You are on page 1of 41

BERNARDO COLLEGE LAS PIÑAS

COLLEGE OF EDUCATION

EPEKTO NG PAGGAMIT NG ONLINE NA PAGSUSULITSA SEKONDARYA


BAITANG 7 SA ISANG PRIBADONG PAARALANNG
LAS PIÑAS CITY.
Tesis
Na Iprinisinta sa
Kagawaran ng Edukasyon sa Paaralan
ng
Bernardo College Las Piñas

Bilang bahagi ng kahilingan sa


Degring Batsilyer ng Edukasyon
Medyor sa Filipino

Nina:
Edna Anonuevo
Christine Piedad
Daryl Donadillo
Ma. Cristine Guevarra
Jovenz John de Guzman
ABSTRAK

Ang pagpapakilala ng online na pagsusulit, napakahalaga ng mga eksaminasyon


upang suriin ang mga kasanayan na kinakailangan upang
makabisado sa paglipat na ito.
Ito ay ang ideolohiya na gumawa ng paghahambing sa pagitan ng mas maaga
(batay sa papel) at kasalukuyang araw (batay sa web) na mga pamamaraang
makabuluhan. Tinatalakay ng papel ang isang pag-aaral na isinasagawa sa online
exam portal na ginagamit ng mga mag-aaral ng sekondarya baiting 7 sa isang
pribadong paaralan.Binubuo itong sarbey na nagbigay ng isang pangunahing
ideya tungkol sa pang-unawa ng mag-aaral saportal,sinusundan ng isang
pakikipanayam sa mga mag-aaral na kilalanin ang kanilang mga isyu at mga
alalahanin sa ilang mga tiyak na mga domain na may paggalang sa kakayahang
magamit, praktikalidad, aksesibiliti, epektibong paggamit,at sa paglaon ng
eksperimento na sinusuportahan ng usapan sa malakas na pagtatasa.
Samakatuwid tinatalakay ng pananaliksik na ito ang mga pananaw ng mga mag-
aaral pati na rin ng mga guro sa online na pagsusulit na kasama sa kurikulum ng
sekondarya sa pribadong paaralan.
Pasasalamat
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na
indibidwal na naging bahagi at tumulong sa amin upang mabuo ang pananaliksik na ito.

Sa mga magulang, naming walang sawang sumusuporta at umintindi sa amin sa

mga panahong abala kami sa paggawa ng pananaliksik na ito sa pagbibigay ng moral


at
pinansyal na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin.

Sa aming mga kapwa mag-aaral,mga kaibigang nagbigay ng suporta,motibasyon


saamin at nag bahagi ng kanilang kaalaman, lalung-lalo na kay Emily S. Solomon sa
pagpapatuloy sa amin sa kanilang tahanan upang matapos ang pananaliksik na ito.
Sa mga respondent na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa
pagsagot sa aming kwestyuner at sarbey.

Kay Dr. Adoracion Altea Paraiso, na aming propesor sa Introduksyon sa


Pananaliksik ng Wika, sa pagtulong, pag gabay, at pag-unawa sa amin at sa
pagbabahagi ng inyong kaalaman.

At higit sa lahat, nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa


amin
ng sapat na karunungan na aming ginamit sa aming pananaliksik lalung-lalo na sa mga
panahong pinaghihinaan na kami ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Mahal namin kayo!


Paghahandog

Lubos ang pagpapasalamat ng aming grupo sa mga sumuporta at naging bahagi


ng pananaliksik na ito. Kaya ito ay aming inihahandog sa mga taong naging aming
inspirasyon sa paggawa nito.

Sa aming mga magulang

Kapwa mag-aaral

Mga kaibigan

Guro

At higit sa lahat sa

Poong Maykapal, na binigyan kami ng lakas upang maisakatuparan ang pag-aaral na


ito…
TALAAN NG NILALAMAN

Yugto 1
Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1
Paglalahad ng Suliranin 2
Batayang Paradigma 4
Ipotesis 5
Mga Palagay 5
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral 5
Kahalagahan ng Pag-aaral 6
Dipinisyon ng mga Terminolohiya 7
Yugto 2
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 8
Mga Kaugnay na Literatura 8
Mga Kaugnay na Pag-aaral 8
Banyagang Literatura 9
Banyagang Pag-aaral 9
Sintesis 11
Yugto 3
Disenyo ng Pananaliksik 14
Pook ng Pananaliksik 15
Populasyon at Teknik ng Sampling 15
Instrumento ng Pananaliksik 16
Bisa ng Kwestyuner
Proseso ng Pagkalap ng Datos
Istadistikang Pag-aaral
Yugto 4
Presentasyon, Analisa at Interpretasyon ng mga Datos 19
Rationale 25
Yugto 5
Buod, Konlusyon at Rekomendasyon 25

Bibliograpiya(Talasanggunian)
Apendises
YUGTO 1
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula
Kalimitan ang mga paaralang pampribado ay nagsasagawa ng mga pagsusulit
gaya ng online exams, bilang katumbas ng yugtong pagsusulit sa mga pampublikong
paaralan. Ang mga implikasyon ng online na pagsusulit ay may iba’t ibang salik na
nakabubuti bilang isang sukat ng ebalwasyon ng mga mag-aaral gaya ng;
nakakatulong sa pagpapaikli ng gawain ng mga guro sa paggawa ng mga
katanungan o aytem na ilalagay sa pagsusulit, ang makatotohanang batayan ng
mga ito at ang piling minuto o panahon ng pagsagot sa mga ito saisang website na
bukod tangi sa paaralan gamit ang kanilang mga kompyuter.

Ang sistematiko at organisadong pagsasagawa ng mga ito sa pamamagitan


ng pagkalap, pag-impok ng mga datos at mga tala ay nakatutulong sa pagsasaayos
ng proseso ng ebalwasyon na ilan lamang sa institusyon gaya ng mga paaralan. Ang
sistemang paggamit ng online exams ay makikita rin sa mga interbyu sa
pagkakaroon ng trabaho, sa mga admission test sa kolehiyo, rebyu sa mga board

exams at ilang pangpropesyunal na aspeto.

