You are on page 1of 16

Detailed Lesson Plan

HELE IV

“Malinis, Maayos at Kaaya-ayang Bakuran


at Kapaligiran”

Prepared by:
Hannah Jane S. Dingal
BEED 4E
Pre-service Teacher
I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga pamamaraan upang mapanatiling malinis, maayos, at kaaya-aya ang
bakuran at kapaligiran.
B. Natatalakay ang kahalagahan ng pagpapanatiling malinis, maayos, at kaaya-aya ang bakuran
at kapaligiran para sa kapakanan ng pamilya at pamayanan.
C. Nakatutulong sa paglilinis at pag-aayos ng bakuran at kapaligiran.
D. Naipamamalas ang kahalagahan ng malinis at maayos na kapaligiran sa pamamagitan ng
paguhit o paggawa ng poster.

II. PAKSANG ARALIN:

a. Paksa:
a.1. Malinis, Maayos at Kaaya-ayang Bakuran at Kapaligiran

b. Sanggunian:
b.1. Published: HELE IV – Yunit II Pangangalaga sa Sarili at ang Mabuting
Pananahanan; pg. 66-75; Josephina Mallari-Munsayac; 2017
b.2. Online: EsP:Pagpapanatili ng Tahimik, Malinis at Kaaya-Ayang Kapaligiran
Bilang Paraan ng Pakikipagkapwa-Tao (youtube.com)

c. Kagamitan
PowerPoint presentation, Work sheets

III. PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. PAUNANG GAWAIN
a. Panalangin
Nikko, maaari mo bang pangunahan
ang ating panalangin?
Panginoon, maraming salamat po sa araw na
ito na ipinagkaloob niyo saamin. Nawa’y
gabayan mo po kami sa mga Gawain aming
gagawin sa araw na ito. Lamnan mo po ang
aming mga isipan upang kami’y matuto ng
bagong kaalaman. Amen.

Maraming salamat, Nikko.


b. Pagbati
Magandang-araw mga bata!
Magandang-araw po titser Hannah!
Kamusta? Kamusta?
Kamusta kayong lahat?
Mabuti naman po titser!
c. Pagtala ng Liban
Yohann, maaari mo bang tignan ang
ating talaan? Sino ang mga lumiban sa
klase?
Titser, wala pong lumiban sa araw na ito.
d. Pagsumite ng Takdang Aralin
Mga bata nais kong ipasa ninyo ang
inyong mga takdang aralin upang ito’y
aking maiwasto.
(Ang mga mag-aaral ay magpapasa ng
kanilang takdang aralin.)

B. PAGBABALIK ARAL
Tungkol saan ang ating paksang aralin
kahapon?
Tungkol po ito sa paglilinis ng tahanan titser.

Tama! Anoa no kaya ang mga kasangkapan at


kagamitan sa paglilinis ng bahay? Mabigay
nga halimbawa.
Crizen?
Titser walis timbo at pandakot.

Magaling, Crizen!

Sophie?

Titser basahan po chaka Mop.


Tama, Sophie!
Brielle?
Basahan po chaka escoba titser.

Napakahusay! At dahil diyan bigyan nga natin


sila Crizen, Sophie, at Brielle ng Snappy
Excellent clap.
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!

Isa, dalawa,tatlo! Isa, dalawa,tatlo!

Excellent! Excellent!

C. PAGGANYAK

Ano ang napansin ninyo sa larawang ito? Ito


ba’y kaaya-aya tingnan?
Opo, titser ito ay kaaya-ayang tingnan.

Tama! Magaling mga bata. Ang kapaligirang


inyong makikita ay kaaya-ayang tingnan,
malinis, at maayos.
Bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng
Snappy Excellent clap.
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!

Isa, dalawa,tatlo! Isa, dalawa, tatlo!

Excellent! Excellent!

1. Bakit mahalaga na mapanatili ang malinis,


maayos, at kaaya-ayang kapaligiran? Maaari
mo bang ibahagi ang iyong sagot, Sophie?
Titser para po makaiwas ang mga tao sa sakit.
Mahusay! Ano pa? Bakit kaya ito mahalaga?
Sige, Michael.
Titser para po sariwang hangin ang
malalanghap ng mga tao.
Magaling! Tama ang lahat ng inyong mga
sagot. Ang pagpapanatili ng malinis, maayos,
at kaaya-ayang kapaligiran ay mahalaga para
sa kalusugan ng tao at para na rin ibang bagay
na may buhay katulad ng mga hayop at
halaman.

Bigyan nga natin ng Snappy Excellent clap


sina Sophie at Michael.
Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo!
Excellent!
Excellent!

