You are on page 1of 7

Quirino State University

College of Teacher Education

Bachelor of Secondary Education

Pagsusuri ng Maikling Kwento

Aljhun C. Meña BSED Filipino 2A

A. Pamagat ng Katha-May-Akda
Ang Kwento Ng Isang Oras ni: Kate Chopin
B. Sanggunian O Aklat na Pinagkuhaan
Pinagyamang Pluma Pahina: 212-217
C. Buod ng Maikling Kwento
Alam ng lahat na may malubhang sakit sa puso si Gng. Louise Mallard.
Kayat noong ipinaalam ni Richard kay Josephine na kapatid ni Gng. Mallard
ang nangyaring sakuna sa riles ng tren na nakita niya sa isang telegrama na
kung saan isa sa mga nasawi ay ang asawa ni Gng. Mallard na si Brently
Mallard. Kayat minabuti ni Josephine na dahan dahanin ang pagsabi kay
Gng. Mallard upang hindi mabigla at maging sanhi ng pagkaatake nito sa
puso.
Noong nalaman ni Gng Mallard ang nangyari ay lubos itong nanluma na
para bang bumagsak ang buong mundo sa kaniya. Dahill dito gusto niyang
mapag-isa at siyay nagmukmok sa kanilang kwarto at sumalampak siya sa
isang malakaing silya na nakaharap sa bintana. Mula rito natanaw niya sa
labas ng bintana ang mga dahon. Naririnig niya ang tinder na nag-aalok ng
.kaniyang paninda. Nararamdaman niya ang ihip ng hangin na tumatama sa
kaniyang katawan.
Ngunit sa kabila ng kaniyang kalungkutan ay may nakakubling saya na
di niya alam kung saan galing. Ngunit sa kaniyang isip ay nakikita na niya ang
mga paparating pang araw na siya’y masaya dahil siya ay malaya na mula sa
kaniyang asawa.
Sa kabilang banda ang kapatid ni Gng. Mallard ay nagmamakaawa mula sa
labas ng pinto ng kwarto ni gng Mallard dahil ito’y nag-aalala sa kaniyang
kalagayan. Nang Lumabas si Gng. Mallard makikita sa kaniyang mata ang
ningning at naglakad na siyang tila isang Diyosa ng tagumpay. Habang
pababa sa hagdan si Gng Mallard ay may nagbukas ng harapang pinto ng
bahay gulat ang lahat nang pumasok si Brently Mallard at dahil sa gulat tumili
si Josephine na siyang ikinatulala ni Gng Mallard at ito’y hinimatay.
Nang dumating ang doctor ay sinabing namatay si Louise sa sakit sa
puso nang dahil sa kaligayahang nakamamatay.

D. Pagsusuri:
a. Uring Pampanitikan
Ang akdang Ang Kwento Ng Isang Oras ay isang uri ng Maikling Kwento
na kung saan makikita ang tagpuan ay umikot lang sa bahay ni Gng Mallard
at ang kwento ay umikot sa isang pangyayari na kung saan itoy kapupulutan
ng aral at matatapos lang sa isang upuan kapag binasa.
b. Istilo ng Paglalahad
Ang istilong ginamit sa akdang Ang Kwento ng Isang Oras gumamit siya
ng tunggaliang tao laban sa sarili na kung saan makikita sa katauhan ni Gng.
Mallard na hindi niya alam ang kaniyang pipiliin ang maging malungkot o
pagiging masaya dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Makikita din sa
tauhan na siya mismo ang gumawa o namili ng sulosyon ng kaniyang
problema. Gumamit din ang may akda na pangalawang panauhan sa pagkwe-
kwento.
c. Mga Tayutay