Ang pag-usbong ng online na pagsusulit ay isa mga salik na humantong sa


pagiging modernisado ng edukasyon dito sa Pilipinas na masasabing nakabubuti sa
pag-angkop nito sa kasalukuyang panahon ng pagproseso ng impormasyon at ang
mga nilalaman nito. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay nakita sa kabila ng mga
hadlang na nakaakibat dito gaya ng pagtatala ng iskor at ang katunayan , sa ilang
pagkakataon dumanas ng mekanikal na suliranin na kalaunan ay nabigyang pansin
at solusyon. Kabilang din ang mahusay na pagkalap ng talaan na kahit ang mga
maliliit na aspeto ay natugunan. ang Oras, enerhiya, salapi at iba pang salik ay hindi
na naging suliranin dahil ang lahat ay makakamtan na sa sinumang nais gumamit
ng ganitong uri ng pagsusulit.

Sa kasalukuyan, ang online na pagsusulit ay isa sa mga subok na alternatibon


paraan ng pagsusulit na kung saan masasabing mapanghahawakan
ang nilalaman dahil sa timeframe o limitadong oras na pagsagot sa bawat tanong o
aytem. Karaniwan na nakadepende sa uri ng sabjek ang timeframe , maaari lamang

limitado ang kalakip na oras, makatutulongito upang maging isang hakbang tungo
sa mas modernong paraan ng pagbibigay ng pagsusulit sa henerasyon ngayon ng
mga mag-aaral.

Ngunit gaya ng iba pang kagamitang panturo at gabay sa pagbibigay ng


pagsusulit ang online exam ay dapat dumaan sa masusing pagsusuri kung saan ang
mga layunin nito ay maaabot at makatutulong upang magkaroon ng
makatotohanang resulta para sa pagbibigay ng grado sa mga mag-aaral.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang saklaw ng pag aaral na ito ay patungkol sa mga positibo at negatibong
epekto ng online na pagsusulit sa ika-7 grado. Ang resulta nito ay magsisilbing
batayan upang mabigyan ng rekomendasyon ang mga maaaring maging hakbang
upang higit na maunawaan at mas maging epektibo ang online exams bilang isang
midyum ng ebalwasyon.

Hinahangad ng pag-aaral nito makuha ang kasagutan sa mga sumusunod na


tanong:
1. Ang mga mag-aaral ayon sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Anoang mabuting dulot sa paggamit ng Online Exam?

2.1 kakayahang magamit;

2.2 epektibong paggamit

2.3 praktikalidad at;

2.4 aksesibiliti;
3. Mabisa ba ang paggamit ng Online Exam?

3.1 makatotohanang ba ang online na pagsusulit para sa mag-aaral kung


ihahambing sa tradisyunal na pencil-and-paper test.

4. Sa paanong pamamaraan mapapadali ang paggawa ng pagsusulit?


Batayang Paradigma
Paghahanda Proseso Kinalabasan
(Input) (Output)

1. Ang profayl ng
mga mag-aaral
ayon sa:
1.1 Edad
Pagbuo ng
1.2 Kasarian rekomendasyon sa
Kapakinabangan
2. Ano ang Identipikasyon at
epekto ng paggamit
mabuting dulot sa pagsusuri batay sa
ng online na
paggamit ng Online mga sagot ng mga
pagsusulit sa
Exam? respondante.
sekondarya ng
3. Mabisa ba ang Baitang 7 sa isang
paggamit ngOnline Pribadong Paaralan
Exam? ng Las Pinas City.

4. Sa paanong
pamamaraan
mapapadali ang
paggawa ng
pagsusulit?

Pedbak
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman at mapaunlad ang mabisang


paggamit ng online na pagsusulit sa mga mag-aaral bilang batayan ng ebalwasyon.

1. Ano ang profayl ng mga respondante batay sa mga sumusunod:


1.1 Edad;
1.2 Kasarian;
2.Ano ang mabuting dulot sa paggamit ng Online Exam?
2.1 Ang Online Exam ay nagpapadali at nagpapagaan ng mga iba pang
gawain.
2.2 Ang Online Exam ay madaling gamitin at mabilis itong tapusin dahil sa
mayroon itong itinakdang oras.
2.3 Ang mga mag-aaral ay kinakailangang matutunan ang paggamit ng
kompyuter para sa Online Exam.
3. Mabisa ba ang paggamit ng Online Exam?

3.1 Ang Online Exam ay may ganap na kawastuhan pagdating sa mga tanong
na sasagutan ng mga mag-aaral.

3.2 Ang Online Exam ay magagamit lamang ng mga lihitimong mag-aaral ng


nasabing paaralan.

3.3 Ang Online Exam ay maari pang ayusin at paunlarin upang mas mapadali
pa ang paggamit nito.
4.Sa paanong pamamaraan mapapadali ang paggawa ng pagsusulit?

4.1 Ang Online Exam ay mainam gamitin upang mapaikli ang oras at panahon sa
paggawa ng pagsususlit.

4.2 Ang Online Exam ay epektibo sa panahon na kasalukuyan dahil sa mabilis


na pag-unlad ng teknolohiya.

4.3 Ang Online Exam ay praktikal sapagkat makakatipid dito, kung ihahambing
sa paggawa ng mga kopya nito.
5.Maituturing ba na madali ang paggamit ng Online Exam?

5.1 Ang Online Exam ay mabilis gamitin at madaling maunawaan.


5.2 Ang Online Exam ay may panuto na nagsasaad ng mga gawain.
5.3 Ang Online Exam ay naiintindihan ayon sa lebel na kaalaman ng isang
mag-aaral.

