You are on page 1of 27

Arts 2

Unang Markahan – Aralin 1:

Sining na kay Ganda


Kilala ang mga Pilipino sa pagiging
malikhain, lalo na sa pagguhit. Mahilig
ka ba sa pagguhit? Sinu-sino ang mga
kilala mong pintor? Nakakita ka na ba
ng kanilang likhang sining? Napansin
mo ba na ang bawat pintor ay may kani-
kaniyang istilo sa pagguhit o pagpinta.
Pagmasdan ang mga likhang
sining ng dalawang tanyag na
Pilipinong pintor na nasa ibaba.

Sagutin ang mga katanungan


ukol dito.
Mauro Malang Santos Fernando C. Amorsolo
“Woman Fruit Vendor” “Palay Maiden”
1. Ano ang napansin mo sa larawan?
______________________________________
_________

2. Magkaiba ba ang likhang sining ng mga ito?


______________________________________
______

3. Paano ito nagkaiba?


______________________________________
______
May mga Pilipinong pintor na
gumuhit ng mukha ng tao,
kapaligiran o mga
kabayanihan.
Ang pintor ay isang tagapinta. Ito ay
pambihirang kakayahan dahil
kailangan nito ng artistikong talino,
matalas na mata at matatag na kamay.

Sa pamamagitan ng kanilang
malikhaing pag-iisip ay naipapahayag
nila ang kanilang saloobin. May kanya
–kanyang istilo ng pagguhit ang mga
pintor.
Ilan sa mga kilala at tanyag na pintor sa
ating bansa ay sina :
 Mauro Malang Santos - gumuguhit ng mga
bagay mula sa kanyang imahinasyon.

Mauro Malang Santos,


“Fiesta”
Fernando C. Amorsolo – gumagamit ng
konseptong “ Still Life” o pagguhit ng mga
totoong tao o bagay na makikita sa
kapaligiran.

Fernando C. Amorsolo,
“Planting Rice”
Cezar T. Legazpi ay gumagamit ng istilo ng
pagsasanib ng kulay,liwanag at anino.
Marami tayong mga tanyag na Pilipinong pintor.
Sila ay may kanya-kanyang istilo sa pagguhit. May
mga pintor na ang ginuguhit ay mga bagay na nakikita
nila sa ating kapaligiran tulad ng mga tao, bagay,
hayop at iba pa.

May mga pintor naman na ang ginuguhit ay mula


sa kanilang imahinasyon. Ang mga ito ay hindi natin
makikita sa ating paligid. Ano man ang kanilang nais
na istilo, nagpapakita pa rin ito ng kanilang husay at
galing.

Dapat natin silang ipgmalaki dahil karangalan ito


ng ating bansa.
Aralin 2 at 3 :
Contrast at Overlap
sa Kulay at Hugis
sa
isang Likhang Sining
Basahin ang maikling sanaysay at gawin ang mga
pinagagawa ng maayos. ( Sa mga batang hindi pa
gaanong nakababasa, paki tulungan po nang mga
magulang o kaya nang mga nakaktatandang
kasama sa tahanan)
Si Pedro at ang Kanyang Kamag-Aral

Magandang umaga ang bati ng mga mag-aaral sa kanilang guro sa MAPEH na


si Bb. Matanghari. Masisigla ang mga mga-aaral sa Baitang 2, dahil sa oras na
ito ay guguhit at kukulay sila nang ibat-ibang hugis. “Ma’am, ano po ba ang
iguguhit natin ngayon?” Hindi sinagot ni Bb. Matanghari ang tanong ng isang
mag-aaral, at sinabi lang niya na sila ay tumahimik at ihanda ang mga gagamitin
sa gagawin ngayon.