2. Paano mo maipapakita ang pakikiisa sa


pangangalaga sa ating kapaligiran? Maaari
mo bang ibahagi sa klase ang iyong sagot,
Khaycee?
Itatapon po sa tamang tapunan ang mga
basura.
Tama! Lahat ng basura ay dapat itapon sa
tamang tapunan upang hindi na ito maging
sanhi at maaaring pagmulan ng polusyon sa
hangin at tubig. Bukod doon ano pa,
Mayenne?
Titser pagtatanim po ng mga bagong puno
para maiwasan ang pagbabaha.
Magaling! Ang pagtatanim ng mga puno ay
makakatulong upang maiwasan ang
pagdudulot ng matinding pagbaha at upang
makatulong ito sa pagpapanatili ng sariwang
hangin dahil ang mga puno ay nakakatulong
upang magbigay ng malinis at sariwang
hangin at ito ay tinatawag na oxygen na
kailangan ng ating katawan.

Bigyan nga natin ng Snappy Excellent clap


sina Khaycee at Mayenne.
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Excellent! Excellent!

Ang ating paksang aralin ay mayroong


kinalaman sa ating paunang gawain at ang
ating paksa sa araw na ito ay may
pinamagatang “Malinis, Maayos at Kaaya-
ayang Bakuran at Kapaligiran”.

D. PAGLALAHAD

Pagmasdan mabuti ang kapaligiran ng inyong


bahay. Ito ba ay malinis at maayos?
Titser ang aming kapaligiran ay malinis at
maayos po.
Mahusay! Una nating tatalakayin ay ang
bakuran. Maaari mo ba itong basahin, Crizen?

Ang Bakuran- ang paligid o bakuran ng Ang Bakuran- ang paligid o bakuran ng isang
isang tahanan ay maaaring magtaglay ng mga tahanan ay maaaring magtaglay ng mga
sumusunod: sumusunod:

-Isang daanan (pathwalk) sa tahanan Isang daanan (pathwalk) sa tahanan.


-Isang halamanan sa harap ng tahanan Isang halamanan sa harap ng tahanan
-Isang looban/likuran (backyard) na maaaring Isang looban/likuran (backyard) na maaaring
lugar o bahagi para sap ag-aalaga ng mga lugar o bahagi para sap ag-aalaga ng mga
hayop o taniman ng mga gulay o halamang- hayop o taniman ng mga gulay o halamang-
gamot. gamot.
-Isang bahagi na maaaring gawing labahan. Isang bahagi na maaaring gawing labahan.
Lungsod

Probinsya

Ano ang napansin ninyo sa unang larawan?


Anong klasing bakuran mayroon sila? Sige
Karl ibahagi mo ang iyong sagot. Titser dikit dikit po ang mga bahay kaya wala
po silang bakuran.

Tama! Sa lungsod maliit lang ang espasyo sa


pabahay kung kaya’t karaniwang maliit
lamang ang palibot ng kanilang tahanan. Sa
pangalawang larawan ano naman ang inyong
napansin? Kylie maaari mo bang ibahagi ang
iyong sagot? Titser maaliwalas po ang bakuran ng kanilang
bahay.

Magaling! Sa probinsiya at kanayunan na


hindi gaanong maraming tao malaki ang
kanilang mga bakuran. Ganoon pa man,
kailangan natin tandan na maliit man o malaki
ang bakuran, kailangan natin itong
pagyamanin upang maging kaaya-aya ang
ating kapaligiran. Maliwanag ba?
Opo, titser.
Bigyan nga natin ng Snappy Excellent clap
sina Karl at Kylie.
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Excellent! Excellent!

Ngayon naman dumako tayo sa Maayos at


Malinis na Kapaligiran. Para sa iyo ano ang
isang maayos at malinis na kapaligiran,
Pauline?
Para sakin titser yung walang basura 8an aka
kalat sa paligid ng bahay.
Mahusay, Pauline! Isa pang sagot galing kay
Alianna. Alianna para sa iyo ano ang ang
isang maayos at malinis na kapaligiran?
Titser kapag po maraming halaman ang
nakatanim maayos po itong tingnan.
Magaling, Alianna!

Bigyan nga natin ng Snappy Excellent clap


sina Pauline at Alianna.
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Excellent! Excellent!

Isa sa maaari nating gawin upang mapanatili


nating maayos at malinis ang ating kapaligran
ay sa pamamagitan ng pagpaplano at
pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman. Sa
pagtatanim ng halaman mayroon tayong
tinatawag na landscaping kagaya nalamang
ng nasa larawan.
Ano ang landscaping pakibasa nga, Steffi.

Landscaping- isang uri ng pag-aayos o Landscaping- isang uri ng pag-aayos o


pinagtutugma-tugma ang mga iba’t-ibang uri pinagtutugma-tugma ang mga iba’t-ibang uri
ng halaman. ng halaman.

