You are on page 1of 30

2

Arts
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Malikhaing Paggawa ng Iba’t ibang Lokal
na Bagay Tulad ng Taka, Saranggola,
at Bangka na Gawa sa Papel
Arts– Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Malikhaing Paggawa ng Iba’t ibang Lokal na Bagay
Tulad ng Taka, Saranggola, at Bangka na Gawa sa Papel
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Kal Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor ng Nilalaman/Editor ng Wika
Reinalyn S. San Pedro Jesica B. Enriquez Lynette L. Cruz
Samuel T. Abando Christine T. De Jesus Maricris V. Dela Cruz
Maria Elena M. Valencia Rona C. Castro Jasmin P. Mendoza
EJ Darren C. Ramos Zandro P. Donceras

Tagasuri ng Nilalaman: Roland Paul S. Baltazar Jr.


Tagasuri ng Wika: Roland Paul S. Baltazar Jr.
Tagasuri ng Paglapat: Roland Paul S. Baltazar Jr.
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto Jr., Ed.D
Rainelda M. Blanco, Ph.D
Agnes R. Bernardo,Ph.D
Marquez T. Cartel
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Schools Division of Bulacan
Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound,Guinhawa St.,City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
2

Arts
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Malikhaing Paggawa ng Iba’t ibang Lokal
Na Bagay Tulad ng Taka, Saranggola,
At Bangka na Gawa sa Papel
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang
pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa
ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami


na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

0
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo


upang malinang ang iyong kaalaman, kasanayan
at likas na pagkamalikhain na iyong mga natutunan
sa nakaraang aralin.
Ang mga Pilipino ay kilalang-kilala sa pagiging
malikhain sa larangan ng sining. Hindi matatawaran
ang kanilang angking talento at husay sa paglikha
ng mga bagay hango sa kanilang malawak na
imahinasyon. Kabilang dito ang paglikha ng iba’t
ibang disenyo gamit ang mga bagay na maari
nating makita sa paligid. Ilan sa mga disenyong ito
ay sumasalamin sa iba’t ibang kultura ng mga
Pilipino.

Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang sumusunod na kasanayan:

 Natatalakay ang malikhaing paggawa ng iba’t


ibang lokal na bagay tulad ng taka,
saranggola at bangka na gawa sa papel;
 Natutukoy ang pamamaraan ng paggawa ng
lokal na bagay; at
 Nakagagawa ng iba’t ibang lokal na bagay
tulad ng saranggola, taka at bangka na gawa
sa papel.
A2EL-IVa-1

1
Subukin
Panuto: Suriin ang mga larawan. Gamitin ang sumusunod
na simbolo sa bawat pamamaraan. Gawin ito sa
sagutang papel.
- paggawa ng saranggola
- paggawa ng taka
- paggawa ng bangka

1. 2.

3. 4.

5.

2
Balikan

Panuto: Iayos ang mga pamamaraan ng paglilimbag.


Isulat ang bilang mula 1 hanggang 5 sa patlang.

___________ A. Isawsaw ang pinutol na tangkay ng gabi sa


tina o anumang pangkulay.

___________ B. Gupitin ang nabuong disenyo. Puwede na


itong gawing pangdekorasyon sa silid-
aralan.

___________ C. Kunin ang tangkay ng gabi at putulin ito


upang lumabas ang disenyo.

___________ D. Itatak ang isinawsaw na tangkay ng gabi


nang paulit-ulit sa isang papel hanggang
makabuo ng gustong disenyo.

___________ E. Ihanda ang mga gagamitin sa paglilimbag.

3
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

SINING MULA SA PAPEL

Masayang nagkukuwentuhan ang magkakaibigang


sina Mina, Mary at Ben tungkol sa takdang-aralin na
ibinigay ng kanilang guro sa ikalawang baitang na si Gng.
Santos. Ito ay tungkol sa paggawa ng iba’t ibang bagay
na gawa sa papel.
“Mina, ano ang naisip mong gawin?” tanong ni Ben.
“Naisip kong mag-taka ng maskara katulad ng nakikita ko
sa aking tatay noong kami ay nakatira pa sa Paete,
Laguna. Iyon kasi ang dati niyang hanapbuhay”, sagot ni
Mina.
“Ako naman ay gagawa ng bangka na gawa sa papel,
mas mabilis at madali itong gawin”, ang sabi ni Mary.

