You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI
Division of Antique
District of Sebaste

SEBASTE CENTRAL SCHOOL

Name of Teacher MRS. ELVA D. VALLERMOSA Section EESM


Leaning Area ESP Time

Grade Level 2 Date

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng klase sa ESP 2, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Cognitive: Makatutukoy ng iba’t-ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa


pamayanan
Affective: Malalaman ang kahalagahan ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan
Psychomotor: Makapagbibigay ng mga halimbawa na paraan tungkol sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan sa pamayanan

II. Paksang Aralin


Paksa: Nakatutukoy ng iba’t-ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa
pamayanan
hal.
- pagsunod sa mga babalang pantrapiko
- wastong pagtatapon ng basura
- pagtatanim ng mga halaman sa paligid
Sanggunian:
Pages:
Kagamitan: Cartolina, Pictures, Manila Paper, Pen, Pre-cut
Subject Integrated: Filipino, Art
Values Integration: Pagbibigay halaga sa pamayanan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


I. Panimulang Gawain

Panalangin

“Magsitayo ang lahat at tayo ay


manalangin”
Angel of God....
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral
upang pangunahan ang panalangin)

Pagbati

“Magandang umaga sa inyong lahat


klase” “Magandang umaga din sayo Ma’am”

Pagtetsek ng liban at hindi liban:

“May lumiban ba ngayong araw na ito?” “Wala po Ma’am”

“Iginagagalak kung marinig iyan!”

Pagsasanay:

Buoin natin ang mga salitang ito.

Sino kaya sa inyo ang makakabuo ng mga


salitang ito?

ALBAAB, KNALSAINI, SKAYAUNA

Sige nga ______

ALBAAB
BABALA
Sige ikaw naman ______ sa pangalawa.

KNALSAINI
KALINISAN

At sa panghuli ay si _____ ?

SKAYAUNA
KAAYUSAN

Magaling mga bata!

Balik Aral:

Natatandaan niyo pa ba ang leksyon natin


noong nakaraan?
“Opo Ma’am”
Ano iyon?
“Tungkol sa programa ng paaralan at
pamayanan na makatutulong sa
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa
pamayanan at bansa”
Magbigay nga ng mga halimbawa nito “Katulad po ng pagtatanim ng mga puno or
tree planting”

Magaling mga bata!

II. Panlinang na Gawain:

Pagganyak

Ano ang masasabi niyo sa dalawang


larawan na ito?

(may ipapakita na larawan sa klase)

Paglalahad ng Paksa:

Ngayon, babasahin ko ang kwento na


pinamagatang “Batang Masunurin”
(ang mga bata ay sasagot)

Handa na ba kayong makinig klase?


“Opo Ma’am”
“Ang Batang Masunurin”

Isang mabait at masunuring bata si Roy.


Sinusunod niya ang mga tuntunin sa
kanilang tahanan, paaralan at pamayanan.

Isang araw, pauwi si Roy galing sa


kaniyang paaralan, tumawid siya sa tamang
tawiran o sa pedestrian lane. Ngunit may
biglang huminto na traysikel drayber sa
kaniyang tapat at sinabing “Iho, sakay na”.
“Hindi po dito ang sakayan Manong, doon
po sa may nakasulat na, “dito ang tamang
babaan at sakayan”, sabi ni Roy.

Isang araw, namasyal si Roy sa parke.


Nakita niya na madaming basura ang
nakatapon sa tapat niya. Isa-isa niyang
pinulot at itinapon sa tamang basurahan
ang mga nakakalat na mga basura.
Pinaghiwalay niya ang basurang nabubulok
at hindi-nabubulok.

Kadalasan, nagkakaroon ng programa


ang kanilang barangay na tinatawag na
“Oplan Tanim”. Layunin nitong
magkaroon ng kagandahan at kalinisan ang
kanilang lugar. Bawat pamilya ay
kinakailangang sumali sa programang ito.

