You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 2

I. Layunin
Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Matutukoy ang bahagi ng payak na pangungusap.

 Makabubuo ng mga payak na pangungusap.

 Maipakikita ang aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa gawaing pang- klase.


II. Nilalaman

A. Paksang Aralin: Pagbuo ng Payak ng Pangungusap

B. Sanggunian: Teacher’s Manual Filipino 2 pp.143-144 ,Learner’s Module Filipino

2 pp.387-389

C. Kagamitan:

Larawan ng magkapatid na nagtutulungan

Visual aids (manila paper/kartolina)

D. Kahalagahan:

Ang mabuting bata ay kayamanan ng mga magulang.

III. Pamamaraan

Guro Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

 Pagbati

- Magandang umaga mga bata!


- Magandang umaga po aming guro!

- Magandang umaga aking kamag-aral!

- Magandang buhay!
 Pagtatala ng mga lumiban
sa klase

 Balik-aral

 Paano ginagamit ang Pang-


ukol na Ng?
- Titser,kapag po ang sumusunod na salita ay
isang pangngalan o pangngalang-diwa at
pang-uri.

- Tama!

( Magbibigay ng halimbawa na nakasulat sa

kartolina o hayaaan magbigay ng sariling

ideya ang mga bata)

- Mahusay mga bata!

4. Pagganyak

(Pagpapakita ng larawan ng magkapatid n

a nagtutulungan)

,-Hayaan ilarawan ng mga bata ang kanilang

nakikita sa larawan at ipasulat ito sa pisara.

Halimbawa:
 Ang batang lalaki ay
nagwawalis.

 Ang babae ay nagdidilig.


B. Panlinang na Gawain

 Paglalahad

 Ipabasa ang “ Huwarang


Magkapatid “.

 Pagtatakda ng mga dapat


tandaan sa pagbabasa.

 Dapat tandaan sa
Pagbabasa

 Umupo ng tuwid at maayos.


 Makinig ng mabuti.
 Intindihin ang binabasa.

( Babasahin ang maikling teksto “ Huwarang


Magkapatid ”,na nakasulat sa visual
aids/kartolina)

“ Huwarang Magkapatid”

Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang


mga bata. May oras sila sa paglalaro,pag-aaral at
sa pagtulong sa mga magulang.Tumutulong muna
sila sa mga gawaing bahay bago mag-laro.Sa gabi
naman ay nag-aaral muna sila bago manood ng
telebisyon.Dahil ditto,ang kanilang mga magulang
ay natutuwa sa kanila.

2. Pagtalakay

( Pagkatapos basahin ang maikling teksto


,Ipasagot ang mga tanong)

 Bakit sinabi na huwaran ang


magkapatid?
- Titser,dahil po may oras sila sa
paglalaro,pag-aaral at sa pagtulong sa mga
magulang nila.
-Tama!

 Anu-ano ang mga katangian


ng magkapatid ang dapat
natularan?

-Titser, ang pagiging matulungin at masipag


po sa pag-aaral.

- Mahusay!

 Bakit kay natutuwa ang


kanilang mga magulang?

- Titser,dahil po sa pagigung mabuting bata ng


magkapatid.

- Magaling!

 Ano ang inyong opinion sa


kasabihan na “ Ang mabuting
bata ay kayamanan ng mga
magulang”.

( Hayaang magbigay ng opinion ang mga


bata)

- Balikan ang mga


pangungusap na isinulat
sa pisara ng mga bata sa
pagganyak.

 Ang batang lalaki ay nagwawalis -Ipabasa sa mga bata.

 Ano ang inyong napapansin


sa pangungusap?.

 Ito ay halimbawa ng isang - Titser?


“Payak na Pangungusap”.

 Ano ang payak na


pangungusap?

-Titser?
 Ang Payak na Pangungusap ay
nagsasaad ng isang diwa o kaisipan.Ito
ay may isang simuno at panaguri.

 Ang simuno at panaguri ang dalawang


bahagi ng isang pangungusap.

