You are on page 1of 8

PAARALA Pamantasan ng Lungsod ng ANTAS UNA

N Valenzuela
GURO ASIGNATURA ARALING
Bb. Mikaella G. Denilla
PANLIPUNAN
PETSA/ORAS May 24, 2022 MARKAHAN IKATLO

I. LAYUNIN Pagkatapos ng 40 minutong aralin, 75 porsiyento ng mga mag-aaral


ay inaasahang may 80% na pagkatuto sa paksang tinalakay
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay….
Pangnilalaman Naipamamalas ang pagunawa sa konsepto ng distansya sa
paglalarawan ng sariling kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan
at paaralan at ng kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga
nito.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral...
Pagganap Nakapagpakita ng payak na gawain sa pagpapanatili at
pangangalaga ng kapaligirang ginagalawan.
C. Mga Kasanayan sa Nakapagbigay halimbawa ng mga gawi at ugali na makatutulong at
Pagkatuto. Isulat nakasasama sa sariling kapaligiran: tahanan at paaralan.
ang code ng bawat AP1KAPIVh-12
kasanayan
I. NILALAMAN MGA GAWI AT UGALI NA MAKATUTULONG AT NAKASASAMA SA
SARILING KAPALIGIRAN
II. KAGAMITANG Larawan ng mga bagay at interactive presentation
PANTURO
A. Sanggunian Curriculum Guide sa Araling Panlipunan pahina 31
B. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
C. Mga pahina sa
Kagamitang Pang
Mag-aaral
D. Mga pahina sa
Teksbuk
E. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
F. Iba pang Laptop
Kagamitang
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin Panimulang Gawain:
at / o pagsisimula a. Panalangin
ng bagong aralin b. Pag-awit ng “Kalikasan ay Pangalagaan”

Kumusta ka, kumusta ka!


O, kaibigan ko, kumusta ka!
Kay ganda at kay saya ng umaga,
Pag paligid ay kay sigla.
Kaya't basura'y pulutin na,
Simulan ingatan ang kalikasan,
Na likha ng Maykapal.

Nakakasama! Nako iwasan yan, Basura'y di sama-sama,


Tandaan! Iayon 'to
Sa klase ng basurang mayron ka.
Reduce, reuse, recycle kailangan,
Nang basura'y mabawasan

Alam na ba! Alam na ba!


Halina't tayo'y sama-sama,
Kunin inyong pala't magtanim na,
Ng mga binhing poprotekta.
Sa ating kapaligiran.

Base sa awiting inyong napakinggan, sagutin natin ang mga


sumusunod na katanungan:
1. Magbigay ng mga pamamaraan na maaari nating
gawin upang mapangalagaan natin ang ating
kapaligiran?
2. Inyo ba itong isinasagawa sa sariling tahanan o sa
paaralan? O parehas?

Pagmasdan ang mga larawan sa loob ng kahon.


B. Paghahabi sa A. Anong larawan ang nagpapakita ng malinis na tahanan?
layunin ng aralin Paano mo nasabi?

B. Anong larawan ang nagpapakita ng kaayusan? Paano mo


nasabi?

Magpapakita muli ang guro ng mga larawan. Hayaang sabihin ng


mga mag-aaral ang ngalan ng mga bagay na ginagamit sa paglilinis
ng tahanan at paaralan.
C. Pag-uugnay ng mga Pagkukwento ng guro ng, “Si Juan at ang baha.”
halimbawa sa
bagong aralin Si Juan ay isang mag-aaral sa unang baitang. Siya ay mahilig
magkalat sa kanyang kapaligiran, sinisira niya ang anumang
madaanan niyang halaman. Hindi niya alintana ang mga kalat na
kanyang tinatapon sa kanyang kapaligiran. Plastic, papel, at mga
pinagtasahan ay kanya lamang tinatapon kung saan-saan. Isang
gabi, habang mahimbing na natutulog si Juan at ang kanyang
pamilya, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pagsapit nang
umaga baha na sa kanilang lugar, nagbara ang mga kanal dahil na
rin sa mga basurang naipon dulot nang hindi tamang pagtatapon sa
basurahan ni Juan, kaya nagsisi siya sa kanyang ginawa. Mula noon,
tumutulong na siya sa paglilinis sa kanilang lugar at hindi na rin siya
nagkakalat. Natuto rin siyang magtanim ng puno at halaman sa
kanilang bakuran.

1. Sino ang batang mahilig magtapon ng basura kung saan-


saan?
2. Ano ang dahilan ng pagbaha sa kanilang barangay?
3. Sa inyong palagay, tama ba ang magtapon ng basura kung
saan-saan? Bakit?

