You are on page 1of 6

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)


City of Iriga

MONTESSORI GRADE SCHOOL DEPARTMENT

Lesson Plan in FILIPINO 6

Date: April 18, 2022

I. LAYUNIN

a. Natutukoy ang pang-abay at pang-uri

b. Natutukoy ang angkop na pang-abay sa pangungusap

c. Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag ng


sariling ideya.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pang-abay at Pagkakaiba ng ng Pang-uri ng Pang-abay

Pahina: Pinagyamang Pluma, pahina 208-211

Kagamitan: larawan at powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Paghahanda

A. Pangungumusta

Bago tayo mag umpisa sa ating


pag-aaralan, manalangin muna
tayo.

Iyuko natin ang ating mga ulo,


ipikit ang mata, at damhin ang
presensya ng Panginoon.
(Audio Visual Presentation)
(nananalangin)
Ngayon naman awitin natin ang
ating Pambansang Awit.
(umaawit)

Magandang Araw mga bata!


Magandang Araw din po Titser!

Ako po pala si Titser Jasmin! Ako


po ang magtuturo sainyo ngayon
sa Pagbasa.

Tingnan natin kung lahat ay


pumasok ngayong araw.

(tinatawag ang mga pangalan ng


mag-aaral)

B. Balik-Tanaw

Sino ang nakakaalala pa sa


tinalakay natin sa Filipino noong
isa isang lingo?

(nagtataas ng kamay)
Sige Mary Francine

(Tungkol po sa Ang Alamat ng Ahas)


Mahusay!

Mabuti na lang at naalala niyo pa


ang tinalakay natin kahit may
bakasyon kayo dahil noong isang
lingo ay semana santa.

C. Pagganyak

Unawain ang naging reaksyon at


damdamin ng mga ahas matapos
maparusahan ng Diwata.

Ahas: Sayang ang panahong


nakasama ko ang masayahing
Diwata! Ang panahong kami’y
masayang nag-aawitan habang
ang Diwata ay nakikinig! Kung
hindi sana ako naging
mapaghangad na ahas, sana’y
hindi ganito ang aking sinapit.
Ngayon, nag-uunahang tumakbo
ang mga tao at ibang hayop
kapag nakikita kami.

Basahin ang mga parirala sa


Hanay A at sa Hanay B.

Hanay A
(binabasa ang mga pangungusap)
 Masayang Diwata
 Sugatang mga hayop
 Mapaghangad na ahas
 Takot na tao

Hanay B

 Masayang nag-aawitan
 Sugatang nagsitakbuha
 Mapaghangad na tunay
 Takot na nagtakbuhan

Mga Tanong:
1. Anong bahagi ng pananalita
ang tinuturingan ng mga
nakadiing salita sa hanay A?

Sige James! Mag- aaral 1: nagtataas ng kamay


2. Ano ang tawag sa mga Mag-aaral 1: pangngalan
salitang nakadiin dito?
Mag-aaral 2: nagtataas ng kamay
Sige Mariel!
Mag-aaral 2: pang-uri
3. Ano ang tinuturingan ng mga
nakadiing salita sa hanay B? Mag-aaral 3: nagtataas ng kamay

Sige Aiesha!
Mag-aaral 3: pandiwa
4. Ano ang tawag sa mga
salitang nakadiin dito?
Mag-aaral 4: nagtataas ng kamay
Sige Naome!
Mag-aaral 4: pang-abay
Para maunawaan natin nang
husto ang Pang-abay at Pang-uri.
Ito ang pag aaralan natin ngayon.

D. Pagtatalakay

Pang-abay

Pang-abay – tawag sa salita o


mga salitang nagbibigay-turing
o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay.

Halimbawa:

 Nagbibigay-turing sa pandiwa

Mabilis na nagpasiya ang mga ahas.

PA PD

 Nagbibigay-turing sa pang-uri

Totoong masaya ang Diwata kapag naririnig


ang tinig ng mga ahas.

 Nagbibigay-turing sa kapwa pang-abay

Talagang mahusay magsaliksik ang mga ahas


sa kaharian.
Pagkakaiba ng Pang-uri at ng Pang-
abay

Ang pang-uri at ang pang-abay ay parehong


naglalarawan o nagbibigay-turing. Magkaiba
nga lang ang mga salitang inilalarawan o
binibigyang-turing ng mga ito.

 Pang-abay – nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

Halimbawa:

Galit na galit na nag-utos ang Diwata sa mga


kawal.

 Pang-uri – nagbibigay-turing sa
pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

Tuso at gahaman ang mga ahas.

E. Paglalapat

Paano makikilala ang


pagkakaiba ng pang-abay at
pang-uri?

Mag-aaral 5: tumataas ng kamay


Sige po Isaiah!

Mag-aaral 5: makikilala ang pagkakaiba ng


pang-abay at pang-uri sa mga salitang
inilalarawan o binibigyang-turing ng mga ito.
Mahusay!
Ebalwasyon:

Sagutan ang Madali lang iyan


at Subukin pa Natin, Titik A sa
pahina 210.

Asynchronous Activity:

Sagutan ang Subukin Pa Natin, Titik B sa pahina 211.

Inihanda ni : Iwinasto ni:

Ma. Jasmin B. Barela GNG. APRIL D. DASMARIÑAS

Area Chairperson Filipino

Noted:

G. JUAN P. HABER JR.

Assistant Principal

Approved:
GNG. JANICE A. BANZAGALES
Principal

You might also like