You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Sining

(Ikalimang Baitang)
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Mabigyang kahulugan ang ritmo.
b. Malaman ang ibat ibang uri ng ritmo.
c. Mailapat sa pang-araw-araw na buhay ang ritmo.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ritmo
Sanggunian: PELC, Umawit at Gumuhit V, pp. 107-109
Kagamitan: Mga larawan
Pagpapahalaga: Pagkamalikhain

III. Pamamaraan:

A. Pambungad na Gawain
Mga bata, ating simulant ang ating klase sa isang laro. Ito ay tatawagin
nating Color Game. Kapag sinabi kong Dilaw, lahat ay pumalakpak; kapag
sinabi kong Pula, lahat ay pumadyak; at kapag sinabi kong Asul, lahat ay
igalaw ang katawan.
Ngayon, lahat ay maghanda at tayo ay magsisimula.

B. Pagsasanay
Mga bata, mayroon akong surpresa sa inyo. Gusto niyo bang malaman
kung ano? Tumayo ang lahat at silipin ninyo ang ilalim ng inyong upuan. Kung
sino man ang may makitang nakarolyong papel ay tumingin sa inyong kanang
katabi. Ibigay ang nakitang papel sa inyong kanang katabi, sapagkat siya ang
naatasang sumagot ng tanong sa nakarolyong papel.

Panuto: Buksan ang nakarolyong papel at alamin kung anong uri ng linya
o hugis ang nakaguhit. Mayroon kayong pagpipilian sa pisara.

1. Linyang Pakurba 2. Linyang Pahilis

3. Hugis Puso 4. Hugis Parihaba

5. Linyang Pasigsag 6. Linyang Paalon-alon


7. Hugis Tatsulok 8. Linyang Putol-putol

C. Balik-Aral

1. Ano ang dalawang uri ng hugis? Ibigay ang mga kahulugan nito.
(Geometrikong Hugis ito ay mayroong sariling katangian kahit
nagkakaiba-iba ng kulay, hugis at laki; Hugis Abstract hindi tiyak na
nakikita sa paligid at maaaring magawa nang hindi sinasadya sa
pamamagitan ng paglalaro o pagguhit-guhit.)
2. Mayroon akong flashcards dito. Inyong tukuyin kung anog uri ng hugis
ang aking ipinapakita.

(Flash Cards)

D. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

(Larawan ng Patadyong na may disenyo ng Ritmo)

Anu-ano ang inyong nakikita sa larawan?


Ilarawan ang inyong nakikita sa larawan.
Sa inyong palagay, mahalaga ba ang patadyong?
Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon, anong disenyo ng patadyong
ang inyong gagawin?

2. Pag-alis ng Sagabal

Mga bata, habang tayo ay tumatalakay sa ating leksyon mayroon tayong


masasalubong na mga hindi pamilyar na mga salita. Alamin natin ang kahulugan
ng mga salitang ito. Gagamitin ko ito sa pangungusap at ibibigay ninyo ang
kahulugan.

Disenyo pagkakaayos ng mga bagay, kulay, linya, hugis at tekstura.


Ang disenyo ng kanyang damit ay kaaya-aya.
Hugis anyo o porma ng isang bagay.
Ang hugis ng bola ay bilog.

3. Paglalahad

A. Paglalahad ng lekyon (Advance Organizer)

Lahat ng mga bagay na makikita natin sa ating paligid ay may kanya-


kanyang ritmo. May ritmo sa bawat tibok ng ating puso, sa bawat kurap ng ating
mga mata, sa bawat galaw ng ating mga bibig, maging sa pagkain o pagsalita,
sa bawat hakbang ng ating mga paa at sa bawat kumpas ng ating mga kamay.
May ritmo sa bawat musika at tunog na ating naririnig, sa bawat bagay na
ating nakikita at sa bawat disenyo ng mga likhang sining.
Ang ating pag-aaralan ngayong araw ay tungkol sa Ritmo. Ang ritmo ay
isang prinsipyo ng sining. Ito ay nakalilikha ng galaw sa mga disenyo at
nakapupukaw ng mga damdamin. Ito ay nakikita sa pamamagitan ng pag-uulit at
ng pag-uugnay ng mga elemento ng sining.

B. Gawain 1: Pagkilala
Mga bata, mayroon akong mga larawan dito. Bibigyan ko kayo ng isang
minuto para pagmasdan ng mabuti ang mga ritmong ginamit sa mga larawan.

C. Gawain 2: Paghahanay at Paglelebel

Mga bata, mayroon akong mga salita dito na naglalarawan ng ibat ibang
uri ng Ritmo. Kilalanin ang bawat larawan, bigyan ng kahulugan at ihanay ito
ayon sa Ritmong ginamit.
1. Sunud-sunod na Pag-uulit ang ritmo ay naipapakita sa pamamagitan ng
sunud-sunod na kabuuan ng disenyo. Maaaring ang mga anyo o hugis na
masining na nakaayos subalit ang mga ito ay nagpapahayag ng tuluy-
tuloy na galaw ng mga inuulit na linya at hugis na maaaring unti-unting
lumalaki o unti-unting lumiliit.
2. Salit-salit na Pag-uulit ito ang regular na pag-uulit ng dalawa o mahigit
pang disenyo. Maaaring ang pag-uulit ay magkasalit na malaki at maliit o
magkasalit na dalawang magkaibang anyo. Ang dalawang magkaibang
linya, hugis, kulay o tekstura ay salit-salit na inuulit.
3. Radyal o Parayos-rayos ito ay ang pag-uulit ng disenyo, paikot mula sa
gitna o sa sentro.