Maraming salamat, Steffi.


Kapag malaki ang bakuran ng isang bahay
maaari ninyo itong gawin kasama ng inyong
pamilya upang mas mapaganda ang inyong
kapaligiran. Maaari kayong magtanim ng
halamang namumulaklak at mga hindi
namumulaklak at maaari rin ang mga halaman
na namumunga ng prutas o gulay.

Paano naman kaya kapag maliit ang inyong


bakuran saan kaya kayo pweding magtanim
ng halaman? Crizen maaari mo bang ibahagi
sa klase ang iyong sagot?
Titser pwedi po tayong magtanim sa paso
kung maliit po yung bakuran natin.
Magaling, Crizen! Tama ang iyong sagot.
Kung maliit ang inyong bakuran maaari parin
kayong magtanim sa paso at ilagay ito sa
daanan papasok sa bahay o sa munting likuran
upang kahit papaano ay magkaroon parin
kayo ng maayos at magandang kapaligiran.
Malinis at Ligtas na Bakuran at
Pamayanan
Mga bata, alam niyo ba na ang malinis at
ligtas na kapaligiran ay isang susi sa
kalusugan? Sa palagay ninyo bakit kaya?
Titser kasi po pag madumi ang paligid pwedi
po tayong magkasakit kaya dapat lagi po natin
ugaliin maglinis.
Mahusay! Tama kayo. Isa sa pinaka
mahalagang bagay na dapat natin gawin
upang makaiwas sa sakit ay ang paglilinis ng
ating bakuran maging sa ating pamayanan.

Mga pamamaraan upang mapanatiling


Malinis, Maayos, at Kaaya-aya ang
bakuran

Pangangalaga sa mga halaman.


-Diligan ang mga ito at alisin ang mga
damong ligaw sa paligid.
-Paglalagay ng patabang organiko.
-Gupitan (trim) ang mga ito upang gumanda
ang mga hugis at haba ng mga sanga nito.

Maaari mo bang basahin ang mga


pamamaraan kung paano natin
mapapangalagaan ang ating mga halaman,
Johnpaul?
Pangangalaga sa mga halaman
-Diligan ang mga ito at alisin ang mga
damong ligaw sa paligid.
-Paglalagay ng patabang organiko.
-Gupitan (trim) ang mga ito upang gumanda
ang mga hugis at haba ng mga sanga nito.
Maraming salamat, Johnpaul.

Pagwawalis sa paligid.
-Ugaliing walisin ang loob at labas ng
bakuran.
-Tapat mo linis mo.
-Ipunin ang mga tuyong dahon at ilagay sa
tamang lalagyan ng basurahan.

Maaari mo bang basahin ang mga


pamamaraan sa pagwawalis sa ating paligid o
bakuran, Brielle?
Pagwawalis sa paligid.
-Ugaliing walisin ang loob at labas ng
bakuran.
-Tapat mo linis mo.
-Ipunin ang mga tuyong dahon at ilagay sa
tamang lalagyan ng basurahan.

Sa pagwawalis ng ating bakuran o paligid


hindi natin iyon magagawa kung walang mga
gamit panlinis. Ano-ano kaya ang mga iyon,
Steffi?
Titser kami po ginagamit po namin walis po
tsaka pandakot.
Tama, Steffi! Isa ang walis at pandakot sa
mga gamit panglinis bukod dito kailangan din
natin ng gunting para sa mga halaman,
basurahan, at kalaykay o (rake). Ano naman
kaya ang rake at saan kaya ito ginagamit,
Nikko? Titser satingin ko po panghukay siya pag
nagtatanim.

Panghukay? Tama kaya si Nikko? Tingnan


natin. Ang ang kalaykay or rake ito ay
ginagamit bilang pang ipon ng tuyong dahon
at damo. Alam na ba ngayon ang gamit ng
kalaykay o rake?
Opo titser.

Mahusay! Ngayon dumako na tayo sa tamang


pagtapon ng basura.

Tamang pagtapon ng basura.


-Ihiwalay ang mga basurang nabubulok at
hindi nabubulok.

Maaari mo bang basahin ang mga


pamamaraan sa tamang pagtapon ng ating
mga basura, Jean?
Tamang pagtapon ng basura.
-Ihiwalay ang mga basurang nabubulok at
hindi nabubulok.
Mga bata laging tandan na ang mga basurang
nabubulok ay maaaring gawing pataba sa lupa
o compost kagaya nalamang ng tuyong dahon
o damo. Maliwanag ba?
Opo titser.
Ano nga ulit ang maaari nating gawin sa
basurang nabubulok?
Maaari po natin itong gawing pataba sa lupa
titser.
Magaling mga bata!