Si Roy ay aktibong sumali agad sa


nagsabing programa. Siya ay nagtanim ng
mga halaman sa kanilang bakuran dahil
alam niyang nagpapaganda ito sa ating
kapaligiran.

Mga katanungan:

1. Paano sinusunod ni Roy ang babalang


trapiko?

2. Ano-ano ang mga ginagawa ni Roy para


mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa
kanilang pamayanan?
3. Kaya niyo bang gawin ang mga
ginagawa ni Roy?

- ang pagtawid sa tamang tawiran

- paghihiwalay ng nabubulok at hindi


nabubulok?

- pagtatanim ng halaman sa kanilang


bakuran?

Pagtatalakay (Discussion):

"Ngayon, tatalakayin natin ang tungkol sa


mga paraan ng pagpapanatili ng kalinisan
at kaayusan sa pamayanan".

Pero bago ang lahat basahin muna natin ito:

“Mapapanatili natin ang kalinisan at


kaayusan sa ating pamayanan sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga
babalang pantrapiko, wastong pagtatapon
ng basura at pagtatanim ng mga halaman
upang kagandahan ng kapaligiran ay ating
makakamtan”.

Ang ilan sa mga paraan sa pagsunod sa


mga babalang pantrapiko ay:

- tumawid sa tamang tawiran


- tumawid ka pag berde na ang ilaw
trapiko
- iparada ang sasakyan sa tamang
lugar

Ito rin ang mga paraan sa pagtatapon ng


basura:

- itapon sa tamang basurahan


- ihiwalay ang nabubulok at di-
nabubulok na basura
- hindi dapat sunugin ang mga plastic
na basura
- ilagay muna sa bulsa ang maliliit na
basura at itapon sa basurahan pag-
uwi ng bahay

Ito rin ang mga paraan upang mapanatili


ang kalinisan ng ating kapaligiran:

- pagtatanim ng mga halaman sa


paligid

D. Paglalahat

Ngayon, tungkol saan ang ating leksyon?

"Tungkol sa mga paraan ng pagpapanatili ng


Magbigay nga ng mga halimbawa upang kalinisan at kaayusan sa pamayanan".
mapanatili natin ang kaayusan at kalinisan
ng ating pamayan.
tumawid sa tamang tawiran

tumawid ka pag berde na ang ilaw trapiko

iparada ang sasakyan sa tamang lugar

itapon sa tamang basurahan

ihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na


basura

hindi dapat sunugin ang mga plastic na


basura

ilagay muna sa bulsa ang maliliit na basura


at itapon sa basurahan pag-uwi ng bahay

pagtatanim ng mga halaman sa paligid


Magaling!

D. PAGTATAYA

Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain.

Mga pamantayan sa gawaing panggrupo

a. Gumawa ng tahimik
b. Gumawa ng kooperasyon
c. Pakinggan ang ideya ng bawat
grupo

Unang pangkat/Pangalawang pangkat:

Panuto: Tukuyin ang pangungusap kung ito


ay nagpapakita ng mga paraan upang
mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa
pamayanan at lagyan ng masaya,
malungkot na mukha naman kung hindi.

_____ Sinunog ni Carlo ang mga plastik na


basura.

_____ Nagtanim si Reign ng halaman sa


kanilang bakuran.

_____ Itinapon ni Ben ang basura sa gilid


ng kanyang upuan.

_____ Tumawid si Roy sa tamang tawiran.

_____ Inilagay ni Samson ang balat ng


kendi sa kanyang bag.

Pangatlong Pangkat/Pang-apat na
pangkat:

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang


bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng
paraan sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan sa pamayanan at malungkot na
mukha naman kung hindi.

_____1.
_____2.

_____3.

_____4.

_____5.

E. EBALWASYON

Magbigay ng mga halimbawang


nagpapakita ng paraan sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan sa pamayanan.

1.

2.

3.

4.

5.

F. TAKDANG ARALIN:

Bakit mahalagang matutunan ang mga


paraan sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan sa pamayanan?

Sagutin ito sa isang pirasong papel.

You might also like