You are on page 1of 10

Bicol University

College of Education
A Detailed Lesson Plan

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Naipakikita ang iba’t ibang pamamaraan ng


pangangalaga ng kapaligirang ginagalawan: sa tahanan, sa paaralan, sa komunidad.

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang iba’t ibang pamamaraan ng pangangalaga ng kapaligiran.
b. naisasadula ang mga tamang pamamaraan ng pangangalaga ng kapaligirang
ginagalawan tulad ng tahanan, paaralan, at komunidad.
c. naipapakita ang kahalagahan ng pangangalaga ng kapaligirang ginagalawan.

II. Nilalaman
Paksa: Mga Pamamaraan Ng Pangangalaga Ng Kapaligirang Ginagalawan
Kagamitan: Mga larawan, Sanayang Papel
Sanggunian: Araling Panlipunan Curriculum Guide AP1KAPIVi-13
Mga Konsepto ng Agham:
● Epekto ng pagtatapon ng basura o hindi malinis na kapaligiran sa mga tao at sa
kapaligiran na ginagalawan.
● Mga pamamaraan sa pagbabawas ng basura: Reduce, Reuse, Recycle.
Kasanayan sa Proseso ng Agham: Observing, Describing, Communicating

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Engage

● Pagdarasal
Bago ang lahat, tayo ay tumayo at mag-dasal. (Tatayo ang mga mag-aaral at magdarasal)

● Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga teacher!
Maari na kayong umupo. (Uupo na ang mga mag-aaral)

Kamusta kayo ngayong araw? Mabuti naman po teacher!

Man\buti naman kung ganoon at nagagalak


rin akong makita kayong muli.

● Pagtatala ng mga lumiban


Ngayon ay itatala ko muna ang attendance
ngayong araw.
Secretary, may liban ba ngayong araw? Wala pong liban ngayong araw, teacher.

Magaling!

● Balik-aral
Kahapon, tinalakay natin ang tungkol sa mga
halimbawa ng mga gawi at ugali na
makatutulong at nakasasama sa ating
kapaligiran.

Sino ang makapagbibigay ng mga gawaing - Pagtapon ng mga basura sa tamang


makakatulong sa ating kapaligiran? tapunan.
- Pagtanim ng mga puno.
- Paggamit ng baso sa pagsesepilyo.
- Pag-ubos ng kinainang pagkain.
- Pagpapanatili ng kalinisan ng
kapaligiran.
- Pagreresiklo
Magaling!

Sino naman ang makapagbibigay ng mga - Hayaang nakabukas ang gripo.


gawaing makakasira sa ating kalikasan? - Pag-aaksaya ng papel.
- Pag-iwang nakabukas ang mga ilaw
at bentelador habng hindi ginagamit.
Mahuhusay mga bata! Ako ay nagagalak dahil
natatandaan niyo pa ang ating tinalakay
kahapon.

● Pagganyak
Ngayon, bago tayo tumungo sa ating aralin,
kantahin muna natin ang awitin na ito.

SI titser muna ang kakanta at pagkatapos ay


sabay sabay nating kakanahin ito.
Naintindihan ba mga bata? Opo teacher!

(Song )

Kay ganda ng paligid kung kalat ay pupulutin


Paligid ay linisan
Basura ay paghiwa-hiwalayin
Reduce, reuse, recycle ating tabdaan
Upang basura natin ay mabawasan
Tipid tipid tipid ng tubig at tubig
Ito'y makakatulong sa kapaligiran
Tayoy magtanim at ito'y diligan
Mahalin at alagaan ang likha ng diyos

(Aawitin ng titser ang kanta)

Ngayon, sabay-sabay natin itong awitin.

(Aawitin ng titser ang kanta) (Aawitin ng mga bata ang kanta)


Magaling mga bata! Napakagaling niyong
kumanta!

B. Exploration
Ngayon, gagawa tayo ng aktibidad upang
malaman kung mayroon kang ideya tungkol
sa tatalakayin natin ngayon.

Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo at gagawa


kayo ng roleplay o pagsasadula ng mga
tamang pamamaraan ng pangangalaga sa
kapaligiran na nakatalaga sa grupo ninyo.

Unang Grupo: Tahanan


Pangalawang Grupo: Paaralan
Ikatlong Grupo: Komunidad

Pagkatapos, sasagutin niyo ang tanong na:


1. Bakit mahalaga na alagaan natin ang
ating kapaligiran?

(Tatawagin ng titser ang mga miyembro ng (Pupunta ang mga mag-aaral sa kanilang
bawat grupo) kaniya-kaniyang grupo at pwesto ng kanilang
grupo)

Pumunta na sa inyong mga kagrupo. Unang


grupo, dito kayo sa kanan. Pangalawang
grupo, dito kayo sa kaliwa. Ikatlong grupo,
dito kayo sa likod.

Bibigyan ko lamang kayong 15 minuto para


magplano at 5 minuto para sa presentation ng
inyong pagsasadula.
Naintindihan ba mga bata? Opo, titser.

C. Explanation

Tapos na ba kayo mga bata? Opo, titser.

Magaling! Ngayon, simulan na natin ang


presentasyon ng bawat grupo.

Maaari na kayong magsimula Unang Grupo. (Ibabahagi ng Unang Grupo ang kanilang
pagsasadula ng mga tamang pamamaraan
ng pangangalaga ng tahanan.)

Napakagaling naman ng Unang Grupo! (Papalakpak ang mga mag-aaral)


Bigyan natin sila ng malakas na palakpak.

Dumako naman tayo sa Pangalawang Grupo. (Ibabahagi ng Pangalawang Grupo ang


kanilang pagsasadula ng mga tamang
pamamaraan ng pangangalaga ng paaralan.)

Ang galing naman ng Pangalawang Grupo.


Bigyan din natin sila ng malakas na palakpak. (Papalakpak ang mga mag-aaral)

Ngayon, dumako na tayo sa presentasyon ng (Ibabahagi ng Ikatlong Grupo ang kanilang


Ikatlong Grupo. pagsasadula ng mga tamang pamamaraan
ng pangangalaga ng komunidad.)

Magaling mga bata!


Bigyan din natin ng malakas na palakpak ang (Papalakpak ang mga mag-aaral)
Ikatlong Grupo.

Base sa inyong presentasyon ay mukhang


may alam na kayo sa ating aralin ngayon.
Kaya naman dumako na tayo sa aralin natin
ngayong araw.

D. Elaborate
● Lesson
Ngayong araw ang tatalakayin natin ay
tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng
pangangalaga ng kapaligirang ginagalawan
sa tahanan, paaralan, at komunidad.

Sa bahay ninyo, malinis ba ang inyong Opo, titser.


paligid?

Anong ginagawa niyo para maging malinis Araw-araw po akong nagwawalis, titser.
ang bahay niyo? Pinupulot ko po ang mga basura na nakikita
ko sa aming bakuran.

Magaling mga bata!

Ang inyong paaralan, malinis ba ang paligid? Opo, titser!

Paano niyo nagsabing malinis ang inyong Wala pong mga basurang nagkalat, titser.
paaralan?

Marahil ay maayos na tinatapon ng mga


mag-aaral ang kanilang mga basura.

Ang inyong komunidad malinis ba? Opo, titser!


Hindi po, titser.

Bakit mo nasabing hindi malinis? Kasi po madaming nagkalat na basura at


mabaho po ang mga usok galing sa mga
sasakyan.
Kaya mga bata dapat nating malaman ang
mga tamang pamamaraan ng pangangalaga
sa ating kapaligiran para mapanatili nating
malinis ang bahay o paaralan man, o ang
ating komunidad na kinabibilangan.