 Natanaw niya sa labas ng bintana ang mga dahon ng puno tila

masayang –masaya sa pagdating ng tagsibol.
- Ang tayutay na ginamit sa pangungusap na makikita sa kwento
ay pagtutulad dahil hinalintulad ang dahon sa tao na masaya at
gumamit ng salitang tila.
 Gayundin ang masasayang awitan ng mga ibong maya.
- Ang tayutay na makikita sa pangungusap ay pagsasatao dahil
ang kakayahan ng tao na umawit ay ibinigay sa ibong maya.
 Makikita sa ningning ng kanyang mga mata ang tagumpay.
- Ang tayutay na ginamit sa pangungusap ay pagwawangis dahil
inilipat ang katangian ng isang bagay sa isang parte ng tao.
 At naglakad siya na tila isang Diyosa ng tagumpay
- Ang ginamit na tayutay sa pangungusap ay pagtutulad dahil
tinulad ang tauhan sa isa diyosa at ginamitan ng salitang tila.
d. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/ Teorya
 Teoryang Feminismo
- Ito’y isang teoryang feminism dahil ang pangunahing tauhan ay
babae layunin din nitong ipakita ang kalakasan ng tauhan na si
Gng. Mallard na magdesisyon sa kanilang sarili at pinapakita
ang kakayahan nito sa lipunan niyan ginagalawan.
 Teoryang Realismo
- Ipinapakita sa kwento na kung saan it’y tumutukoy sa isyu ng
na tunay na nangyayari o makikita sa tunay na buhay. Ito’y
sumasalamin sa isyu ng pagkakapantay-pantay ng tao anuman
ang kasarian o tinatawag ding “Gender sensitivity”.
 Teoryang Eksistensyalismo
- Ipinakita ang teoryang Eksistensyalismo sa pamamagitan sa
katauhan ni ginang Mallard na may kakayahang siyang
magdesisyon ayun sa kaniyang sarili at kaya niyang mamili
ayun sa kaniyang kagustuhan.
 Teoryang Moralistiko
- Ipinakita sa kwento ang teoryang moralistiko na kung saan si
Gng. Mallard ay kakikitaan ng mga pamantayan upang mamili
sa kung ano ang kaniyang maging desisyon o mararamdaman
sa pagkawala ng kaniyang asawa o pinakita ang pagtataya ng
kaniyang moralidad
 Teoryang Feminismo-Markismo
- Pinakita ang teoryang ito sa pamamagitan ng pagpapakita ni
ginang Mallard ang paraan kung saan paanong pagtugon sa
kaniyang suliranin sa pamamagitan ng pagtimbang kung ano
ba dapat ang kaning mararamdaman lungkot o saya.
2.Mga Pansin at Puna
a. Tauhan
-Gng Mallard- Ang pagkatao ng ni ginang Mallard ay may
kaguluhan nakung saan siya’y nahihirapan sa piling ng kaniyang
asawa dahil noong malaman nito na namatay ang kaniyang asawa ay
parang hindi niya alam ang kaning madarama masaya ba o
malungkot
- Josephine- ang tauhan ni Josephine ay isang mapagmahal na
kapatid sapagkat pinakita niya ang kaniyang pakikiramay sa
kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pag-aalala at hindi
pabiglabiglang pagsabi kay Gng. Mallard tiunkol sa masamang balita.
-Richard- Isang maalalahanin na kaibigan sapagkat inuna niyang
inisip ang kalagayan ni Gng. Mallard bago ito sabihin kay Josephine.
- Brently Mallard- Isang lapad na Tauhan sapagat makikita na
siya’y isang pabayang asawa dahil kung ito’y mapagmahal hindi na
sana maiiisip ni Gng. Mallard na maging sa banda ng pagkamatay
nito.

b. Galaw ng Pangyayari

 Simula- Simulan ang Kwento sa pamamagitan ng pagpapakilala sa

mga tauhan at pagkabasa ni Richard sa isang balita
 Tumitinding Galaw -Si Richard ang nagbalita kay Josephine sa
pagkamatay ni Brently Mallard
 Saglit na kasiglahan- sinabi ni Josephine sa kaniyang kapatid ang
patungkol sa pagkamatay ni Brently.
 Suliranin –Kung papaano tatanggapin ni gng Mallard ang
pagkamatay ng kaniyang asawa.
 Kasukdulan- Noong malaman ni Louise Mallard at siya’y
napasigaw (na ibig sabihin ay agad niyang tinanggap ang nang
yari) at kinulong niya ang kanyang kalungkutan ng labis na sarili
sa kwarto at napalitan ang kalungkutan ng labis na saya.
 Kalinawan o Kakalasan – Nang pababa ng hagdan si Gng. Mallard
kasama ang kaniyang kapatid ay biglang pumasok ang kaniyang
asawa na si Brently Mallard na ang alam ng lahat ay patay na at
nagulat ang lahat.
 Wakas- Namatay si Gng Mallard sa sakit sa puso dahil sa
kaligayahang nakamamatay. Na kung saan siya sobrang nag-isip
ng mga mangyayari dahil wala na ang kaniyang asawa.

3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa isip
Ang bisa sa isip na makikita sa akdang Ang Kwento ng Isang Oras ay
huwag agad maniniwala sa balita na kung saan hindi mo pa napatutunayan.
Na makikita natin ngayon sa ating mundo na maraming mga “Fake News” na
kumakalat lalo na sa “Social Media”.
b.Bisa sa Damdamin
Ang bisang pandamdamin na aking nakuha sa kwento ay
maykunteng pagkalungkot na kung saan hindi naman kailangang magsaya
kung ang iyong mahal sa buhay ay namatay at pagkaawa at pagkabigla dahil
sa sinapit ni Ginang Mallard sa bandang huli.
c. Bisang Kaasalan
Ang bisang kaasalan na makikita sa kwento ay pagiging matibay at
magpagmahal lalo sa pinakita ni Josephine sa kaniyang kapatid na hindi niya
iniwan.
d. Bisang Lipunan
Ang bisang panlipunan na makikita sa kwento ay ang pakakapantay –
pantay ng lahat sa istado ng lipunan tulad ng pinakita ni Gng. Mallard na kaya
niyang magdesisyon sa kaniyang sarili kahit wala ang tulong ng iba na kahit
mali. Dagdagnarin ang pagiging mapagmasid sa mga balita na kung saan-saan
galing.

You might also like