Mga palagay:

Sa pag-aaral na ito, mayroong mga palagay na isinagawa ang mga


mananaliksik:

1. Ang online exam ay kulang sa kredibilidad dahil sa kawalan ng aktuwal na


tagapagmasid sa maaaring gawin ng mga mag-aaral habang isinasagawa
ang pagsusulit.

2. Bigyan pa ng mas mahigpit na kapaligiran na angkop sa pagkuha ng online


exam.

3. Magkaroon ng pagbabago sa interface ng software system ng online na


pagsusulit.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay saklaw ang Bernardo College, sa pagsasagawa nito ng


online exam upang makasabay sa makabagong teknolohiya na ginagamit sa
kasalukuyan.

Ang ilang mag-aaral mula sa Baitang 7at ang ilang mga guro nito, bilang
tagasagot sa mga katanungansa pamamagitan ng random samplingna magiging datos
sa pananaliksik.

Ang mga mananaliksik ay nagsasanay maging mga guro mula sa Kagawaran ng


Filipino sa kanilang ikaapat na taon. Ang mga respondante ay mga mag-aaral na hindi
lalagpas sa dalawang-daan (200) mula sa Baitang 7.
Ang pag-aaral ay nakatuon sa online exam ng paaralan bilang bahagi ng
kurikulum ng Bernardo College upang makita ang kasanayan ng isang mag-aaral na
naaayon sa aspektong ebalwasyon nito.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ang magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral. Ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang sila ay magkaroon

ng kamalayan sa tuwing, habang at pagkatapos ng online exam, kaakibat ang

mgadapat nilang gawin at mas mapagbuti pa ang kanilang karanasan ukol rito.

Naipapamalas din nito sa mga mag-aaral ang progreso ng kanilang pagkatuto batay sa

mga ebalwasyon ng aralin na nakapaloob sa pagsusulit.

Sa mga Tagapamahala. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay higit na makatulong sa

tagapamahala ng paaralan upang mapaigting ang makabuluhang pagtuturo ng

asignaturang Filipino sa pamamagitan ng mga makabagong metodolohiya.

Sa mga guro. Ang pananaliksik na ito ay kapaki-pakinabang sa mga guro sapagkat ito

ay magsisilbing gabay upang mas lalo pa silang maganyak sa paggawa ng mga aytem

ng pagsusulit dahil sa kaangkupan nito sa modernong panahon na umiiral na ang

makabagong teknolohiya na nagkakaroon na malaking tulong sa larangan ng

edukasyon.

Sa mga magulang. Ang magiging bunga ng pananaliksik na ito ay makakatulong bilang

dagdag kaalaman sa pag-unlad ng pagkatuto ng kanilang mga anak at magabayan sila

sa mga maaaring gawing hakbangupang matulungan sa pag-aaral. Mapahahalagahan

nila ang kanilang papel ng edukasyon sa kanilang mga anak na saklaw ng paaralan.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga

interesadong gumawa ng pananaliksik na may katulad o kaugnayan sa paggawa nito


Saklaw ng Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga tumugon sap ag-aaral na

binubuo ng dalawandaang (200) mag-aaral sa lahat ng nasa ikapitong baiting sa

Bernardo College.

Kahulugan ng mga Katawagan

Para sa mas masusing pag-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ay

bibigyang kahulugan batay sa kaangkupan nito sa paksa ng pananaliksik:

Online na pagsusulit– ito ay tumutukoy sa pagkuha ng isang mag-aaral bilang bahagi

ng kanilang kurikulum sa paaralan ng isang pagsasanay sa alinmang asignatura

nakapaloob sa isang software system. Gamit ang kompyuter na mayroong internet

access, dito magsasagot ang mga mag-aaral na magsisilbing pagsusulit nila batay sa

mga paksang napag-aralan sa loob ng isang buwan.

Pop up interface – ito ay tumutukoy sa natatanging salik ng isang software system, na

kung saan ay ang isang window screen ng tanong o aytem sa online na pagsasanay ay

mapapalitan ng panibagong window screen matapos masagutan ng isang mag-aaral.

Ang ganitong teknik ay makatutulong upang gamitin ng tagapagsagot ang kanilang oras

dahil sa timeframe na nakapaloob rito.


Scroll-based interface-ito ay tumutukoy sa natatanging salik ng isang software system

na ang isang window screen ay scrollable, o maaaring itaas at ibaba, nakalatag ang

mga tanong sa isang pahina lamang at maaaring mabalikan ang mga naunang tanong

o aytem batay sa interface nito.

Software System-ito ay tumutukoy sa ginagamit na software ng paaralan na kanilang

nilikha bilang bahagi ng ebalwasyon na mga pinag-aralan sa bawat asignatura sa loob

ng isang buwan. Nilalapatan ito ng mga katanungan bilang input ng mga guro batay sa

saklaw ng napag-aralan sa loob ng kanilang klasrum.


YUGTO 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT MGA LITERATURA

Sa yugto na ito nakapaloob ang ibat’t ibang kaugnay na pag-aaral na

makakatulong sa kahalagahan ng solusyon sa suliraning kinakaharap. Saklaw nito ang

mga ideya at mga ideya na nailathala mula sa mga aklat, mga magazine at talaan,

kasama na rin ang mga naunang pananaliksik na kaugnay sa pag-aaral na ito.

