You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kakayahan sa
mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapakita ng kahalagahan sa mga


pangyayari sa nabasang talata at teskto.

Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng magandang katangian sa ano mang sitwasyon sa pang-araw-araw


na gawain.

Kasanayang pampagkatuto:
Sa Pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipapaliwanag ang mga kilos, sinabi o pahayag ng mga tauhan sa napakinggang teksto o kwento.
B. Nakakikilala ang iba’t ibang elemento ng napakinggang teskto o kuwento.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Paglalarawan Sa Mga Tauhan Sa Napakinggang Teksto Batay Sa Kilos, Sinabi O Pahayag
B. Kagamitan:
PowerPoint Presentation, Video clip, at white board

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral

I. PANIMULANG GAWAIN

A. Panalangin

(opsyonal)
Bago tayo mag simula sa hapong ito, manalangin muna
tayo. Sa oras ng asignaturang filipino, magkakaroon tayo
ng mamumuno ng panalangin. Magsimula tayo sa hanay
na ito.

Sige po, Princess punta ka na po rito sa harapan. (pupunta sa unahan ang mag-aaral)

Handa na ba ang lahat para sa panalangin? Handa na po, binibini!

Maaari ka nang mag-umpisa, Princess. (mananalangin na si Princess)

Magandang araw, sa inyong lahat! Magandang araw din po, binibini!

(opsyonal)
Bago kayo umupo, pakipulot muna ng mga basura sa
inyong paligid at pakilagay muna sa bulsa at itapon na lang
mamaya pagkatapos ng klase. Panatilihin natin ang
kalinisan sa ating silid aralan. (pupulutin ang mga basura sa paligid)

Pakiayos din ng pagkakahanay ng mga upuan. (aayusin ang pagkakahanay ng mga upuan)

Maaari na kayong umupo. Maraming Salamat po, binibini

1
B. Pagtatala ng liban

Bago tayo magpatuloy, maaari ko po bang malaman kung


sino ang lumiban o mga lumiban sa araw na ito?

C. Pagganyak

Sino sainyo ang nagbabasa ng kuwento? Ako po!

Alam niyo ba na may iba’t ibang parte/elemento ang (Ang sagot ay nakadepende sa mag-aaral)
kuwento?

II. PORMAL NA PAGTALAKAY

A. Paglalahad ng paksa

1. Alam niyo ba kung ano-ano ang mga elemento ng


kuwento?

Ilahad at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang elemento ng


maikling kuwento

1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Kaisipan
5. Suliranin
6. Tunggalian
7. Paksang Diwa

B. Talakayan

1. Tauhan- Ito ang mga taong gumanap sa kuwento


2. Tagpuan- Ito ay tumutukoy sa pook o lugar kung
saan nangyari ang kuwento
3. Banghay- Ito ang pagkasunod sunod ng kuwento
4. Kaisipan- Ito ang mensaheng hatid ng maikling
kuwento
5. Suliranin- Ito ang problemang kinakaharap sa
kuwento
6. Tunggalian- Ito ay maaaring laban sa tao, tao
laban sa sarili, o tao laban sa kalikasan
7. Paksang Diwa- Ito ang pangunahing tema ng
isang kuwento. Dito rin nakapaloob ang kabuuan ng
tema at kahulugan ng isang kwento.

Activity: (Video Analysis)


Ipanood sa mga mag-aaral ang kwentong, “Si Juan at ang
mga Alimango”

https://youtu.be/0_0_rWxpAmI

C. Pagpapahalaga at pangwakas na gawain

Mga katanungan:

1. Ano ang pamagat ng kuwento? 1. Si Juan at ang mga Alimango


2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Si Juan at Nanay
3. Saan nangyari ang kuwento? 3. Sa bahay o palengke
4. Bakit pinauwi ni Juan ang mga Alimango? Ano 4. Nagpahinga at natulog sa ilalim ng puno
ang kanyang ginawa? 5. Hindi naunawaan agad ni Juan ang

2
5. Ano ang wakas ng kuwento? paliwanag ng ina. Napagtanto niya
6. Ano mahalagang aral na maaaring matamo ng kinalaunan na walang isip ang mga
kwentong si juan at ang alimango? alimango.

6. Sundin at unahin ang uto ng nanay/ina at


iwasan ang pagiging tamad

D. Paglalapat

Bakit kailangan malaman ang iba’t ibang elemento ng Mahalagang malaman ang iba’t ibang elemento ng
kuwento? kuwento para mas mapalalim ang ating kaalaman
sa maikling kwento at ating malaman ang
makabanghay o pagkakasunod sunod ng kwento.

E. Paglalahat

1. Ano-ano ang elemento ng maikling kuwento? 1. Tauhan- Ito ang mga taong gumanap sa
2. Ano ang kagampanan nito sa kuwento? kuwento
2. Tagpuan- Ito ay tumutukoy sa pook o
lugar kung saan nangyari ang kuwento
3. Banghay- Ito ang pagkasunod sunod ng
kuwento
4. Kaisipan- Ito ang mensaheng hatid ng
maikling kuwento
5. Suliranin- Ito ang problemang
kinakaharap sa kuwento
6. Tunggalian- Ito ay maaaring laban sa
tao, tao laban sa sarili, o tao laban sa
kalikasan
7. Paksang Diwa- Ito ang pangunahing
tema ng isang kuwento. Dito rin
nakapaloob ang kabuuan ng tema at
kahulugan ng isang kwento.

Ginawa ni:
NYCA P. POSTRADO

Ipinasa kay:
MS. KATHARINE JOY E. GATURIAN

You might also like