Kaya naman may mga larawan ako ditong


inihanda. Gusto kong sabihin niyo kung ano
ang nasa larawan at kung ito ba ay tamang
pamamaraan ng pangangalaga sa ating
kapaligiran o hindi.

Naintindihan ba mga bata? Opo, titser.

Ano ang nakikita niyo sa larawan na ito? Nagpuputol po ng puno teacher.

Tama bang gawain ang pagpuputol ng mga Hindi po, titser!


puno?

Bakit hindi tama ang pagpuputol ng mga Kasi titser lalakas po ang baha kung walang
puno? mga puno na sisipsip ng tubig baha.
Magaling! Ano pa? Magkakalandslide din po, titser.
Bakit tingon niyo magkakalandslide pag Kasi po pag malakas ang ulan, ang mga ugat
pinutol ang mga puno? po ng puno ay nagpapatibay ng lupa para
hindi po gumuho.
Ano kaya ang dapat nating gawin sa paruoy Sabihan po sila titser na dapat konti lang ang
na pagpuputol ng mga tao sa mga puno? putulin.
Tama. Bukod diyan, ano pa? Magtanim po titser ng maraming puno para
mapalitan ang mga pinutol ng ibang taon.
Magaling mga bata! Tama ang lahat ng inyong
sinabi.

Dito sa larawan, ano sa tingin niyo ang Nagtatanim po sila teacher.


ginagawa nila?

Tama!
Kaya hindi dapat tayo magputol ng mga puno
at kung magpuputol man tayo ay dapat sapat
na bilang lamang. Maari nating palitan ng
maliliit na puno ang mga pinutol natin sa
pamamagitan ng pagtatanim. Dapat din nating
tandaan na madaming pwedeng masamang
epekto kung patuloy tayong magpuputol ng
mga puno dahil lalakas ang mga baha at
magkakaroon ng landslide kung wala o kaunti
na lamang ang mga puno. Mababawasan din
ang pinagkukunan natin ng gulay o prutas.

Naintindihan ba mga bata? Opo!

Ngayon naman, ano ang nakikita ninyo sa Ilog na puno ng basura teacher.
larawan na ito?

Paano niyo nasabing ilog ito kung puro Sumasagwan po ‘yung lalaki, titser.
basura lang ang nakikita natin?

Okay. Bakit kaya puno ng basura ang ilog na Siguro po diyan po lahat tinatapon ng mga
ito? tao ang basura nila.

Pwede. Ano pa? Hindi po sila marunong magtapon sa tamang


basurahan, titser.

Magaling mga bata!

Ang parating pagtapon ng basura sa ating


mga ilog ay nagdudulot ng pagbaha at
pagbara ng daluyan nito.
Kaya naman isa sa mga paraan upang
mapangalagaan ang ating kapaligiran ay ang
hindi pagtapon ng kahit anong basura sa ating
ating mga ilog.

Kayo ba saan niyo tinatapon ang mga basura Sa tamang basurahan po, titser.
niyo?

Tama iyan mga bata! Itapon sa tamang


basurahan ang ating mga basura.

Sa larawan naman na ito, ano ang ipinapakita Paggamit ng dinamita sa pangingisda po,
dito? titser.
Tama, sa tingin niyo magandang gawain ba Hindi po teacher.
ito?
Kasi maraming isdang namamatay sa
Bakit hindi? pagsabog ng dinamita.

Tama, ang pagpasabog ng dinamita ay


nagdudulot ng pagkamatay ng hindi lamang
mga isda pati na rin ng ibang mga hayop na
nakatira sa dagat.
Kaya naman upang mapangalagaan natin ang
ating kapaligiran, lalo na ang karagatan, ay
huwag tayong gumamit ng dinamita o ano
man pampalason sa paghuli ng mga isda sa
halip ay gumamit ng mga net na may
malalaking butas upang mahuli lamang ang
mga isdang maaaring hulihin o nasa tamang
laki.

Naiintindihan ba mga bata? Opo, titser.