Mas maunawaan pa ang online examination sa pamamagitan ng kompyuter ay

napakahalaga. Ang gawain na ito ay magsisilbing gabay sa mga guro upang magamit

ang online examination sa mas sistematikong paraan upang maging komprehesibong

pagsusulit sa mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga

impormasyong mayroon sa mga websites at mga silid-aklatan na kalaunan ay

nakatulong ng malaki sa tunguhin ng pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunal na literature na may

kaugnayan sa isang partikular na suliraninng pananaliksik. Sa pamamaraang ito

matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang nanaliksik na may kaugnayan

saiyong paksa. Ang pangangalap ng kaugnay na literatura ay kinakailangang

komprehensibo kung maaari – isang payak nadulog upang malinaw na mai-ugnay ang

isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral.Ito ay mahalaga sa pagdedetermina ng

pangkalahatang kredibilidad ng pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ngmga


nakaraang mga pananaliksik at mga literatura na nagbibigay gabay sa pangunahing

tunguhin ng isinasagawang pananaliksik.Ang mga kaugnay ng literatura ay hindi

lamang tumutukoy sa mga nakaraang pag-aaral na isinagawa, gayundin aynadaragdag

ito ng makabagong impormasyon.Karaniwan na ang mga dyornal, mga magasin at

pahayagan ang nakapaglalaan ng higit na makabagongimpormasyon kumpara sa ilang

mga batayang aklat. Ang mgakagamitang ito ay nakapagdaragdag ng iskolatikong

halagang pananaliksik.Gayundin ang mga impormasyon na nakukuhang impormasyon

sa internet ay mahalagang salik sa pagpapakita at paglalahad ng mga makabagong

impormasyon. Nahahati ang bahaging ito ng pananaliksik sa mga sumusunod:

Lokal na Pag-aaral

Ang online na pagsusulit ay malaki ang naitutulong sa modernisasyon ng

pamamaraan ng pagsusulit Nakatitipid ito ng oras, pera at enerhiya sapagkat ito ay

nasa kompyuter lamang na kailangang bigyan ng input (Medina, 2011).

Ang online na pagsusulit ay isang hakbang upang mas mapadali ang mga

gawain ng mga guro o mga taong nagsasagawa ng interbyu sa mga kompanya

pagsubok upang tanggapin sa isang kompanya (Aguinto, 2013).

Ayon naman kay Ho(2015), ang online na pagsusulit ay masasabing

nakababawas sa makatotohanang pagsusulit gaya ng paggamit ng papel, kaya’t ito ay

di epektibo sapagkat sinasagutan lamang ito sa isang kompyuter na nakababawas

upang seryusin ito ng mga mag-aaral.

Sinabi naman ni Cortez (2014), ang online na pagsusulit kung pagbabatayan ng

datos sa pagtataya, nakabatay ang katunayan nito o validity sa kapaligiran na


pinagkukuhanan ng online na pagsusulit. Ito rin ang pananaw ni Nicdao (2014) dahil

ang kontroladong kapaligiran ay salik sa isang mabisang pagsusulit gamit ang

pamamaraan ng online.

Lokal na Literatura

Batay sa ginawang literature o dokumentasyon nina Abado at Dionisio (2012) sa

kanilang software system ng online na pagsusulit, ang timelimit ay malaking salik sa

oras ng pagkuha nito. Isama na rin ang interface ng software na nakakaapekto sa

paraan ng pagsagot ng mga pagsusulit gaya nito ayon kay Fatima (2015).

Ayon naman kay Murillo (2013), ang online na pagsusulit ay dapat user-friendly o

madaling unawain ng mga gagamit nito. Ang mga buttons, bullets o pagpipilian ay dapat

bigyan ng tamang algorithm o programming codes upang maiwasan ang crashes o di

paggana na software ay dapat bigyan ng halaga ayon kay Piedad (2015).

Maihahalintulad ang pag-aaral na ito kay Murillo sa aspektong positibong

sapagkat tumutukoy sa kakayahang madaling magamit, samantalang ang kay Piedad

naman ay ang masusing pagsusuri sa software na mas makakapagbigay ng

kasiguraduhan na hindi magkakaroon ng system crashes. Binibigyan pansin ni Piedad

ang ganitong mga sitwasyon, masasabing may malaki silang pagkakahalintulad

sapagkat ang kanilang binibigyang kahalagahan ay ang system mismo ng online na

pagsusulit.
Banyagang Pag-aaral

Si Wakamui Alam (2014) ay nakikita ang online na pagsusulit bilang isang

rebolusyonaryong pagbabago sa sistema ng ebalwasyon sa iba’tibang aspekto na

maaari itong magamit.Ito ay sinang-ayunan nina Mohapatra at Hush (2014), bigyan ng

atensyon ang mga instraksyon na nakapaloob sa online na pagsusulit upang maging

epektibo ito.

Ang pag-aaral nina Mohapatra at Hush (2014) ay may malaking kaugnayan sa

pag-aaral sapagkat ito ay makatutulong sa epektibong pagtataya nito na nakasangay sa

layunin ng alternatibong ebalwasyon.

Ayon naman sa ginawang pag-aaral ni Khatoon (New Delhi, 2015), ito ay

kailangang bantayan at iupdate upang makasabay sa pangangailangan ng kliyente na

gagamit nito.

Si Ahmed (2015) ay binibigyan pansin ang salik na hardware ng mga kompyuter

na gagamitin sa pagkuha ng online ng pagsusulit sapagkat maaaring ito ay makaapekto

sa pagsusulit kung ito ay di maayos o di tugma sa software system. Ito rin at sinang-

ayunan ni Gasguri (2017) ngunit idagdag kung maaari ang stable na internet connection

upang hindi maabala ang parehong partido ng gagamit.

Banyagang Literatura
Si Kashavneko (2015), isang programmer mula sa Russia ay nagbigay halaga sa

sekyuridad o administratibong aspeto ng online na pagsusulit kung saan dapat ay

mahigpit upang maiwasan ang pandaraya. Ito ay tinugunan nina Capablanca at Tesh

(2016) sa pamamagitan naman ng phishing o pagbabantay sa mga aktibidad ng taong

kumukuha ng pagsusulit.

Isang aklat ukol sa Impormasyong Pangteknolohiya na isinulat ni Reshevsky

(2017), tinalakay niya ang maaaring gamitin na pandaraya ay robot software na sasagot

sa mga tanong sa online na pagsusulit kaya’t dapat mayroong malware detector upang

mapigil ito. Ito kakikitaan ng kahalagahan sapagkat sa debelopment ng teknolohiya, ito

ay di na imposible.