4
“Ikaw Ben, ano naman ang gagawin mo?”, tanong naman
ni Mina.
“Gagawa ako ng saranggola upang may mapaglaruan ako
sa bukid”, ang sagot naman ni Ben.
Masayang umuwi ang magkakaibigan upang simulan ang
kanilang gawain.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Sino-sino ang magkakaibigan sa kuwento?


___________________________________________________
___________________________________________________
2. Anong gawain ang ibinigay ni Gng. Santos sa
ikalawang baitang?
___________________________________________________
___________________________________________________
3. Ano ang gustong gawin ni Mina?
___________________________________________________
___________________________________________________
4. Sino ang gagawa ng bangka na gawa sa papel?
___________________________________________________
___________________________________________________
5. Saan nais paglaruan ni Ben ang kanyang saranggola?
___________________________________________________
___________________________________________________

5
Suriin
Malikhaing Paggawa ng Iba’t ibang Lokal
na Bagay Tulad ng Taka, Saranggola
at Bangka na Gawa sa Papel

Ang mga Pilipino ay likas na malikhain. Ang kanilang


mga likha ay gawa sa iba’t ibang bagay na nakikita sa
ating kapaligiran.
Ang magkakaibigang sina Mina, Mary at Ben ay
gumawa ng iba’t ibang lokal na bagay tulad ng taka na
maskara, saranggola, at bangka na gawa sa papel.

Tingnan ang mga larawan na nilikha ng magkakaibigang


sina Mina, Mary at Ben.

6
Ang unang larawan ay ang maskara na ginawa ni Mina.
Ito ay gawa mula sa mga papel o lumang dyaryo. Ito ay
ginagamitan ng balangkas upang mapanatili ang
kaniyang hugis. Pinatuyong mabuti sa init ng araw
hanggang sa ito ay tumigas at pinintahan ng iba’t ibang
kulay. Ito ay tinatawag na paper mache o taka.

Ang pangalawang larawan naman ay ang likha ni Mary.


Ito ay bangka na gawa sa papel. Narito ang pamamaraan
ni Mary.
1. Kumuha ng malinis na papel at tiklupin ito sa kalahati.

2. Dalhin ang tuktok na sulok sa sentro upang makabuo


ng isang tatsulok at isang parihaba.

7
3. Tiklupin pataas ang sobrang papel sa ibaba ng tatsulok
at gumawa ng isang tatsulok ng sombrero.

4. Tiklupin sa gitna upang makagawa ng isang hugis


diyamante.

5. Tiklupin paitaas ang ibabang sulok ng hugis diyamante


upang makabuong muli ng mas maliit na diyamante.

6. Ngayon ay kailangan mong dahan-dahang hilahin


ang dulo ng diyamante upang maging isang bangka.

8
Ang pangatlong larawan naman ay ang likha ni Ben.
Ito ay saranggola na gawa sa lumang dyaryo, patpat
at tali.

Mga pamamaraan sa paggawa ng saranggola.


1. Pagkabitin ang dalawang piraso ng patpat at itali ito.

2. Gupitin ang lumang dyaryo sa hugis na diyamante na


kasukat lamang ng patpat na pinagkabit.

3. Idikit ang lumang dyaryo sa patpat na pinagkabit sa


pamamagitan ng pagdidikit ng papel o palara sa
bawat gilid.

9
4. Lagyan ng tali sa bandang ibaba sa pinagtalian ng
dalawang patpat.

5. Siguraduhin na balanse ang pagkakalagay ng tali


upang ito ay makalipad ng maayos.

10
Pagyamanin

Pamatnubay na Gawain 1

Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga


salita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. A N K G A B ______________

2. SMKAARA ______________

3. E L P P A ______________

4. T P A A T P ______________

5. A A G S R N A G L O ______________

11
Pagtataya 1

Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa hanay A sa


salita na nasa hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. A. bangka

2.
B. maskara

3.
C. saranggola

4.
D. taka na kabayo

5.
E. taka na manok

12
Pamatnubay na Gawain 2

Panuto: Piliin at isulat ang ngalan ng mga larawan na nasa


loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

gunting lapis pandikit

papel patpat sinulid

1.
_________________________

2.
_________________________

3.
_________________________

4.
_________________________

_________________________
5.

13
Pagtataya 2

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga larawan ng paggawa


ng saranggola. Isulat ang bilang mula 1 hanggang
5. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

__________ A. __________ B.

__________ C. __________ D.

__________ E.

14
Pang-isahang Gawain 1

Panuto: Gamit ang iba’t ibang kulay at disenyo bumuo ng


isang malikhaing imahe ng taka o paper mache ng
kalabaw. Gawin ito sa isang malinis na papel.