Sa larawang namang ito, ano ang nakikita Nagsusunog po ng plastic na basura, titser.
ninyo?

Nakakabuti kaya sa kapaligiran ang gawain Hindi po, titser.


na ito?

Bakit hindi ito nakakabuti? Kasi dumadagdag po ang mabaho at maitim


na usok ng pagsusunog ng plastik sa
polusyon sa hangin.
Tama! Iisa sa mga nakakasama sa ating
kapaligiran ay ang pagsunog ng mga plastik o
gomang basura. Ang mga itim na usok nito ay
may masamang dulot sa ating mundo.

Kaya naman, isa ang hindi pagsusunog ng


basura sa mga paraan upang
mapangalagaan natin ang ating kapaligiran.

Mga bata, ang dapat nating tatandaan ay


dapat nating pangalagaan ang ating
kapaligiran ito man ay ang ating bahay, ang
eskwelahan o ang ating komunidad.
Ano pa ang sa tingin ninyong makakatulong Pagreresiklo po ng mga basura teacher.
sa ating kapaligiran?

Magaling! Isa ang pagreresiklo ng mga


maaaring mairesiklo ang solusyon sa
pagbawas ng mga basura sa ating paligid.

Katulad ng larawan na ito, ano ang Iba po ang tapunan ng iba't ibang uri ng
napapansin niyo? basura.

Tama! Mayroong iba ibang tapunan ng iba’t-


ibang uri ng basura at ang tawag sa proseso
o gawain na ito ay waste management o
pagtatapon ng mga basura base sa kung
saan ito nabibilang.

Ang waste management ay ang pagbukod sa


mga basurang nabubulok, di-nabubulok at
nareresiklo.

Ano-ano kaya ang mga itinatapon sa loob ng Mga balat ng prutas at gulay.
basurahang nabubulok? Mga dahon teacher.

Tama, nakapaloob sa basurahang ito ang


mga basurang nabubulok at maaring maging
fertilizer sa ating lupa.

Ano naman ang itinatapon sa loob ng di Mga plastik at bote po teacher.


nabubulok na basurahan? Mga lata po.

Tama, nakapaloob dito ang mga basurang


hindi nabubulok at maaring mairesiklo.

Pero alam niyo ba na ang mga bagay na


nareresiklo ay maaring maging ganito
kaganda?

Katulad nito. Ano po ang mga 'yan teacher?


Ito ang mga bagay na hindi na natin ginagamit
pero pwede pang mapakinabangan.

Sa bahay o sa paaralan ninyo, may mga Opo, titser. Sa school po may mga diyaryo.
bagay ba kayo na pwedeng maresiklo? Pwede po naming gamitin iyon sa
pagdisenyo ng mga bagay bagay.

Tama, pwedeng gamitong ang diyaryo para


makalikha ng isang maganda at bagong
bagay.

Ano pa ang ginagawa niyo para maalagaan Sa bahay po tumutulong po ako magtanim
ang ating kapaligiran? ng mga halaman ni Nanay

Magaling! Dapat tayong magtulong tulong


para mapanatili ang kalinisan ng ating paligid.

Sa komunidad, anong ginagawa niyo para Pag namamalengke po kami ni Nanay hindi
mapanatiling malinis ang inyong komunidad? na po kami gumagamit ng plastic, eco-bag
na po.

Imbes na sumakay po sa tricycle, naglalakad


nalang po kami kung malapit lang.

Kapag may nakikita po akong basura ay


pinupulot ko po ito at tinatapon sa tamang
basurahan.
Magaling mga bata! Tama ang lahat ng inyong
sinabi at batid ko na lahat kayo ay tumutulong
na mapangalagaan at mapanatiling malinis
ang ating kapaligiran.