Sintesis

Mahalaga na bigyan ng pansin ang pagtalakay sa pagkakahawig o

pagkakaugnay at pagkakabuo ng mga pag-aaral na ito upang madali ang analisa na

mas makatutulong sa mabisang pag-unawa sa mga ito at ang relasyon nito sa

ginagawang pag-aaral.Ang komprehensibong at kritikal na pag-aanalisa sa mga

nabanggit na pag-aaral ay naghatid ng kaliwanagan sa pag-aaral na ito. Lahat ng ito ay

kakikitaan ng kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral sa anupaman na paraan.

Ang pag-aaral nina Medina at Aguinto ay kakikitaan ng kalakasan ng online ng

pagsusulit upang mapadali ang mga gawain ng isang institusyon sapagkat natutugunan

ang layunin nito. Ang pag-aaral na ito nakabatay sa mga pag-aaral ng dalawang
binanggit na mananaliksik. Nagkaroon lamang sila ng layunin sa paggamit ng

teknolohiya na ito at ang layunin na nais isakatuparan nito.

Kung titingnan naman ang pag-aaral nina Ho at Cortez, binibigyan nila ng

importansya ang kapaligiran na kinukuhanan ng online na pagsusulit na

maaaringmakaapekto sa gawain ng mga kumukuha nito gaya ng mga mag-aaral. Ang

pananaliksik na ito ay malaki ang koneksyon sa ginawa nina Ho at Cortez.

Ang dokumentasyon nina Murillo, Abado at Dionisio ay malaki ang

pagkakahalintulad kung bibigyan-diin ang aspektong software ng online na pagsusulit.

Sa paraang ito pinagbatayan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga

natatanging salik ng online na pagsusulit. Ang pagkakaiba lamang ng kay Murillo ang

pagtugon ng proseso ng pag-program ng system ng pagsusulit.

Sa banyagang pag-aaral at literatura, kakikitaan ng pagkakahalintulad ang pag-

aaral ni Alam kina Mohapatra at Hush, ngunit mayroon silang pagkakaiba sa saklaw ng

paggamit ng online na pagsusulit gaya ng pagkakaroon nito sa iba’t ibang institusyon.

Ang kaugnayan naman nito sa pag-aaral ay pinapamalas lamang nito ang kalakasan o

positibo salik ng online na pagsusulit.

Magkaiba ang pananaw ni Ahmed at Gasguri. Ang hardware ng isang kompyuter

kung iisipin sa kasalukuyan ay hindi gaano magastos gaya ng mga lumipas na panahon

ngunit bingyan pansin pa rin ito ni Ahmed. Si Gasguri ay nakatuon sa internet

connection ng isang kompyuter na para sa mga mag-aaral ay napakahalaga. Hindi

maikakaila na malaki ang kontribusyon ng stable na internet upang maging

matagumpay ang pagkuha ng isang online na pagsusulit. Ang robot software na


binigyan pansin ni Reshevsky ay masasabing matutugunan naman mga antivirus o mga

malware detector. Ang kanyang pag-aaral ay mas nakapokus sa debelopment ng

software mismo. Ito ay bahagyang kaugnayan sa pag-aaral sapagkat ang epekto

lamang ng online na pagsusulit ang dapat bigyan kahalagahan.

Ang pag-aaral ni Kashavneko ay may kaugnayan sa pag-aaral na ito sapagkat sa

proposisyon na ito makikita ang kahigpitan ng online na pagsusulit upang maging

makatotohanan ang makukuha na iskor ng magsasagot nito. Ang pokus ng pag-aaral

ay malaki ang pagkakapareho sa ginawa ni Kashavneko.

Ang tinalakay na literatura at mga pag-aaral na nagbigay impormasyon na

nakatulong sa mga mananaliksik upang mabuo ang konsepto ng pag-aaral ukol sa

online na pagsusulit na ginagamit ng mga sekondaryang pribadong paaralan. Ang

magkakaibang awtor ay may parehong teorya o mga halimbawa, ngunit nagkakaiba sa

ideya, kaalaman at mga konsepto na kanilang mga naging ambag.

Mga natatanging salik ng Online na Pagsusulit

Kakayahang magamit. Ang ganap na karanasan sa paggamit ng online exam ay

nararapat na malikhain na tutugon ang pangangailangan batay sa kung sino ang

gagamit nito Ang online examination ay nagpapadali o nagpapagaan ng mga ng mga

iba pang gawain. Mabilis din itong tapusin dahil sa mayroong itong itinakdang oras.

Kailangan lamang matutunan ng mga mag-aaral ang paggamit nito nang may gabay ng

isang guro na may sapat na kaalaman sa paggamit ng kompyuter.


Ang online exam ay nagbibigay pokus sa mga mag-aaral, ang pagiging

produktibo nito sa pagbibigay ng iskor batay sa sagot ng mga mag-aaral, maabot ang

mga layunin nito.

Sa bahagi ng guro, ang online na pagsasanay ay kakikitaan ng kapakinabangan

at ang maayos na pagproseso nito na naaayon sa layunin nito at nakabatay sa kanila

ang desisyon ng kahirapan ng lebel ng mga katanungan.

Dapat bigyan pansin din na ang paggamit nito ay may iba’t ibang salik na

nakabatay sa mga katangian nito: ang kakayahang matutuhan, ang kapasidad,

pagtatabi ng impormasyon, mga kamalian at kapakinabangan.

Ang sukat ng kapakinabangan nito ay nakabatay sa kakayahan ng gumagamit

nito upang makita ang antas ng pagiging epektibo ng online exam.

Aksesibiliti.Tumutukoy ito sa mga bagay o teknolohiya na nakaagapay sa kakayahang

magamit ang online exam. Masasabing ang online exam ay may mga restriktong aspeto

gaya ng timeframe at patnugot ng tagapamahala.