D. Gawain 3: Pagsusuri

Mga bata, ating suriin ang inyong ginawa:


- Lahat ba ng inyong sagot ay tama?
- Sa hanay ng Sunud-sunod na Pag-uulit, tama ba ang mga sagot?
- Sa hanay ng Salit-salit na Pag-uulit, tama ba ang mga sagot?
- Sa hanay ng Radyal o Parayos-rayos, tama ba ang mga sagot?
- Sa inyong palagay, makikita ba ang mga ito sa inyong paligid?

E. Gawain 4: Pag-oorganisa

RITMO

Sunud-sunod na Pag-uulit Radyal o Parayos-rayos

Salit-salit na Pag-uulit

4. Paghalaw
- Ano ang Ritmo?
- Anu-ano ang mga uri ng Ritmo?
- Ano ang sunud-sunod na pag-uulit?
- Ano ang salit-salit na pag-uulit?
- Ano ang radyal o parayos-rayos?
5. Paglalahat

Ang Ritmo ay isang prinsipyo ng sining. Ito ay nakalilikha ng galaw sa


mga disenyo at nakapupukaw ng mga damdamin. Ito ay nakikita sa
pamamagitan ng pag-uulit at ng pag-uugnay ng mga elemento ng sining.
Ang tatlong uri ng Ritmo ay Sunud-sunod na Pag-uulit na naipapakita sa
pamamagitan ng sunud-sunod na kabuuan ng disenyo. Maaaring ang mga anyo
o hugis na masining na nakaayos subalit ang mga ito ay nagpapahayag ng tuluy-
tuloy na galaw ng mga inuulit na linya at hugis na maaaring unti-unting lumalaki o
unti-unting lumiliit; Salit-salit na Pag-uulit ay ang regular na pag-uulit ng dalawa o
mahigit pang disenyo. Maaaring ang pag-uulit ay magkasalit na malaki at maliit o
magkasalit na dalawang magkaibang anyo. Ang dalawang magkaibang linya,
hugis, kulay o tekstura ay salit-salit na inuulit.; at, ang Radyal o Parayos-rayos ay
ang pag-uulit ng disenyo, paikot mula sa gitna o sa sentro.

6. Paglalapat
Mga bata, papangkatin ko kayo sa anim. Magbilang hanggang anim at
pumili ng lider sa bawat grupo. Mayroon akong nakarolyong papel rito. Ang
gagawin ninyo ay gumuhit ng kahit anong bagay na nagpapakita ng ritmo subalit
ang gagamiting uri ng ritmo ay batay sa inyong nabunot. Pumunta sa gitna ang
bawat lider at bumunot ng isa.
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para tapusin ang inyong gawain.
Ang inyong ginuhit (output) ay bibigyang puntos ayon sa pamantayan.

Pamantayan 3 2 1
Nagpapakita ng simbolismo
Nagtataglay ng
pagkamalikhain
Malinis at maayos ang
pagkakagawa
Nasunod ang napiling panuto
Natapos sa tamang oras

7. Pagpapahalaga
Mga bata mayroon akong isang sitwasyon rito. Basahin natin ito ng sabay-
sabay.
Si Froilan ay isang simpleng bata subalit sa kabila ng pagiging simple ay
may angking kaaya- ayang katangian. Siya ay sadyang napakagaling dahil
anuman ang ipagawa at ipalikha sa kanya ay kanyang nagagawa lalung-lalo na
sa mga gawaing pagguhit. Anuman ang kanyang nakikita o napapagmasdan ay
kanya itong nailalapat sa papel. Siya ay may mayamang imahinasyon sa mga
bagay- bagay na gusto niyang iguhit.
Anong katangian ang taglay ni Froilan?
Mayroon din ba kayong ganitong katangian?
Kung kayoy nagtataglay ng ganitong katangian ay huwag mahiyang
ipakita.

IV. Pagtataya

Panuto: Piliin ang wastong sagot.


1. Ano ang tawag sa prinsipyo ng sining na nakalilikha ng galaw sa mga
disenyo at nakapupukaw ng damdamin?
a. Hugis
b. Disenyo
c. Ritmo
d. Linya

2. Ito ay uri ng ritmo na naipapakita sa pamamgitan ng sunod-sunod o paulit-


ulit na anyo o hugis na masining na nakaayos sa kabuuan ng disenyo?
a. Radyal o parayos-rayos
b. Sunod-sunod na pag-uulit
c. Salit salit na pag-uulit
d. Paekis-ekis na pag-uulit

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ritmong salit-salit?

4. Ano ang tawag sa ritmong paulit-ulit na guhit palayo sa gitna?


a. Parayos-rayos
b. Paekis-ekis
c. Paulit-ulit
d. Salit-salit
5. Alin sa mga sumusunod ang ritmong sunod-sunod?
V. Kasunduan

A. Pagtatapos

Mga bata, kumuha ng isang pirasong papel at kumpletuhin ang


pangungusap.

1. Ngayong araw, ang aking natutunan ay ________________________.


2. Lahat ng aking natutunan ay gagamitin ko sa
________________________.

B. Takdang Aralin

Sa isang pirasong bond paper, gumuhit ng mga bagay na inyong


nagustuhan gamit ang ibat ibang uri ng ritmo.

Features Integrated:
Art of Questioning
Multiple Intelligence
Values Education
Graphic Organizer
Advance Organizer
Discovery Approach
Cooperative Learning

Prepared by:
Froilan C. Alcalen
Ma. Nelyn Joy C. Alcalen
Joergely Ann N. Minaves
Jullie Ann S. Pea

You might also like