 Simuno ito ang paksa o pinag-uusapan


sa isang pangungusap.

 Panaguri ito ay ang bahagi ng isang


pangungusap na naglalahad ng
impormasyon tungkol sa simuno.

 Halimbawa
( babalikan ang isinulat na mga bata na
pangungusap sa pagganyak)

 Ang batang lalaki ay nagwawalis.


Simuno panaguri

 Ang babae ay nagdidilig.


Simuno panaguri
- Titser, upang ito po ay maitaguyod at
 Hayaang magbigay ng iba mapangalagaan.
pang halimbawa ang mga bata
ng mga payak na
pangungusap na makikita sa
loob ng silid-aralan.

- Titser, Ang blackboard ay dalawa.


- Mahusay!

 Ipatukoy sa mga bata ang


bahagi ng pangungusap.

- Tama! - Titser, Ang blackboard ay dalawa.


Simuno panaguri
3.Paglalapat

- Pangpisarang gawain

(Tatawag ng apat na mag-aaral na sasagot sa


Gawain pang-pisara).

Panuto: Bumuo ng mga payak na


pangungusap mula sa mga larawan.

1.

2.

3.

4.
- 1. Titser,

- Ang bata ay nagpapalipad ng saranggola.


 Bigyan natin ng tatlong bagsak !

 Tatawag ng mga bata upang


tukuyin ang ang bahagi ng
pangungusap.
- Ang bata ay nagpapalipad ng saranggola.
Simuno panaguri
 Bigyan natin ng tatlong bagsak !

- 2. Titser,

- Ang lalaki ay nagwawalis.


 Bigyan natin ng tatlong bagsak !

 Tatawag ng mga bata upang


tukuyin ang ang bahagi ng
pangungusap.
- Ang lalaki ay nagwawalis.
Simuno panaguri
 Bigyan natin ng tatlong bagsak !

- 3. Titser,

- Ang bata ay nagdarasal.


 Bigyan natin ng tatlong bagsak !
 Tatawag ng mga bata upang
tukuyin ang ang bahagi ng
pangungusap.
- Ang bata ay nagdarasal.
Simuno panaguri
 Bigyan natin ng tatlong bagsak !

- 4. Titser,

- Ang lalaki ay nadapa.


 Bigyan natin ng tatlong bagsak !

 Tatawag ng mga bata upang


tukuyin ang ang bahagi ng
pangungusap.
- Ang lalaki ay nadapa.
Simuno panaguri
 Bigyan natin ng tatlong bagsak !

 Naintindihan ba mga bata?

- Opo Titser!

C.Pangwakas na Gawain

1.Paglalahat

 Ano ang ating pinag-aralan?

- Mahusay!
- Titser, tungkol po sa Payak na
Pangungusap!
 Ano ang Payak na
Pangungusap?
- Titser, ang Payak na Pangungusap ay
nagsasaad ng isang diwa o kaisipan.

- Magaling!

 Anu- ano ang mga bahagi


nito?
- Titser, simuno po at panaguri.

- Tama!

 Paano natin masasabi na ang


bahagi ng pangungusap ay
Simuno?
- Titser, kapag poi to po ay paksa o pinag-
uusapan sa isang pangungusap.

- Mahusay!

 Paano naman natin masasabi


na ang bahagi ng isang
pangungusap ay panaguri?
- Titser, kapag poi to ay naglalahad ng
impormasyon tungkol sa simuno.

- Magaling!

 Naunawaan na ba mga bata!

- Opo, Titser!
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang payak na pangungusap.Salungguhitan ang simuno at ikahon ang
panaguri.
1. Si Larry ay umaawit.
2. Ang batang babae ay maganda.
3. Si Shiela ay mabait na bata.
4. Ang adobo ay masarap.
5. Ang Edukasyon ang susi sa kinabukasan.

V. Kasunduan
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na iyong nais.Sumulat ng isang payak na
pangungusap tungkol rito.

Inihanda Ni: Rizza N.Docutin


Practice Teacher

You might also like