You are on page 1of 7

Masusing Banghay- Aralin sa Filipino 6

Ikalawang Baitang

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang;
a. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag- usap sa iba’t ibang
sitwasyon.
b. Nailalahad ang kahulugan ng aspekto ng pandiwa sa iba’t ibang mga
sitwasyon.
c. Nakapagsasagawa ng gawain gamit ang tatlong aspekto ng pandiwa.

II. Paksang Aralin


Paksa: Aspekto ng Pandiwa
Sanggunian: Likha 6 pg. 242-247
Kagamitan: Power point, Larawan, Tarpapel, Power Point, Cartolina
Value Focus: Pagpapahalaga sa pagtulong sa pangkatang gawain

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating (Ang mga mag aaral ay mananalangin)
gawain tayo muna ay tumayo para
manalangin.

2. Pagbati Magandang hapon po! Maligayang


Magandang hapon mga bata! pagdating. Mabuhay!

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo pakipulot ang (Magpupulot ng kalat ang mgamag-aaral at
mga kalat na nasa ilalim ng inyong aayusin ang kanilangmga upuan.)
mga lamesa at paki-ayos ang inyong
mga upuan.
(Mauupo nang tahimik ang mga mag-aaral.)
Maaari na kayong umupo.

4. Pagtatala ng mga Liban Wala po.


Mayroon bang lumiban sa klase
ngayong araw?

5. Balik - Aral

Bago tayo tumungo sa ating aralin


ngayong araw, tayo muna ay maglalaro.
Ito ay tinatawag na CHARADES.
(Pangkatin sa dalawa ang klase)

Ang bawat miyembro ay bubunot ng


isang papel na naglalaman ng mga
pandiwa. Huhulaan ng mga miyembro
ang salitang nasa papel sa pamamagitan
ng galaw na ipapakita ng kasamahang
nasa harapan. Ang pinakamaraming
nahulaang salita sa loob ng dalawang
minuto ang siyang panalo.

(Ipapaskil sa pisara ang mga nahulaang


salita)

Ano ang ipinapakita o isinasaad ng mga Kilos


salitang ito? Galaw

Ano ang tawag sa mga salitang ito na Pandiwa


tinalakay natin noong nakaraan araw?

Ano ang Pandiwa? Salitang nagpapakita ng kilos o galaw.

B. Pagganyak

Pansinin ang mga salita. Ito ba ay


nagaganap, naganap na, o magaganap pa
lamang?

C. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Ngayon, mayroon akong ipanonood sa
inyong maikling kuwento. Ito ay
pinamagatang “Ang munting Ang munting gamugamo
Gamugamo”

Ang tanging gagawin ninyo ay Binalaan itong wag lalapit sa apoy o


panoorin ito nang maigi, Matapos liwanag.
nating pagnilayan ang bidyo
bibigyan ko kayo ng dalawang
minute upang pag-isipan ang isasagot Hindi po.
ninyo sa mga tanong na ito:
Maging masunurin at laging makinig sa
a) Bakit mahalagang sumunod sa mga
magulang.
nakatatanda?

b) Ano ang aral o Mabuting asal na


inyong nakuha mula sa kwento?

Sino ang tuwang tuwa at paikot ikot sa


liwanag ng lampara?

Ano ang babala ng kaniyang ina sa


munting gamugamo?

Nakinig ba ng munting gamugamo sa


kaniyang ina?

Paglinang ng Talasalitaan:
(Bigyang kahulugan ang mga
sumusunod na salita o pahayag mula sa
napanood na kwento.)

 Kahalihalina
 Mapanlinlang
 Tinupok

Alam nyo ba na ang mga salitang kilos


ay may kanya kanyang gamit ayon sa
panahon?

Nagbabago ang anyo ng mga ito sa iba’t


ibang panahunan o aspekto

(Pagtalakay sa aspekto ng pandiwa)

(Pagpapakita ng mga larawan)

1. Perpektibo o naganap
 Ito ay nasasaad na tapos ng gawin ang
kilos.

Halimbawa:

Lumapit
a. Naluto ko na ang kare-kare.
b. Si Ana ay naghugas ng plato.

2. Imperpektibo o nagaganap
 Ito ay nagsasaad ng kilos na
kasalukuyang nangyayari.

Halimbawa:

a. Mabilis na tumatakbo ang

manlalaro.

Perpektibo, Imperpektibo at Kontemplatibo

Perpektibo ay nagsasaad na tapos ng gawin


ang kilos.
Imperpektibo ay kasalukuyang nagyayari.
b. Masayang nag eehersisyo ang mga Kontemplatibo ay kilos na gagawin pa
pamilya. lamang.

Opo!

3. Kontemplatibo o magaganap
 Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay
hindi pa nasisimulan o naisasagawa.

Halimbawa:
a. Kakain pa lamang si Linda.
b. Didiligan nya ang halaman.

Mga Pawatas:
 Takbo
 Laro
 Sayaw
(Gamitin ang mga wastong pawatas sa
aspekto ng pandiwa )

D. Paglalahat
Ibigay muli ang tatlong aspekto ng
pandiwa.

Ano ang kahuluhan ng mga ito?

Mahusay!

Naintindihan ba?

E. Pagpapayamang Gawain
Tukuyin kung perpektibo, imperpektibo
o kontemplatibo ang aspekto ng
pandiwang may salungguhit sa
pangungusap.

_________1. Si Rowena ay isasama ng


lola niya sa lalawigan.
_________2. Pumunta kami sa Luneta
Park noong Linggo.
_________3. Sasakay ako sa
pampasaherong sasakyan.
_________4. Naglalakad si Jose
papuntang palengke.
_________5. Kami ay kumain na ng
agahan.

F. Paglalapat
Pangkatang Gawain

BUUIN MO AKO!

(Bumuo ng apat na grupo)


Magbibigay ako ng mga larawan
(puzzle). Kailangan itong mabuo upang
malaman ang iba’t ibang kilos. Itala
kung anong aspekto ng pandiwa ang
isinasaad ng mga makikitang kilos sa
larawan.

G. Pagtataya
Piliin at salungguhitan ang pandiwa sa
aspektong ipinahihiwatig ng
pangungusap. Gawin ito sa sagutang
papel.

1. Masayang (pinaglaruan, pinaglalaruan,


paglalaruan) ngayon ni Roxanne ang
bago niyang manyika.

2. (Kabibili, Binili, Ibibili) ko pa lang ng


mga medyas mo, bakit wala agad?

3. Ang aking alagang aso ay (nawala,


nawawala, mawawala) kagabi nang
ito’y nakalabas ng bakuran.

4. (Naghanda, Maghanda, Maghahanda) na


kayong lahat dahil parating na ang
banda ng musiko.

5. (Tinatanggal, Tinanggal, Tatanggalin)


sa trabaho ang lalaki noong isang lingo.
IV. Takdang Aralin
Bumuo ng pangungusap na gumagamit ng wastong anyo ng pawatas o salita na
ipagbili sa iba’t ibang aspekto ng pandiwa.

1. Perpektibo – ______________________________________________

2. Imperpektibo – ____________________________________________

3. Kontemplatibo – ___________________________________________

You might also like