Praktikalidad. Mainam ito upang mapaikli ang oras at gawain dahil ito ay naaayon sa

kasalukuyang teknolohiya di gaya ng tradisyunal na paraan gaya ng pagsagot sa isang

papel o diktahang pagsusulit ng guro.

Epektibong paggamitbatay sa mga karanasan ng mag-aaral habang sinasagutan ang

online na pagsusulit at ang implementasyon ng paaralan, at ang makatotohanang iskor

na nakuha. Kasama rin dito ang pagkakaroon ng mahigpit na mga alituntunin upang

magkaroon ng kredibilidad sa iskor na makukuha ng mga mag-aaral.


Yugto 3

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang yugto na ito ay nagpapakita ng pamamaraan ng pananaliksik na ginamit sa

pag-aaral na ito. Narito ang disenyo ng pananaliksik, pook ng pananaliksik, populasyon

at teknik ng sampling, instrumento ng pananaliksik, proseso ng pangangalap ng datos

at mga kagamitang istatistikal.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginamit ang paglalarawang pananaliksik upang ipakita

ang mga kasagutan sa mga suliraning itinampok. Ang paraan ng paglalarawan ng

pananaliksik ay isang teknik na nalikha para ipakita ang mga taong kasama sa mas

makatotohanang paraan at payak lamang, kasama na rin ang mga salik na

nakakaapekto sa ginawang pag-aaral. Nirerepresenta nito ang mga datos tungkol sa

natural na paraan at katayuan ng pag-aaral at inilalarawan ang aktwal batay sa mga

baryabol o kondisyon ng isang sitwasyon (Key, 2007).

Ang layunin ng uri ng pananaliksik na ito ay ilarawan ang mga datos at mga

katangian tungkol sa paksang pinag-aaralan. Ito ay karaniwang kwalitatib at kwantitatib

na paglalarawan sa kabuuang katangian ng mga respondante at ibang aspeto na may

kaugnayan sa pag-aaral.
Ang paglalarawang pananaliksik ay karaniwang ginagawa ng mga mananaliksik

upang lubos na maunawaan ang isang paksa. Ito ay isinasakatuparan para malaman

ang pag-unawa ng mga respondante sa online na pagsusulit para sa mga

sekondaryang paaralan.

Pook ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa Bernardo College Las Pinas.

Populasyon at Teknik ng Sampling

Ang respondante o tagasagot sa sinagawang pag-aaral ay 40 mula sa 207 na

mag-aaral ng Baitang 7 ng Bernardo College, A.Y. 2017-2018 at Ang sample ay halos

20% ng kabuuang mag-aaral ng Baitang 7.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pangunahing instrument na ginamit sa pangangalap ng datos ay ang mga

kwestyuner na likha ng mga mananaliksik. Ang mga ito ang naging daan sa mga

respondante para makuha ang kanilang pananaw sa kahalagahan ng online na

pagsusulit.

Bisa ng Kwestyuner
Ang katunayan ng mga kwestyuner ay dumaan sa dalawang yugto: ang unang

yugto ng balangkas ng kwestyuner na ipinasa sa patnugot ng punong-guro at sa isang

istatistik para sa kawastuhan, suwestiyon at rekomendasyon. Ang ikalawang yugto

naman ay nawastong kwestyuner na pinamahalaan ng mga guro na hindi kabilang sa

grupo ng mga tagasagot.

Proseso ng Pagkalap ng Datos

Sa patnubay ng prinsipal sa Departamento ng Hayskul. Nagpamahagi ang mga

mananaliksik ng mga kwestyuner sa mga respondante at kinolekta na ito matapos

sagutan.

Istadistikang Pag-aaral

Ang Bahagdang Paraan(frequency at percentage). Ito ang ginagamit sap ag-

aaral upang mailarawan ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral na respondante

sa pag-aaral na ito.

1. Percentage

pormula:

p=f/n x 100%

bilang: p= percentage
f=frequency

n=bilang ng respondante

2. Weighted Mean.

Tamtamang Bigat (weighted mean) Ito ay isang istadistikal na

kasangkapan upang makuha epekto ng online na pagsusulit sa mga mag-aaral.

pormula:

𝑛
x= ∑ (𝑛𝑘)𝑥
𝑖=1

Kung saan
Wm= weighted mean
N=bilang ng respondante
f/=frequency
/weight(iskor)

Ang sumusunod ay ang Likert Scale na ginamit upang maipaliwanag ang mga
sagot ng mga respondante. Gamit ang tseklist at kwestyuner, makikita ang
mahahalagang aytem na nais malaman ng kasalukuyang mananaliksik.

Ang pamantayang ginamit na may iskala na pagpipilian na ayon sa limang


puntos: 5- lubos na mahalaga, 4-mahalaga, 3-katamtamang mahalaga 2-bahagyang
mahalaga, 1-hindi mahalaga

Iskala Saklaw Paliwanag

5 4.50-5.00 Lubos na mahalaga

4 3.50-4.49 Mahalaga

3 2.50-3.49 Katamtamang Mahalaga


2 1.50-2.49 Bahagyang Mahalaga

1 1.00-1.49 Hindi Mahalaga

Yugto 4

PRESENTASYON, PAG-AANALISA AT INTERPRETASYON NG DATOS

Sa yugto na ito nakapaloob ang iba’t ibang talahanayan na inorganisa mula sa

datos, at mga ginawang pag-aanalisa at mga interpretasyon sa mga pananaliksik na

naglalayon na makuha ang pananaw ng mga mag-aaral at guro mula sa Bernardo

College, isang pribadong paaralan na mayroong sekondaryang lebel na ginanap sa

taong 2017 hanggang 2018. Ang mga sumusunod na mga talahanayan ay ipinakita sa

pagkakasunod-sunod nito upang magkaroon ng kalinawan sa presentasyon ng datos at

pag-aanalisa.