Bago tayo magsimula ng gawain, tayo muna ay umawit ng isang awitin na


magbibigay sa atin ng ideya sa ating gawain ngayon. “Pedro, ikaw ang manguna
sa inyong kakantahin,” ang sabi ni Bb, Matanghari
“Tayo ay tumayo at kantahin natin ang Bahay Kubo,” ang sabi ni Pedro.
Bahay Kubo, kahit munti
ang halaman duon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani ,
sitaw, bataw patani.
Kundol , patola, upo’t kalabasa
At saka meron pang labanos,mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puro linga.
“Magaling! Ano-ano ang nabanggit sa awitin na pwede nating iguhit?”
ang tanong ni Bb. Matanghari.“Marta?” Tumayo si Marta at sinabi,
“Mga halaman po Ma’am.” Magaling! Magbigay nga ng isang
halimbawa ng halamang nabanggit sa awit?” Ma’am ako po!” ang sigaw
ni Kardo.” Kardo magbigay nga.” Madam talong po.” Magaling!
Marami pang mga halaman ang nabanggit sa awit. Kaya malaya kayong
iguhit ito. Ilagay sa inyong “arm chair” ang mga dalang gamit at
umpisahan niyo nang gumuhit. Labing-limang minute lang ang inyong
oras upang tapusin ito.” Masaya at tahimik na gumuhit ang mga bata.
1. Ang tatlong bagay na kailangan munang
matutunan upang makaguhit at makapagkulay
Sagutan ang na kakaiba sa mga gawa ng iba.
mga 2. Magbigay ng dalawang uri ng halaman na
sumusunod makikita sa awit “Bahay Kubo”.
3. Magbigay ng dalawang kagamitan na
na tanong kailangan sa pagguhit at pagkulay ng isang
bagay.
Ang mga linya, hugis at
tekstura ang nagbibigay buhay
sa ating gustong iguhit sa ating
imahinasyon. Kailangan nating
sanayin ang ating kakayahan sa
pagguhit upang maging bihasa
tayo dito.
Ang sining ay iba’t ibang uri ng
paglikha ng biswal, naririnig o
kaya ay isang pagtatanghal na
nagpapakita ng kahusayan sa
kani-kanilang larangan.

Ang contrast naman ay


maipakikita sa pamamagitan ng
paggamit o pag-aayos ng mga
magkakaibang elemento sa
sining tulad ng laki at kulay.
 Contrast sa Hugis  Contrast sa Kulay
Ang contrast sa hugis ay Ang contrast sa kulay ay
nagpapakita ng dalawa o nagpapakita ng dalawa o higit
higit pang hugis mula sa pang kulay sa dalawa o
malaki - papaliit o maraming bagay. Ipinakikita
magkakaibang hugis. rin nito ang totoong kulay ng
Ginagamit ang contrast na prutas, gulay at halaman. Ang
hugis upang makita ang mga kulay ay maaaring papusyaw-
bagay na nais mong ipakita
sa larawan nang sama-sama
patingkad o patingkad-
at madali itong nakikilala. papusyaw.
Ang contrast sa likhang sining ay maipakikita sa iba’t
ibang pamamaraan:

 Dalawang hugis na magkaiba  Dalawang hugis na magkaiba


ang kulay ang laki.
Maaaring palawakin ang
imahinasyon upang makabuo ng
isang obrang katulad ng paulit-ulit o
patong patong na bagay sa isa pang
bagay o overlapping.

Ang pagguhit ng isang bagay sa


likod ng isa pang bagay ay
nakalilikha ng overlap. Katulad ng
nasa larawan.
Aralin 4:
Pagkikilala ng Kulay ng Iba’t-Ibang
Bagay na Likas na Makikita sa ating
Kapaligiran
Tingnan ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Anong pangkat ang nakita mo sa
larawan?

Sagutin 3. Ano ang kulay ng mga bulaklak?


ang mga 4. Anong mga hugis ang nakita mo
tanong: sa larawan?

5. Anong mga linya ang nakita mo


sa larawan?
Ang pangkat ng mga tunay na
bagay na iginuhit o ipininta ay
tinatawag sa sining na Still Life
(Buhay Pa).

Maaaring gumamit ng mga


prutas, mga bulaklak, mga
kagamitan, sa paaralan o iba
pang bagay sa kapaligiran sa
paggawa ng Still Life (Buhay
Pa).
Tandaan na
Itulad ang kulay sa
sa pagguhit kulay ng tunay na
ng Still Life bagay.
(Buhay Pa)
Itulad ang hugis sa hugis ng
dapat na:
tunay na bagay.
Ayusin ang mga bagay: ang
iba ay sa harap, ang iba ay sa
likod

You might also like