Tandaan niyo mga bata na kahit simpleng


pagpulot ng basura na pakalat kalat at
paglilinis sa ating mga bahay o paaralan ay
makakatulong sa pangangalaga sa ating
kapaligiran. Hindi mahalaga kung gaano
kalaki ang inyong matutulong, ang mahalaga
ay alam niyo kung ano ang mga tamang
pamamaraan para mapangalagaan ang ating
kapaligiran at ginagawa niyo ito sa abot ng
inyong makakaya.

Naintindihan ba mga bata? Opo, titser.

Upang malaman ko kung may natutunan kayo


sa ating talakayan ngayong araw, nais kong
sagutin ninyo ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mga hindi tamang gawain na Pagtatapon ng basura kung saan saan.
nakakasira sa ating kapaligiran? Pagputol ng mga puno.
Hindi maayos na pagbubukod ng mga
basura.
Paggamit ng dinamita.
Pagsunog ng mga basura.

2. Ano ang mga tamang pamamaraan ng Pagtatanim ng mga puno.


pangangalaga ng ating kapaligiran? Pagtapon ng mga basura sa tamang
basurahan.
Maayos na pagbubukod ng mga basura kung
ito'y nabubulok, di nabubulok, o nareresiklo.
Pagpulot ng mga nagkalat na basura.
Pagwawalis ng mga tuyong dahon.
Paggamit ng net na may malalaking butas sa
pangingisda.

3. Bakit kailangan nating alagaan at Para hindi tayo magkasakit.


panatilihing malinis ang ating Para malinis at presko ang hangin sa ating
kapaligiran. paligid.
Para ligtas po tayo sa mga baha, bagyo, o
iba pang kalamidad.
Para malinis ang mga pinagkukunan natin ng
pangangailangan tulad ng ilog at dagat.

Good job mga bata! Ang gagaling ninyo sa


ating talakayan ngayon at dahil diyan bibigyan
ko kayo lahat ng stars. Thank you po, titser!

IV. Assessment
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1.Ang ______ ng puno ay nagdudulot ng pagbaha.


a. pagtanim
b. pagputol
c. pagtapon

2. Ang paggamit muli ng mga lumang bagay ay nagpapakita ng ______ sa komunidad.


a. pangangalaga
b. paghahanda
c. pagtatanim

3. Ang pagtatapon ng basura sa wastong lalagyan ay nagpapakita ng pangangalaga sa


kapaligiran.
a. Tama
b. Mali
c. Wala sa nabanggit

4. Ang ______ ay lugar upang tayo magtuto kaya dapat natin itong pangalagaan.
a. tahanan
b. simbahan
c. paaralan

5. Ang ______ ay dapat tumulong sa paglilinis sa komunidad.


a. nanay lang
b. lahat ng tao
c. bata lang
6. Ano ang gagawin mo kapag may nakita kang papelna nakakalat sa kalsada?
a. pulutin
b. sipain
c. pabayaan

7. Mayroong “tree planting program” sa inyong barangay, ano ang maari mong itulong?
a. wala
b. tumulong sa pagtatanim
c. manood

8. Ano ang gagawin mo kapag may nakita kang batang namimitas ng bulaklak sa parke?
a. tumulong sa pamimitas
b. pagsabihan ang bata
c. huwag pansinin

9. Nakita mong nagsusunog ng mga plastik ang iyong kapitbahay, ano ang iyong gagawin?
a. manood
b. pagsabihan na nakakasama ito sa ating kapaligiran
c. wala

10. Nananawagan ang kapitan ng inyong barangay na linisin ang harap ng inyong bahay, ano
ang gagawin mo?
a. tumulong
b. huwag pansinin
c. ipagawa sa kapitbahay

V. Takdang Aralin
Panuto: Sa loob ng limang araw, mag document ng mga pamamaraan kung paano mo
napangalagaan ang kapaligiran sa loob ng tahanan, paaralan, at komunidad. Iprint ang iyong
mga litrato sa isang short bond paper at lagyan ng pangalan. Isumite ito pagkatapos ng limang
araw.
Tingnan ang isang halimbawa sa baba.

You might also like