You are on page 1of 17

Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Quarter 2-Week 10
Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na
sitwasyon pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang
kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao
EsP4P-IIf-i-21 8.6
Balik-aral:
Itiman ang bilog na nagpapakita ng pag-iingat sa pasilidad na ginagamit.
1. Iniiwasan ko ang pagsulat sa dingding/pader ng palikuran.
2. Nililinis kong mabuti ang ginamit na palikuran tanda ng pagmamalasakit sa
susunod na gagamit.
3. Ibinabalik ko nang maayos at sa takdang oras ang aklat sa silid-aralan.
4. Maayos na pumipila sa tuwing bumibili ng pagkain sa kantina.
5. Pinipitas ko ang mga naggagandahang dahon at maging ang rare na bulaklak
bilang souvenir mula sa binibisita kong mga pasyalan at liwasan.
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.
Maayos na Kapaligiran, Hangad ng Sinuman
Isinulat ni Agnes D. Nocos

Ohh… anong sarap ng aking gising!


Dahil ako’y nakatulog nang mahimbing
Tila mga kapitbahay at kasama sa bahay
Kagabi’y tahimik, di gumawa ng ingay.
Hmmm… sarap langhapin
Sariwang hangin mula sa hardin
Malinis, maaliwalas at maayos
Kapaligirang likas at handog ng Diyos.
Patuloy tayong magkaisa at magtulungan
Panatilihing tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran
Hindi lang pansarili, kundi pandaigdigang tagumpay
Ang makakamtan ng ating buhay.
Salamat kapamilya at kapuwa ko
Salamat sa pakikiisa ninyo
Ating ipagpatuloy, pagiging disiplinado
Palaging isaisip ang mabuting pakikipagkapuwa -tao.
Sagutin ang mga tanong.

1. Anong mensahe ang nais ipaabot ng tula?


2. Paano mo mapapanatiling maaliwalas at tahimik ang iyong
kapaligiran?
3. Ano ang kahalagahan ng pagpapanatiling malinis, tahimik
at maayos ng iyong kapaligiran?
4. Paano mo pangungunahan ang pagpapanatili ng
katahimikan at kalinisan ng iyong lugar at paaralan?
Pag-aralan ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong.
Sagutin ang mga tanong.

1. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng malinis at


maayos na kapiligiran. Bakit?
2. Katulad din ba ito ng iyong kapaligiran?
3. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan
at kaayusan ng iyong kapaligiran?
Isulat sa patlang ang naiisip na paraang
gagawin sa pagtataguyod ng isang malinis,
tahimik at kaaya-aya kapaligiran (preferred
future).
Maisasagawa mo ba ang mga naisip mong paraan
sa pagtataguyod ng isang malinis, tahimik at
kaaya-ayang kapaligiran?

Ano ang magagawa mo para maging malinis ang


ating kapaligiran?
Ebalwasyon:
Iguhit sa patlang ang hugis-puso kung nagpapakita ng paraan ng pakikipag-
kapuwa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malinis, at kaaya-ayang
kapaligiran, at hugis tatsulok kung hindi.
____1. Sinisigawan ko ang mga batang naglalaro sa aming bakuran.
____2. Iniiwasan ko ang pagsasalita nang malakas sa loob ng pampublikong
sasakyan upang hindi maabala ang ibang pasahero.
____3. Nakikiisa ako sa paglilinis ng aming purok kapag malapit na ang pista o
sports tournament.
____4. Tinitiyak kong nabubukod ang nabubulok at di-nabubulok na basura sa
bahay bago hakutin ng mga kawani ng solid waste ng aming lokalidad.
____5. Wala akong pakialam sa ipinatutupad na curfew hours sa
aming barangay.
Takdang-aralin:
Magkolekta ng mga larawan ng kapaligiran na
mayroong larawan ng isang pamayanan na tahimik,
malinis, maayos at kaaya-ayang paligid na makikita sa
mga lumang magazine. Gawin itong collage ng
kapaligiran.
Balik-aral:
Ang pagkakaroon ng tamang pangangalaga sa ating
kapaligiran ay nagbibigay kaayusan at katahimikan sa
paligid. Magbigay ng paraan kung paano mo
mahikayat ang iba na gawin din ang kanilang
tungkulin.
Balikan ang tulang “Disiplina ang Kailangan”.
Pag-aralan ang mga salita na nasa loob ng kahon. Isulat sa loob
ng bulaklak ang mga salita tungkol sa pagpapanatili ng kaaya-ayang
kapaligiran mula sa kahon. Sa labas ng bulaklak, isulat ang mga salitang
tumutukoy sa pagpapanatili ng hindi kaaya-ayang kapaligiran.

Walis halaman basurahan plastik basura disiplina pandilig


metro aid punongkahoy maayos na tindahan
mausok na sasakyan mabahong kanal malinis na kalsada malakas na
tugtog
Mapapanatili ko ang malinis at kaaya-ayang kapaligiran
kung _______________________.

Upang mapanatili ang tahimik na kapaligiran ako


ay______________.
Gawain:
Gumawa ng action plan bilang paglahok ng
OPLAN LINIS sa paaralan. Ilahad ang mga
hakbang ng pakikilahok. Ilagay ag inyong mga
sagot sa isang papel o sa kwaderno.
Paano mo mapahalagahan ang malinis ,
tahimik at kaaya-ayang
kapaligiran?
Ebalwasyon:
Sagutin sa pamamagitan ng pagpili sa mga salitang nagpapakita ng
katangian ng isang lugar tahimik , maayos, malinis at isulat ang sagot sa
patlang. Isulat sa isang papel o sa kwaderno ang mga sagot.
__________1. Nakatulog nang mahimbing ang tatay.
__________2. Nagkaisa ang mga tao sa palengke;
__________3. Isinasauli kaagad sa tamang lalagyan ang mga aklat.
__________4. May disiplina ang mga tao kaya walang gulo na
nangyayari sa kanilang barangay.
__________5. Walang kalat ng dahon ang paligid ng kanilang bahay

You might also like