15
Pamantayan sa Pagkukulay at Pagdidisenyo ng
Taka na Kalabaw

Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod Hindi


pamantayan sa nakasunod
nang higit sa pamantayan sa
inaasahan subalit may pamantayan
(5) ilang (1)
pagkukulang
(3)
1. Nabuo ang
disenyo nang
taka na
kalabaw.
2. Nakulayan
nang malinis
at maayos
nang may
kombinasyon
ng matingkad
at mapusyaw
na kulay.
3. Naipakita ang
kombinasyong
kulay at
disenyo sa
likhang sining.
4. Naipagmalaki
ang nabuong
likhang sining.

16
Pagtataya 1

Panuto: Kulayan ng pula ang puso ( ) kung naisagawa


ang sumusunod.

1. Nakulayan ko ng tama ang larawan.

2. Nakagawa ako ng iba’t ibang disenyo sa


larawan.

3. Naging makatotohanan ang likhang sining


na ito.

4. Makagagawa pa ako nang iba pang likhang


sining tulad nito.

5. Maipagmamalaki ko ang likhang sining na


ito.

Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Gumawa ng isang bangkang papel. Tularan ang


mga pamamaraan sa paggawa nito.

17
Pamantayan sa Paggawa ng Bangkang Papel

Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod Hindi


pamantayan sa nakasunod
nang higit sa pamantayan sa
inaasahan subalit may pamantayan
(5) ilang (1)
pagkukulang
(3)
1. Nabuo ang
bangkang
papel
alinsunod sa
pamamaraan
nito.
2. Nagawa ang
bangkang
papel nang
malinis at
maayos.
3. Naipakita sa
paggawa ng
bangkang
papel ang
likhang sining.
4. Naipagmalaki
ang nabuong
likhang sining.

18
Pagtataya 2

Panuto: Lagyan ng puso ( ) kung oo ang iyong sagot at


diyamante ( )kung hindi. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Naisagawa ko ba sa tamang pamamaraan


ang aking ginawa?
2. Napanatili ko ba na malinis ang aking
gawa?
3. Naisagawa ko ba ang gawain sa sarili kong
pagsisikap?
4. Nakaramdam ba ako ng pagmamalaki sa
natapos kong gawain?
5. Magagamit ko ba nang maayos ang aking
ginawang bangkang papel?

19
Isaisip

Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin ang wastong


salita sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

bangka lokal saranggola

sining taka

Ang mga likhang 1.____________________ ng bawat


pamayanan ay nakikilala sa pamamagitan ng paggawa
ng iba’t ibang 2._________________ na bagay tulad ng
3._____________, 4.________________, at 5._______________
na gawa sa papel.

20
Isagawa

Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng iba’t ibang lokal


na bagay na maaaring gawa sa papel. Isulat sa
loob ng bilog ang iyong sagot. Gawin ito sa
sagutang papel.

Lokal na Bagay
na Gawa sa
Papel

21
Tayahin

Panuto: Iguhit sa kahon ang nawawalang larawan sa


paggawa ng saranggola, taka at bangkang
papel. Iguhit sa sagutang papel.

Bangkang Papel
1. 2.

Saranggola
3. 4.

Taka na Maskara
5.

22
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang tama kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap at mali kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel.

___________1. Ang taka o paper mache ay gawa sa


lumang papel na ginupit-gupit.

___________2. Kailangang gamitan ng balangkas ang mga


bagay na gawa sa papel upang mapanatili
ang hugis nila.

___________3. Gamit ang mga lokal na bagay, maaring


makagawa ng isang likhang sining.

___________4. Maaaring pintahan ng iba’t ibang kulay at


disenyo ang mga bagay na gawa sa papel.

___________5. Ang taka ay maaaring gawa sa plastik o


tuyong dahon.

23
24
Sanggunian

A. Libro

Ramilo Ronaldo V., et.al. 2013. Music, Art, Physical


Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral DepEd-
IMCS, pahina 264-270
Most Essential Learning Competencies p.368-369

25
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of sa
Para Education, Schools Division
mga katanungan o puna, of sumulat
Bulacan sa:
Curriculum Implementation Division
Learning Resourceof
Department Management and Development
Education, Schools Division ofSystem
Bulacan(LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa
Curriculum St., City of Malolos,
Implementation DivisionBulacan
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Email Address
Capitol :lrmdsbulaca
Compound, n@deped.gov.ph
Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

26

You might also like