You are on page 1of 4

Cotabato State University

RH 4, Sinsuat Avenue, Cotabato City.


Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin:
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Natutukoy ang mga pahayag na napakinggan kung nagsasaad ito ng nakaraan,
kasalukuyan,at hinaharap;
b. Nagagamit sa pangungusap ang mga pandiwang nagsasad ng kilos na ginawa na,
ginagawa pa at gagawin pa at,
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa pangkatang gawain habang gumagamit ng
pandiwang nagsasad ng kilos na ginawaa na, ginagawa pa at gagawin pa lamang.

II. Paksang-Aralin: Aspekto ng Pandiwa

Sanggunian: Bagong Filipino ( Sa Salita at Gawa), Angelita L. Aragon at


Magdalena O. Jocson, p. 174-178.
Kagamitan: kartolina, laptop, projector

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain


1. Panalangin
2. Pagtsek ng atendans
3. Pagbabalik-aral

B. Pagganyak
Panuto: Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan.
Magtatawag ito ng mag-aaral na siyang magsasagawa
ng aksyon sa bawat larawan.

1. 2. 3. 4.

C. Paglinang ng Aralin
Aktibiti: Panuto: Magpapatugtog ang guro ng isang kantahing pambata na
pinamagatang “Mamang Sorbetero”. Aalamin ang mga salitang kilos
sa lyrics ng kantang ito.

Analisis: Itanong ang sumusunod:

a. Ano-ano ang mga kilos na narinig sa pinakinggang kanta?


b. Anong aspekto ng pandiwa ang nalikom na mga salita?

Abstraksyon: Ang paksa natin ngayong umaga/hapon ay tungkol sa Aspekto ng


Pandiwa

Mga Aspekto ng Pandiwa

Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o


hindi
pa nagaganap ang kilos at kung magaganap pa.
.
1.  Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan (Naganap)– naglalarawan sa kilos o galaw na
ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng
mga panlaping.
  “nag-“, “um-“, “-in-“, “-nan”, “ni-“, “-an”, at “na-“

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Perpektibo

 Tapos na akong kumain.


 Nagpunta ako sa simbahan.
 Natapon ang tubig sa lamesa.
 Tumakbo ako ng mabilis.

2.  Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan (Nagaganap)– naglalarawan sa kilos o


galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng
pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa
Apektong Perpektibo.
  “nag-“, “um-“, “-in-“, “-nan”, “ni-“, “-an”, at “na-“

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Imperpektibo

 Ang sanggol ay natutulog.


 Natutunaw ang sorbetes na kinakain mo.
 Nag-aaral ako ng mabuti.
 Umiiyak ang bata sa lansangan.
 Bilisan mo’t umuulan na!
3. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap (Magaganap)– naglalarawan sa kilos o
galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-
uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: “mag-” ,
“ipag-“, “maka-“, “naka-“. Maaaring ding gamitin ng sabay.

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Kontemplatibo

 Bukas ay magpupunta kami sa parte ng aking mga kaibigan.


 Sa aking kaarawan ay magluluto si Nanay ng spaghetti at pansit.
 Maglalaba ako mamaya pag-uwi ko galing sa eskwelahan.
 Maliligo kami sa ilog.

Aplikasyon:
Panuto:
Bumuo ng pangungusap tungkol sa larawan. Gamitin ang pandiwa at panahunan
na nakasulat. (Hahatiin sa apat na grupo ang klase, bawat grupo ay mayroong
anim
o pitong miyembro. Bawat grupo ay dapat may isang representante sa harapan na
siyang magpapaliwanag sa inyong nagawa.)

(um) kain
Kagabi.

(um) iyak (mag) linis


Kanina sa Sabado

Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain.


Kriterya Puntos

Malinaw na Paglalahad 40

Lakas ng boses 30

Kaisahan/kahandaan 30

Kabuuan: 100 %

IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin sa panaklong ang pandiwang dapat gamitin. Isulat sa papel ang
inyong
sagot.

1. Ako ay( sumisimba, sumimba, sisimba) kahapon.


2. ( Lumahok, Lalahok, Lumalahok) si Ate sa paligsahan sa pag-awit sa darating na
lingo.
3. Maraming ( nawalan, nawawalan, mawawalan) ng bahay dahil sa nakaraang
bagyo.
4. ( Naglinis, naglilinis, Maglilinis) ako ng aming bahay kanina.
5. ( Sumali, Sumasali, Sasali) Ba kayo kahapon sa paligsahan?

V. Kasunduan: Panuto: Tukuyin kung ano ang aspekto ng pandiwa sa mga sumusunod
na salita. Isulat ito sa kalahating papel.

1. Kumain
2. Nagwawalis
3. kakanta
4. Pumapadyak
5. Umalis
6. Papalakpak
7. Sumisigaw
8. Umiyak
9. Tumalon
10. Umiinom

Inihanda ni:
Samirah B. Coro
Aplikante

You might also like