You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting
paglilingkod ng mga namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay at pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi ng sariling

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa


pagsulong ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad

Pagpapahalaga: Nagpapakita kung paano mapanatiling malinis at maayos ang komunidad.

Kasanayang pampagkatuto:
Sa Pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga paraan upang maiwasan ang pagkasira ng komunidad.
2. Nailalahad ang mga paraan upang maiwasan ang pagkasira ng komunidad.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Kapaligiran ng Komunidad: Paraan upang maiwasan ang pagkasira ng komunidad
B. Kagamitan:
PowerPoint Presentation, video clip, at white board

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral

I. PANIMULANG GAWAIN

A. Panalangin

(opsyonal)
Bago tayo mag simula sa hapong ito, manalangin muna
tayo. Sa oras ng asignaturang filipino, magkakaroon tayo
ng mamumuno ng panalangin. Magsimula tayo sa hanay
na ito.

Sige po, John Rey punta ka na po rito sa harapan. (pupunta sa unahan ang mag-aaral)

Handa na ba ang lahat para sa panalangin? Handa na po, binibini!

Maaari ka nang mag-umpisa, John Rey. (mananalangin na si John Rey)

Magandang araw, sa inyong lahat! Magandang araw din po, binibini!

(opsyonal)
Bago kayo umupo, pakipulot muna ng mga basura sa
inyong paligid at pakilagay muna sa bulsa at itapon na lang
mamaya pagkatapos ng klase. Panatilihin natin ang
kalinisan sa ating silid aralan. (pupulutin ang mga basura sa paligid)

Pakiayos din ng pagkakahanay ng mga upuan. (aayusin ang pagkakahanay ng mga upuan)
Maaari na kayong umupo. Maraming Salamat po, binibini!

1
B. Pagtatala ng liban

Bago tayo magpatuloy, maaari ko po bang malaman kung


sino ang lumiban o mga lumiban sa araw na ito?

C. Balik Aral

Magbigay ng mga paraan kung paano mapapanatiling Magkaroon ng disiplina sa sarili.


malinis at maayos ang ating komunidad. Matutong sumunod sa mga simpleng patakaran
na ipinapatupad ng mga barangay gaya na
lamang ng tamang pagtatapon ng basura,
makilahok sa mga programang may kinalaman sa
ikauunlad ng komunidad.

II. PORMAL NA PAGTALAKAY

A. Paglalahad ng paksa

Ngayong araw, pag-uusapan natin ang “Tamang


pangangalaga ng Kapaligiran”

https://youtu.be/xTbfBjpS6QA

B. Talakayan

Ating isa-isahin ang tamang pangangalaga ng kapaligiran. 1. Pagtatanim ng puno


2. Tamang pagtatapon ng basura
3. Paglilinis ng kapaligiran
4. Pagbubukod-bukod ng basura
Ang mga binanggit ninyo ang mga paraan na dapat 5. Pagtitipid ng tubig
ninyong gawin, upang maiwasan ang madumi at makalat 6. Pagtitipid ng kuryente
na komunidad. 7. Paggamit ng Eco Bag
8. Pangingisda gamit ang fish net

C. Paglalapat

Pairing Activity: Pangangalaga sa Kapaligiran

Suliranin Solusyon Suliranin Solusyon


Mabahong Mabahong Itapon sa
basura basura basurahan:
Nakakalbong Nabubulok at Di-
mga puno sa Nabubulos
kagubatan Nakakalbong Magtanim ng mga
Pagbaha sa mga puno sa halaman
komunidad kagubatan
Pagbaha sa Iwasan ang
komunidad pagtapon ng
basura kung saan
saan

2
D. Paglalahat

Bilang isang bata, paano ka makakatulong na maging Iiwasan ko ang pagsunog ng basura.
malinis ang iyong komunidad? I-recycle ang mga patapong basura.
Pagbubukod-bukod ng basura
Pagtitipid ng tubig
Pagtitipid ng kuryente

E. Pagpapahalaga at pangwakas na gawain

Gawain 1: Tsek o Ekis?

Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (✔) kung


tama ang pangungusap at ekis (🗶) kung hindi ang mga
patlang bago ang bilang. Isulat ang sagot sagutang papel.

_____1. Ang pagtatapon ng mga basura sa mga ilog o dagat


ay nakalalason sa mga isda at iba pang mga lamang-dagat.
_____2. Ibulsa muna ang mga munting basura kapag
walang makitang basurahan.
_____3. Nagiging dahilan ng pagbaha ang mga basurang
nakabara sa mga kanal.
_____4. Linisin natin ang ating kapaligiran para makaiwas
sa sakit.
_____5. Nakatutulong ang mga basura sa ating kapaligiran.

Ginawa ni:
NYCA P. POSTRADO

Ipinasa kay:
MS. KATHARINE JOY E. GATURIAN

You might also like