You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Hunyo 10, 2021


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1.Naiisa-isa ang elemento ng maikling kwento


2.Naiuugnay ang sariling karanasan sa karanasan ng tauhan.
3.Nasusuri at naibibigay ang mga elemento ng maikling kwento batay sa tinalakay na kwento.
(F7PB-IVh-i-18)
II. Nilalaman Elemento ng Maikling Kuwento
(Sandaang Damit ni Fanny Garcia)
III. Mga kagamitang Panturo
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Panitikang Rehiyonal, p. 252-255 Teksto: Sandaang Damit (Maikling Kuwento)
4. Karagdagang Kagamitan Mula
sa LR Portal
5. Iba Pang Kagamitang Panturo PowerPoint Presentation, Pop-Up Book, Papel, ballpen
IV. PAMAMARAAN Bago tayo dumako sa ating aralin , maglalaro muna tayo ng 4Larawan1Salita
A. Balik-aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng bagong aralin

Pang-aapi Babae Damit

aapingap ebebaag mitda

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ano nga ba ang Bullying?


Ang Pang –aasar, Pang-iinis, Panunuya, o Pang aapi at hindi katanggap-tanggap na ugali o asal mula sa kamag-
aral, kasamahan sa paaralan o sa komunidad ay isang Bullying.
Sino na rito ang narasanan nang ma-bully o kasalukuyang binu-bullly? Taas ang kamay.
Ano ang inyong aksyon nang naranasan ito? Bakit wala?
Ito ang tatandaan ng lahat lalo’t higit ng mga nakaranas nang pambubully, wag kayong madadalawang isip na
magsabi sa amin na inyong mga guro at sa inyong mga magulang sapagkat ang bullying ay lubos na hindi
pinahihintuluan. Ito ay hindi magandang asal na dapat itinatama.
At sa mga mag-aaral naman na bully o yung mga nanloloko o nang-aapi, pakiusap ihinto ang ganitong klase ng
gawain. Hindi niyo alam kung gaano kalaki ang epekto ng inyong panloloko sa ibang tao. At kung ilalagay kayo sa
sapatos ng inyong mga niloloko o inaapi. Dahil alam na natin kung ano ang bullying, ngayon naman alamin natin ang
kwento ng isang mag-aaral na kagaya niyo, kaugnay sa panunuya sa kanya ng kanyang mga kaklse.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Paghawan ng Sagabal:
sa bagong aralin
Ang mga di-pamilyar na salita:
1. Nakadispley sa teheras ang sari-saring damit ng batang babae. PAPAG
2. - Kung minsa’y di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw ng pupitre ng kaniyang mga kaklase. MESA
3. Mahina at paanas pa kung ito’y magsalita. PABULONG
4. Tumindi ang pambubuska at panlalait ng mga kaklase sa batang babae. PANG-IINIS
5. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at walang-imik ang batang babae TAHIMIK

D. Pagtatalakay ng bagong Pagtalakay sa Elemento ng Maikling kwento


konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Bawat panitikan ay mga elementong bumubuo upang mapadali ang pagsusuri at kung kulang ang elemento ng
panitikan hindi ito magtataglay ng kabisaan at kagandahan.
In arts in MAPEH, elements of arts can be analyzed by considering a variety of aspect of it individually. This element
of arts – form, value, texture, space, line, color, shape in arts should be consider or can be seen in one masterpiece so
that it will be highly appreciated by the others. (MAPEH Integration)

1. Tauhan – ito ay likha ng manunulat na siyang kumukilos upang magkabuhay ang isang kwento na nagtataglay ng
mga katangiang pisikal, espiritwal, intelektwal at pisyolohikal. Ang tauhan ay may damdamin na maaring
makadama ng kasiyahan, kalungkutan, kalumbayan, kapighatian at kapanabikan at iba pa.

In English literature there are two kinds of character – flat and round character and two types – antagonist and
protagonist. Kagaya rin sa Filipino mayroong tauhang lapad at tauhang bilog, gayundin may protagnista at
anatagonista. (Within curriculum)

2. Tagpuan – tumutukoy sa lugar kung saan nangyari ang kwento.

Do you know that weather is the day to day state of the atmosphere? (Science Integration)
Maiuuganay natin ito sa sunod na elemento ang panahon.
3. Panahon – Ito ay kalagayan ng klima o atmospera ng lugar na ginagalawan ng mga tauhan sa kwento.

4. Paksa o Tema – Ito ay maaring naglalaman ng mensahe ng may akda o


layunin ng pagkakasulat ng kwento.

In fiction, theme is the central message, this is what the author wants
you to learn or know. Kagaya rin sa elemento ng maikling kwento o anu
pamang panitikan sa Filipino. (Within curriculum)

5. Banghay – Ito ay pagkakasunod-sunod na magkakaugnay na pangyayari at papataas na aksyon sa kwento.


 Simula
 Gitna
 Kasuduklan
 Wakas
Pagkilala sa history ng may akda ng kwento na si Fanny Garcia - “Alam niyo ba” (http://panitikan.ph/2014/06/fanny-
garcia/)
Ngayon klase, si fanny Garcia ay ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na sa kasalukuyan ay
Malabon City na. Isa siyang guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos ng Bachelor of Science sa
edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakamit din niya ang kanyang Master of Arts at Ph.D.sa Filipino sa Malikhaing
Pagsulat sa nasabing pamantasan..
Gawad-Chancellor Awardee bilang pinakamahusay mag-aaral sa Ph.D. sa Malikhaing Pagsulat. Siya rin ang kauna-
unahang nagtapos sa programang Malikhaing Pagsulat sa antas masterado at doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman. Scriptwriter ng pelikulang ”Saan Darating Ang Umaga?” (Viva Films, Inc., 1983) na nominado sa kategoryang
Best Story at Best Screenplay. Bibigyan din siya ng parangal ng Carlos Palanca para Maikling Filipino, Carlos Palanca
para sa Maikling Kwentong Pambata, Carlos Palanca para sa Sanaysay (Filipino) at iba pa.