Ang basurang hindi nabubulok naman ay


maaaring ipagbili o gamiting muli (recycle)
kagaya nalamang ng bote at papel.

Ano kaya ang pweding mangyari kapag hindi


itinapon sa tamang tapunan ang mga basurang
hindi nabubulok kagaya ng bote, Radyx?
Titser pwedi po itong maging sanhi ng baha.
Tama, Radyx! Bigyan nga natin si Radyx ng
isang Snappy Excellent clap.
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Excellent! Excellent!
Kapag hindi ito iniligay sa tamang tapunan
pwedi itong maipon sa mga istero o daluyan
ng tubig at magiging sanhi ng baha katulad
nalamang sa maynila laging nagbabaha dahil
karamihan sa mga tao ay kung saan saan nila
ito itinatapon. Mga bata, lagi ninyong
tatandaan na ang pagtatapon ng basura sa
tamang lalagyan ay dapat nating gawin upang
mapangalagaan natin ang ating paligid at
hindi tayo maperwisyo. Naiintindihan ba?
Opo titser!
Magaling! Isa din sa mga dapat nating gawin
ay ang paglalagay o pagtatakip ng basurahan.
Sa inyong palagay bakit kaya natin dapat
takpan ang basurahan, Andrei?
Para po titser hindi natin maamoy yung
mabahong basura.
Pwedi. Tama din ang iyong sagot Andrei.
Bigyan nga natin si Andrei ng Snappy
Excellent clap.
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Excellent! Excellent!

At isa pinakamahalagang dahilan kung bakit


dapat mayroong takip ang ating mga basura
ay para hindi ito pamugaran ng mga daga,
langaw, ipis, at iba pang insekto. Maliwanag
ba mga bata?
Opo titser.
Bukod dito kailangan natin siguraduhin na
dumadaloy ng maayos ang tubig sa mga istero
dahil kapag naimbak ang tubig sa paligid ng
ating mga bahay maaari itong pamugaran ng
lamok na nagiging sanhi ng anong klasing
sakit, Sophie?
Magkakasakit po tayo ng dengue po titser.
Tama, Sophie! Bigyan nga natin ng Snappy
Excellent clap si Sophie.
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Isa, dalawa, tatlo! Isa, dalawa, tatlo!
Excellent! Excellent!

Sa pagtatapos ng ating paksang aralin narito


ang mga dapat nating tandan:
Tungkulin nating lahat na panatilihing malinis
ang sarili at maging ang pang pamayanang
kapaligiran dahil ang malinis at maayos na
kapaligiran ay ang susi para sa kalusugan at
kapanatagan ng pamilya at ng buong
pamayanan.

E. PAGLALAHAT
Panuto: Isa-isahin ang mga sumusunod: Panuto: Isa-isahin ang mga sumusunod:
Magbigay ng limang paraan upang Magbigay ng limang paraan upang
mapanatiling ligtas at malinis ang inyong mapanatiling ligtas at malinis ang inyong
bakuran at kapaligiran. bakuran at kapaligiran.
a. __________________________________ a. __________________________________
b. __________________________________ b. __________________________________
c. __________________________________ c. __________________________________
d. __________________________________ d. __________________________________
e. __________________________________ e. __________________________________
D. PAGLALAPAT
Panuto: Sa pamamagitan ng paggawa ng Panuto: Sa pamamagitan ng paggawa ng
sanaysay na may tatlo hanggang limang sanaysay na may tatlo hanggang limang
pangungusap talakayin ang tanong sa ibaba. pangungusap talakayin ang tanong sa ibaba.

Bilang isang mag-aaral sa ikaapat na Bilang isang mag-aaral sa ikaapat na


baitang, paano mo pangungunahan ang baitang, paano mo pangungunahan ang
pagpapanatili ng katahimikan at kalinisan pagpapanatili ng katahimikan at kalinisan
sa inyong tahanan at pamayanan? sa inyong tahanan at pamayanan?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Pagmasdan ang larawan. Ipagpalagay na iyong naranasan ang sitwasyong ito. Pagnilayan
ang maaring naging dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong sitwasyon.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Ano kaya ang matinding dahilan ng pagbaha tulad ng nasa larawan?
2. Ano-ano ang maaring masamang epektong dulot sa kalusugan at
kapaligiran ng palagiang pagbaha?
3. Kung ang bawat tao ay marunong magpahalaga sa kaniyang kapaligiran, maiiwasan kaya ang:
• pagbaha?
• pagkakasakit ng mga tao?
• pagdumi ng kapaligiran?
Pangatwiranan ang iyong mga sagot.

V. TAKDANG ARALIN
Panito: Gumawa ng poster na nagpapakita ng kaayusan ng kapaligiran.

Pamantayan sa pag-gawa ng Poster:

You might also like