D. Pagtalakay ng Pagtalakay sa aralin sa pamamagitan ng paghahambing sa mga


bagong konsepto gawi at ugali na makatutulong at nakasasama sa sariling kapaligiran.
at paglalahad ng
bagong kasanayan
#1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong;
MGA GAWI NA MGA GAWI NA
NAKAKATULONG SA ATING NAKAKASAMA SA ATING
KAPALIGIRAN KAPALIGIRAN

Pagtatapon ng basura sa hindi


Paglilinis ng paligid o bakuran. tamang lalagyanan.

Paghahalo-halo ng kalat o
Pagsunod sa pamamaraan na dumi sa iisang basurahan.
reduce, reuse, recycle.

Pag-aaksaya at hindi tamang


Pagtatanim ng puno at pagkonsumo ng tubig at
pagdidilig ng mga halaman sa kuryente
komunidad.

Pagbabaon ng nabubulok na
basura sa lupa upang gawing Pagsusunog ng basura.
pataba.

1. Ano ang mga gawi na nakakabuti sa ating kapaligiran?


2. Ano ang mga gawi na nakakasama sa ating kapaligiran?
3. Bakit mahalaga na pangalagaan natin ang ating sariling
kapaligiran?
4. Ano ang mga posibleng mangyari kapag pinabayaan natin
ang ating sariling kapaligiran?

E. Pagtalakay ng Magpapakita ng larawan ang guro na nagpapakita ng pagtulong sa


bagong konsepto pagpapanatili ng kalinisan sa paligid na inyong ginagalawan. Sabihin
at paglalahad ng kung ito ba ay sa paaralan o sa tahanan?
bagong kasanayan
#2

1.
Sa paaralan o sa tahanan?

2.
Sa paaralan o sa tahanan?
3.
Sa paaralan o sa tahanan?

4.
Sa paaralan o sa tahanan?

5.
Sa paaralan o sa tahanan?

F. Paglinang sa Sabihin kung ang mga sitwasyon ay nagpapakita ng pamamaraan na


kabihasaan reduce, reuse, recycle.
( Leads to Formative 1. Ginamit ni Aling Mina ulit ang plastic bag na pinaglagyan ng
Assessment ) kanyang mga pinamili upang paglagyan ng mga bote.
2. Paggamit ng eco bag ni Mang Kulas sa pamamalengke.
3. Ginawang paso ni Mike ang boteng pinaglagyan ng tubig.
4. Gumamit si Andi ng baso habang siya ay nagsisipilyo.
5. Ginawang laruang telepono ni Aljon ang lata, pinaganda at
nilagyan niya ito ng disenyo.

G. Paglalapat ng aralin Sabihin kung MAKAKABUTI o MAKAKASAMA ang mga gawi o


sa pang araw-araw kaugalian na ipinapakita sa bawat larawan.
na buhay
1. Hindi tamang pagkonsumo ng tubig.

2. Pagwawalis at pagpupunas sa loob ng tahanan.

3. Pagsama-sama ng mga basura sa iisang lalagyan.


4. Pagdidilig ng mga halaman sa paaralan.

5. Pagpulot ng mga basurang nakakalat sa paligid.

H. Paglalahat ng Aralin Buuin ang ideya ng sumusunod na konsepto, mula sa iyong


natutuhan sa ating aralin.

mapangalagaan gawi o ugali kapaligiran

nakakatulong nakakasama

Ang pagtulong sa paglilinis ng ay nagpapakita


ng magandang . Kaya’t maraming
pamamaraan upang natin ang kapaligirang
ating ginagalawan. Mayroong mga gawaing at
sa sariling kapaligiran: tahanan at paaralan.

GAWIN ITONG PANGUNGUSAP.


I. Pagtataya ng Aralin Sabihing MAHUSAY kung ang larawan ay nagpapakita ng gawi na
nakakabuti sa sariling kapaligiran, samantalang HUWAG TULARAN
naman kung ito’y nagpapakita ng gawi na nakakasama sa ating
kapaligiran.
1. Paggamit ng baso habang nagsisipilyo.

2. Pagtatapon ng basura sa ilog.


3. Paglilinis ng paligid.

4. Pagtatanim ng puno at halaman.

5. Pagsusunog ng mga basura.

J. Karagdagang Sa inyong kuwaderno, magbigay at gumuhit ng halimbawa ng mga


Gawain para sa gawi at ugali na nagpapakita nang pangangalaga sa sariling
takdang- aralin at kapaligiran.
remediation
MGA TALA
PAGNINILAY
Bilang ng mga mag-aaral
na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aara na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
Nakatulong ba remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos ?
Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang
aking naranasan
na solusyon sa tulong ng
aking punong guro at
suberbisor?
Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like