa tula upang masagot ito ng
iyong anak ng pasalita.

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan


tungkol sa tula na iyong binasa.

1. Ano ang pamagat ng tula?___________________

2. Ano ang dapat gawin sa payo ng mga


magulang? __________________________________

3. Ano ang gawaing sabay-sabay na ginagawa


ng pamilya?__________________________________

4. Sino-sino ang mga kasapi sa pamilya? Dapat


bang mahalin ang bawat kasapi ng pamilya?
Bakit?
______________________________________________

5. Anong gawaing bahay ang kaya mong gawin?


_______________________________________________

11
B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang
magkatulad ang huling tunog na nasa ibaba. Isulat sa
patlang ang sagot.
masaya nila

gawain damdamin

tatay

1. pamilya ________________________
2. abala ________________________
3. namin ________________________
4. pagkain _______________________
5. nanay ________________________

Suriin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipapaliwanag mo
sa iyong anak ang kahulugan ng salitang magkatugma.

Tandaan:
Ang salitang magkatugma ay mga salitang magkatulad
ang huling tunog.

Halimbawa:
pamilya - masaya
nila - abala
gawain - pagkain
damdamin - mahalin

12
TAHASANG PAGTUTURO

Panuto sa Magulang: Bilugan ang salita na may


kapareho ang tunog sa hulihan ng nasa unang salita

[Link] (Gawin ko)


(Kung saan ikaw bilang magulang ang gagawa ng
gawain)
pamilya
a. magkasama
b. masaya
c. mahal

[Link] pagsasanay (Gawin Natin)


(Kung saan sabay kayo ng bata na gagawin ang
gawain)
nila
a. abala
b. damdamin
c. tahanan

c. Malayang pagsasanay (Gawin mo)


(Kung saan mag-isa ang bata na gagawin ang gawain)

gawain
a. abala
b. masaya
c. pagkain

13
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang taludtod na nasa ibaba. Lagyan ng


tsek ( / )ang patlang kung ang pares ng mga salita ay
magkatugma at ekis (X) naman kung hindi.

Walisan, hugasan, punasan


mga gawain ko sa loob ng tahanan.

Tawanan, takbuhan, taguan


mga gawain namin sa aming palaruan.

Isinulat ni: Rachel Antoinette M. Diaz, T-lll

1. walisan - hugasan ___________


2. punasan - palaruan ___________
3. taguan - loob ___________
4. gawain - tawanan ___________
5. tahanan - takbuhan ___________

Isaisip

Itanong sa bata: Ano ang salitang magkatugma?

14
Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang
upang mabuo ang talata. Gawin ito sa inyong sagutang
papel.

Ang salitang ______________ay mga salitang may


__________ ang huling ___________.

Isagawa

Panuto sa Magulang: Gabayan ang bata sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang kanyang pag-
unawa sa mga kasanayan.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


Ano-anong mga salita ang magkatugma na nasa loob
ng pangungusap?
1. Sina tatay at nanay ay pumunta sa palengke.
a. tatay- nanay
b. pumunta-palengke
c. at- ay
d. Sina- sa

2. Si Kuya ay kumakain ng hinog na papaya.


a. ay - hinog
b. kuya - papaya
c. Si - ng
d. kumakain - papaya
15
3. Nag-aaral ng kanilang leksiyon sina Ate at Lote.
a. Nag-aaral - sina
b. leksiyon - kanilang
c. Ate - Lote
d. at- ng
4. Makulay ang laso sa buhok ni bunso.
[Link] - laso
[Link] - buhok
[Link] - sa
d. bunso - ni
5. Ang aming pamilya ay palaging masaya.
a. ay - aming
b. palaging - pamilya
c. pamilya - masaya
d. masaya - aming

Tayahin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang katugmang salita na
nasa Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
_____1. bukas a. malapit
_____2. baso b. hinog
_____3. mata c. lata
_____4. bilog d. puso
_____5. mabait e. malakas

16
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng limang salitang magkatugma. Isulat


ang iyong sagot sa sagutang papel o kwaderno.
1.__________________ - _________________
2.__________________ - _________________
3.__________________ - _________________
4.__________________ - _________________
5.__________________ - _________________

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian

K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 1, pahina 10 ng 190

Image of balloons, Accessed April 15, 2021, from


[Link]

Image of black and white mother, Accessed April 15, 2021, from
[Link]

Image of black and white Birthday Party,Accessed April 15, 2021


[Link]

Image of black and white watermelon, Accessed April 15, 2021


[Link]

Image of black and white dog,Accessed April 15, 2021


[Link]

Image of black and white family, Accessed April 15, 2021


[Link]

19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education-SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@[Link]

You might also like