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral sa pagpapangkat ayon sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

TALAHANAYAN 1: Profayl ng mga mag-aaral-tagasagot ayon sa Edad:

Edad Frequency Percentage (%)

11-15 200 100.0


Kabuuan 200 100.0

Pinapakita ng talahanayan na ito ang edad ng mga respondante na mga mag-

aaral. Nakasaad dito na 100% ay binubuo ng 11-15 na taon.

TALAHANAYAN 2: Profayl ng mga mag-aaral-respondante ayon sa Kasarian:

Kasarian Frequency Percentage (%)

Lalaki 86 43.0

Babae 114 57.0

Kabuuan 200 100.0

Ang talahanayan na ito ay profayl ng guro ayon sa kasarian ay ginawa ng mga

respondante. Pinapakita na 43.0% ng mga respondante ay babae, samantalang 57

% ang mga lalaki.


TALAHANAYAN 3: Interpretasyon ng mga mag-aaral sa online na pagsusulit ayon

sa kakayahang magamit.

Indikasyon WM Interpretasyon Rank_

1. Ang online exam ay 4.1 mahalaga 3

nagpapadali o

nagpapagaan ng mga 4.3 mahalaga 2

iba pang gawain.

2. Ang online exam ay

madaling gamitin at

mabilis itong tapusin 4.4 mahalaga 1

dahil sa mayroon itong

itinakdang oras.

3. Ang mga mag-aaral _____________________________________________

ay kinakailangang ___________________

matutunan ang Composite weighted mean 4.2 mahalaga

paggamit ng computer

para sa online exam. Makikita sa Talahanayan 3 na ito na mahalaga sa

mga mag-aaral ang mga salik sa kakayahang magamit ngunit malaki rin ang

kontribusyon ng kaalaman ng mag-aaral sa paggamit ng kompyuter upang mas

mapadali ang paggamit niya sa software system. Ang salik na ito ay ang
pinakamalaki na may weighted mean na ‘4.4’bilang Rank 1, at mayroong

interpretasyon na “mahalaga”. Nakakuha naman ng Rank 2 na may weighted mean

na ‘4.3’ ang salik na madaling gamitin at mabilis tapusin dahil sa pagkakaroon ng

itinakdang oras, at mayroong interpretasyong “mahalaga”. Ang salik na ang online

exam ay nagpapadali o nagpapagaan ng mga iba pang gawain ay nakakuha ng

Rank 3 ay na mzay weighted mean na 4.1, at ang interpretasyon na “mahalaga”.

Sa kabuuan,

TALAHANAYAN 4: Interpretasyon ng mga mag-aaral sa online na pagsusulit ayon

sa epektibong paggamit

Indikasyon WM Interpretasyon Rank_

1. Ang online exam ay


may ganap na
kawastuhan pagdating
sa mga tanong na
sasagutan ng mga
mag-aaral..
2. Ang online exam ay
magagamit lamang ng
mga lihitimong mag-
aaral ng nasabing
paaralan.
3. Ang online exam ay
maari pang ayusin at
paunlarin upang mas
mapadali pa ang
paggamit nito.
4.3 mahalaga 1

4.1 mahalaga 3

4.2 mahalaga 2

_____________________________________________________
Composite weighted mean 4.2 mahalaga

Pinapakita ng Talahanayan 4 ukol sa kakayahang ng epektibong

paggamit, ang salik na ang online exam ay may ganap na kawastuhan pagdating sa

mga tanong na sasagutan ng mga mag-aaral ang nakakuha ng pinakamataas na

weighted mean ‘4.3’ kaya’t ang datos na ito ay Rank 1. Sumunod naman ang salik

na ang online exam ay maari pang ayusin at paunlarin upang mas mapadali pa ang

paggamit nito na may weighted mean na ‘4.2’ at nakakuha ng antas bilang Rank 2.

Pinakahuli ang salik na ang online exam ay magagamit lamang ng mga lihitimong

mag-aaral ng nasabing paaralan na may weighted mean na 4.1 at nakakuha ng

Rank 3.

Sa pangkalahatan,
TALAHANAYAN 5: Interpretasyon ng mga mag-aaral sa online na pagsusulit ayon

sa praktikalidad

_____________________________________________________

Indikasyon WM Interpretasyon Rank_

1. Ang online exam ay

mainam upang mapaikli 4.1 mahalaga 2

ang oras at panahon sa

paggawa ng pagsusulit.

2. Ang online exam ay 4.2 mahalaga 1

epektibo sa panahon sa

kasalukuyan dahil sa

teknolohiya.

3. Ang online ay 3.9 mahalaga 3

praktikal sapagkat

makakatipid ditto, kung

ihahambing sa _____________________________________________

pagprodyus ng mga sipi ________

nito.

Composite weighted mean 4.1

mahalaga
Makikita sa talahanayan 5 na ukol sa praktikalidad ng online na pagsusulit, ang

salik na ang online exam ay epektibo sa panahon sa kasalukuyan dahil sa

teknolohiya ang nakakuha ng weighted mean na ‘4.2’,ang datos na ito ay Rank 1 at

may interpretasyon na “mahalaga.” Sumunod dito ang salik na Ang online exam ay

mainam upang mapaikli ang oras at panahon sa paggawa ng pagsusulit na may

weighted mean na 4.1, antas na Rank 2 at may interpretasyon na “mahalaga”. Huli

ang salik na Ang online ay praktikal sapagkat makakatipid ditto, kung ihahambing sa

pagprodyus ng mga sipi nito ay nagkaroon ng weighted mean 3.9at antas na Rank 3

na may interpretasyon na “mahalaga”.

