You are on page 1of 6

EPEKTO NG PANDEMYA SA SOSYAL NA ASPETO NG

PILIPINONG KOLEHIYANO

I. INTRODUKSYON

Ang Pilipinas, kasama ng buong mundo, ay napailalim

sa estado ng pandemya at sumailalim ang lahat ng tao sa

kwarantina. Ito ay dala ng isang virus na nagngangalang

COVID-19 na nagmula sa bansang China. Sumailalim ang

Pilipinas sa estadong quarantine simula ika-8 ng Marso,

2021 hanggang sa kasalukuyan. Lahat ng tao ay hindi

maaaring lumabas at makisalamuha sa ibang tao upang

makaiwas sa transmisyon ng nasabing bayrus.

Ang mga paaralan ay nagdeklara ng suspensyon nang

ideklara ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na ang

Pilipinas ay sasailalim sa quarantine. Matapos ang ilang

linggo ay nagtuloy ang klase sa pamamagitan ng online

channel gamit ang google applications at zoom meeting

application. Maraming estudyante ang nahirapan sa

biglaang malaking pagbabago ng paraan ng pag-aaral nila,

at marami ang nakapaglahad ng negatibong epekto nito sa

kanila.

a. Paglalahad ng suliranin
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Asian Development

Bank Institution, mas maraming pamilya ang dumanas ng

kahripan dulot ng pandemyang COVID-19 kaya’t napakalaki

ang epekto nito para sa mga nagtatrabaho at nag-aaral.

Simula nang magkaroon ng pandemya, mahirap nang

makipagsapalaran sa ibang tao dahil sa panukala ng

gobyerno upang mabawasan ang pagkalalin ng COVID 19.

II. REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL

a. Layunin

Layunin ipakita ng pag-aaral na ito and naging epekto

ng pandemya sa aspetong sosyal ng isang estudyante.

b. Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga estudyante

upang malaman nila ang epekto ng pandemya sa isang

akademikong pag-aaral at hind isa walang kredibilidad na

basehan. Makakatulong rin ito bilang basehan ng mga

propesyonal sa larangan ng humanidades upang makagawa ng

angkop na desisyon ukol sa problemang kinakaharap ng

estudyante. Ito ay Malaki ring tulong para sa gobyerno

upang malaman nila ang bigat ng pandemya sa mga mag-

aaral.

c. Teoretikal na balangkas
Ayon sa pag-aaral na “The effects of social isolation

on well-being and life satisfaction during pandemic” nina

Ruta Clair, Maya Gordon, Matthew Kroon, at Carolyn Reilly

na inilathala noong ika-27 ng Enero taong 2021, isinaad

nila na ang mga tao na nasuri nila ay nagresulta sa

perceived social isolation na maiihalintulad sa

pagkakawalang tiwala ng tao sa iba. Kasamahan rin ng

resultang ito ang pagkakawala ng koneksyon ng tao sa

komunidad, pagpili ng tao na hindi makisalamuha at

pagpili ng taong mag-isa.

Ayon rin sa isang akademikong lathalang “Society in the

COVID-19 Pandemic: Inequalities, Challenges and

Opportunities”, lumabas na ang mga kabataan na kanilang

sinuri ay naapektuhan ng pandemya sa kanilang pagkabalisa

o anxiety, insomnia na nagmumula sa kawalan ng tulog mula

sa paglalaro nang walang tulog, madaling kapaguran, at

takot sa pagtaas ng kaso ng COVID-19. Sa madaling salita,

ang mga kabataan, ayon sa kanilang pagsusuri, ay mas

lalong nawalan ng kasiyahan sa panahon na iyon at

nabawasan ng pag-asa tungkol sa kinabuksan.

Ayon rin sa pagsasaliksik sa isang pag-aaral na ang

titulo ay COVID-19 pandemic ipact on children and

adolescents’ mental health: Biological, environmental,


and social factors (Figuueiredo, Sandre, et. al, 2011)

isinaad na ang mga kabataan, sa panahon ng pandemya, ay

naapektuhan sa kanilang sosyal nap ag-uugali sapagkat

napatunayan sa isang diskusyon na kahit mayroong social

connectivity o ang koneksyon natin sa ibang tao gamit ang

plataporma ng social media hindi pa rin ito sapat upang

matugunan ang pangangailangang sosyal ng isang tao na

makakatulong sa pag-unlad ng kanilang koneksyong

pangkatao.

III. METODO

a. Saklaw at delimitasyon

Sakop ng pag-aaral ng ito na ilahad ang ilan sa

mga epekto ng pandemya sa aspetong sosyal ng estudyante

na nararamdaman ng karamihan.

Wala sa saklaw nito ang pagpapaliwanag kung bakit

nararanasan ng estudyante ang mga ganitong problema.

Hindi rin sakop ng pag-aaral ng ito ang mga solusyon o

dapat gawin ng mga estudyante upang umiwas at

masolusyunan ang problemang mga nabanggit.

b. Daloy ng pag-aaral

Upang makalikap ng datos para sa pag-aaral ng ito,

ang taga-gawa ay nagpakalap ng online survey gamit ang


google docs sa isang daang (100) kolehiyanong

estudyante na pumapasok sa iba’t-ibang paaralan sa

Tagaytay City, edad 20-25. Ito ay ang paraan na angkop

sapagkat kasalukuyan pang sumasailalim ang bansang

Pilipinas sa quarantine protocolos, habang isinasagawa

ang pag-aaral.

Ang talaang pagsisiyasat sa ibaiba ang gagamitin

ng tagagawa ng pagsasaliksik na ito upang mangakilap ng

datos sa mga tutugon.

Name: (optional)

Age:

Year and Course:

Oo Hindi

Maayos ba ang kalagayang mental mo ngayong pandemya?

Ikaw ba ay:

 nakakaranas ng insomnia?

 May mga bagong kaibigan mula sa iyong klase?

 Madaling nakakausap ng iyong mga dating kaibigan?

 Nakakaranas ng hirap na makipagkaibigan?

 Nakakalabas nang may pagsunod sa panukala ng

gobyerno at nakikipag-usap sa iba?

 Madaling mapagod sa kaunting gawain?


 Kontento sa buhay ngayong pandemya?

Mas pipiliin mo ba ang new normal kaysa sa buhay noon?

Malaki ba ang pag-asa mo na maaayos ng bansang ito ang

pandemya ngayong taong 2022?

You might also like