Talakayin ang “Isang Daang Damit” na kwento gamit ang cartograph na inihanda ng guro.

Pamprosesong Tanong
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Ilarawan siya bilang isang mag-aaral.
2. Ano ang epekto ng panunukso at pang-aapi sa pangunahing tauhan?
3. Paano napaglabanan ng pangunahing tauhan ang pang-aapi at panunukso ng kaniyang kamag-aral.
4. Nagtagumpay ba ang tauhan sa naisip niyang paraan para hindi na ito tuksuhin at apihin ng kanyang mag-aaral
D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan Isahang Gawain (HULArawan Puzzle). Magpapakita ng larawan ang guro at ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang
(Tungo sa Formative Assessment) ideya mula sa nakitang larawan. Sa loob ng 10 minuto sasagutan ito sa ibibigay na papel ng guro.

Pahalang

1. (-D)
2. T

+
E 1. T A U H A N

M A

2.
2. B A N G H A Y

+ P

3. (-D) 3. P A N A H O N
+
N

Pababa
(-U)
1.
+
(-A) (-MA)
2.

Pangkatang Gawain: Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Batay sa tinalakay na kwento, suriin at ibigay ang
elemento ng maikling kwento.

Paglahad ng Rubriks

Kawastuhan - 8 pts
Nilalaman - 5pts
Kalinisan/Kagandahan - 4pts
Pag-uulat - 3pts
Kabuuan 20pts

PANGKAT 1 TAUHAN, PANAHON AT TAGPUAN


TAUHAN - Gamit ang figure stick ibigay ang katangian ng tauhan TAGPUAN AT PANAHON
PANGKAT 2 PAKSA O TEMA

Gamit ang pagguhit o drowing, tula o slogan, ipakita ang tema o paksa at banghay ng kwento.

PANGKAT 3 KARANASAN NATIN

KARANASAN NG TAUHAN SARILING KARANASAN

G.Paglalapat ng aralin sa pang- Pamprosesong tanong:


araw araw na buhay
1. Kung talagang naunawaan, mayroon akong ilang kataungan at na nais kong marinig ang mga kasagutan mula sa
inyo. Mayroon kang isang kaklase na luma ang kanyang damit at tanging pandesal lamang baon na pumapasok sa
eskuwela, gagawin mo rin ba ang ginawang pangungutya ng mga kaklase ng batang babae? Bakit. Ipaliwanag.

2. Sa sitwasyon natin sa panahon ng pandemya, nakakaranas pa rin ba ang bawat tao lalo na ang mga mag-aaral ng
pambubully o pang-aapi? Sa paanong sitwasyon?

3. Sa palagay niyo bilang mag-aaral paano natin ito malalagpasan sa panahong ito ang ganitong uri ng sakit? Paano
makakatulong ang natutunan niyo mula sa kwento upang malagpasan ito?
H. Paglalahat
Ngayon naman nais kong marinig ang “Aha,Alam ko na” ninyo sa ating tinalakay ngayon. Ano ang inyong natamo o
nagbigay kaalaman sa inyo pagkatapos talakayin ang aralin?

Sa buhay ngayon, Marami sa mga tao ay mapanghusga...hinuhusgahan natin ang ating kapwa dahil sa kanilang pisikal
na anyo at antas ng pamumuhay. ngunit di man lang natin naisip na ang mga taong ating tinatapaktapakan ay ang mga
taong may mas mataas na pang-unawa at pangarap kaysa sa atin. Lahat ng tao ay may pangarap na gustong
abutin...lahat tayo ay may hinahangad na ginhawa..ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang ating mga
pangarap.

Nawa’y ang aral na nakapaloob sa ating aralin ngayon ay tumimo sa inyong puso’t isipan at inyong maisabuhay.
Makakaasa ba ako?
I. Pagtataya ng Aralin Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang elemento na tumutukoy sa kalagayan ng klima o atmospera ng lugar na ginagalawan ng mga tauhan sa
kwento?
a. panahon b. tagpuan c. tauhan d. klima

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng maikling kwento?


a. tema b. tagpuan c. tauhan d. klima

3. Ito naman ay tumutukoy sa ideya na nais ipabatid ng may akda sa mambabasa?


a. tema b. tagpuan c. tauhan d. klima

4. Bakit nagging malungkutin ang batang babae?


a. sapagkat wala siyang baon c. sapagkat lagi siyang nadadapa sa paaralan
b. sapagkat hindi natatapos ang panunukso sakanya d. sapagkat walang trabaho ang kanyang ama.

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng bidang batang babae, magagawa mo rin bang magsinungaling para lang maging
malapit sa iyong mga kaklase? Ipaliwanag.
a. oo, sapagkat nakakainis na ang mga kaklase c. oo, sapagkat dahil doon hindi na ako naaapi
b. oo, sapagkat wala namang masama sa pagsisinungaling d. hindi, sapagkat masamang magsinungaling

J. Takdang-aralin/ Karagdagang Isalaysay sa isang buong papel ang mga nagawa ninyong kasinungalingan sa inyong magulang, maari rin sa ibang tao at
Gawain paano niyo ito ipinagtapat o paano ito natuklasan.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng magaaral nanakakuha


ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng magaaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulongbaang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloysa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Inihanda ni:

KAYCEE JEANETTE M. DICEN


Guro ng Filipino

Nabatid:

ELEANOR P. TALAY
Punong Guro

You might also like