Sa kabuuan,

TALAHANAYAN6: Pag-unawa ng mga mag-aaral sa online na pagsusulit ayon sa


aksesibiliti
_____________________________________________________
Indikasyon WM Interpretasyon Rank_

1. Ang online 4.2 mahalaga 2


exam ay mabilis
gamitin at 4.5 mahalaga 1
madaling
maunawaan
2. Ang online
exam ay may 4.3 mahalaga 3
panuto na
nagsasaad ng
mga gawain. _______________________________________________
3. Ang online ________________
exam ay Composite weighted mean 4.1 mahalaga
komprehensibo
ayon sa lebel ng Sa datos na pinapakita ng Talahanayan 6, Ang
kaalaman ng isang online exam ay may panuto na nagsasaad ng mga
mag-aaral.
gawainang nakakuha ng weighted mean na ‘4.5’ senyales na ito ay may Rank 1 na

antas at may interpretasyon na”mahalaga”. Pumapangalawa rito ang salik na. Ang

online exam ay komprehensibo ayon sa lebel ng kaalaman ng isang mag-aaral na

may weighted mean na ‘4.3’bilang rank 2, at may interpretasyon na “mahalaga.”

Nasa huli ang salik na Ang online exam ay mabilis gamitin at madaling maunawaan

na may weighted mean na ‘4.2’at may interpretasyon na “mahalaga.”

Sa kabuuan,Malaki ang nakuhang puntos ng online na pagsusulit na nagsasaad

ng panuto, ito ay senyales na madali ang pagsasagot nito kung tunay na susunod

ang mag-aaral sa instraksyon na nakasaad sa pagsusulit.

Rationale
Ang online na pagsusulit ay bahagi na ng pagbabago na nagaganap sa sa

sistema ng edukasyon dito sa bansa nanaaangkop sa paggamit ng teknolohiya sa

makabagong panahon ng modernisasyon. Ito ay isa ng pangangailangan upang

mapadali ang gawain ng isang guro sa paggamit ng alternatibong pagsusulit bilang

istratehiya sa pagkuha ng ebalwasyon.

Mga Layunin:

Pangkalahatan

1. mabigyan ng pagpapahalaga ang pagkuha ng mga mag-aaral sa online na

pagsusulit.

2. maitaas ang antas ng paggawa ng online na pagsusulit.

3.magkaroon ng kamalayan ang institusyon ng edukasyon ukol sa online na

pagsusulit at ang maaari nitong aplikasyon sa kurikulum.

Tiyak

1. matiyak na magkaroon makatotohanang pagtataya sa resulta ng online na

pagsusulit.

2. maiangat ang kredibilidad ng iskor na makukuha ng mga mag-aaral sa online


na pagsusulit
3. mabigyan ng pagpapahalaga ang paggamit ng online na pagsusulit sa paraan
na ito ay magiging isang susi upang maiangat ang sistema ng edukasyon.

YUGTO 5

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon


Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang positibo at negatibong

epekto ng online na pagsusulit sa Baitang 7 ng mga mag-aaral ng Bernardo College

Las Piñas

Buod ng Pangangalap

1. Ang mga mag-aaral ayon sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Ano ang positibong epekto ng online na pagsusulit bilang midyum sa ebalwasyon

batay sa:

2.1 kakayahang magamit;

2.2 epektibong paggamit

2.3 praktikalidad at;

2.4 aksesibiliti;

Konklusyon:

1. Ang mga mag-aaral ayon sa:

1.1 Isandaan (100) o 100% ng mga respondante ay may edad na mula 11 na

taon hanggang 15 taon.

1.2 Limampu’t pito (57) o 57% ng mga respondante ay babae.


2. Ano ang positibong epekto ng online na pagsusulit bilang midyum sa ebalwasyon

batay sa;

2.1 Ang composite weighted mean ng kakayahang magamit ay 4.2 na

mayroong interpretasyon na “mahalaga.”

2.2 Ang composite weighted mean ng epektibong paggamit ay 4.2 na

mayroong interpretasyon na “mahalaga.”

2.3 Ang composite weighted mean ng praktikalidad ay 4.1 na mayroong

interpretasyon na “mahalaga.”

2.4 Ang composite weighted mean ng aksesibiliti ay 4.1 na mayroong

interpretasyon na “mahalaga.”

Rekomendasyon:

1. Mas mainam na mayroong sapat na pagbabantay sa mga mag-aaral na

kumukuha ng online na pagsusulit.

2. Ang mga mag-aaral na kumukuha ng online na pagsusulit ay dapat na may sapat

na oras sa loob ng paaralan upang sila’y mabantayan.

3. Pag-ibayuhin ng guro ang mga panutong ginagamit sa online na pagsususlit

upang hindi maguluhan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.

4. Ipagpatuloy ang paggamit ng online na pagsususlit upang makasabay sa

modernong panahon sa paggamit ng alternatibong pamamaraan sa pagkuha ng

ebalwasyon.
Mrs. Marpovic Orlain
Bernardo College
Oktubre 12, 2017

Mahal na Punong-guro,
Isang Pagbati!
Nais ko pong hilingin ang inyong pahintulot na maisagawa ko na makapagpamahagi ng
aming talatanungan (survey questioner) sa mga mag-aaral ng ikatlong-antas bilang
bahagi ng aming pag-aaral na may pamagat na Epekto ng online na Pagsusulit sa
Sekondaryang Paaralan Baitang7.

Ito po ay bahagi ng pangangailangan upang maisakatuparan ang pagtatamo ng degring


Dalubhasa sa Edukasyon medyor sa Filipino sa kagawaran ng Paaralang panggradwado
sa Bernardo College.

Ang inyo pong pagpapahintulot ay lubos po naming pinasasalamatan at pagpalain po


kayo ng Poong Maykapal!

Lubos na Gumagalang,

Añonuevo Edna C.
Donadillo Daryl R.
Guevarra, Ma. Cristine Z.
De Guzman Jovenz John F.

Dr. Adoracion Altea Paraiso


Tagapatnubay

You might also like